Wonted Heat

By Whroxie

3.5M 49.7K 9.7K

Jacko thought he had everlasting love and happiness until when he was left for dead. Now, with his perfect fa... More

Intro Note
Synopsis
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Epilogue

Chapter 2

198K 2.9K 103
By Whroxie

"KELS?" Natigil si Kels sa pag-akyat sa hagdan nang marinig ang boses ng ama. She faced her father and sent him a huge smile. Kipkip ang manggang nababalot ng polo ni Jacko.

"Hi, dad!" The beacon of delight pouring out from Kels was nearly palpable to her father dahil sa kakaibang ekspresyon ng mukha nito.

"You seem happy. Let me guess... did you convince Lacorte already?" Ang malapad na ngiti sa labi ni Kels ay unting-unting nawala.

"Ahm, dad, kasi... hindi ko pa po nasasabi sa kanya pero nagkakausap na po kami. Medyo masungit ang isang 'yon, dad."

"Mayabang kamo. Wala namang ipagyayabang na mukha."

"Dad!" she chided, feeling a bit protective to the man who had shown her kindness kahit papaano.

"Dad, that's not good. Masungit siya pero mabait naman. Mailap lang siya dahil siguro sa itsura niya, but I know deep within he's a good man."

"I don't care if what kind of person he was. All I care is to get what I want from him. His land. At may isang buwan ka para gawin 'yon, Raquel, if you want your freedom. You can do whatever you want once you've done with this."

Naiwan si Kels na nakatayo sa unang baitang ng hagdan nang talikuran na siya ng ama para sagutin ang tawag mula sa telepono nito. Napahaplos si Kels sa noo saka walang ganang pumanhik ng hagdan at tinungo ang silid. Inilapag niya ang manggang nakabalot sa polo ni Jacko sa mesita sa sulok. Tinungo niya ang dresser at naupo roon. Tinitigan niya ang sarili sa salamin.

"Paano ko bang sasabihin kay Jacko ang totoong pakay ko sa kanya?" Sinubukan niyang magpahaging kanina tungkol sa lupa pero mukhang wala talaga itong balak na ibenta ang lupa nito. Wala naman kasi talaga siyang alam sa ganito. Hindi niya alam kung paanong mangumbinsi ng mga prospective investor. Ito ang unang pagkakataon na ma-involve siya sa negosyo ng kanyang ama.

Kels earned a Bachelor's degree in Archictecture just recently. Ang limang taong dapat gugugulin niya sa pag-aaral ay naging pitong taon dahil sa hindi niya pagseryoso sa pag-aaral. In order to be licensed, she must complete a three-year paid internship at hindi niya alam kung kakayanin pa niya iyon. Nakakawalang gana na. She's 24-year-old now pero wala paring direksyon ang buhay niya. Hindi kasi ito ang gusto niya. Ayaw niyang maging architect, ayaw niyang maging interior designer o kahit anong may kinalaman sa negosyo ng kanyang ama pero mapilit ang kanyang ama at wala siyang magawa.

Nagpaalam siya sa kanyang ama na kung maaaring sa London niya na lang ituloy ang internship niya pero ayaw siya nitong payagan. Alam kasi nitong hindi niya gusto ang Architecture and any related in their business. Fine arts ang gusto niyang kuning kurso noon pero nakagalitan lang siya nito. Wala raw mangyayari sa buhay niya kung ipu-pursue niya ang walang kwentang career na gusto niya.

She loves painting. Gusto niyang makilala sa larangan ng pagpipinta balang araw katulad ng kanyang ina pero mukhang malabo iyon dahil ayaw ng kanyang daddy. Sampung taong gulang palang siya ay naghiwalay na ang kanyang mama at papa dahil sa maraming bagay na hindi napapagkasunduan. Napunta siya sa custody ng kanyang daddy at ang kanyang mommy naman ay nagtungo ng London. Dito siya sa San Carlos nagtapos ng gradeschool at ipinagpatuloy ang pag-aaral sa Maynila. Ilang taon na rin siyang hindi umuuwi sa probinsiya nila mula nang tumira sila sa Maynila. Kung hindi lang talaga mahalaga ang ipinapagawa ng kanyang ama; kung hindi lang sana nakasalalay dito ang kinabukasan niya ay hindi siya babalik sa probinsiyang ito.

Nakakainggit ang kanyang mommy. Pinursue nito ang pagpipinta at ngayon ay sikat na ang kanyang ina sa pagpipinta ng mga high-end bags and outfits sa London. Iyon ang painting canvass ng kanyang mommy at gusto niyang maging katulad nito at mangyayari iyon kung magagawa niya ang ipinapagawa ng kanyang daddy; ang kumbinsihin si Jackob Lacorte na ibenta ang lupa sa kanila. Iyon ang naging kasunduan nila ng kanyang ama. Papayagan siyang magtungo sa London para doon mag-intern at para na rin makasama ang kanyang mommy kung makukumbinsi niya ang mailap na si Jackob Lacorte.

Kapag nangyari iyon, magagawa niya roon ang gusto niya, ang pangarap niyang walang pumipigil. Walang sumisita at walang amang nanglalait. And she missed her mother so much. Hindi rin ito nakauwi noong graduation niya dahil sa mga comittment. Ang kanyang mommy ang nagsuhesyon na doon na lang siya mag-intern sa London pero ang kontrabida ng kanyang ama.

She needs to convince Jackob. Ito na lang ang pag-asa niya para makaalis siya sa puder ng kanyang ama. Gagawin niya ang lahat para makumbinsi ito. Nakagawa na siya ng paraan para makalapit kay Jacko at ang kailangan na lang niyang gawin ay kumbinsihin ito na ibenta sa kanila ang lupa.

Kilala niya si Jackob Lacorte. Her father had briefed her already about Jackob Lacorte. Nang lapitan niya ito sa kabisera habang nanonood ng parada ay kilala na niya ito. Hindi niya alam kung paanong appoach ang gagawin niya kaya nagkunwari na lang siyang isa siyang tourist at kunwa'y napagkamalan niya itong nakamaskara. But at least it was effective move dahil nagkaroon siya ng rason para puntahan ito sa bahay nito at magbigay ng peace offering.

"KELS, hija, ikaw pala. Napapadalas ang dalaw mo kay Jacko, ah?" May himig ng panunukso ang boses ni Aling Laura, ang mayordoma ng mansiyon ng Lacorte.

"May ibibigay lang po ako sa kanya." Itinaas niya ang kamay kung saan niya bitbit ang maliit na paperbag na naglalaman ng polo. Nagpabili siya ng polo sa kaibigang si Miles sa Maynila kahapon. Saktong may business trip ito malapit sa San Carlos ngayon kaya nakuha rin niya agad, sinalubong niya ito sa airport kanina. Namantsahan kasi ang polo ni Jacko kaya naisipan niyang palitan na lang.

"Tara sa loob," yaya sa kanya ni Aling Laura. Napasukan nila si Jacko sa sala na palakad-lakad at panay ang sulyap sa relong pambisig. Balisa at parang may hinihintay.

"Kanina pa 'yan ganyang batang 'yan," ani Aling Laura habang patungo sila sa receiving area kung nasaan si Jacko.

"Jacko, may bisita ka." Napatigil si Jacko sa pagpaparo't parito nang kunin ni Aling Laura ang atensiyon nito. Bumakas ang gulat sa mukha nito nang makita si Kels. Kels smiled sweetly at him as she offered a slight wave. Inabot ni Jacko ang batok at marahang pinisil iyon habang pasimple nitong pinasadahan ang kabuan ng dalaga. Nang ibalik nito ang tingin sa kanyang mukha ay mas tinamisan niya ang pagkakangiti lalo nang makita niyang maaliwalas ang mukha nito.

"Nandito ka?" Unti-unti ay nawala ang pagkakangiti niya nang mag-iba ang timpla ng mood nito. Balik sa pagiging masungit.

Lumabi si Kels. "Masungit ka pa rin? Kala ko friends na tayo?" Inabot niya rito ang paper bag sa binata. Inabot iyon ni Jacko at sinilip ang laman.

"Nadagtaan ang polo mo kaya bumili ako ng bago. I hope you'll like it."

"Hindi mo naman kailangan palitan ng bago."

"Thank you will do, Mr. Sungit." Ang maaliwalas na mukha ni Kels ay hindi nabawasan man lang kahit pinapakitaan siya ng pagkadisgusto ni Jacko.

"Salamat," anito sa mababang boses. At least he knows how to say thank you.

"Punta ulit tayo sa burol."

"Ahm... may gagawin pa ako, eh." Hays! Kainis naman. Gusto niya sanang magpunta ulit sa burol. May nakita siyang santol nang papauwi na sila. Gusto niya sanang mamitas.

"Naku, Jacko, kung ano man 'yang gagawin mo, e, mas maiging ipagpaliban mo na lang muna. Nakakahiya naman kay Kels. Sinadya ka rito at dinalhan ng pasalubong tapos tatanggihan mo lang."

"Kaya nga po." Pinalungkot niya ang kanyang mukha.

"Nakakahiya kay Kels. Sige na, ipasyal mo na siya," pamimilit ni Aling Laura. Isang buntong-hininga ang pinakawalan nito bago inabot kay Aling Laura ang paper bag.

"Tara," masungit nitong sabi at nilagpasan sila. Namimilog ang mata ni Kels na napatingin kay Aling Laura.

"Pumayag siya, Aling Laura." Naghawak ng kamay ang dalawa at sabay na naglulundag sa tuwa. Kahit hirap sa paglundag dahil medyo matanda na ang babae at medyo may katabaan ay sinabayan nito si Kels.

"Tara na!" Sabay na bumungisngis ang dalawa nang marinig ang iritadong boses ni Jacko.

"Pagpasensiyahan mo na si Jacko. Hindi ko alam kung bakit ang sungit sa 'yo niyan gayong napakabait na bata niyan sa lahat. Allergic siguro sa maganda." Bumungisngis si Aling Laura.

"Sige na, sige na at baka magbago pa ang isip," taboy ng matanda sa kanya.

"Sige po." Patakbo siyang sumunod kay Jacko. Nakakunot-noo pa rin ito. Pero dedma si Kels sa kasungitan ng binata. Humawak siya braso nito at matamis itong nginitian nang mas lalo nitong pinagdikit ang makakapal na kilay habang nakayuko sa kanya. Hanggang balikat siya ng lalaki. Siguro six footer ito. 5' 5" ang kanyang height kaya 'di naman siya mukhang unano kapag katabi ito. Saka madaya ang height ng babae. Mas matangkad tingnan.

"Let's go. Mamitas naman tayo ng santol. May nakita ako kahapon nang pauwi na tayo." Hinila niya ito patungo sa labas. Naroon na rin sa labas ng mansiyon ang kulay chestnut na kabayo ni Jacko. Bumitaw siya sa pagkakahawak sa binata at tinakbo ang kabayo.

"Hello, Dark!" Pagkausap niya sa kabayo at hinaplos ang makintab nitong balahibo.

"Dark?" Matamis na ngumiti si Kels kay Jacko.

"Can I call him Dark? Sabi mo walang pangalan ang kabayo mo. So I will name him Dark. Maganda 'di ba?" Umiling lang ito at lumapit sa kanya.

"Wala ka bang matinong damit?" Niyuko ni Kels ang sarili. Matino naman ang damit niya, ah? She's wearing a dark denim jeans and and a white off shoulder croptop with a deep neckline that showed off a hint of cleavage.

"Naka-heels ka pa tapos gusto mong magpunta ng burol?"

"I had met a friend before I went here. Hindi na ako nakapagpalit pa. Excited akong makita ka, eh." Bahagyang umawang ang labi ni Kels nang makita ang biglang pamumula ng pisngi ni Jacko. Hindi iyon naikubli ng kayumangging balat nito. Ang masungit nitong ekspresyon ay bigla ring nag-iba. Agad itong nag-iwas ng tingin. Naapektuhan ba ito sa sinabi niya? Kinilig? Aw! He's so cute.

"Sumakay ka na." Pero ang boses ay yamot pa rin. Bigla na lang siyang hinila ni Jacko, at dahil mataas ang heels ng sapatos ay nawalan siya ng balanse dahilan para sumubsob ang katawan niya sa katawan ng binata.

Kels wants to moan as his masculine scent tickled her nostrils. Ang bango ng amoy nito at ang sarap magsumiksik lang sa katawan nito. Nkaka-turn on ang lalaking mabango. Inilapit ni Kels ang mukha sa dibdib ni Jacko para mas masamyo ang mabangong amoy nito pero bigla na lang siya nitong binuhat at isinampa sa kabayo.

"Grabe ka na, Mr. Sungit, ah! Pabigla-bigla ka!" Sumampa ito sa kabayo at agad na pinatakbo iyon. Mahigpit na yumakap si Kels sa katawan ng binata. Hindi niya mapigilan ang pagguhit ng ngiti sa labi. Ang sarap sa pakiramdam kapag nasa mga bisig siya ni Jacko. Being encased in his strong arms made her feel safe and comfortable but stirred a place inside her she hadn't known existed. She couldn't explain it. Basta gusto niya ang pakiramdam.

PINAMITAS siya ni Jacko ng santol. Sa pagkakataon na ito ay may dala na itong isang eco-bag na parang pinaghandaan ang pagpunta nila rito. Halos mapuno ang medium-sized eco-bag ng santol. Muli silang umupo sa ilalim ng puno ng Mahogany at doon ay pinapak ang prutas. Tinuruan siya ni Jacko kung paanong biyakin ang santol. Ikukulong sa dalawang kamay at iipitin sa pagitan ng hita at mapwersang i-squeeze then mabibiyak na iyon.

"This is so sweet and juicy. Ghad! Ang sarap tumira dito sa land mo. Lots of fruits and vegetables," ani Kels habang walang kasawa-sawang sinisipsip ang makatas at matamis na buto ng santol. Si Jacko sumuko na. Kaunti lang ang kinain.

"Baka sumakit na ang tiyan mo niyan. Mauubos mo na, oh."

Bumungisngis lang siya. "I'm not matakaw, ah? Masarap lang talaga."

"Hindi naman halata."

"Ahm, Jacko. Can I ask you something?" He just stared at her, waiting for her next word.

"How old were you when you had your first kiss?" Ipinikit nito ang mata matapos isandal ang likod ng ulo sa katawan ng puno. Dedma sa tanong niya. Pero dahil makulit si Kels at gusto niyang may mapag-usapan man lang sila ay siya na lang ang nagkwento ng tungkol sa first kiss niya.

"I have my first kiss when I was seven." Nagmulat si Jacko at muli siyang binalingan. Hindi makapaniwala ang ekspresyon nito kaya natawa si Kels.

"Ninakawan kasi ako ng halik. But I had my second kiss when I was fifteen on prom night... and guess what? The man who gave me the real kiss is the same man who stole my first kiss." Muli siyang dumukot ng santol sa eco-bag at biniyak iyon. Kinain ang isang buto niyon.

"Ikaw naman ang magkwento." She nudged him nang hindi ito magsalita.

"Wala akong iku-kwento."

"Your first kiss."

"Wala nga."

"Ang damot naman nito. Sige na!" pangungulit ni Kels.

"Kels, wala nga. Sino naman ang babaeng maglalakas ng loob na halikan ako. Kahit pa yata magbigay ako ng malaking halaga walang papatol."

"Oh, so you mean you are still a virgin?" Namimilog ang matang tanong ni Kels. Jusko! Wala pa siyang nakikilalang lalaking walang karanasan sa ganitong edad.

"Ilang taon ka nga? 27 'di ba? Sa mga club hindi mo ba nasubukang magpunta? Maraming babae sa ganoong lugar na nagbibigay ng service."

Humugot ng malalim na hininga si Jacko habang matamang nakatitig kay Kels. Hindi alam kung magku-kwento ba o mananahimik na lang. Pagkatapos ng ilang sandaling pagtitig sa dalaga ay umiling si Jacko.

"Sinubukan ko... pero walang gustong pumatol. Okay na ba? Masaya ka na?"

Oh, na-offend niya yata. Muling isinandal ni Jacko ang likod ng ulo sa puno. Kapansin-pansin ang pagtiim ng mukha nito. Sunod-sunod na humugot ng malalim hininga bago ipinikit ang mata. Parang may na-sense siyang pain at galit mula kay Jacko.

Tinitigan ni Kels ang santol na kinakain bago iyon itinapon sa isang plastic na pinaglagyan niya ng mga balat. Iniluwa na rin niya ang buto. Nawalan siya ng gana. Sira na nga ang mood nito lalo pa niyang sinira.

Tinitigan ni Kels si Jacko. Bigla ay nakaramdam siya ng awa para sa lalaki. Pinahid ni Kels ang kamay sa pantalon. Lumuhod siya sa tagiliran ni Jacko at sinuri ang mukha nito. Hinahawi ng hangin ang buhok nitong nakatabing sa bahaging sirang mukha nito. The right side of his face was distorted. Napaano kaya ang mukha nito? Para kasi iyong binuhusan ng asido. Sirang-sira ang kalahati ng mukha nito. Ang dulo ng kabilang mata ay nagdikit, bahagya ring naapektuhan ang kalahating bahagi ng ilong nito pero ang bibig ay hindi naapektuhan.

Kung pagbabasehan ang kaliwang bahagi ng mukha ni Jacko ay masasabi niyang magandang lalaki ito. Matangos ang ilong, ang kabilang mata nito ay maganda at ang labi. Mapupula iyon. Pero kawawa naman ito. Never been kissed, never been touched. Kung sa isang babae ay hindi iyon kawalan iba sa lalaki, sigurado nakaka-frustrate iyon.

Ano kaya kung halikan niya ito? Kawawa naman kung mamamatay itong kahit halik man lang hindi nakakatikim. He will go to the grave without ever experiencing the beauties of sex at kahit halik ay hindi man lang nito mararanasan. Poor man. Tama. Ibibigay niya ang first kiss na ipinagkait dito. Hindi naman iyon kawalan. It was just a kiss. She had kissed a lot of guys for fun. Why not doing it for a good cause, right?

Inabot ni Kels ang mukha ni Jacko at buong suyong hinaplos iyon. Inilapit niya ang sarili sa lalaki. Nagmulat si Jacko. She sent him a small, genuine smile.

"Can I kiss you, Jacko?" Umawang ang labi ni Jacko at mula sa kanyang mata ay dumako ang tingin nito sa kanyang labi. Kels bit her lower lip.

"Let me kiss you." With that she leaned in and pressed her lips on his. As soon as their lips connected Kels' eyelids are drooping. His lips were soft, warm and felt overwhelmingly sweet to her senses. She couldn't help but close her eyes. She started moving her lips. He took his lower lip between her lips and gave it a playful nibble. Kels smiled at herself. Mukha ngang walang karanasan ang lalaking ito. Nanigas na ito sa kinauupuan at hindi man lang gumalaw ang labi.

Unti-unting nagmulat ng mata si Kels. Gusto niyang matawa nang mabungaran ang nanglalaking mata ni Jacko. Shock. Dahil sa cute na reaksiyon nito ay mas lalong inatake ng kapilyahan si Kels. Dahil medyo nakaawang ang labi ni Jacko ay malaya niyang naipasok ang dila sa bibig nito na lalong ikinalaki ng mata nito.

Kels couldn't contain her chuckle at the astonishment on his face. Nagpasya siyang putulin ang halik na iyon at baka himatayin pa ito pero ang kanyang mukha ay nanatiling malapit sa mukha nito.

"How does a first kiss feel?" Tuluyang natawa si Kels nang tila nanigas na talaga ito sa kinauupuan. Daig pa ang naiputan ng Ibong Adarna at naging bato. Ipinatong ni Kels ang dalawang palad sa sariling mga hita.

"You are so cute, Jacko. Wala ka pa nga talagang karanasan. But you know what I'm a bit disappointed. The art of kissing requires much practice to achieve perfection, but it comes naturally to humans. That's why we do it. Even toddlers know how to kiss, kaya dapat kahit paano ay marunong ka naman gumanti sa halik ko. Ang tuod mo, Jacko. Para kang bato. Walang emosyon. Paano nga namang mahuhumaling sa 'yo ang isang babaeng hahalikan— hmm!"

Naputol ang pagsesermon ni Kels sa lalaki nang bigla na lang siya nitong kabigin. The next thing she knew, their lips locked and Jacko is giving her a decent yet satisfying kiss, leaving her wanting more. Oh, god! He's a good kisser! Kels moaned as Jacko's tongue probing deep into the hot recess of her mouth, seeking out a richer taste of her. His tongue brushed the roof of her mouth, sending a shiver down her spine. Napayakap siya sa leeg ni Jacko at halos nakadagan na ang kanyang katawan sa katawan ng binata. Nakapaikot ang isang braso ni Jacko sa kanyang katawan habang ang isang kamay ay nasa likod ng ulo ni Kels.

She responded passionately, returning his kiss eagerly. Just when she thought she was about to melt in his arms, Jacko abandoned her lips, left her out of breath. Kels opened her eyes. She could hear herself panting; feel her heart thudding beneath her breasts. She was no stranger to this sort of heavy breathing. She was aroused. Oh, God! Jacko got her hot.

"Tama ka. Kissing comes out naturally," he said. He was gasping, too.

"And I could tell that you were born good kisser or maybe good lover. Who knows?" Ang papuring iyon ni Kels kay Jacko ay nagpaaliwalas sa mukha nito.

Continue Reading

You'll Also Like

793K 16.1K 18
Mitzi Sao is a stubborn and willful heiress. She does whatever she wants without even thinking of the consequences that may happ...
95.8K 3.9K 26
Some of our best battles are those fought in bed...
8.8K 207 13
"Why do you think moving on is so hard?" "Because it is hard to accept that you're not just going to let go of the past, but also the future you w...
24.4M 711K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...