Chapter 44 >>

930 6 8
                                    

CHAPTER 44

Mia: Gab tama na! Lasing ka na e!

Gab: Hindi..ako..la-sing.. Kaya..ko pa.. Waiter! Isa pang bote.

Kevin: Kuya hindi na. Iuuwi na namin siya. Gab, halika na. Lasing ka na.

Inalalayan ng dalawa si Gab papalabas ng bar. Wala na itong nagawa kundi sumunod na lang. Pagdating sa parking lot.

Gab: I..inom pa ko.. Gusto ko pang..uminom.

Mia: Gab ano ba? Ano bang ginagawa mo sa sarili mo?

Gab: B..akit masama bang uminom? G-gusto ko..lang naman..makalimutan ang lahat.. Ang sakit e, iniwan..na ko ng babaeng mahal ko..

Mia: So ganyan ka na lang? Magpapakalasing palagi. Ginagawa mong miserable ang buhay mo e!

Gab: Bakit? Ano..bang dapat? Dapat ba maging masaya ko? Mia iniwan niya ko.. Ni hindi man lang siya nagpaalam sakin.. Basta umalis na lang siya.. Ang saya saya diba?

Mia: Gab, hindi gugustuhin ni Andrea makita kang naggaganyan.. Sana naman maintindihan mo siya kung bakit niya yun ginawa.

Gab: Sana rin maintindihan niya kung bakit ako ganito.. Hindi..ko kaya Mia.. Hindi ko kaya na wala siya..

Umiiyak na sumakay si Gab sa sasakyan habang nakatingin lang sila Mia at Kevin. Naaawa sila sa kaibigan. Kahit anong sabihin at gawin nila, patuloy pa din itong nasasaktan sa pag-alis ni Andrea. Wala silang magawa kundi manatili sa tabi ni Gab dahil alam nilang mas kelangan nito ngayon ng kaibigan.

[ Mia's POV ]

Isang buwan na ang nakakalipas simula ng umalis si Andrea. At isang buwan na din na ganito si Gab. Laging malungkot, naglalasing at palaging mag-isa. Ang laki talaga ng pinagbago niya.

Nagsimula na din ang klase namin. 2nd year college na ko, sila Kevin at Gab parehong 3rd year na. Medyo napapabayaan na nga ni Gab ang pag-aaral niya dahil sobra niyang dinamdam ang pag-alis ni Andrea. Buti na lang nandyan palagi si Kevin para tulungan siya sa studies niya. Most of the time, hindi pumapasok si Gab. Madalang na din siyang sumama samin ni Kevin pag lumalabas kami. Sa school naman pag pumapasok siya, mas gusto niyang mag-isa. Hindi na siya yung Gab na unang nakilala ko. Ibang-iba na talaga.

Ang dami na ding nagbago sa barkada. Bumalik na si Mark sa Amerika, last week siya umalis. Wala na daw kasi siyang dahilan na mag-stay at mag-aral dito. Isa pa okay naman na si Abby. She had fully recovered. Next month makakapasok na siya at excited na ko na makasama siya ulit. Gaya nung dati, hindi nga lang kami kumpleto.

Kevin: Hi babe! Goodmorning!

Mia: Goodmorning. Si Gab kamusta? Papasok daw ba siya ngayon?

Kevin: Di ko alam e babe. Di man kasi siya nagreply sa mga text ko.

Mia: Babe, kausapin mo naman ulit si Gab. Ayain mo, 

labas kamo tayo mamaya. 

Wala naman pasok bukas e. Pilitin mo hanggang pumayag.

Kevin: Babe ilan beses ko na yang ginawa pero wala pa din. Dedma.

Mia: Nakakapanibago. Dati sa school, ang saya-saya natin pero ngayon.. Ang dami na talagang nagbago simula nung umalis si Andrea.

Gab: Mia..

Mia: Oh Gab! Nandito ka na pala. Buti pumasok ka.. May kelangan ka ba?

Gab: Ahh.. Wala naman, may itatanong lang sana ko.

Mia: Ano yun?

Gab: Narinig ko kasi na binanggit mo si Andrea.. Nagka-chat na ba kayo? Kamusta na siya?

Perfect Two [ KrisJoy ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon