Watty Writer's Guild Journal...

By WWG_FAMILY

781 151 234

This is a Book for you!!! See some aspiring writers with potentials and their arts. If you are a dreamer like... More

Activity #1: 5 Writers, 1 Story
Entry #1: Dinigmang Pananalig
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
Entry #2: Pagbangon sa Bayang di maka-ahon
SIMULA
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
EPILOGUE
Special Entry #1: HOPE
Special Entry #2: After the Rain
Activity #2: Antagonist's POV
Entry #1: Twisted Fate
Entry #2: Between Love and Friendship
Entry #4: ANAstacia

Entry #3: Criminal Mind

61 6 54
By WWG_FAMILY

DESCRIPTION: A not so cliché detective story.

HOW: Noong mabasa ko ang next activity ay nag-isip agad ako ng maaaring maging paksa na aakma sa tema. Inabot ako ng dalawang linggo sa pagtatagni-tagni ng storya sa isipan ko. Pero hindi ko agad siya naisulat, in-improve ko muna kasi ang mga posible scene, lalo na't hindi ko gamay ang 1st pov. Isa pa doon ko rin napansin na may conflict ang tema at genra. Hirap kayang gawing mystery kung kontrabida ang nagkukwento.

Anyway, A week before dead-line ay halos matatapos ko na siya 'yon nga lamang ay nabura sa hindi malamang dahilan. Mabuti na lang, kabisado ko pa ang plot kaya nagawa ko rin naman kahit sakto 31 ko siya ipinasa.

WHY: Because i like writing..

------

"Somebody call 911!"

Napatakbo ako sa kwarto kung saan ko narinig ang malakas na sigaw ng lalaking foreigner.

Doon nakita ko ang hubad na katawan ng dalagang nakahandusay sa malambot na kama.

"What the hell are you doing? Call 911 and stop starring, you fucking asshole!"

Gegow 'to ah minura pa'ko. "You're in Philippines, we don't have 911 here, 4545 saka 8888 lang meron," sabi ko sabay pakita ng badge.

Nang makita niya ang badge na hawak ko ay bigla siyang naging maamong tupa. Kala ko hindi pa tatalima e, abugbog berna 'to sa'kin kung nagkataon.

"I-i don't know what happened to her..."

"Call for a help," mabilis kong bigkas habang pinupulsuhan ang babae. Dali-dali namang lumabas ang bondat na foreigner para humingi ng saklolo.

Minasdan ko ang babae. Tirik ang mga mata at nakanganga, sa palagay ko sinakal ito.. . Ang tanong ay kung sino at bakit?

Tahimik akong nag-obserba sa buong silid. Sinuri ang maliliit na posibilidad na maaaring maging susi at magbigay katugunan sa mga tanong ko sa isipan.

Dahan-dahan kong isinuot ang aking eyeglass para magmukha akong henyo at kapani-paniwala. . . Lilinawin ko lang, i'm not detective.

I'm a crime scene analyst.

Ano ang kaibahan nito sa detective?

Hindi ako lumulutas ng kaso. My only job is to analyze the crime and to know what really happened. Lahat ng posibilidad ay sinusulat ko sa aking handy-dandy notebook. Kapag natumbok na ang mga kaganapan, hindi ito maaaring ibigay o ipasa sa mga totoong lumulutas ng kaso.

Ang pinakalayunin ng pagiging crime scene analyst o csa ay para malaman kung paano gumagana ang utak ng mga lumulutas ng kaso. Sa isang kagaya ko nakasalalay kung papasa sa pagiging detective, investigator, inspector (o kung ano mang tawag) ang isang alagad ng batas.

Matapos malibot ng tingin ang buong silid ay itinuon kong muli ang aking mga mata sa babaeng studyante. Nakita ko kasing nakakalat ang uniform niya sa kabilang side ng kama. I'm very sure that this girl is a "walker", mas magandang term kaysa tawagin ko siyang hostess o puta.

Ilang minuto matapos mapag-aralan ang mga posibilidad na nangyari ay nauwi ako sa isang kasagutan. I solved the case already.

"Sisiw."

Eksaktong pagbulong ko ay siya ring pagdating ng tulong. Two security guards from the hotel and two police from Makati.

Minuto ulit ang nagdaan.. . Matapos kong magpakilala at magbigay ng ilang pahayag ay nilisan ko na ang silid. Dumating na rin naman na si Stefan Gardo para mag-imbestiga.

"Ingat Sir, Reynolds," Dinig kong salita ni Stefan.

Nilingon ko siya saglit at saka nag-iwan ng paalala. "I solved the case within a minute. Goodluck to you S-t-e-f-a-n," mayabang kong wika bago tuluyang makalayo sa lugar. Nahagip pa ng mga mata ko kung paano siya ngumiti ng mapakla.

Nakumpleto na naman ang araw ko sa ginawa kong iyon. Pakiramdam ko napahiya ko ng husto ang mayabang na 'yon.

Oo, nayayabangan ako sa isang iyon. Hindi ko alam kung bakit pero noong una pa lang talaga naming pagkikita ay ayoko na sa kaniya. Simula sa itsura, porma, salita, kilos at galawan ay naiirita ako kaya madalas ko siyang ipahiya at basagin.

Sa tuwing ginaganoon ko naman siya e madalas pang nagpapasalamat ang ungas kaya mas lalo akong nabubwisit. Masyado kasing nagbabait-baitan.

Isa rin iyon sa kinaayawan ko sa kaniya. Pabida, pa-humble, sip-sip. Kunwari mabait pero ang totoo ay mayroong itinatagong maitim na budhi sa katawan.

Kung kinagigiliwan siya ng ibang kapulisan dahil sa ganoong asal niya, ako naman ay hindi.. . Kahit hibla ng buhok kina-iinisan ko sa taong iyon. I really hate Stefan and I want him to die. Kung magkakaroon ng purge dito sa pinas, una siya sa listahan ng mga itutumba ko, pangalawa 'tong nakasabay ko sa elevator na napakabalahura.

Iniwan ba naman ang tissue na inubuhan. Nakaka-irita talaga ang mga tao, napakawalang disiplina.

Nagagalit tayo sa sistema ng marumi nating gobyerno e samantalang tayo na ni simple at katiting na kalat ay hindi maitapon sa tamang tapunan.

Nagagalit tayo sa traffic sa edsa e daan naman tayo ng daan doon. Lagi tayong may demand, lagi tayong may hinaing sa buhay pero hindi naman tayo kumikilos at gumagawa ng tama.

Sobra-sobra na talaga ang kakulanagan ng tao sa disiplina, lalo na rito sa PINAS na ang demokrasya ay nabahiran na ng pagkabalahura. Tapos ang lakas pa ng gana natin na isisi ang lahat sa mga namumuno.

Sarap pagsasakalin!

Kung lagi nating isisisi sa iba ang nangyayari sa buhay natin ay hindi yayakap sa atin ang pag-asenso at. . . at.. . at . . .

Dami ko ng nasabi sa isip ko na kung ano-ano, nagmumukha tuloy akong galit sa mundo e. Hindi ko rin tuloy napansin na nasa parking area na ako.

I'm about to start the engine of my black-shiny vintage car when my phone ring. Kinuha ko ang nasabing bagay sa kaliwang bulsa ng suot kong itim na pantalon at agad sinagot ang tawag.

Matapos maka-usap ang nasa kabilang linya ay mabilis kong nilisan ang hotel.

-----

Nakakasenti talaga ang ulan kahit kailan.

Sabi nila ay ulan ang nagdidilig sa natutuyong mundo, subalit iba ang pakiwari ko. Mayroon pang kadahilanan kung bakit nagbabagsak ng ulan ang kalangitan.

Para samahan tayo sa pagluha.

Bakit kaya kadalasan, sa t'wing umuulan ay lungkot ang hatid nito sa pakiramdam ng tao? Bakit sa tuwing magbabadya itong pumatak sa lupa ay bigla na lang makakaramdam ang puso ng iilan ng kakaibang pighati? 'Yong tipong ang saya-saya mo pero kapag biglang bumuhos ang ulan e bigla na lang mag-iiba ang ekspresyon ng iyong mukha, maaalala mo ang mga hindi magandang nangyari.

Kasabay ng malakas nitong ugong na sinusundan ng palitang dagundong ng kulog at kidlat ay magbabalik sa iyo ang lahat ng sakit.

Gaya ngayon.

Naalala ko na naman ang mga panahong iyon.

Ang trahedya na ayaw ko ng maalala subalit pilit ibinabalik ng ulan sa aking isipan.

Nagflashback na naman sa aking ang lahat. Ang nakahihindik at madilim kong nakaraan.

They died not because I didn't do anything, but because I can't do anything.

Kung may magagawa lang sana ako noon, kung hindi lang sana ako naduwag. . . If I had a strenght to fight at that time.. . Hindi sana .. .

Hindi sana mawawala ang aking pamilya.

Parang ritmo ng malungkot na musikang paulit-ulit na nagbabalik sa isip ko ang pangyayaring iyon sa tuwing bubuhos ang ulan.

Napahawak ako sa aking puso ng muli kong maramdam ang pait at sakit. Naipamukha na naman sa akin ng ulan kung gaano ako kawalang kwenta.. . Dati.

Pilit kong pinatay ang kirot na namalagi sa aking puso saka tumindig at tatapang-tapangang tinungo ang salaming bintana.

"I am strong now. .. very strong," bulong ko sa aking sarili habang nakatingin sa labas at minamasdan ang pagbuhos ng ulan.

"I can do all things now," sabi ko pa sa aking sarili kasunod ng pag-ukit ng matipid na ngiti.

Pansamantalang nabasag ang aking pag-eemote ng biglang bumukas ang pintuan ng silid na kinarororonan ko.

Magkakasunod na dumating na ang mga inaasahan ko ngayong hapon.

Si Stefan Gardo kasama ang tatlo pang detective na sina Armano Tacoy, Ferdie Gaston, at Maya Kapane.

Kasunod nila ang senior detective na si Castro Albaracin at ang superior crime scene analyst si Matalic Mandric.

Narito kami ngayon sa conference room dahil nagpatawag ng meeting ang superior para talakayin ang patayang naganap nitong dalawang linggong nakalipas. Bukod sa pahayag ukol sa imbestigasyon ng mga baguhang detective ay doon na rin kikilatisin kung papasa ba sila o hindi.

Ako bilang right hand superior csa ang naatasan upang husgahan ang apat na baguhan. Samantala, naroon lamang ang superior para manood at mag-obserba.

Matapos makamayan ang bawat isa ay naupo na kaming lahat para simulan ang talakayan. Nanatili namanng nakatayo sa unahan namin si senior Castro upang pangunahan ang usapan.

"Two weeks ago, we encountered a mysterious death of 10 young ladies. Tinawag natin itong misteryo hindi dahil sa kababaglaghang bumabalot sa pagkamatay nila, kun'di dahil may pagkakahalintulad ang mga kaganapan.. . So I ask the four of you," tinuro ng ginoo ang apat na baguhang detective saka muling nagpatuloy sa kaniyang litanya. "What can you say about the death of these ten young adies?"

"Base sa mga impormasyong aking nakalap at sa personal na pagsusuri ay lumalabas na ang lahat ng mga kababaihang ito na pinatay ay mga kabit o third party," intro agad ni Armano pagkataas niya ng kamay.

Napangiwi ako sa kaniyang sinabi dahil tama iyon. Mga kabit, bayaran, third party o third wheel ang mga kababaihang napaslang. Dapat lang sa kanila 'yon, mga may makakating p**i.

"How can you prove that?" Senoir Castro's followed up.

Tumayo si Armano at isa-isang iniabot sa amin ang puting folder.

"You can see photos and evidences in that folder, Sir."

I asked Armano after seeing all the evidences. "Sa palagay mo, bakit ito ginagawa ng killer. . .s

"I believed there is only one killer!" badtrip talaga 'tong pabidang si Stefan. "I think it's a serial killer."

Nakita kong napataas ang kilay ng superior ng sabihin iyon ni Stefan na lalo kong ikina-irita. Ayoko sa lahat ay napapabilib ng ibang tao ang superior, dapat ako lang.

Humada ka sa akin mamaya.

"Sa obserbasyon ko, iisang tao lang ang pumapatay. Una, dahil ang mga biktima ay iisang klase lang ng babae, pangalawa, if you all notice.. . Laging nag-iiwan ng marka ang suspek,"

Napatingin kaming lahat sa rebelasyon ni Stefan. Pero kung sila ay namangha, ako ay lalong nainis sa kaniya.. . Pabida na naman, nakakaasar.

"You mean, the scratch mark with an Eiffel tower-look like?" banat ko agad. Hindi mo ako mahihigitan kupal.

"I never realized it was an Eiffel tower look-like," dinig ko ang mahinang sambit ni Ferdie. "I thought it was letter A."

"Tama si Sir. Reynolds, hugis Eiffel tower nga ang markang naka-ukit sa katawan ng mga biktima. . . palagay ko, parang kagaya ito ng signature ng pagkakakilanlan. I bet that the killer treat his or her victims as a piece of arts or something like that," ani Maya na medyo hinangaan ko. "So there for, tama si Stefan na iisa lang ang killer."

Nawala ang paghanga ko ng sumegunda siya ng ganoon. Hindi pwede 'to, hindi pwedeng magtop ang Stefan na 'yan. He's nothing but a waste to me!

"Yes, it's an Eiffel tower and Ferdie was right too.. . It is also a letter A," sabi ko na ipinagtaka naman ng apat na detective.

"Kung sinasabi mong iisa ang killer, Stefan, then explain this to us right now.. . Noong araw ng webes sa Makati-hotel at Pasay-hotel, alam mo naman siguro na dalawang babae ang namatay. . . According to autopsy reports, the time frames of their death are both the same. Kung magkapareho ang pagkamatay nila at magkalayo sila ng kinaroroonan, paaano sila magagawang patayin ng iisang killer?" mayabang kong tanong.

Ito na ang magpapabagsak sa'yo Stefan. I won't let you win this game.

Napangiti si Stefan sa akin at nagpasalamat, pagkatapos noon ay saka siya nagpahayag ng eksplenasyon sa mga pangyayari.

Nang makita ko ang tuwa sa mukha ng superior dahil sa mga tinuran ni Stefan ay namula ako sa galit. Hindi ko iyon ipinahalata, subalit sa loob-loob ko, galit na galit ako.. . Piling ko kasi naging talunan ako sa mga sinabi niya. Hindi ito maaari, wala pang maaaring makapantay o makahigit sa talino ko.

Ako ang nag-iisang tao na maaaring maka-isip ng mga ganoong bagay. Paano niya iyon nalaman? This is bullshit!

"Last thing i noticed while investigating,"

Muling natuon ang atensyon naming lahat kay Stefan. Mukhang may baraha pa siyang itinatago. No way, i won't let you.

"Don't get me wrong, Sir." tumingin siya sa akin habang nagsasalita. "Napansin ko kasi na sa tuwing may mabibiktima ang salarin ay madalas kitang mapansing malapit sa lugar ng mga pinangyarihan."

We're all shocked on what he taught. Especially me, para akong napako sa kina-uupuan ko.

"W-what a-are you trying to say, Stefan?" Wala sa sarili kong sambit. Hindi ako makapaniwalang sasabihin niya iyon? Lalo akong namuhi sa kaniya. "Are you accusing me?" pagalit kong saad.

"I'm just wondering, Sir. . . I-ikaw lang naman nagsabi na inaakusa.. .han. . .

"Hindi, Stefan.. .may gusto kang iparating eh!" napatayo na ako sa aking kina-uupuan.

"N-no, Sir. . ."

Hindi ko na siya hinayaang makapagsalita. Hindi ko siya hahayaang sirain ako. Bago mo ako mabagsak, ako ang unang magpapabagsak sa'yo.

"Masyado ka na namang nagmamagaling, nagdudunong-dunungan ka palagi. Bakit akala mo marami ka ng alam sa larangang 'to? You're nothing but a novice!"

"Reynolds," dinig kong bigkas ni Senior Castro pero wala akong paki, sasabihin ko ang gusto kong sabihin.

"You're not even worthy to be called detective," dugrong ko pa. Natameme naman ang mga baguhan habang ako nagpatuloy sa pagsasalita ng kung ano hanggang sa. ..

"Enough, Mr. Reynolds!"

Bumalik ako sa ulirat ng makita ko kung paano kalabugin ni superior ang mesa. Natigilan ako dahil doon, natigilan kaming lahat.

Hindi na nagsalita ang superior matapos ang tagpong iyon. Dismayado lang itong lumabas ng silid.

"What the hell is going on, Reynolds?" halata rin sa tinig ni Senior Castro ang pagkadismaya. Tinitigan ko lang siya bago ako tahimik na naupo.

"Okay, that's for now.. . We will continue our disccusion some other time, keep up the good work." sabi ni Senior Castro bago lumabas para sundan ang superior.

-----

Medyo nahiya rin ako sa ginawa ko noong isang araw. Magkagayon man, hindi pa rin nawawala ang galit ko kay Stefan. .. Habang tumatagal ay lalo lang akong napopoot sa kaniya,

Hindi ko rin alam kung bakit nga ba ako galit na galit sa tuwing makikita ko siya, sa tuwing maririnig ko ang boses niya at sa tuwing napapansin ko ang mga kilos niya.

Bakit nga ba ang init ng dugo ko sa kaniya? Dahil siguro mayroon akong naaalala sa tuwing magkaharap kami.. .

Pagkatapos maligo ay agad kong kinuha ang aking cellphone na kanina pa pala nagriring.

"Why?" mapakla kong tugon sa kabilang linya. "Alam mo ba kung anong oras na? It's 12 midnight, Stefan."

"Alam ko na kung anong ibig mong sabihin doon sa Effiel tower na marka at tumutukoy rin sa letrang-A,"

Natahimik ako matapos kong marinig iyon. Hindi na ako nagsalita, hinayaan ko na lamang si Stefan sa kaniyang mga sinasabi.

"It's a name-acronym," patuloy niya. "A is for Aerrone while the Eiffel tower is referring to the surname. The killer name is Aerrone Eiffel and i know who he is."

"Then, who?"

"It w-was ..."

Stefan is about to answer when i heard a loud gun-shot. Bago pa niya natapos ang sasabihin ay.. .

------

Nagising ako sa isang silid na tanging aninag lamang mula sa nakauwang na pintuan ang nagsisilbing liwanag.

Wala sa wisyo akong bumangon at nag-obserba sa paligid, Kasunod noon ay dahan-dahan kong tinungo ang nakauwang na pintuan. Nang tuluyang marating ang pinto ay doon ako nakarinig ng mga tinig. Pinakinggan ko ito ng tahimik

"Sino ang susunod kong papatayin?"

"Sino ba sa palagay mo?"

"Sino nga ba?"

"Ang susunod mong kikitilin ay ang.. .

nagbabasa nitong sulatin."

---- to be cont.

Written by: amer0127

Continue Reading

You'll Also Like

3.4M 129K 150
Millaray
198K 8.4K 98
An encounter of two people, stumble upon into a strange new world. A world where magic exist. An encounter that will changed their lives.
41K 801 53
Paano kung sa gabing di inaasahan at makaka one night nya ay hinahanap-hanap sya palagi? At paano kung sa pag tago mo, sa anak nyo ay malalama't mala...
17.7K 1K 31
Esmeray is a money-loving woman but hard-working person who have many jobs and barely sleeps. One night after leaving her last job, she got in a car...