Zombie Apocalypse - 2012

By obelisk_0007

98K 2.3K 679

What happens if a zombie outbreak occurs in the Philippines? More

Zombie Apocalypse - 2012
Prologue
Chapter 1 : Hospital Of The Living DEAD
Chapter 2 : DEAD Men Walking
Special Chapter: What happened at the Hospital Of The Living DEAD...
Chapter 4 : Saved From The DEAD
Chapter 5 : DEAD At The Gates
Chapter 6 : Rose Versus The DEAD
Chapter 7: DEAD On The Street (1st Part)
Chapter 7: DEAD On The Street (2nd Part)
Chapter 8: Sacrifice To The DEAD
Chapter 9: The Slayers Of The DEAD
Chapter 10: Goodbye To The DEAD
Chapter 11: DEAD In The House
Chapter 12: DEAD Assault
Special Chapter: DAEVA Database #1
Special Chapter: DAEVA Database #2
Zombie Survival sneak peek!
Special Chapter: DAEVA Database #3
Chapter 13: The New Kind Of DEAD
Chapter 14: DEAD Brother
Chapter 15: One-on-DEAD
Chapter 16 : The DEAD Rose

Chapter 3 : The DEAD Fight Back

4.6K 156 36
By obelisk_0007

Disclaimer: Armscor is a real shooting range featured in the last chapter. I do not own Armscor or any of its affiliates.

 A/N: Sana magcomment mga readers atsaka magvote kapag nagustuhan nila na nagupdate ako hehehe nagpaparinig lang dyan sa mga readers...

Chapter 3 : The DEAD Fight Back

Humahangos na tumatakbo si Zack habang hawak hawak ang kamay ng kanyang kasintahan. Dumungaw siya sa gilid ng railing, at nakita niyang bumubuhos papasok ang sangkatutak na mga gumagalaw na mga bangkay…mga zombie…

“Nina, dito!” sabay hatak sa kamay ng dalaga. Sumunod naman ng walang angal ito sa nobyong natataranta na. Nahiwalay sila kay Andrew kanina ng biglang nabasag ang salamin malapit sa Sky Garden at nagsipasok ang mga zombie. Muntik nang hablutin sa Andrew, pero maliksi itong nakaiwas sa mga kamay ng mga halimaw.

“Mauna na kayo, susunod na lang ako!” sigaw sa kanya ng bestfriend niya. Ito ang huling bagay na narinig niya mula sa kaibigan,

“Ands...siguraduhin mo lang na buhay ka...” bulong niya sa sarili habang taimtim na hinihiling na ligtas ang kaibigan.

“Ahhhh!” sabay hampas ni Andrew sa mga zombie na pilit na humahabol sa kanya. Napasok na siya sa isang kilalang hardware store, at inihahampas sa mga zombie ang lahat ng mahagilap ng kanyang kamay.

“Crap, kailangan kong makaalis dito! Hahanapin ko pa sina Zack!” sabi niya sa sarili habang naghahanap ng matibay na panlaban sa mga zombie. Alam niyang kailangan na niyang lisanin ang hardware store, dahil mahirap na kapag nakulong ka at napalibutan ng mga zombie. Pinadaanan niya ng tingin ang tindahan, naghahanap ng maganda at epektibong armas pang depensa sa sarili. Kung may baril lang sana dito, isip ni Zack...

“Eto!” sabay dampot ng isang mahabang bakal. “Pwede na siguro to...” sabi ni Andrew ng biglang lundagin ng isang zombie ang itaas ng cabinet na lalagyanan ng mga paninda. “AHHHH!!!” sigaw ni Andrew. Walang alinlangan niyang itinusok ang bakal sa ulo nito.

Hindi ako pumapatay, hindi ako pumapatay, patay na sila, patay na sila... Paulit ulit ni Andrew sa loob ng kanyang utak. Kailangan niyang gawin iyon...kailangan niyang gawin iyon para makumbinsi niya ang sarili niya at para hindi siya mawala sa katinuan...

Habang naghihirap ang kanyang pinaka matalik na kaibigan para hindi siya masiraan ng isip, tahimik namang nagtatago si Zack sa ilalim ng isang countertop. Napasok sila sa isang restaurant, at mabilis na nagtago sa ilalim ng counter. Pigil hininga sila...dahil alam nilang dalawa ni Nina na hindi lang sila ang nandun sa loob ng kusina.

Umungol ng malakas ang zombie habang hinahanap ang dalawang taong alam niyang pumasok sa abandonadong kusina. Si Nina naman, nagpipigil na ng kanyang mga luha. Takot na takot ang dalaga. Napatingin siya sa kanyang nobyo na halatang takot din. Nakita naman ito ni Zack, at hinigpitan ang niya ang kanyang hawak sa mga kamay ni Nina.

“Tu...Tumakbo ka na...” bulong niya sa kanyang girlfriend. Napatigil sa pagiyak ang dalaga at napatingin ito sa kanya. “Ako na bahala, basta hanapin mo si Andrew, siya na ang bahala sayo...at sabihin mo sa kanya...wag...magkikita pa kami.” sabi niya sa kasintahan. Hinigpitan ni Nina ang hawak sa kamay ni Zack habang umiiling.

“Mas mabuti na ang makatakas ka kesa naman pareho tayong matapos dito.” Sabi niya tapos lumabas na siya sa pinagtataguan. “Hoy!” sigaw nito. Agad agad siyang sinugod ng zombie. Tumakbo naman si Zack sa kabila ng mga kalan, habang nasa kabilang dulo naman ang zombie. “Nina, tumakbo ka na!” sigaw niya sa nobya. Lumabas ang nobya, at tiningnan si Zack habang dahan dahang tumutulo ang luha pababa sa pisngi. Nginitian lang siya ni Zack at nag mouth ng “I love you”. Ibinalik naman ito ni Nina, at sa huling tingin, tumalikod na ito.

Tumatakbo si Andrew, desperadong mahanap ang kanyang kaibigan. “Zack!” sigaw niya. Wala na siyang pakielam kung habuling siya ng mga zombie. Nalagpasan na niya ang punto na nagaalinlangan pa siyang patayin ang mga halimaw na hugis tao. Hindi na sila tao. Mga halimaw na sila. Ang mga malalakas lang ang mabubuhay sa mga panahon na ito, at hindi ko kayang maging mahina ngayon, lalong lalo nang nahiwalay sa akin ang bestfriend ko... Isip isip ni Andrew. Naluluha na siya. Nagaalala talaga siya ngayon.

“HA!” sigaw niyang habang tinutuhog ang mga zombie. “ZACK! NINA! NASAAN KAYO?!” sigaw niya. Tumaas ang mga ulo ng zombie, tila hinahanap kung sino ang sumigaw. Nagpatuloy lang sa pakikipaglaban si Andrew, ng bigla niyang marinig ang isang pamilyar na sigaw.

“ANDREW! ANDREW!” sigaw ni Nina. Nilingon ito ni Andrew, at nakita niyang pinalilibutan na ng zombie ang nobya ng kaibigan. Nagmamadali itong tumakbo, at palundag nitong tinuhog ang tatlong zombie na nagkainteres kay Nina.

“Andrew...Andrew, sundan mo ako...please, si Zack...” Nang marinig ni Andrew iyon, hindi na niya alam ang gagawin. Pinauna niya si Nina, at tumakbo sila pabalik sa restaurant.

“Ikaw na lang at ako ngayon...” sabi ni Zack habang nakikipagikutan sa zombie. “Kayang kaya kita...kailangan ko pang balikan at protektahan ang girlfriend ko...” sabi niya ulit, parang naiintindihan siya ng kausap niya. Umungol lang ito at hinabol siya. Umikot naman si Zack sa kalan. Nagiikutan lang silang dalawa, ng biglang may isa pang pumasok na zombie mula sa pintuan na nasa bandang likuran niya.

“Ohh shi-” sabi niya, pero hindi na niya natapos pa ang sasabihin ng biglang pumasok si Andrew. “Zack!” sabay tuhog sa zombie na nasa harapan ng kalan. Si Zack naman, kumuha ng jelly roll pan at inihampas ito sa ulo ng zombie. “What the...?” sabi niya nang parang hindi tablan ang zombie sa ginawa niya.

“AHHHH Ands!” sigaw niya ng sugurin siya ng zombie. Sinasangga niya ang mukha ng zombie gamit ang jelly roll pan, pero hindi siya makagalaw sa takot na makagat siya nito. Dali dali namang pumunta sa rescue ng kanyang bestfriend si Andrew. Tinusok nito ang zombie sa ulo, at hindi na ito gumalaw pa.

Hinihingal na sinapo ni Zack ang kanyang dibdib. “Pre okay ka lang?” natatawang tanong ni Andrew sa kaibigan. “Muntik na ako dun ah...” sabi niya. Naluluha naman siyang niyakap ng kanyang girlfriend.

“Mukhang natutuluyan sila kapag sa utak pinatatamaan ah.” Pagobserba ni Andrew. “Napansin ko lang habang nakikipaglaban. Hindi kasi sila tinatablan kapag sa ibang parte ko sila pinatatamaan eh. Kapag sa ulo naman...well, tingnan mo na lang.” Sabi niya habang sinisipa yung ulo ng zombie.

“Pare naman...tao din yan, wag mong sipain.” Sabi ni Zack sa kaibigan.

“Hindi pre...hindi na sila tao. Tao sila dati, pero halimaw na sila ngayon. Walang tao ang kakain sa kapwa niya tao. Yan...” sabi niya habang sinisipa ang zombie. “...hindi na yan tao. Wala na ang pagkatao niyan. Tayo ang tao. Tayo ang kailangang mabuhay at makaalis dito sa tila-impyerno na lugar na to.”

Natawa naman si Zack habang nakasandal sa countertop. “Ngayon ko lang naalala, SM North nga pala to.” Sabi niya habang hinahalungkat ang ref ng restaurant. Kumuha siya ng bottled water at ininom ito. Si Andrew naman, naghalungkat ng gamit.

“Ano ginagawa mo dyan?” tanong niya kay Andrew. “Kung lahat ng lugar, parang ganito, kailangan natin magimbak ng mga kailangan.” Sabi ni Andrew. Kumuha siya ng bag mula sa isang drawer. “Sakto, may bag dito sa drawer. Naiwan siguro ng empleyado...” sabi niya tapos lumapit sa ref. Nilimas niya lahat ng pagkain sa loob at inihulog itong lahat sa loob ng bag.

“Diba pagnanakaw ang gagawin natin?” tanong ni Nina. Nilingon siya ni Andrew at sinabing, “Hindi na siguro. Wala nang makikinabang nito kasi wala na ang mga mayari ng restaurant na to. Mas mabuti nang pakinabangan natin to kaysa mabulok lang dito. Sayang naman diba?” sabi niya tapos itinali ang bag. “Ngayon, ang problema na lang ay kung paano tayo makakaalis sa lugar na to...”

Tila isang sagot sa katanungan ni Andrew, nakarinig siya ng putok ng mga baril.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


Sino ang pwedeng magsuggest ng bagong title ng story na ito? Dapat pa bang palitan? Comment! hahaha Ipagpapatuloy pa ba?

At kung makikita niyo ang cast, sino pwedeng magprovide ng mga picture with their names on it?

hahaha kung sino lang naman ang may gusto, wala akong pinipilit.

-Lemuel

Continue Reading