It Was Always You

By misslulufats

2.7K 67 14

After five years they meet again. Pipilitin ni Sam na iwasan ang lalakeng dati pinaasa lang siya at nasaktan... More

Chapter 1 Reminiscing
Chapter 2 Five Years Ago
Chapter 3 We Meet Again
Chapter 4 Welcome Back
Chapter 6 Destiny
Chapter 7 Hazel ... or?
Chapter 8 Rescue

Chapter 5 Iniiwasan mo ba ako?

222 7 1
By misslulufats

[Sam P.o.v.]

Nagulat nalang ako kasi binuksan niya ang backseat tapos hinawakan ako. Nag pretend naman ako na natutulog lang ako. Pero pinapawisan talaga ako eh. 

Ang tagal na nung last akong pinawisan dahil ang lapit lapit ni crush sa akin.

Tanong siya ng tanong kung bakit ako pinapawisan tapos humiga nalang ako dun sa backseat, sinipa ko pa siya habang nagpapanggap na tulog.

"Ano baaaaaa..." sinabi ko ng mahinahon.

"Wala ng gasolina eh."

Kala ko nmn kung ano!

Napasitting position ako nang sinabi niya yun sabay sigaw ng "HUH?!" 

"Dito ka nalang muna. Pupunta muna ako doon sa Petron," tinuro niya ang pinakamalapit na gasolinahan sa unahan.

"Eh yun naman pala eh, ang lapit lapit lang bakit hindi mo nalang ideretso ang kotse dun?"

He tapped my head with a smile, and it made me more inis sa kanya. "Di na nga naabutan eh. Dito ka lang ha. Babalik agad ako. Tsaka, pawisan mo yang pawis pa. Para kang galing nag gym eh." Natawa niyang sinabi before umalis, tumakbo dun sa petron.

"Ang panget kasi ng dream ko!" pahabol ko pa, sabay punas sa mga pawis ko.

Mas nakahinga narin ako ng maluwag when he was out of sight na. Kaya lang, naiinis parin talaga ako. Lalo na nung nag ring ang phone niya.

Di ko matiis eh, nasa front seat lang kasi ang phone niya kaya sinilip ko kung sino yung tumawag.

Hazel pala ha. Yung Hazel Savarez mo!

"Nakakainis, " kinuha ko ang bag ko at lumabas sa kotse. Nagpara agad ako ng taxi. "Bahala siya sa buhay niya. Tse." Nang may tumigil na  taxi sa harap ko, sumakay na agad ako.

Bahala siya kung magulat siya na wala na ako.

Para naman maramdaman niya rin yung mapaasa at iniiwan.

Pagdating ko nga sa bahay eh sumigaw talaga ako sa inis!

"URGH! Nakakainis!!!"

"What is your problem?" Nagsalita ang kuya ko na parang si Zohan!

"Eh Kuya kasi, yung crush ko dati! Naiinis ako sa mukha niya grabe urgh! May pa smile smile pa siya," ginaya ko yung smile ni Dave, yung smile na lumalaki ang mata. Yung smile na parang may something. Or yung smile na PA CUTE! " akala niya siguro cute cya tignan dun!" kahit cute naman talaga.

Haaaaay.

The next day, another day another journey! Hmm, second day na ata toh. Gabi kasi kami dumating the other night. So, basically, its been two nights and two days. 5 days more to go, kailangan lang talaga ni Daddy to spend more and more days dito since na bobore na siya dun sa Amerika.

At one week din akong absent sa trabaho ko T___T

Pero I told them naman na babawi ko.

Yun nga lang eh baka magbago ang isip nila tapos pagbalik ko dun, "You're fired" una kong marinig. Naku wag naman sana! Hahah.

Well anyway, this day sinamahan ko sina mommy and daddy and ang mga tita at tito ko pati mga little pamangkins ko sa mall, nag ice skating sila tapos ako nun todo suporta lang! Picture dyan, picture dun.

Ang boring naman. Gusto ko rin mag ice skating pero sige lang, ang importante masaya sila at may photographer sila.

After awhile, pumunta kami sa Luneta Park. I was there again taking pictures of them AGAIN. Syempre, di naman pwedeng wala ako kaya ready the monopod and lemme take a groupfie!

Ilang oras lang napagod din sila, kaya ako nalang ang nag lakad-lakad sinama ko na rin yung mga little pamangkins ko: si Kendra, Abby at Paulo. Ang kulit nga naman nila.

Naghahabulan pa. Sigaw naman ako ng sigaw para tumigil na sila pero ang tigas ng ulo. Mga bata talaga!

"Ms. Tsui?"

May narinig ako.

At first, nag loading ako. Ako ba yun si Ms. Tsui? then later on, baka ako nga! Kaya lumingon ako. And there he was smiling, yung ex-crush ko.

"Uy!!!" nagulat ako. "Kuya Dave, ikaw pala. Ah tama, busy pala ako." About to leave na sana ako, pero hinarangan niya ang daan.

"Iniiwasan mo ba ako?" what an obvious question.

"Di ah!" I denied. "Duh?"

"Para kasing- teka...kaw lang ba mag-isa?" Tanong niya.

"Ha? actually marami kami. My titas titos my parents my pamangkins, Kendra, Abby and Paulo. Bantayan ko lang ang mga bata ha. I need to keep my eyes open to them." Aalis nanaman sana ako but then hinarangan niya nanaman ako. Ano ba yan, parang nagaganahan naman ako dito sa ginagawa naming habulan eh.

"Iniiwasan mo talaga ako noh?" Tanong niya ulit. "Ano bang nagawa ko?"

Natawa ako. "Ikaw ha, sinusundan mo ba ako?"

"Ha? Ikaw? Hindi ah!"

"Eh hindi naman pala eh."

"Hindi nga. Pero ikaw iniiwasan mo talaga ako. San ka nagpunta kahapon? Nag-alala ako ha. Bigla ka nalang nawala!"

"Teka teka, wala ka bang trabaho Dr. Dave Dantes?"

"Syempre meron pero- teka, wag mo ngang iiba ang usapan."

Wala na yata talaga akong way out nito. Kaya naman nakaisip ako ng bright idea! Nag drama ako!

I gasped, as if may nakita akong ginagawa ng mga pamangkin ko. "Kendra stop that! Abby! Paulo!" Sinabi ko yun habang papunta sa kanila, good excuse. Kaya nga lang... nahuli ako ni Dave.

In just a glimpse, I was in his arms na.

[insert song here "Muling Ibalik]

For a moment, it was like a fairytale.

Yung para bang nakikita ko lang sa movies.

Omg yung matagal ko ng pangarap na sana gawin niya ito sa akin.

AAAAAHHHHH!

Di to pwede.

"Ibaba mo nga ako!!!!!!!!" Sigaw ko. "Manyakis!"

"Hoy ikaw! Ibaba mo ang anak ko!" sigaw ng papa ko.

Nagulat kami pareho.

Natameme.

"Uhmaygad. Naku dad, don't worry he's my friend po." Sabi ko, nakangiti ng malaki. "Ibaba mo ako bilis," bulong ko kay Dave. At pareho kaming nagtatawanan.

"Friend? Eh ano yung ginagawa niyo?! Kung makahawak sayo parang jowa mo na!"

"Dad, relax chill. Naglalaro lang po kami. Kunwari, kinidnap niya ako tapos isesave ako nina Kendra, Abby at Paulo!" Sabi ko, making that tulungan-niyo-ako face to the kids.

"Yes sir, sorry po talaga sir. Hindi ko naman po...binabastos ang anak niyo." Takot na ngumiti si Dave, natawa nga ako sa face niya eh. Epic. Haha!

"You dont do that to my daughter!!!!" sigaw ni dad. Naks!

"Sir sir sorry talaga, she forced me." Tinuro naman ako nitong Dave na toh. "I mean, sorry talaga sir. Sorry. Hindi na po mauulit."

"Force pala ha? So kung sabihin ng anak ko na halikan mo siya, gagawin mo?"

We both fell quiet.

Tapos nag eye to eye pa kami.

And we both cleared our throat.

Kiss pala ha. Magnanakaw nga yan ng unang halik kahit na di ko sinabing halikan ako!

Hindi na rin natapos ang pagsisigaw ni Dad kay Dave kasi pinigilan na siya nina Mommy. Kaya ayun, pinahatid na nila sa akin si Dave. Basta wag lang daw ako sumama sa kanya. But then...

"Pwede ko po bang hiramin sandali ang anak niyo?" Tanong niya kay dad, with his eyesmile.

"Yoko nga." Nag react ako ng mahinhin.

"Kahit sandali lang?"

Dad made a curious look at him. "Anong trabaho mo ijo?"

"Uhm.. Doktor po ako."

"Doktor? Wow eh doktor naman pala tong kaibigan mo anak eh! Syempre pwede mong hiramin ang anak ko, basta may utang ka sa akin. Kung kailangan kong magpagamot, ikaw ang gagamot sa akin ng LIBRE! Maliwanag ba yan?"

Tumawa si dad at tinignan si mom. Napasabi pa nga siya, "Ok nmn dba? Parang may dating din. Pwede na rin kay Ella."

Tsk.

"Sige na nga..." looking at it, parang di bet ni mom si Dave. Gusto niya raw kasi si Andrew para sa kin!

Tumawa din itong feeler na si Dave sabay up and down sa ulo niya. Kaya tumawa nalang din ako. Kahit nakakahiya. Baka kung ang pang isipin nitong si Dave.

Sinakay na din niya ako sa kotse niya kahit na nagdadalawang isip ako.

Feel ko kasi, ito naman talaga ang gusto ng puso ko eh. Pilit ko lang talagang iniiwasan. 

Sumakay na din sila Dad sa van at anh kotse ni Dave susunod dito para maihatid ako.

Tingin nga siya ng tingin habang nag dadrive.

"Bakit mo nga ba ako iniiwasan?" tanong nya.

Tumawa ako bigla. "Assumming! Di ah! Actually kasi kahapon, sumakit yung ulo ko kaya ayun di na ako nakapagpaalam. Sumakay nalang ako ng taxi."

"Edi sinabi mo sana para nabilhan kita ng gamot." 

Tumingin naman ako sa kanya. At siya rin. Tapos ngumiti siya tapos he turned on the radio.

"Anong station gusto mo?" tanong niya.

"Station ni Marcelo Santos III." Sagot ko.

"Meron bang ganyan?" Natawa siya at nilipat sa kung saan saang radio station. Then binalik niya dun sa previous song na nalipat niya bigla.

Mas lalo akong na awkward nung narinig ko ang kantang Somewhere Down The Road. Yun yung dating...themesong namin dati.

AT LEAST FOR ME THEME SONG NAMIN YUN!

Huminga ako ng malalim.

"Gusto ko tong version na toh ni Barry." Sabi niya.

"Mas gusto ko yung kay Nina."

"Mas gusto ko ang version ko."

Tumingin ako sa kanya, nakadikit ang kilay.

"Oh bakit?" tanong niya. "Ayaw mo ba nun sa version ko?"

"As if narinig ko na noh?" I rolled my eyes and crossed my arms, echoz! "First sentence lang kaya yung kinanta mo."

"Hahahaha. So naalala mo pa pala?"

"Ay hinde hinde. Ewan ko sayo."

Tapos we both fell silent, nakangiti. Naalala ko kasi yung kumanta siya pero tumigil bigla dahil after nung first words na "We had the right love at the wrong time" natawa nalang ako. Tapos nun, pinilit ko siyang ipatuloy pero ayaw na niya!

Nakaka BV!

Pero namumula nanaman ako!

Kaya naman naubusan kami ng topic eh.

For a few minutes and more minutes. Soundtrip nalang talaga tsaka eye contact!

"May aaminin sana ako." Naging seryoso siya bigla.

Kinabahan ako.

OMG ano ang aaminin niya?!

Aaminin ba niyan gusto niya ako?!

Oh na, bisexual siya?!

Nakita niya ako with my epic OMG expression at sabi niya, "what's with that look? Wala pa nga akong sinasabi parang gulat na gulat ka na."

"Ah eh... ano nga ba?"

"Kasi, kanina, kakaalis ko lang galing work. Nakita kita sakay ng van na yun, binuksan kasi ng bata, yung pamangkin mong lalaki, ang bintana. Nakita kitang pinagalitan mo siya kasi nilabas niya ang kamay niya. Tapos naisipan ko na sundan kayo." Tumingin siya. "Namiss kasi kita, baby girl ko."

"Stop the car." I said FIRMLY.

"Ha? Bakit? Pagagalitan ako ng papa mo pag ibaba kita dyan sa tabi tabi lang. Baka hindi na niya ako pabayaang makipagkita sayo. Mas mamimiss kita lalo nyan." Di pa rin siya tumigil sa pag da-drive. 

"Kanina pa tayo lumagpas ng bahay ko."

Continue Reading