GIRLFRIEND FOR HIRE [ EPILO...

By Yam-Yam28

1.6M 22.3K 13.4K

Epilogue. Ending ng Girlfriend for Hire! Syempre kung hindi mo pa nababasa ang GFFH wag mo munang basahin :) More

GIRLFRIEND FOR HIRE [ EPILOGUE ]

1.6M 22.3K 13.4K
By Yam-Yam28

Dedicated sa lahat ng readers ng Girlfriend For Hire.. Salamat sa support! sa lahat lahat! ^__^ ~yam

GIRLFRIEND FOR HIRE  

~ EPILOGUE ~

(a/n: I made a video teaser for GFFH Epilogue. Pwede niyong panuorin before niyo basahin or after na ^__^)

NASH's POV

Huh?

Nasaan ako?

Teka..Bakit nasa condo ko na ako?

"Oh gising ka na pala Nash." -Tommy na nakangiti sa akin

"Ba-bakit nandito tayo Tommy? diba andun pa tayo sa--"

"Eh kasi pagbalik ko sayo nung nahanap ko na yung kwintas, bigla ka na lang hinimatay eh. Inaapoy ka na pala ng lagnat, kaya ayun inuwi ka na namin."

"Ah ganun ba? Nako pasensya na huh? Hindi tuloy kayo nakapag enjoy dahil sakin."

"Anu ka ba? Kung wala ka dun hindi rin ako mag eenjoy, isa pa mas ok nga yung napaaga tayo ng uwi. Hindi ko na kasi alam ang gagawin kung nagtagal pa tayo dun."

Oo nga pala, sabi ko sana panaginip lang ang lahat pero judging sa itsura ni Tommy, mukhang hindi.

Totoo palang nagpropose si Bryle.

Totoong ikakasal na sila ni Elida.

Maiiyak na naman sana ako pero nagawa kong pigilin yun, ayoko ng umiyak pa dahil sa kanya.

Tatayo sana ako sa kama ng mapansin kong may hawak hawak pa pala ako. Yung.. yung kwintas.

Tiningnan ko yun.

"Pagkabigay ko nyan sayo, hindi mo na yan binitawan kahit na wala ka ng malay, sobrang mahalaga talaga sayo niyan no?" -Tommy

"Ah kumaen na tayo, mukhang ang sarap ng niluto mo ah." pag iiba ko ng usapan

Si Tommy naman umupo sa may kama ko tapos susubuan sana niya ako nung soup pero..

"Tommy ako na, kaya ko naman ng gumalaw eh. Magaling  na ako."

Hinawakan niya yung noo ko tapos bigla siyang umiling.

"Ang init mo pa kaya! Wag ka ng gumalaw ok? Ako ang personal nurse mo ngayon."

Kaya ayun, wala na akong nagawa kung hindi sumang ayon sa kanya. Medyo masama pa nga talaga ang pakiramdam ko. Isa pa kailangan ko rin ng kasama ngayon. Kung mag isa lang ako dito sa condo siguradong magiiyak at magiiyak lang ako.

.

.

Nakatulog pala ulit ako habang pinupunasan ni Tommy ng malamig na tubig yung noo ko.

Nagising na lang ako sa kalagitnaan ng gabi at nakita ko si Tommy na nakasubsob sa kama ko habang nakaupo sya sa saheg. Nakatulog na siya sa pagbabantay sa akin.

Pinagmasdan ko sya. Ang gwapo niya. Ang amo ng mukha niya. Sa totoo lang mas gwapo sya kay Bryle eh.

pero..

Bakit? Bakit nga ba hindi ko magawang mahalin ang lalaking to? Ang lalaking hindi kailanman umalis sa tabi ko. Ang lalaking walang ginawa kung hindi mahalin ako. Ang lalaking hindi ako kailanman sinaktan. Ang lalaking kabaligtaran ni Bryle.

Tumayo ako sa kama tapos nilagyan ko sya ng kumot. Nag impake ako ng mga damit ko.

tapos..

Hinalikan ko sya sa noo.

"Salamat Tommy.." pagsabi ko nun, umalis na ako

Hindi ko pa alam kung saan ako pupunta. Basta gusto ko na munang mapag isa. Malayo sa lahat.. Malayo sa sakit..

Hindi ko pa kayang harapin si Bryle. Sigurado kung papasok ako sa school, balita na yung kasal nila. Usap usapan na yun at mas masakit pa kung makikita ko pa si Bryle. Hindi ko pa sya kayang harapin sa ngayon.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------

TOMMY's POV

Nakatulog na pala ako!

Pagka mulat na pagkamulat ko tumingin agad ako kay Nash, te-teka.. nasan si Nash?

Bilis bilis akong bumaba ng kwarto pero wala sya dun.

Ang aga pa ah? Saan ba sya nagpunta?

Tinawagan ko si Katie, nagbabakasakaling nagpunta sa kanya si Nash pero wala.

Saan ba sya nagpunta?

.

.

.

Pag pasok ko sa school..

Syempre agad akong lumapit kay Katie para malaman kung may balita na sya kay Nash at medyo gumaan ang pakiramdam ko nung sinabi sakin ni Katie na nagtxt daw sa kanya si Nash. Nasa mabuti naman daw syang kalagayan, mawawala daw siya ng ilang araw pero babalik din daw sya. Hindi niya sinabi kung nasaan siya pero ang sabi lang niya gusto niya lang mapag isa.

Kaya mukhang wala kaming magagawa kung hindi ang maghintay.

.

.

Andito ako sa tambayan ngayon. Si Steve, si Third at ako. Tapos maya maya biglang dumating si Bryle.

"Nasaan si Nami? kanina ko pa sya hinahanap pero bakit wala sya?" -Bryle

"Wala si Nash, umalis sya. Gusto daw muna niyang mapag isa. Mas mabuti nga yun, malayo sya sayo. Anu pa bang kailangan mo sa kanya huh Bryle?" sagot ko pero parang hindi niya ako narinig

"Saan sya pumunta? saan? Alam mo ba? Sabihin mo sakin Tommy!"

"Kung alam ko hindi ko rin sasabihin sayo, pero hindi ko talaga alam sa totoo lang. Bryle ikakasal ka na kaya lubayan mo na si Nash! Hindi ka pa ba nagsasawang saktan sya huh?"

Nagtinginan silang tatlo, si Steve, Third at Bryle tapos lumapit silang lahat sakin sabay..

"Marami tayong pag uusapan.." sabi nila sa akin sabay dinala nila ako sa isang sulok.. wat the?

-----------------------------------------------------------------------------------------------------

NASH's POV

Tatlong araw rin akong umabsent sa school. Tatlong araw rin akong absent kay Lolo Bernard. Pero sabi naman nya naiintindihan naman daw niya ako. Sya na nga ang nagsabi sa mga teachers ko na hindi ako makakapasok ng tatlong araw.

Kinailangan ko lang kasi talagang mapag isa. Malayo sa lahat. At sa tingin ko naman kahit papano nakatulong yun. Ngayon sa tingin ko medyo ok na naman ako. Wag na nga lang sana akong lapitan ni Bryle.

Pero pag minamalas ka nga naman, pagdating na pagdating ko dun sa may pinto ng room ng first subject ko.. eh andun sya..

Anu pa bang kailangan nya?

Hindi ako tumuloy at naglakad ako palayo pero sinundan niya ako. Binilisan ko ang paglakad ko pero binilisan din niya hanggang sa tumakbo na ako, pero tumakbo rin siya at hindi ko namalayan.. nasa harap ko na sya.

"Nam--"

Hindi ko na sya pinatapos mag salita. Napagdesisyunan kong mas madali kung wala na akong maririnig pa mula sa kanya.

"Tama na Bryle, anu pa bang dapat nating pag usapan? Anu na namang sasabihin mo? Ikakasal ka na Bryle! Kaya pwede ba? pwede ba hayaan mo na lang akong mag isa?!"

"Pero Nam--"

"Anu na naman? Sasabihin mo na namang mahal mo ko? Papaasahin mo na naman ako tapos sasaktan mo lang naman ulit ako sa huli? Bumenta na yan Bryle! Hinding hindi na ako maniniwala pa sayo!"  tinulak ko sya tapos nilampasan ko sya pero hinawakan niya ang braso ko

"Nami makinig ka ple--"

Sarado na ang isip ko. Tinakpan ko ng kamay ko ang tenga ko..

tapos..

"Wala.. wala akong naririnig.. wala akong naririnig."

"Nam--"

"Ayoko sabing makinig eh!"  tinadyakan ko sya kaya nabitawan niya ako

"Aray! Nami makinig ka mun--"

"Wala na tayong dapat pag usapan pa! Hinding hindi na ko makikinig sayo. Congratulations na lang sa inyo." sabi ko tapos nagtatakbo na ako

.

.

.

Kinabukasan..

Buti naman mukhang wala na syang balak na guluhin pa ako tch..pero ang pinagtataka ko lang..

Bakit absent si Katie? pati sila Steve, Third at kahit si Tommy absent rin.

Nag aabang ako ng sasakyan pauwi.. ng..

"Nami.." tawag niya, kaya napalingon ako

At hindi ako nagkakamali. Sya na naman.

Akala ko makaka isang araw ako na hindi niya ako guguluhin pero wala talagang mintis eh no?

Lumapit sya papunta sa akin.

"Nami an--"

"Ilang beses ko ba dapat sabihin sayo na hindi na ako--"

"Hindi mo na ako pakikinggan. Oo.. Kaya nga, eto. Eto na lang ang ginawa ko." may inaabot sya saking sulat

"A-anu yan?" -ako

"Baka papel? =___=" -sya

"Aba nakuha mo pa kong pilosopohin ngayon huh? imba ka rin talaga eh no Bryle?"

"Eh tinanong mo ko kung anu to diba? sumagot lang ako!" -sya

"Tch.. umalis ka na.. wala na akong kinalaman pa sayo."

"Nami at least tanggapin mo man lang to." inaabot parin niya sa akin yung sulat

Biglang may tumigil na bus sa may tabi namin at kahit na jeep ang iniintay ko, since ito lang ang nakita kong paraan para makalayo kay Bryle eh sumakay na ako.

Sumakay ako at iniwan si Bryle na nakatulala dun. Naka extend parin yung kamay niya na wari'y may inaabutan siya ng sulat.

Nasasaktan ako habang pinagmamasdan sya. Iniisip ko kung anu bang nakasulat dun. Kung tinanggap ko ba may magbabago?

Tch.. Sino bang niloko ko? Walang magbabago kahit tinanggap ko pa yun.

Tama lang ang ginawa ko. Ayoko ng maniwala pa sa kanya.

.

.

.

Sabado na ngayon at nandito ako ngayon sa work room ni Lolo este Sir Bernard. Hindi ko na nga pala sya lolo diba?

Grabe, busy sya ngayon.

Saan?

Sa party..

Oo..

Bukas may party dito sa bahay ng mga Stanford at hindi ko na kailangan pang itanong kung para kanino. Syempre, syempre para sa engagement party nila Bryle.

Ang dame ngang invited na business partners ng Stanfords. Pati narin syempre yung mga iba pang kamag anak nila Bryle. Sobrang busy pa si Lolo este sir Bernard sa pag aasikaso dun sa mag aayos ng venue, sa pagkaen, sa lahat lahat.

Mukhang tuloy na tuloy na talaga no?

"Ah Nami, punta ka bukas huh? 7pm yun.." -Lolo este sir Bernard

"Po? Pwede po bang hindi na ako pumunta? day off ko naman po yun sir eh. Marami pa po kasi akong gagawin."  kahit na wala naman ako talagang gagawin

Sino bang tangang pupunta sa engagement party ng mahal niyang engaged sa iba?

"Hindi pwede Nami. Kung wala ka kulang yung event."

"Panu naman po magiging kulang yun?"

"Nirequest talaga ni Bryle na dapat nandun ka no, kaya sana pumunta ka. Please? please?"

Wow... grabe talaga sya no? nirequest? so talagang gusto niyang makita ko pa mismo kung gaano niya kamahal ang Elida na yun? gusto niya talagang ipamukha pa sakin yun? Nice.

"Nirequest po pala ni Sir Bryle eh, sige po pupunta ako." nasagot ko na lang ng hindi nag iisip

Siguro nainsulto narin ako kasi diba? inimbitahan pa talaga niya ako? at talagang nirequest niya pa yun?

Wow lang..

Wow!!

Pwes papatunayan ko sa kanya na pwede akong maging masaya kahit wala sya! Ipapakita ko sa kanya na ok lang ako kahit magpakasal pa sya! Ipapakita ko sa kanyang hindi ko sya kailangan sa buhay ko! Kahit hindi yun totoo.

"Aasahan ko yan huh? Bukas ay isa sa pinaka importanteng araw sa buhay ni Bryle at sa akin rin.. Bukas niya ipakikilala sa lahat ang babaeng mahal niya kaya dapat nandun ka Nami huh?"

"Opo sir.. sabi ko nga eh."

Dapat nandun ako? yeah right.

.

.

.

Kinabukasan..

*ding dong ding dong

Sino kaya to? Kumakaen ako ng tanghalian eh.

Pag bukas ko ng pinto.

"Nash! Namiss kita!" halos masakal na ako ni Katie sa higpit ng pagkakayakap niya sa akin

"Ah.. Ka-katie.. hi-hindi ako makahinga."

"Ah.. hehe.. Sorry! Namiss lang kita Bessy!" sabi niya pagkabitaw niya sa akin

"Anu bang ginagawa mo dito?"

"Pwedeng pumasok muna ako Nash?"

"Hehe.. sabi ko nga."

Pumasok naman kami sa condo tapos umupo sya sa sofa.

"So bakit ka nga nandito?"

"Pagagandahin kita!"

"Huh? anu bang sinasabi mo?"

"Knowing you, wala kang ka talent talent sa pag aayos,  pupunta ka ba sa party ni Bryle ng hindi ka man lang nag aayos huh?"

Aw.. Oo nga no? Ngayon na nga pala yun. Kailangan ko nga palang pumunta dun.. tch.

"Hindi ko na kailangan mag ayos no, para namang importanteng bisita ako dun."

"Anu ka ba bessy? magpaganda ka no! Ipamukha mo kay Bryle na mali sya ng pinili! Ipakita mong mas maganda ka kaysa sa Elida na yun!"

"Kahit gano ka pa kagaling mag make up Katie, hinding hindi ako magiging mas maganda kay Elida. Tsaka saan ako kukuha ng magandang damit? Isa pa ayoko ng heels kaya plano ko mag susuot lang ako ng t-shirt, jeans tapos rubber sh--aw!" bigla niya akong binatukan

Bumabalik na naman sya sa pagka brutal niya.

"Engot ka talaga no? Sa tingin mo papayag akong pumunta ka dun ng ganun? Kaya nga ako nandito oh! Sa ayaw at sa gusto mo pagagandahin kita at sa ayaw at sa gusto mo isusuot mo to!" may inilabas syang isang cocktail dress

Ang ganda, parang mamahalin tsaka parang bagong bago. Kulay puti yung gown na may gray and black na sequins plus isang makapal na pink na ribbon sa may waist (a/n: tingnan niyo nlng yung picture sa side >>>)

Ang ganda talaga! Tapos may nilabas din syang heels na may diamond sequins din. Tapos pumunta sya sa may pinto tapos may pumasok na bading. Which is  I think isang make up artist.

What the?

Wag mong sabihing talagang pinaghandaan niya to?

"Ayusan mo sya, pagandahin mo sya huh? As in sobrang ganda!" -Katie

"Oo ba.. utos yun ni-- ah I mean syempre naman!" -bading na make up artist

"Katie anu ba tong--"

"Wala ka ng magagawa Nash, magpapaayos rin naman ako eh. Sabay tayong pupunta dun! Ipakita mo kay Bryle kung gaano ka kaganda."

Wala na nga akong nagawa kung hindi sumunod.. hays.

.

.

.

Natapos rin kaming ayusan nung bading. Grabe ang dameng nilagay sa mukha ko huh? Pero in fairness, pag tingin ko sa salamin halos hindi ko na makilala yung sarili ko.

Kinakabahan pa ako habang nasa byahe kami. Nakasakay kami ngayon sa kotse ni Third.

Hindi ko alam kung makakaya kong panuorin si Bryle. Hindi ko alam kung makakaya ko yung makikita ko. Pero sinabi ko na kay Lolo este sir Bernard na pupunta ako. Isa pa nakapagdesisyon narin ako, so siguro dapat ko na lang panindigan.

.

.

Tumigil narin ang sasakyan.

Marami ng tao dun sa pavillion kung saan gaganapin yung party ni Bryle. Ang gaganda ng mga suot nila. Siguro kung nagtuloy nga akong mag jeans at tshirt, baka mapagkamalan akong katulong dito.

Hinawakan ko ang kamay ni Katie nung naglalakad kami palapit. Ewan ko ba.. kinakabahan ako.. natatakot.. halo halo ang nararamdaman ko.

Ngumiti lang sa akin si Katie at medyo napalagay naman ang loob ko kahit papaano.

Pumasok na kami sa loob.

Ang ganda ng set up. Maraming tables at upuan sa paligid  tapos may malalaking chandelier. May ilaw na kulay violet sa may harapan kung nasaan yung parang maliit na stage.

(a/n: see picture at the side nlng for a more vivid image)

"Nami! Buti nakarating ka! Ang ganda mo! Ikaw ang pinaka maganda rito!" -bati sa kin ni Sir Bernard

"Na-nako salamat po Sir Bernard."

Umupo na kami sa upuan na nakareserve para sa amin. At grabe huh? Dun pa talaga kami sa gitna, dun sa may tapat nung stage.

Gusto niya talagang makita kong mabuti lahat no? Imba ka talaga Bryle.

Maya maya nagsalita na si Lolo Bernard este sir Bernard pala. Hays.. Mukhang magsisimula na ang party.

"Tonight.. is a very special night, not only for me but for my grandson, Bryle Caleb Stanford. Tonight, he will introduce to you, the girl he fell in love with, the girl he chose to spend the rest of his life with, he girl who showed her true happiness, the girl he wants to be his wife."

Habang pinakikinggan ko yun, sumasakit yung puso ko. Ang sarap sanang pakinggan yun kung ako yun pero hindi. Alam kong hindi ako yung tinutukoy dun.

I've dreamed of it.  I've dreamed that someday I'm gonna marry him pero mukhang hanggang pangarap na nga lang yun kasi ikakasal na sya oh.. Ikakasal na sya sa iba.

Hindi ko namalayan may tumutulo na palang luha sa mata ko.

Hindi ko pa nakikita sila Bryle, naiiyak na ako. Pano pa kaya pag nakita ko sila ni Elida?

Buti na nga lang at unti unting nagdim yung ilaw kaya walang nakapansin na umiiyak ako.

Pero ang pinagtaka ko.. Akala ko kasi magdidim nga lang talaga yung ilaw pero unti unti yung lumabo.. hanggang sa..

Biglang namatay yung ilaw! Nawalan ng ilaw sa buong room! Nagkaron ba ng power shortage?

"Katie.. Steve.. Third.. Tommy.. nasan kayo?" tawag ko pero walang nasagot

"May tao ba? Nasan ang mga tao dito?"

Wala man lang umiimik eh. Diba kung nagkaron ng black out dapat nagpapanic na yung mga tao. Pero wala... wala talagang umiimik.. ako lang..

Biglang may nagliwanag dun sa may gitna nung stage.

Kailan pa nandun yun? Parang isang malapad na whiteboard? Whiteboard pa ba yun? Parang wall na puro sticky notes...

Nilapitan ko yun tapos nung mabasa ko yung nakasulat, halos hindi ako makapaniwala sa nakita ko..

Ganito yung mga nakasulat..

SORRY NAMI KUNG HINDI KO NASABING MAHAL KITA.

SORRY NAMI KUNG SINIRA KO ANG 18TH BIRTHDAY MO.

SORRY NAMI KUNG PINAIYAK MAN KITA.

SORRY NAMI KUNG ITINULAK KITA PALAYO SA AKIN.

SORRY NAMI KUNG TINAPON KO YUNG ADOBO MO.

SORRY NAMI KUNG PAASA AKO.

Ilan lang yan sa sobrang daming sticky notes na puro SORRY ang nakasulat. Sobrang rami at handwritten pa yun. At hindi ako pwedeng magkamali, alam ko kung kaninong handwriting yun.

Nagluluha na ang mata ko habang binabasa ang mga nakasulat na yun. Nananaginip ba ako?

Anu na naman ba to? Engagement party niya to diba? Bakit puro para sakin tong sulat dito?

Lalo naman akong napaiyak nung biglang may tumunog. Hindi ko alam kung saan ba nanggagaling yung tunog pero alam kong boses yun ni Bryle.. Parang record mula sa cellphone?

Nami.. Happy birthday!! pa-pasensya ka na huh?? gu-gusto ko sanang gawing masaya ang birthday mo.. gu-gusto ko sanang pasayahin ka kahit sa huling pagkakataon.. pe-pero.. a-anung ginawa ko?? si-sinira ko lahat.. si-sinira ko yung special na araw sa buhay mo.. si-sinira ko.. I'm sorry.. I'm sorry Nami.. "

te-teka.. ni-nirecord niya to nung birthday ko?

"Nami, miss na kita.. miss na miss na miss na kita.. gusto kitang tawagan.. gusto kong marinig ang boses mo.. pe-pero hindi pede eh.. gu-gusto kong sabihin sayo na.. ma-mahal kita.. pe-pero hindi pede eh.. hindi na pede eh.. *sniff"

Ba-bakit? A-anu to? totoo ba ang lahat ng to? hindi pwede? Bakit sabi niya hindi pwede?? Mahal niya ako pero hindi pwede?? Bakit?? naguguluhan ako..tsaka bakit sya umiiyak?

"Nami.. salamat dun sa adobo huh?? ayun parin tlga ang pinaka masarap na pagkaen para sakin.. ka-kahit na may alikabok na.. kahit madumi na.. kinaen ko parin yun.. pa-pasensya ka na huh? hi-hindi ko sinasadyang sabihin yun sayo.. hi-ndi ko gustong saktan ka ng ganun..*sniff*  pero yun nlng ang paraan eh.. yun nlng ang naisip ko.. ka-kasi pag hindi ka pa lumayo sa akin.......... hindi ko na alam ang gagawin ko eh.. *sniff* baka hindi ko na magawang pigilan ang sarili ko.. baka ..masabi kong ..MAHAL-- KITA.. baka hindi ko na.. magawang bitawan ka.."

Ki-kinaen niya yung adobo? pe-pero tinabig niya yun di-diba? kahit madumi na kinaen niya parin? tapos pinalalayo niya lang ako sa kanya? kaya niya ginawa yun? tapos.. mahal niya ako.. pangalawang beses na dito sa record na sinabi niyang mahal niya ako.. pero diba..

"Nami, umiiyak ka na naman kanina.. umiiyak ka na naman dahil sakin.. gustong gusto kitang yakapin.. gustong gusto kitang pasayahin.. pe-pero *sniff.. hanggang pagpahid nlng ng luha mo ang kaya kong gawin.. hanggang dun nlng.. hanggang dun nlng.. "

"Nami.... Mahal na mahal kita.. Ikaw na.. Ikaw na ang mahal ko eh.. Ikaw na ang mahal ko at hindi si Elida.. naririnig mo ba ako Nami? *sniff.. Naririnig mo ba?? *sniff.. Ikaw ang mahal ko! Ikaw! Ikaw hindi si Elida!! Ikaw Nami! Ikaw! *sniff..Ikaw..ikaaaw....."

At talagang napahagulgol na lang ako ng marinig ko yun. Ako ang mahal niya? Ako ang mahal niya at hindi si Elida?

Totoo ba lahat ng to?

Totoo ba?

Pero kung totoo to, pano? Bakit?

Wala akong mainitindihan..

Biglang may lumiwanag pa sa di kalayuan. Parang may isang banda dun tapos may vocalist..

At likod palang niya alam ko na. Alam ko na kung sino sya..

Humarap sya sa akin at talagang hindi nga ako nagkamali..

Si Bryle..

Ang gwapo niya ngayon.. Naka bow tie pa sya habang naka coat na puti.

Nabato na lang ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung anu bang dapat na maramdaman ko. Naguguluhan talaga ako.

Akala ko magsasalita sya pero tumingin lang sya sakin tapos biglang may tumugtog na. Humarap na din yung ibang nasa likod niya.

NOW PLAYING: IKAW ANG AKING MAHAL BY : VST and Co.

~~ahh ahh ahh ahh ahh

nakita ko si Third at si Steve..

back up singers sila? wat the? sila yung taga kanta ng ~aah ahh ahh

Itanong mo sa akin
Sino ang aking mahal

Nagsimula ng kumanta si Bryle at talagang nakatingin lang sya sa akin.

~~ahh ahh ahh ahh ahh

Itanong mo sa akin
Sagot ko'y di magtatagal

~~ahh ahh ahh ahh ahh

sa part ng ~aah aaah

nagssway pa si Third at si Steve.. 

Ikaw lang ang aking mahal
Ang pag-ibig mo'y aking kailangan
Pag-ibig na walang hangganan
Ang aking tunay na nararamdaman

~~ahh ahh ahh ahh ahh

~~ahh ahh ahh ahh ahh

Isa lang ang damdamin
Ikaw ang aking mahal

~~ahh ahh ahh ahh ahh

This time lumapit na sa akin si Bryle

Maniwala ka sana
Sa akin ay walang iba

~~ahh ahh ahh ahh ahh

Hinawakan niya ang braso ko tapos inilagay niya sa balikat niya...

Ikaw lang ang aking mahal
Ang pag-ibig mo'y aking kailangan
Pag-ibig na walang hangganan
Ang aking tunay na nararamdaman

Kumakanta sya at sinasayaw ako  habang nakatingin sya sa akin.

Hindi ko pa talaga madigest lahat ng nangyayari.

~~ahh ahh ahh ahh ahh

~~ahh ahh ahh ahh ahh


Ang nais ko sana'y inyong malaman
Sa hilaga o sa timog o kanluran
Kahit saan pa man ang aking isisigaw
Ikaw ang aking mahal

~~instrumental~~


Ang nais ko sana'y inyong malaman
Sa hilaga o sa timog o kanluran
Kahit saan pa man
Ang aking isisigaw

~~ahh ahh ahh ahh ahh  >>>>>>>> may sintunadong part parang sumablay ng kanta  -____-

Kaya tumigil yung kanta.. tapos..

"Steve! Anu ba yan! " sigaw ni Bryle

Si Steve naman nag peace sign lan.

"Matatapos na at lahat tsaka ka pa pipiyok eh no? sabi ko na kasi dapat hindi na lang kita isinama dito eh!" napahilamos na lang ni Bryle yung kamay niya sa mukha niya

tapos maya maya..

"Haaaaaaays.. ituloy na nga natin ulit." -Bryle

Medyo napapatawa na lang ako ng konti.. hahaha.

Ikaw ang aking mahal

~~ahh ahh ahh ahh ahh

Ikaw ang aking mahal

~~ahh ahh ahh ahh ahh

Ikaw ang aking mahal

Nung matapos ang kanta, nakapatong na yung noo ni Bryle sa noo ko.

Nagkatinginan kaming dalawa saglit.. tapos..

*booogsh!

Hahalikan na sana niya ako pero hineadbat ko sya.

"Aray! aray Nami! Alam kong galit ka sakin pero aray naman! Bakit mo naman ginawa yun?!" -Bryle na hawak hawak yung  noo niya

"Masakit?"

"Malamang! nagtanong pa to! tch!!" sigaw niya

lumapit ako sa kanya..

tapos...

*boogsh

sinuntok ko naman sya..

"Aray! aray aray! Pisngi ko! Bakit mo naman ako sinuntok Nami?!" -Bryle na hawak hawak yung pisngi niya

"Ngayon sigurado na akong hindi ako nananaginip kasi padalwang beses na tong nasaktan ka-- aw!" binatukan niya ako =___=

"Eh bakit sakin mo tinetesting kung masasaktan ako? dapat sayo yun diba? Ang normal na tao para malaman niya kung nananaginip ba sya o hindi, sa sarili niya yun tetestingin! Eh bakit sayo iba? arrrrrrrrrg! abno ka talaga!!" sigaw niya sakin

"Hmp! dapat lang sayo yan no! Anu ba tong pakulo mo? halika nga dito!" pinalapit ko sya sakin tapos hinipan ko yung mata niya

"Wat the? anu bang ginawa mo Nami? hindi ako napuwing!"

"Eh kasi baka nagkakamali ka ng kinakantahan! Ako si Nami! Nami.. Hindi ako si Elida no! Ang laking ganda nun sakin! Engagement niyo to. Engagement niyo! Kaya bakit ako ang kinakantahan mo? Bobo ka ba?" -ako

"Sino bang may sabi sayo na engagement party ko to huh? Tsaka hindi mo ba maintindihan? Ang dami na nun ah! Ang dami ng nakasulat na puro Nami! Hindi mo parin nagets? Sinong mas bobo satin ngayon?"

"Eh pero diba nagpropose ka kay Elida?"

"Narinig mo ba yung sagot niya huh?"

"Hindi.. pero--"

"Tch! tsaka pano ako magiging engaged, nagpropose na ba ko sayo huh? Ikaw lang ang babaeng gusto kong pakasalan! Ikaw ang mahal ko! Malinaw na?"

"Eh per--"

"Haaays.. sige.. itanong mo lahat ng gusto mong itanong.. sasagutin ko para malinawan ka."

"Ah.. anu.. anu nga bang dapat kong itanong? ahm.. hmmmm.. Lipsync ba yung kanta mo?"

Tiningnan ako ng saglit  ni Bryle..

tapos..

biglang napahilamos niya yung kamay niya sa mukha niya..

"Ang dami kong naiisip na itatanong mo! At sa dinami dami ng importanteng pwede mong itanong, really Nami?? yan pa ang kauna unahan mong naisip? =____=" -Bryle

"Eh sa ayun ang naisip ko eh! pakialam pa to!"

Napahilamos na naman ni Bryle yung kamay niya sa mukha niya.. tapos hinawakan niya ako sa magkabilang balikat ko..

tapos..

"Kunwari na lang ang tinanong mo sa akin eh kung bakit si Elida ang pinili ko kahit na ikaw naman pala ang mahal ko. Pinag isip na kita ng tanong huh? =____=" -Bryle

Tumango na lang ako tapos sinimulan na niyang ipaliwanag ang lahat...

Na pinilit lang sya ng mga magulang ni Elida.. Na na ipit lang sya sa sitwasyon.. Ngayon malinaw na lahat. Pati pala yung engagement.. pinilit lang sya.. Pinilit lang syang magpropose kay Elida..

"Kung ganun, anu ng nangyari nun sa beach? nung nagpropose ka? tsaka anu ng mangyayari sayo ngayon?"

"Ganito yung nangyari sa beach.." -Bryle

*FLASHBACK (dapat)

Magkukwento na sana si Bryle ng biglang lumabas si Manong Eddie at si Lolo Bernard..

Si lolo Bernard naka wig na pang babae, parang buhok ni Elida.

 O___O?

"WILL YOU MARRY ME?" sabi ni manong Eddie kay Lolo Bernard

Biglang napaiyak kunwari si Lolo Bernard pag tingin niya sa kay manong Eddie. Parang inaact nila yung scene dun sa beach.. haha..

Seryoso dapat to eh, pero biglang nakakatawa..

"Hoy anu ba yan?! Ako ang magpapaliwanag dito eh!" sigaw ni Bryle sa kanila

"Grabe ka naman Bryle. Tutulungan ka na nga naming mag explain. Ayaw mo nun mas malinaw!"- Lolo Bernie

"Sayang yung wig ni Sir Bernard  Sir Bryle." -Manong Eddie

"Heh! lumayas nga kayo sa harapan ko!" sigaw ni Bryle kaya ayun agad naman silang umalis.. haha

Kaya ito, si Bryle na ulit ang nagkwento..

*FLASHBACK BRYLE's POV

Nung umiyak si Elida iniisip ko..

Masaya? masaya ba sya? parang hindi eh..

Bakit parang ang lungkot niya? O ako ang malungkot kaya ang tingin ko malungkot din sya?

Akala ko sasagot sya pero bigla niya akong hinalikan. Isang matagal na halik.. tapos..

"I love you Bryle." sabi nya

"Kung ganun payag ka ng magpakasal sa akin?"

"*hingang malalim..... NO"

Lahat kami nabigla sa sagot niya. Natigilan ako saglit tapos..

"No? diba sabi mo mahal mo ko, kung ganun bakit?"

"Mahal kita Bryle.. that's why I'm saying no. Alam ko na ang lahat, sinabi sakin lahat ng mga kaibigan mo. Nung una gusto ko pang magbingi bingihan, mag bulag bulagan. Ayaw pa kita sanang pakawalan. Pero naisip ko.. ayokong matulad ka sakin. Alam ko kung gano kahirap magpakasal sa isang taong hindi mo naman mahal, mahirap. Lalo na at may mahal kang iba. Isa pa Bryle, masyado na kitang nasaktan. Sobra sobra kaya *sniff.. ayoko ng saktan ka pa.. *sniff.. ayoko na. Nung una palang, alam ko na naman eh. Alam ko ng sya na ang mahal mo. Paano ko nalaman? Nung una palang nakita ko kung paano mo sya tingnan, dun palang alam ko na.. *sniff.. Kasi Bryle.. the way you looked at her.. *sniff*  that's exactly the same way you used to look at me before. The same look that says, "hey I'm in love with you.."  "Hey, please stay with me" "Hey, I wanna spend the rest of my life with you" , that's what your eyes are saying... Kaya Bryle.. I want you to be happy.. *sniff*  And your happiness doesn't lie within me. That's why Bryle.. *sniff* I'M LETTING YOU GO.."

May tumulo na lang biglang luha sa mata ko. Nasasaktan akong makita syang ganito pero masaya rin ako. Masaya ako kasi.. kasi naiintindihan niya ako.

"Salamat Elida! salamat!" sabay yakap ko sa kanya

"Oo na.. umalis ka na.. pumunta ka na sa kanya.. baka magbago pa isip ko *sniff sige ka!" sabay tulak sakin ni Elida

"Salamat talaga! salamat Elida!"

"Oo na nga! Ako na ang bahala sa parents ko wag kang mag alala."

"Salamat.. and I'm really sorry."

"Don't be.. I want you to be happy. Isa pa.. I'm your best friend right? I will do anything for you. " sabi niya

 And then umalis na ako.. Just to find Nami.. na walang malay.. at inaapoy ng lagnat. And isang Tommy na.. gusto akong patayin.. at ni ayaw akong palapitin kahit konti kay Nami.

*END OF FLASHBACK

BACK TO NASH's POV

"Ngayon alam mo na? ipapaliwanag ko sana sayo yun.. kaso ayaw mo na akong pakinggan. Sabi ko nga.. sa lahat nga siguro ng nagawa ko baka hindi mo na ako mapatawad eh. Pero gusto ko paring mag explain, gusto ko paring ipaalam sayo ang nararamdaman ko kahit na hindi ko na alam kung mapapatawad mo pa ba ako. Alam ko rin na hindi na sapat ang sorry lang para sa lahat ng nagawa ko, pero mag sosorry parin ako. Sorry.. sorry sa lahat.. Sorry talaga Nami. Mahal na mahal kita." ngumiti si Bryle tapos may tumulong luha sa mata niya, pinunasan ko yun

"Alam mo Bryle.. galit na galit talaga ako sayo. Ang sakit ng ginawa mo sa akin. At oo, hindi sapat ang sorry lang para sa lahat ng yun pero Bryle.. sabi nga nila.. You forgive a person simply.. simply because you still want them in your life. At Bryle.. I still want you in my life.. Kaya Bryle.. I'm forgiving you.. Mahal na mahal din kita Bryle!"  ngumiti ako, pinakamasayang ngiti ko sa lahat kahit may tumutulong luha sa mata ko, alam kong masaya ako.. at si Bryle din ..

Nakangiti kami sa isa't isa. Umiiyak kami pareho..

Hindi ko akalain na iiyak rin sya.. haha..

Niyakap niya ako ng sobrang higpit tapos bumitaw rin sya..

Tapos tumingin sya sa akin at alam ko na ang susunod na mangyayari..

Lage na lang ganito. Ang dali kong mahypnotize sa tingin nya. And I just found myself.. drawing closer to his lips.

Pero bago pa man lumapat yung labi namin sa isa't isa parang may tinawag si Bryle na lumapit sa amin..

Teka.. parang camera man?

May nagvivideo sa amin?

Nagsalita si Bryle sa harap nung video recorder..

"Silvero, tingnan mo tong mabuti huh? Tommy, wag ka na lang tumingin." sabi nya ng may nakakalokong ngiti

"Bryle anung--"

at bago pa ako makapagsalita.. eh hinahalikan na niya ako..

Pagkatapos nun biglang may inabot si Steve sa kanya na papel..

Tapos..

Pinakita niya sakin..

"Anu yan Bryle?"

"Bagong contract ^___^"

"Huh? bagong contract? contract na naman?"

"Oo ^___^"

"May pasabi sabi ka pa sakin na baka hindi kita mapatawad tapos may baon ka pang contract huh? Iba karin talaga no? =__="

"In case lang naman na patawarin mo ko ^___^"

"Tch! eh anung contract na naman ba yan huh? Anu bang--"

"Basahin mo muna bago ka magreklamo!"

Tingnan mo to.. ang sungit na naman.

"Tch.. sige na nga!"

Pagbasa ko nung contract

GIRLFRIEND - BOYFRIEND FOR REAL CONTRACT

WILL YOU BE MY GIRLFRIEND?

A. YES

B. A

C. B

Answer:

"Grabe huh? may choices pa? eh kahit anung piliin ko dyan ganun padin ang sagot eh!"

"Eh di dadagdagan ko ng isa pang option.." -Bryle

"Anu?"

"d. all of the above" -Bryle

"Haha.. Pwedeng wala nalang sagot?"

"Nami!!"

"Haha.. sige na nga.. A."

"Yes?" -Bryle

"Ah hindi baka No =___="

"Namimilosopo ka na naman Nami eh!"

"Ikaw kasi gumamit ka minsan ng common sense!" -ako

Nagkatinginan kaming dalawa.. natigilan kami..

tapos..

"Ahahaha namiss ko yun ah!" -Bryle

"Ako din.. hahaha.. nakakamiss din pala..."

Binasa ko pa ulit yung sunod na nakasaulat..

I NAMI SHANAIA SAN JOSE.. 18 YEARS OLD. BORN ON DECEMBER 28 1993..

 PROMISE TO LOVE BRYLE CALEB STANFORD FOR  THE REST OF MY LIFE..

AND IN EXCHANGE

I BRYLE CALEB STANFORD WILL GIVE NAMI SHANAIA SAN JOSE, MY HEART.. MY TIME.. MY EYES.. EVERY PART OF ME.. AND THE REST OF MY LIFE..

"May reklamo ka pa sa contract?" -Bryle

"Ahm.. wala ba akong sweldo? kahit isang libo lang--aw!" binatukan niya ako

"Ikaw talaga! Ang sweet na nung moment oh!" -Bryle

"Masamang mag joke huh? "

"Eh panu kasi panira ka ng moment eh!" -Bryle

"Eh nagjojoke nga lang eh! Masyado ka namang high blood lage! Sinagot ka na nga dyan!!"

"Eh kasi naman mamili ka naman ng panahon ng pagloloko mo! Minsan naman makibagay ka sa sitwasyon!" -Bryle

"Eh sorry huh? Sabi ng di ko naman sinasadya eh!"

"Hays bobo ka talaga!" -Bryle

"Mas bobo ka!"

"Ikaw ang bobo!" -Bryle

"Pataasan na lang ng grades an--"

"Oh shut up!" sigaw nya sabay hinalikan na naman nya ako tapos biglang bumukas yung ilaw..

Ang dami palang taong nakapaligid sa amin. Nagpalakpakan silang lahat..

Tapos nalaman ko, naka video nga talaga kami. Sa labas pala nung venue, may malaking screen kung saan mapapanood nung mga tao sa labas yung nangyayari sa loob.

Grabe talaga to si Bryle.

"Now I present to you all.. Ladies and gentleman out here.. MY GIRLFRIEND.. MY SOON TO BE WIFE.. NAMI SHANAIA SAN JOSE." -Bryle sa microphone

Nagpalakpakan ulit yung mga tao pero biglang may dalawang lumapit sa unahan..

"Hey! How dare you kiss her two times?! You ugly monkey! and how come she's your soon to be wife?? I'm his soon to be husband!" -Drey

"Yeah! How dare you kiss my fiance two times in front of me?! I will marry her when I grow up! She already accepted my proposal!  I'm so gonna kill you Bwayli! you traitor!!" -Hell

"Hoy tigilan niyo nga akong dalawa huh! Dinudugo na ilong ko sa inyo huh? tantanan niyo na si Nami!" -Bryle

"Wait who is this kid?" -Hell pointing to Drey

"Well I'm Bryle's rival.. Nami's gonna dump that ugly monkey and she will be my girlfriend!" -Drey

"What are you saying you stupid kid?!! she's my fiance! my fiance!" -Hell talking to Drey

"No she's mine!" -Drey

"She's mine I say!" -Hell

"Heh! tumigil kayo! sakin sabi sya eh!!" -Bryle

Nagtinginan si Drey at Hell..

"So you wanna get rid of this one first??" -Hell talking to Drey

tapos tumango naman si Drey.. tapos..

"Wraaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!" pareho nilang dinambahan si Bryle tapos pinagsasabunutan at pinagpapalo

"Let's kill him! let's kill him first and then we will then fight one on one for Nami!" -Hell

"Yeah.. I agree.. from now on we're rivals!" -Drey, nag  click sila ng fist na dalawa

"Shet! get off of me you two!! get off of me!!!" -Bryle

Haha ayun ang kawawang si Bryle ayaw tantanan ni Drey at Hell. Kung hindi pa dumating si Auntie Cynthia at pinukpok ng pamaypay yung dalawa..

"Buti nga sa iny--" -Bryle na mang aasar pa sana pero pinalo din siya ni Auntie Cynthia

"You idiot !! yun pala ang problema mo, why don't you said it to me? tutulungan naman kita eh! sinaktan mo pa si Nami! you idiot!!! " Auntie sabay pukpok ng marami kay Bryle

Kawawang Bryle talaga haha..

Pagtapos masermonan ni Bryle lumapit kami kila Third..

"Nice one tol..." -Third

"Nakakahiya ka lamok.. pumiyok ka pa.." -Stacy to Steve

"Ikaw pa nagsalita panget din naman ang boses mo.." -Steve

"Anung sabi mo lamok?" -Stacy

"Sabi ko I love you ^___^" -Steve

"Mas maganda parin ang boses ko sayo.." -Tommy talking to Bryle

"Mas gwapo parin ako sayo.. " -Chef Tj talking to Bryle

"Mas.. pinili parin ako ni Nami kaysa sa inyo ^___^" -Bryle

Nagtinginan si Chef at si Tommy tapos sabay ng nag walk out yung dalawa.

"Ang hangin.. nalipad ako dun ah.." -Tommy

"Sobrang lameg no? parang nasa outer space sa sobrang hangin." -CHef Tj

Oo nga pala, ok na kami ni Chef Tj. Nalaman ko na ginawa niya lang pala yun para mapaamin si Bryle sakin. Pero yun nga medyo nasayang yung effort niya.

Pag alis nila Chef at Tommy.. Nagtawanan na lang kami nila Katie..

Si Bryle naman..

"Hoy sinong mahangin huh? Bitter lang kayo!"

Wala parin talaga syang pinagbago, lage paring nakasigaw haha..

"Nami..." -Bryle

"Anu?"

"May gagawin ka bukas?" -Bryle

"Huh?? wala naman, bakit?"

"Pakasal tayo ^_____^" -Bryle

wa-wat the?

"Cheesy.." -Katie

"Heh! isa ka pang panira ng moment! lumayas ka nga dito best friend ni Nami!!!" -Bryle

"Hahahaha.." ayun tawanan na naman kami.. haha...

Ayan..

Dito na nga po nagtapos ang lahat..

Nagsimula sa isang kontrata..

Isang kontrata na namwersa sa amin na magsinungaling..

Magpanggap na mahal namin ang isa't isa..

Sinong mag aakala na, ang lalaking kailan lang, gustong gusto kong patayin..

Ngayon parang ikamamatay ko pag nawala sa akin..

At sino bang mag aakala na..

Ang kasinungalingan.. pwede palang maging totohanan..

Dati akala ko mahirap magpanggap na mahal mo ang isang tao lalo na at kinaiinisan mo sya..

Pero mas mahirap pala talagang magpanggap na hindi mo mahal ang isang tao.. lalo na at sobrang minahal mo na sya..

Natutunan ko rin dito na..

Sa pag ibig pala..

Pwede mong lokohin ang ibang tao..

Pwede mong sabihin sa kanila na hindi mo siya mahal..

Pwede kang magpanggap na hindi ka nasasaktan..

At pweede ka nilang paniwalaan..

Pwede mo ring lokohin ang sarili mo..

Paniwalaing hindi mo mahal ang isang tao..

Baka sakaling maniwala ang sarili mo.. kahit sandali..

Pero kahit kailan..

Hinding hindi mo maloloko ang puso mo.. Kahit anung gawin mo..

Kasi kahit anung sabihin mo..

Isa lang ang  laman nito..

Isa lang alam nito..

"Ang pangalan ng taong nagpapatibok dito.. " ^_______________^

"This song is for Bryle and Nami! Let's party party!" -Lolo Bernard

At nagsimula na naman silang mag concert ni Manong Eddie.. haha..

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------

LOLO BERNARD's POV

"Dad alam mong isa syang--"

"Oo alam ko yun.. when I checked her background alam ko na. Wala namang magiging problema as long as hindi sila makikialam. Sa side lang naman nila may problema eh."

"Sabagay.. "

"Isa pa Cynthia, sa tingin ko naman kahit anu pang mangyari malalampasan yun ng dalawang yun."

"Sana nga dad.. pero sana wag na lang silang makialam.."

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Tj's POV

"Talagang nanood ka pa huh? nagpapakamatay ka?"

"Ikaw rin naman ah? pinanood mo din naman sila." -Elida

"Baka kasi magloko na naman si Stanford eh.. sasapakin ko yun."

"Ang swerte talaga ni Nami. Alam mo bang ikaw ang first crush ko kaya galit na galit sayo lalo si Bryle?" -Elida

"So ikaw pala ang may kasalanan! haha.."

"Ganun na nga.. haha.. tayo na lang kaya?" -Elida

"Haha.. gutom ka lang.. tara ipagluluto kita."

"Oh sige.. sarapan mo huh.. ^____^" -Elida

"Mabuhay ang mga broken hearted!"

"Mabuhay!" -Elida sabay taas ng kamay niya..

I remembered..

She's my first crush too.. haha.. akalain mo nga naman oh?

------------------------------------------------------------------------------------------------

Tommy's POV

"Oh.." -weirdong tomboy sabay abot sakin ng snickers

"Lage kang meron neto huh?"

"Tch.."

"Anu yang dala dala mo? bakit puro libro? himala nag aaral ka?"

"Tch..wag ka ngang maingay nagbabasa ako.."

What the?

Tiningnan ko yung binabasa niya..

Time travel.. time machine.. what the?

"Bakit puro tungkol sa pag tatime travel ang binabasa mo?"

tumingin sya sakin..

tapos ngumiti..

"Nagbabakasakali akong makagawa ng time machine.. o magtravel sa oras.. baka sakaling maiba ko ang date ng birthday ko.." -sagot niya.. anu daw?

"Bakit ayaw mo sa birthday mo?"

"Gusto ko lang gawing mas maaga akong ipanganak.."

"Bakit?"

"Para.. para pag sinabi ko ulit sayong MAHAL KITA.. seryosohin mo na ako. Para tingnan mo na ako bilang isang babaeng may nararamdaman para sayo at hindi isang batang naguguluhan. Hintayin mo lang, hintayin mo lang ako. Balang araw.. makikita mo rin ako bilang isang babae. Isang babaeng pwede mong mahalin." natigilan ako sa mga sinabi niya, napangiti na lang ako tapos..

"Salamat sa snickers... Raven.." natigilan siya.. tapos..

"Teka tinawag mo kong Raven? hindi mo na ako tinawag na bata?"

"Huh? did I?"

"Oo!"

"Ewan. Hindi ko na tanda.. haha.."

"Madaya ka!"

"Hahaha.."

So I can like her after all..

But  I did not expect it to be this way..

Haaay.. mukhang problema pa ata to..

(a/n: para nga pala sa mga readers na di pa nababasa yung LOST CHAPTERS ng GFFH, basahin niyo kung gusto niyong malaman kung panu nadevelop si Raven kay Tommy ^__^, andun sya sa works ko sa GFFH continuation of sidestories ^^  or click the external link on the side >>>>>>>>>>)

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

SNEAK PEEK FOR GIRLFRIEND FOR HIRE BOOK 2!!

(a/n: part na to ng book 2 huh? patikim ba,, so obviously, mababasa niyo rin to sa book 2 xD )

After 2 years..

NASH's POV

3rd year na kami ngayon!

Actually 2nd anniversary namin ngayon ni Bryle...

Kaya pagpasok ko sa tambayan..

"Ah.. anu... eto oh!" -Bryle sabay abot sakin ng bulaklak, chocolates at stuff toy na si Chopper yung sa one piece

"Para san yan?" gusto ko lang syang lokohin

"Ah.. eh.. wala akong mapag gastusan ng pera ko kaya binili ko to.. wala din akong mapagbigyan kaya binibigay ko sayo.. " -Bryle

what the?

"Tch.. oh eto rin oh.." sabay abot ko naman sa kanya nung payong na parang sword na gustong gusto niya

"Para san to?" -sya

aba at ginaya pa ako?

"Ah anu.. napulot ko lang dun sa .. sa may daan ! tama napulot ko lang so binibigay ko sayo.." -ako

"Haynako! two years na kayo ganyan parin kayo magbatian? gano ba kahirap magsabi ng happy 2nd anniversary huh?" -Third

"Wag kang high blood boi.." -Bryle

"Oo nga Third.. kalma." ako

"Happy 2nd anniversary.. baka mapatay pa ako ni Third eh." -Bryle

"Happy 2nd anniversary.. takot ko na lang kay Third.. haha.." sabay nag apir kami ni Bryle

"Nagugutom ako.. date tayo?" -Bryle

"O sige ba.. gutom narin ako eh." kaya lumabas na nga kami

Ayos magyaya ng date no? Wala talagang kasweetan sa katawan yan hehe.

Habang naglalakad kami..parang may malakas na tunog ng helicopter?

tapos..

waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!

May biglang bumagsak na mamang naka parachute sa harap namin sabay may tumigil din na isang sexy na babae na naka red na motor..

"Grabe naka eroplano na ko sabay parin tayo? Hindi na ako nauna sayo eh!" -sabi nung mamang naka parachute dun sa babae

Tinanggal nung babae yung helmet nya.. Wow.. ang ganda..

Yung lalaki nakita ko narin yung mukha.. Ang gwapo.. as in..

Artista ba sila?

Humarap sakin yung lalaki.. tapos..

"Long time no see.. Shana.. ^____^" -yung lalaki

Shana? teka..bakit parang may naalala ako sa sinabi niya?

Shana?

Slam ko may tumatawag sakin nun dati eh.. pero parang di ko din matandaan eh..

"Hoy  Bryan Go! anung ginagawa mo dito?" -Bryle

Kilala niya to?

Bryan Go?

Parang familiar sakin.. sikat kaya sya?

"Ow.. if it's not Stanford. Yo! Long time no see.. anung ginagawa ko rito? Well anu bang ginagawa sa school Stanford?"

"Nag aaral.. pero ako natutulog lang =___=. Wag mong sabihing dito ka mag aaral?" -Bryle

"Nakuha mo! Pero sa totoo lang hindi lang yun ang gagawin ko dito."

"Huh? at anu naman?" -Bryle

"I came here to get something back." Tumingin sa akin yung lalaki matapos niyang sabihin yun. Weird.

"Huh?" -Bryle.

"Well nice chatting with you. Anyways Shana, I think we're classmates :)"

"Teka pano mo ko nakilala?  tsaka Shana? bakit Shana?"

"You mean hindi mo ko kilala?! Hindi mo ko natatandaan?!" sigaw niya sakin.

"Hindi eh.. sino ka ba?"

"Talagang wala kang matandaan huh?? pagkatapos m--"

"Relax lang Bryan.. ang puso mo.. haha" -yung magandang babae

"Heh! wag ka ngang makialam Alice!"  tae bakit parang pareho sila ni Bryle ng ugali?

"Tsk.. Humanda ka Shana! I'll make you remember me.. SOON. Tara na Alice..."  sumakay na sya dun sa motor nung babae.. tapos umalis na sila..

"Wag na wag kang lalapit sa Bryan Go na yun.." -Bryle

Tapos naririnig ko pang binubulong niya..

"Tch Shana Shana.. gago!" -Bryle looking pissed

Anu bang meron?

hmmmmmmmmmm...

------------------------------------------------------------------------------------------------------

A/N:

Ok! sa wakas natapos ko narin! At oo! may book 2! may book 2! Hehe.

Salamat sa mga nagbasa hanggang huli! Sa overwhelming support! Maraming salamat talaga! Hindi ko nga akalain na aabot ng million reads ang Girlfriend for hire! Sobrang natutuwa talaga ako!  ^___^

Oo nga pala, dun sa mga gustong malaman kung pano nadevelop si Raven kay Tommy, basahin ang lost Chapters nila sa "GFFH continuation of sidestories" yung nasa My WORKS ko. Nandun din yung continuation ng love story ni Steve at Stacy para sa mga di pa nakakabasa at nagwowonder kung pano naging sila nandun po yun or para mas madali niyo makita click the external link on the side (sa baba nung book cover sa tabi) >>>>>>>>>>

Marami pang mangyayari sa BOOK 2! Abangan! At hindi lang ShanaRyle ang kasali sa book 2... May MerCY, ThirTie, Vento??? di pa sure. Basta.. at maraming bagong characters!

Available na po ang GFFH BOOK 2. Ang Title nya ay OFFICIALLY HIS GIRLFRIEND. COMPLETED NA RIN YUN ^__^ Tingnan niyo na lang din sa profile ko or isearch niyo na lang sa Google ^^

And oh! If you loved this ebook, I'll inform you na available yung hardcopy to sa bookstores Nationwide. This is published na under Pop Fiction :)

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 48.2K 60
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
1.8M 122K 44
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
7.2M 181K 28
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
Justice By Iana

Mystery / Thriller

158 73 14
A girl who dreamed to become a Journalist for a certain reason to bring justice to people who doesn't get justice because of lack influence, power, a...