Lex's PoV
Kasalukuyan akong nasa parking lot ng school habang nakasandal sa poste. Nakalagay ang dalawang kamay ko sa bulsa ng jacket. Ang sakit pa rin ng katawan ko dahil sa ginawa namin nung sumunod na araw. Hindi kasi talaga sanay ang katawan ko na gumawa sa bahay kaya siguradong nabaguhan ang katawan ko.
May dumating na kulay pulang kotse. Nangingintab ito sa sinag ng araw at halatang limited edition. Malamang kaya ko alam dahil meron din kaming ganun kaso magkaiba ang kulay. Nag park ito hindi kalayuan sakin. Namatay na ang engine at may lumabas sa backseat. What a surprise. Hindi ko alam na maaga pa lang pumasok ang mga kulugo. Hanggang sa lahat sila ay nakalabas. I turned my head where I can find the gate baka pumasok ang sasakyan ni Crisha.
"Akalain mo nga naman. Agang aga ang sama na agad ng bubungad sayo. Tsk! Masama na nga ang gising masama pa ang mood hanggang dito." I felt their gaze on me but I ignore it.
"Kung ganito ba naman ang madadatnan mo sa umaga mas mababad trip ang araw mo."
Sino bang kausap nun? (-.-)
Abnormal lang. May humigit sa sleeve ng jacket ko at halos nakatayo na ako ng tuwid. Hindi na ako nakasandal sa poste dahil sa pagkakahila nya sakin.
"Kinakausap kita." Sabi nya habang nakahawak sa kwelyo ng jacket ko. Nakailalim lang kasi ang uniform ko at siguradong nagugusot yun dahil sa mahigpit na pagkakahawak nya sakin.
"Are you talking to me?" I asked na nakaturo pa ako sa sarili ko. Nagsalubong ang kilay nya na parang hindi nagustuhan ang sinabi ko. "Are you deaf!?" Sigaw nya sa mukha ko. "Of course I can hear you clearly. You don't have to shout on my face, magsipilyo ka muna." Nanlaki ang mata sa sinabi ko. Nakita ko syang palihim na inamoy ang sariling hininga.
Pfft.... Stupid.
"Why you-"
BEEP! BEEP!
Napalingon ako sa pinanggalingan ng ingay. Nakita ko ang puting kotse na tumigil sa harap namin. Tinanggal ni Clytard ang pagkakahawak nya sa jacket ko dahil nakatingin din sya sa kotse.
Wait, that car seems familiar to me. Ah, now I know. He must've return. Sa buong tauhan ng mga Lee sa kanya lang pinagkakaubaya ang nag-iisang babae ng pamilyang Lee.
Byro.
Lumabas ito ng driver at nagpunta sa kanang side ng pinto sa backseat. Nagsimula na akong maglakad papalapit sa kanila. Ignoring the morons behind me. He opened the door and it revealed Crisha. Nginitian nya ako matapos nya akong makita.
"Morning Lex!!!"
"Morning."
"Good morning Miss Lex, its been a long time its nice to see you again." Nakangiting bati nito sakin. Magkaiba sila ng damit ni Talios pero malalaman mong isa talaga syang butler. Hindi rin nagkakalayo ang edad nilang dalawa.
"Morning and nice to see you too, Byro."
"I have to go Young Lady I'll fetch you later. See you Miss Lex." Kumaway sa kanya si Crisha samantalang tinanguan ko na lang sya at tuluyan na syang umalis.
Tumalikod na ako at naglakad papunta sa building namin. Inilagay ko ang kamay ko sa bulsa ng jacket. Nakakatamad talagang pumasok. Minsan nga naiisip kong tumigil na, kaso kapag tumigil ako ang bored naman sa bahay dahil siguradong mag-isa lang ako dun at walang kasama. Narinig kong tumakbo papalapit sakin si Crisha at nilingkis ang braso nya sa braso.
"Kailan nga pala ang dating ng mga kuya mo? Ilang buwan na din silang absent ah." Kasalukuyan kaming naglalakad sa hagdan at rinig na rinig ang ingay ng mga estudyante. Speaking of my kuya's, naaalala ko yung kagabi.
Flashback~
Nakadapa ako sa kama habang nakikipag staring contest sa stuff toy kong Stitch. Ang cute talaga ni Number 626 (6-2-6) a.k.a. Stitch. Pinindot ko ang ilong nito. I giggled.
"Baby!!! Baba ka dito!! Bilis!!"
Umalingawngaw ang boses ni kuya Eron sa buong bahay. It seems urgent kaya tumayo ako sa kama at lumabas ng kwarto, not bothering to change my clothes. Naka-T shirt at panjama naman ako eh kaya okay lang na lumabas ako ng ganito. Pagkababa ko sa living room, I saw him sitting on the couch in front of him was a little camera at the table focusing on him.
"Anjan na ba si Bunso?! Asan na sya?!"
"Baka naman tulog na. Wag na nating istorbohin."
Tumingin sa direksyon ko si kuya Eron. Nginitian nya ako at tinap ang couch para dun ako umupo.
"Hindi ah. Gising sya." Sabi ni kuya Eron at inakbayan ako.
-.- -ako
^-^ - sya
"Bunso!! Grabe mas nauna ka pa samin umuwi. Sa bagay puro kalokohan ka naman sa States." Sinamaan ko sya ng tingin kahit nakikita ko lang sya sa TV. Sabi ko sa inyo eh. Ang kuya kong 'to ang mahilig akong asaran.
"Tsk! Ewan ko sayo kuya Eren."
"Pffft.... Galit ka na nyan bunso? Hahahaha..."
"Isa pa kukutongan kita."
"Hahahahaha.... Kaya mo? Kaya mo?"
"Tsk!"
"Tama na nga yan." Saway ng katabi nya. Medyo madilim kasi at mukha lang ang kita sa kanila.
"Kuya Eroll oh. Batukan mo nga ang isang yan." Sumbong ko. Kayna kuya lang naman ako ganito wala ng iba. Kay Papa? Hmm... Konti lang.
"Aray!! Tsk! Ang sakit kaya!"
"Wag ka na kasing mang-iyamot."
Pinandilatan ko ng mata si Kuya Eren at dinilian. Ha! Kampi kaya sakin si Kuya Eroll.
"So how was your studies Princess?" Tanong ni Kuya Eroll.
"Malamang nagka-cutting classes yan. Ay! Oo nga pala, hindi sya makakapag-cutting dahil mataas ang bakod at gate." Humalakhak sya pagkasabi nun. Dahil sa inis bintukan sya ni Kuya Eroll kaya nasamid sya. Hmmp! Buti nga sayo!
"Its fine I guess. Pero may mga abnormal sa school."
"Abnormal?" Takang tanong nya. Kuya Eron snickered beside me.
"She's been fooling around with Black D. and Queens."
"Oh~ Did Papa knows?" Tanong ni Kuya Eroll. Ah shit. Nabaling ang tingin ko kay Kuya Eren nakangisi sya and his making hand gesture 'lagot ka' sign. I snorted.
"Hayaan nyo na si Lex. She's old enough to do what ever she wants. Hindi naman sya gagawa ng kalokohan na hindi nya alam kung paano takasan." Ginulo nya ang buhok ko at narinig namin ang pagbuntong hininga nya. "I tell you Eron, if something bad happen I will held you responsible for it."
"Hey! I'm responsible!"
"By the way, when will you return?" Nakuha ko ang ko ang atensyon nila.
"Why bunso? Miss mo na ba ako?" Singit ni Kuya Eren. Dinilaan ko na lang sya. Ngumuso sya ng makita ang reaksyon ko sa sinabi nya. -.-
"Ang hard mo sakin bunso." -3-
"Malapit na kaming umuwi. But there's no exact date."
I really miss them. Kahit kailan kasi hindi pa kami na kompletong magkakapatid. Isang beses lang ata nung nag-birthday si Papa.
"Anyway tutulog na kami. We have something to do tonight. Good night sa inyo dyan."
"At good afternoon say inyo dyan." Napatawa kami sa sinabi ni kuya Eron. Kumaway sila sa amin at nag flying kiss pa si kuya Eren bago mamatay ang screen.
Flashback ends~
"Malapit na. Pero walang kasiguraduhan." Umupo na kami sa sarili naming upuan at nagsimula na ang klase.
I hate science.