Stuck in the Moment (Stuck Se...

By NerdyIrel

16.8M 209K 42.4K

Meet Kathryn Bernardo, simple pero matalino unlike Daniel Padilla na playboy, heartthrob ng school and may pa... More

Stuck Series
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Epilogue
Author's Note
PUBLISHED BOOK

Chapter 45

243K 3.3K 976
By NerdyIrel


Chapter 45



Kathryn's POV


Feeling ko trip lang ako ni DJ.

Ang dami na niyang biniling damit tapos pagdating dito, meron pang iba?

Ano bang nasa isip niya?


Teka nga! Kailangan ko siyang kausapin dahil naguguluhan ako.


Tumakbo ako papunta sa baba. Hinanap ko siya pero wala siya. Tumakbo na ko kaagad papunta dun sa pinto pero nag-stop din ako nung nakita ko yung sticky note.


Hoy.

Di marunong makinig?

Bahala ka diyan.

Hindi bubukas itong pinto unless suotin mo yun ^_^

-Daniel.


(-_-)

"Ugh. So what now? I'm stuck in the moment? Wala akong magawa kundi sundin yung gusto niya? Fine! Pero once na hindi maganda ang fit nung dress, hindi ko talaga susuotin yun. Pag hindi ako comfortable sa shoes, ibabalik ko kay Daniel yun"


Padabog akong naglakad papunta sa taas.

Nag-stop ako dun sa kwarto ni DJ. Yung guest room...

Ewan ko bakit pero pumasok ako dun.


Wala naman siyang masyadong gamit pero nakita ko yung isang bagay na medyo familiar sakin.

Yung varsity jacket niya.


Lumapit ako dun sa kama at hinawakan ko yun.

Naalala ko yung time na pinahiram sakin ito ni Daniel.


Inamoy ko yung varsity jacket niya and I'm quite surprised na same pa rin ng amoy.

Mabango... ^_^


"Hay. Matulog kaya ako? Pero kawawa naman si Daniel. For sure magtatampo yun pag hindi ko ginawa yung gusto niya"


Pumunta na ko sa master's bedroom at ni-lock ko yung door.

Tinignan ko yung dress.


"Parang hindi naman bagay sakin ito. Hay. Hayaan mo na nga lang Kath. Wala namang mawawala kung susuotin mo yan"


Sinuot ko na yung dress na binigay niya.

Infairness, fit sakin. Sakto lang ang dress. Parang pinatahi niya just for me.


Nilagay ko na rin yung mga jewelries na binigay niya.

Grabe talaga yun! Feeling ko ang mahal nitong mga ito!

Halatang tunay eh tsaka sobrang kinang!


Medyo natuwa ako kasi kasyang-kasya sakin yung sapatos.

And I love the glitters on it! Hahaha.


Hmmm...parang ang panget naman yata kung ganito lang ang ayos ng buhok ko.

One side, fishtail braid na lang yung ginawa ko.

Tapos nag-pulbos na lang ako.


Hindi kasi ako mahilig mag-make up eh.

Ewan ko. Parang hindi lang siguro kasi ako sanay.


Lumabas na ako kaagad sa room dahil iniiwasan kong makita yung sarili ko sa mirror.

Nahihiya kasi ako!!

O////////O


Feeling ko mukha akong ewan.

Basta! Hindi ako comfortable.

Di ko kasi alam kung anong plano ni Daniel kung bakit niya ko pinagsuot ng ganito.


Bumaba na ko at dumiretso sa may pintuan.

Napansin kong iba na yung kulay nung sticky note.

Binasa ko yun ulit at medyo natawa ako.


Yan.

Sinunod mo nga ako.

Good girl ^_^

Sige, pwede ka na lumabas.

-Daniel


Loko talaga yun.

May CCTV camera kaya dito? Paano niya kaya nalaman na sinunod ko yung gusto niya?


Binuksan ko yung pintuan at nagulat ako.

O_O


Omg.

Anong nangyare?

Shocks.


I'm speechless.

Super speechless.

Super Duper speechless.

Speechless to the hightest level.


Okay, so siguro nga medyo OA ako ngayon pero kung kayo ang nasa lugar ko, magugulat din kayo.


Yung daan kasi...punong-puno ng mga Christmas lights yung gilid. Hindi siya colorful, just...white lights.

Tapos yung dadaanan ko pa, puro petals ng roses. Red roses.


Naglakad ako with my head down.

Tinitignan ko kasi yung mga petals ng roses. Nung inangat ko yung ulo ko, saktong may nakita ako dun sa puno.


Sticky note.

Again.


Kath,

Nagustuhan mo ba yung nakita mo??

Haha. Well, sundan mo lang yan...

You're almost there.

-Daniel.


I'm almost there?

Mas lalo tuloy akong na-excite.

^_^


Naglakad na ulit ako tapos napatigil ako nung naging dalawa yung way.

Parang sa maze...may mga garden hedges kasi.

Saan ako pupunta? Left or right?

Walang clue?


Buti na lang at may nakita akong sticky note sa baba.

Pinulot ko yun tapos binuksan ko.


Uy, aminin! Nalito siya! Hahaha.

Kung marunong kang makinig ng instruction, you'll never get lost.

Alam mo naman siguro kung saan ang left and right noh?

Hahaha. Go to the left and take 15 steps.

-Daniel your lalabs.


HAHAHAHA.

Ano? Lalabs?

Adik?? Hahahaha. Laughtrip ako dun ah!


"Okay sige. 15 steps daw"


1.2.3.4.5

6.7.8.9.10

11.12.13.14.15.


Pagdating ko dun, may nakita ulit akong sticky notes na nakadikit sa hedges.

"Hanggang kailan kaya ito? Haha"


I admit it.

I'm enjoying his game.


Kung ano man ito, natutuwa na ako.

Binasa ko na yung nakalagay sa note.


I bet you're already smiling.

Well, last na ito kath.

Just blindfold yourself then take 5 steps forward.

Mag-ingat ka ha! Lampa ka pa naman.

(^_^) Enjoy!! Haha.

-Daniel.


Nahalata kong may kasama yung sticky note. Yung white na ipangba-blindfold ko sa mata ko.


What the hell? Ano ako? Baliw? At bakit ko naman tatakpan yung mga mata ko? Ano ba kasing trip ito? Ayoko nga! Magmumukha akong shunga nito!!!


Tinitigan ko yung sticky note.

Putek! Babalik na lang ako sa kwarto ko kung ganito lang din ang ipapagawa niya!


Lokohan na ito eh!

Tatalikod na sana ako nung na-realize ko yung magiging itsura ni Daniel kapag hindi ko ito ginawa.


Pero musta naman ako? Paano naman yung magiging itsura ko?

Hay. Kung hindi lang talaga kita mahal DJ at kung hindi lang talaga limitado ang oras na pagsasama natin, hindi ko gagawin ko.


I sighed at tinakpan ko na yung mga mata ko.

Ilan nga ba yung sabi ni Daniel? 5 steps?


"One. Two. Three. Four. Five" Nag-stop na ko sa panglimang steps but nothing happens.


Eh?? 0_o


Kapag ako nagbilang ng 1-10 at walang nangyare, tatanggalin ko na ito at babalik na ko dun.


1

2

3

4

5

6

7

8

9

10


Okay! Bwisit na talaga ako!

Tatanggalin ko na sana yung blindfold nung biglang may yumakap sakin. Backhug =/


"AAAAAAAAAHHHHHHH"

Nagulat talaga ako pero natawa din nung nagsalita na si Daniel.


"Kath naman! Mabibingi ako sayo niyan eh!"

"Ano ba ito?? Tanggalin mo na nga toh"

"Tsk tsk. No. Ayoko. Mamaya na"


O_O

"DJ!!!"

"Saglit lang okay??"

"Aish! Bilis na"

"Sige" Umayos siya at hinawakan niya yung kamay ko.


"Take 5 steps again"

"Na naman? Walang katapusang paglalakad ba ito?"

"Reklamador ka Kath"

"Talaga! Ano ba kasi ito?"

"Maglalakad ka ba or itutulak kita? Gusto mo kaladkarin pa kita"


(-_-)

Naglakad na nga ako ng 5 steps at narinig kong tumawa si Daniel.

Masasapak ko na siya eh!


"Ready?"

"Hindi pa" Sagot ko. Hahaha. Ako naman mangti-trip sa kanya ngayon!!

"Weh? Ano? Ready ka na?"

"Hindi pa nga. Makulit?? Paulit-ulit?"

"Di wag. Iwan kaya kita dito Kath"


O_O

Grabe.

Talo talaga ako sa kanya!


"Fine! Ready na!"

Narinig kong walang nasagot.


"Daniel!"

Walang sumagot.


"Hoy! Trip mo na naman ako! DJ naman!!"


*silence*


"Putek! Ano ba Daniel!"


......


"Tatanggalin ko na ito kapag hindi ka sumulpot"

"Uy natakot siya!! Hahaha"

"Ano ba DJ! Pwede na ba tanggalin?"

"Yup!"


Tinulungan niya kong tanggalin yun at nung minulat ko na yung mga mata ko...

O_O


"Hala. Ikaw naman nanahimik ngayon kath---"

"Sshh"


Omg.

Oh-my-gosh.

Sobrang natameme ako.

Hindi ako makapagsalita.


Ang ganda ng garden niya. Pero hindi lang yun ang dahilan kung bakit hindi ako makagalaw.

ANG GANDA NUNG LUGAR! May mga hanging hearts pa. Balloons sa lapag. May mga petals ng roses.


Tinignan ko si Daniel at napangiti ako sa kanya.

Bakit ba ganito siya ka-sweet? Is he trying to kill me with so much sweetness?


"Nagustuhan mo?" Tanong niya sabay kamot sa ulo.

"Of course. What's not to like?"


Natawa siya sabay may iniabot sakin.

One white rose.


"Will you be date? For the night?"


0_o

Oh. Yun pala yun.

Kaya pala niya ko pinagdamit.

Magde-date pala kami.


"It would be my pleasure to be your date Mr. Daniel Padilla" Loko ko sa kanya. Nagbow pa ko na parang princess. Hahaha. Para lang akong ewan. Napangiti na lang siya at ni-lead niya ko papunta sa may table.


Table for two.

^_^


Malamang! Ilan lang ba kaming magde-date? Syempre dalawa. Utak ko talaga eh! Baliw baliw!


"Effort kung effort ah" Biro ko nung pinaupo niya na ko. Nung umupo na siya sa seat niya, tinignan niya ko.


"Syempre. Kailan pa hindi nag-effort ang isang Daniel Padilla? Anyway, you look cute tonight?"

"Cute?" Parang pang-puppy lang ah! Hahaha.

"I mean, pretty"

"Pretty?"


Okay. Hindi ko sinasadya na ulitin yung mga tanong ni Daniel. Sadyang nagugulat lang ako kasi hindi ko alam kung bakit niya sinasabi ang mga ito.


"I really meant beautiful. You're beautiful Kathryn. Lagi naman eh. Pero mukha kang dyosa tonight"


Iniwas ko yung tingin ko sa kanya.

O///////////O


"Bakit ba parang ayaw mong maniwala?" Napatingin tuloy ako sa kanya.

"Hindi naman. Naiilang lang ako. Bakit mo ba kasi sinasabi yan?"

"You deserved it. Siguro kung thousands ang kasama natin ngayon, they'll agree on me"

"Agree na maganda ako? You must be kidding me"

"Maganda ka nga"


Spell awkward. Kami yun.

Naiilang na talaga ako!


Para bang bigla akong hindi naging komportable kasama si Daniel.

Biglang naging hindi ako sanay makipagusap sa kanya.


Yung mga tingin niya...makes my heart beats faster.

Abnormal na yata ako ngayon!


"Thank you" Bulong ko.


Bigla siyang tumawa kaya napakunot yung noo ko.

May nakakatawa ba sa thank you?


"So, naniwala ka talagang maganda ka kath?? Hahaha uy! Umasa!"


(-_-)

That's it!

I'm done in here!

I hate this night!

Bakit ba kasi napadpad pa ko dito?!


Tumayo na ko at maglalakad na sana nung hinawakan ni DJ yung braso ko.


"Bibitawan mo ba yan or ikaw ang magiging sticky note sa pader?"

"Kath naman. Sorry na"

"Lagi na lang eh! Seryosong usapan, mangiinis ka! Ano ba talaga! Date ba ito or not?"

"Bakit? Pag date ba, kailangan seryoso?"


>_<

Okay.

Pahiya ako dun!


"Ewan ko sayo! Nababadtrip lang ako dito!"

Honestly, di ko alam kung bakit parang kanina pa ko nabi-BV.


"Let me guess, gutom ka na noh?"

Napatigil ako sa pagiisip nung nagsalita si Daniel.


He's right.

Lagi naman eh!

Lagi siyang tama!


Gutom na gutom na gutom na ko.


"Kain na tayo?" Nag-smile siya sakin. Yung kind ng smile na tititigan mo talaga.


Kung hindi lang ako gutom, talagang umalis na ko!

Umupo na ko at tinignan ko siya ng masama. Atleast aware siya na medyo inis pa rin ako.

Nag-apology smile lang si Daniel sakin.


*After a few minutes*


Binigyan na kami nung biglang sumulpot na guy ng food.

Carbonara sakin!

YUMMY! My favourite!! Paano kaya nalaman ni Daniel na gusto ko ang carbonara? ^_^


While eating, napatingin ako kay DJ.

OA na kung OA pero ayoko kasi ng mga surprises. Hindi ako sanay!

Tapos mainit pa ulo ko dahil gutom na ko! Nadadamay pa tuloy si DJ sa init ng ulo ko.


"Daniel..." Bulong ko.


"Hmmm?" Napatingin siya sakin as if nagulat siya na bigla akong nagsalita. Binitawan ko yung fork at tinitigan siya ng seryoso.


"I'm sorry"

Nag-frown si Daniel tapos parang naguluhan siya.


"Huh? Sorry saan?"


"Sinungitan na naman kita. Sorry ah! Gutom lang kasi talaga ako. I mean, pagkatapos mo kong pasuotin ng pasuotin ng mga damit, inuwi mo na lang ako basta basta. Wala man lang merienda"


"You're saying sorry dahil sinungitan mo ko? Parang unfair yun ah. Ako yung dapat nagsasabi ng sorry"


"You know what? Let's forget it! Walang katapusang sorry na naman ito DJ"

"Okay. Ayoko naman na first evening date natin, badtrip ka"

"So serious date talaga ito?"

"Yup"


Parang nakakapanibago.

Oo nagdate na kami dati. Lunch date.


Pero first time nga pala naming mag evening date.

I heard evening dates are the best.

Yun nga ba?


"Sana sinabihan mo ko. Nagulat talaga ako Daniel"

"Ganun? Teka, can I ask something?"

"Anything?" Nag-smirk si Daniel sa sagot ko.


"Uhmm...pwede mo bang sabihin sakin kung ano yung una mong naramdaman nung nakita mo yung 3 white boxes sa kama???"


Right.

About that...


Well...Hahaha. Ang hirap i-explain ah!


"Shocked. Confused. Ewan! Ang hirap sabihin. But really, nagulat ako. I didn't expect na sa dami ng binili mo sakin, meron pa palang dagdag"


"Did you like it? I mean, yang mga suot mo right now"

"Oo naman. Daniel, sana hindi mo na lang ako pinagkagastusan---"

"Tsk. Nasuot mo na oh! Wag mo nang alalahanin. Okay?"

"Right"


"Teka, nung nakita mo yung mga sticky notes, ano yung naisip mo?"

"Akala ko kung anong game na naman yan. Kung anong trip na naman ang iniisip mo. Pero seriously, bat may ganung-ganun pa?"


"Isn't it fun? Walang thrill kung walang ganun"

"It's unique Daniel. Aminin ko, naaliw naman ako"

"Good. Kasi kung hindi, mababatukan na kita"


Napangiti na lang ako. Hindi talaga pwedeng walang biruan kapag kaming dalawa ang naguusap. Parang natural na samin yun.


Kumain na ulit ako and he did the same.

"Enjoying your meal?"

"Sobra. Ang sarap"

"Good"


Nagkwentuhan ulit kami about some stuffs. Pati yung ie-excuse namin kay mama, kuya, sa barkada, sa family niya kung bakit nawala kami. Syempre, kung magpapalusot kami...dapat bawat detalye, parehas kami ng sasabihin.


"Daniel, you look handsome tonight"

"Tonight lang???"

"Heh! Yan ka na naman eh!"

"Hahaha. Dessert?"

"Sure"


So may dessert pa pala! WHOOT!!! Busog busog ako nito for sure! Hahaha.

Banana split pa yung binigay sakin! Shocks!! Tuwang-tuwa na ko! I told yah, madali akong maging masaya pag may nagbigay sakin ng sweets.


*After a few minutes*

Hinawakan bigla ni DJ yung kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.


"Eh???"

"You wanna dance?"


"A-ano? D-dance?" Did I heard him right? Did he just said dance? Nakadrugs nga siguro si Daniel.

I mean, DUH!!! Dance? Walang music? Bakit?


"Yes. Dance. Sayaw"

"Pero wala namang kanta eh"

"Yun ba? Meron kaya"


Nanahimik ako para mapakinggan yung kantang sinasabi niya pero tumagal ang isang minuto na kahit isang sipol, wala akong narinig. Nung tumingin ako kay DJ, nakakaloko yung expression ng face niya.


"Niloloko mo na naman ba ako Daniel John Ford Padilla?"

"Nope"


Tumayo siya bigla and he hand out his hand.


"Stand up" ako naman itong uto-uto, ginawa kaagad yung sinabi niya.


Bigla siyang nag-clap tapos may narinig akong music.

(Dito niyo po start yung music sa multimedia :D)


Bigla akong hinila ni Daniel papalapit sa kanya kaya nagulat ako.

O_O


Ni-wrapped niya yung arms niya sa waist ko then we started swaying. Slow music kasi yung kanta. Tapos tinitigan niya ko.


"Kath...thank you"


Eh?

Bat naman kaya siya nagte-thank you?


"Para saan?"

"Kasi pumayag kang ligawan kita" Then he kissed my hair.

"Yun? Wala yun. Lahat naman pwedeng manligaw sakin"

"Thank you ulit"

"Para saan na naman DJ?"

"Kasi pumayag kang sumama sakin dito" Tapos hinalikan niya yung noo ko.

"Two days lang naman eh"

"Thank you so much"

"Para saan naman yang thank you mo?"

"Kasi pumayag kang makipag-date sakin" Tapos he lightly kissed my cheeks.


"May choice pa ba ako, eh pinagdamit mo na ako kaagad? Besides, kung ganito talaga yung lugar, makikipag-date ako malamang"


Natawa siya ng kaunti pero bigla rin niya kong tinitigan. ULIT!

^////////^


Ang pogi niya! Shet!

Okay! Ang landi ko na naman! Kath, just stop it please?


"Thank you"

"Walang katapusang thank you? Para saan naman yan?"

"For letting me love you"


Natameme ako dun.

Hindi ko alam sasabihin ko.


"Ms. Kathryn Chandria Bernardo, I know na madalas mo ng naririnig sakin ito pero gusto ko lang talagang sabihin na, I love you"


Ang sarap lang pakinggan na sinasabi niya sakin na mahal niya ko.

"Pero Kath sorry dahil iiwan kita after 6 days" Oo nga pala. 6 days na lang. Bakit niya pa kailangan sabihin? Alam ko na naman yun eh!


"Wag ka na kasi umalis! Sige ka, sasagutin ko si Enrique! Wala ka nang pagasa kapag umalis ka!"


Alam ko na naman na aalis at aalis din siya dahil yun ang gusto ng mga magulang niya.

Yung pain na nakita ko sa mata ni Daniel kanina, mas nadagdagan ngayon.

Shemay, ang bobo ko talaga! Magjo-joke na nga lang ako, yung makakasakit pa sa kanya!


"Okay lang. Tanggap ko na naman na hindi magiging tayo eh"

Bigla akong napaluha.


"Maliban na lang kung sasagutin mo ko ngayon at tayo na for 7 days"

"Tapos ano? Break na tayo pagkatapos?"


Tinitigan niya ko sabay hinawakan niya yung pisngi ko.

"Ibig sabihin nun, akin ka na forever. Kung kaya mo kong hintayin, babalik at babalik ako. "


Di na ko nagsalita. Pinunasan ko na lang yung luha ko.

"Nagda-drama na naman ako oh"

"Madrama ka naman talaga eh"

"Heh! Yan ka na naman!"


Sumeryoso na naman siya kaya napatingin ako sa kanya.


"Sana nga lang mahal mo rin ako Kathryn"

"Mahal naman kita eh. Hindi mo lang alam Daniel"


Nanlaki bigla yung mga mata niya.


Wait.

Did I just...did I just told him I love him too?


O_O

SHEMAY!!


"Nagjo-joke ka lang ba or tunay na yang sinasabi mo Kath? Mahal mo ba talaga ako?"


Gosh.

Sasabihin ko na ba talaga? Or I'll deny my feelings for him again?


Narinig na niya.

Nasa desisyon ko na lang kung babawiin ko yun or not.


So kath?

What's your decision?


ISIP! ISIP!

Wag ka na kabahan please!

He deserves to know!

Or not...


"Wag na wag mo akong tatanungin kung mahal na kita. Baka kasi pag sumagot ako.. Kiligin ka" Asar ko.


"Sabi na nga ba eh, binibiro mo lang ako---"

"I love you Daniel. Sobra. Mukha ba kong nagbibiro?"

Tinitigan niya ko for a moment bago siya ngumiti.


"Di nga?"

"Paulit-ulit? Gusto mong baguhin ko yun?"

"AAHHHHHH! MAHAL AKO NI KATH! MAHAL AKO NI KATH!!!"


Natawa ako nung sumigaw si Daniel.


"Huy! As if naman may makakarinig sayong iba---" Tinigil ko rin yung sinasabi ko kasi naalala kong nandito rin somewhere yung caretaker niya at yung tumulong sa kanya with foods and stuffs.


Lumapit ulit siya sakin at hinawakan niya yung mga kamay ko.

"Kath, girlfriend na ba kita?"

"Abay malay ko sayo!"

"Pwede?"


Para siyang batang tuwang-tuwa pero nagho-hope na pumayag ako.

He's so cute!


"Oo na! Girlfriend mo na ko!"


Nagulat ako nung bigla niya kong....

Hinalikan.


Napangiti ako kasi I could feel na super saya niya. Ganun din naman ako eh.

I decided to kissed him back to let him know na I really love him.


"Kath, thank you sobra. Hindi mo alam kung gaano mo ko pinasaya" Nag-blush ako ng kaunti kasi ang hilig niyang magsalita while yung lips niya ay nagba-brush sa lips ko.

Embarrassing!


"Thank you rin DJ---"

"Ssshh ang ingay mo talaga noh?" Bigla na lang niya kong hinalikan.


Kissing Monster alert!

Hahahaha.


Ngayon ko lang napansin na parang natupad din yung deal ko sa sarili ko.

Yung sinabi ko sa sarili ko na ang first kiss ko ay para lang sa first boyfriend ko.

Ayan! Nagkatotoo nga!


Biglang tumunog yung cellphone niya pero hindi siya tumigil sa ginagawa niya.

Ako na yung nag-decide na tumigil muna. I stopped kissing him tapos tinignan ko siya.


"Hindi mo ba sasagutin yang phone mo?"

"Wag na. Hindi naman importante yan"


"Teka, diba sabi mo walang cp for 2 days? Bakit naka-on yan? Yung akin nga naka-turn off pa rin eh!"


"Syempre tinawagan ko yung mga nagaayos nito while nasa mall tayo. Nakalimutan ko na lang patayin"


Tumunog ulit yung cp niya kaya tinaasan ko na siya ng kilay.

"Sagutin mo na yan, unless natatakot kang makita kong babae mo yan"


Natawa siya pero he stole a kiss from me.

"Grabe ka talaga Daniel!!"


"Eh bakit ka kasi nagseselos kaagad? Wala pang hours na official na tayo na tapos iniisipan mo na ko ng ganyan. Di na nga ako badboy okay? Wala na yung playboy na Daniel dati"


Napasmile ako dahil mukha naman siyang sincere.

"Good. Mabuti na yung nililinaw natin"


*Ring! Ring!*


"Putek Daniel! Kapag hindi mo pa sinagot yang call na yan, sisipain na kita. Wala akong pakielam kung naka-heels ako at naka-dress right now"


"Tomboy ka talaga eh. Opo, ito na po"


^_^

Hahaha.


Daniel's POV


Tinignan ko yung phone ko at nagulat ako kasi unregistered number yung natawag sakin. Sino naman kaya ito?


Me: Hello?

Unknown number: DJ? Ikaw ba yan? Mommy ito ni kath


O_O

Me: Tita min, bakit po kayo napatawag?

Napatingin sakin si Kath. Halatang nagulat din siya.


Tita Min: Bakit kayo nasa Tagaytay? DJ, iuwi mo na yung anak ko right now. Dalawang araw na siyang hindi nauwi. Hindi niya rin sinasagot yung cellphone niya. Buti na lang at nakita ko yung number mo sa kwarto niya


Me: Tita, sorry po. Mahabang kwento. Don't worry, ie-explain po namin pagdating diyan at on the way na po kami. Kanina pa po kami nasa daan. Traffic lang po


TIta Min: Nasan ba siya? Can I talk to her?

Me: Uhhmmm sige po. Ito


Binigay ko kay Kath yung phone ko at halatang kinakabahan siya.

I mouthed 'It's okay' para wag naman siyang kabahan. Mahirap magsinungaling kapag kabado ka.

Hahaha.


Kath: Ma?

Kath: Opo Ma. Pauwi na po kami. Ikwe-kwento ko na lang po pagdating diyan. Malo-lowbatt na po ang cell ni Daniel eh

Kath: Bye ma


Binigay na rin sakin ni Kath yung phone ko.

"So?" Tanong ko. Hindi ko kasi narinig yung sinasabi ni Tita min eh kaya hindi ko alam kung okay lang ba si Kath.


"Mukhang worried lang naman si mama. Hindi naman siya galit"

"Good. Ano? Uwi na tayo?"

"Wala na tayong choice eh. Gusto ko pang mag-stay pero hinihintay na ko nila Mama"


Hinawakan ko yung kamay niya. Kita ko kasi sa mga mata niya na medyo nagaalala na siya. Siguro dahil first time niyang mapapagalitan if ever na magalit ang mama niya pagdating niya dun.


"Tara na. Magpalit ka na ng damit at baka mabunyag pang nag-date lang tayo dito"

Natawa siya pero tumungo rin.


Naglakad na kami pabalik dun sa house ko tapos naghiwalay din kami. Syempre naka-formal ako kaya kailangan magpalit din ako.


Napahiga ako dun sa kama ko.

^_^


Grabe.

Hindi ko alam na ganito pala kasaya na sagutin ka na ng babaeng mahal mo.

Yung kahit alam ko ng mahal ako ni Kath, iba pa rin yung sinabi niya na talaga sakin.

Ang sarap lang sa pakiramdam na alam mong wala ng makakaagaw sa kanya.


Si Enrique? Nganga yun pagbalik namin.

Si Khalil? Baka umiyak pa yun.


Eh ang babagal nila eh. Kasalanan na nilang naunahan ko sila.

^_^


Hay.

First time kong maging masaya ng ganito.

Before, everytime na sinasagot ako ng mga babae, natutuwa rin ako dahil na-uto ko sila.

Pero ngayon, iba eh. Ibang-iba.


Corny ko man ngayon, wala akong pakielam.

Inlove ako eh.


Kathryn's POV


Paglock na paglock ko ng pintuan, tumakbo na kaagad ako sa kama at sumigaw sa may unan para hindi ako marinig ni Daniel.


SHOCKS!

Boyfriend ko na siya!


Nasabi ko rin sa wakas na mahal na mahal ko siya!


Ganito pala kapag inlove?

Onting bagay, natutuwa ka na.


Kaunting hawak niya sayo, napapa-smile ka na.

Kaunting titig sayo, nawawala na yung tibok ng puso mo.

Kaunting 'I love you', di ka na sure kung buhay ka pa.


Teka, buhay pa ba ako?

Double check ko muna sarili ko.


Kinurot ko muna sarili ko at medyo nasaktan naman ako.

Okay, okay. Buhay pa.


Tumayo na ko at nagbihis.

Baka kasi maghintay si Daniel ng matagal, mainis pa yun.


At si mama rin, ang alam niya pauwi na kami.

Nung naayos ko yung mga gamit ko, lumabas na rin ako ng kwarto.


"AAAAAHHHHHHHHHH"

Napasigaw ako kasi nagulat ako nung nakita ko si Daniel na nakatayo. Mukhang nagulat din siya.


"Bakit nandiyan ka? Shemay! Aatakihin ako sa puso ng di oras eh"

"Kakatok pa lang sana ako eh kaso bigla kang lumabas Kath"

"Ah. Hehehe"


Kinuha bigla ni Daniel yung bag ko tapos yung isang kamay niya, pinanghawak niya ng left hand ko.

Holding hands kami.

^_^


Pagsakay namin sa kotse niya, may naisip ako bigla.

"Daniel, may isa pa tayong problema?"

"Ano yun?"


"Yung mga pinamili mo sakin. Yung mga damit from Topshop...paano ko naman ie-explain yun kay mama? Ang alam niya science fair lang. Bakit may mga damit?? Diba?"


Ini-start na niya yung engine nung car tapos nag-drive na siya.

"Iu-uwi ko muna. Bukas, after school. Pag wala pa yung kuya at mama mo, idadaan ko yun dun"

"Pero pag nakita ni mama yung mga bagong damit sa closet ko, musta naman yun? Buking din"

"Kasalanan mo na yun kapag nabuking ka"

(-_-)


Nanahimik na lang ako.

Ayokong ma-ruin yung sobrang sayang mood ko kanina.

Syempre nagaasar lang si Daniel.


"Dj, pwede magtanong?"

"Shoot. Ano yun?"

"Bakit mo ko inaasar dati? Tapos ngayon ang bait bait mo na"

"Manhid ka nga siguro kath, nagpapapansin lang ako sayo dati"

"Eh di sana kinaibigan mo na lang ako"

"Ayoko ngang kaibiganin ka, hindi naman friendship habol ko sayo ehh, yung puso mo"

^_^


"Ayyiee nabanat na naman siya!"

"Atleast kinilig ka!"

"Hahaha whatever Daniel. Wait, pahiram ng phone mo. Ibu-bluetooth ko yung mga pictures natin para meron akong copy"


"Oh" Inabot niya sakin yung phone niya at lahat ng pictures namin, sinend ko sa cp ko. Pati na yung mga old pictures namin. Yung picture nung na-stuck kami sa music room noon, sinend ko rin.


"Sana hindi na lang tayo makarating sa bahay mo para mas tumagal pa yung oras na makasama kita Kath"

"DJ, may bukas pa okay? Papasok naman tayo sa school eh"

"Kahit na. Iba pa rin yung kasama ka for the whole day"


"Alam ko yang feeling na yan DJ pero hindi pwede yun eh. May families tayong magwo-worry. Friends na kung anong-ano ang iisipin"


"Hay. Bakit ba kasi hindi ka napadpad sa buhay ko nung first year pa tayo?"

"Tsaka bakit kasi natapunan mo ko ng coke nung una tayong nagkita? Ilang weeks tuloy tayo naging enemies"


"Malay ko bang nagsasayang lang ng tayo ng oras noon. Kung alam ko lang na magkakaroon ng 7 days chu chu, eh di sana matagal ko ng hindi ka inaway"


"Ang hassle ng pinaguusapan natin. Itigil na nga natin ito DJ"

"Okay. Teka, alam mo ba kung anong araw ngayon Kath?"

"Ano?"


"26"

26. Birthday ko. Birthday niya.


"Number natin DJ"


"Kaya special yan. Alam mo yung word na 'meant-to-be'? Tayo yan eh. Biro mo, same day na 26 ang birthday natin tapos 26 pa yung araw na naging tayo"


"So anong sinasabi mo Daniel? Na meant-to-be tayo??"

"Bakit hindi ka ba naniniwala?"

"I think we're destined to be together"

"Weh?"


Kahit nagda-drive siya, binatukan ko talaga siya. Tawa lang naman siya ng tawa.


"May pa meant-to-be, meant-to-be ka pang nalalaman tapos mangaasar ka rin pala. Baliw!"

"Adik! Adik sayo"

"Jerk!"

"Hot! Cute! Pogi! Alam ko kath, di mo na kailangan sabihin"


Humalakhak ako ng di oras.


Pogi daw siya? Hot? Cute?

ANG HANGIN AHHH!!!


Pero totoo rin naman kasi yung sinasabi niya.

^_^


He's perfect not just for me.

Feeling ko nga kapag nag-tweet ako ng ganyan, maraming maga-agree na perfect siya.

Nasa kanya na kasi lahat!

LAHAT!


"Hoy, nanahimik ka na naman Kath"

"Masama?"

"Oo. Masama. Halikan kaya kita, tutal gusto mong manahimik"


O/////////O

Kahit sabihin mong boyfriend ko na siya, nagugulat talaga ako kapag nagbibiro siya ng mga ganyan.

Nakakahiya eh!!!


"Ano ba Daniel! Eh kung binibilisan mo na lang yang pagda-drive mo para makadating na tayo dun kaagad"


"Yes boss!"

"Boss?"

"Boss"


(-_-)

Inulit lang niya yung sinabi ko.

Hahaha.


"Kath, pwede bang marinig ulit yun?"

"Ano yun?"


"Yung mahal mo ko"

(_ _")


"Ayoko"

"Aish! Bakit? Kinahihiya mo na mahal mo ko?"

"Hindi sa ganun Daniel"

"Sige na please. Sarap lang pakinggan eh"


Tumabi ako sa kanya at bumulong sa tenga niya.

"I love you"


Bigla siyang humarap and guess what?

He stole a kiss again.

Malamang quick kiss. Baka mabangga kami ng di oras eh.


"Nakakarami ka na ah!"

"Okay lang yan Kath. Kung gusto mo, ikaw na lang ang mag-kiss sakin"

"Manyak!"

"Sus. Hindi manyak yun kasi girlfriend na kita. May karapatan na kong halikan ka"

"I'm starting to hate the word girlfriend"


Sabay kaming natawa at ni-rest ko na lang yung ulo ko sa shoulder niya.

*yawn*


Hmm...

Inaantok na ko...


Daniel's POV


*After an hour*


Napansin kong nakatulog si Kath.

Humaharok eh. HAHAHAHAHA joke.

Hinde, seriously? Nanahimik kasi siya. For sure natutulog siya.


Nakarating din kami sa bahay ni Kathryn sa wakas.

"Kath" Bulong ko. Hindi pa rin siya gumagalaw.


Medyo tina-tap ko yung balikat niya para magising siya.

Minulat niya yung mga mata niya tapos umupo na siya ng maayos.


"Nandito na tayo" Tinignan niya yung labas tapos kinusot niya yung mga mata niya.

"Uhmm...ganun ba? Sige. Goodnight na, pasok na ko sa bahay"

"Hoy. Sinong may sabing uuwi na ako kaagad?"


"Bat DJ? Bakit ka pa papasok sa bahay? Magpahinga na tayo, gabi na. Pagod ka pa sa pagda-drive"


Hinawakan ko yung cheeks niya para makinig siya sa sasabihin ko.

"Kath, hahayaan ba kitang mag-explain sa mama mo ng magisa. Kasama ako sa magpapaliwanag sa kanya, okay? Saglit lang yan. Uuwi na rin ako kaagad"


"Sige na nga. Tara na" Bumaba na ko ng kotse at binuksan ko yung door nung car sa gilid niya.


"Kath?" Sabay kami ni Kathryn na napalingon sa may gilid ko.


>=/

Si Enrique.

Epal alert.


"Bakit ka nandito---" Tinigilan ako ni Kath magsalita. Alam niya kasing mainit dugo ko kay quen. Baka nga maupakan ko siya once na magkamali siya ng isasagot.


"DJ" Binigyan ako ni Kath ng look na para bang sinasabi niyang 'huminahon-ka-naman-please'

Nag-sigh na ko.


Bahala siya.

Siya kumausap diyan.


"Quen, bat nandito ka?"

"San ka ba pumunta? Huh? Sobrang nag-worry ako!" Nagulat ako nung bigla niyang niyakap si Kath.


PUTEK!!

Feeling ko kumukulo na yung dugo ko right now.


Uhmm hello? Boyfriend in here!!!


Ano DJ?

Sasapakin mo na ba yan or not?

Isip! Bilisan mo?

Patayin mo na lang kaya para masaya?


Kaso hindi ka naman killer.

GRRRRR!!!

Bahala na!


Lalapit na sana ako kay Kathryn pero napatigil ako nung si Kath na mismo yung lumayo kay Enrique.

Halatang nagulat lang si Kath na niyakap siya nung halimaw na yun.


"Hindi mo naman sinagot yung tanong ko eh. Anong oras na? Bakit nandito ka pa?"

"Bakit kasama mo si Daniel?"


"Quen, hindi ko na kailangang mag-explain. Kay mama ako mage-explain. Umuwi ka na, bukas na lang tayo magusap"


>=/

Bakit bukas pa?

Bakit kailangan sila lang bukas?

Bakit hindi sila makapagusap dahil nandito ako?


"No kath. Tapatin mo nga ako. Anong science fair yang pinagsasabi mo? Nagsinungaling ka kila Julia right? Sumama ka kay Daniel noh? Tapatain mo nga ako please. Kayo na ba?"


Napangiti ako.

Ano kayang magiging itsura ni Enrique kapag sinabi ni Kath na kami na?


Siguro dapat kunin ko yung phone ko at i-record siya.

Kaso baka masira yung lens ng phone ko. Wag na lang.


"Oo kami na. Boyfriend ko si Daniel"


Parang nabagyuhan na nabagsakan ng lupa yung naging itsura ni Enrique.

Nawala yung ngiti ko dun.


Naisip ko kasi na kung ako yung nasa lagay niya at sinabi sakin ni Kath na may boyfriend na siyang iba, malamang masisira buhay ko.


Pero teka nga, hindi naman yun yung case ngayon eh.

"A-ano? B-bakit siya Kath?"


Takte. Parang ang sama nung tanong niya ah.

Bakit? Hindi ba ko karapat-dapat kay Kath?


"Quen, I'm sorry"


Hoy! Hoy! Bakit nagso-sorry si Kathryn kay Enrique?

Nagulat ako nung hinawakan ni Quen yung both arms ni Kath.


"Kath, ano ba! Bulag ka ba? Playboy yan! Ipagpapalit ka lang niyan! Iiwan ka rin niyan!"


"OO ALAM KO! IIWAN NIYA RIN AKO! BUT YOU CAN'T BLAME ME KUNG BAKIT KO SIYA SINAGOT! MAHAL KO SIYA QUEN!"


"Pare, bitawan mo si Kath" Umiiyak na kasi si Kathryn eh. At nabwi-bwisit na ko kay Enrique.


Pag hindi niya talaga ito binitawan, naku! Ewan ko lang kung mabubuhay pa siya.


Bigla na lang akong sinapak ni Enrique. Napaupo tuloy ako.

PUTEK!

Di ko ine-expect yun ah!


Pinunasan ko yung dugo sa labi ko at tinignan ko siya ng masama.

Kung hindi ko lang kaharap si Kath, nasapak ko na si Enrique.


"Hoy Daniel! Sa lahat naman ng babaeng paglalaruan mo, si Kath pa? Putek! Umayos ka nga! Layuan mo na siya habang maaga pa! Wag mo na siyang saktan! Dahil kapag sinaktan mo siya, ako mismo ang papatay sayo!"


"Pare, natatakot ako sa sinasabi mo. Promise" Asar ko. Bwisit. Siya pa may ganang manakot. Sino ba siya? Ano bang karapatan niya para sabihan akong layuan si Kath? Daig niya pa tatay ni kath eh.

Susuntukin niya sana ulit ako nung si Kath na yung tumigil sa kanya.


"Ano ba Enrique! Pwede ba? Wag ka na makielam samin!"

"Pero kath, ikaw na mismo ang nagsabi, iiwan ka niya!"

"Pero babalikan niya rin ako!"

"Huh? Ano bang pinagsasasabi mo?"


Tumayo na ko at hinila si Kath palayo kay Quen.

"Pare, labas ka na dun. Sa amin na lang ni Kath yun. Tara na nga"


Tinignan ko ng masama si Enrique bago kami pumasok ng gate ni kath.

Napansin kong umiiyak pa rin siya.


Hinila ko siya palapit sakin bago ko siya niyakap.

Tumulo lang yung luha niya.

Shet. Ayoko ng ganito! Ayokong naiyak siya!


"Kath? DJ?"


Lumayo kaagad sakin si Kath nung nakita niya yung mama niya.

Pinunasan niya yung mga luha niya sabay tumingin sakin tapos kay tita min.


"Ah ma..."


Putek.

Mahabang-habang explanation ito.


-------------------------------------------------


Happy 400K Views!

Thanks for reading this!

5 chapters before book 2!! Hahaha.

And yung tungkol sa A/N Malapit na! Sobra!! :D

Hahaha


 A/N: "The more you care, the more you have to lose"

Continue Reading

You'll Also Like

6.6M 153K 62
Meet Alex. Isang simple teenager na walang ibang ginawa kundi ang magaral ng mabuti. But after an accident, she started dreaming about a guy she neve...
52.7M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
9.1K 112 20
Zariyah Krystelle Mariano, Is In love with his dad's personal driver. She confess her feelings to him but, Giovanni Salazar's rejected her. Date Star...
258K 17.5K 83
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...