#makeITsafePH

By PrincessThirteen00

1.1K 151 32

The #makeITsafePH is a campaign by Globe for cybersafety and security. Kindly read and spread to everyone! More

Is It Still Safe Online?
Being "Harmless" Online
Online Care
Keeping Our Guard
Change
Since When?
Making IT Safe
#makeITsafePH Writing Contest

Responsibility in the Online Community

123 14 4
By PrincessThirteen00


Sa pagkakaroon natin ng Freedom of Speech, dito pumapasok ang katanungan kung ginagamit ba natin ang kakayahan at abilidad na ito sa tama at sa mas kapaki-pakinabang na mga bagay. O ginagamit ba natin ito sa mga maling gawain?

Responsibilidad natin ang mga impormasyon na ibinabahagi natin sa mundo. Mapa-selfie natin or larawan ng paborito mong alaga, it exposes us to the internet's world of pros and cons.

Ngunit hindi naman ito masamang gawin. Nakadepende ito kung paano natin hawakan at gamitin ang impormasyon natin at ng iba. Halimbawa, may lindol sa isang parte ng Pilipinas at nangangailangan ng tulong, nag-post ang biktima na nakalagay ang lugar at cellphone number n'ya. This case is not bad at all. So kung kayo, anong gagawin n'yo? Hahayaan n'yo na lamang ba ito kasi may gagawa naman na iba? Ibabahagi mo ba ito sa mas nakakarami upang makuha ang atensyon ng kinauukulan? O paglalaruan mo ang numerong nakalagay at tatawagan ito upang makipagbiruan dahil wala naman sa'yo kung ano ang kasalukuyan nilang kalagayan?

May kaibigan o kamag-anak ka na bang na-bully o bully online? Anong aksyon ang ginawa mo? Did you let them be? Or did you stop them? Naaawa ka at ginagawa pa itong topic sa iba, pero anong kontribusyon mo para mapabuti ang kalagayan ng iba? Marami ang mas pinipili na walang gawin (sa simula) dahil sa natatakot sila na mapasali sa gulo. Pero, the moment na may tao na magiging bibig at paa ng biktima, madami ang nagsasalita para dito. Pero kinakailangan ba lagi na maghintay tayo na may mauuna at may gagawa na iba bago tayo kumilos?

Bukod pa dito, kahit na gawin natin na para sa isang specific group ng mga individuals ang mga posts natin online, napakadali naman nitong i-screenshot, i-crop, at i-post/i-send sa ibang tao. Kaya nakakasiguro ka ba na ang kaibigan mo na kinuwentuhan mo tungkol sa isang napakapribadong bagay ay hindi ito ibinabahagi sa iba?

Sinabi nila sa'yo na wala silang pagsasabihan? You're lucky if they really wouldn't. Lingid sa kaalaman mo, may napagsabihan na 'yan. And this makes it hard for private information to remain private.

May mga cases na rin na nakikipagkaibigan ang isang tao online kahit hindi pa sila nagkikita sa personal. Nago-open up sila sa mga problema at maraming pribadong bagay ang napapag-usapan. Nakakaramdam kasi sila ng pang-unawa at suporta mula sa taong hindi nila personal na kilala (na iba naman sa taong kilala sila). May ibang pinapalad ngunit may ibang nabibiktima sa maling gawain. May iba pa na humihingi ng mga pribadong larawan at mga video at sa huli ay ginagamit na pang-blackmail kapalit ang iba't ibang bagay gaya ng pera).

Hindi naman lahat ay masama at mayroon naman nga na mabuti ang pakay – just to be friends. Pero it's our responsibility kung ano man ang mangyari after tayong magkuwento at magbahagi ng mga pribadong impormasyon sa kanila.

The lesson here is that we need to be careful about what we tell other people. We should be cautious about who we tell our stories because you don't know what tomorrow will bring.    

Continue Reading

You'll Also Like

137M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
357K 13K 44
Rival Series 1 -Completed-
394K 6.1K 23
Sa pagpasok ni Jude sa mansyon ng mga Velasco ay mabubuksan ang mga panibagong sikreto ng nakaraan. Mga hindi pa rin mapigilan na kataksilan at ang p...
170M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...