My 13 Year Old Wife ✔ | NATE...

By RuxAlmo

1.4M 47K 4.2K

After the tragic accident of the parents of Nate Gabriel Salvatore, Don Clemente Sullivan has adopted Nate wh... More

K 1.
K 2.
K 3.
K 4.
K 5.
K 6.
K 7.
K 8.
K 9.
K 10.
K 11.
K 12.
K 13.
K 14.
K 15.
K 16.
K 17.
K 18.
K 19.
K 20.
K 21. The New President
K 22. The New President
K 24. Part 1
K 24 Part 2.
K 25.
K 26. Part 1
K 26. Part 2
K 27.
K 28.
K 29.
K 30.
K 31.
K 32.
K 33.
K 34.
K 35.
K 36.
K 37.
K 38.
K 39.
K 40.
K 41.
K 42.
K 43.
K 44.
K 45.
K 46.
K 47.
K 48.
K 49.
K 50.
K 51.
K 52.
K 53.
K 54.
K 55.
K 56.
K 57.
K 58.
K 59.
K 60.
K 61.
K 62.
K 63.
K 64.
Final Chapter

K 23. The Invitation

24.6K 664 42
By RuxAlmo

Elise:

"Pupunta tayo ng Palawan." Bungad sakin ni Nate.

"Talaga? Gusto ko yon!" Niyakap ko siya sa sobrang tuwa ko. Ginantihan din niya ako ng mahigpit na yakap at mabuti na lamang ay walang katao tao dito ngayon.

"Pero teka kelan pa si Rex nagka girlfriend? Diba nga papalit palit siya ng babae tapos ngayon mababalitaan nalang natin na ikakasal na pala." Naguguluhang tanong ko. Nag kibit-balikat lamang si Nate at pati siya'y walang kaalam alam.

"Kelan pala tayo aalis?" Masayang tanong ko habang nakakawit ang mga kamay ko sa batok ni Nate. Siya nama'y nakahawak sa bewang ko at nakaupo sa table niya.

"Tomorrow." Nakangiting sabi nito.

"Huh? Pano yung trabaho dito?" Tanong ko.

"Leave it to me. Ipapagawa ko nalang yan sa iba."

Bigla namang nag ring ang phone nito kaya't napatingin kami.

"Ang daming tumatawag sayo ha." Pag bibiro ko pa. Napailing na lamang to na nakangiti at kinuha ang phone.

"Si lolo." Sabi nito.

"Oh? Sagutin mo bilis." Sagot ko naman dito.

Pinindot niya ang button at ni-loud speak para marinig ko.

"Hijo ngayon na ang alis ko papuntang Macau. Ibibilin ko sayo si Elise." Bungad nito.

"Yes lolo I know. I'll take care of her." Sagot ni Nate.

"Yung sinabi ko sayo ha sana pag balik ko meron na." Natatawang saad ni lolo. Napanguso naman ako dahil sa pangungulit niya. Wala parin talagang pinag kaiba sa dati. Mas grabe pa nga ang kulit ngayon ng lolo.

"I will." Sagot ni Nate at malagkit na tumingin sakin. Isang malakas na halakhak ang naisagot ng lolo bago pinatay ang tawag. Hinampas ko naman siya sa braso dahil sa hiya.

"Kung ano ano nanaman yang pinag uusapan niyo ni lolo. Pinatulan mo naman ang kalokohan niya." Sabi ko.

Napatawa ito at pinisil ang pisnge ko. Sabay hapit muli ng aking bewang palapit pa lalo sakanya.
"Ano bang iniisip mo?" Mapang akit na tanong niya.

"Wala po Mr. Salvatore, nagugutom na kasi ako." Sabi ko at sumang-ayon naman ang tiyan ko dahil kumukulo na to sa gutom.

"Hmm ano bang gusto mong kainin?" Ayan nanaman siya sa mapang akit na mga titig sakin. Pati ang matigas na boses ay sadyang nakakaakit saking pandinig.

"Ewan ko sayo." Sabi ko sabay hiwalay sakanya. Tatalikod na sana ako para bumalik sa desk ko ng hawakan niya ang kamay ko at hinila papalapit sakanya.

"I'm kidding." Natatawang sabi nito at hinaplos ang mukha ko tsaka hinalikan saking pisnge.

"Tara lunch na tayo." Sabi nito at hinila ang kamay ko.

"Sandali! Baka mamaya may makakita. Alam mo namang hindi alam ng iba kung sino ba talaga ako." Sabi ko.

"I don't care. Bakit ba kasi ayaw mo pang sabihin ang totoo."

"Ayoko lang kasing isipin nila na ginagamit ko ang pangalan ng lolo." Dahilan ko sakanya na siyang ikinakunot muli ng noo nito.

"Tsk." Sabi nito.

"Oh bakit ka naiinis?" Tanong ko dito.

"Wala ka dapat pakialam sa tingin ng mga tao. Ikaw ang nagpapasahod sakanila baka nakakalimutan mo." Sabi nito at inayos ang coat na suot.

"Hindi pa kasi ako handa." Nakayukong sabi ko sakanya.

Napahinga naman ito ng malalim na hangin at nagsalita.

"Okay fine. Magpapadeliver nalang ako." Sabi nito at bumalik sa kanyang table sabay kinuha ang telepono ng opisina ang nagsimulang mag dial.

Napaupo naman ako sa aking desk habang nakatingin lang sakanya. Nakaipit sa tainga nito at balikat ang telepono habang inaayos ang botones ng sleeve niya. Grabe ang gwapo talaga niyang tignan kahit saang angulo.

Hinawakan na niya ang telepono at ibinaba sa desk ang reading glasses nito na siyang nakadagdag sa sobrang kagwapuhan niya. Hindi ko alam kung bakit ang lakas lakas ng epekto sakin ng lalaking to.

...

Matapos yun ay dumating si Sonya at may dala-dalang isang box ng pizza at iba pa. Tinulungan ko agad to dahil sa pag aalala. Inilagay namin yun lahat sa mini table dito sa opisina.

"Ang dami niyan ah asan ba si Sir?" Tanong nito. Hindi ko lang masagot dahil naliligo si Nate. Ang opisina niya kasi ay may secret door na mula sa bookshelf. Naiikot kasi yun na parang pintuan at tatambad sayo ang isang king size bed na kulay puti. Malaking salamin, meron ding fire place, air-con at malaking banyo. May closet na rin kaya kompleto na.

"Ah wala nasa meeting pa." Pagdadahilan ko. Napatango tango naman ito.

"Osige aalis na ako ha at naiwan ko ang mga pinapagawa sakin ni Mam Debi." Pag aalalang sabi niya.

"Ah okay sige Sonya."

"Sige Elise aalis na ko may pagka masungit kasi yun akala mo menopause."

Nagtawanan kaming dalawa dahil sa binitawan niyang salita. Hindi mo kasi makikita kay Debi ang kahit kaunting pag ngiti.

"Sige na Sonya at baka hanapin ka pa non." Sabi ko. Tumango naman siya sakin at umalis na. Napahinga naman ako ng malalim at inayos ko na ang pagkain sa mesa. May sariwang manok din dito na ipinabili pa ni Nate sa katabing restaurant.

Matapos yon ay biglang lumabas si Nate. Napakagwapo niyang tignan sa simpleng pants at white T-shirt. Akala mo nasa bahay lang talaga at pinupunasan pa niya ang buhok niya. Napansin niya ang pagkatulala ko sakanya kaya lumapit ito sakin at iniangat muli ang baba ko.

"Close your mouth. I know I'm hot." Hindi ko alam pero kelan pa sinapian si Nate ng kayabangan? I mean oo sobrang gwapo niya pero wala siyang pakialam noon sa itsura niya. Napanguso ako dito at niyakap ko siya. Grabe sobrang bango niya ang sarap lang sa pakiramdam na kayakap siya.

Ginantihan din niya yun at magkatitigan kami. Akmang hahalikan na niya ako ng huminto to dahil sa pag kulo ng tiyan ko.

"Ops sorry." Napangiwi nalang ako. Hinalikan naman niya ang noo ko at ngumiti.

"Kain na tayo." Alok nito sakin. Sa sobra gutom ko nama'y para akong bata na binanatan ang pizza.

"Elise take it easy. Baka hindi ka matunawan." Para ko parin talaga siyang kuya dahil sa pangangaral niya sakin. Labis labis kasi ang pag aalala nito sakin.

Nilunok ko muna ang nginunguya ko at nagsalita. "I'm okay." Nakangiting sabi ko sakanya. Napailing nalang to at pinanood lang akong kumain.

"Hindi kaba nagugutom?" Tanong ko sakanya.

"I'm okay with my coffee." At itinaas ang kamay na may hawak ng kape.

"Kumain ka hindi ko kayang ubusin to. Ano patatabain mo ba ako?"

"Why not? Para hindi kana maagaw ng iba." Sabi nito sa nakakaakit na boses.

"Ayoko nga. Gusto ko sexy ako. Mahirap na nako yang si Maricar pati narin yung Haven." Inis na sabi ko. Mga modelo kasi ang pangangatawan ng dalawang yun at literal na modelo si Maricar.

Nakangiti lang si Nate at aliw na aliw na nakatitig sakin.

"Ang cute mo." Sabi nito sabay abot ng pisnge ko at pinisil.

"Aray! Masakit ah." Inis na sabi ko at nagkatitigan kami tapos sabay kaming natawa sa kabaliwan namin.

...

"Plus one?" Sabi ko habang nakatitig sa invitation card. Kasama na kasi ako don at may plus one pa.

"Uhm Nate pwede ko bang isama si Shar? Tutal plus one naman to." Sabi ko.

Inilapag muna niya ang ballpen habang itinabi ang mga pinipirmahan at nag angat ng tingin sakin.

"Sure why not." Simpleng sagot niya tsaka nag unat at may tina-type naman ngayong importante.

"Thank you!" Hindi ko napigilan at tumakbo ako sakanya at niyakap siya.

"Princess wait busy pa ako." Natatawang sabi niya sakin dahil sa kakulitan ko.

"Ay sorry hehe." Natatawa kong sabi.

"Mamaya nga pala Nate may dinner date kami-" Biglang nandilim ang paningin nito at hindi ako pinatapos sa sasabihin ko sana.

"What!"

"Pwede bang patapusin mo muna ako?" Sabi ko dito.

"Hindi pwede. May asawa kana Elise anong dinner date-"

"With Sharlene." Natigilan siya ng sabihin ko ang pangalan na tila napahiya.

"Oh I see. Ehem okay." Sabi nito at patikhim tikhim pa sabay hingang malalim.

"Yiee ang cute mo. Selos agad?" Sabi ko at pinisil ang pisnge niya.

Napahinga lang siya ng malalim at iniba ang usapan.

"Susunduin kita saang restaurant ba?" Tanong nito.

"Sa Cafe Ysabel malapit lang satin." Sabi ko.
"Sige. Ihahatid at susunduin nalang kita." Seryosong sabi nito at nagpatuloy sa ginagawa niya. Napangiti nanaman ako. Hindi matago ang kilig at bumalik na ako sa pwesto ko.

...

8pm ng matapos kami ni Nate. Napaunat pa ako at biglang may kumatok sa pinto ng opisina niya.

"Come in." Seryosong sabi ni Nate.

"Hi! Elise ano let's go?" Si Shar pala yun at talagang pinuntahan ako. Napatingin naman ako kay Nate.

"Ihahatid ko na kayo." Sabi ni Nate.

"Thank you Nate! Hihiramin ko muna ang best friend ko ah matagal na kasi kaming hindi nakakapag usap eh alam mo na." Tinaasan ko ng kilay at pinandilatan ng mata si Sharlene dahil baka mamaya niyan ay madulas ang gaga.

"Sure." Tipid na sabi ni Nate.

Lumabas na kami ng elevator at nasa parking lot na. Pagpindot ni Nate ng mamahaling sasakyan nito'y tumunog na hudyat na bukas na ito.

Inalalayan muli ako ni Nate ng makapasok sa loob ng kotse. Habang si Shar ay sa likod naman. Mabilis itong pumasok sa driver seat at nagmaneho ng maayos.

"I'll fetch you later." Sabi niya sakin ng makarating na kami sa nasabing restaurant.

"Bye see you later." Paalam ko ng nasa baba na kami ni Shar.

Nakatitig lang ako sa papalayo ng sasakyan ni Nate ng magsalita si Shar.

"Baka gusto mong pumasok na tayo ano?" Doon lang bumalik ang ulirat ko.

...

"So kamusta ka naman?" Tanong ni Shar.

"Aysus ano yang ngiti na yan?" Dagdag pa nito.

"Gaga manahimik ka nga diyan. Anyway bukas isasama ka namin sa palawan." Sabi ko at pinakita sakanya ang wedding invitation.

"Uy sige sama ako. Wala din akong magawa ngayon next week flight ko na sa London you know OJT." Nagtawanan kaming dalawa. Wala din naman kaming napag kwentuhan ng lokaret kong kaibigan at nasabi lang niya sakin ang pakikipag balikan sakanya ng ex niya.

"Oo naman hindi ko na babalikan yon noh. Ang sarap kaya maging single." Sabi nito.

"Nako Shar nasasabi mo lang yan. Let's see sa mga susunod na araw, linggo." Siningkitan ko siya ng mata.

Sa huli ay nagtawanan nanaman kami dahil sa mga kalokohan naming dalawa. Kung ano ano pa ang napag usapan namin hanggang sa mag vibrate ang phone ko at si Nate ang nag text. Nasa labas na siya ng restaurant at napatingin ako sa orasan ko. It's already 10pm kaya medyo late na.

"I have to go Shar. Let's meet bukas sa airport." Sabi ko dito at nakipag beso beso.

"See you!" Pahabol pa nito ng makalabas na ako ng restaurant.

Nakita ko naman agad si Nate na nakapamulsa habang nakasandal sa sasakyan niya. Tumakbo agad ako para salubungin siya ng yakap. Niyakap din niya ako ng mahigpit na para bang ang tagal naming hindi nagkita.

"Na-late ka ata?" Tanong ko dito.

"Nakipagkita ako kay Steven may importante lang kaming pinag usapan." Sagot niya.

"I see. Eh bakit hindi kanina diba hinintay ka pa niya para sa invitation?" Tanong ko.

"No, hindi lang sa invitation. You know Steven hindi niya sasayangin ang oras niya pumunta kung dahil sa invitation lang."

"Ahh kaya ba nag hintay siya? Ano bang pinag usapan niyo?"

Huminga ito ng malalim bago magsalita.

"It's all about Rex's wedding." Sagot nito.

"Hmm ano naman ang tungkol sa wedding?" Pinag buksan muna niya ako ng pinto at inalalayan pumasok. Hindi pa niya ako sinasagot ng umupo sa driver seat.

"Nate anong meron sa wedding?" Tanong ko.

"Arrange marriage." Bungad nito.

"Malaking problema yan. How is he?" Pag aalalang tanong ko para kay Rex.

"I don't know." Kibit balikat lang si Nate. Nauuso na ba ngayon ang arrange marriage? I know for sure tutol siya dito. Rex is a womanizer. Walang buwan na hindi ito nagpapalit ng babae at ngayon, ngayon ay matatali na siya sa taong hindi naman niya mahal.

...

Pagod na pagod akong humiga sa kama dahil sa dami ng nangyare ngayon. Si Nate naman ay nag tungo sa table niya at hindi parin tapos sa pag pirma ng mga importanteng dokumento.

"Hindi ka pa ba magpapahinga? Maaga ang flight natin bukas." Sabi ko.

"I'm fine. 2hours of sleep lang ang kailangan ko." Sabi nito ng hindi ako nililingon at tuloy sa pagpirma.

"Magpahinga kana. 2 hours is not enough." Napabangon ako at nakatingin muli sakanya.

"This is very important Elise." Seryosong sabi nito. Wala na akong magawa kundi ang pumunta ng banyo at gawin ang routine ko bago matulog. Maghilamos, mag sipilyo at magpalit ng damit.

Paglabas ko'y busy parin ito at may wine na sa tabi niya. Napatingin ako sa mini refrigerator dito sa kwarto.

Naupo na ako at napahikab.

"I'm so tired." Sabi ko. Ibinaba niya ang salamin at ballpen. Napatingin siya sakin at tumayo.

Lumapit ito at umupo sa tabi ko.

"You should rest." Nakangiting sabi nito. Tumango naman ako at dinampian na niya ako ng halik sa mga labi.

"I love you. Goodnight." Ani niya.

"I love you too. Goodnight." Nakangiting sabi ko bago ko ipinikit ang mga mata ko.

...

"Oh anong nangyare sa asawa mo? Puyat ba yan?" Tanong ni Sharlene at tinutukoy si Nate na natutulog habang nakasalamin. Nasa private plane kami at kaming tatlo lang ang pasahero. Kasama ang piloto at dalawang stewads.

"Hayaan mo na puyat yan sa mga documents." Sabi ko.

"Aysus yon nga ba?" Tinaasan niya ako ng kilay.

"Duh ano pa ba? Yan ka nanaman sa pagiging berde mo." Inis na sabi ko.

"Okay whatever." Sabi nito habang hawak hawak ang salamin at naglalagay ng lip balm."

"Ang hirap maging single noh? Laging dry ang lips." Nakangusong sabi niya sakin.

Natawa naman ako sa kaibigan ko dahil kahit hindi naman niya balak magpatawa at normal lang sakanya yan ay talagang natatawa ako.

"Yabang por que may Nate ka." Sabi nito na umiismid ang nguso.

"Shut up Shar ang ingay mo pwede ba magpahinga na muna tayo? 45mins lang naman ang biyahe going to Palawan." Pagiiba ko ng topic.

"Okay iidlip muna ako nagkaka dark circles na ako ohh look." Napairap nalang ako sa kaartihan ni Sharlene.

45mins later...

Nakarating na kami sa isang private resort na pag mamay-ari ng mga magulang ni Rex. Ginising ko na si Nate na poging pogi dahil sa shades niya at tayo tayong buhok.

Si Shar naman ay nag aayos na at todo pagpapaganda. Hindi mo alam kung sino ang pinagagandahan neto eh.

Malakas pa ang hangin ng bumaba kami kaya nakahawak ako sa laylayan ng buhok ko. Pagbaba namin ay sumalubong ang mga kaibigan ni Nate.

"Hey wazzup guys!" Bungad ni Cloud na sobrang taas ang energy.

Nagkamayan silang magkakaibigan at napansin ko si Steven na nakasimangot na nakatayo lang sa isang tabi.

"Bakit nandito yan?" Dinig kong bulong sakin ni Shar habang masama ang titig dito.

"Steven." Tawag ni Nate dito at tinanguan lang siya.

"I don't know. Pwede ba wag ngayon Shar? Bisita lang tayo remember? May class tayo wag kang humanap ng eskandalo dito." Inis na bulong ko saking kaibigan.

"Tsk okay fine." Sabi ni Sharlene na parang bata.

"Kamusta ang mag asawa?" Tanong ni Cloud." Hinapit ni Nate ang bewang ko at hinalikan ako saking leeg. Nagulat ako at nag init ang pisnge ko.

"Woy kayong dalawa wag dito. Humanap kayo ng kwarto!" Histerikal na sabi ng best friend ko.

Napailing na lang si Steven rito at natatawa pa si Cloud.

"Hi I'm Cloud and this is Ste-"

"I know him." Sabi ni Shar at inirapan si Steven.

"Tsk ingay." Sabi ni Steven na siyang nagpakulo ng dugo ng kaibigan ko.

"Shhh Shar let's go." Hinila ko nalang ang kaibigan ko para malibang ito.

"Di mo ba nakita? Gosh he's so mayabang! Grrr." Gigil na sabi nito ng makalagpas kami sa magkakaibigan. Naghiwalay muna kami ni Nate at sumenyas ako sakanya. Na gets naman niya yon kaya sinama niya sa ibang direksyon ang mga kaibigan.

"Sharlene hanggang dito ba naman mag aaway kayo?" Sabi ko.

"Kainis eh pinapakulo niya ang dugo ko." Sabi nito ng makarating kami sa elevator. Nasakin ang key card na may nakalagay na room number. Inabot sakin kanina ni Cloud kaya alam ko.

Matapos naming makarating sa silid ay humiwalay na si Sharlene.

"Gusto mo bang mag swimming?" Masayang aya niya sakin habang nakatapat na sa tapat ng kwarto nito. Magkahiwalay kami ng kwarto pero magkatapatan lamang.

"Sure! Kaso wala akong dalang-"

"Here catch!" Isang red two piece.

"Sharlene hindi ko kayang-"

"Let's make a deal." Putol nanaman niya sakin.

"Susuotin mo yan o aawayin ko si Steven?"

"What are you-" Pinutol nanaman niya ang sasabihin ko.

"Yes I'm serious." Nakangising sabi nito.

Napahinga naman ako ng malalim. Ayoko naman gumawa ng eksena dito ang kaibigan ko. Dahil nakakahiya sobra!

"Okay fine. Deal." Pakikipagkamayan ko sakanya.

"Okay then see you!" Sabi nito at nauna ng pumasok. Napailing nalang ako sa kaibigan ko. Ano ng gagawin ko? Sobrang daring ng swim suit na to.

...

Namumula ang mukha kong pinagmamasdan ang buong katawan sa malaking salamin. Suot ang swim suit na ipinahiram ni Sharlene. Grabe kulang nalang e lumuwa na ang kaluluwa ko. May maipagmamayabang naman ako dahil maganda ang aking pangangatawan. Malaki ang balakang at pwetan ko kahit na hindi gaanong kalakihan ang aking dibdib. Pero hindi maiwasang mahiya ako at mapayakap sa sarili ko.

Hindi ako sanay mag suot ng ganito.

"Elise." Nagulantang ako ng marinig ang boses ni Nate. Napalingon ako sa gawi niya at kitang kita ang pagkagulat nitong mapatitig sakin. Namumula ang kanyang dalawang tainga na normal lang sakanya kapag nag iinit.

Napalunok pa ito ng ilang beses. Napatitig sa kabuohan ko at napahinga ng malalim.

"Y-You shouldn't be here." Uutal utal ko sabi. Shit Elise. Elise.. Elise.. ELISE! Anong pinagsasabi mo! Malamang asawa mo yan! Sabi ng utak ko.

"O-Oh I gotta go." Sabi nito na tila wala sa sarili.

"Wait!" Sabi ko at huli na ng mamalayan kong hinila ko ang laylayan ng kanyang damit para mapalingon sakin.

Eto nanaman.

Dugdug.

Dugdug.

Ayaw tumigil ng puso ko!

'Elise wag kang bibigay!' Sabi ko sa sarili ko dahil magkalapat ngayon ang katawan naming dalawa ni Nate.

ITUTULOY..

Continue Reading

You'll Also Like

580K 2.3K 110
ang pag papatuloy ng kwento Spg alert mas marami po ang spg kaya take on your own risk at isang rebelasyon ang kagibAl gibal ang mailalahad
SILAKBO By nami

Mystery / Thriller

44.3K 2K 15
A sudden outbreak of a zombie disease astounded the people in Tierra del Sol. It was the last thing they expect to happen. Sa ganda ba naman ng pamam...
95.6K 2.3K 47
The story is about a woman that had a girlfriend who died from an illness. and she will ask to give her heart to anyone who needs it on the day of h...
802K 9.8K 21
[Currently Revising] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.