Only Hope

By summerheartbreak143

3.5K 194 98

More

Only Hope
CHAPTER ONE: HOPELESS!!
CHAPTER TWO: DEAL!!!
CHAPTER THREE: Agaw Eksena sa MCDO!! xD
CHAPTER FOUR: Start of Pretending
CHAPTER FIVE: Sweet Revenge
CHAPTER SIX: AWKWARD??
CHAPTER SEVEN: Siguro nga... TAMA SYA!!
CHAPTER EIGHT: ROVESCA
CHAPTER NINE: ANO?!?
CHAPTER TEN: TRUTH!!
CHAPTER ELEVEN: my only hope ang strength=TROY
CHAPTER TWELVE: i love you...sabay TAKBO
CHAPTER THIRTEEN: ANYAREH?!?
CHAPTER FIFTEEN: New Circle of Friends
CHAPTER SIXTEEN: EX versus NEW
CHAPTER SEVENTEEN: The Beginning (ONLY HOPE)
CHAPTER EIGHTEEN: hawak kamay

CHAPTER FOURTEEN: LONG LOST.... WHAT?!?!

121 6 5
By summerheartbreak143

KYAHHH.. here’s my update.. salamat sa mga nagbabasa ng story na to. Kahit matagal ang updates ko.. may mga nagbabasa parin.. DEDICATED po ito doon sa unang nagcomment noong last chapter.. ^_^

So.. ito na nga po..

ENJOY READING!!

SARANGHAE..

~~

CHAPTER FOURTEEN: LONG LOST.... WHAT?!?!

Ansakit ng buong katawan ko ahh.. gusto ko na imulat yung mata ko na parang ayawko pa kasi parang gusto ko pa ng matinding pahinga. >.< hay.. ano bang nangyari??? Hmmmm.... OO NGA PALA.. binugbog at pinagtulungan pala ako nung mga walangyang evil friends ko na yun. hmmm.. agad naman akong napamulat noon.

Sa pagmulat ko, nakita ko ang isang magandang babae na sa tingin ko ay nurse.. kasi halata mo naman sa uniform na suot nya.. -____- ano ba naman yan..

“ nasan ba ko?” tanong ko sa kanya.. mukha namang nagulat sya. at parang teary eyes pa..

“ wala ka bang maalala? Nauntog ka ba kanina? Naku. Naku.. anong gagawin ko.. naku po.. kailangan ka nang dalhin sa hospital.. nasan nab a yung kasama mo? patay.. tatawagan ko nab a si mommy?  Anong gagawin ko?” seriously? May mali bas a tanong ko? bakit ganyan sya kataranta? At bakit ganyan sya makareact? Grabe.. halos masagi na niya lahat ng gamit doon. Ano bang nasa isip nya? bakit tarantang taranta sya?

“ excuse me miss ha.. pero, nagtatanong lang kasi ako kung nasaan ako? Pero tingin ko naman nasa clinic lang ako.. nasaan pop ala si troy? Sya tumulong sakin kanina diba?” tanong ko sa kanya. This time medyo napatulala muna sya tapos napangiti.. ang weird niya ha..

“ ayy.. hehe.. boyfriend mo na ba yun? naku.. ^___^ umalis lang sya saglit.. pinuntahan si mo—este yung mommy mo..” >.> ahh.. nakakailang naman yung tingin neto.. >.<

“ ah ok.. nurse ka ba dito? Bakit kung makareact ka naman ata kanina parang hindi ka nurse.. tarantang taranta ka ehh” sagot ko sa kanya..

“ ahhh.. hindi naman ako nurse.. ako lang nagbantay sayo dito.. saka, ako yung nakarinig sayo kanina.. tinawag ko lang si troy...” sagot niya ulit..

“ ehh bakit ganyan suot mo??” tanong ko sa kanya.. ang weird niya talaga. Pero parang medyo magaan loob ko sa kanya. Medyo familiar din siya sakin.. ewan ko lang kunbg saan ko siya nakita..

“ ayyy.. eto ba? Nagchange ako ng outfit ko nung sinabi ni troy sakin na ako daw muna magalaga sayo. Para mukha talaga akong magaalaga, nagchange outfit na ko ng ganito.. ^__^ yung pang nurse.. cute naman diba? Bagay naman sakin..” ok... weird talaga sya.. ooppsss.. mali ata yung term ko.. mas bagay ang word na baliw sa kanya..

“ anong pangalan mo pala??” nagulat pa sya sa tanong ko.. naku.. sya ata kailangang dalhin sa hospital ehh.. >.<

“ ahmmm... seriously.... *BLAGGGGG” din a niya nasagot yung tanong ko kasi nagmamadaling pumasok sa loob yung mommy ko kasama yung dad ni troy at pati na rin si troy.. pero nagtaka ako nung hindi nakatuloy ng lakad si mommy at nakatulala sya doon sa weirdo na babae na sa ngayon at naiiyak iyak na na ewan.. ang weird niya.. pati yung dad ni troy medyo shock ang face at si troy lang ang nakalapit sa akin ng maayos..

“ ok ka nab a?” tanong niya sakin..

“ ok lang ako??? Ano sa tingin mo?” tanong ko sa kanya.. nakakainis kasi, bakit kelangan pang itanong yung mga bagay na alam mo na naman ang sagot.. nabugbog ngadiba? Malamang.. hindi ok.. masakit ang katawan ehh..

“ sorry.. “ napayuko sya noon. Hayyy.. medyo nahabag naman ang loob ko doon sa reaksyon niya..

“ thank you for saving my life..” haha.. naks.. parang telenobela lang sa tv ahhh.. hehe..

“ ano na nga palang nangyari doon sa mga maldita?” tanong ko sa kanya

“ nasa hospital sila.. nabugbog ko.. >.<” 0______________________0 ganya lang naman ang hitsura ko nung sinabi niya yun... TOTOO???? Binugbog niya yung mga yun???

“ bakit mo ginawa yun??” tanong ko sa kanya...

“ ehh sinaktan ka nila ehh.. kasasabi ko lang.. kung sinong manakit sayo, ako ang makakalaban nila..” >.< pero buti na rin yun sa kanila... hmfff..

“ one week din pala silang suspended..” hmmm.. din a ko magugulat doon. Mabait pa nga yung school dahil hindi sila pinatalsik dito ehh...

“ pero teka... anong nangyayari kina mommy pati kay tito????” tanong ko.. kasi hanggang ngayon, hindi parin sila nagsasalita.. nakatayo at shock parin ang hitsura nila.. nahawa nab a sila sa pagkaweird ng babaeng to???

“ uhmmm.. chesca.. di ko din alam ehh.. wait lang ha..” lumapit naman si troy kay mommy pati sa dad niya tapos tinapik niya to parehas.. at saka naman sya napalingon doon sa babae na tinapik niya din kaya nahimasmasan na sila at bigla bigla.. napasigaw si mommy at yung weird na babae...

“ WAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH”

O_____O -> ganyan hitsura namin ni troy nung sumigaw sila.. nakakagulat naman kasi.. nung matapos na sila sumigaw, nagyakapan pa sila na parang ewan...

“ te-teka lang.. magkakilala po kayo?” singit naman ni troy.. oo nga.. magkakilala ba sila??? Hindi naman sila sumagot at napansin kong nagiiyakan na sila.. >.< ano bang meron kasi?

“ EHEM.. excuse me lang.. ano bang meron.. para kayong tanga dyan.. ayaw niyo bang magshare??” tanong ko sa kanila.. kainis na kasi ehhh...

“ ayy.. anak... kasiiii.... di mo ba sya makilala??” sabay iniharap niya pa sakin yung weird na babae...

“ hindi.. sino ba sya?” derecho kong sagot.. tapos nagside view pa ko ng higa...at tumingin sa kanila..

“ sya..sya ang.... sya ang ate mo...” sabi naman ni mommyy.. sus... ate lang naman pala.

“ ATE???????????????” nagulat din ako at napaupo.. ATE??? Si.. ate???? Napatayo na ko nun at kahit masakit sa katawan, nilapitan ko sya at chineck kung siya nga..  naiiyak na din ako.. tsss.. oo na. sasabihin ko na.. may ate nga ako..

“oo.. chesca.. ako nga to.. ang ate chammy mo..” wahhhhhhh.. ang ate ko.. namiss ko ang ate ko.. huhu.. namiss ko sya ng sobra... T__________T

~~

Nasa bahay na ulit ako. Dito sa bahay namin ni troy.. si ate? Na kay mommy sya.. gusto ko nga sana na sumama sa kanila kaya lang, ayaw nila ehh.. kainis.. nandito kami ni troy sa may garden..

“ di mo nakwento na may ate ka..” ayy oo nga.. pati nga sa mga readers neto hindi ko sinabi.. ang alam niyo naman kasi solong anak ako... diba? Diba?? Hayyy.. nakakahawa ang pagiging hyper nung ate ko..

“ oo nga.. simula kasi nung umalis si daddy, nagalit si ate. Nagdamdam. Maramdamin kasi yun.. kaya ayun. Lumayas sya.. bata pa nga sya nun ehh. pero, matalino talaga yun.. hindi namin alam kung saan sya napunta.. hindi namin alam kung anong nangyari sa kanya. Kaya ang ginawa ko, nagalit din ako sa kanya.. kasi hindi niya manlang ako sinama.. >.< pero habang lumalaki ako, naiintindihan ko din siya.. kung bakit di niya ko sinama. Kasi nga naman, kung isasama niya ako, pano na si mommy? Diba? Pero, sa tagal na din kasi ng panahon, parang tumatak na sa isip ko na kami nalang ni mommy.. pero sa puso ko, hindi parin naman naaalis si ate dito..” tapos ngumiti ako. Nakatingin lang ng seryoso sa akin si troy nung mga oras na to. Nakita ko din siyang ngumit sa akin.. at dahan dahan niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko.. sa mga oras na ito, isa lang ang naiisip kong gagawin niya. At malamang, kayo din.. nakatingin lang siya sa mga mata ko na pilit ko mang iwasan, hindi ko naman magawa. Kasi... nakakaattract siya talaga..

Hayan na... palapit na sya ng palapit...

Konti nalang maglalapat na ang mga labi namin...

Dati sa mga play ko lang to nararanasan at fake pa..

Pero eto.. ngayon.. mangyayari na..

*tsup.. sabay punas sa pisngi ko..

Yung tsup na yun, sa pisngi lang.. hindi sa lips.. >.< bakit doon lang? Tssss.. CHESCA.. BEHAVE KA NGA!!! Bakit? Gusto mo bas a lips?? Aba.. ambisyosa ka na ha...

“ wag ka iiyak ha.. saka.. ayoko ng ganito ako kalapit sayo.. alam mo ba kung bakit???” umiling lang ako. Malapit parin siya sakin at nakatitig parin.. pero, ako? Eto, disappointed sa kiss niya.. >.< ang landi ko na.. sh*t lungs

“ kasi, tuwing ganito ako kalapit sayo, hindi ko maiwasan... parang tinutukso ako ng mga labi mo.. kaya lalayo ako ng konti.. baka kasi, makatikim ako ng sampal at malakas na BUSTED KA NA.. kapag ginawa ko ehh..” at saka pa sya lumayo.. hmmm.. kung alam mo lang troy.. gustong gusto ko yung ganong kalapit.. >.< tumayo na sya at naglakad papasok..

“ tara na .. gabi na ehh.. matulog na tayo.. masyado nang maraming nangyari..” oo nga.. andami na ngang nangyari.. pinagsigawan niya sa buong school na mahal niya ko, liligawan niya ako, at nagsinungaling lang kami. Binugbog ako ng mga maldita-slash-inggitera-slash-demonyitang mga kontrabida ng storyang eto.. nakita kong muli ang aking ever loving sister na si ate chammy.. at higit sa lahat.. nagassume ako ng isang kiss galing kay troy na nakuha ko nga, nabitin naman ako dahil iba ang ineexpect ko.. >.< ang bad ng isip ko noh???

Naglalakad na kami papunta sa taas.. nung nasa tapat na kami ng mga kwarto namin, humarap sya sakin at ganun din naman ako.. nginitian ko sya pero sa loob loob ko, disappointed parin ako..

“ good night chesca.. sweetdreams.. tulog ka ng mabuti ha.. i love you..” nagsmile pa sya ng napaka lapad.. lumapit sya sakin at saka sinabing... “ pwede bang humingi ng good night kiss?” nagsmile sya tapos kiniss ako sa cheeks ko.. >.<  naglakad na sya papuntang kwarto niya.. pipihitin na sana niya yung doorknob niya kaya lang nagsalita ako..

“ good night din troy.. sweet dreams.. at matulog ka din ng maayos. Wag mo ko masyadong isipin. Baka bangungutin ka. At gustuhin mo pang managinip dahil doon. Kasama mo ko..” i smiled tapos lumapit ako sa kanya ng sobrang lapit..

“ hindi naman ako sumagot kanina nung tinanong mo ko kung pwede kang humingi ng good night kiss diba?” lalo pa kong lumapit sa kanya nun.. at tinitigan ko sya sa mata nya.. halatang natetense sya at nagugulat sakin..

“ sinabi mo kanina.. ayaw mo ng napapalapit ako sayo nga ganito diba..” tapos ginaya ko pa yung lapit namin kanina sa isat isa na halos one inches nalang ang pagitan sa isa’t isa..

“ ayaw mo.. kasi,baka sampalin kita.. o kaya .. baka busted ka na.. ayaw mo kasi, natutukso ka sa mga lips ko.. na parang gusto mong halikan...” nagsmile ako tapos...

*TSUP...

Kiniss ko sya sa lips niya..

“ the feeling is mutual.. kaya, don’t worry.. di kita masasampal.. pumili ka lang ng right time and place..” nagsmile ako tapos tinalikuran ko na sya..  na halatang shock parin..kaya lang, nung papasok na ko sa loob ng kwarto ko, naramdaman ko nalang na may humila sakin at naramdaman ko nalang yung labi ni troy na nasa labi ko...

*1 second

*2 seconds

*8 seconds

“ hindi ko kasi masyadong naramdaman.. ambilis mo kasi humalik.. wag ka sana magalit.. right timing ba ko??? i love you chesca...” then he smiled..

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Ang hirap pala ng ganitong scene.. yung mga kiss kiss chuva.. ^_^

ANYWAYS.. YUNG PICTURE PO NI CHESCA AT ATE CHAMMY YUNG NASA GILID!!! ^____^

Hihi.. pero eto na nga po.. THANKS SA PAGBABASA..

COMMENT NAMAN PO KAYO SA BABA!!!

Hihi.. kinikilig kasi ako kapag meron akong nababasang kahit konting comment everytime na magbubukas ako ng wattpad. Nakakainspired lang..

So ayun po.. ingat kayo.. ulan ng ulan sa pinas ngayon.. lagi pong magdala ng payong para hindi magkasakit.. ^_^

~~summerheartbreak143

Continue Reading