Stalk Me Baby (completed)

By Suzi_ayah

12.2K 285 95

Umbrella only likes one person and that is Brent Gogomen. Ito ang dahilan kung bakit nagtratrabaho sya sa caf... More

Stalk Me Baby
Stalker one
Stalker two
Stalk three
Stalk four
Stalk five
Stalk six
Stalk Seven
Stalk eight
Stalk Nine
Stalk ten
Stalk twelve
Stalk Thirteen
Stalk fourteen
Stalk fifteen
Stalk Sixteen
Stalk seventeen
Epilogue

Stalk Eleven

521 11 3
By Suzi_ayah

"Come in" narining kung sabi ni Dose. Nandito ako ngayun sa hospital ni Dose, syempre nandito pa rin ako sa country of love para suyuin si Dose na bawiin ang petition. Well after naming mag usap ni Fretz kahapon napag disesyonan kung maging mabait. Alam kung mabait na ako kaya naman magpapakabait ulit ako para kay Dose.

"Good morning Dose" sabi ko pagkapasok ko sa office nya. Omeged, nanlaki ang mata ko ng makita ang office nya. 1 word to decribe his office, AMAZING! Mula kasi dito kita ang effil tower, hindi lang iyon kasi made of glass ang wall nya kaya kita ko din ang mga building. "Pwedi na ba akong tumira dito!"

"Wala kang bahay dito kaya bawal kang tumira dito," tumayo si Dose at lumapit sakin.

"Magpapagawa ako ng bahay dito. I mean look at the view! Masarap mamatay kung iyan ang makikita ko bago ako mawala sa earth."

"Wala ring saysay ang view na 'yan kung mamatay ka rin kinabukasan." Malamig na sagot ni Dose.

Nag-pout ako. Gusto ko sanang sumbatan si Dose na super nega nya pero tumahimik nalang ako. I need to remember that kelangan ko maging mabait for the sake of his past and for the petition.

"Okey sabi mo e. Anyway busy ka ba?"

He look at me confusingly.  "Hindi naman masyado ba--" bago pa nya matapos ang sasabihin hinila ko na ang kamay nya palabas ng office nya.

"Good, lika ilibot mo ako dito sa Paris."

"Ginawa mo pa akong tourist guide mo?"

"Obviously Dose, Oo. Ikaw ang tourist guide ko ngayun at bago ka mag reklamo sumama ka nalang." Hinila ko sya hanggang sa makalabas kami sa hospital nya. Weird makatingin samin ang mga tao, ngayun lang ba sila nakakita ng babaeng hinihila ang isang lalaki? Yes hinihila ko talaga si Dose.

Agad akong pumara ng taxi at hinila papasok doon si Dose.

"Damn it Umbrella! Marami pa akong gagawin sa office at hinila mo lang ako para maging tourist guide mo!" naiinis na sagot ni Dose. Nakasimangot sya.

"FYI Dose sabi mo hindi ka 'masyadong busy' It means hindi ka nga busy! Kaya naman dahil I'm your beautiful friend ipapasyal mo ako dito." nakangiting sabi ko.

"Your not beautiful and I'm not your friend."

"Ouch Dose." sabi ko with matching hawak ng dibdib ko kung nasan ang heart ko. "Is that how you treat me? Your so mean." I said playfully with pout.

"Your also mean too." he mimicked. "Una ginambala mo ako sa opisina, pagkatapos hinila mo ako dito ng parang close tayo, at ngayun ginawa mo pa akong tourist guide mo ng walang bayad! Sige nga sino ang mean sating dalawa?"

"Ahmm. Ako. Okey relax Dose hindi naman kita papatayin. Gusto ko lang mamasyal."

"Bakit di ka mamasyal mag isa mo?"

"Haler, nasa Paris tayo. Meaning stranger ako sa bansang ito, wala akong alam dito lalo na sa alien language nila! I even lost here many many many times! Atsaka lagi kang nandito sa Paris kaya sa tingin ko alam mo kung saan pupunta." I cross my hand on my breast and pout.

Huminga ng malalim si Dose. "Alam mo Umbrella hindi ko maintindihan ang ugali mo. Ang hilig mo makialam sa mga bagay na hindi dapat pinapakialaman." he sound defeated. "Sige na ipapasyal kita, pero hindi libre ito. Kelangan mo akong pakainin ng lunch, meriend at dinner with midnight snack pa." he smirked.

Halos lumuwa ang mata ko. "Seryoso ka Dose?" he nodded. "Yes! Makakapasyal na rin ako sa Paris! Bwahaha buti nalang di ko dala wallet ko. Ibigsabihin hindi kita malilibre. I'm soh sorri." I said with evil laugh.

Nagsalubong ang mga kilay nya. Oppss. "You mean pumunta ka sa office ko ng walang dalang pera! Paano mo ako ililibre?"

Nag peace sign ako kay Dose. "Actually pamasahe lang ang dala ko ng pumunta ako sa office mo. Wala talaga akong balak mamasyal ngayon pero ng makita ko yung view sa office mo parang gusto kung pumunta sa effil tower. Kaya hinila kita, ibigsabihin ililibre mo ako. Bwahahaha" sabi ko with annoying laugh.

Umuling lang sakin si Dose. "Your unbelievably. " sagot nya. Ngumisi lang ako sa kanya.

Well I really do have a money pero nasa pocket bra ko iyon. Yes nasa bulsa ng bra ko in tagalog. Nagsinungaling lang ako kay Dose dahil wala akong balak sayangin ang pera ko para pakainin sya. Sigurado kasi ako na malakas kumain si Dose talo nya pa ang baboy sa dami ng kinakain! And well kaya namang gumastos ni Dose. Anong use ng milliones nya kung hindi nya gagamitin di ba. He's rich kaya bahala syang gumastos sakin. I know I'm so bad pero para din ito kay Dose. I want to enjoy the moment being here in Paris with this idiot. Pagtyatyagaan ko nalang ang lalaking ito makalibre lang ng foods dito sa Paris.

"Where to sir?" sabi ni manong taxi driver. Si Dose ang sumagot. At ayun nag change direction si manong.

"Dose s'an tayo pupunta?" lumingon sakin si Dose sabay sagot na.

"Sa cementery." pangasar nya. Sinamaan ko sya ng tingin.

"Gusto mo bang malibing ng buhay?"

"Geez, your so ugly." sabi nya with matching smirk. "Sa effil tower tayo. Pwedi ka ng tumalon doon kung gusto mo."

"So funny Dose." to make the story short dumating na rin kami sa aming patutunguhan. But one problem.

"10 Dollors sir." sagot ng driver.

Kinapa ni Dose ang bulsa nya, ngunit wala ang hinahanap nya. Tumingin sya sakin.

"Oh bakit ganyan ka makatingin?"

"Shit! Naiwan ko ang pera ko sa office!" sigaw nya sakin.

"Oh Sheet! Paano natin babayaran yan?" panic na tanong ko. Okey pwedi ko namang bayaran iyan pero nasa pocket ng bra ko ang pera! Nasa labas na kami ng taxi at hindi pweding ilabas ko ang bra ko para lang kunin ang pera ko! I mean pwedi ko namang gawin iyon pero nakakahiya!

"Is their a problem sir?" tanong ni manong taxi driver.

"Nothing sir." sagot ni Dose. "Anong gagawin natin! Hindi naman pweding utangin natin ito kay manong." frustrated na sagot ni Dose.

Napakagat labi ako. Parang may bulb na umilaw sa ulo ko, lumapit ako kay Dose.

"What are you doing?" nakataas kilay nyang tanong.

"May pera ako sa bra pero hindi ko makuha. Lumapit ka sakin at takpan mo ako habang kinukuha ang pera ko!" binigyan ako ng wierd look ni Dose. Naku ang lalaking ito mabibitay ko talaga. "Ano Dose magbabayad ba tayo ng pamasahe o hindi?" sa huli lumapit din sya sakin.

"Oh anong gagawin ko?"

"Yakapin mo ako." he glared at me. I rolled my eyes and said, "Look Dose kelangan mo lang takpan ang kamay ko habang kinukuha ang pera ko! Just hug me walang malisya."

"This is the weirdest thing I would ever do."pailing iling na sagot nya. Lumapit sya sakin at yinakap ako. Hindi naman iyon totally yakap dahil nasa bewang ko lang ang mga braso nya. Parang natigil ang planetang earth dahil sa lapit nya sakin. Amoy ko ang pabango nya, ramdam ko ang tinatawag nilang 'body heat' dahil sa lapit nya, at higit sa lahat ramdam ko yung tinatawag nilang spark. Medyo OA ako magbigay ng description pero wala akong pakialam kung sobrang nagwawala ang mga butterfly sa tyan ko. "Hey Umbrella, kukunin mo ba ang pera mo o magpapayakap ka lang dito magdamag?" he smirk.

Inirapan ko sya. "Ang gwapo mo ah." note the sarcasm. Pasimple kung inangat ang damit ko hanggang sa mapasok ko ang kamay sa bra ko. Medyo naka bend ang ulo ko kaya kung titignan kami parang naghahalikan. Si Dose kasi naka bend din ang ulo at ramdam ko ang hininga nya sa leeg ko! Shez! Hindi ako makapag concetrate sa pagkuha ng pera ko!

Umbrella mamaya ka na lumandi, kelangan mong kunin ang pera ng makaalis ka na sa kahihiyang ito!

After a second nakuha ko din ang pera ko. Humiwalay sakin si Dose at binayaran na namin ang driver. Pero nagtaka ako kay manong driver, nakangiti sakin habang inaabot ko ang pera.

"Are you in honeymoon?" tanong nya. Nanlaki ang mata ko at naramdaman ko ang pag init ng pisngi ko. Walanjong driver ito! kami ni Dose nasa honeymoon?! Never! Bago pa ako makasagot nagsalita ulit si manong. "Don't pay me, It's my honeymoon gift for you both. Your a lovely couple madam. Have a nice honeymoon." sabi ni manong bago nya pinaandar ang taxi nya paalis.

Naiwan akong na-statwa sa kinatatayuan ko. Adik ba si manong! After kung kunin ang pera ko sa bra para lang mabayaran sya saka nya sasabihing libre nya samin iyon dahil nasa honeymoon kami ni Dose!

"Anong nangyari bakit di mo binayaran yung driver?" Biglang tanong skain ni Dose. Bigla akong namula ng maalala ko yung sabi ni manong na nasa honeymoon kami.

"A-ano. Maganda daw kasi ako kaya libre nya na iyon sakin." sabi ko sabay ngiti kay Dose.

"Sigurado ka ba?" I nodded "Sa tingin ko malabo na ang mata ng driver na iyon para sabihan kang maganda." pangasar ni Dose. Inirapan ko lang sya. Well alangan namang sabihin ko kay Dose ang totoo! Like 'Dose nasa honeymoon daw tayo kaya libre nya na iyon satin' like what the earth! Hindi kami bagay  ni Dose. Kahit kelan hindi talaga matanggap ni Dose na maganda ako syempre alam ko na iyon at hindi na dapat I-mention ang katotohanan. "Umbrella I have something to tell you." seryosong sabi ni Dose.

"Ano?" seryoso ko ding tanong. Bipolar ba sya at laging nag-cha-change ang mood.

"Hmm......cup B pala dibdib mo." he smirked. "So let's begin the tour." sabi nya sabay lakad paalis.

On process ang utak ko. Teka anong ibig nyang sabihin? Cup B?

Cup B?

Cup B?!

CUP B!

Namula ako dahil sa kahihiyan at pagkainis. "Walanjo ka Dose Peste!!" sigaw ko sa lalaking iyon.

Napatingin ako sa boobs ko. "Medyo malaki naman ahh." I said with pout.

----------------------

Hindi naman pala masamang kasama si Dose. Na-enjoy ko naman ang pakikipag away sa kanya habang tumitingin ng view sa taas ng effil tower, na-enjoy ko ding makipag laro sa kanya ng mga nonesense na discussion. I enjoy his company kahit pa lagi kaming nag-aasaran. Its weird yet its amazing.

Kasalukuyan kaming nasa resto bar at mula dito tanaw na tanaw ang effil tower. Nasa roof top kasi kami ng resto. "Kung ako man magiging orasan gusto ko kasing laki iyon ng orasan sa effil tower, dahil kahit anong oras may tumitingin sakin." bigla kung sabi sabay tunga ng red wine ko. Gabi na natapos ang Paris tour namin ni Dose. Well waldas ang pera ko sa bra! Sabi ko na nga bang malakas kumain si Dose, napatunayan ko yan ng maka apat na kanin sya sa local resto na kinainan namin kanina. At ito kami ngayun umiinom ng wine dahil katatapos lang namin mag dinner.

"Ang pangit naman ng orasan mo." sagot ni Dose.

"Paano mo naman nasabi yan?"

"Well masyado kang malaki, ibigsabihin lahat ng tao nakikita ang bawat galaw mo, lahat ng tao nakatingin sayo para tignan ang oras. Paano kung nawalan ka ng battery? Hindi ka maaring tumigil dahil pag tumigil ka, titigil ang oras ng mga tao. Magiging late na ang pagtakbo mo pag gumana ka ulit." sagot ni Dose sabay tunga ng kopita nya.

"Ikaw Dose, ano ka kung magiging orasan ka?" tanong ko sa kanya. Tumingin sya sakin sabay baling ulit sa effil tower.

"Hmm. Ako siguro 'wrist watch', kasi pag nawalan iyon ng battery. Ako lang ang makakaalam, hindi apektado ang ibang tao." sagot nya. ".....Wala silang pakialam kahit na tumigil ang oras ko kasi may sarili silang oras at hindi nakabase sakin ang oras nila...."

Feeling ko may mas malalim pa na meaning iyon para kay Dose. "Hmm kaya pala." bulong ko.

Tumingin sya sakin. "Anong 'kaya pala?"

"Well, sabi mo wrist watch ka, ikaw lang ang makakaalam kung anong oras na, ikaw lang ang makakaalam kung nawalan na iyon ng battery at ikaw lang ang makakaalam kung masisira iyon. Ibigsabihin duwag ka."

"Paano naman ako naging duwag?"

"Kasi Dose, tulad ng wrist watch, ayaw mong malaman ng ibang tao ang saloobin mo. Ayaw mong malaman nilang nasasaktan ka tulad ng sirang relo, ayaw mong ipakita sa kanilang mahina ka katulad ng naubos na battery at higit sa lahat ayaw mong mag share ng oras sa ibang tao kasi para sayo may sariling buhay ang bawat tao. Ibigsabihin napaka  duwag mo." natawa sya sa sinabi ko.

"Sa tingin mo hindi duwag ang orasan mo?"

Nagkabit balikat ako bago sumagot. "Hindi. Kasi ang orasan ko kasing laki ng effil tower, lahat ng tao nakikita ako, tulad ng personality ko. Hindi ako takot malaman nila na malungkot ako, wala akong pakialam kung makita nilang mahina ako. Kasi tao lang ako, hindi ako robot na walang nararamdaman. Nasasaktan at nalulungkot din ako, kahit na ako pa ang pinakasikat na tao sa buong mundo, tao pa rin ako. Natatae, nauutot, nawawalan din ng pasensya, nagkakamali, natatama etch! Teka kanta ata yun ahh." sabi ko sabay tawa. Tipsy na ata ako, kasi naman itong red wine nakakaloka!

Tahimik lang si Dose, wala kaming imikan matapos ang orasan story.

Hanggang ngayon hindi ko maintindihan kung bakit sarado ang puso ni Dose para sa ibang tao. He's cold ang ruthless, he look like no mercy and intimidate. But behind those characteristic was a pain, heartbroken Dose, that shield his self to everyone who entered. I want to help Dose to get through all those pain. Kalimutan muna natin ang petition, may isang linggo at apat na araw pa naman ako para doon. All I want to do is break Dose gate he build in his heart and help him move on.

"Sa tingin mo pag naging malaking orasan ba ako hindi ako masisira?" biglang sabi ni Dose.

"Dose....."

".....kasi sa tingin ko kahit anong gawin ko masisira pa rin iyon. Pero tulad ng orasan ayaw kung madamay ang iba, na pag nasira man iyon hindi na nila kelangan mamombrelama para sakin.......kasi kahit anong ayos ko ng orasan, tumitigil pa rin iyon.......at iniiwasan kung tumigil iyon kung alam kung sa pagkasira nun may masasaktan na iba......" pahina ng pahina nyang sagot.

Yumuko si Dose at ininom ang natitira nyang red wine. Nakikita ko ang kalungkutan sa mga mata nya. Siguro naalala nya si Aumbre. He's so sad.

I want to hug him ang tell him soothe nothings, pero hindi ko ginawa. Kasi naman bigla syang tumayo. "Alam mo Umbrella tuwing kasama kita napaka drama mo." sabi nya sabay ngisi sakin. "Fans ka ba ng drama clubster?"

Sinimangutan ko sya. "Actually president nila ako." tumayo ako at kinuha ang red wine ko, pero sa bigla kung pagtayo parang umikot ang mundo ko. Hala hilo na agad ako! Matutumba sana ako kung di ko naramdaman ang kamay na pumaikot sa bewang ko.

Picture this, parang slowmo na matutumba ako pero biglang may yumakap sakin then ng tignan ko nasalubong ko ang gwapong mukha na parang anghel pero half demon na si Dose, parang may spark with matching fire works sa back ground. Well OA na naman description ko. But Ohmay Tuhod! Bakit maraming hangin sa tyan ko!

********

this whole book 'Stlak Me Baby' was dedicated to my lovable Lolo Ceferino Olivo who just past away last July 30. I wish for your prayer, thank you ♥ ♥

-Suzi

Continue Reading

You'll Also Like

92.6K 206 30
"Hindi naman mahalaga kung mahina o malakas ka, ang importante ay ang kaya mong harapin ang iyong mga kahinaan, ang kaya mo itong baguhin upang sa ma...
125M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
52K 2.8K 32
A story of a man after God's heart
6M 275K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...