Married to a Stranger [R-18]...

By PsychedelicDistress

1.4M 33.7K 2.7K

HIGHEST RANKING: #1 Vampire [Published under Bookware's Pink & Purple] Rica Allona Nicolas Sevilla had a drea... More

Published By Bookware Corporation
Synopsis
1 Estranghero
2 Casper
3 Tinig
5 Lunas
6 Kayabangan
7 Tindahan ni Aling Nena
8 Paghalik
9 Rebelasyon
10 Transpormasyon
11 Pagkabunyag
12 Dominic
13 Vernice
14 Magkapatid
15 Inosente
16 Impakta
17 Balloons
18 Hinala
19 Salpukan
20 Althea
21 Chenesan
22 The Man In Her Nightmares
23 Missing Bride
24 Panaginip
25 Kasalan
26 Face Swap
27 Pagpapanggap
28 Muling Pagkikita
29 Warmth
30 Ending (Promises)

4 Pagbasa ng Isip

54.6K 1.3K 97
By PsychedelicDistress

4

Pagbasa ng Isip

Taliwas sa mga nagdaang araw, mataas ang sikat ng ngayon araw. Kinailangan ko pa ngang magsuot ng sunglasses dahil sobrang nasisilaw ako sa sikat ng araw. Paglabas ko ng bahay, napatakbo ako pabalik sa loob dahil nakakapaso ang init ng araw. Nagsuot pa tuloy ako ng jacket.

     Mukha akong tanga, para na tuloy ako 'yong mga nakikita kong feeling swagger emo na kahit tirik na tirik ang araw ay sige pa rin sa pagsuot ng jacket.

     Psh, tatanggalin ko na lang itong jacket mamaya sa school.

     Tulad ng dati, late na naman akong dumating sa school kaya nasermonan na naman ako ng teacher ko, buti na lang nakalimutan niyang suspendihin ako. Natigilan lang ang pagdakdak niya nang ipatawag ang lahat ng teachers para sa isang meeting. Thank god, kanina pa natutulili ang tenga ko.

     Habang wala kaming teacher, iniayos ko muna ang compilation ng mga quiz ko na ipa-pass naman sa subject teacher namin sa Physics.

      Nilapitan ako ni Demmy, may sinasabi siya pero hindi ko maintindihan dahil may nakakabit na earphones sa tengako. "Ha? Ano'ng sabi mo?" tanong ko nang tanggalin ko ang earphones sa tenga ko.

     "Putaragis ka, kanina pa ako salita nang salita rito tapos hindi ka naman pala nakikinig," inis na tugon ni Demmy.

     "Sorry naman. Eh ano ba kasi 'yong sinasabi mo?"

     Hindi na siya sumagot, siguro nagalit. Tsk. Dahil ayaw naman niyang ulitin ang sinabi niya, nakinig na lang ulit ako ng music. Mayamaya ay bumubuka na naman ang bibig niya kaya hininaan ko ang sound volume ng phone ko, doon ko lang narealize na buka lang nang buka ang bibig nito at wala namang sinasabi.

     Awtomatikong gumalaw ang kamay ko para dagukan siya. "Eh wala ka namang sinasabi gaga ka eh! Doon ka na nga!"

     "Wala nga, tanga!" natatawang sabi niya bago ako layasan.

     Abnormal talaga iyong babae na iyon. Katabi ko si Casper, pero tahimik lang ito dahil abala ito sa pagsusulat sa kanyang notebook. Bigla akong napatili nang may naramdaman akong sumundot sa puwet ko. Agad akong napatayo, saka ko tiningnan kung ano ang mayroon sa upuan ko.

     Nakita ko si Demmy na nagtatago sa ilalim ng isang bangko, may hawak siyang ballpen at halatang nagpipigil ito ng tawa kaya dali-dali ko siyang hinampas ng hawak kong test papers sa mukha. 

     Gagang babae na 'to, wala na namang ibang mapagtripan!

     Tumigil naman siya nang mahampas ko sa mukha, ngunit mayamaya lang ay umaariba na naman siya sa panunundot kaya iyong puncher na ang iniamba ko sa kanya. Doon lang ito tuluyang nagtigil.

     Hindi nagtagal ay bumalik na rin ang class adviser namin. May kasama siyang babae na mukhang kasing edad ko lang din. Kulay brown ang buhok at mata niya, maganda ang ilong, mapupula ang mga labi. In short, parehas kaming maganda. Inanunsyo ng guro namin na magiging bago na naman naming kaklase ang babae.

     Shetbols, ang daming transferee students.

     "Class, this is Althea Ross. She will be your new classmate. Treat her well," anang adviser namin.

     Itinuro nito ang magiging upuan ni Althea, pagkatapos ay umalis na rin ang guro namin. Sobrang busy siguro ni Ma'am, 'no? Lantudis.

     Bago umupo si Althea sa itinurong silya ni Ma'am ay nakipagtitigan muna siya sa akin, pagkatapos ay kay Casper. Ginantihan naman siya ng tingin ni Casper.

     Magkakilala kaya sila?

     Pasimpleng siniko ko si Casper saka ko siya tinanong. "You know her?"

     "Yes, I know her," maikling tugon niya. Nagbawi siya ng tingin kay Althea saka ako  hinarap. "Why do you ask?"

     "Uhm, nothing. I'm just, ano, just asking."

     Magkakilala raw sila ni Althea. Galing din kaya sa England iyongbabaitangiyon?

                                                               ~

I sat alone—- Joke, hindi ko pala kayang ituloy ng English. Shet, nosebleed. Mag-isa akong naghihintay sa isang mesa rito sa canteen. Ang mga kaibigan ko kasi ay nakapila pa sa counter kaya mag-isa pa lang ako. Tuloy, nakatunganga na naman ako as always.

     Nakita kong papalapit si Althea sa direksyon ko. "Hi," bati niya sa akin bago umupo sa tapat ko.

     "Uhm, hey that's my friend's seat," sabi ko. 

     "Yes, I know that, honey. I'm just droppin' by to say 'hi'," nakangting wika niyo. Inialok niya ang kamay sa akin. "My name is Althea, may I know yours?" 

     "My name is Rica." Nakipagkamay ako sa kanya.

     "Oh, so that's your name now."

     "Anong name now?—- I mean what, do you—-ano na nga? Shet"

     Bahagya itong napatawa. "Wala naman. 'Wag mong pahirapan ang sarili mo, marunong akong mag-Tagalog." Tumayo na siya at tumalikod. "See you later," sabi niya bago umalis.

     Eh, gago pala 'yon, eh! Marunong naman palang mag-Tagalog ini-English pa ako. 'Langyang 'yan. Grabe ah, kinabahan ako ng sobra d'on.

     Pagdating ng mga kaibigan ko ay sabay-sabay na kaming nagsikain. Habang kumakain, pulos usapin tungkol kay Casper anh lumalabas sa bibig nils. Hindi na lang ako masyadong nakisabat sa usapin tungkol kay Casper dahil baka ma-hot seat pa ako kasi katabi ko lang diya sa upuan. 

     Matapos kong kumain ay bumalik na ako sa classroom. Umupo ako sa tapat ng ilektrekpan, sa tabi ni Allen.

     "Wow, katabi ko si crush. Rica, ang ganda mo talaga!"

     Nanlalaki ang mga matang hinarap ko ito. "Ano?!"

     Nagtatakang tumitig siya sa akin. "Bakit? May problema ba?"

     "A-ano 'yong s-sinabi mo?" muling tanong ko.

     "Bangag ka ba Rica? Hindi naman ako nagsasalita," iritadong tugon niya.

     Hinayaan ko na lamang siya. Siguro ay imahinasyon ko lang iyon dahil sa sobrang pagkabusog. Papalampasin ko na sana ngunit narinig ko na naman ang boses niya.

     "Rica, balang-araw alam kong mamahalin mo rin ako."

     Muli akong humarap dito. "Hoy Allen! Ano ba ang problema mo?" 

     Nakipagtitigan siya sa akin. "Inaano ba kita?" 

     "Ano ba 'yang mga pinagsasasabi mo? Baliw ka ba, Allen?"

     Binigyan niya ako ng tingin na para bang iniisip niya na ako ang nababaliw sa aming dalawa. "Rica nananahimik ako rito. Hindi ako nagsasalita. Kung may nababaliw man sa ating dalawa, hindi ako iyon."

     "Oo Rica, nababaliw ako sa'yo."

     "Anong nababaliw ako? Sabi mo kanina maganda ako, tapos mahal mo ako. Tapos ngayon sinasabi mong nababaliw ka sa akin," wika ko. "Bangag ka ba Allen, 'yong totoo?"

     Namutla si Allen dahil sa mga sinabi ko. Hindi ako nagsisinungaling nang sabihin ko ang lahat ng mga sinabi niya, iyon talaga ang mga narinig ko.

     What the hell is wrong with him? Ako pa ang gagawin nitong tanga, hanep.

     "E-ewan k-ko sa'yo!" anito bago tumayo at umalis.

     Mula sa pinto ay nakita ko si Kheyzelle, ang kaklase kong sobrang mahadera na akala mo ubod ng ganda. Hindi ko sinasadyang titigan siya habang naglalakad siya papunta sa kanyang upuan.

     "What the fuck are you looking at?" tanong niya nang mapansin ang pagtitig ko.

     "Masama bang tumingin?" balik tanong ko.

     "Excuse me, ako ba ang kausap mo?" nagtatakang tanong niya. Narinig ko ang muling pagsasalita niya. Naririnig ko ang boses niya kahit hindi bumubuka ang kanyang bibig. "Oh, my God, this freak bitch. Abnormal ba ito at bigla na lang siyang nagsasalita?"

     "Hoy! Nakatingin lang naman ako sa'yo, tapos sasabihan mo na ako ng 'freak bitch'? Sobrang bad mo talaga," sabi ko na lang para walang away. Baka lalo lang akong awayin nito kapag gumanti ako. 

     "What? I never said that you're a bitch. Rica, ano ba ang problema mo? 'Wag mo na nga akong kausapin dahil nakakairita ka!" nakapamaywang na sabi niya. "Talk to me again and I swear, I will hurt you." Binigyan ako niya ako ng isang napakatalim na tingin kaya hindi na ako sumagot pa. "I swear I will cut off your nose."

     Ramdam ko ang pagkaseryoso nito sa huling sinabi. Kaming dalawa lang ang tao ngayon sa classroom kaya natatakot akong baka totohanin niya ang sinabing paggupit sa ilong ko. Bigla tuloy akong napahawak sa ilong ko. Matagal itong tumingin sa akin bago ito lumabas ng pinto.

     "Nakatingin siya sa iba kanina kaya sigurado akong hindi niya nakita na kinuha ko ang wallet ni Trixie sa bag. Tanga naman si Rica kaya hindi niya paghihinalaan na ako ang magnanakaw dito sa classroom."  

     Iyon ang mga huling salita na narinig ko mula kay Kheyzelle bago siya lumabas ng classroom. Naririnig ko ang boses nito kahit hindi bumubuka ang bibig. Hindi kaya, nababasa ko ang kanyang isip? Ganoon din kasi ang nangyari kanina nang kasama ko si Allen. Naririnig ko ang boses niya kahit hindi siya nagsasalita. Oh, my God. I can read their minds!

_________________________

DON'T FORGET TO VOTE 😀

Continue Reading

You'll Also Like

172K 3.9K 31
Isa daw sa pinakamasayang mangyayari sa buhay ng isang babae ay kapag nagbunga na ang pagmamahalan nila ng kaniyang asawa. Ngunit bakit ito ang nagin...
590K 1.1K 3
"Oras na malaman ko kung sino ang kabit ng asawa ko. Matitikman nito ang kahihiyang kailanman ay hindi pa nito nalalasap. Ibabaon ko siya ng buhay sa...
95.4K 3.8K 30
Hindi sinasadya ay nakita ni Marisel 'Isel' Francisco ang totoong hitsura ni Mr. Hired Killer. At pinapili siya! Ang patayin siya o paglingkuran siya...
27.8M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...