The Virgin's First Night 7: I...

By BonitaBabyy

1.3M 19.7K 1.3K

Si Nathalia at Nathaniel ay mortal na magka-away. Ang birong pagtatanan ay naging makatotohanan. Masasabayan... More

The Virgin's First Night 7: It Takes Two To Tango
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Cahpter 16
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Last Chapter
Special Update: Shiela and King

Chapter 17

42.1K 785 79
By BonitaBabyy

Chapter 17

Niyakap ko ang sarili ko dahil sa lamig ng hangin. Ayoko ng ganitong klima, nakaka-senti at nakakatamad maligo. Haha. Lihim akong napangiti ng maramdaman ang pagpulupot ng mga braso ni Nathaniel sa aking baywang. I inhaled his masculine smell. Kagagaling lang niya sa shower habang ako naman ay nasa balcony lang at pinapanood ang mga hamog.

Sumisigaw ang hormones ko hindi dahil sa nangangailangan siya, isinisigaw niya na dapat ay sabihin ko na kay Nathaniel kung ano ang nararamdaman ko. Gusto kong magtanong pero kada bubuksan ko ang aking bibig ay kusa naman 'yong sumasara. Gusto kong tanungin kung ano ang mayroon kami o kung ano man ang nararamdaman niya sa akin. Kung pwede ko lang ibukambibig 'yon para matahimik na ang isip ko. Natatakot ako sa magiging sagot niya. Natatakot akong mabigo. Is it all about sex?

Hindi ko siya pwedeng sisihin kung umasa man ako. I was the one who initiate first. Palay na mismo ang lumapit sa manok at natukso lamang siyang tukain 'yon dahil gutom siya at may pangangailangan. Gusto kong gawing mantra ang "Having sex with him won't make him love you" ayokong matulad sa ibang mga babae, ayokong tapakan ang mga hakbang ni Janine. I'm way better than her. Siguro'y makukuntento na lamang muna ako sa kung ano ang kayang ibigay ni Nathaniel.

"Napagod ka ba sa biyahe." pumikit ako at dinama ang mainit na hininga ni Nathaniel sa aking leeg. Ah! It feels good. Ang sarap damhin ng init ng katawan ni Nathaniel.

"Puyat lang. Haha." I smiled seductively at agad naman siyang tumawa.

"Yeah, yeah, yeah. Wala pa nga pala tayong matinong tulog. Haha. Kumain muna tayo sa baba then you can take your nap besides may meeting kami mamaya ni Ivan at ng staff." muntik ko ng makalimutan na trabaho nga pala ang ipinunta rito ni Nathaniel at hindi bakasyon.

Sana pwedeng bumalik sa dati. Alam ko may chance na mahalin ako ni Nathaniel pero nasira ang lahat ng 'yon ng pinilit siya ni mommy na pakasalan ako. Hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan kung paano siya napapayag ng mommy ko. Hindi naman niya ako mahal at naiinis siya sa akin. Bakit biglaang nagbago ang isip niya? Si Nathaniel yung tipo ng lalaki na hindi basta magpapa-manipula.

"Pagkatapos ng trabaho mo pwede mag-date tayo? Hindi pa tayo nagddate." nilingon ko siya sa aking likuran at idinampi niya ang kanyang mga labi sa aking pisngi.

"Hmm? Nag-date na tayo ah? Hindi mo naaalala?" kumunot ang noo ko. Ha? Kailan? Wala naman ah?

"Nag-date na tayo Natie. Noong nag cutting classes ka? Nag mall tayo diba?" what?! I can't contain my kilig! Date para sa kanya 'yon kahit pinilit ko lang siya noon?! Niyuko ko ang sarili ko upang itago ang aking mga ngiti.

"Pero sige magddate tayo kapag may free time ako. Okay ba 'yon?" humarap ako sa kanya at nabigla nalang siya ng walang kaabog-abog ko siyang niyakap. I am so happy. Niyakap ko siya ng mahigpit at isinandal ko ang aking ulo sa malapad at matipuno niyang dibdib. I feel safe kapag nasa mga bisig niya, para akong isang bata na nasa comfort zone.

"Wait! Mauna ka na pala sa baba Nate, I need to pee. Order ka na ng food." lalayo na sana ako sa kanya ngunit mas hinigpitan lang niya ang pagkakayakap sa akin.

"Can we stay like this forever?" gusto kong tignan ang mukha niya ngunit mas lalo niyang hinihigpitan ang pagkakayakap sa akin as if his life depends on me. Bumilis ang tibok ng puso ko at nagtatalon ang ovaries ko sa tuwa. Yes, I'll be yours forever. Hindi ako aalis sa tabi mo, kahit mangawit pa tayo ay hindi ako lalayo.  He sniffed my hair and kissed it.

"You always smell good" ngumiti ako at hinalikan ko ang dibdib niya. Ayokong umasa pero damn! Magtatanong pa ba ko? Pasasakitin ko pa ba ang ulo ko?

"Ayoko sanang masira 'tong moment natin Nate pero ihing-ihi na talaga ako eh." lecheng pantog hindi makisama!! Kinikilig na nga ako pati ba naman pantog ko kinikilig din. Asiwa akong ngumisi kay Nate at agad na bumitiw para tunguhin ang bathroom.

"Natie! Order na ko ng food sa restau." anunsyo ni Nate at mabilis naman akong sumagot pabalik. Sa lamig ng panahon ay madalas akong umihi. Kakainis! Kung kailan sweet na kami ni Nathaniel.

Nang makaraos sa tawag ng kalikasan ay inayos ko ang sarili ko. Tama lang ang outfit ko para sa malamig na klima. Actually suot ko yung winter outfit ko kada nasa America kami. Oh diba! Nag lipstick ako at naglagay ng kaunting pulbos sa mukha. Damn! Nangingitim ang ilalim ng aking mga mata, siguro'y mga 8pm dapat kami nagsesex ni Nathaniel para hindi kami napupuyat dalawa. Haha. Aagahan na namin ang schedule.

Paglabas ng suite ay nilinga ko ang interior design ng hotel. Modern Asia ang style nito at may iilang paintings sa may hallway. Hindi ako mahilig sa paintings dahil hindi ko maintindihan ang meaning ng mga 'yon. Haha. Nakakatanga lang isipin diba? Ayoko pa naman sa lahat ng bagay ay ginagawang komplikado ang simpleng bagay. Sasakit lang ang utak ko kakapiga ng sagot sa maraming tanong ng isip ko. Go with the flow nalang siguro.

"Janine! Paki-linis naman yung VIP room oh." napatigil ako sa paglalakad ng marinig ang pangalang 'yon. Imposible. Nasa ibang bansa si Janine. Nag-smirk nalang ako at hindi na pinansin yun. Masyadong common ang pangalan na Janine at marahil ay nagkataon lang.

"Sige ako ng bahala don." I frozed. Nanlalaki ang mga mata ko ng marinig ang boses na 'yon. No! It can't be! Tumigas ang panga ko dahil sa tensyon at takot. Dahan-dahan kong nilingon ang dalawang boses na nag-uusap sa may likod ko.

What the fuck!!! Siya yan di ba? Si Janine ang iyong may hawak ng cart! Mabilis akong nagtago sa likod ng malaking vase at nanginginig ang mga kamay ko. Nakikipag-usap siya sa babaeng kapareho rin ng uniporme niya. Nagtatrabaho siya dito? Chamber maid?! Kumirot ang dibdib ko ng may isang ideya ang nagdaan sa utak ko. Agad ko 'yong ipinilig. Hindi! Alam ba ni Nathaniel na nandito si Janine? Kaya ba niya tinanggap ang project dito? Matagal na ba niyang nahanap si Janine? Mababaliw ako! Ayokong mag-isip diba?!

Bumaba ang lahat ng dugo ko sa katawan at nanlalambot ang aking mga tuhod, nang makasakay sa elevator ay agad akong sumalampak sa may sahig. Natatakot ako. Ayoko na siyang makita, ayoko ng magkita pa sila ni Nathaniel. He is already mine. Maraming saksak sa puso ang tiniis ko para lang makasal kay Nathaniel. Pinikot ko pa siya para lang maging akin.

Nag-iinit ang sulok ng aking mga mata. Paano ako mapapanatag dito? Paano naman ako mag-eenjoy kung alam kong isang hangin lang pala ang nilalanghap namin ni Janine. Biglang napakaliit ng mundo! Ang sikip at hindi ako makahinga. Naninikip ang dibdib ko at para bang may nakadagan roon. Pinilit kong tumindig at inayos ang aking sarili. I need to stay calm. Tangina! Ang hirap pigilang umiyak! Nananakit ang lalamunan ko at may kung anong bumabara roon.

"Is there something wrong?" nag-aalalang tanong ni Yvette sa akin. I really appreciate her sincerity. She's cool at di ko maipagkakaila na nakikita ko ang sarili ko sa kanya iyon nga lang mas prangka siya habang ako naman ay nagkukunwaring mahina. Kaya kong manira ng tao ngunit hindi ko ipapakita 'yon sa lahat. Gusto kong mahalin nila ako katulad ng pagmamahal nila sa birheng si Janine.

"W-wala" I manage to speak calmly pero natatakot akong himilagpos ng iyak.

Natatakot ako. Hindi ako makakatulog ng maayos hangga't hindi nakakaalis sa lugar na 'to at mailayo si Nathaniel. Kahit kay Janine na ang lahat ng bagay. Ibibigay ko naman ang lahat eh. Siya na ang mas maganda, siya na ang mas matalino, siya na ang gusto ng lahat pero please huwag ang mahal ko. Kinakain ako ng insecurities ko, kung pwede ko lang isigaw 'to! Sasabog na ang puso ko.

Inalok akong mag bar ni Yvette at walang atubuli ko itong tinanggap. I need a goddamn drink! I need to compose myself. Hindi maaaring masira ang sistema ko ng dahil lang sa babaeng 'yon. Kung alam ko lang sana ang iniisip at nararamdaman ni Nathaniel ay hindi ako mababaliw ng ganito. Sana ay may assurance ako. Kahit magtumbling pa sa harapan namin si Janine ay hindi ko papansinin dahil alam kong mahal ako ni Nate. But no! Hindi ganoon ang sitwasyon. Naiiwan akong nanghuhula!

"Awat naman Nathalia." sita sa akin ni Yvette ngunit marami na rin naman siyang naiinom. Maraming binigay na payo sa akin si Yvette at walang pumasok sa utak ko dahil nilulunod na iyon ng tama ng alcohol.

"Hindi ko alam kung bakit bumalik pa siya! Ngayon pa nga lang kami nagiging ayos ni Nathaniel! I hate her!" sigaw ko sabay tungga sa aking cocktail.

Nanlalabo na ang aking paningin gayon din ang aking isip. Lugmok na ang wasted na si Yvette sa may table at wala akong ideya kung paano kami makakabalik ng hotel. Isang galaw ko lang ay literal ng umiikot ang mundo. May tumabing lalaki kay Yvette at pinainom ito, hihingi rin sana ako ngunit bumabagsak na ang aking mga mata. Damn! Kanina pa kami umiinom ni Yvette at nadala ako sa pagkkwento sa kanya ng tungkol kay Janine apparently nakita niya rin daw si Janine sa restaurant. Posibleng magkasalubong rin sila ni Nathaniel at ang isipin pa lamang 'yon ay mababaliw na ako.

"Damn! NATHALIA!!" pilit kong idinilat ang mabigat ko ng mga mata. Kahit sa nanlalabong paningin ay ngumiti ako ng makita si Nathaniel na mabilis na lumalapit sa akin.

"Bakit ka uminom ng marami?!" mabilis akong kumapit sa may leeg niya ng buhatin niya ako. Ahh!! Bumabaliktad ang sikmura ko kahit kaunting galaw lang.

"Where is Yvette?" huh? Nilingon ko ang nagtatakang si Ivan.

"Baka nasa dance floor? Iuuwi ko na ang asawa ko sa suite." akala ko ay ako ang kausap ni Ivan yun pala ay si Nathaniel.

"Okay. Hahanapin ko muna si Yvette. Fuck! Hindi ko alam na magpapakamatay ang dalawang babaeng yan sa alak." iritadong utas ni Ivan at mabilis na tinakbo ang dance floor. Isinandal ko na lang ang ulo ko sa dibdib ni Nathaniel. Nawawala ng kaunti ang hilo ko lalo na ng maamoy ang pinahalong pabango, soap at natural scent niya.

"Hindi ka na makakatikim ng alak young lady." mariin niyang banta at wala sa sariling ngumisi na lamang ako.

Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa suite at nagising ako na uhaw na uhaw. Ah!! Epekto siguro ng alak. Hindi naman kasi ako nalalasing talaga ngayon lang. Kinapa ko ang kaliwang bahagi ng kama ko at malamig lamang na unan ang nahawakan ko. Kahit na masakit pa ang ulo ko ay pinilit kong dumilat. Nasaan si Nathaniel? Ugh! May ilang bakal ang nakapatong sa ulo ko ng bumangon at tumayo.

Where is he? Kahit na masakit ang ulo ay hinanap ko sa loob ng suite si Nathaniel ngunit wala naman siya. Lumabas ako ng suite at naulinigan ang isang babae at isang lalaki na nag-uusap.

"It is really nice to see you again Nate. Kasal na kayo ni Nathalia?" para akong binuhusan ng nagyeyelong tubig ng mabosesan ang babae. Magka-usap sila sa ganitong oras?! So alam nga ni Nathaniel na narito si Janine?! Putang..

"Yes. It's been three years Ja. I am your bestfriend bakit hindi ka nag---" mabilis akong pumasok sa loob. Ayoko ng marinig pa ang catch up nila! Ikinuyom ko ang aking kamao. Nanginginig ako sa galit at selos. Nagpalakad-lakad lang ako sa loob. Ilang munito na ba silang nag-uusap? Ten or Fifteen minutes?! Iiwan niya ako sa dis oras ng gabi para lang makipag-kwentuhan kay Janine?!

"Hey. Gising ka na pala." masuyong bungad ni Nathaniel ng mabungaran niya ako sa may sofa. Pakiramdam ko ay sasabog ako, hinarap ko siya at nanlilisik ang mga mata ko. Nagpupuyos ako sa galit.

"Alam mo ba na nandito si Janine? Kaya ka ba nagpunta rito dahil narito siya! Are you still after her?!!" basag ang boses ko at puputok na ata ang litid ng leeg ko sa galit.

"ANSWER ME!!!" heto ang totoong ako. Halimaw! Mabait ako at hindi mo ako mapipikon ngunit kapag nagalit ako ay nagbubuga ako ng apoy.

"No. Nagulat na lang ako ng magkasalubong kami kanina. Natie, calm down." pilit niya akong hinahawakan ngunit pumiglas ako. Pinunasan ko ang mga luha sa mga mata ko.

"MAHAL MO PA BA SIYA?! NATE MAHAL MO PA BA SIYA?!! SIYA PA DIN 'NO?!" hindi ako nang-aakusa dahil kinukumpirma ko lang ang nararamdaman niya.

"No!! Nathalia, listen to me...Ugh! Fuck! Bakit ka ba nagkakaganito?" pumitik ang ugat ko sa may ulo ng marinig ang tanong niya.

"Hindi pa ba obvious?!! Ang tanga naman tanong mo! NAGSESELOS AKO!! NAGSESELOS AKO KAY JANINE!! MAHAL KITA! Manhid ka ba?!!" ubod ng lakas kong sigaw sa kanya at humagulgol na ako.

"Damn!" pumikit ng mariin si Nathaniel at huminga ng malalim. I knew it! Wala lang sa kan---

"Tangina Nathalia, mahal din kita! At mas minamahal kita ngayon dahil nagseselos ka!" nanigas ako ng marinig ang bagay na 'yon. Bago pa rumehistro ang bagay na yun ay tinungo na ni Nathaniel ang ilang hakbang na pagitan namin at sinakop na ang aking mga labi.

to be continued...

Thank you sa mga nagleleave ng comment. Mwahh!

Continue Reading

You'll Also Like

254K 2.6K 26
One night with the love of her life... A night with overflowing love for him... A night of enduring the pain of letting go.. A night that she will r...
173K 5.6K 22
Single mom by choice si Angelique Dela Serna Soriano. That was after so many failed relationships, idagdag pa ang pagkakaroon ng iresponsableng ama...
6.1K 113 1
The Mauricio "Mawi" Mackelroy Story