Owned By A Heartless Gangster...

By frustratedwoman

449K 9.1K 208

Hes a gangster. Pero paano kung may isang taong dadating para baguhin siya. Magbabago kaya siya o mananatili... More

Prologue
chapter1
chapter2
chapter3
chapter4
chapter5
chapter6
chapter7
chapter8
chapter9
chapter10
chapter11
chapter12
Chapter13
chapter14
chapter15
chapter16
chapter17
chapter18
chapter19
chapter20
Chapter 21
chapter22
chapter23
Chapter24
Chapter25
chapter26
chapter27
chapter28
chapter29
chapter30
chapter31
chapter33
chapter34
chapter35
Final Chapter

chapter32

9.1K 195 4
By frustratedwoman

Chapter32

#Reception

#Samaya

Medyo natagalan bago kami nakarating sa reception,pano naman kasi tong si Q,inatake ng kabaliwan.

"Sorry,guys,medyo nadelay ang dating namin."Mapagkumbabang hingi ng tawad ni Xander sa mga bisita.

"Its ok,Xand!"Sagot naman ni Xerxes.

Inakay na niya ako papunta sa harap,may mini program pa ata. Kaso feeling ko bigla akong nakaramdam ng pagod. Feeling ko nanghina ako bigla kaya napakapit ako ng mahigpit sa braso ni Xand."Hey,Baby,are you ok?"Ang lakas talaga ng radar nitong si Xand.

Umiling ako,"Bigla akong napagod."Mahinang sagot ko sapat lang para marinig niya.

Agad niya akong pina-upo."Baka nagutom ka lang,Baby."Halata na naman sa boses nito ang pag-aalala.

"Stop worrying,mawawala din ito,umupo ka nga din muna."

Sinunod naman niya ang sinabi ko umupo siya sa tabi ko.

May mga sinasabi na ang emcee na hindi ko na masyadong pinagtutuunan ng pansin.

"Hey,Sam."Agad akong nag-angat ng tingin ng marinig ang pamilyar na boses,its Cade. Malawak ko siyang nginitian.

"Hi!"Diko alam,invited pala siya. Tiningnan ko si Xander,tumango lang siya. So ininvite niya si Cade.

"Congrats,Boss Xan! Please take care of her.. Im sorry Sam,sana masaya ka na ngayon."

"Matagal na kitang napatawad Cade,actually gusto ko ding magpasalamat sayo. Sa pagdala mo sa akin kay Xand,thank you Cade,dahil dinala mo ako sa taong mahal na mahal ko ngayon."

He smiled,kahit bakas sa mukha niya ang lungkot."Im so happy for you Sammy. Salamat makakatulog na din ako ng mahimbing knowing na maayos na ang lagay mo. Congrats again."Saka umalis na ito sa harapan namin ni Xand.

"Ininvite mo siya?" Baling ko kay Xand na tahimik na kumakain.

"Yes."

"Why?"

"Kasi kung di dahil sa kanya wala ka sa tabi ko ngayon."

"Di ka na galit sa kanya?"

"Hindi na,hindi na ako galit sa mundo ngayon,Baby. Thanks to you."

"Ang corny!"

"Kain ka na!"Sabi niya sabay subo. Ang gaan na ng pakiramdam ko,naayos na ang lahat. Wala ng samaan ng loob. Napatawad ko na si Cade may magandang naidulot din naman ang ginawa niyang pagdala sa akin sa poder ni Xand.

"Are you happy,Baby?"

"Of course naman! Tara puntahan natin mga kaibigan ni Xerxes."

Tumango lang siya saka naglakad na kami papunta sa mesa ng mga kaibigan ni Xerxes.

"Congrats Xand!"Nakangiting bati ni Yleenna!

Well si Yleenna na asawa ni Xerxes lang naman ay ex din ni Xander,alam kong minahal niya din ito kahit papano.

"Sabi na sayo,ee may something sa inyo,o di kayo din!"Masayang wika ni Laureen.

Tipid lang akong ngumiti sa kanilang lahat. Lahat sila malapit kay Xand.

"So taken na kayong lahat?"Nakangiting tanong ko sa kanila.

"Nah,hindi,pa,may pambato pa kami,meron pa kaming single dito,itong si Phoenix,si Skye,at si Riffle!"Masayang kwento ni Claude.

"Well meron pa kaming bunso,si Quani! Nasaan na yon Xand,bat wala dito?"Nagtatakang tanong ni Xerxes.

"Nah,ewan ko ba sa lalaking yon,masyadong madrama!"Sagot naman ni Xander sa kapatid."So kain lang kayo ng kain diyan,enjoy the party later!"

"Yeah!"Sagot naman ng ibang mga kaibigan niya.

Inakay na niya ako pabalik sa mesa namin."Are you happy,Baby?"Tanong niya ulit sa akin.

"Yes,thank you,tinupad mo dream wedding ko. Ilang taon na din kasi akong nag-iipon para sa kasal sana namin ni Cade,kaya pala di ako makapag-ipon ng maayos kasi hindi siya ang magiging groom ko. Ikaw pala!"

"Hindi mo na kailangang magwork,Baby ko,ako ng bahala sa atin financially,ang isipin mo na lang alagaan mo ang magiging mga anak natin"

Nanlaki mata ko sa sinabi niya."As in mga talaga?"

Tumango siya sabay hapit sa beywang ko"Yeah,kasi gagawa tayo ng maraming Baby."Masayang sagot niya.

"Teka,ikaw ba ang manganganak?"Nakataas kilay na tanong ko sa kanya."Masakit kaya manganak!"

"Yeah,alam ko,masakit talagang manganak!"

"Ilan ba kasing anak ang gusto mo?"

"Anim!"Agad na sagot niya.

Napaubo ako sa sinabi niya."Ang dami!"

Pilyo lang niya akong kinindatan!"Gusto ko ng malaking pamilya,Baby!"

"Ewan ko sayo,ang sakit kayang manganak!"

"I will always be here for you Baby!"Seryosong wika niya.. Saka inangkin niya ang labi ko..

#Quani

"O,san ka ba galing. Ang tagal mong dumating?"Agad na tanong ni Kuya Xerxes sa akin ng makarating na ako sa reception ng kasal ni Xander.

"Dyan lang sa tabi-tabi!"Walang ganang sagot ko.

"Ok ka lang ba?"

"I feel so alone Kuya. May anak nga ako pero diko naman pwedeng makasama!"Parang ang bigat ng nararamdaman ko.

Marahang tapik sa balikat ang ginawa niya."Nandito lang naman kami! Youre not alone,Q."

"Parehas na kayong may sariling pamilya ni Kuya Xander."Madramang wika ko. Ewan ko ba basta bigla na lang akong nakadama ng lungkot ng makasal si Kuya Xander,akala ko kasi matagal pa bago siya magsettle down.

"Hey,ok lang yan,kahit ganon nandito lang naman kami! Hindi ka namin iiwan,magsabi ka lang sasamahan ka naming maghanap ng babae!"

"Thank you,Kuya. Pero wag na lang baka masapak pa ako nitong si Yleenna!"

"Kumain ka nga muna. Upo ka muna dito,baka nalipasan ka lang ng gutom."Aya sa akin ni Yleenna,mabait din siya infairness saka sobrang ganda.

Tumango lang ako saka nag-umpisa ng kumain.

#Xander

Sa wakas kasal na kami ni Sam,akala ko hindi na ako darating sa puntong magsesettle down ako.

Hindi ko naisip na darating pa ang panahong to!

Akala namin ni Q hopeless case na ako,pero hindi pa pala. May pag-asa pa pala.

"Anong iniisip mo?"Malambing na tanong ni Samaya sa akin.

"Ikaw."Walang gatol na sagot ko.

"Halimaw ko naman ee!"Nagdadabog na wika niya.

"Ikaw lang naman palagi ang nasa isip ko,wala ng iba pa."

"Naman ee,ang mais mo talaga!"

"I love you,Samaya. I love you very much!"

"I love you too.."

Masaya kaming naglalambingan ng bigla kaming nakarinig ng kalabog sa likuran namin.

"Q?"

"Walang forever!"Malamig na wika nito!

Talaga naman tong lalaking to! Panira na naman ng moment!

"Lasing ka na!"Dinig kong wika ni Sam,akmang lalapitan niya ito pero pinigilan ko.

"Ako na lang!"Sabi ko kay Samaya saka nilapitan si Q."Hey,what happened?"

"You got married thats what happened! Kala ko ba walang kwenta ang mga babae,kala ko ba panira lang sila ng diskarte!"

Palihim akong napatingin kay Samaya. Pero wala akong makitang kahit anong ekspresyon sa mukha niya."Mauna na ako sa room natin,Xand! Q,mauna na ako!"Saka umalis na siya,naiwan kami ni Q,naman ee kasal ko ngayon.

"Q,pwede naman magbago ang mga pananaw natin sa buhay,gaya ko,I love Sam,kahit ano pang sama ng trato ko sa kanya noon. Still nandiyan siya. Diba nga tinulungan mo pa akong makuha siya. Pinagselos nyo ako.. Please wag na nating gawing big deal ang lahat ng to. Di ka ba pwedeng maging masaya para sa amin."

"Sorry Kuya,nalulungkot lang ako. Ayaw ipakita sa akin ni Wrixie ang anak ko! She hates me so much!"

"Gusto mong pag-usapan?"

Umiling lang ito. "Ayaw ko,hindi ko siya gustong pag-usapan! Yong bata lang naman ang gusto ko!"

"Yong bata lang talaga?"Nang-aasar na tanong ko sa kanya."Ikaw ha,naglilihim ka na!"

"Stop it Kuya! Puntahan mo na nga si Sam,baka magalit yon,kapag nagtagal ka dito sa labas."

"Oo na,baka maoutside the kulambo ako dahil sayo! Buntis pa naman yon. Minsan may mga trip siya."

"Congrats Kuya,Im so happy for you. Totoo yon masaya ako kasi sa wakas nagbago ka na!"

"Sana darating din yong time na magiging masaya ka Q!"

"Sana Kuya."

Niyakap ko siya ng mahigpit,alam ko malungkot siya."Pano puntahan ko na si Sam."

Tumango lang siya,this time bakas na mukha niya ang saya."Congrats again Kuya. Tell Sam,sorry sa mga sinabi ko kanina."

Tumango lang ako saka umalis na para puntahan si Samaya.😍

Continue Reading

You'll Also Like

248 60 18
Marami ang nagsasabi na kapag lumagpas ng limang taon ang relasyon ay swerte nyo ng dalawa, pero may darating at darating na pagsubok pagsumapit ang...
133K 3.8K 54
(Under Editing All parts) Date of write: February 2020 Date publish: June 28 2021!!!! End: May/28/2022 Mafia series 2
904K 20.6K 30
I'm beautiful,sexy and one of the most influential famous actress, hanggang sa makilala ko ang pinaka antipatikong lalaki sa buhay ko,wala itong gina...
149 35 7
UPDATED VERSION! If you are looking for something to read. Here is some list that you must read! Some of them are still on-going. Let's support these...