Unwanted Girlfriend [Publishe...

By vampiremims

21.4M 313K 24.8K

It hurts the most when the person that made you feel special yesterday can make you feel unwanted today. More

Unwanted Girlfriend
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Mims.
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
UG BOOK 2 : Amaranthine Love

Chapter 20

381K 5.1K 339
By vampiremims

Vote. Comment. Fan. Thanks! 

 

---------

 

“Can you at least pretend that you’re happy with me?” napahinto ako sa paglalakad ng marinig ko ang boses ni Lance. I looked at him. Kanina pa kaming magkasamang dalawa. Siya lang ang nakakaalam nung condo ni Mikael dahil nagpasundo ako. Si Mikael… masyado siyang busy ngayon. Marami siyang ginagawa ngayon and I can’t distract him or what. Sinusubukan kong dumistansya ng kaunti sakanya dahil na din naisip kong hindi naman siya pwedeng masanay na lagi akong nasa paligid niya. As much as I want to…

“I’m happy,” I shrugged. Ngumiti din ako ng tipid. Masaya naman akong kasama si Lance… magiging mas masaya nga lang if I’m with Mikael.

“Tss. Yeah, whatever,” naglakad siya at nilagpasan ako. Nagtampo na po si Edward Lance Saavedra. Pabayaan ko kaya nang ma-rape ‘to dito sa mall? Kidding. “Lance!” I called him. Nag-iinarte siya kaya hindi niya ako nililingon.

“Laaaaaance!” mas malakas ang sigaw ko pero hindi niya pa din ako nililingon. Kaartehan at its finest. “Edward Lance Saavedra, I swear kapag hindi ka bumalik dito, I won’t talk to you forever!” nakita ko namang huminto siya sa paglalakad. May mga nakatingin na sa aming dalawa. Nilingon niya ako at tinignan mula sa kinatatayuan niya. Yumuko siya at ngumiti sabay napailing. Lumapit sa akin at hinawakan ang kamay ko. “You know very well that you’re my weakness kaya lagi mong ginagamit ang kahinaan ko sa akin…”

“What are you—“

“Do you know hard it is seeing you with Kerko?” tanong niya sa akin, hindi ako kumibo. “It’s like I’ve been hit by a 10 wheeler truck again and again and unfortunately, I’m still alive…”

Napatingin ako sakanya with my ‘you’ve got to be kidding me look’ . “Ang OA mo ha?” I punched him softly in his abdomen pero hinawakan niya ang kamay ko. “Manananching ka pa e,” he chuckled. “If you want to see it, pwede naman e…” he said in a low voice.

“Puro ka talaga kalokohan, Lance,” I rolled my eyes. “Wala sa plano ko ang maging isa sa mga babae mo, excuse me lang…”

“Babae ko? Nagpapatawa ka, Mikachu…” hinawakan niya ang kamay ko at nagsimula na naman kaming maglakad. “Mikachu?” ano ako? Pokemon?

“Cute nga e, Mikachu,” he smiled at me. No doubt kung bakit ang daming nagkakagusto sa lalaking ‘to. Napakagwapo din naman kasi talaga… minsan may sense of humor pa unlike ni Mikael na mabiro mo lang ng konti, susungitan ka na.

“Yeah, whatever…” I mimicked his tone earlier. He held my hand tighter. Nakikita kong tinititigan siya ng mga babaeng nakakasalubong naming pero halatang wala siyang pakialam sa mga ito. “LalalalalaLance, LalalalalaLance…” I was humming the LINE tune… ‘yung kay Jessy Mendiola at Matteo? Natawa naman ako ng tinitigan ako ni Lance. “Why? It’s cute naman, right?” I smiled sweetly.

“Tss. Where do you want to eat?” tanong niya sa akin. “Hmmmm… sa food court nalang tayo,” sagot ko. “Sigurado ka?” magkasalubong ang kilay niya habang nakatingin sa akin. “Oo nga, let’s go… mamaya pa naman tayo manunuod diba?” hinila ko na siya papunta sa escalator at bumaba. Binitawan ni Lance ang kamay ko at ipinaikot ang kamay sa bewang ko. Pinabayaan ko nalang siya since sanay naman akong ganyan si Lance sa akin dahil matagal na kaming magkakilala. Ayoko siyang paasahin o ano pero I can’t let him go either. Gusto ko man siyang iwasan… I can’t. Importante din naman sa akin ang lalaking ‘to.

“What do you want to eat?” tanong niya ng makahanap siya ng upuan sa may bandang gilid ng food court. “Hmmmm… can I walk around and check kung anong gusto ko?” Luminga-linga ako. Maraming tao as usual, baka mall ‘to.  “Samahan kita kung—“

“No. Baka mawalan tayo ng upuan… Okay lang ako. Promise, hindi ako lalayo and Lance, I’m twenty one years old. Don’t treat me like as if I’m just twelve, okay?” tumayo na ako at naglakad-lakad. Si Mikael kaya, kumain na? Ano na kayang ginagawa nun ngayon? Kung siya ang kasama ko, papayag kaya ‘yun na sa food court kami kakain? Hindi naman siya maarte o ano, ayaw niya lang na napapaligiran ng maraming tao.

“Wala naman akong mapili dito…” I sighed. Nasanay akong kapag kakain sa labas, si Mikael ang namimili ng kakainin namin. Hindi naman ako nagrereklamo sa mga binibili niya kasi gusto ko din naman, nasanay lang talaga ako. Nasasanay na din akong nasa tabi ko siya… paano nalang kung…

“Damn it, Mika… tigilan mo na nga ang kakaisip sa mga bagay na hindi mo dapat iniisip…” bulong ko sa sarili ko. Tinignan ko ang kinaroroonan ni Lance at nakita kong may babaeng nakaupo sa upuang kaharap niya. They were talking at halatang naiinis si Lance sa babae. Anong meron?

Naglakad ako pabalik sa table namin. “Sabi mo tatawagan mo ako, diba?” narinig kong sabi ng babae kay Lance, inabot niya ang kamay nitong nasa ibabaw ng lamesa. “Wala akong sinabing ganun, Miss. Look, umalis ka na pwede? What we have… it’s nothing…”

“I love you, Edward… ‘yung nangyari sa atin, it was magical and I know, gusto mo din ‘yun…”

Mukhang alam ko na kung anong tinutukoy ng babaeng ‘to. Napailing nalang ako. Huminga muna ako ng malalim bago ako lumapit sakanila. “Baby, who’s she?” tanong ko kay Lance. Halata namang nabigla siya sa nangyari. Ilang beses ko na bang nagawang magpanggap na girlfriend ng lalaking ‘to? Sa Korea pa lang, ilang babae na ang naka-away ko dahil sa lalaking ‘to. Wala pa namang nakasakit sa akin dahil hindi naman hinahayaan ni Lance na mangyari ‘yun at kung mangyayari ‘yun, bukod sa may paglalagyan ang babaeng gagawa nun, ililibing ng buhay ni Kuya Kulog si Lance. Isang babae pa lang ang nahayaan kong sumampal sa akin at hanggang ngayon, naka-marka siya sa isip ko. Mababalikan ko ‘din ‘yun…

“Uh…”

“I’m his girlfriend,” proud na sagot ng babae sa akin. Natawa naman ako sa sinabi niya. “Really? I thought you’re one of his toys…” sarcastically I said. Halatang na-offend ‘yung babae.

“Mikachu…”

“Baby, I told you that if you’re going to f-uck someone, ‘yung medyo kalevel ko naman para mainggit ako at maisipan ko din na ibigay na sa’yo… hindi ‘yung…” sinadya kong ibitin ang sasabihin ko and looked at the girl in front of us, “matatawa lang ako.”

Gosh! Bitchy Mikaela ako ngayon? Si Lance kasi e. I’m trying to forget this side of me simula ng makilala ko si Mikael. Ayaw niya sa brat kaya pinipilit kong tumino, umayos pero… call of duty? Kalokohan ko din e nu?

“Excuse me, sino ka ba?” lakas-loob na tanong sa akin nung babae. “Mikaela Michelle Dela Cruz, miss… and you are?”

“I’m—“

“Oh no… I know who you are. You’re nothing right? Sa susunod kasi, alamin mo muna kung seryoso ang lalaki sa’yo before you spread your legs. Kung iniisip mo naman na ipagpapalit ako ni Lance sa’yo… think twice or better yet, huwag ka na mag-isip. Wala ka naman atang isip,” mataray kong putol sa sasabihin niya.

Hinawakan ni Lance ang kamay ko para awatin ako, I guess. “Let’s go. Nawalan na ako ng gana dito,” aya ko sakanya. “Sorry, miss… I—“

“Come on!” hinila ko na siya papunta sa escalator at iniwan namin ‘yung babaeng nag-iisa. Seryoso pa din ang mukha ko ng makasakay kami sa escalator.

“Mikachu…”

Humarap ako sakanya at hindi ko napigilan ang pagtawa ng malakas. “I haven’t done that for a while… ang tagal ko na palang hindi nagmamaldita ng tunay?”

“Tinakot mo ‘yung babae, Mikachu. Kawawa naman…”

“Mas kawawa ‘yun dahil nakilala ka niya…” I scoffed. “Kung sino-sino kasi ang pinapatulan mo. Ayan… saan mo ba nakilala ‘yun?” tanong ko.

“Hindi ako papatol sa kung sino-sino kung hindi nagpapakabaliw sa taong wala namang gusto sa’yo…” he said seriously. Hindi ako nakakibo sa sinabi niya. He made a point there. Nagpapakabaliw ako sa taong ni hindi ko alam kung may nararamdaman ba talaga sa akin o sadyang ayaw lang makipagtalo kaya pinagbibigyan ako.

“Ititigil ko na ba?” huminto ako sa paglalakad. Alam ko narinig ako ni Lance. “Huwag ako ang tanungin mo, Mika. Kaya mo ba? Gustuhin ko mang maging akin ka… I can’t be selfish. Mas gugustuhin ko pa ding masaktan ako pero masaya ka kesa sa nasa akin ka pero hindi ka masaya.”

“Lance…”

“Mikaela… you’re a princess and you deserved to be treated like one. I may not be your prince but I’ll always be your knight. I’ll always protect you and will always be here for you…”

“No doubt kung bakit ang dami mong babaeng nadadala sa kama mo. Ginagamit mo din ba sakanila ‘yang mga linya mo na ‘yan?” pang-aasar ko.

“Tss. Sa’yo lang ako ganito. Basag trip ka din e… tara na nga!” inakbayan niya ako at pumasok kami sa loob ng sinehan. Hindi ko talaga alam kung bakit pero ‘yung mata ko, hirap na hirap mag-adjust sa dilim. Pero si Mikael, malayo pa lang kita ko na. Tsk!

Inalalayan akong maka-upo ni Lance. Pinapwesto niya ako sa tabi ng pader. Seriously? Tuwing manunuod nalang ba ako sa sinehan, laging pader ang katabi ko?

“What you did earlier… alam mong mali, diba?” bulong niya. I looked at him. Nakatingin siya sa screen at naiilawan lang ng ilaw mula ‘dun ang mukha niya. “I know and I’m sorry for what I did. Pero kasi… it’s your fault.”

“It is…” he said, “but believe me. Hindi ko matandaan ang babaeng ‘yun.”

“Dami na bang nakasampa sa kama mo kaya ganun?” I asked him sarcastically.

“Manahimik ka na nga lang. Ang ingay mo e,” saway niya sa akin. Wala akong naiintindihan sa palabas, actually. Sumandal nalang ako at pumikit. Bahala ka diyan, Lance. Inaantok ako. Niyakap ko ang sarili ko.

Mikael… namimiss na kita… I’m trying to think the moments we had. Ilang araw na din kaming hindi nagkikita at nag-uusap. Hindi ko naman siya tinatawagan. Nagtetext ako sakanya pero three times a day lang. Good morning. I love you. tapos Ilove you, Mikael. And lastly, Goodnight, I love you forever and a day. I miss you. Ganyan. Hindi ko alam kung nababasa niya pero wala naman akong narerecieve na response from him.

Naramdaman kong niyakap ako ni Lance. “Everything will be fine, Mika. Don’t overthink things…” he whispered.

“Bakit kaya hindi ako sa’yo nainlove?” bulong ko habang nakasandal ako sa balikat niya.

“It’s not that late to fall in love with me… I’m very much willing to catch you,” he chuckled.

“Ayoko. Baliw ka e,” pagbibiro ko.

“Sa’yo lang naman ako ganito diba? I’m playful and serious. Hindi ko alam kung bakit when it comes to you, naghahahalo-halo ang emosyon ko. Hindi ko alam kung bakit kapag ikaw na ang involve, hindi ko mapigilang isali ang sarili ko,” biglang sumeryoso ang boses ni Lance.

“Lance…”

“I never told you what I really feel, right? Kasi kahit ako, ayokong aminin sa sarili ko. Ayokong aminin ang nararamdaman ko because I hate rejections. It hurts to see that you’re doing completely fine, without me.”

“Lance, stop it,” humiwalay ako sakanya at tinitigan siya. Ayokong mawala ‘yung friendship namin. I want to keep it.

“Mika, I act like I don’t care but deep inside, it hurts. It f-ucking hurts.” Tinignan niya ako sa mata. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko.

“Lance naman e…” sinubukan kong bawiin ang kamay ko pero hinigpitan  pa niya ang hawak dito.

“I never wanted anything other than to be your everything, Mikaela,” he whispered. Kahit madilim sa loob ng sinehan… nakikita ko ang paglamlam ng mata ni Lance. Hinawakan niya ang pisngi ko gamit ang isang kamay.

“Mikaela… I love you,” he whispered and claimed my lips.

-------

Pagbigyan ang MILAN Shippers. Hahahahaha. Elle, magdiwang ka na :P

Continue Reading

You'll Also Like

3.4M 95K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
1M 10.9K 32
Sikat na singer/actor si Raphael Kim. Pero dahil sa mga negatibong write-ups na lumalabas tungkol sa kanya, napilitan siyang sumali sa variety show...
5.1K 211 11
"Pagdating sa pag-ibig, walang kuwenta ang standards na 'yan. Kung mahal mo, mahal mo." Dear Diary, Boring ang buhay ko until I met two guys: Sina...
212K 7.6K 97
Sabi nga nila, marriage will always be far different from dating. Sa dating, puro kilig lang. Sa dating, puro cheesy lines. Sa dating, puro keme. Sa...