Unforeseen |Lesbian| (On hold)

By ArtSDT

65.4K 854 7

Currently under revision! More

Unforeseen (Lesbian)
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11

Chapter 8

1.5K 48 0
By ArtSDT

Unforeseen |Lesbian|
By ArtSDT

Chapter 8

Sabado ngayon at nandito ako sa likod ng mansion nakaupo sa ilalim ng malaking payong. Umiinom ako ng malamig na watermelon juice habang pinagmamasdan ang mga kaibigan kong naglalaro sa malaking swimming pool namin. Sumugod kasi dito sa mansion nang wala man lang pasabi kaya wala na akong nagawa.

Gusto ko sanang sa kwarto ko kami tumambay dahil tirik ang araw at sobrang init dito sa labas kaso ang kukulit nilang lahat. Si Sammy ang kasama kong nakaupo ngunit may hawak itong libro kaya wala akong makausap. Yung tatlo naman ay feel na feel maligo sa ilam ng mainit na araw. Hindi ko na kasalanan kapag nasunog ang mga balat nila kahit nakasunblock pa sila. Ang lalakas ng loob na mag two piece eh.

Nayayamot na ako sa kinauupuan ko at gusto ko na talagang bumalik sa kwarto kaso ayoko namang iwan si Sammy dito mag-isa. Ayaw niya din kasing maligo.

"Sammy," tawag ko sa kasama ko. Hindi ko na talaga kaya ang init.

Tiningnan niya lang ako na tila nagtatanong kung anong kailangan ko. Napakamot naman ako sa ulo. Mukhang wala ata siya sa mood ngayon.

"Gusto mo bang umakyat sa kwarto? Ang init kasi dito." Aya ko pa sa kanya.

Bigla siyang tumayo sabay sabing, "Okay, tara na."

Nauna siyang pumasok sa loob ng mansion at naiwan akong nagkakamot ng kukute ko. Anyare ba dun?

Nagpaalam ako sa tatlo. Susunod na lang daw sila sa kwarto kapag nagsawa na sila sa pool. Tumango na lang ako at pumasok na din sa loob.

Naabutan ko pa si Sammy na nakasandal sa hawakan ng hagdan.

"Ano daw ang sabi nila?" Tanong nito.

"Susunod na lang daw sila mamaya."

Tumango lang siya.

Nauna akong umakyat ng hagdan kaya nakasunod lang siya sa akin hanggang marating namin ang kwarto ko. Kaagad kong binuksan ang aircon at humiga sa kama. Tumabi din ng higa si Sammy sa akin.

"Hindi ko alam kung bakit kailangan ko pang sumama dito." Biglaang saad nito.

"Eh bakit sumama ka pa rin?"

"Hinila ako ni Justine palabas ng bahay kaya wala na akong nagawa."

Napangiti ako sa sinabi niya. Kapag si Justine kasi ang nag-aya sa amin ay wala kaming magawa kahit anong tanggi pa ang aming gawin. Bigla na lang susulpot sa bahay yan tapos basta na lang kaming kakaladkarin papasok sa kotse niya. Si Abby naman ay go lang ng go at game na game sa lahat ng gimik ni Justine. Pero si Jane, hindi sasama yan kapag hindi ako kasama. At si Sammy, wala nang nagagawa yan kapag kompleto na kaming apat at siya na lang ang kulang. Kahit siya ang pinakatahimik sa amin ay lagi namin siyang kasama sa kahit na anong lakad, basta kompleto kami. Tanging si Justine at Abby lang talaga ang mahilig gumimik at pumunta sa iba-ibang bar at club sa buong syudad.

Biglang bumigat ang talukap ng aking mga mata at hinihili akong matulog ng malamig na kwarto at malambot na kama.

"Sammy inaantok ako. Pakigising na lang ako kung tapos ng maligo ang tatlo." Sabi ko pa habang humihikab.

"Okay."

Nang marinig ko yun ay hindi na ako nagsalita at nagpalamon na ng tuluyan sa antok.

---

Naalimpungatan ako dahil sa mga tapik sa aking balikat na may kasamang pag-uyog.

"Althea gumising ka na, lunch na." Narinig ko pang sabi nito.

Gumulong ako sa kama at hinarap ang taong gumigising sa akin. Nakita ko sa Sammy at bumangon na ako.

"Anong oras na ba?" Tanong ko dito.

"Almost 12pm na din."

"Tapos na bang maligo ang mga bruha?"

"Oo. Nasa baba na nga sila hinihintay tayo."

"Okay. Mauna ka nang bumaba, susunod ako."

Tumango lang siya bilang tugon bago tuluyang lumabas ng kwarto. Inayos ko lang ng kaunti ang sarili ko at sumunod na din.

Pagkababa ko ay rinig na rinig ko ang boses ni Justine at Abby na nagtatawanan pa. Ang sakit talaga nila sa tenga.

Pinadiretso ako ng isang kasambahay namin sa dinning area dahil nakahanda na daw ang lunch at nandun na din ang mga bruha kong kaibigan. Naabutan ko silang nakapwesto na lahat. Aba aba! Feeling talaga itong mga kaibigan ko.

"Wow naman, nakakahiya sa may ari ng bahay ano?" Bungad ko sa kanila.

"Ano ka ba sis. Minsan lang kaya to." Hirit ni Abby.

"Hindi ba kayo pinapakain ng maayos sa inyo? Para kayong mga patay-gutom sa lagay na yan."

"Grabe ka naman. Di ba pwedeng nakakagutom ang maligo sa pool?" Katwiran ni Justine.

"Sino ba kasi ang nagsabing sumugod kayo dito sa bahay at magbabad sa pool namin sa ilalim ng tirik na araw?" Nakapamewang na saad ko.

Nagturuan naman si Abby at Justine sa isat-isa habang tahimik na umiiling si Jane at Sammy sa kani-kanilang mga pwesto.

Napairap na lamang ako sa dalawang nagturuan.

"Anyways, kumain na muna tayo. Gutom na din kasi ako." Sabi ko at umupo na rin.

Habang kumakain kami ay hindi pa rin mawala sa utak ko kung bakit sumugod dito ang mga kaibigan ko.

"So, bakit nga pala kayo sumugod dito?" Pangunang tanong ko bago uminom ng juice.

Nakakapagtaka lang kasi dahil wala naman kaming napag-usapan na magkita-kita ngayong weekend. Rest day kaya namin today.

"Ay Althea, may di ka pa kasi naikukwento sa amin." Sabi ni Justine habang nakataas-baba pa ang mga kilay nito na nakatingin sa akin.

Napataas aan ang kilay ko, "Ay talaga ba? Hindi ba makapag-antay ang Monday sa inyo at binulabog niyo pa talaga ako dito?" Sarkastikong turan ko.

"Dali na kasi girl. Kwento ka na." Naiintrigang pahayag ni Abby.

"Ano naman ang ikukwento ko sa inyo?"

"Ay sis, wag ka nang magpakainosente dyan."

"Bakit nga kasi? Di ko kayo gets eh."

Ano ba kasi ibig sabihin nila?

"Ano ka ba naman, Althea. Manhid yarn?" -Justine

"Yung guy na kasama mo sa parking lot bess." Hindi na ata nakatiis si Jane at siya na ang nagsalita.

"Huh?" Si Art ba ang tinutukoy nila?

"At bakit di ka man lang pumasok that day? Sobrang alala namin sayo kaya nagmadali kaming umuwi para sana dumaan dito sa inyo. Tapos ang maabutan lang pala namin ay nasa university grounds ka pa kasama ang unknown guy and take note, nandun din si Benjie." Mahabang paliwanag ni Justine.

"Ahh, yung eksenang nadatnan niyo sa parking ng uni ba ang tinutukoy niyo?" Tanong ko na ikinatango naman nilang lahat, well maliban kay Sammy na mukhang hindi interesado sa mga nangyayari.

Wala na mga akong nagawa kung hindi ang ikwento ang mga nangyari that day--except sa part na dinala ako ni Art sa secret place niya. Sinabi ko na lang na tumambay lang kami sa library buong maghapon para magpalipas ng oras dahil ayokong umuwi ng maaga.

"Really? Di ka niya iniwan?" Tanong ni Abby.

Tumango ako. "Oo kaya nga magkasama kami na pumunta sa parking area tapos nandun pa din pala si Benjie at yun ang naabutan niyo."

"So this Art na sinasabi mo, magpinsan sila ni Denise right?" Napatango ako sa tanong ni Justine. "Baka related din kayo girl."

"Anong related kami ang pinagsasabi mo?"

"Related as in magkapamilya. Ganun."

Napailing naman ako dahil sa sinabi niya. "Imposible kasi Suarez ang apilyedo ni Art. I heard Artemio ang full name niya. Yun kasi ang narinig kong tawag ni Denise sa kanya."

"Artemio? Psh! Ang badoy naman ng name niya." Kumento ni Abby.

"I know right? Parang kapanahunan pa ni kupong-kupong yung name niya. Bakit kasi di na lang ginawang Artem para poging pakinggan." Pagsang-ayon naman ni Justine.

Nagtawan pa talaga ang dalawa sa mga komento nila sa pangalan ni Art.

Nagkibit-balikat na lamang ako. Kahit anong pangalan pa ang itawag sa kanya ng ibang tao tatanggapin ko pa rin siya. Kasi hindi naman importante kung badoy o panget ang pangalan basta may mabuting puso ay ayos na yun.

"Pero girls, eto talaga ang tanong." Napatigil naman kaming lahat dahil sa sinabi ni Abby at nilingon siya. "Type mo ba siya, Althea?"

Luh?

Kinabahan akong bigla sa pasabog na tanong na iyon. Teka, hindi ako ready. Paano ko sasagutin ang tanong na yan?

Type ko nga ba si Art?

"Ano na Althea? Naghihintay kami sa sagot mo." Inip na saad ni Justine.

Napakamot naman ako sa ulo ko. "Ano ba namang klaseng tanong yan. Wala na bang iba?"

"Wag kang mag-alala may follow up pa yan kapag nasagot mo ng maayos."

Wala naman sigurong mawawala kapag sinabi kong tipo ko nga ang mga lalaking katulad ni Art kaya dahan dahan akong tumatango.

At ang dalawa ay parang mga tanga sa kanilang mga naging reaksyon. Nagtitili kasi na sobrang sakit sa tenga at halos magyakapan pa. Habang sila Jane at Sammy naman ay nakatitig lang sa akin na para bang may kakaiba sa mukha ko.

"Sa wakas! Tinamaan na din ng pana ni kupido ang ating prinsesa!" Parang baliw na sabi ni Justine habang nakataas ang dalawang kamay at yumuko pa sa harapan ko.

"Ang OA naman ng reaksyon mo. Para type lang naman, hindi pa naman gusto." Pagbawi ko pa.

"Kahit na. First step na yan at papunta na din yun dun. Ano ka ba!" Maarteng sabi ni Abby sabay hawi pa ng buhok at paypay sa sarili gamit ang mga kamay. "My ghad!"

"Tsk! Ewan ko sa inyo. Ang dami niyong alam." Inirapan ko na lang ang nangyari at pilit na hindi masyadong isipin yun.

Matapos ang magulong lunch namin ay nagyaya ulit ang dalawa na maligo sa pool kaya wala kaming nagawa kundi ang lumusong na talaga. Kasama ko si Sammy sa gilid ng pool kung saan nakasilong pa rin kami sa payong pero nakalubog ang kalahati naming katawan sa tubig.

"May tanong ako." Biglang saad ng katabi ko.

Di ko talaga maiwasang magulat kapag pabigla-bigla na lamang nagsasalita si Sammy.

"Ano ba ang nakita mo sa Art na yun?" Tanong niya kaya napalingon naman ako sa kaniya.

Ngumiti ako bago sumagot at binalikan ang mga oras na magkasama kami.

"Alam mo sa totoo lang, last year pa nung una kaming magkita sa airport." Panimula ko. "Nabangga ko siya ng hindi sinasasya. Tapos yun nga, napansin ko yung pagiging sobrang magalang niya at laging nakangiti. Pati mga mata nakangiti rin. Then nagkabanggaan ulit kami sa mall nung time na tinakasan ko sila Jane, Bryan at Benjie."

"So siya ang naghatid sa'yo pauwi?"

"Hmm." Nakangiting sagot ko. Habang nakatingin sa kawalan. "You know what, first time kong kumain ng fastfood na pagkain dahil sa kanya. Pero in fairness masarap naman at nag-enjoy ako dun. Nakalimutan ko rin kahit papaano ang ginawa nila Jane sa akin. Sobrang thankful ako kasi nagkita ulit kami after a year at natatandaan niya pa rin ako. Ang gaan niyang kausap. Mabuti na lang talaga hindi siya katulad ng ibang mga lalaki na magte-take advantage sa'yo in any situation. Sa kanya kasi parang ang gaan ng loob ko at panatag ako kapag magkasama kami. At sobrang daldal niya din."

"Althea, tapatin mo nga ako. Inlove ka na ba sa kanya?"

Agad naman akong napatingin sa kausap ko. "Imposible yan Sammy. Inaamin kong type ko nga ang mga lalaking tulad niya pero ang bilis naman atang sabihin na inlove na ako agad. Di ba pwedeng namamangha lang ako kasi I thought nag-iisa na lang ang kuya ko sa buong mundo. And then there's Art. Hindi pa pala sila ubos."

"Sigurado ka ba talaga dyan?" Pinaningkitan niya pa ako ng mata na animo'y sinusuri ang kulay ng budhi ko.

"Oo nga kasi. At saka ayokong pumatol sa mas bata sa akin noh. Mas gusto ko pa rin ng medyo matanda sa akin, siguro mga 3 years na gap niya sa akin ganun."

"Okay, sabi mo yan eh."

Nagkibit-balikat na lang din ako saka humigop ng juice na hawak ko. Mas lalo yatang umiinit ang panahon dahil sa napag-usapan namin ni Sammy.

Iisipin ko pa lang na magkakagusto ako kay Art ay di ko na tinuloy. Ayokong maging ate niya noh. At saka ang pangit naman pakinggan na mas matanda ako sa kanya if ever man na maging kami.

Woah! Hold up!

Maging kami? Bakit ko ba biglang naisip yun? Baka makasuhan lang ako ng child abuse if ever man.

Tsk! Erase. Erase. Erase.

Althea isipin mo na lamang na nakababatang kapatid mo si Art, okay?

Yeah. Maybe ganun na lang siguro.

Hanggang sa natapos na ang isang buong araw ng sabado ay gising pa rin ang diwa ko. Hindi ako makatulog kahit anong gawin ko dito sa kama ko. Hindi kasi mawala sa isip ko yung pinag-usapan namin ni Sammy. Isama mo na rin yung mga kagagahang naisip ko kanina.

My ghad Althea!

Really?

Nababaliw na ata ako dahil lagi ko nang kinakausap ang sarili ko nitong mga nakaraang araw.

Bumangon na lamang ako sa kama at bumaba. Dim ang ilaw ng buong bahay kaya isa-isa kung binuksan ang mga switch para naman lumiwanag at wala akong makasalubong na mumu.

Dumiretso ako sa ref at nagsalin ng gatas sa baso. Baka sakaling dalawin ako ng antok. Aalis pa naman ako bukas ng maaga para bumili ng libro na requirement sa ilang mga subjects namin. At saka balak ko na din bumili ng ilang mga cocktail recipe book para makapag-aral ako in advance at hindi mahirapan kapag gagawa na kami para sa isang major subject. Madami pa namang imi-memorize.

Ano ba yan! Kakasimula pa nga lang ng unang sem tapos ang dami ko ng iniisip.

Matapos kong uminom at ilagay ang basong ginamit ay umakyat na ako ulit sa kwarto ko. Sa awa ng diyos ay wala naman akong nakasalubong na mumu.

Muli akong humiga at inayos ang takip sa mata ko. Hindi ako sanay matulog nang nakapatay ang ilaw. Inayos ko na ang pwesto ko para mas kompoetable ako. Huminga ako ng malalim at sinubukang matulog.

Hindi na muna kita iisipin ngayon Art dahil may gagawin pa ako bukas. Kaya please lang, patulugin mo na ako. Wala na akong beauty rest neto...











---
Unedited.

Continue Reading

You'll Also Like

25.4M 907K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...
2.8M 102K 72
She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance t...
8.6M 148K 46
Always the bestfriend but never the girlfriend
27.6M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...