Ako'y Kasama Mo (Ongoing)

By random_insight

88.5K 9.7K 2.3K

Paano kung magkita ang magkalaban sa honor roll pagkaraan ng 15 taon? Puwede bang bigyan ng pagkakataon ang p... More

Prologue
1 - Pasakalye
2 - Maligayang Pagdating
3 - Titser Menggay
4 - Paalam, Doc
5 - Sanga-sangang Daan
6 - Krus na Landas: Quezon?
7 - Social Relevance
8 - Bakit?
9 - Habagat
10 - Aritmetik
11 - Hatid-Dumapit
12 - Patrick
13 - Recess
14 - Doctors To The Barrios
15 - Pagwatas
16 - Paliwanag
18 - Bagong Umaga
19 - Pagkakataon
20 - Araw ng Mga Guro
21 - Pabitin pa More
22 - Panaginip at Pabebe
23 - Ang Paghaharap
24 - Tapatan
25 - Pahiyang - Unang Linggo
26 - Pahabol sa Unang Linggo
27 - Ikalawang Linggo: Pagbasa at Pagsulat
28 - Ikalawang Linggo: Tipanan
29 - Ikalawang Linggo: Realidad
30 - Ikatlong Linggo: Pangarap
31 - Ikatlong Linggo: Namumuong Sama ng Panahon
32 - Ikatlong Linggo: Selos si Titser?
33 - Ikatlong Linggo: Napagtanto
34a - Pagtutuos
35 - Ikatlong Linggo: Marangal na Katangahan
36 -Ikaapat na Linggo: Dalandan
37 - Emergency
38 - Sistema
39 - Panganib
40 - Sugod
41 - Gaya-gaya Puto Maya
42 - Abot Tanaw... Abot Kamay
43 - Ang Albularyo, Bow!

17 - Walang Nagbago

1.8K 279 64
By random_insight

A/N: Patatawarin po at maikli lang at light ang update ngayong umaga. Pang-sara lang po ng nakaraang chapter. Bago natin simulan ang susunod na yugto ng kwento.

Linggo ng umaga. (A/N: Oo, lunes na naman bukas.)

Kahit medyo mabigat ang ulo, pinilit pa ring bumangon ni Meng gaya nang nakagawian. Oo, mabigat ang ulo dahil halos 3 oras lang ang tulog. Pero dapat parang walang nagbago.

Diretso s'ya sa banyo at nagwisik-wisik lang muna. Para siyang nakalutang tuwing yuyuko. Ito yung tipo ng umaga na parang gusto n'yang bumalik ulit sa higaan ang ingudngod ang mukha n'ya sa unan.

Pero hindi tama, dapat parang walang nagbago.

"Tinanghali ka yata ng gising? Tara, sabay na tayong mag-almusal." Sinumulang tanggalin ni Nanay Ruby ang takip ng mga pinggan na nakahain sa mesa.

"Ako po, Nay Ruby? Tinanghali ng gising? Ang aga ko kaya...." sabay napabalikwas siya nang makita ang oras. "Alas-siyete na? ALAS-SIYETE NA! Bakit di n'yo ako pinagising?"

"Kanina ka pa ginigising ni Amy, ayun nauna na kasama ng kuya niya. Hindi ka ba tatawag sa mga Nanay mo? Linggo ngayon."

"Natawagan ko na po sila habang naghihintay ako sa sakayan kahapon." Iniisip pa rin niya kung ano ba kailangan n'yang gawin ngayong araw na 'to.

"Hindi ka ba pupunta sa talipapa, market day ngayon?"

Oo nga pala market day! Kaso tanghali na, malamang naubusan na siya.

"Baka po hindi muna. Dito muna ko sa bahay." Sumalampak siya sa bangko at saka nangalumbaba sa mesa.

"Huy! Huwag kang mangalumbaba sa hapag kainan! Teka, maysakit ka ba?" Sinalat ni Nanay Ruby ang noo n'ya.

"Wala po, diba Nay Ruby, bawal ang magkasakit? Kulang lang po siguro ko ng tulog."

"May tinapos kang lesson plan?"

"Wala po."

"Ah, may tinapos kang project ng mga bata! Nakita ko yung solar system na gawa sa mga pinatuyong prutas, ang galing!"

"Nung Biyernes pa tapos 'yon ng mga bata. Inuwi ko lang po."

"O e bakit ka napuyat? Sabi nga ni Amy pot, biling ka raw ng biling sa katre."

"Kape Nay Ruby. Kape ang salarin. Hindi po dapat ako nagkape ako bago mahiga."

"Sigurado ka? Sige, ako na lang ang pupunta sa talipapa at kukuha ng inorder kong tapa kay Nanang Pacita. Kumusta pala yung lakad mo sa bayan kahapon? Akala ko sa aga ng alis mo, tanghali pa lang nakabalik ka na."

"Sabi ko nga Nay Ruby, ako na kukuha ng order kay Nanang Pacita. Maliligo lang po ako."

Kailangan na niyang umalis at papunta na sa reporter ang peg ni Nanay Ruby.

Hindi pa siya handang magkuwento.

At dapat mag-stick sa nakagawian.

Parang walang pagbabago.

----------------------

Mukhang kailangan lang n'ya maarawan at mahanginan. Medyo magaang na ang pakiramdam n'ya.

Gaya ng dati, maganda pa rin ang sikat ng araw ngayong umaga. Kulay asul pa rin ang kalangitan. Katamtaman din lang ang init habang binabagtas niya ang daan papunta sa talipapa. Pareho pa rin ng dati.

Walang nagbago.

Gustong-gusto pa rin niyang magdaan sa daan na'to dahil parang nagkakamay sa gitna ang mga puno ng firetree sa magkabilang parte ng daan. Berde at mayayabong pa rin ang mga dahon ng mga puno ng mga fire tree.

Abala pa rin ang mga tao dito sa talipapa dahil market day nga.

Parang nung isang Linggo lang na katulad nung nakaraang-nakaraang Linggo pa.

Tama, walang nagbago.

Lumubog pa rin ang araw kahapon at sumikat ngayong umaga.

"Magandang umaga, Ka Goryo!" Wala pa rin nagbago sa hitsura ni Ka Goryo, ang binibilhan nila ng gatas ng kalabaw kapag Linggo na hindi nila ginagatasan si Maganda.

"Maganda ka pa sa umaga, titser Meng! Dalawang bote ulit ng gatas."

"Ang galing n'yo talaga, Ka Goryo. Biruin n'yo nahulaan n'yo ang oorderin ko?"

"Bakit hane, may nagbago ba sa binibili mong dalawang bote ng gatas ng kalabaw ng nakaraan na mga taon?"

"Tumpak ka d'yan Ka Goryo! Wala talagang nagbago."

.

.

"Magandang umaga, Nanang Pacita!"

"Oy, Menggay pauwi na 'ko! Aba'y akala ko hindi ka na darating. Pinagtabi kita ng tapa na order ng Nanay Ruby mo. Kunin mo na lang sa puwesto!"

"Salamat Nanang! Iwan ko na lang po ang bayad!"

See! Yun na yun din ang mga linyahan namin nung mga nakaraang Linggo! Parang recorded na.

Tiningnan ni Meng ang mga napamili. Pareho pa rin sa mga binibili niya tuwing Linggo, ang mga gulay sa kantang bahay kubo.

Yes, okay na ko. Walang nagbago.

Kaya lang nakita n'ya ang nakapaskil na paalala na ginawa n'ya sa pag-iingat sa mga sakit kung tag-ulan. Ang sinulat niya dahil sa bilang consequence sa kuwento niya kay Ricardo.

Oo, si Ricardo.

Sino bang niloloko n'ya?

May nagbago. Kahit anong biling n'ya kagabi, kahit anong baligtad n'ya ng unan, totoo na talaga 'to at hindi panaginip lang.

Nasa Quezon na talaga si Ricardo.

Sinong mag-aakala na ang taong dahilan ng hindi n'ya pagkatulog kagabi ay isa ng Doctor to the Barrio dito sa Quezon.

Hindi lang nasa iisa na silang lalawigan, isang bayan na rin kahit magkaiba ng barangay.

Dalawang ilog lang ang pagitan.

Sa susunod na dalawang taon, iisang hangin ang lalanghapin nila. Iisang set ng tanawin ang makikita nila araw-araw.

Yun e kung makakatagal siya ng dalawang taon. Baka isang buwan pa lang sumuko na siya. Sa nababalitaan n'ya hindi biro ang maging Doctor to the Barrio.

Hindi naman sa judger s'ya pero kahit nagmedical mission pa si Ricardo at nagvolunteer sa barangay nila ng dalawang araw, iba ang dalawang taon.

Ang pagiging Doctor to the Barrio ay hindi parang mainit at bagong saing na kaning isusubo na iluluwa kung mapaso. Ang mahal kaya ng bigas ngayon!

Bakit? Bakit doctor to the barrio? Sa dami ng napag-usapan nila, yun ang hindi n'ya maitanong.

Okay, Menggay. Stop it. Ibang mind naman ngayon. Hindi na mind over matter, nagamit mo na 'yon.

Mind your own business naman ngayon.

Hindi mo na problema kung doctor to the barrio na siya. Magturo ka sa mga estudiyante mo, manggagamot siya ng mga pasyente n'ya. Sabi nga to each his own.

Walang kinalaman na andito ka sa Pinagpala, General Nakar, Quezon kaya dito rin s'ya nadestino. Mga pasyente ang pinunta n'ya dito.

Trabaho lang, walang personalan.

Walang nagbago. Hindi siya naging extra-guwapo sa paningin mo. Walang extra pogi points ang pagiging doctor to the barrio.

Hindi rin nagsimulang mas mangusap ang mga mata niya habang nakikinig s'ya sa mga pa-general knowledge at trivia mo kahapon.

Wala ring ibig sabihin ang mga attempt n'yang alalayan ka sa pagbaba sa jeep o pagtawid. At wala ring ibig sabihin ang pag-offer n'ya na ihatid ka kahit man lang sa sakayan.

OA lang talaga ang reactions mo. Gentleman lang yung tao.

Oo Menggay, walang nagbago.

Hindi nya tuloy namalayan na sa kalalakad at kalilipad ng utak n'ya, halos nasa harap na pala s'ya ng bakuran nila. Kaya halos atakihin s'ya (kahit wala siyang sakit sa puso) nang may bumungad na mama sa harapan n'ya.

"Ay kabayong maputi na nag-gluta! ..... Ano ba! ..... Ricardo? RICARDO?"

"Tama, si Ricardo ako at hindi kabayo. Natural din ang puti ko at hindi nakuha sa gluta. Magandang umaga, teacher Meng."

Ayan na naman ang mahiwagang dimple. Kalma Menggay. Ulitin mo lang. Walang nagbago.

"Magandang umaga naman. Teka, ano ngang ginagawa mo dito? Diba dapat naghahanda ka dahil unang araw mo sa trabaho bukas?"

"Napadaan lang, naghihintay yung kasama ko sa sasakyan. Nagpasama kasi akong maglibot at gusto kong maging pamilyar sa mga barangay dito sa General Nakar. Saka.... ano ..... may nalimutan ka kasi kahapon."

O e bakit may pagyuko at kamot ng ulo?

"Ako? May nalimutan? Eh halos wala naman akong dala a! Yun lang ipapadala ko sa 'yo na nakuha mo na. Sa'yo na yung paper bag na pinaglagyan. Hinatian naman kita sa bayad sa kinain nating tanghalian, so wala akong utang. Kaya ano'ng nakalimutan ko?"

.

.

"Uhmmm .... nakalimutan mong ibigay yung number mo."

Hindi lang nag-hang si Meng, nag-crash dahil sa bilis ng tibok ng kanyang dibdib sa narinig.

Oo, pagkaraan ng labing-limang taon, wala talagang nagbago sa sagot ko sa slum book noon.

Siya pa rin ang "secret" na crush ko.

A/N: Pa'no, simula na ng bagong kabanata sa buhay ng dalawa nating bida. Ano kayang mga adventures at pakikipagsapalaran ang aabangan natin?

Continue Reading

You'll Also Like

2.5K 508 128
Park Jimin- a.k.a- Jess/jass Min Yoongi- a.k.a- Red Kim taehyung- a.k.a- Fatima Jeon Jungkook-a.k.a- Luigi Kim Namjoon- a.k.a- Neil Kim Seokjin- a.k...
21.7K 466 26
πš‚πš‘πš˜πš›πš πšœπšπš˜πš›πš’πšŽπšœ/πšœπšŽπš–πš’-πšœπšŽπš›πš’πšŽπšœ 𝚘𝚏 πš˜πšžπš› πšπšŠπšŸπš˜πš›πš’πšπšŽ πšŒπš‘πšŠπš›πšŠπšŒπšπšŽπš›πšœ πšπš›πš˜πš– π™ΆπšŠπš™ πšƒπš‘πšŽ πš‚πšŽπš›πš’πšŽπšœ. π™ΌπšŠπš’ πš–πšπšŠ...
200K 8.4K 53
Archana Louisse Young - President of the Student Council. She is trusted by the Reed family to regulate Lauxshire University's policy. She is known...