Reaching You Down (MUST Serie...

By painmetwelve

1M 2K 53

Yung feeling na, ang dami mong gustong bilhin pero wala kang pera. Ang dami mong gustong kainin pero wala kan... More

Reaching You Down (Unedited)
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Writer's Note

Ang simula

29.8K 547 9
By painmetwelve

Simula

Chezalle Annicka "Cheska" Quintosse

"Ms. Quintosse and Ms. Degour, we are sorry to inform you that your scholarship program is no longer in the line for the next semester."

Napahawak ako sa aking noo. I feel like my world collapsed. Hindi ko alam ang gagawin. Alam kong mangyayari ito dahil natalo sa eleksyon ang nagbigay ng scholarship na ito sa amin. Hindi ko lang inasahan na agad-agad. Nasa huling taon na kami at gagraduate na. Tapos... tapos...

"Ma'am wala ba talagang ibang paraan para ipanatili namin ang pag-aaral dito?" naiiyak na tanong ng kaibigan kong si Joreen.

"Iyon ay kung makakahanap pa kayo ng scholarship ngayong araw. Kung bukas, sorry na lang po. Hanggang ngayon na lang ang extension ng enrollment for this semester."

"Saan naman kami makakahanap nang agad-agad na scholarship? Ma'am, sige na o. Kahit ito na lang. We can't afford your tuition fee here. Isa pa, graduating students na kami! Just please consider us!" Joreen said desperately.

"I'm sorry, Ms. Degour. I am only following the order from the head. Sorry."

Naibagsak ko na lang ang aking balikat at malungkot na lumabas ng scholarship office.

"Cheska, transfer na lang tayo. Wala na tayong choice. Hindi natin kaya ang tuition nila dito. Kung ibebenta naman natin ang ating katawan, kulang pa din ang makikita nating pera doon."

No! Walang katawang ibebenta! Why the hell she is thinking that way?

Ibinalik ko ang tingin kay Joreen na siyang pinagsakluban ng langit at lupa katulad ko. Kinuha ko ang kamay niya at hinawakan. Binigyan ko siya ng ngiting pilit at napaiyak siya.

"Ches. Ang sakit nung sinabi nung registrar. Hindi man lang niya dinahan-dahan." I sighed as I watched her sobbing.

She's right. Napaisip din ako. Kahit doblehin ko pa ang pagtatrabaho sa canteen dito, ay kulang pa din iyon na pangbayad sa isang sem. Sa sobrang mahal ng paaralang ito, kumakapit din sa scholarship ang iba para lang makapag-aral dito. Pero kami, kahit anong kapit pa ang gawin namin, wala ding silbi. Dahil mismo ang nagbigay ng scholarship program sa amin ay bumitaw na.

Napatingin ako sa makulimlim na kalangitan na tila naging repleksyon ng aming damdamin. Nasa huling taon na kami sa kursong I.T at isang taon na lang ay matatapos na sana ang paghihirap naming ito.

"We have a choice, Joreen. We have a choice." I said with a little hope in my heart.

Continue Reading

You'll Also Like

2.5K 715 33
Have you experienced to love but only for a short time? Naranasan mo na rin bang magmahal na sa inyong dalawa ikaw lang ang may nararamdaman?? What...
158K 2.8K 81
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
199K 3.8K 22
Alexa hates summer to bits. Lahat na yata ng masasakit na pangyayari sa buhay niya ay nangyari during summer. Summer nang mamatay ang kaniyang nakat...
6K 171 32
In life there are promises we needed to fulfill. Promises that can make us whole. Promises that make us love, trust, hope and live. A promise that a...