THE COLDEST (in major revisio...

By JannaMaePH

719K 13.2K 1K

GENRE: Action, Gangster, School, Secrets, GangLand, GangMaster. Two groups of handsome men carrying extraordi... More

THE COLDEST
Kabanata I
Kabanata II
Kabanata III Flashbacks of how they met. (MACAU escapade)
Kabanata IV. HEIRS OF MILITARY FAMILIES
Kabanata V.
Kabanata VI. Team A vs B and the Mystery Girl
Kabanata VII. Who's M2, the traitor?; And the preparation for Charity's Bday.
Kabanata VIII.
Kabanata IX. The INCIDENT.
Kabanata X. Indenial Stage at YZ Gym.
Kabanata XI. I can feel you, Zai.
Kabanata XII. The half reason why SHE'S COLD.
Kabanata XIII. The PAST
Kabanata XIV. She's still the same. ; FLAMES.
Kabanata XV. Aja Ace! AJA! ^___^//
Kabanata XVI. SVU Memorial Hospital
Kabanata XVII. Hospital PART 2
Kabanata XVIII. The ACQUAINTANCE
Kabanata XIX The ACQUAINTANCE PART 2
Kabanata XXI. The TRANFEREES
Kabanata XXII. The TRANSFEREES PART 2
Kabanata XXIII. The UNEXPECTED VISITORS
Kabanata XXIV. UNEXPECTED VISITORS Part 2
Kabanata XXV. UNEXPECTED VISITORS PART 3.
Kabanata XXVI. Strange Call and Threat.
Kabanata XXVII. THE MAFIA HEIRESS Childhood
Kabanata XXVIII. PICTURES SOLD.
Kabanata XXIX Argumentum & Momentum
Kabanata 32 ANG PAGTITIPON
Kabanata 33 Juniper, ang bagong transferee and THE THRUTH.
Kabanata 34 ANG PAGKABALISA ni YUE.
Kabanata 35 QUEZON PROVINCE FIELDTRIP
Kabanata 36 THE CAVE and THE STRANGERS.
Kabanata 37 Renz's Hidden Feelings
Kabanata 38 HEAVEN and HELL.
Kabanata 39: THE RETURN
KABANATA 40 LOTTO
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43 Ang pagdating ng ilang gangster, capo at reaper.
Kabanata 44 He loves me? He loves me not?
IMPORTANT ANNOUNCEMENT

Kabanata XX. The ACQUAINTANCE PART 3

15.4K 259 11
By JannaMaePH

Zai's POV

Sa hindi malamang dahilan ay nakaramdam ako bigla ng kaba matapos ang sayaw nila Hope at makababa sila ng stage. Ngunit bago yun at habang sumasayaw sila ay wari'y may iba pang nagmamasid maliban sa mga tao sa Grand Hall.

Tsk. Hindi maaaring ganito ang pakiramdam ko. Kung sakaling tama ang hinala ko'y hindi maaaring dito dahil masyadong marami ang madadamay. Napailing ako sa isiping ito. Sana'y mali ang instinct ko ngayon. Nasabi ko sa isip.

Ngunit, ang pakiramdam ko'y hindi pa nagkamali kahit minsan. Kaya batid kong may nagmamasid nga di kalayuan dito sa Grand Hall.

Kaya naman masuri kong tinignan ang labas ng Grand Hall. Sa pagmamasid ay-- isang sniper at reaper. Nasabi ko sa isip ng mamataan ko di kalayuan ang mga ito. Malas nila natamaan sila ng sinag ng buwan sa pwesto nila ng saktong pagbaling ko sa kinaroroonan nila. Ang sniper ay asintado na sa target nya. Wari'y naghihintay na lamang ito ng timing at hudyat sa kasama.

Mabilis din silang nag-iba ng pwesto ng mabatid ang buwan na malayang nagbibigay sinag sa kanila. Awesome! Hindi nila napuna agad yun. Kaya naman panibagong pag-aasinta sa target ang ginawa ng sniper. Batid kong hindi pa nila ako napapansin.

"Zai bakit?" tanong ni Hope ng may pagtataka sa mukha.

"Wala naman.." sagot ko sa mahinahong boses. Hindi ko maaaring sabihin kay Hope. Mas delikado, lalo na pag nag panic sya. At dumagsa ang sangkatutak na tanong sa bibig nya.

"Zai ha ano yang mga tingin mong yan sa malayo? May nakikita ka ba? May multo ba? Huhuhu." natatakot na aniya at kumapit sa braso ko.

"Maupo ka lang dyan. At wag kang gagalaw." seryosong saad ko at tinuro ang isang mababang upuan.

Multo? San naman nya nakuha yun? Tinignan ko muli ang kinalulugaran ng dalawa. Ayokong hiwalayan sila ng tingin dahil isang maling lingat ko lang baka may masaktan at higit pa sa isa ang madamay. Tsk. At iyon ang kailangan iwasan.

Hindi ko sila makilala dahil may suot silang mask at armor. At dahil halos lamunin na sila ng dilim sa kinalulugaran nila ngayon ay sa galaw na lang nila ako bumabase.

"Pero Zai nagugutom na ako." nakangusong usal ni Hope sa gilid ko. "Punta na tayo ng buffet table." nakikiusap ang mga matang dugtong nya.

Mabilis ko syang tinignan at umiling. "Hindi pwede." sambit ko.

At ilang segundo lang matapos kong sabihin yun ay--

BAAAAANG!

Nakarinig na ako ng pagsabog at wari'y malaking pigurin ang nabasag. Sh*t! That's too fast!

"Dito ka lang." Muling baling ko kay Hope at nagmamadaling lumabas ng Grand Hall.

Nang makita ko ang dalawa'y mabilis silang nagtatakbo. Mga wari'y ninja sa kanilang kasuotan.

Ngunit bahagyang kumunot ang noo ko at tumaas ang isang gilid ng labi ko ng ang sniper ay nakuha pang magsindi ng yosi.

What an arse..

"Hindi ba dapat nakasibat na kayo sa mga oras na 'to?" tanong ko.

At halatang mga nagulat ang reaksyon nila. Nasa likod nila ako, at parehas silang nakatalikod sa akin. Ang sniper na hihithit na dapat sa yosi nya ay biglang natigilan. Ang assasin nama'y bahagyang tumaas ang dalawang balikat.

Hindi ko akalaing ganito sila magrereact. Batid kong magagaling sila. Ngunit, ang hindi ko inaasahan ay ang magiging reaksyon ng katawan nila sa tanong ko.

Nang matauha'y nakabunot agad ng katana ang assasin at mabilis itong nakagalaw at nalaslas ang kaliwang manggas ng suot kong t-shirt. Habang ang sniper ay bumunot ng isang dagger sa side pocket ng suot nyang ninja outfit. Mabilis nyang pinatama ito sa kanang binti ko. Nagawa nya namang malaslas ang ilalim ng suot kong dress na pinahiram lang ni Hope.

Mabuti't mas naging mabilis ang paggalaw ko kesa sa kanila kung hindi'y may butas na ngayon ang kanang binti ko at may hiwa na sana ang kaliwang braso ko.

Wala akong anumang dala upang ipanlaban sa kanila kaya naman ang pag-iwas ang tanging laban ko sa kanila.

Samantalang hindi nakaligtas sa paningin ko ang mga mata nilang mabilis akong sinuri. Bahagya pang nanlaki parehas ang mga mata nila ng makilala ako ngunit nang mabatid na wala akong dalang kahit na ano'y mabilis na silang umalis.

Hindi ko sila pinakawalan ng tingin hangga't hindi sila nakakalabas ng teritoryo ng SVU.

Nang masigurong tuluyan ng nakaalis ang dalawa'y saka lamang ako gumalaw sa pwesto ko. At muling pumihit pabalik sa Grand Hall.

Nang mapuna ko naman ang isang pamilyar na puno'y marahan kong tiningala ang itaas nito. Bagama't madilim sa parteng ito'y hinanap agad ng paningin ko ang maliit na tree house. Gumuhit ang ngiti sa labi ko ng makita ito. Ang unang kita ko sa tree house na ito ay kakaiba na ang naging dating sa akin kaya naman ganun na lamang ang pagkagusto ko dito. Iba ang naidudulot na saya sa sistema ko. Batid ko kasing noong maliit pa ako'y ninais kong magkaroon ng ganyan. Ngunit sadyang hindi ayon ang tadhana sa akin.

Kasunod kong napansin ay ang dalawang taong masuring tinitignan ang kabuuan ng field at bawat sulok nito.

Sinabi ko ng wag sya umalis. Matigas talaga ang ulo.

Kaya naman marahan akong naglakad muli patungo sa kanila. "Anong nangyari?!" aligagang tanong ni Hope. Mababakasan ang labis na pag-aalala sa kanya.

"Halika na, bumalik na tayo doon." wika ko ngunit hindi ako nakaligtas sa head to foot na panunuring ginawa sa akin ni Hope.

Bagama't nandoon pa rin ang pag-aalala ay sumunod na rin sya sa akin kasama si Enzo. Batid kong alam nyang ayoko munang pag-usapan kung ano man ang nangyari kaya naman nanatili muna syang tahimik. Ngunit alam kong pag kaming dalawa na lang ay hindi iisa o dalawa ang magiging tanong nya.

Nang pabalik na'y nakita namin ang nagmamadaling mga estudyanteng makalabas ng Grand hall. Animo'y nagkaroon pa ng stampede.

Humahangos namang lumapit sa amin si Nyx. "Mga bakla! Oh my gosh! May namaril sa loob ng Grand hall!" hinihingal pang anito.

"Oo, alam namin bakla huminahon ka pwede ba?" Ani Hope at hinawakan sa braso si Nyx dahil nagpapanic pa rin ito.

"Nakuuu! Paano ako hihinahon aber e may namaril doon. Ayoko na bumalik sa loob teh nakakatakot!" Anito at humawak sa ulo habang umiiling.

"Naku Nipolito OA ka na. Sabihin mo na lang sa amin kung bakit naglalabasan na ang mga yan? Tapos na ba ang Acquaintance party?" magkasunod na tanong ni Hope na tinuro ang Grand hall at ang mga estudyanteng naglalabasan.

"Sige Hopeless try mong ituloy yung Acquaintance party kaya lang tignan natin kung samahan ka pa ng mga estudyanteng yan!" turo ni Nyx sa mga nakalabas ng estudyante na ngayo'y nagtipon na sa field. "Nag-announce na si Dean na umuwi na daw at hindi na itutuloy ang Mr. Pogi pageant. Kainis! Andon na sana e masaya na sana ang mga bakla kaya lang may namaril!" halatang naiinis ngang usal ni Nyx at umupo sa field at binunot ang mga damong makita.

"Hoy Nipolito anong gagawin mo sa mga damong yan kakainin mo?! Aba'y magtira ka naman sa mga kabayo." sarkastikong sabi ni Hope na natatawa sa ginagawa ni Nyx. "Kung ganoon pala ay tara ng umuwi Zai. Wala na pala tayong hinihintay dito aba! Ang ganda pa ng posing mo dyan nakasandal ka pa dyan sa puno at naka-crossed ang mga braso. May namaril na't lahat prente at kampante ka pa rin dyan. Aba'y matinde!" baling sakin ni Hope.

"Tsk."

Pinagmamasdan ko lamang ang mga naglalabasang estudyante ng mahagip ng mga mata ko si Ace na ngayon ay mukhang lutang na naman kasama sina Troy at Drei. Nang mamataan nila si Enzo na kasama namin ay agad silang nagtungo sa kinaroroonan namin.

"Pre akala namin di ka na babalik? Anong nangyari sayo?" agad na tanong ni Drei kay Enzo ng makalapit sila.

"Ayos lang ako pre. Kayo? Kamusta ang nangyari sa loob?" tanong din ni Enzo.

"Ayun nagpanic ang lahat. Nagkagulo. Mabuti na lamang walang nasaktan. Pero dahil nga sa nangyari na yun ay hindi na itutuloy pa ang Acquaintance at pinapauwi na ni Dean ang lahat." anunsyo nito. Mapapansing ayos naman sila maliban sa isa. Kay Ace na lutang at halatang malalim ang iniisip.

"Ganoon ba? Ano namang nangyari dyan kay Ace bakit lutang?" takhang tanong ni Enzo na tinuro si Ace.

"Ewan ko nga dyan pre. Simula makita sila Zai ay nagkaganyan na. Pati sa nangyari na pamamaril ay wala syang naintindihan." ani Drei.

Umiiling namang bumaling si Enzo kay Ace. "Hoy pre!" siniko nya ito upang mapukaw ang atensyon.

"H-ha?" si Ace.

"Tsk." Wala na naman sa sarili nya.

Nang mapansin nya ako'y biglang nanlaki na naman ang mga mata nya. At bahagyang napaatras pa. Animo'y parang nakakita ng multo.

"Z-zai?" nautal pang sabi nya.

Umalis naman na ko sa pagkakasandal ko at umayos ng tayo tsaka lumapit kay Hope.

"Tara na." yaya ko dito.

"Ha? Now na?" tanong nya. Ayaw pa atang umalis.

"Una na 'ko." usal ko at maglalakad na sana ngunit napahinto ako ng may humawak sa braso ko, nang tignan ko'y si Ace ito. Mula sa pagkakahawak nya sa braso ko patungo sa mukha nya hanggang sa mata nya ay pinasadahan ko ng tingin tsaka ko tinanong, "bakit?" malumanay na tanong ko.

"A-ah. W-wala wala!"

"Nakasigaw ka na naman."

"Eh bakit ba!? Pakialam mo!"

Napailing nalang ako. Tsaka tumalikod muli at nag-umpisa ng maglakad ngunit pinigilan na naman ako ni Ace. Tsk.

"Oyyy.. Si Ace pinipigilan si Zai na makaalis. Mamimiss mo noh?" nakakalokong ngiti ang binigay ni Hope kay Ace at nanlaki naman ang mga mata ng huli.

"Totoo ba?" tanong ko kay Ace at animo'y kamatis na biglang pumula. Sinipat ko sya. Bakit namumula sya?

"Anong totoo pinagsasabi mo?! Oy! Kapal ng mukha mo hindi kita mamimiss!"

"Wala naman akong sinabing mamimiss mo 'ko. Sayo nanggaling yan." wika ko sa mahinahong boses. Hindi kagaya ni Ace na palaging nakasigaw. Hindi ba sya naririndi sa boses nya?

Bigla naman itong natigilan, pumutla naman ang mukha na animo'y sukang puti at muling nanlaki ang medyo singkit na mga mata nya. "Hayaan mo na nga yan si Ace. Inlove na kasi yan sayo kaya ganyan." bulong ni Hope. At nagpalingon lingon. "Nasan na si Nyx? Hanep na bakla yun biglang nawala. Baka naging kabayo na yun." usal ni Hope at nagpalinga linga pa din.

Samantalang si Ace ay tulala pa rin. Bakit ba nagkakaganyan sya? Malala na 'to.

"Hintayin mo na ko Zai ah, hahanapin ko lang si Nyx magpapaalam lang ako na aalis na tayo." sabi ni Hope at nagtungo sa Grand hall.

Samantalang ang apat ay nagkatinginan. "Pre, umuwi na rin tayo." baling ni Drei sa mga kaibigan. Samantalang ako'y nanatiling nakatayo doon at sumandal sa malapit na pader tsaka pinagkrus ang mga braso sa dibdib. Maaga pa naman siguro'y makakapasok pa ko sa trabaho kahit huli na sa oras.

"Mamaya na ko pre, hihintayin ko si Hope ihahatid ko sila ni Zai." sabi ni Enzo sa mga kaibigan.

"ANOOO?!" bulalas ni Ace. Parang nababaliw na ang isang 'to. Nakakapagtaka ang mga ikinikilos nya. Binigyan naman sya ng mapunuring tingin ng mga kaibigan. "I-ibig kong s-sabihin bakit kailangan mo pa silang ihatid? Di ba nila kayang u-umuwi mag-isa?" napapahiyang tanong ni Ace.

Sumingit na ako sa usapan nila at sinabing, "sige na Enzo, mauna na kayo. Kaya na namin umuwi ni Hope." malumanay na sabi ko na hindi na tinignan pa si Ace. Mukhang atat ng umuwi.

"Hindi pwede Zai. Baka bumalik yung sniper na yun at.. at makita kayo." kakamot kamot sa batok na ani Enzo. Halatang gumagawa sya ng dahilan upang makasama si Hope. Sige, pagbibigyan ko na.

"S-sniper?" halatang nauutal na tanong ni Ace.

"Oo Ace. Sniper nga. Tama ang narinig mo." biglang sulpot ni Hope. "Nakita mo 'to si Zai muntik ng ipahamak ang sarili kanina. Tsk tsk tsk. Tignan mo ang laslas ng manggas nya at ang hiwa sa laylayan ng dress nya wala naman yan kanina." dirediretsong sabi ni Hope.

Tsk. Daldal.

"ANOOO!?" gulantang na reaksyon ni Ace. OA ang kingina!

"Oh sya tara na wonderwoman na maangas. Gora na tayo." si Hope na bumaling sa akin at niyaya na ako. "Oh sya Fantastic four ng SVU tsupi na kami. Okay? Babush!" paalam nito sa apat na ngayon ay may mga mukhang nagtatanong at mga nakakunot ang noo. Malamang iniisip nila ang pinagsasabi ng madaldal na 'to. Tsk.

"Sandali lang, ihahatid ko na kayo." pigil ni Enzo sa amin.

"Hindi na, kaya na namin ni Zai. Umuwi na rin kayo at baka gabihin pa kayo." pagtataboy ni Hope sa apat na halatang ikinalungkot ni Enzo.

"Sigurado ba kayo?" habol na tanong pa ni Enzo. Samantalang nakita kong nagbuka at sara ang bibig ni Ace, may nais atang sabihin ngunit nagpasyang hindi na lang magsalita. Kaya naman matapos magpaalaman pa ay tsaka lamang kami nakaalis.

Didiretso akong YZ gym ngunit si Hope ay hindi daw muna dahil pinauuwi sya sa kanila bukas dahil weekend naman daw. Kaya naman nagpasya syang hindi na muna pumasok sa trabaho at umuwi na.

itutuloy..

Continue Reading

You'll Also Like

23.3M 778K 60
Erityian Tribes Series, Book #3 || Cover the world with frost and action.
1.7M 54.5K 67
Arrow Sanchez has only one goal in life, to enjoy her peaceful life and to know exactly what happened in the past before she lost her memories. Every...
14.2M 434K 67
Highest Rank Reached in Action Category: Rank #1 Her innocence. Their violence. How come a weak and innocent girl manage to enter the academy. Except...
2.8M 103K 75
Sypnosis Andilyne Dave was just a typical senior highschool student. Lumaking mag isa at namuhay ng tahimik. Not until his father surprised him one d...