Words of my heart

By YeppeunYeoja95

42.2K 1.6K 312

Bawat isa sa atin ay may kanya kanyang puso. At may kanya kanya itong ninanais at isinisigaw. Ito ay kusang t... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Final Chapter
Epilogue

Chapter 34

490 23 0
By YeppeunYeoja95


~*~

Jhiea Cortez

Agad kaming tumakbo papasok ng hospital, mabilis kaming nakarating sa room ni tita. Agad pumasok sila Theo sa loob nito ngunit ako ay napahinto nalang at di magawang ihakbang ang mga paa ko papasok.

May nagtutulak sa aking umalis ngunit hindi ko magawa. Ang damdamin ko ay gustong manatili dito lalo na't alam kong kailangan ni Matheo ng mga kaibigan..

Nagulat ako, naihakbang ko ng isa ang aking mga paa ng makita kong sinuntok nya ang pader malapit sa kanya. Bigla na lang kumabog ang dibdib ko ng marinig ang malakas na pagsigaw nya mula sa loob. Hindi ko mapigilang mapaluha ng makita ang sunod sunod na pagsuntok nito sa pader dahilan upang dumugo ang  kamao nya.. Para akong nabingi at tanging ang sigaw nalang nito ang naririnig ko..

Pinipigilan na sya nila Brian ngunit hindi nila magawang pigilan ito.. Marami na ding mga taong nakitingin dito, may mga doctor at mga nurse na narito, kahit ang mga guard ng hospital ay narito na din..

Nanatili akong nakadungaw kay Theo mula sa labas.. Pinanuod ko kung paano nito panggigilan ang pader na nasa harapan nya. Parang wala lang sa kanya ang nangyayare at di nararamdaman ang sugat sa kamao nya.. Medyo kumalma na din ito at nanatiling nakalapat ang kamao nito sa pader habang nakayuko't umiiyak..

Nilingon nito ang labas at dumapo sa akin ang tingin nya.. Tinitigan ako nito. Hindi ko maiwasang maawa sa kanya dahil sa pinagdadaanan nya ngayon.. Tumulo ang luha ko habang nakatitig sa kanya.. Bumilis din ang tibok ng puso ko..

Para akong nabibingi dahil maingay na din dito ngunit ang boses lang nya na tinatawag ako ang narinig ko.. Nanlaki ang mata nito, naramdaman kong may tumakip sa bibig ko.. Hindi ko nagawang gumalaw dahil sa pabanngong naamoy ko sa panyong itinakip sa bibig ko..

Muli kong narinig ang pagtawag sa akin ni Theo. Tumulo ang luha ko bago naramdaman ang unti unting pagpikit ng mata ko..

'•'

Napa-hawak ako sa ulo ko ng magising ako. Iminulat ko ang mata ko. Isang puting dingding ang sumalubong sa akin.

Umupo ako sa higaan na kinahihigaan ko at nilibot ang paningin sa isang kwartong tanging ang higaan ko, isang lamesa at dalawang upuan ang narito..

Nasaan ako?..

Muli akong napahawak sa aking noo ng gumuhit ang sakit dito.. Ano bang nangyare't ganito kasakit ang ulo ko at nasa isang hindi pamilyar na lugar ako.

Inilabas ko ang paa ko sa kumot at inilapat ito sa sahig. Nanatili akong nakahawak sa aking ulo habang inaalala ang mga bagay na nangyare.

Nawala si tita. Nagpunta kami sa hopital. Yung pagwawala ni Theo at meron tumakip ng panyong may ibang amay sa ilong ko.. Sino naman kayang gago ang may gawa non at masapak nga. Binigyan pa ako ng sakit sa ulo..

Napa-lingon ako sa pinto ng marinig kong bumukas ito. Napakunot ang noo ko ng makita si Warren na malaki ang ngiting nakatingin sa akin..

“Gising na pala ang prinsesa” mapang asar na sambit nito. Bigla akong nakaramdam ng inis at agad na tumayo..

“Nasaan ako?!!!” pangahas na lumapit ako dito ngunit agad din akong napahinto ng bumangga ako sa isang makapal na salamin na syang humaharang sa amin upang di ko sya malapitan..

“Oh, wag kang masyadong matapang.” sambit nito at dahan dahang lumapit sa akin. “Wag mo munang pagurin ang sarili mo dahil baka di ka na makatagal pa.” saka ito humalakhak ng tawa.

Naalala ko bigla si Tita. Matapos pumunta ni Warren sa hospital, ilang oras lang ay bigla na lang itong nawala. Malamang ay siya ang kumuha dito.

“Hayop ka! Saan mo dinala si tita Jennie!” sigaw ko sa kanya at kinalampag ang salamin sa harapan ko.

Napa-tingin ito sa akin at sumilay sa kanyang labi ang isang ngiti..

“Hindi mo na kailangan pang malaman sapagkat pagmamay-ari ko sya” sambit nito.

Napa-tawa ako bigla.
“Hindi mo pagmamay-ari ang isang taong tinanggalan mo ng pagkakataong magmahal sa tunay nyang minamahal” matalim na sabi ko at saka ko ito sinamaan ng tingin..

Bigla namang nagbago ang titig nito sa akin. Nakikita kong hindi ito nasiyahan sa sinabi ko. Sigurado akong nilalamon na sya ng mga kasalanan nya ngunit hindi nya lang ipinapahalata.

Nagulat ako ng bigla itong humalakhak ng tawa. Napa-kunot naman bigla ang noo ko sa inis dahil sa mala-demonyong tawa nya..

“Hindi ko kasalanan kung namatay ng sadya ang daddy ni Theo. Basta ang akin lang, makuha ang mga pagmamay-ari ko”

Ako naman ngayon ang napatawa.
“Hindi kasalanan? Hindi ba't ikaw ang pumatay sa kanya?” nanatili akong akong nakatitig sa kanya. Kita ang gulat sa kanyang mukha dahil sa sinabi ko. “Nakakatawa, ginawa mong patayin ang isang kaibigan dahil lang sa mga bagay na yun 'no” sambit ko at nginisian sya. Nanatili lang syang nakatingin sa akin.

Huminga ako ng malalim at sinabayan ang tingin nito. “Napaka galing mo talagang umangkin pagdating sa mga bagay na din naman sayo. At pati ngayon nadadamay ako.”

Tumingin ito ng matalim sa akin.

“Matagal ka ng damay dito Jia. Matagal na kitang tinatangkang patayin” bigla akong kinilabutan sa mga salita nito.

Hindi lang pala si Theo ang nasa panganib ang buhay kundi pati ako. Hindi ko alam na may mga tao na palang tinitignan ako ng hindi maganda..

Ngumisi sya. “Pero wag kang mag-alala. Hindi ka nag-iisa”

Bumukas ang pinto ng kwarto. Halos manlamig ako sa gulat ng makita na hawak ng dalawang lalaki si mom and dad.

“Mom! Dad!” sigaw ko. Pareho silang napatingin sa akin. Umiiyak na si mommy at si daddy naman ay seryoso ang mukha ngunit nagbago ito ng nakita ako..

“Jia! Anak!” dad

“Jia!!” mom

“Hayop ka! Pakawalan mo sila!!” sigaw ko. Pinanuod ko kung paano nila itulak paupo sila mom and dad. Parehong nakatali ang kamay nila. At pareho namang nakatutok ang baril ng mga ito sa kanila.

Hindi ko maiwasang mapaluha dahil magkahalong emosyon. Galit at pag-aalala. Muli kong tinapunan ng masamang tingin si Warren.

“Napaka-demonyo mo talaga!!” sigaw ko sa kanya. Hindi ko mapigilan ang luha ko dahil sa inis na nararamdaman ko.

Napatawa na lang ito. “Matagal na akong ganito Ms. Cortez. Hindi ka pa buhay ay ganito na ako”

Hindi ko mapigilan ang umiyak dahil sa mga nangyayare ngayon. Nabuhay ako ng maayos, nakita ko kung paano pinaghirapang palaguin nila mom and dad ang kompanya namin pero magugulo lang at masisira ng isang tao. Nanggagalaiti ako dahil sa inis ko sa lalaking kaharap ko ngayon. Mukha syang matino dahil sa itsura nya at pustura. Makikita mong mag-ama talaga sila ni William pero iba ang mga ugali nila.. Hindi ko kilala gaano si William pero alam kong hindi magiging ganyan si William kung di dahil sa ama nya.

Hindi ko inaakalang masasangkot kami ng pamilya ko dito.. Sa lahat ng mga nakakalaban nila sa company namin ay nagiging kaibigan din nila. Ngunit si Warren ang nag-iisa na ang nais ay sirain ito.

“Tandaan mo ang araw na 'to Warren. Sa oras na makalabas ako dito ay papatayin kita!” sigaw ko sa kanya dahilan para tumawa ito ng malakas..

Tumawa ito ng tumawa. Nagulat ako ng bigla nitong hinampas ang salamin sa harapan namin. Halata ang labis na galit sa kanyang mga mata ngunit nananatili sa kanyang mga labi ang nanunuyang ngiti..

“Hinding-hindi mo magagawa 'yon dahil baka mas mauna ka pa sa mga magulang mo!” anito at nginitian ako..

Naguluhan ako sa mga reaksyon na pinapakita nya. May takot akong nararamdaman ngunit hindi ako dapat magpatalo dito.. Mas mabuting harapin ko sya at ipakitang kaya ko. Hindi lahat ng tao ay kaya nya..

“Hindi lahat ng nais mo ay makukuha mo. Tandaan mo, hindi ikaw ang hari ng mundo. Meron at meron pa ding taong makakapag pahina sa'yo” nanatili akong nakatingin sa mga naguguluhan nyang mga mata.

“Maaaring mamatay ka ng hindi man lang ako nahihirapan. Tandaan mo din, tinanggap ka ng kaibigan mo, wala na sya pero nakikita ka nya. Nanatili pa ding nakakonekta ang puso nito sa iisang tao” sobra ang kabang nararamdaman ko pero pinilit kong ilapit ang sarili ko sa salamin na pumapagitna sa amin. 

“Wala kang kasiguraduhan sa sinasabi mo babae” anito. Nanatiling seryoso ang boses nito.

“Maari sa'yo dahil matagal ng malayo ang loob sa'yo ng anak mo” sambit ko.

“Tandaan mo ang araw na 'to” sabi nito bago nilisan ang kwartong ito..

Napa-luhod ako bigla.. Parang bigla akong nawalan ng lakas dahil lang sa mga sinabi ko. Para akong tumakbo ng ilang daang metro para manghina ng ganito..

Agad namang lumapit sa akin sila mom and dad. Sabay nilang inilapat ang mga palad nila sa salamin sa pagitan namin. Parehong nag-aalala, umiiyak na si mommy pero nginitian ko lang sila. Hindi ko kailangang ipakita ang kahinaan ko sa kanila dahil sigurado akong maging sila ay panghihinaan din..

~*~

Warren's POV

.
Huminga ako ng malalim ng makalabas ako sa kwartong iyon.

Hindu ko alam kung anong meron sa babaeng iyon. Mataoang sya't di nagpapatalo. Anong karaoan nyang husgahan ang samahan namin ng anak ko. Alam kong hindi ako nito magagawang lokohin.

Huminga akong muli ng malalim bago binuksan ang pinto. Pumasok ako sa loob, di ko maiwasang mapangiti ng makita sya. Gising na sya.

Napalingon sya sa akin at sinalubong ako ng ngiti. Ang ngiting nakakapag pakalma sa akin.. Nilapag nito ang mansanas na kinakain nya sa tray sa lamesa malapit sa kanya..

Lumapit ako dito.

“Mahal ko, gising ka na” nguniti ito sa hinawakan ang kamay ko.

“Nasaan ako mahal? Andito ba si Matheo?” tanong nito sa akin. Nakaramdam ako ng inis pero pinalitan ko ito ng ngiti. Bakit ba hanggang ngayon hinahanap nya pa din ang lalaking 'yon?. Ako ang nasa harapan nya pero si Mathro ang hinahanap nya..

“Jennie mahal. Wala sya dito. Maayos si Matheo” sagot ko. Umupo ako sa tabi nya't mahigpit na hinawakan ang kamay nya..

Mahal ko si Jennie mula noon pa lang. Ngunit hindi ako ang pinili sya sa amin ng daddy ni Theo.. Lahat ng bagay lagi nya akong nalalamangan. Sa klase, sa mga grado. Madalas syang ikumpara sa akin ng mga magulang ko. Kahit sa mga diskarte sa kahit anong bagay sya ang mas lamang. Sya na lang palagi. At maging sa puso ni Jennie sya pa din.

Sa mga negosyo, siya pa din. Lahat sa kanya at ako nakikihati lang. Ayoko na ng ganito. Sawa na ako. Parang wala na akong nagawang tama. Kaya sa pagkakatong ito, nakuha ko na ang lahat. Di ko na bibitawan pa.


“Nais ko syang makita mahal ko. Gusto kong makita ang anak ko” sbit nito habang nananatili ang ngiti sa kanyang mga mata. Halata ang pagkasabik na makita ang kanyang anak.

Napalunok ako. Gusto kong ibigay ang gusto nito ngunit hindi ko magawa. Napaka simpleng bagay ang pagbigyan syang makita ang anak nya. Pero hindi pa din maaari. Baka mawala sya sa akin pag nangyare 'yon..

“Mahal, makikita mo din sya. Ngunit kailangan mo muna magpahinga.” sagot ko. Inayos ko ang pagkaka-ipit ng buhok nila sa kanyang tenga.

Hindi ko inaasahang matatawag ko sya ng ganito. Mahahawakan ng walang pumipigil sa akin. Masisilayan ng walang kahit anong pagkakamali.. At masaya ako para doon..

“Pero~”

“Kailangan mong magpahinga. Mas magiging masaya si Theo kung makikita ka nyang maayos na. At wala ng kahit anong sakit” pagpuputol ko sa kanya.

Bahagya itong natahimik. “Pero mas mapapabilis ang paggaling ko kung makikita ko ang anak ko.” mahinang sabi nito..

Napa-hinga ako ng malalim. Nais kong ibigay ang gusto mo pero hindi maaari mahal ko. Malaki ang posibilidad na kapag nakita ka ng anak mo ay sya din ang dahilan ng pagkawala mo sa akin..

“Ganito nalang. Magpahinga ka na lang mahal ko. Nang sa ganon ay mapapabilis ang iyong paggaling. Saka natin pupuntahan si Matheo.” unti-unting sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi. Nguniti naroon pa din ang pgkasabik na makita ang kanyan anak ngayon mismo.

“Okey ba 'yon?.” tumango ito.

Bigla namang bumukas ang pinto ng kwarto dahilan upang mapalingon kaming pareho.

“May tawag po mula sa warehouse ” sambit ng tauhan kong nakadungaw sa pinto.

Tumango naman ako. Isinarado nito ang pinto. Humarap naman ako kay Jennie.

“Warehouse?” kunot-noong tanong nito.

Ngumiti ako. “Trabaho mahal ko.” tumayo ako. “Magpahinga ka na. Nang mas mapabilis ang araw ng pagkikita nyo ni Matheo.” sambit ko. Yumuko ako at hinalikan sya sa noo.

“Aalis muna ako saglit. Pagaling ka” paalam ko dito. Nguniti ito sa akin at tumango.

Ngumiti muli ako sa kanya at nilisan ang kwartong iyon.

Continue Reading

You'll Also Like

93.2K 4.5K 33
Ano ang hiling ng mayamang si Ursula? Ang pangatlong libro ng wishlist, susubukin muli ang kakayahan ng mga gustong humiling. Na may kaakibat na uto...
50.5K 2.4K 30
Caught In The Temptation : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbidde...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
1.1M 22.9K 33
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...