Special Update: Shiela and King

46K 900 83
                                    

Special Chapter

"Kinakabahan ka ba mommy?" tanong sa akin ni Arsane habang pinapanood niya ang reflection ko sa salamin. Ngumiti na lang ako at tumango.

"Medyo. Haha. Ewan ko ba anak, excited na kinakabahan ako."

Sobrang namiss ko ang damdaming 'to. I miss being inlove with King. Naghiwalay man at kami at nagkaroon ng kanya-kanyang pamilya ay nanatiling special pa rin siya sa puso ko. Alam ni Luigi 'yon at alam ko rin naman na hindi rin niya makakalimutan si Allison sa buhay niya. I'm so happy na magkasama na sila ngayon kung nasaan man sila.

I admit marami akong naging What If's lalo na noong nalaman ko na ang ipinagbubuntis ko pala ay kay King. Naisip ko na lang na "What if nalaman ko agad na buntis ako makikipaghiwalay pa din ba ako kay King?" o kaya naman ay "What if di kami naghiwalay marami na siguro kaming anak at natupad na ang mga pangarap naming dalawa"

Sabi nga nila Brooke ay masyado ng overdue ang love story namin ni King and we deserve a happy ending. Akala ko ang happy ending ko ay kay Luigi pero hindi may continuation pa pala ang story namin ni King. Mahirap palang limutin ang isang pag-ibig na inalagaan at itinago sa puso mo. Nakaramdam ako ng frustration sa tuwing naaalala ko yung nakaraan but I'm sure na wala na yung pain and regrets.

Siya ang lalaking minahal ko ng husto ngunit hindi ko naman maabot. Masyado na nga ata kaming matanda para rito ngunit dalawang beses na siyang nawala sa akin. Masakit lang isipin na may isang pamilyang nasira para lamang magkatuluyan kaming dalawa. I'll be forever sorry to Trinie and Nathalia.

"I'm so happy for you mom." tinapik ko ang kamay ni Arsane na nasa balikat ko.

"Nasaan pala si Nate?" tanong ko sa kanya. Double wedding kami ngayon ng anak kong si Nathaniel at ni Nathalia. Tama nga lang na pumayag ako sa plano ni Trinie, mahal nga ng dalawang 'yon ang isa't-isa.

"Ayun kinakabahan. Akala mo naman hindi sisiputin ni Natie. Hahaha." itong binata ko kailan naman kaya mag-aasawa? Nagbuntong hininga lang si Arsane ng makahulugan ko siyang tinignan. Haha. Kinukulit na kasi namin siya ng daddy niya na mag-asawa na.

"Hindi pa ba sisiputin ni Natie? Malapit na ngang lumobo ang tiyan ng asawa niya." nagtawanan lang kami ni Arsane.

Nang matapos akong ayusan ng make-up artist ay inalalayan na ako ng anak ko upang tumayo at pumunta sa may sasakyan. Ikinawit ko ang aking kamay sa kanyang braso at abot taingang ngumiti. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Mixed emotions. Nag-uumapaw ang saya sa akin baka nga mamaya ay maiyak ako.

Nagbalik-tanaw ako sa mga pangarap namin noon ni King. Para bang kahapon lang lahat ng 'yon hindi namin namalayan lumipas na pala ang maraming taon at napag-iwanan na kami. Hindi man namin natupad ang lahat ng 'yon at least kami pa rin hanggang huli.

"Congratulations!" bati sa akin ng mga kaibigan ko ng makarating na ako sa may simbahan.

"Sa hinaba-haba ng prusisyon ay simbahan rin pala ang tuloy. Kakaloka! Haba ng hair teh." kahit tumanda na ata kami ni Jackie ay hindi pa rin mawawala ang bangayan namin. May apo na siya ay ganoon pa rin magsalita.

"Magkaka-apo na kayo ni King tapos ngayon palang kayo ikakasal. Haha." inirapan ko na lang sila Bianca na kanina pa ako inaasar.

Nang magsimula na ang entourage ay huminga ako ng malalim. Matanda na ako para kiligin pa ng ganito at pangalawang beses ko ng ikakasal sa simbahan ngunit parang bago pa rin ang lahat sa pakiramdam ko. Ngumiti ako at hindi maiwasang maging emosyonal ng makita ko na siya sa altar.

Sa wakas ang magiging totoo na rin ang panaginip ko. Ilang beses ko ng napaginipan na naglalakad ako sa altar at ang naghihintay sa akin ay si King. Hindi ko maiwasang makonsensya dahil kasal na ako noon kay Luigi. I'm so sorry my love. Ang tagal nating naghintay sa panahong ito. Kahit kaunti na lamang ang pagsasaluhan nating panahon ay susulitin ko lahat ng 'yon.

"King, I love you so much. You are my soulmate. Now that I've already found you, I give myself to you. I will be your friend and companion, I will be your ally in times of conflict and I will be your best friend. I promise to laugh with you and to comfort you in times of sorrow.

I will love you in good times and in bad, when life seems easy and hard. I'm sorry for the painful years but I promise that I won't lose you again. I love you until forever."

"Shiela, with all my love I promise to love and take care of you. I will do everything to be worthy of your love. I will always be honest, kind, understanding and patient with you. Kahit na nakakatakot ka lalo na pag nagsusungit. Haha. But most of all, I promise to be a true and loyal companion to you. I love you.

I will share my life with you throughout the years. My long lost soulmate, I love you so much. You will always be my first and last love."

Naalala mo ba King noong mga bata pa tayo? Eighteen years old ako at nineteen ka naman. Nagpakasal tayong dalawa at umasang happy ending na, sinong mag-aakala na aabutin tayo ng halos thirty years bago makamtan ang pinapangarap nating forever.

Pagkatapos ng party sa wedding reception ay agad na akong hinila ni King pasakay ng sasakyan.

"Baka akala mo teenagers pa lang tayo King." biro ko sa kanya habang excited siyang nagmamaneho. Aniya'y may sorpresa daw siya sa akin.

"Sa puso ko teenagers palang tayo Mrs. Romualde. Just like the old times! You're mine again. Hindi ka na mawawala ulit sa akin Shiela. It took us forever!" ngumisi lang ako at hinawakan ang kamay niya.

"Hindi na ako mawawala sayo King." malambing kong saad sa kanya.

"Talaga dahil hindi na kita pakakawalan pa." humalakhak ako. Kung mag-usap kami ay parang katulad noong nasa college kami. Mandidiri siguro ang anak namin kung nakikita kami ng ganito.

Wala akong ideya kung saan ako dadalhin ng asawa ko dahil saglit niyang inihinto ang sasakyan para lagyan ng piring ang aking mga mata. Nang makarating sa patutunguhan namin ay inalalayan niya akong maglakad hanggang sa makarinig ako ng pagbukas ng gate. Nasaan ba kami? Bahagya akong nasilaw ng alisin niya ang piring sa aking mata. Napalitan lahat ng 'yon ng panlalabo dahil sa mga luhang nagbabadyang kumawala sa aking mga mata.

This house. Ang bahay na iginuhit ko para sa aming dalawa. Hindi ko na napigilan ang mapaluha at niyakap na ng mahigpit si King. I cannot believe it. Kahit na hiwalay na kami ay binuo niya pa rin ito.

"I'm sorry wala ako noong binubuo mo ang dream house natin." hikbi ko sa kanyang dibdib habang hinahaplos naman niya ang aking likod.

"Ang mahalaga ay kasama na kita ngayon at matitirhan na rin natin ang bahay na 'to. This is for you Shiela." nang inangat ko ang aking ulo ay nakita ko ang mapupungay na mata ni King na nakamasid sa aking mga labi. Ipinikit ko ang aking mga mata ang dinama ang malambot niyang mga labi.

It feels like home. Sinuklian ko ang mga halik niya. He kissed me deeper and with hunger. Ang tagal na noong huling naramdaman ko ang mga haplos at halik niya. Hinahanap-hanap 'yon ng aking sistema. Kinarga niya ako at pinutol ang aming halik.

"Let's go inside baka pwede pang sundan si Arsane. Hahaha!" pabiro ko siyang hinampas sa may braso.

"King! Ano 'yon menopause baby? Hahaha! Ibaba mo ko!" pilit akong kumakawala sa kanya ngunit ayaw naman niya akong bitiwan.

"Tara na! Bubuo pa tayo ng isang baby, para may kalaro ang apo natin pag nanganak na si Nathalia." sabay kaming humalakhak lalo na ng umiling ako.

"Kadiri ka King! Magkaka-apo na tayo!" tili ko at natahimik ako ng muli niyang siniil ng halik ang aking mga labi.

🎉 Tapos mo nang basahin ang The Virgin's First Night 7: It Takes Two To Tango 🎉
The Virgin's First Night 7: It Takes Two To TangoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon