Lost and Found

By peachxvision

299K 13.1K 6.4K

He was looking for love when he found something else. She found love while losing something else. More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37

Chapter 22

6.2K 321 220
By peachxvision

Tiningnan ko lang yung bus sa may tapat. Sasakay na ba ako?

"Oy, halika na," sabi ni Eli.

Wait. May hinihintay ako eh, gusto ko sanang sabihin pero hindi ko sinabi. Tumingin lang ako sa paligid pero wala, nada, nothing. Walang Theo sa paligid.

Ang mangyayari kasi, lahat ng latecomers, either didiretso na lang sa place o baka sumabay na lang sila sa isang bus. Nakakainis kasi hindi ko siya makakatabi.

Haha. May balak pala talaga ako e, no?

Nagbuntonghininga ako dahil, ito, sasakay na ako na walang tortang talong na katabi. Naiimagine ko na magfafake sleep ako tapos kunwari mahuhulog yung ulo ko sa kanya—AAAAAH AKO SI KILIG—pero siyempre joke lang dahil masama 'yon.

Pero wala. Wala talaga eh.

Aandar na yung bus. Nagtext ako sa kanya kung makakapunta ba siya o kung late ba siya nagising at ng isang katutak na sad face.

Umandar yung bus na walang sakay na Theo.

Katabi ko yung isa kong kaklase. Eh since may iba naman siyang kausap, sumandal na lang ako sa bintana at pinikit yung mga mata ko. Sobrang aga ko pa man din magising para lang masiguradong di ma-late at ma-enjoy ko tong huling field trip. Pero eto siya, umagang-umaga, sinira na niya ang araw ko.

"Bwisit ka. Paano ka makakabawi?" bulong ko.

Nagshades na lang ako at pumikit. Naririnig ko naman yung nasa paligid ko pero parang half-asleep pa rin ako. Unti-unti akong nakaidlip . . .

Nang may biglang tumapik sa 'kin.

"Papasukan ka na ng langaw, uy. Lapit na tayo."

Doon ko napagtanto na nakanganga ako habang natutulog. Coming from that realization, napadilat ako dahil pamilyar yung boses.

Shoot.

"K-k-kanina ka pa?" tanong ko kay Theo—oo, si Theo—na nasandalan ko na pala. Putek yan, tumulo pa ata laway ko habang natutulog!

"Oo. Sobrang di mo nga namalayan na ako na katabi mo," sagot niya.

"Saan ka sumakay?"

"Dapat didiretso na ako pero tinext ko si Ma'am kung pwedeng isakay ako sa may hypermarket. Iyon, nakahabol naman ako, at naabutan na kita na iba agad ang katabi."

"Kung sana kanina ka pa—"

"So gusto mo nga akong katabi?"

Sinuntok ko siya sa braso.

"Hoy! Buttered husband ako?"

"Buttered talaga?" tanong ko na nakangiti. Hindi ko alam kung saan ako kikiligin eh. Doon sa kakasabi lang niya o doon sa isa pang kakasabi lang niya. Hormones, take it easy.

"Oo. Try mo kaya, buttered tortang talong. Mmm," sabi niya na may mukhang ewan na tingin.

HAHA bwitre. Akala mo ba ma-a-attract ako sa mga paganyan-ganyan mo? Pwes, tama ka.

"Ayoko nga. Kapag may butter, eh di redundant na na may mantika. Mantika na lang," sabi ko.

"Ayaw mo talaga ako ibigay sa iba no?"

"Bakit, papabigay ka?" tanong ko. WOW. The confidence is real.

Ngumiti siya. "Tasha, 1. Theo, 0."

"Ha!"

"Pero ang totoong score talaga sa kin."

"Pinagsasasabi mo?"

"Crush mo ko eh."

Nanlaki yung mata ko at talaga naman yung nganga ko kaya kong kumain ng bus. "Yabang. Feeling mo naman crush na crush kita ano?"

"Eh di kung sinabi mo sa kin noon, malay mo."

"Malay ko ano?"

"Ilang months na tayo pag inamin mo na noon pa."

Wag kikiligin. Wag kikiligin. Wag kikiligin. Ah, shoot. Kinikilig ako. Send help. "Eh ikaw pala talaga tong may gusto sa kin noon pa eh," banat ko.

"May sinabi na ba ako?"

"Kailangan ko ba sabihin eh ramdam ko naman."

"Yan, kaya kayo nasasaktan eh."

"Dahil? Nag-a-assume kami? Neknek mo. Nag-a-assume kami kasi napapakita kayo ng motibo."

"Kahit hindi sinabi? Kasalanan ba namin yon?"

"Siguro. Ewan. Sarap kasi kapag may taong nagkakagusto sa 'yo no? Yung kaya gawin lahat para sa 'yo. Yung kaya mawala para sa 'yo—"

Napatigil ako nang bigla niyang hinawakan yung cheeks ko gamit yung mga palad niya kaya napatigil ako magsalita. Inaalis ko habang sinasabi na nakanguso, "Onyo bo, Shoyo!" translated to Ano ba, Theo! kasi nga hindi ako makapagsalita nang maayos.

"Oo na," sabi niya. Tapos pinakita na naman niya iyong mga mapanlinlang na nakaka-fall na ngiti. "Masarap talaga. Lalo na kapag ikaw."

Wag kiligin version 4.2.

Tinanggal ko sapilitan yung mga kamay niya. "Yaaaaan. Yan tayo eeeee. Taba ng ego mo na, ano?"

Natawa siya. "Alam mo, kaya wala talagang tutumbas sa 'yo eh. Diretso atake. Wala man lang warning."

"Di na uso warning ngayon. Noong dumating ka ba, winarningan mo ko nung may pa-fall moves ka? Wala naman di ba?"

Tawa siya nang tawa. Ako naman, hindi ko alam saang parte ng katawan ko hinugot yung confidence ko. Siguro kasi alam naman na niya at wala naman ng mawawala sa kin. I mean . . . hindi ko alam kung gusto nga ba niya ako.

"So, ano ba, The Orpheus Romeo? Kailan mo sasabihin totoong feelings mo sa kin, ha?"

"Pero alam mo, hinarangan ko kaya lahat ng gusto kang picture-an noong nakanganga ka."

"So mag-tha-thank you ba ako dahil nilipat mo yung topic?"

"Yup," sabi niya at tumayo dahil saktong nasa first venue na kami.

Museum ang first venue namin. Naaalala ko tuloy na sa loob ng tatlong taon na may field trip, kung kani-kanino lang ako sumasama. Ang ending ko lagi, ako mag-isa nanonood ng fireworks.

This year . . . maiiba na.

Napangiti ako.

Magkasama kami ni Theo na nagkukulitan habang nasa museum, doon sa kainan. Parang wala namang nag-iba.

Paasa pa rin siya.

Umaasa pa rin ako.

Pero this time, siguro mas nabunutan ako ng tinik na nagawa ko na yung parte ko at hindi na ako paligaw-ligaw.

Papunta sa last destination, tinutukso kami ng mga kaklase namin.

"Baka naman pagdating sa school, tatlo na kayo," sabi ni Baste.

"Tigilan mo yang joke mo. Di nakakatuwa," komento ni Paul pagkatapos niyang batukan si Baste.

Napangiti ako kay Paul nang sinabi niya yon. Nagulat ako nang biglang pumunta si Theo sa harap ko.

"O, problema mo?" tanong ko nang nagulat akong pumunta siya sa harap. "Selos ka?"

"Ano ba, nakakabasa ka ba ng isip?" sagot ni Theo.

Eh yung kinilig ako na nagselos siya. "Alam mo na ngang ikaw crush ko, ganyan ka pa rin?"

Tumingin siya sa ibang lugar.

Tapos wala siyang nasabi.

Hala.

Bakit ako mas lalong kinilig?

Napatahimik rin ako nang bigla kong na-realize na hindi siya sumagot at biglang ang awkward bigla. Bumilis yung tibok ng puso ko at free admission yung butterfly garden na nasa tiyan ko. Usually kasi, sasagot siya.

Ngayon, bigla siyang natameme.

"Ayan na pala yung bus," sabi ko na lang para mawala yung tension.

Sumakay na kami. Magkatabi pa rin kami at ewan, nag-umpisa yung pakiramdam na parang may tumutusok na karayom sa puso ko.

Nilabas ko na naman yung jacket ko. Siguro mga two hours papuntang Laguna. E hindi pa man din ako nag CR, kaya baka maihi ako.

"Lamigin ka talaga, no?" tanong niya sa kin.

Tumango naman ako. Tinago ko na lang yung mga kamay ko sa loob pa mismo ng sleeves ng jacket ko. Siya naman, bigla niyang tinanggal yung pagkalaki-laki niyang jacket. Medyo silly move yon dahil nakajacket naman ako. Gulat ako nang ang ginawa niya, tinaklob niya yung jacket sa aming dalawa na parang kumot.

"Laki ng jacket mo ah," kunwari di ako kinilig at walang malisya. Normal lang to sabi ng utak ko.

"May purpose yan," saka siya ngumiti. "Para dito."

Gulat na lang ako nang naramdaman ko yung kamay niya na hinahanap yung kamay ko sa ilalim ng sleeves ng jacket ko. Sa dulo, magkahawak kami ng kamay.

"Ano? Okay na? Di lamigin yung kamay ko."

Pork chop mani pop corn naman yung puso kong tatalbog na lang saya. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko na feeling ko nararamdaman niya dahil hawak niya yung kamay ko. JUSKO PAANO BA TO?!

"Hoy, pwede ba? Tayo na ba?"

"Ayaw mo?"

"Baka makita to ng teacher," sabi ko pero di ko binibitawan yung kamay niya. "Baliw."

"Hayaan mo na. Ba malay nila."

Mas lalo kong kinagulat nang bigla siyang sumandal sa may balikat ko. AS IN MGA KAPATID, SUMANDAL SIYA SA MGA BALIKAT KO!

"Ssh, wag ka maingay," sabay pikit ng mga mata niya. "Gisingin mo na lang ako pag andon na tayo."

Hindi ko kinaya yung ligaya na nararamdaman ko. Pumikit ako, nakangiti, at sumandal sa kanya. Alam kong may naglilitrato sa amin sa may harap pero wapakels. Kung ako lang, hihingi pa ako ng kopya ng pictures namin.

Pagdating namin doon, naguluhan ako kung "official" na ba kami dahil sa ginawa niya. Siguro, nasa isip ko. Kahit wala siyang aminin, nararamdaman ko na baka nga tama yung sinabi ni Paul.

Noong una kasama pa namin mga classmates namin. Tapos biglang hindi ko alam kung bakit kami na lang ang pumipila sa rides, kami na lang ang sumusubok sa mga kung ano-anong laro . . .

Kami na lang.

Nakatanggap ako ng text.

Pips, by 1 hr bus na —Eli

"Pila na tayo sa ferris wheel?" sabi niya.

"Ah . . . ano kasi . . . ," sabi ko na nauutal.

Sobrang weird na gusto ko siya umamin sa ferris wheel pero at the same time, pagkakita ko, ayoko na sumakay. Hindi pa kasi ako nakakasakay ever. Nauna kasi yung napanood ko na biglang nagmalfunction yung ferris wheel tapos may namatay.

So wow. Ako lang talaga ang tumatakot sa sarili ko.

Alang-alang sa future ika-po-progress ng pag-ibig namin—yes, I'm claiming it—sumakay pa rin ako. Tutal, all romantic things daw nangyayari sa ferris wheel. Gusto ko lang i-try.

Nga lang, wala pa kami sa tuktok, nanginginig na ako.

"Uy, may problema?" tanong niya sa kin. Ang mangmang, lumapit pa lalo. Feeling ko gumilid yung sinasakyan namin. Napasigaw tuloy ako.

"Tae, tae!" naiiyak kong sinigaw. "Sorry . . . actually . . . first time ko kasing s-s-sumakay—"

"Eh bat ka sumama sa kin?"

"Kasi gusto kita—I mean bwakangna—gusto kong i-i-i-try eh!"

Bigla siyang natawa. Punyemas dahil napaamin na naman ako na wala sa oras at wala sa tamang kondisyon ng katawan ko. At least ngayon, mas romantic na . . . I guess. Nanginginig ako, naiiyak ako, pinagpapawisan nang malamig, nakapikit, at nakayuko ako habang pinipiga ko yung pantalon niya.

"Kaya kita crush eh."

"Buwaya naman Theo eh!" Hindi ako makareact ng maayos. Tipong gusto ko kiligin pero nananaig yung takot. "Mamaya na—shit shit shit! Bakit tumigil?! Nasa tuktok na ba tayo?!"

Tapos bigla kong napagtanto.

Tumingin ako sa kanya.

"Yup."

Tapos ngumiti.

Kaya nga lang umandar na naman. Ano ba to, slow but painful death? Anak ng buwitre. Ibaba niyo na ako!

"Puuuutek! Putek putek putek!" Wala. Nagsisisigaw na lang ako.

"Hanggang kailan ka nakatungo?" tanong niya.

"Hanggang sa makababa tayo!"

"Eh di sige. Sayang. Gusto ko pa naman dito sabihin."

"Ang alin?" tanong ko na pasigaw.

"Eh hindi ka nakatingin sa kin."

"Tae na ha! Siguraduhin mo na kapag tumingin ako sa'yo sasabihin mo agad!"

"Oo na."

Tumingin ako sa kanya, mabilis. And bam, nakangiti siya sa kin.

Walangya! Hindi pa sinabi agad! Eh ang background niya yung buong siyudad lang naman. Feeling ko, mahihimatay na ako dahil sa nararamdaman kong takot at kilig at the same time.

"U-u-umayos ka! Seryoso akong natatakot ako!"

"Isa pa. Di ko mapigilan ngumiti lang."

"Last na! Kapag tumingin ka sa kin at wala kang sinabi, iyon na yon!"

Hinga, buga. Alam kong nasa pinakatuktok na kami dahil ramdam ko yung jelly kong legs na feeling ko unti-unting natutunaw.

At pagtingin ko sa kanya—

"I love you."

Hindi na ulit ako nakatungo ulit.

Ang lapit ng mukha niya eh.

At . . .

Iyon.

Continue Reading

You'll Also Like

159K 1K 8
Claudette Millicent Zamora was insanely in love to the famous cold guy, Tyler Zen Del Fierro. Her highschool life revolved on pursuing him. She thoug...
2M 72.2K 34
(Trope Series # 1) Cerise's younger sister is getting married and she's expected to attend. The logical thing to do was to attend (duh, it's her sis...
179K 11.7K 133
#YChronicles #WabiSabiMM Mayonaka Messages 1 of Y Chronicles, a series collaboration by MNR | cappuchienooo x nayinK x pilosopotasya *** Dahil sa re...
3.5M 150K 16
(Yours Series # 1) Nileen Riviera thought that after getting her degree in medicine, she'd easily check off the next thing on her list-to have a boyf...