Love Me Back

By ketchupprince

269K 384 7

Si Paolo Ricafort siya ang leader ng pinakasikat na boyband sa Pilipinas, ang Dynamic 4 masungit, at unapproa... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Announcement

Chapter 3

5.4K 62 0
By ketchupprince

Chapter 3







Paolo's  POV

Now I know. Yung babaeng 'yon ay isa din sa mga fans namin. Sabi ko sa isip ko pagkatapos nyang lumabas.

"'Yong babae kanina. You didn't tell anything about her. You know each other pala ha?" Nakangising sambit ni Prince.

"Oo nga! sobrang funny nya. Nakita mo ba 'yong itsura niya kanina? I don't know kung anong reason kung bakit nya yun ginawa nya sa sarili nya. Ang laughtrip talaga!"  Sabi ni Troy.

"Huwag na natin pag-usapan pa 'yong babaeng 'yon. I still remember what she did last night." I said na kumuha ng kanilang atensyon.

"Ano bang nagawa nya? Bakit mukhang ayaw mo sakanya.. she look's so nice naman." Ani Lance.

"You wanna know what did she do? I saw her last night at the back of my car." Paliwanag ko.

"Ano namang ginagawa niya dun?" Si Lance.

"Yun nga ang hindi ko alam eh.." sagot ko.

"May ginawa pa sya. she jump and hug me very tightly. As in super tight. Ang lakas niya grabe, di ko agad natananggal ang pagkayakap niya sa kin."



Nagsipagtawanan silang lahat. Eto na nga ba ang siansabi ko. Pagtatawanan nila  ako.

"Grabe pala yung babaeng yon ha? Medyo weird." Si Troy.

"True that." Sabi ko naman.

"Hindi talaga ako maka get over sa babaeng yun."-Lance

"Baka naman kaya nya 'yon nagawa because she wants to hug you. She did everything para magpapansin sayo."-Prince.

"No..Nag-disguise  na nga ako nang gabing yon."

"Eh siguro iniistalk ka niya?" Kinilabutan ako doon sa sinabi ni Troy.

"Stalker?" Ani Price.

"Bro Ayos naman yung girl ah? She's very damn funny! dapat nga pasalamat ka pa dun dahil isa siya sa mga devoted fan natin.. at lalo na sayo,"

Yeah may point sya. May utang na loob ako sakanya in a way. Pero sana tantanan na niya ko





<Friday>

Eunice's POV

Habang papasok ako ng school. Hindi ko maintindihan ang mga schoolmate ko kung bakit tingin sila ng tingin sa kin.

Pinasadahan ko ng tingin ang paligid.

Lahat ng nakakasalubong ko all their eyes are at me. Medyo kinakabahan na ako. Ano bang ginawa ko?

Pagpasok ko ng room hinigit agad ako ni Angela."Ano bang nangyayari ha? Bakit tingin lahat sila ng tingin sa kin?" Tanong ko na kyuryoso.

"Sit.." Angela murmured.

"Huh?"

"Basta umupo ka muna may sasabihin ako sayo." I got so curious.

"Oh so ano ngang problema bakit ganun nalang kung makatingin sila sa akin?"

"Hindi ba't nasabi mo sa akin kahapon na noong isang gabi nagkita kayo ni Paolo?"

"Oo Bakit?"

"Wag kang mabibigla sa sasabihin ko ha?"

Eh nakakaba nga kapag nagbibitaw ng ganong klasing salita ang mga tao.

"Alam mo bang may nakakita sa inyo non? at kinuhanan kayo ng mga litrato habang nakayakap ka ng mahigpit sakanya?" Automatic na nalaglag ang panga ko. Kabigla-bigla nga.

"What?" Hindi ko makapaniwalang sabi.

"Siguro may paparazzi'ng dumaan na nakakakilala sakanya tapos dumaan sa kalyeng yon. And then nakita niya kayong magkayakap then kinunan kayo ng pictures tapos yun na! kinalat na sa mga social networking sites." Mukhang tama si Anj. Hindi malayong ganun nga ang nangyari.

Hindi pwede 'to. Napakapangit na nga mukhang mas lalo pang masisira ang image ko. At paniguradong kakalat pa ang pangit kong mukha. Sure din ako na ibabash nila ako ng wagas.

Hindi lang pala sa mga social networking sites kumalat pati nadin sa mga news papers.. Instant sikat na ang ginawa kong kahihiyan! Gosh. I hope I can fix this as soon as possible. Ayokong magkoroon ng paninagong hindi magandang image kay Paolo at sa mga kagrupo nya.



Nabasa  ko ang mga masasakit na mga komento. Napaface-palm nalang ako habang nakikiopen ako ng fb dito kay Angela. ang sakit ng mga comments na natanggap ko mula sa mga bashers. Kesyo ang landi ko daw. Makapal ang  mukha, bitch, ambisyosa. tapos binansagan pa nila akong "leech girl."

Grabe sila kung makapang husga. Wala naman talaga silang alam. Mga masyadong judgemental.

"Okay kalang ba bestfriend?" Alalang wika ni Anj.

"Mukha ba akong okay bestfriend?" Sagot ko at napayuko.

"Pabayaan mo nalang ang mga taong ganyan 'wag ka nalang mag paapekto. Hu wag kang malalaslas ha,? masarap ang buhay!" Halos mahampas ko sya dahil doon sa sinabi nya.



"Gaga! Never kong gagawin yun.  pero thank you bestfriend anjan ka lang lagi para sa kin.." I said at yinakap sya.





Paolo's POV

'PAOLO RICAFORT LEADER OF THE MOST FAMOUS BOY GROUP IN THE COUNTRY DYNAMIC4 HUG A ANONYMOUS GIRL PEOPLE CALLED HER LEECH GIRL'

What the hell is this? Yan ang bumungad sa akin na headline.

Paano lumabs ang picture na yan? At bakit kumalat pa? Crap. Hindi  pwede to, kailangan maliwanagan ang media about this  picture.

Bwisit kasing babaeng 'yon. Binigyan nya pa ako ng malaking problema.

Kailangan kong mag-explain sa media at mga tao. Kaya dali-dali kong kinausap iyong company ng dyaryo na nagpublish noon. Magpa-paunlak ako ng interview upang maipaliwanag  ko lahat sakanila. Good thing, ay agad-agad naman silang pumayag.



The problem is anonang sasabihin kong dahilan para matakpan ang kahihiyang ginawa ng babaeng yon? Damn.. Napaka-nuisance.. Paano nalang kapag nalaman ito ni Era? I'm a dead meat. Baka awayin nya ako ng malala. Humanda talaga ang babaeng 'yon sa akin pag nagkita kami ulit.



Eunice's POV



Isinusumpa ko talaga ang araw na to. I swear. Lahat na yata ng mga tao kinaiinisan ako ngayon..

Paglabas ko ng school nagkalat ang mga nakadikit na mga puctures sa pader ng school namin..

Picture naming dalawa ni Paolo habang nakayakap ako ng mahigpit sa kanya. Binansagan pa  talaga akong leech girl dahil lang sa sobrang higpit ng pagkakayakap ko sa kanya? Devoted fan lang kasi ako. 'di ko lang talaga mapigilan ang sarili ko noon kaya ko yon nagawa.

Asar kong pinagta-tanggal iyong mga pictures nang  bigla nalang bumulaga sa harapan ko ang maldita kong classmate na si Jane.

"Did I startled you? You know.. Ang kapal-kapal din ng pagmumukha mo no? at nagawa mo yun kay Paolo?" Bigla niya nalang akong nilusob. Naramdaman ko nalang na sinampal nya ako ng napaka-lakas.

"Para saan yun?" I know naman kung anong ikinagagalit nya pero wala syang karapatang saktan ako.

"Ano para saan? at talagang tinanong mo pa kung para san ha?" Aniya.

Inulit nya pa ang pagsampal sa akin. This meanie b****

"Ano ba! sumosobra kana ha!" Singhal ko sakanya. Napu-punonnarin.

"Ano lalaban ka? dapat lang yan sa malalanding katulad mo, pangit ka na nga. Malandi  at makapal ka pa!" Hinihit niya ang buhok ko.

"Tama na!"

"Kulang pa yan hindi lang yan ang matitikman mo. Sa oras na lumandi ka pa sakanila, kahit sino sakanila akin lang sila. Akin?! naiintindihan mo?"

At hindi pa siya nakuntento, tinulak niya ko ng sobrang lakas, sa sobrang lakas napa upo ako at hindi ko na napigilan ang pag agos ng luha ko.

Nagpatuloy ako sa paghikbi habang naglakad pauwi.



Nagkulong lang ako sa kwarto ko pagkauwing-pagkauwi ko. This day is totally f.cked up. Bakit pa kasi yun kumalat e. Hindi ko na alam ang gagawin.











Kinabukasan ay hindi talaga ako laumabas ng bahay. Magkukulong muna ako hangga't ' di pa naayos ang problemang pinasukan ko. Grinounded muna din ako ni mama. Sinabi niya na mas makakabuti kung di muna ko magpapakita para hindi nila ako pag initan. Kaya jusko nagsisisi talaga ako kung bakit niyakap ko pa si Paolo that time. Tinakip ko ang mukha ko ng unan. Wala akong ginawa kung hindi mag muk-mok ng mag muk-mok buong araw.



Wala pa kong lakas ng loob na gumala ngayon, baka kasi kuyugin ako ng mga madlang people.

Binuksan ko nalang ang TV. Saktong-sakto naman na pagmumukha ko ang bumulaga sa kin.

Nagulat ako nang mag-explain sa media si Paolo. Sinabi niya na wala naman daw yung yakap na iyon. Sinabi niya na dati kaming magkababata. Nakita niya lang daw akong pakalat-kalat mag isa sa daan, kaya siya bumaba tapos sobrang dumb ko daw dahil sa pagkabigla dahil nagayon lang daw kaming nagkitang muli dahil matagal din daw akong nanirahan sa probinsya..

Kahit medyo nakakainis yung palusot niya lusot namn ito. Infairness magaling gumawa ng kwento si Paolo. Para akong nabunutan ng tinik sa din-dib. Nalinawagan din na siguro ang mga tao nito dahil sa explanation niya. Gumaan na bigla ang pakiramdam ko. Salamat  talaga.

Subalit hindi mo parin mawala sa akin na kinakabahan parin ako kay Paolo. What if magkita kami ulit? Paniguradong hindi na sya lalong matutuwa kapag nagkataon. Sa laki ba naman ng problemang naidulot ko.

Ayoko sana na ganito na parang wanted ako sa kanya. pero wala e. May kasalanan naman kasi talaga ako kaya may karapatan sya na kamuhian ako. Pero bahala na kung anung gagawin niya.



Lumabas na ako sa wakas ng kwarto ko.

"Lutas na problema mo anak, nabigla talaga ako dun sa explanation ni Paolo, sinabi niya na kababata ka niya? hindi kaba natutuwa na pag nag kita kayo pwede kayong na talagang mag kaibigan?" As if? Kung alam mo lang ma....

"Hindi ma. Natatakot nga ako baka anong gawin sa kin nun." Sabi ko.

"Ah basta sabihin mo lang kapag may ginawa sayo yun." Singit naman ni kuya Nico.

"Ok.."



Nag-almusal kami at pagkatapos kong kumain bumalik ako sa kwarto ko. Wala naman akong lakad ngayon mabuti pa sigurong kung mag review nalang ako. Ngunit hindi ko pa man matapos basahin ang first page ng libro ko. nagtext bigla ang kaibigan kong si Angela.

Bestfriend tara mall tayo?

Sira ulo ba to. Yayayain  pa talaga akong mag mall? as if naman king may pang mall ako ...

I replied.

Sira kaba! busy akong nag rereview tsaka wala akong pang mall no.

Mabilis naman syang nag-reply.

Ano kaba treat ko ayaw mo? Sasayaw pa naman D4 ngayon. Ipapakita nila ang bagong LAUNCH NA KANTA nila may show sila ngayon.as in ngayon na. Cancel dapat mamayang gabi eh.

What? D4 may mall show ngayon? Hindi pwede kailangan kong makapunta. Hindi ko pwedeng palagpasin ang new dance craze nila.dali dali naman akong nagreply dito sa bestfriend ko.

Me:

Oo na, wait moko pupunta nako, san bang mall yan?





After nyang i-reply ang address wla ng patumpik-tumpik pa't dali-dali akong naligo. Manilis din akong nagbihis at nag-ayos.

Oo nga pala kailangan kong mag disguise ulit para hindi nila ako makilala. Fresh pa kasi ang mga kaganapan kakalabas ko lang sa TV kanina hindi ba? Paniguradong interesado ang mga fans sa akin. So I wear big size jacket tsaka ako sinuot ang isa sa mga cup ni kuya. I tried my best na walang masyadong kitang parte ng mukha ko kaya nag face mask din ako.







Nang nasa mall na ako nagpalinga-linga muna ako. Hinahanapnko kung nasan ang bestfriend ko. Nahirapan akong mahagilap siya. Masyadong maraming  tao dahil nga sa may show ang D4.

tetext ko na sana sya ngunit may humigit sa siko ko. Pag-angat ko ng tingin ay nakita kong siya lang pala.

"Buti dumating ka.. pagdating talaga sa D4 napakabilis mo." Pambungad nyang sabi.

"Alam mo yan.." sagot ko.

"Naka-disguise kana naman?  ka na naman? Pinasadahan nya ako ng tingin.



"Ginawa ko to para hinddi ako makilala ng mga madlang people."



"Hindi ba't nalutas narin naman na ang trouble na ginawa mo? Ang swerte mo nga 'di ba? Ginawa ka niyang kababata sa harap ng mga tao? Edi pwede mo siyang lapitan sa harap ng mga tao." Ayokong gawing advantage iyon. Masyado na akong pasikat for him kapag ginawa ko iyon.

"Sira as if naman kung magagawa ko yun? Mabuti nadin ito. Paano kapag makakilala tapos magtanong tungkol sa friendship namin anong masasagot ko 'di ba?" Saad ko.



"Sabagay.. Tama ka. Anyway, tara na at dumadami na ang mga tao." At ayun nga pumunta na kami dun kung saan gaganapin ang mall show ng D4.

Napa-wow ako napaka-ganda nilang tpagmasdan dito sa bagong single nila. Ang ganda-ganda ng mga steps. For sure at sisikat na naman ito.

Ang ganda nilang tignan..Sabay-sabay sila. Kung paano magsayaw ang mga idol k-pop group ganun na ganun sila. Yung choreo nila ay superb.





Nakisabay kami sa mga indak nilang dalawa ni Anj. Agad din akong tumugil dahil naisip ko na baka may makapansin sa akin.



Ang galing talagang mag-perform ni Paolo. Naka-awang ang bibig ko habang pinagmamasdan sya.





"Yuck. Trash. No originality." May narinig akong bumubulong-bulong na nagpataas ng mga kilay ko.

"So talagang ginagaya nila ang mga steps at kung pano mag project ang mga K-Pop ah? Ang pangit naman ng boses. Wala naman sila sa kalinkingan ng mga 'yon ang babaduy nila bulok .Tss.."

Hindi ko alam kung bakit masyado akong naapektuhan sa pinagsasabi nung narinig ko. Masyado syang bitter kaya nilingunan ko sya. Nawala na sya sa mga dagat ng tao nang tinignan ko sya. Nagpaalam  muna ko kay Angela at hinabol ko yung lecheng lalaking yon!

Nung nalapitan ko na siya hinarapan ko siya at di ako nag atubiling sipain siya ng pag kalakas lakas sa kanyang paa!

"Aray." Sigaw nya. I cannot control my feelings. Alam mo 'yong sobrang napikom ka dahil binabash ng matinfi ang mga iniidolo mo?



Hindi nya agad ako nilingon pero alam ko na labis sayng nasaktan doon sa ginawa ko.



"What was that for? How dare you?" Singhal nya.

"Dare  mo mukha mo! ikaw don't you dare. Ang kapal naman ng mukha mo para sabihin ang mga bagay na yun da D4 ahh-" Napatigil ako saglit ng makilala ko kung sino itong lalaking 'to. Sya si Matthew. Ang leader ng rival group ng D4. What the hell? Kaya pala kung makapag-maasim nalang sya ay wagas.

"Ah so isa ka pala sa mga die-hearted fan ng mga bulok ng grupong 'yon?" Aniya.

"Oo at bakit? 'di ka pa nakuntento dun sa ginawa ko ah? At namlait kapa ulit? Gusto mo bang ulitin ko?" Nandidilim talaga ang paningin ko.

"So ikaw  pala 'yong leader na palaging sumisira sakanila?  kayo ang walang kwentang grupo, kayo ang bulok, pati porma niyo baduy. Lagi din  kayong talo sa ratings diba?" I mocked him. Hindi sya makapaniwala sa mga maaanghang na salita na binitawan ko.



"Tignan mo nga sila pangalan palang mukhanng non-sense. At tsaka bago pa dumating ang pipichuging grupong yan, kami ang panakasikat sa dance ang singing industry!" Pagmamayanang nya? And so? Siguro kaya lang sya bitter dahil nasapawan na sila ng husto.

"Oh see. Inin mo din na dahil sa pagsikat ng D4 kaya kayo nalaos!" Sabi ko.

Akmang napikom na sya. Binigyan ko pa siya ng nakakainis na smirk. at sinipa ko ulit ng malakas ang tuhod niya! sapat na mamalipit muli siya sa sakit. Akala nya uurungan ko sya?

"Humanda ka talaga sa kin bwisit na babae ka magkikita pa tayo!" Sigaw nya nang makalayo na ako.



Iniwan ko syang mag-isa doon. Basta talaga pagdating sa D4 nagiging amazona ako.

And besides sinong tinakot niya? Lechugas na Matthew Lerwick na mukhang anak-araw na yon sa kaputian! Ang lakas ng loob nya  na laitin ang mga idol ko. Eh sila lang naman tong taob.

Pagkatapos ng mall show ng D4 nilibre muna ako ng miryenda ni Angela.

Sa isang sikat na fast food chain kami nagpunta. At pagkatapos naming kumain, pumunta kami sa arcade naglaro. Noong mapagod na kami nag libot libot naman kami sa mall nag window shopping ba.

Diya pala ay may nabili naman kahit papaano ako wala siyempre. Wala  naman akong kapera-pera. Pero binibili ako kanina ng damit ng bestfriend ko, pro I Insist, eh sa kanya na nga lahat ng ginastos namin kanina, tapos ibibili niya pa ba ko? kaya di ko na tinanggap. Pinipilit niya parin ako ngunit ayoko talaga, nakakahiya na kahit bestfriend ko siya.



Kaya nagpalusot nalang ako na mag re restroom muna para takasan siya..



After I pee, naghuga ako ng kamay at nag ayos ng onti, kinuskos ko ng tissue mukha ko, dahil sobrang nagmamantika na ito, pwede ka na ngang mag gisa. Wala naman akong pressed powder para mag re touch kaya yun nalang

Pagkataps kong mag restroom, napadaan ako sa isang jewerly store. Kahit na ganito ako mahilig naman ako sa mga jewerlies. Lalong-lalo na sa mga bracelets at mga necklace.



Pumasok ako. Ang  ginawa ko ayun patingin tingin lang. Wala naman akong pambili. Pilit nga sa pag se sales talk sakin ang mga sales clerk  pero palaging sagot ko, nag cacanvass lang muna ako at nextime ko nalang bibilhin. Kahit sa totoo nyan hindi ko sure kung kailan yung nextime na yon.

Iyon nalang sinabi ko kesa naman sabihin ko sa kanila na nagwiwindow shopping lang ako, eh diba mas nakakahiya yun?

Habang  tumitingin tingin ako sa mga jewerliesdito sa shop, biglang may pumasok na gwapong nilalang, hindi ako nagkakamali si Paolo nga to. Sht. Nagharumentado ako bigla. Ano kayang dapat gawin?



Tumalikod nalaang ako at nagdasal na hindi nya ako makita. Nang makahanap ako ng tyempi para makalabas subalit nabigo ako nahigit nya na ang aking kamay.



"Stop. Aalis ka? Hindi ako makakapayag after ng binigay mong stress sa akin. You troublemaker you need to pay for the damage." Bulalas nya na ikinagulat ko.



"Ah hehe.. sorry kailangan ko na talagang umalis hinahanap nako.." I tried to escape once again. Tinangka kodin na alisin yung kamay nyang nakahawak sa wrist ko ngunit hindi ko nagawa. Ayaw nya akong pakawalan.

"I don't care! just stay.."

Continue Reading

You'll Also Like

10.4M 566K 22
[PUBLISHED under LIB] #1. "If pleading guilty means protecting you, I will."
125M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
3.4M 134K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]
63.3M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!