Yoobin's POV
Lalaladidadidadida, oh yeah yeah~~
Lalalalalalalalafalalalalalalala, walang magawa. =__=
Hmmm...kausapin ko na lang muna ang salamin.
"Oy Yoobin? Ba't ang ganda mo?" tanong ko sa salamin. "Oo maganda ka nga pero di ka naman gusto ni Axle." respond ng salamin sa akin. Hays. Bakit nga kaya ayaw sa akin ni Axle? Pangit ba ako? Kapalit palit ba ako? Then wh---
*tok tok*
Epaaaal.
"Sino yan?"
"Seo."
"Pasok." at ayun, pumasok na nga sya at sabay higa sa kama ko. "Alam mo pabibo ka. Nagmomoment ako dito mag isa tapos bigla kang eentrada."
"Sungit nito. Nahawa ka ba sa 'Axle Flu'?"
"Hay nako. Wag mo ngang banggitin yan. Nabwibwiset ako."
"Hahaha. By the way, humihingi nga pala ng help sa atin si Calvin."
"Help?"
"Oo. Help as in tulong."
"Bakit daw?"
"Di sinabi eh, bukas na lang daw nya sasabihin sa atin."
"Okay. Teka, andyan na ba si Yuu Anne?"
"Oo. Kadarating lang."
Pagkasabi ni Seo na dumating na si Yuu Anne, pumunta na ako sa baba at nakita ko ngang nag-uusap si Yul at Yuu Anne sa sofa. Nakapout si Yuu Anne while si Yul nakakunot ang noo meaning nagalit na naman ang dragon. Buti naman bumalik na sa dati ung ugali nya.
"Ganun? Bigla bigla ka na lang nang-iiwan? Ano ban--"
"Sshh...wag ka maingay. Nag-uusap ung dalwa, makinig tayo. Hihi." sabi ko kay Seo kaya ayun nakinig kami sa usapan nung dalwa. Syempre, nagtago kami para di kami makita. Hehe.
"At bakit mo naman kasama ung kumag na un? Gabi na ah." -Yul
"Eeeeh, kasi may itatanong lang daw sya sa akin."
"Gaano ba kadami ung kanyang tinanong sayo at inabot kayo ng gabi ha?!"
"Eh bakit ba? At least umuwi ako ng safe."
"Kahit na! Di ka dapat sumasama dun ng mag-isa ka lang! Baka mamaya kung ano nang binabalak nung masama sayo."
"Ano ka ba? Di ako nun pag nanasahan, ikaw pwede pa."
"Awan sayo. Ah basta! Wag ka nang sasama kay Vin!"
"VIN?!"
"Vin. As in Calvin. Duh."
"Wow. May nickname na pala sya sayo. How sweet naman."
"Anong sweet dun? Nakakaasar lang banggitin ung kanyang pangalan kaya pinaiksi ko babo! (stupid!!)" at ayun, umakyat na si Yul sa kwarto nya, buti na lang di kami nakita ni Seo.
"Ano daw yun?" sabi ni Seo habang nakaderp face.
"Awan. Tara nga kay Yuu Anne." umupo na kami sa sofa katabi si Yuu Anne.
"Ansaveh sa sermonan portion ninyo ni Yul? Masaya ano?" -Ako
"Nakinig kayo?" minsan ang sarap ding batukan nito ni Yuu Anne sa sobrang obvious ng tanong eh 'no?
"Ay hindi hindi. Kaya ko lang natanong un kasi may nagsabi sa aking reporter. Sabi nya sa akin nagtatalo daw kayo ni Yul." sarcastic kong sagot.
"Nasaan ba ang common sense mo? Naiwan mo ba kay Calvin?" -Seo
"Napaka nyo ba, pinagtutulungan nyo na naman ako eh. Anyway, nasan ung iba?"
"Si Shiyah, tulog na bes. Si Yuri ayun, nagshoshower. Si Yhanna, nagrereview sa kwarto nya. Si Nami naman, awan, tulog na rin ata." -Ako
"Ganun? Sige tutulog na rin ako. Byiiiee!" nagwave na sya sa amin and umakyat na sa taas.
"Ge. Tutulog na rin ako. Ikaw ba?"
"Maya pa ako. Magmomovie marathon pa ako." ayos rin 'tong babaeng 'to, lakas ng trip.
"Sige bes, push mo yan. You have my support."
-----
Naglalakad na ako dito sa corridor nang makasabay ko 'tong si Calvin.
"Good morning Calvin! Si Axle?"
"Andun na ata sa room. Lagi naman ung maagang pumasok eh."
"Ah okay. Sabi nga pala ni Seo kagabi, magpapatulong ka daw sa amin. Saan ba?"
"Ah un ba? Ano bang pwedeng gawin para mapasaya ko si Yul?"
"Woah. Lumelevel up ka ha? Kelan kaya ako itratrato ni Axle nang ganyan?"
"Ano nga?"
"Relax. Hmm..."
*isip*
*isip*
*isip*
*ting!*
"Kantahan mo sya in front of many people. Gawin mo ay dito sa campus para masaya!"
"Katulad nung ginawa mo kay Axle?"
"Oo."
"Baka naman kung anong gawin nun sa akin?"
"Hindi yan."
"Sabi mo yan ha? Sige salamat!"
Gerald's POV
"Pare!" biglang sulpot ni Calvin.
"Oh bakit?"
"Ano bang magandang kanta ang bagay kay Yul?"
"Ha?"
"Kay Yul, anong bagay na kanta?"
"Ewan. Bakit?"
"Wala lang."
"Weh? May gagawin ka na naman bang kalokohan?"
"Pare naman, kalokohan talaga?"
"Hahaha. Ah basta. Magtanong ka ay dun sa kakambal mong si Jexther." bigla naman akong sinamaan ng tingin ni Calvin.
Ayaw kasi nyan na niloloko na kambal sila ni Jexther. Masisisi ba nya kami eh sa mukha silang kambal eh. Magkamukhang magkamukha kasi yang dalwang yan kaya nga nung high school kami, laging nalilito ang teachers sa dalwang yan pero ung ugali, magkaibang magkaiba naman. Si Jexther kasi, madaming pa-keme sa buhay, shy type ang gago.
Saktong alis ni Calvin ay saktong dating naman ni Seo. Ganda talaga nito...
Ang ganda nitong asarin! Wahahaha!
"Hello Seobaby."
"Ano na naman? Mang-aasar ka na naman ba?" sabi nya pagkaupo nya sa tabi ko.
"Eto naman. Hindi naman kita aasarin 'no. Binati lang kita."
"Awan sayo."
"Weird princess ko, galit na naman." sabi ko sabay pout. Hahaha.
Janrei's POV
"Susuportahan nyo ako ha?"
"Nababaliw ka na naman ba Calvin? Gusto mo bang masapak ka nun ng wala sa oras?" sabi ko. Pano ba naman kasi, nagplaplano na haranahin si Yul in public. IN PUBLIC! Baliw talaga 'tong lalaking 'to. Di nag-iisip.
"Tama si Janrei. May possibility naman talagang masapak ka nun." -Mark
"Pahiya ka nun pag nagkataon." -Axle
"Moral support na nga lang di nyo pa mabigay. Kaibigan ko ba talaga kayo?"
"Sinusuportahan ka namin. We're just thinking about the possibilities." -Steven
"Oo na. Pero di naman siguro ako nun sasapakin. May awa naman siguro un. Tingnan nyo nga, mabait na."
"Mabait na ba ung lagay na un? Ah kaya pala nasapak nya ako kanina." -Jayson
"Bakit ka naman sinapak?" -Jexther
"Binara ko kasi kanina." -Jayson
"Eh isa ka pa rin naman palang baliw eh." -Ako
"Bakit ba ganun ung babaeng un? Ang sungit eh." -Axle
"Ibalik ko sayo ung tanong Axle. Pre bat ang sungit mo?" -Mark
"=____=" -Axle
"Ah basta. Ipagdadasal ko na lang ang kaluluwa mo pre para sa gagawin mo." -Steven
"Ako din. Sisimulan ko nang magrosaryo ngayon pa lang." -Jexther
Calvin's POV
Andito na ako sa field ngayon. Pinagtitinginan na nga ako at ung fan club ko, yung 'We Are Calvin's PROPERTY' ata, andito din, nagtitilian. Syempre, gwapo ako eh. *pogi sign*
Magustuhan kaya ni Yul ung hinanda kong presentation para sa kanya? Sana...
Yul's POV
"Yul tara na kasi sa field!!!" -Nami
"Oo nga Yul tara naaaa!!!" -Yuri
"Ano ba?! Istorbo eh! Kitang nagbabasa ako dito tapos mang-iistorbo pa kayo!" naiinis kong sabi. Syempre medyo mahina pagkakasabi ko nyan kasi nasa library ako ngayon and biglang sumulpot tong mga baliw na 'to at inaakit akong pumunta ng field.
"Yul kasi, pabirthday mo na sa akin. Tara na kasi sa field." -Yoobin
"Che! Tumigil ka nga dyan! Sa April pa ang birthday mo SEPTEMBER PA LANG NGAYON!"
"Dali na kasi. Bonding tayo dun sa field." -Seo
"Minsan na lang kasi tayo makapagbonding." -Shiyah
"Minsan lang makapagbonding eh lagi namang yan ang ginagawa natin sa bahay ah?!"
"Sama ka na kasiii." -Yhanna
"Ano ba kasing gagawin dun?!"
"Basta." -Nami
Tumayo na ako sa kinauupuan ko at dire-diretsong pumuntang field. Sumunod naman sila and...
O________O
"Park Yul, this is for you."
(NP: More Than Words)
Nagsimula na syang kumanta at ayun, pinagtitinginan na kami dito especially ako, kilala na ako dito sa campus kasi ako lang naman ang nag-iisang Park Yul dito. Psh.
KUNG HINDI LANG 'TO GINAGAWA NI VIN EH DI SANA HINDI AKO PINAGTITINGINAN DITO!!!
"Oy Yul, sikat ka na, center of attraction pa!" -Yoobin
Center of attraction pala ha? Let's see... *evil smile*
Linapitan ko na agad si Vin and gave him a smile kaya lumapad ang ngiti ng loko. Ngiti pa, nakakaasar ka. Sintunado naman boses mong peste ka.
Yuri's POV
Wow. Linapitan ni Yul si Calvin. How sweet namaaan!
And...
O______O!!!
WHAAAAAAAAAAA!!!
Inagaw bigla ni Yul ung mike kay Calvin at pinukpok ito sa ulo ni Calvin. Aray mah men.
"PESTE KA! KAKANTA KA NA NGA LANG SINTUNADO PA! KANTAHAN MO AY UNG MGA BABAE MO DYAN WAG AKO! DI MO AKO LARUAN NA PWEDE MONG GAMITING PAMPALIPAS ORAS PARA SA MGA KALOKOHAN MO!" sabi ni Yul sabay walk-out. Hala, I didn't expect na gagawin un ni Yul and ang malala, GALIT SYA NGAYON!
ISANG DAMAKMAK NA SERMON NA NAMAN ANG AABUTIN NAMIN DYAN MAMAYA. HUHUBELS.
CENTER OF ATTRACTION NGA PATI KAY YUL MAMAYA CENTER OF ATTRACTION ANG S8!
HUWAAAAAA!!!
KILL ME NOOOOOWWW!!!