Liempo ( A story of Rival Col...

By MaraMCM

104K 1K 226

Si Mike ay isang basketball player sa isang University samantalang si Angelie naman ay isang ordinaryong estu... More

PROLOGUE and Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Message to the Readers:
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59 FINAL CHAPTER
Story Behind Liempo
EPILOGUE

Chapter 41

1.3K 11 2
By MaraMCM

****

                “Kaya mo pa ba?” tanong sakin ni Alfred.

                “Oo.” Sabi ko pero halos hingalin na ako sa anim na hakbang ko sa hagdan.

                Mas humina ako, lagi na akong hinihingal, sabi epekto daw ng theraphy at gamot eh bakit ganun? Yung dapat na lalakas ako, lalo akong nanghihina.

                Tinitigan ko yung mukha ni Alfred habang inaalalayan ako. Mula umpisa, hanggang sa ngayon, hindi nya ako iniwan. Hindi ko alam kung kakayanin ko pa bang wala sya. Halos nakadepende na ako sa kanya sa bawat araw na nagigising ako. Hindi sya nakakalimot magtext, magpaalala na uminom ako, sya na yung boyfriend ko kung talaga lang may titulo kami. Mahal ko sya, oo, bilang kaibigan pero meron na nga bang mas hihigit pa dun? Kaya ko na ba ulit magmahal pagkatapos ng tatlong buwan na puro sakit lang? Siguro hindi pa. Hindi pa nga, sariwa pa eh, parang sarili ko lang yung niloloko ko kung sasabihin ko na mahal ko na si Alfred. Nasanay lang ako masyado na sya yung nasa tabi ko.

                “Alfred.” Bulong ko.

                “Hm?” nanlaki mata nya.

                “Thank you.” Ngumiti ako.

                “Ano ka ba? Okay lang yun.” Sagot nya.

                “Wag mo kong iiwan ah?” sabi ko.

                “Hindi ah!” agad naman nya sagot, “Hindi, promise!”

                “Weh? Di nga?”

                “Oo!”

                “Papasok ka kaya sa office.” Biro ko.

                “Ay, syempre yun.” Napangisi sya.

                “Edi iiwan mo pa din ako.” Pinagpatuloy ko yung joke.

                “Magaabsent ba ako ngayon?” ito naman si loko, sineryoso.

                “UY! HINDI AH, JOKE LANG KASI YUN!” ako naman si naguilty.   

                Natawa sya. “Basta wag ka mag alala Angelie, di ako aalis sa tabi mo, pwera lang kapag papasok ako, saka maliligo ha?”

                Natawa na din ako.

                Binuksan nya na yung pinto ng classroom ko, tumayo na ako ng maayos, walang pwedeng makaalam na may sakit ako. Dapat nga di na ako magpapasama sa kanya ngayon kasi kaninang umaga nahihilo ako kaya napilitan na akong magpahatid.

                “Okay na ako ditto.” Sabi ko.

                Inabot nya sakin yung bag ko.

                “Sunduin kita mamaya ha?”

                Ngumiti ako.

                Lumapit sya, sabay halik sa noo ko.

Tapos naglakad na sya palayo.

                Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Anong nangyari?

 Bakit kinikilig ako? Bakitt nanlalambot yung tuhod ko? Bakit nya ako hinalikan?

                “HOY!” sigaw ko sa kanya habang natatanaw ko pa.

                Hindi sya lumingon.

                “HOY, BAKIT MO GINAWA YUN???” Sigaw ko.

                “Good luck charm yun!” tumawa sya na tumingin sandali saakin saka nanakbo pababa ng hagdan.

                Hinawakan ko yung noo ko kung saan sya humalik, nanlalamig ako. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Para akong kinikilig na nananakit na natatawa na naiiyak. Pumasok ako ng classroom na nakangiti, hindi ko mapigilan yung mga labi ko na ngumiti eh, ito kasing si Alfred. Nagtataka lang ako, bakit hindi ako nagalit sa kanya? Bakit hinayaan ko lang? Bakit nga ba?

****

               

               

                Sabi nila, ang mga lalaki daw madalas magloko, madalas kumaliwa, madalas mababae. Oo, aminado ako, maraming babae dyan sa paligid na talaga nga naming makakapukaw ng atensyon mo pero iba kasi kapag natuto ka ng magmahal. Kahit gaano pa kaganda yang kurba ng katawan ng nasa harapan mo, at the end of the day, iisang babae pa din talaga ang nasa isip mo.

                Sampung taon ako, may isang tao na karamay ko sa lahat ng pagkakataon. Si Steph. Hindi nya ako binibigyan ng advice, ang ginagawa nya, nanloloko lang, nangungulit, nandadamba, nangangagat. Sampung taon ako, si Steph, dalawang tao palang. Sya yung nakababata kong kapatid. Kaso, sa maagang edad, kinuha na sya ni Lord. Sobra akong nalungkot nung mga panahon na yun. Sila Mama at Papa, madalas kasing magaway nung bata pa kami kaya kaming magkapatid nalang yung magkakampi. Kaso yun nga, kinuha sya agad tapos dahil dun, nagkabati na din sila mama. Kaso ang laking epekto saakin ng pagkawala ni Steph na hanggang sa paglaki ko, nadala ko. Tapos may nakilala akong lower year nung college ako. Second year ako nun, sya first year palang. Nasa iisa kaming organization, unang kita ko palang sa kanya, naalala ko na agad si Steph.

                May pagkakahawig sila ni Steph, maputi na maputla at lagging nakangiti. Angelie Fernan ang pangalan nya. Siguro kung lumaki pa si si Steph, halos parehong pareho sila. First year palang si Angelie, nakita ko na agad yung dedication nya sa org. Nung mga panahon na yun, girlfriend ko si Cyril, kilala sya sa pangalang Cy. Naghiwalay kami, una, parang nawala na yung spark na pareho naman naming naramdaman yun kaya walang bitter, pangalawa, parang mas naituon ko yung oras ko sa pagbantay sa paglaki ni Angelie sa kolehiyo. May mga panahon na kailangan nya ng tulong, ako yung tahimik na umaasikaso ng mga papeles nya, bukod kasi sa miyembro ako ng isang grupo sa school kung saan kami ang namimili ng mga susunod na magiging lider, kami din ang sumasala sa mga taong may potential. Weird kami, parang secret society sa school na may kapangyarihan. Kakaiba man, natural lang to sa lahat ng mga kolehiyo. Isa si Angelie sa mga tao na minamatahan ng grupo, yung inaalagaan, lahat ng records, pinapanatiling malinis para maaring mamuno sa buong school. Ako yung nagvolunteer na tumingin kay Angelie. Hindi ko din naman inakala na magiging magkaibigan talaga kami at nung lumaon, parang hindi na duty kundi sariling free will na yung pagbantay ko sa kanya. Halos hindi na nga sya kailangan pang alagaan dahil sya mismo, kayang kaya nya ang sarili nya at bihira na yung mga taong ganun. Ang pagkapanalo nya bilang president ng org, wala na kaming kinalaman dun, qualified na qualified naman din kasi sya at asset naman talaga sya ng school.

                Kapatid. Kapatid lang naman talaga ang turing ko sa kanya noon, nung mga panahon na bago palang yung pagkakaibigan naming, kapatid lang turing ko sa kanya, nung mga panahon na magkasama sila ni Mike, nakababatang kapatid ang tingin ko sa kanya pero nung nasaktan sya. Iba na. Hindi na pala kapatid ang turin ko sa kanya. Dahil kahit ako, sobrang nasaktan. Hindi nya deserve ang iwan, hindi nya deserve ang lokohin. Naglaon, hindi ko namalayan, mahal ko na nga pala talaga sya. Mahal ko na sya, at patuloy ko pang mamahalin.

                Hindi ko sya iiwan. Kahit na ganito lang kami,  sapat na. Wala naman akong hinihinging kapalit eh. Kung maging kami, oo, hindi na ako magpapakaplastik pa, magiging Masaya talaga ako pero as for now, sapat na yung pagkakaibigan namin. Yung halik ko sa kanya sa noo? Wala lang naman yun, walang ibang intension dun, walang malisya, purong pagkakaibigan lang pero sa puso ko, sana, at kung pwede lang, sya na yung pakakasalan ko.

                Umalis ako sa school nila na school ko din dati na nakangiti, naguumapaw sa tuwa. Natatawa ako sa sigaw nya, makaHoy, wagas.

                Dumating ako sa office na halos madami na ding tao. Buti nga, wala pa yung manager pero late na ako nakapagtime in. Ngayon lang naman, biglaan kasi yung pagtawag sakin ni Angelie kanina eh.

               

               

****

                Back to dati nanaman kami. Bagong buhay ika nga pero yung buhay na tulad ng dati kung saan hindi ko pa nakikilala si Mike.

                “Nagugutom ako.” Sabi ko kanila Jerich at Denise.

                “San mo trip?” tanong ni Denise.

                “Tara sa liempuhan!” yaya ko.

                Napatingin sila parehas saakin. Alam ko iniisip nila. Na may mga alaala kami dun ni Mike pero kung magpapaapekto ako, unang una, hindi ako makakakain ng paborito kong liempo, pangalawa, magiging bitter pa din ako, pangatlo, mas makakatipid ako. Napakadaming masasayang kapag di ako pumunta dun.

                “Sure ka?”

                “OO!” sabi ko, “Tara!”

                Hinatak ko si Jerich palabas ng gate, sumunod nalang si Denise. Sa totoo lang, natatakot ako, natatakot ako na baka Makita ko ulit sya at hindi ko kayanin yung bugso ng damdamin ko. Kung talagang mahal nya pa din ako, sana hinanap nya ako pagkatapos nung pagkikita naming pero walang Mike na lumitaw, maski tumawag, o nagtext. Ibig sabihin nun, wala na nga talaga ako sa kanya. Bakit pa kasi ako magpapakatanga sa taong di naman na nagbibigay ng kahit katiting na importansya sakin.

                Nilalamon ako ng takot pero hinarap ko yun. Tuloy tuloy kaming naglakad sa liempuhan at sa awa ng Diyos, walang Mike na nandun. Dating pwesto, dating order. Hanggang sa nakabili na kami, walang umepal, kaya labis labis pasasalamay ko kay Lord.

****

                “Hoy Alfred, kanina ka pa ah! Tigilan mo na nga ako!” nagsisigaw nanaman ako.

                “Aba, wala akong ginagawa sayo.” Nakapirmeng higa lang sya sa may sofa habang nagtetext.

                “Nakakaasar ka naman kasi eh, kanina mo pa ako nilalait.” Singhal ko habang pababa ng hagdan.

                “Nilalait saan?”

                “Ewan!”

                Inayos ko yung skirt na suot ko. Ang hirap maglakad, nakahigh heels kasi ako, may conference akong aatendan, kailangan nakacorporate. Tinali ko yung buhok ko na nakapusod saka naglagay ng konting make up.

                “Nakatingin ka nanaman eh!!!!” Napansin ko sya habang nakaharap sakin.

                “Masamang tumingin?” natatawa nanaman sya.

                “Hindi! Mukha ka kasing rapist eh!”

                “Hala!? Ako pa nagmukhang rapist?” Humahalakhak na sya sabay tayo sa sofa. “Nakacorporate na rapist?”

                “Nagbabala’t kayo!”

                “Halika na nga, ang ingay mo nanaman.”

                Binuksan nya yung pinto palabas.

                Halos dalawang buwan na yung lumipas since nagpasukan, mas nagiging Masaya na ako. Although pabalik balik ako sa ospital para sa mga check ups, hindi na ako masyadong nagiiyak. Kailangan ko kasing harapin yung takot ko kung gusto kong makamove forward. At ngayon, ewan ko ba, mas nagging matapang na ako.

                “Angelie, malalate ka na!” Sigaw nya mula sa labas.

                “Excited? Teka lang, may isang oras pa!”

                “Babyahe pa kaya tayo!”

                “Wait langgg!!!!”

                Nanakbo na ako palabas sabay kuha ng bag ko sa upuan. Susunduin pa pala namin si Denise sa may Libis, dali dali akong sumakay sa driver’s side saka nilock yung pinto.

                “Yung gamot mo, dala mo?”

                “Oo.”

                “Good.” Lumarga na kami, “ilang na ilang ka sa suot mo? Bagay naman ah.”

                “Ewan, kasi eeh. Ang hirap kumilos.”

                “Masanay ka na, 4th year ka na eh, puro corporate na kayo.”

                After thirty minutes, andun na si Denise, naghihintay sa may McDo. Tumigil lang kami sandal para makasakay sya.

                “Good Morning!” bati nya.

                “Friend dala mo yung print outs?” tanong ko.

                “Oo. Andito sa folder.”

                Buti nga walang traffic, nakarating kami ng 9 sa school, sakto lang halos kasi 9:30 pa naman yung start ng conference, may 30 minutes pa kami na preparation.

                “Alfred, wag mo na akong sunduin mamaya.” Sabi ko pagkababa.

                “Sigurado ka?”

                “Maaga pa naman eh, okay lang.”

                “Sige, basta kapag may problema, itext mo lang ako ah?”

                “Sige, thank youuu!”

                Pumasok kami sa school at dumiretso sa hall kung saan gaganapin yung conference, naupo muna kami para icompile lahat ng mga documents na kailangan.

                “Infairness sayo Anj, para mo ng jowa si Alfred.”

                “Weh, di nga?”

                “Ay, pahumble daw ba? Duhhh.”

                “Wala lang naman yun eh.”

                “Hatid sundo ang peg? Wala lang yun. Hindi ba nanliligaw?”

                “Hindi.”

                “Bakit kapag nanligaw, sasagutin mo?”

                Ngumiti ako.

                “SHET!”

                “Anong shet?”

                “Bakit ka ngumiti? Ibig sabihin sasagutin mo sya?”

                “Hoy, wala akong sinasabi ah!”

                “Eh bakit ganun ngiti mo? Ay Teh, silence means yes!”

                “Baliw.”

                Di ko nalang sya sinagot. Pero possibility din naman. Okay naman si Alfred eh, perfect na nga sya kung tutuusin. Ayokong magsalita ng tapos, malay ko ba kung anong pwedeng mangyari sa future? After 30 minutes, sakto nagsimula na. Nakakainis sa mga conference, madalas nakakaantok.

                Nararamdaman ko yung katawan ko na kahit kasisimula palang ng araw, pagod na. Ito nanaman ba? Ang alam ko mas bumubuti na yung kalagayan ko, eh bakit may ganito pa din? Ininda yung pagod at pinilit ko nalang magfocus sa sinasabi nung speaker.

                “Ui Anj.” Kalabit saakin ni Denise, “Okay ka lang?”

                Tumungo ako sabay ngiti.

                “Sure?”

                “Oo.”    

                Nang matapos yung conference, antok na antok nanaman ako. Si Jerich, nawawalan nanaman kasi merong quiz na hindi nya maabsentan kaya kami nalang ni Denise ang nandito. Dumiretso kami sa org office para magpahinga sandali. Buti nga wala pang masyadong activity eh.

                “SM tayo.” Yaya ni Denise.

                “Ha?”

                “Maaga pa naman eh, gusto kong manuod ng movie.”

                “Biglaan?”

                “Wala naman tayong gagawin bukas diba?”

                “Wala naman.”

                Pumasok si Chester sa kwarto.

                “Oh Angelie, tapos na conference nyo?”

                “Oo.”

                4th year na din si Chester, sa ibang section nga lang. Sya yung vice ko for Finance, hayop kasi to sa math at computation, dapat nga auditor to eh, ewan ko ba ba’t napadpad sa finance?

                “May klase ka pa?” tanong ko.

                “Wala na, tambay tambay na lang.”

                “Ay Ches, si Denise nga pala, best friend ko.”

                Nakipagkamay si Chester kay Denise.

                “Ah, oo, lagi kitang nakikitang kasama si Angelie.”

                “Buntot kami nito eh.” Biro ni Denise. “Diba wala ka ng klase, gusto mo sumama?”

                “Saan?”

                “Sa SM. Manunuod daw ng movie.” Sagot ko.

                “Tara, wala din naman akong kasama eh.”

                “Game!” tuwang tuwa naman itong si Denise.

                Pack up na. Kinuha ko yung flats ko sa may locker para makapagpalit saka kami umalis. Okay si Chester, gentleman, medyo payat saktong tangkad lang at katamtaman yung kulay, ang maganda sa kanya ay matangos yung ilong nya, bumbayin yung dating. Nagbus nalang kami para mas tipid, hindi naman rush hour kaya walang traffic.

                Pagdating naming sa SM, meron pang 30 minutes bago magsimula yung movie kaya bumili muna kami ng pagkain sa may snack bar. Dun na kami tumambay malapit lang sa may movie house para din a mapalayo. Si Denise, busy iniinterview si Chester sa buhay nya. Kahit kalian, madaldal talaga tong bruhang to. Noon si Alfred puntirya nya, ngayon ata trip nya din si Chester.

                Paglingon ko sa may kaliwa, may nakita akong pamilyar na mukha. Pumikit ako saka dumilat, sya nga. Di ako nagkakamali, yung matangkad na pigurang yun.

                “Angelie!” bati nya saakin habang papalapit.

                Nanigas ako sa kinauupuan ko.

                “Kumusta ka na?” tanong nya.

                Di ko alam isasagot ko. Ambilis bilis ng tibok ng puso ko. Naramdaman kong humigpit yung kapit saakin ni Denise nung nakita nya kung sino yung nakatayo sa harap namin.

                “Luis.” Sabi ko, “Uh... Okay lang....” nanginginig yung mga labi ko habang binabanggit yung pangalan nya.

                Wish ko lang, wala si Mike sa paligid kung nandito yung kateam mate nya. Napalingon ako sa, so far wala naman.

                “Gumaganda ah.” Biro nya saakin.

                Ngumiti ako. Parang di naman. Pinilit kong icompose yung sarili ko. Kailangan ko ngang harapin to diba?

                “Ikaw, matangkad pa din.” Ginatungan ko yung biro nya.

                “Aba syempre!” tawa naman sya.  “Nagkakausap pa ba kayo ni Mike?”

                Yung sambit ng pangalan nya, parang hinukay ulit yung sakit sa puso ko.

                “Hindi na eh, busy masyado.” Ang plastic ko.

                “Ahh. Sige, napadaan lang ako. Bye.”

                “Ingat.”

                Naglakad na sya palayo. Nakahinga na ako.

                “Busy masyado?” tinignan ako ni Denise.

                Ngumisi ako.

                “I’m so proud of youuuu!!!!” sabay yakap saakin.

                “Para kang ewan.” Sabi ko.

                “Hindi ka na bitter friend?”

                “Ewan ko sayo.”

                “Diba basketball player yun?” sabat naman ni Chester.

                Natawa nalang kami ni Denise.

*********************************************************************************************

IF YOU LIKE THIS CHAPTER, PLEASE DONT HESITATE TO LEAVE A COMMENT AND VOTE! :)) THANK YOU FOR READING!

NOTE: Hi friends, i hope that you're all safe. nakakalungkot dahil sa linggo ng birthday ko, napakadami saatin ang sobrang naapektuhan ng grabeng pag-ulan. One wish lang, sana kapit kapit tayong lahat and let's all pray for the safety of our brothers and sisters and para matapos na tong ulan na to. Prayer can move mountains ika nga. 

Let's also participate with the relief operations out there, diba tayo tayo nalang din naman ang magtutulungan? 

you can donate goods, clothes, medicines, toiletries and become a volunteer as well. 

You can contact the following numbers below:

San Beda College: 

Kenneth Mattias 0917 532 4472 (President of Bedan Volunteers)

Mary Grace Hicban 0906 292 1049 (President of San Beda Student Council, Manila)

SBC Alabang, 772 2358/ 842 3508

University of the Philippines Los Banos:

USC Councilor Albert Valencia (09063704419)

USC Councilor Heugo Criador (09175245099)

Arellano University 

OCD, Ground floor, Rizal Hall, Arellano University, Legarda

You may contact Ms. Lheng Lagarte 0916 708 0858

Philippine Red Cross:

527 0000 or Bring it to NHQ Bonifacio Drive, Port Area, Metro Manila

For Red Cross donate-a-load, max monthly donation is P10,000. You can send RED <amount> from 5 to 1000 Pesos. Send to 2899 Globe / 4143 Smart. 

You can also bring your relief foods donations at the ff: below

ATENEO:

Bring to lobby of Cervini Hall, inside Loyola Schools

-Outside Law School Activities Center (LSAC)

-3rd floor APS Building

XAVIER SCHOOL:

64 Xaviert St. Greenhills West, San Juan

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES:

-UP CHK Building

GOD BLESS US ALL! 

xoxoxoMara

Continue Reading

You'll Also Like

5.8K 359 39
Tauri, A Volleyball player who is a rising star. who wants to be an aspiring Fashion Designer who studies at De La salle. As she meets a guy from Ate...
347M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
9.2K 202 48
[Completed] Work life Balance ? Ano yun? Trish must be lucky on her career but in love? At the age of 29 she is already a senior manager in one of t...
14.6K 10.4K 52
"In life, we always need to end something to start a new beginning." Amaia Paustina Fellix believes that every ending meant to be sad. She believes t...