Wrong Direction *GxG* (COMPLE...

By RaggedLyPretty

175K 3K 183

Isang babaeng disperada ng magkalove life gagawin niya ang lahat para makuha ang crush niya pati sa paglipat... More

|1|
|2|
|3|
|4|
|5|
|6|
|7|
|8|
|9|
|10|
|11|
|12|
|13|
|14|
|15|
|16|
|17|
|18|
|19|
|20|
|21|
|22|
|24|
|25|
|26|
|27|
|28|
|29|
|30|
Nonsense Writer
|31|
|32|
|33|
|34|
|35|
|36|
|37|
|38|
|39|
|40|
|41|
|42|
|43|
|44|
|45|
|46|
|47|
|48|
|49|
LAST CHAPTER
SPECIAL CHAPTER
The EX and WHY'S

|23|

2.6K 48 2
By RaggedLyPretty

Balik trabaho na naman, sino ba kasing nagpasimuno ng work, work, work na 'to kasi bibigyan ko ng upper cut at flying kick. Nasa production floor na ako at nagsimula ng mag trabaho.

3 Days na ang nakalipas nung umalis ako kina TL na walang paalam. Hindi ko na siya masyadong pinapansin, ayoko ng magkaroon pa ng connections sa kanya, lalo na nung nalaman ko kay bakla na may ginagawa nga silang milagro nung nandun kami sa kanila. Pero hindi ko parin maiwasang mag alala sa kanya.. Ahhhhh!!! Marsy!! Please! Tama nah! Wag mo ng ipilit yung sarili mo sa kanya.

"Beshy!! Ayos ka lang bah?? Bakit mo sinasabunotan sarili mo??"

"Gusto mo ikaw nalang???!!"

"Ang aga-aga bakit napaka highblood mo??"

"Wala kang pakialam!!" Tumayo ako saka iniwan si bakla sa post namin, kainis kasi! Ayokong dibdibin yung mga pangyayari pero hindi kaya ng feelings ko. Dumeretso ako ng restroom at dun na tuluyang pumatak ang mga luha ko.

Ang hirap pala nuh??

Na wala kang masasabihan sa mga sakit na nararamdaman mo??

Hindi mo pwedeng ipagsigawan at harapin yung taong dahilan kung bakit ka nasasaktan..

Kasi hindi pwede..

Wala kang karapatan..

Wala siyang pakialam..

Lalo pa't hindi ikaw ang mahal..

Ang hirap 😢

"Are you okay??" Bigla akong bumalik sa huwisyo dahil hindi pala ako nag iisa dito sa banyo. Anong ginagawa niya dito?? Lalabas na sana ako pero nahila niya yung braso ko at napaharap ako sa kanya. Tinulak niya ako ng husto dahilan para ma corner niya ako sa pintuan. Sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa, kilig na sana yung scenario namin pero kung makatitig siya sakin parang papatay siya ng tao 🤭

Nararamdaman ko ang hininga niya na sobrang init.

"Why are you avoiding me?" Mahina ang boses niya pero sakto lang na marinig ko ang sinabi niya. Sasagot na sana ako pero..

Ahhhh.. where is the air??? Bakit nag advance ng 2 inches yung mukha niya sa mukha ko??? I'm holding my breath kasi ayokong maramdaman niya yung hininga ko. Mabaho pa naman daw yung hininga ko 😞

"You answer me."

Tumingin ako sa left side pero pinatingin niya ako sa harap gamit ng kamay niya kaya wala na akong choice kundi ang titigan siya.

"Ano! Sagot!!"

"Pano ako sasagot kung ganito tayo ngayon. Hindi ka ba na aw-awkward sa position natin ha?"

"Just answer me directly!!"

"Ano naman pakialam mo ha! Isa pa umalis ka nga dyan." Imbes na umalis siya sa harapan ko ay mas lalong niyang inilapit ang mukha niya, ohh my ghaaad!!! Hahalikan na niya ako.. napapikit nalang ako ng mata at naghintay na dumampi ang labi niya. Ba't ang tagal?? Hello?? I'm waiting!

"Is someone in the restroom??"

Ohhh!! It's Debbie!

Lumayo si TL at binuksan ang pintuan, hinila niya ako papasok sa isang cubicle dun malapit sa pintuan.

"Ughh!! I really don't like that girl!!"

"Oo nga girl!! Ako nga rin hindi siya feel!"

"Yeah!!! Ewan ko ba kung anong nakita ni TL dun."

Bigla nalang napakunot ang noo ko sa narinig na usapan nila Debbie at Betty. Habang si TL ay napa face palm nalang.

"So hindi pa talaga siya nanliligaw sayo?"

"Shut up!! Betty!! Walang dapat nakakaalam na hindi talaga niya ako nililigawan na palabas lang lahat ng 'to! But I know someday! She will love me."

Wait?? So hindi talaga nanligaw si TL sa kanya? Agad naman akong napatingin kay TL na ngayon ay nakatitig sakin. May gusto siyang sabihin sa mga tingin niya pero pinipigilan lang niya. Bakit?? Anong dahilan?

"She's more annoying than Kristelle."

"At least Kristelle is not on my way anymore! Pero may dumating naman!!!"

"Let's go!!"

Tumahimik ulit dito sa loob ng banyo. Pareho kaming hindi nagsasalita dahil naguguluhan ako kung sino ang tinutukoy nila?

"TL?? Sino bang tinut-"

"It's none of your business!" Sabi niya saka lumabas na ng cubicle at banyo.

Wait? Ano bang nagawa kong kasalanan? Ehh nagtatanong lang naman ako??

Pagbalik ko ng prod ay busy na sila sa pag ta-take ng calls, hindi pa ako nagsimulang mag trabaho dahil naguguluhan ako sa mga nangyayari, sino ba kasing tinutukoy nila na gusto ni TL? Kung hindi si Debbie ide sino??

Si Stacy?? Pwede kasi close din sila ni Stacy, pero may nanliligaw kay Stacy at si Peter yun so hindi din.

Ohhh!! My goshhh!! Alam ko nah!!!!

"Si Bakla????!!!" Bigla akong napatayo sa swivel chair ko at..

Loading..

Pinagtitinginan ako ng mga tao sa prod pati mga ka teammates ko, hinila naman ako bakla para umupo ulit.

"Beshy!! Shabu pa??!! Ano bang sinisigaw mo na si bakla??? Wag mong sabihing iniisip mo ako?? Beshy naman!! Si Baby Boy Edward ang type ko hindi ikaw!! Ayokong makahawak ng boobs nuh!!" Kinuha ko ang kamay niya at pilit na pinapahawakan ang boobs ko pero nagpupumiglas talaga siya haha.

"Kadiri ka talaga beshy!!" Sabi niya habang hinihimas ang kamay niya, kasi nabawi na niya ito.

"Arte mo!!!"

Nagsimula na akong mag trabaho at tinuon nalang ang atensyon ko sa pag ta-take calls. 3 hours had passed it was my break time already kaya kinaladkad na ako ni bakla patungong pantry. Nandun na rin sina Edward at Stacy pero sila lang ang nag uusap hindi na ako nakisali kasi nga wala ako sa mood. Maya-maya ay napansin kong pumasok si TL sa pantry since nasa pintuan ako nakaharap kaya kitang kita ko ang mga chakang face na pumapasok. Nasa kanya lang ang atensyon ko at saktong tumingin siya sakin pero agad din siyang umiwas. Ano kaya problema niya?? Kala mo naman kagandahan hindi naman! Hihihi maganda naman talaga siya kahit tomboy siya.

"Beshy!!!! Matutunaw si TL!!!" Sigaw ni bakla kaya agad akong napatingin sa paligid kung sino ang nakatingin sakin, paglingon ko sa kaliwang banda ay nagtama ang tingin namin ni Debbie at nag rolled eyes siya sakin. Aba! Aba! Aba!!! Kaya iniwasan ko na rin siya ng tingin. Tusukin ko mata mo ehhh!!! Bwesit!!!

Hindi ko na tinignan si TL dahil baka makalbo ko pa si bakla dito! Mapatawag pa kami sa HR at ma disciplinary action.

Siniko ako ni Edward kaya napatingin ako sa kanya at nag raised eyebrow lang ako bilang tanong sa pagsiko niya sakin.

"Okay ka lang bah?? Bakit parang wala ka sa sarili mo?"

Wala kang paki!

Ngumiti lang ako sa kanya at bumalik na sa pagkain.

Pagbalik namin sa prod ay nagsimula na silang mag trabaho. Pero ako nakatulala lang sa monitor at ayaw gumalaw ng sistema ko. I'm so tired right now! I just wanna sleep.

*****
Umuwi na ako ng bahay at nag almusal muna ako bago natulog. Nasa dining ako at busy sa pag su-surf since ako lang mag isang kumain. Nilagay ko muna ang cellphone ko sa mesa at sumubo ng pagkain.

"What do you want??" Lumingon lingon ako paligid at kinilabutan dahil may nagsalita na hindi ko naman nakikita.

"Are you playing games here?"

Sino ba ang nagsasalita??

"Sino ka ba?? Sa— san ka galing ha?? Mag—magpakita ka nga!!"

"What are you talking about??"

"Bakit ka nag mu-multo ha?? Kahit kailan hindi ako nakakaramdam ng paranormal!! Bakit ngayon lang??"

"What??? Will you please check your phone??"

Agad kong pinulot ang cellphone sa mesa at laking gulat ko na nag video call kami ni TL.

"Bakit ka tumatawag???"

"You are the one who called me!!!"

"Ha?? Hindi naman kita tinawagan ahh!!"

"Why don't you check it!!"

"Tsk!! Wag nah!! Sige ibababa ko na 'to!!"

"Wait!!!! I mean! If you really insist! Then I'll hung up!"

Ilang minuto akong hindi sumagot. Nagkatitigan lang kaming dalawa sa mukha namin sa video call. Hanggang sa..

Shit!!! Nawala ang signal!!

"Leche ohhh! Hindi pa ako tapos tumitig sa mukha niya!!"

"I'm still here!"

Sobrang nanlaki ang mata ako dahil nandyan pa pala siya.. my ghaaaaad!!!!!! Agad kong inoff ang phone ko at tinapon sa malayo!!!!

AHHHHHHHHH!!! ITS SO EMBARRASSING!!!!! I WANT TO DIE RIGHT NOW!!!! 🤦🏻‍♀️ as in now nah!!!!

Nasa kwarto na ako nakahiga at pilit na binubura ang mga pangyayari sa dining. Ahhhhh!!! Marsy!!! Ang tanga-tanga mo talaga kahit kailan!!! Baka naman hindi niya narinig yun?? Ehhh sumagot nga diba!!! Ide narinig niya!!! Edi sabihin mo na hindi yun ang ibig mong sabihin.. pano?? Ehh naka off na ang phone mo!!

Dinalaw na ako ng antok kaya pinaliban ko muna ang ka gagahan na ginawa ko kanina. Tulog muna ako.

*****
"Ang ingay!!! Nasan ba ang maingay na bagay na yan?? Pwede bang patayin nyo muna!! Ano bah!!! Nakikinig ba kayo???"

Hindi parin tumigil yung ingay kaya gumising na ako! Ughh!! Alarm clock ko lang pala kainis nag bea-beauty sleep ako ehh!

"Beshy!! Kailan ka namin hihintayin??"

"Woah! I think I'm still dreaming cause I've seen a ghost!"

"Ghost mo mukha mo!! Ikaw nalang hinihintay namin. Bumangon ka na dyan!!"

"So totoo ka??"

"Ay hindi!! Hindi! Dyosa lang ako!!"

"Dyosa ng kadiliman!!"

"Babangon ka ba o hindi??"

"Bakit ba kasi??"

"Pupunta tayo kina TL Dave remember?? Pool party ngayon."

"Pwede bang kayo nalang ayokong sumama."

"Beshy naman!! Pinuntahan ka pa ng team para sabay na tayong pumunta dun."

"Nandito kayong lahat? Including TL?"

"Of course!!! I mean wala pala si TL kasi sila ng girlfriend niya ang magkasama." Bigla nalang kumulo ang dugo ko nung narinig kong mas pinili niya pa si Debbie kesa sakin pagkatapos ng lahat-lahat na nangyari samin, pagkatapos niya akong pagsamantalahan iiwan niya lang ako sa tabi-tabi na parang basura. Pagkatapos niya ako.. ok! Ok! OA na masyado!

"Okay! Fine! Maliligo lang ako!!"

Saka umalis na si bakla. Hindi ko naman siya pinaasa kasi nagsimula na akong maligo for 2 hours.

After doing all my routine care ay bumaba na ako at nagtungo ng living room. Nakita ko si Stacy at Bakla na nag beauty rest.

"Hoy! Gising!!!" Pag gising ko sa kanila hindi naman ako nagbigo dahil nagising nga sila, sa hina ba naman ng boses ko.

"Wow! Beshy!! Akala talaga namin dito na kami magpapasko, diba girl?? Grabeh!!! Tagal mo!! Ano!! Sinukat mo pa lahat ng damit mo sa wardrobe ha!!!??"

"Let's go na nga!!! Ang tagal pa kasi mag ayos ng isang 'to naabutan tuloy tayo ng gabi." Inis na saad ni Stacy.

Pumasok na kami ng private car ni Stacy, si Stacy ang nag drive at si Bakla naman ang nasa back seat. Nag chikahan lang kami ng wantusawa, as usual tinatanong nila ako kung kailan ko raw sasagutin si Edward ehh! Kahit hindi manligaw yun hindi ko sasagutin yun!!

Isang oras ang byahe sa bahay nila TL Dave kasama na dyan ang traffic. Pagdating namin sa village nila ay hinanap pa ni Stacy ang bahay kasi nga hindi pa kami nakapunta dito. After 30 mins. sa paglilibut ay sa wakas nakita namin ang bahay ni TL Dave. Agad nag park si Stacy sa bakanteng Lot katapat ng bahay nila TL Dave.

Pagpasok namin sa bahay ay bumungad sa tenga namin ang nakakabinging music. Marami na ring tao sa loob ng living room, sinundan ko lang ang dalawang loka-loka at nagtungo nga kami ng garden kung saan nandun ang malaking pool nila TL Dave.

"Marsing!!!! Akala ko hindi na kayo pupunta dito!! Ang tagal nyo!!" Tinulak ko si Edward dahil sa pagyakap sakin ng kay higpit.

"Magpapahuli ba ang bida?? Diba hindi!" Pang aasar ko sa kanya.

"Yan talaga ang gusto ko sayo ehh! Sobrang lakas ng self confidence mo."

Lumapit na ako sa iba ko pang kasama para batiin sila, syempre artista baka ma issue pa tayo na snobera at maarte. Haha todong ngiti ang binigay ko sa kanila, pero..

Naglaho ito bigla nung makita ko si TL at Debbie na magkatabi, nakatingin si TL sakin na parang gusto niya akong lapitan pero tumalikod na ako kasi mas nakakabuting hindi ko makita ang mga bagay na nagpapadurog sakin. Nilapitan ko na sina Stacy at hinila niya ako papasok ng bahay.

"Stacy naman!! Kung makahila ka parang mawawala ako dito sa bahay! Ang sakit ha!!" Pagbawi ko sa kamay ko na sobrang higpit na pagkahawak niya.

"Sorry girl! Na e-excite na kasi ako. Nandyan si Peter kailangan maganda ako sa paningin niya."

"Paningin niya ayos lang pero maganda? Nah! I doubt that!" Saka sinapak niya ako.

"Aray naman!!!"

"Kainis ka talaga!! Bitter masyado!!"

>>>>>>>>>>>>>>>Nothing Follows<<<<<<<<<<<<<<

Continue Reading

You'll Also Like

149K 5.7K 39
May mga bagay at pangyayari sa buhay natin na pilit nating iniiwasan. Pilit na nating tinatalikuran pero paulit-ulit parin tayong hinahabol ng nakara...
615K 7.8K 31
Gagawin ko na pong series ang 'My Lesbian' Ang unang series nito ay 'My Lesbian Boss' at ngayon 'My Lesbian Teacher' naman. Title pa lang po alam na...
2.6M 166K 56
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
698K 15.2K 52
Bawat yugto daw ng buhay natin ay nakaplano na, pero kasama ba ang puso dito? Kilalanin ang story nila cathy at frenzy, magkaibang mundo pero pin...