The Charmer & The Sweetheart...

By fiLYIpina

57.6K 758 238

Once you have loved, you will always love. For what's in your mind may escape but what's in your heart will r... More

TCTS Chapter 1
TCTS Chapter 2
TCTS Chapter 3
TCTS Chapter 4
TCTS Chapter 5
TCTS Chapter 6
TCTS Chapter 7
TCTS Chapter 8
TCTS Chapter 9
TCTS Chapter 10
BONUS STORY
TCTS Chapter 11
TCTS Chapter 12
TCTS Chapter 13
TCTS Chapter 14
TCTS Chapter 15
TCTS Chapter 16
TCTS Chapter 17
TCTS Chapter 18
TCTS Chapter 19
KITOS
PART 2
TCTS 2 Chapter 1
TCTS 2 Chapter 2
TCTS 2 Chapter 3
TCTS 2 Chapter 4
TCTS 2 Chapter 5
TCTS 2 Chapter 6
TCTS 2 Chapter 7
TCTS 2 Chapter 8

TCTS Chapter 20

964 25 13
By fiLYIpina

Mika: Are you driving?

Jeron: Well... yeah... heading home.

Jeron lied.

Ang totoo niyan ay nasa tapat na siya ngayon ng bahay nina Audrey. Gusto niya itong kausapin ng personal at bisitahin na din para malaman kung ano talaga ang totoong kondisyon nito.

Mali na pagsinungalingan niya si Mika pero wala na kasi siyang maisip na dahilan. Matagal na nilang napag-usapan na wag ng alalahanin ang tungkol kay Audrey pero parang nakaramdam siya ng guilt ng malaman nito ang balita.

Pakiramdam niya ay siya ang isa sa mga rason kung bakit nakaganito ito. Kaya naman gusto nalang sana niyang sarilinin ito at wag ng pag-alahanin pa si Mika.

Bumaba na siya ng kotse at nag-door bell. Agad naman siyang pinagbuksan at pinapasok ng isang matandang babae dahil biglang bumuhos ang ulan.

Lola: Ay susmaryosep, umulan. Halika pasok.

Jeron: Ah, good evening po. Bibisitahin ko po sana si Audrey. Pasensya na po kung gabi na, gising pa po ba siya?

Lola: Ikaw ba si Jeron?

Jeron: Ah, opo.

Lola: Kay gwapong bata. Ako nga pala ang lola ni Audrey. Ikaw pala ang lalakeng lagi niyang bukam-bibig?

Jeron: Ahmm...

Lola: Halika sa sala, dito tayo mag-usap. (iginiya si Jeron at pinaupo) Ito ang unang pagkakataon na nakita mo ako, tama ba?

Jeron: Opo.

Lola: Pero kahit ganun paman, ay marami na agad akong alam tungkol sa'yo. Gusto mo ba munang mag-tsaa o mag-juice?

Jeron: Salamat pero okay lang po.

Lola: Sige. (tumingin sa hagdan) Kanina pa tulog si Audrey. Nahihirapan kasi siyang matulog nitong mga nakaraang araw kaya pinaturukan nalang namin siya ng pampatulog. Yun ang abiso ng doktor niya. Isa pa, wala ngayon dito ang mama niya dahil may mga inaayos pa. (tinignan si Jeron) Gwapo ka palang talaga kaya hindi na ko nagtataka kung bakit nahumaling sa'yo ng lubos ang aking apo. Marahil ay matanda na ako para maging chismosa, pero ano ba talaga ang nangyari, hijo?

Jeron: Ang totoo po niyan, hindi ko din talaga alam. Biglaan po kasi talaga yung mga nangyari. Parang biglang naging ganun po si Audrey.

Lola: Close kami ng apo kong yan. Sa tuwing luluwas ako ay agad tatawag yan para kami daw ang unang makapag-bonding. Selosa kasi yun sa mga pinsan niya kaya ayaw ng ka-kumpetensiya.

Nagpatuloy si lola blah blah blah.

DORM..

Ara: So, okay na tayo?

Mika: Hindi nga kasi ako galit. Uminit lang talaga ulo ko kanina. Wala na yun.

Ara: Ang bipolar mo naman kasi these days, eh. Buntis ka ba?

Mika: Gago, shempre hindi! Baliw.

Ara: Ah basta, so okay na talaga tayo, ha? Hindi na 'to mangyayari? Wag ng iinit ang ulo mo.

Mika: Excuse me naman, ako lang ba? Ikaw kaya 'tong agad nag-iinit ang ulo. Pakialamera ka kasi masyado. Hahahaha joke lang. (niyakap si Ara)

Ara: Kung maka-ano naman.

Mika: Joke nga lang.

Michele: Yeee, bati na sila. Nga pala, Ye. 'Tong phone mo kanina pa nagri-ring sa taas. Baka emergency.

Mika: Ayy. Hello? Je.

Bahagya siyang lumayo kina Ara.

Jeron: Pinuntahan mo ba si Audrey?

Mika: Ha?

Jeron: Pupunta ako ngayon diyan.

Mika: Alam mo namang bawal.

Jeron: Did you go to Audrey's?

Mika: Wait, are you mad? Fine, I know I wasn't supposed to go there, but I had a reason.

Jeron: What reason? I told you not to go near her. You know what she's capable of.

Mika: She didn't hurt me, ok? At isa pa 'pano mo nalaman?

Jeron: I... visited her earlier.

Mika: Hah! Ok. So, nagagalit ka sakin dahil pumunta ako dun, gayong ikaw pumunta din pala?

Jeron: Hindi ako galit. Nag-alala lang ako dahil baka kung anong ginawa niya sa'yo. (sigh) Let's not fight on the phone. We'll talk tomorrow.

Mika: Who says we're fighting? You are the one who is mad here.

Jeron: Seriously, I'm not mad. I'm sorry sa approach ko, nag-worry lang talaga ako.

Mika: Sorry din. Usap nalang tayo bukas after ng training ko. Palamig ka muna ng ulo.

Ara & Michele: LQ?

Coach: Bumabalik na ang sigla mo, Reyes, ha. Continue lang yan.

Nagsasalitan ng spike sina Ara at Mika.

Ara: Wait hiningal ako. Tubig muna tayo.

Mika: Geh.

Ara: (inom ng tubig sabay pahid sa pawis) Magkikita ba kayo ngayon?

Mika: Oo, yun ang sabi niya.

Ara: Alam niya ba ang lugar na 'to? Dito ba kayo magkikita?

Ang tinutukoy niya ay ang gym kung nasaan sila ngayon. Hindi pa kasi nila magamit ang mismong court ng La Salle dahil inihahanda pa para sa "big game" bukas.

Mika: Tinawagan ko na siya. Alam niya naman daw 'to.

Ara: Wala na akong masyadong balita sa inyo, ha? After ng game, chikahan mo ko.

Mika: Basta chikahan mo din ako tungkol sa inyo ni Thomas?

Ara: Asa. Wala nga kaming ano nun! Kayo lang 'tong assuming, eh. (walk out)

Mika: Suplada.

Ilang oras pa ang lumipas ay natapos na din sa wakas ang training nila. Kanya-kanya na sila ngayon sa paghahakot ng mga gamit para bumalik sa dorm. Pasakay na ang lahat sa bus at si Mika nalang ang naiwan.

Aby: Ye! Minutes lang, ha? Balik ka agad sa dorm, maaga pa tayo bukas.

Mika: Yup! Mabilis lang 'to. Bye.

Aby: Ingat ka.

Nasa katabing coffee shop siya ngayon naghihintay. Nag-order na din siya ng sariling pagkain.

Minutes and seconds had passed pero wala parin si Jeron. Kanina pa siya nagda-dial pero walang sumasagot. Makailang beses na din niya itong tinext.

Maya-maya, tinawagan na siya ni Michele at sinabihang umuwi na dahil nagpatawag ng biglaang meeting si coach.

Agad naman siyang nagmadaling umalis.

GAME DAY

Michele: Bakit parang hindi ko nahahagilap sa crowd si Papa Je? I can see Papa Thom, Dave and Bryan from here. (nagwave-wave) Hi!!

Ara: Oo nga, Ye. Manunuod ba siya? Ay! Oo nga pala, manunuod talaga yun.

Hindi kumibo si Mika. Nagpatuloy lang siya sa pagse-stretching.

Kung maari, ayaw na muna niyang isipin ang tampo niya kay Jeron.

Una, sa hindi na nila pakakaroon ng time together. Pangalawa, ang hindi nito pagsipot sa usapan nila kahapon. At pangatlo, ay ang hindi nito panunuod ng laro niya ngayon.

Mahalaga para sa kanya ang game na ito. Championship na at ito ang pinakamahalaga sa lahat.

Kitang-kita at dinig na dinig ni Mika ang cheer ng mga tao. Pero parang wala siyang gana ngayon. Hindi niya alam kung mag-aalala o magagalit ba siya kay Jeron.

Pero...

Mika: Kaya 'to!

Ara: Ano yun, Ye?

Mika: Galingan natin. Gawin na natin lahat! Basta tiwala lang tayo sa Kanya. Ok?

Ara & Michele: Yes! Tiwala lang.

Aby: Company call! Company call!

At agad silang lumapit kay Aby. Pagkatapos ay kinausap sila ni Coach at nag-stretching saglit at yun na! Umpisa na ng laro at isa-isa na silang tinawag.

The usual na nangyayari, pagkadinig sa pangalang Mika Reyes ay todo hiyaw na agad ang mga fans.

First set palang ay abante na agad ang score ng La Salle. Halos nangangalahati na agad ang mga ito kontra NU.

Pagdating ng second set, ay biglang bawi naman agad ang Lady Bulldogs. Pero di natinag ang Lady Spikers pagdating naman ng third set.

Nasa kalagitnaan na ng huling laban ng magtime-out.

Coach: Good job. Magaling ang pinapakita niyo. Tapusin na natin 'to. Satin na 'to.

All: Yes, coach!

Panay ang tingin ni Mika sa audience. Sa tuwing titingin siya ay agad nanghihiyawan ang mga batang estudyante na nasa harap na inakalang sila ang tinitignan. Plz staph.

Ara: Wala parin ba?

Mika: Ha? Focus nalang tayo. Dali na.

20-14 na ang score sa last set. Shempre in favor of La Salle.

Naging mabilis ang laro and hell yeah! Gaya ng inaasahan ay champion na naman ang La Salle! Wooh!

Announcer: And De La Salle have it! Another championship trophy for La Salle!

Crowd: Woooooooh!!!!!

Isa-isa ng sinuotan ng medal ang mga Lady Spikers at sa huli ay tinanghal na MVP ang nag-iisang-dyosa-sino-pa-ba Mika Aereen "Yeye" Reyes! Galing!

At hindi magkaugaga sa paghiyaw ang mga fans. Dumadagundong na ngayon sa loob ng Araneta. Mahihiya ang producer ng World Cup sa lakas ng cheer nila. Nyahaha!

Nagyakapan ang lahat at wala ng ibang maaaninag kundi ang mga nagsilakihang camera at halos maging disco bar na ang coliseum sa lahat ng flash. Ayaw na ayaw pa naman ni Mika ng flash. -_-

Michele: Grabe, I'm so tired! But definitely worth it. Thank you, Lord!

Ara: Ako parang hindi ako pagod. Busog na busog ako. Grabe yung pagkaing hinanda sa school!

Hawak-hawak pa ni Ara ang tiyan. Ngumuso naman si Michele sa direksyon ni Mika. Nakatingin ito sa cellphone niya.

Ara: Tawagan mo na kaya.

Mika: Sino?

Ara: Parents mo. Baka namimiss mo na sila.

Michele: Hahahaha!

Mika: Mga sira!

Ara: Shempre, alam mo na kung sino ang ibig naming sabihin. Kung hindi pa nagpaparamdam, edi paramdaman mo! Pride-pride pa kasi, eh.

Mika: Excuse me?!

Ara: (tingin kay Michele) Kita mo suplada?

Michele: Arabels right. For sure may definite na reason si Papa Je kung bakit he didn't watch kanina. Di ba, loyal yun? When he was courting you, he can't afford to miss your game. Talagang he watch pag may time. For sure now, may reason naman. Don't be mad at him nalang.

Ara: Hindi kita naintindihan, alam mo ba yun? Conyo mo.

Michele: (hinampas si Ara) Gags!

Mika: Alam niyo, hindi naman ako galit, eh. Oo, aaminin ko may tampo talaga ako sa kanya, pero hindi ako galit. Mas nag-aalala pa nga ako sa kanya ngayon, eh.

Ara: Kaya nga tawagan mo na!

Mika: Kahapon ko pa siya ilang beses na tinatawagan pero wala naman akong nakukuhang sagot. Peste.

Michele: Di ba nga, you told us na parang sira yung phone niya something...

Ara: Ay oo nga.

Mika: Mayaman yun. At tsaka, hello? Hindi ba siya pwedeng makitawag o makitext man lang? Kainis.

Michele: You know what, puntahan mo nalang kaya bukas sa kanila. Or baka bukas sa school you'll see him na. Magkakatime na kayo nito since tapos na ang game natin.

Di na sumagot pa si Mika.

Kinabukasan...

Jeron: I'm really really sorry, babe. This is for you.

Humalik si Jeron sa noo, sabay abot sa isang boquet ng bulaklak. Nasa school sila ngayon.

Kahapon ng gabi, ay sa wakas tumawag din si Jeron. Nag-explain ito sa kadahilanang hindi daw niya magamit ng maayos ang phone niya. Kusa nalang itong namamatay kahit hindi ino-off.

A part of his "alibi" was true and the other half wasn't. You'll read why, later.

Mika: Ano 'to suhol?

Jeron: Grabe? Sige, sabihin na natin na pambawi ko yan. I'm really sorry, I know that was really stupid. From my call, to the ditch part and about yesterday. But I watched you! On replay nga lang, hehe. You were super duper great. I am so proud of you, my MVP. (hinawakan sa kamay si Mika)

Mika: Alam mo bang nakakatampo ang ginawa mo? Pakiramdam ko tuloy parang wala na akong halaga sa'yo.

Jeron: Asus! Sweet naman ni Reyes. Gustong-gusto ko talaga yang nagtatampo ka. Mas cute ka lalo.

Mika: Wag mo na nga akong inaano diyan. Tsaka, bakit bulaklak? Marami na ako nito sa bahay. Mapupuno na nga ang kwarto ko nito, eh. Bili ka na pagkain dun!

Jeron: Palautos! Oo na. Hahaha love you. Teka lang.

Tawa-tawa naman si Mika sa kinauupuan niya.

Nakapila na si Jeron sa cafeteria ng biglang makita niya si Audrey sa di kalayuan. She was approaching him. Agad niya din naman itong nilapitan.

Jeron: What are you doing here? (patingin-tingin sa direksyon ni Mika)

Audrey: Relax. I didn't go here to make any scene, again. I just wanted to say thank you. On you and on Mika.

Jeron: What?

Mika: Thank you for yesterday. I really appreciate it. I honestly didn't expect you to visit me and be with me for a very long amount of time. Plus...

Jeron: Mika have no idea about that. And please, I don't want her to know.

Audrey: Of course. I understand. That's why I came here to explain everything to her. Can I?

Jeron: She didn't ask me anything, so it's okay.

Audrey: I insist. Please?

Di na nakatangi pa si Jeron. Pagbalik nila ay naabutan nila si Mika na nagbabasa. Nagpatiuna si Jeron.

Mika: Ang tagal m-mo...

Nagulat siya ng makita si Audrey sa likuran ni Jeron. Agad siyang napatayo.

Audrey: Can I talk to you? Just the two of us.

Tumingin muna si Mika kay Jeron. Wari'y nagtatanong.

Mika: Sige. Upo ka.

Naupo si Audrey sa harapang upuan. Naupo na din si Mika pagkatapos. Nakita din nito si Jeron na lumayo saglit.

Audrey: First, I want to congratulate you. As well as your team. (nahihiyang ngumiti)

Mika: Wait, are you ok? I mean... are you allowed to go out, already? I mean...

Audrey: It's okay. I know what you're trying to say. But to make you feel better then yeah! I'm fine. Well, I think I'm better now.

Mika: O-okay.

Audrey: Sorry if I interrupted you both. Now's just the right time to say my apology before I leave.

Mika: Leave?

Audrey: Mom and I are leaving for Thailand tomorrow. And we're staying there for good. So, before it happens, I just want to say sorry. I am really sorry, Mika. I shouldn't have done that. You know, those crazy stupid actions of mine. I made such a huge mistake, I know. And so... I am sincerely, asking for your forgiveness. Will you forgive me?

Ilang segundo din siyang tinitigan ni Mika.

Audrey: I know masyadong makapal ang mukha ko para hinggin agad ang tawad mo, kaya sige... kung hindi ka pa talaga handang patawarin ako or kung hindi mo na talaga ako mapapatawad, then I understand. Alam kong sobra-sobra na yung gulong nagawa ko sa buhay mo... sa buhay niyo.

Mika: Hindi ako nagtatanim ng sama ng loob kaya pinapatawad na kita.

Audrey smiled.

Mika: Pero hindi pwedeng hindi ako gumanti sa'yo.

Audrey: (nawala ang ngiti) Ha-ah?

Mahina at mabilis na hampas sa kamay ang binigay sa kanya ni Mika.

Mika: Maldita! (sabay tawa) Ok na yun. Wala na sakin lahat ng yun. Gaya ng sinabi ko sa'yo dati, hindi ako galit. Gusto ko lang na marealize mo kung ano yung mga maling ginawa mo. Gusto kong ikaw mismo ang maka-diskubre nun. At ngayon, natutuwa ako dahil nyay! Sa wakas nasundot mo din. Hahaha! Hindi, pero seryoso, masaya ako dahil ok ka na. Aasahan ko na wag ng mauulit 'to ha?

Audrey: Promise! Friends? (inilahad ang kamay)

Mika: Hmmm, hindi ba awkward na makipag-kaibigan sa ex ng boyfriend mo?

Audrey: Ahhh..

Mika: Joke lang! Haha shempre naman! Friends. (nagshake hands)

Ara: Ye!!!

Si Ara papalapit.

Ara: Anong?

Mika: Ay, nga pala. Ars, this is my new friend, Audrey. Audrey, this is one of your haters, Ara.

Napangiwi si Audrey.

Ara: Huuuh? Nananaginip ba ako? Di ba nga nabaliw yan? (pasimpleng sabi niya)

Mika: Audrey, sabunutan mo nga.

Audrey: Afraid! Hahaha.

Ara: Wait teka magulo. Bati na kayo? As in peace? As in?

Mika: Kulit mo. Upo ka na nga!

Audrey: Uy, sorry Ara, ha? Dun sa you know.

Ara: Totoo ba 'to? Baka mamaya pinaplastik mo lang kami ha? Makakatikim ka talaga sakin.

Audrey: Gusto mo bang luhudan pa kita dito? Gawin ko na. (tumayo at aakmang luluhod)

Ara: Hindi ka pa ata magaling, eh. Lokaret ka, naniniwala na ko. Kanina ko pa kayo pinagmamasdang dalawa dun kasama si Jeron. Lumapit na ako ng makita kong tatawa-tawa na 'tong isa ko pang baliw na kaibigan. Seryoso, ok na kayo?

Mika & Audrey: Oo nga!!!

Ara: Pasigaw?!

At sabay-sabay pa silang nagsitawanan.

Hays! Ang saya lang pag ganito.

Week after...

Thom: Bro naman, hanggang kailan mo ba kami hindi papansinin? Para tayong mga bata nito, eh.

Nasa isang private resort sila ngayon na pag-aari ng pamilya ni Michele. Naisipan nilang magpalipas ng araw dito. Kasama din nila ang the rest of the gang.

Bryan: Nga naman, bro. Pati pala ako damay? Sana nung nag-away-away kayo, sila-sila lang. Ba't pati ako di mo na pinansin?

Dave: Bro, sorry na. Dehinds na yun mauulit.Tsaka tagal na nun, oh. Nagkaayos na nga sina Mika, eh.

Jeron: Tsk. Wag niyo nga akong guluhin.

Abala siya sa paglalaro sa kanyang cellphone. Maya-maya dumating si Mika.

Mika: Excuse me, boys. Pwede ko bang mahiram saglit ang boyfriend ko?

All: Woaaaaah! Sure. Sure.

Jeron: Saan?

Mika: Basta. Lika! (sabay hawak sa bewang ni Jeron, and vice versa) You'll love this.

Jeron: Really? Ngayon na? Hihi exciting 'to!

Mika: Gags, kakalbuhin kita kapag hindi mo tinanggal yang maduming iniisip mo.

Jeron: Wala naman ah!

Mika: Umayos ka.

Ngi-ngisi-ngisi lang si Jeron.

Matapos ang ilang hakbang ay nakarating na din sila sa kanilang destinasyon.

Sa room nina Mika.

Jeron: Hmmm.. ikaw ha? Pilya ka.

Mika: Anong sinasabi mo?

Jeron: Kwarto niyo 'to, di ba? Tas tayong dalawa lang... hmm.

Mika: (binatukan si Jeron) Abnormal ka talaga! Gusto mong mawalan ng girlfriend? Ha!

Jeron: Ang bigat talaga ng kamay mo sakin. Joke nga lang. Ano ba kasi meron? Swimming nalang tayo sa labas.

Mika: Wait may kukunin lang ako dun sa drawer sa kabilang kwarto.

Jeron: Kaninong kwarto?

Mika: Kay Ara.

Jeron: Okay.

Mika: Baka matagalan ako. Alam mo naman yun, di ba, machika?

Jeron: Oh. Okay.

Mika: Ok lang?

Jeron: Oo naman.

Mika: Sige!

Nagpalakad-lakad muna si Jeron si buong kwarto. Patingin-tingin sa labas ng bintana and all. Nagawa niya na ang lahat ng klase ng posisyon ng pag-upo pero di parin dumadating si Mika.

Maya-maya...

Mika arrived. Naabutan niya si Jeron na nakatayo paharap sa bintana. Tinitigan niya ito saglit at dahan-dahang nilapitan at walang paabisong niyakap sa likuran.

Jeron: Oh?

Mika: Mahal mo talaga ako, noh?

Humarap si Jeron.

Jeron: What are you saying? Of course, I do.

Mika: Matagal akong hindi nakabalik pero hindi ka padin umalis.

Jeron: San ka ba kasi galing?

Mika: I love you so much.

Jeron: (tumitig at niyakap si Mika) Ba't ka sweet? I love you very very much.

Mika: Tumawag si Audrey kaya ako natagalan, regards daw. Kinukumusta niya tayong lahat.

Nakayakap padin sila sa isa't-isa.

Jeron: I love you so much.

Mika: Bakit mo nga ulit ako mahal? (naglalambing)

Jeron: Simple lang... kasi mahal kita. Wala ng iba pang rason.

Mika: Sabi mo, mas mahal mo ko. Pero mali, mas mahal kita. Yun ang totoo.

Jeron: Wow, I can't believe this.

Mika: At bakit, ha?

Jeron: Look at everything now. Before, hindi pa tayo magkakilala. Hanggang tinginan lang tayo lagi kapag nagkakasalubong sa school. Until nameet kita sa library. Nagalit ka. Sinupladahan mo ko. Sinabihan mo kong typical at hindi mo ko gusto. Hanggang sa mas nakilala kita at sinuyo pa lalo. Pinagtaguan mo pa ko nun, dahil sabi mo di ka pa ready. Pero anong nangyari? Binigay mo parin sakin ang tiwala't pagmamahal mo. Kaya mas napressure tuloy ako nung sabihan mo ko ng I love you.

Mika: Kung mahal mo ko, bakit ka nagsinungaling nun sakin? Sabi natin sa isa't-isa hindi na natin kakausapin si Audrey pero pinuntahan mo pa din siya.

Jeron: Okay so, sukmatan pala tayo ngayon. Geh nga, ako lang ba ang pumunta sa kanya? Di ba ikaw din? Di ba?

Mika: Well... oo nga, pero yun ay dahil gusto kong matapos na 'tong lahat.

Jeron: Bakit mo gustong matapos na 'tong lahat?

Mika: Kasi ano... kasi... importante ka sakin. Ako lang ang girlfriend mo kaya gusto ko na ako lang din ang laging inaalala mo at hindi na ibang babae.

Jeron: Bakit?

Mika: Ano ba! Puro ka bakit.

Jeron: Hmmm... kasi mahal mo ko.

Mika: Tama na nga 'tong ka-corny-han na 'to.

Jeron: Umamin ka nagselos ka ba kay Audrey dati? Hmm?

Mika: Gago, ba't ako magseselos?

Jeron: Nakakasakit ka na talaga ng ego.

Mika: Arte! Okay sige! Oo na.  Eh, sa mahal na mahal kasi talaga kita. Mas mahal!

Jeron: Naks. Kiss mo nga ako....

At walang kaabog-abog na hinila niya ito sa leeg at saka hinalikan sa labi.

Ilang sandali pa ay parang nagkaroon sila ng sariling mundo. He was caressing her back and face while kissing. It was a long kiss, not until Jeron's phone rang.

Jeron: (napahilamos ng mukha) Nak nang...

Mika: Hahaha sagutin mo na.

Jeron: Tsk. Oh bro?

Bryan: (on the phone) Where are you, pare? Kainan na dito. Kasama mo ba si Mika diyan?

Jeron: May tadyak ka sakin mamaya.

Bryan: Woah woah woah relax. Ok ok na! Enjoy mo nalang muna yan, kwentuhan mo nalang kami mamaya. Hihihi.

Jeron: Ulol, sunod na kami. (pinatay na ang phone) Tuloy na natin?

Mika: (hinampas so Jeron) Perv! Hahaha tara na, tinatawag na tayo.

Tatalikod na sana si Mika pero agad siyang hinapit ni Jeron sa bewang and kissed her again.

She readily accepted his sweet kisses once more.

Ngayon niya napatunayan na totoo pala talaga ang mga nababasa niya sa libro. Dapat ay huwag siyang maghahanap ng Prince Charming sa kung saan-saan dahil for sure wala siyang mahahagilap.

Just look at what happened to her. Hinayaan niyang gawin ni Kupido ang trabaho nito and viola! May happiness pala talaga sa totoong buhay.

Mika: I love you so much, my charmer.

Jeron: I love you more, my sweetheart.

Speaking of Kupido, he deserved a salary increase. ♡

-THE END-

A/N: Thank you readers! Till next time! ツ

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 75.2K 35
PeƱablanca Series #2: Rebel Hearts "Go, rebel on me, love." Young, wild and rebellious, Revelia, entirely lived with the belief of celebrating her yo...
156K 3.1K 73
She's Floricel Valencia Tahimik na buhay lang ang tanging gusto nya kaya nag paka layo layo sya sa pamilya nya. Pero talagang mapag laro ang tadhana...
141K 11.3K 171
Si Austin Louis Vermilion, ang main character na ipinanganak na maganda,sexy, matalino-pero syempre charot lang yun! Walang ganun sa story na 'to! OK...
176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...