Saan na pupunta si Dragon? Parang ilang minuto pa lang sya na nawawala ah?
Kanina gustong gusto ko na syang lumayas pero ngayon...
Naguguluhan ako if I really wanted him to leave and go back to the dark side. Nakakaguilty lang kasi bigla. Parang he was willing to change if I am willing to help pero I rejected him so bumalik na lang ulit sya.
Naku po, baka di ako tanggapin sa langit nito
""Hoy pinapabigay ni Dragon""sabi ni Lou tapos may inabot sya sa akin na envelope
"Ano to?" tanong ko sa kanya
""Aba malay ko? Pinapabigay nga lang diba, did I say na pinapatingnan nya din?"" pilosopo nyang sagot
Eh kung ilaglag kaya kita sa labas ng bintana? -_-
Next time ko nalang babasahin
Linagay ko na lang yung envelope sa loob ng luggage ko at medyo inayos ko na yung mga gamit ko
""Sis...""
"Bakit nanaman ba?" masungit kong sagot sa kanya
""PMS ka ba? Hirap maging pogi, laging sinusungitan"" padabig nyang sagot tapos binato nya ako nung Molang stuffed toy
"Binato ba kita? BAKIT NGA? Dami mo pang sinabi eh!" sigaw ko sa kanya
""Sorry na oh. Kilala mo si Jane diba?"" tanong nya sa akin
Uhmm...
Jane...
Sino ba ulit yun?
"Salvador?" tanong ko
""Oo yun""
"Bakit? anong meron?"
""Eh kasi... liniligawan ako""
"HUH?? Lakas mo naman!"
""OA mo naman. Ayaw mo pa maniwala eh alam mo namang mahilig maghabol yun"" sabi nya tapos tumayo na sya tapos lumabas ng kwarto ko
Oo nga pala naging schoolmate sya ni Lou nung grade 10, 11, at 12. Kainggit, di ko naexperience yung mga prom, grand ball, at kung ano anong party sa Lily Academy. Masaya daw
Back to the topic. Well, totoo nga naman
Mahilig sya maghabol tulad nung kay Ga-
Nevermind
Ilang days ba ako sa Pilipinas? Ughh one way ticket lang kasi ticket ko :|
Dun na kaya ako magstay? Kaso masaya trabaho ko dito sa Japan eh?
Madaming bitch sa branch ng company namin sa Pilipinas eh. Nakakaasar mga pagmumukha nila hahaha
Uh... may tunatawag sa phone ko. Pa epal nanaman!
Bakit tumatawag si Ciel?
------------------
Ciel calling...
"Hi Ciel! do you need anything?"
""I'll be leaving your company, Chinen-san""
"Why? Is the salary too low?"
""Iie... Personal matters""
"Well, if that's what you like"
""Thank you for everything. Sayonara""
call ended...
------------------
Bakit kaya sya nagresign? Ano kayang yung personal matters na yun? Di kaya dahil yun kay ateng nabangga ng side mirror? :OO
AY NAKO! personal matters nga diba?! Bakit ba gusto ko pang malaman?
Ano ba kasi connection nya kay Dragon?
Kapatid?
O baka naman iisa lang sila?
EWAN! Bakit ba inaalam ko pa?
Lesson learnt na ako!
Wag masyado makialam para hindi madamay ng lubos
Aayusin ko na lang sarili kong mga problema
Wait,may problema ba ako?
""Sis nandyan na si bunganga sa gate"" sabi ni Lou pag akyat nya tapos nahiga sa kama ko at nagtakip ng unan sa mukha
"Ikaw bumaba!" sigaw ko sa kanya
""Ayoko nga!"" sigaw nya din sa akin
"Bwiset eh di wag na lang buksan" sabi ko tapos nahiga din ako sa gabi nya at nagtakip ng kumot
*ring ring*
"Uy sagutin mo phone mo" sipa ko kay Lou
""Ayoko. Mamaya sya yun eh"" sagot nya naman
"At ano naman ang pakulo mo? Kunwari tulog tayo? BABA!" sigaw ko sa kanya tapos nagtakip na ulit ako ng kumot at unan
""Aish oo na po boss"" sagot ni Lou
***Lou P.O.V.***
Yung babaeng yun talaga! Sino ba talaga ang panganay sa amin? Hiyang hiya ako
I don't like to deal with our mom. She's so cocky and annoying.
Ito namang epal na Misty na to, ako lagi pinapaharap -_-
Laking tuwa ko na nga na pinalipat nya kami ng bahay eh, tapos ngayon pupuntahan pa nya kami lagi? Tapos kada punta nya may kasamang utos ANO BA YAN?
Pero...
Nakakamiss din pala kasama tong kakambal na to. Wala nang nagluluto para sakin. Kaya yun, umuuwi lang ako sa bahay ko para maligo at matulog. Parang dito na din ako sa bahay nya nakikigulo
Buti na lang wala pa syang boypren, walang kahati sa attention nya. Ay! Meron na nga pala kaso wala dito :/ Wawa naman to, minsan na nga lang may pumatol, LDR pa
Ay ano ba yan!Ang kulit naman. Kelangan bang rapin yung doorbell? Di uso maghintay?
Tumakbo na ako papalapit sa gate para buksan
""Unli ka ba?"" sabi ko pagbukas ko ng gate
"Eh ang tagal nyo eh!" sigaw sa akin ni mom
Hay nako -____-
Sakal na sakal na talaga ako dito kahit 21 na kami.
"Alagaan nyo si Yumi" sabi nya tapos pumasok na yung bata sa loob. Ay? Feel at home?
""Gugutumin namin"" sabi ko tapos sinara ko na yung gate
Hay nako. Aalagaan nanaman namin tong napakakulit na batang to. Pag nagka anak akong ganito, itatapon ko kaagad yun. Gawa na lang ulit kami ng bago ng magiging asawa ko, masaya pa sya.
"Onee-chan!" sigaw sa akin ni Yumi na pagulong gulong sa fluffy na carpet ng sala ni Misty
Bakit ba kasi mukhang child friendly bahay nito? Puro stuff toy tska mga fluffy things kahit san tumingin -_-
Sa bahay ko kasi isang maling galaw mo lang untog ka na eh
Di ko sya pinansin tapos umakyat na ako sa kwarto ni sis tapos sumunod si bata
Di talaga ako mahilig sa bata tulad ni Misty pero manageable naman sa iba eh. Kaso dito nakakaurat na talaga eh
""Siiiis! nandito na yung bata"" sigaw ko pagpasok ko
"Natutulog ako" sagot nya sakin
Nakatulakbong sya ng kumot at unan nya
"Woooow onee-chan's room is so kawaii~" sabi ni Yumi pagsilip nya sa kwarto ni Misty
Yung totoo, ilang taon na ba talaga tong kakambal ko na to?
Pano ba naman puro pastel pink, light pink, at white tong kwarto nya. May fluffy na carpet yung buong kwarto nya tapos may mga bean bags sa kabilang side tapos yung kama nya pang prinsesa. Gusto nya pa yung may parang kurtina na ewan. Tapos kalat kalat yung mga stuffed toy nya na iba iba ang size. Palibhasa malinis kwarto nya
Yung makeup table nya naman white tapos may ilaw. Ano bang problema nito sa buhay nya?
May malaki syang flatscreen TV pero naka connect sa CPU kasi hindi naman daw sya nanonood ng TV. Laro lang ata pakinabang ng TV nya eh?
Dun sa isang side may mga strings tapos naka clip yung polaroids nya. Corny nitong babaeng to! Puro kamukhaan nya tapos may isa pang malaking portrait nya sa isang side
I almost forgot, two bedrooms nga pala tong bahay na to. Isang master's bedroom at ito na ngang kwarto nya yun at yung maliit naman na kwarto ginawa nyang CR at closet and dressing room nya
Daming ka anes-an nitong babaeng to! Yung bahay ko nga masabi lang na may kama, ref, at upuan okay na eh! Katamad kaya mag ayos ng bahay. Kaya nga gusto ko kasama ko sya lagi sa isang bahay eh
""HOY GUMISING KA ALAGAAN MO TO"" sigaw ko sa kanya tapos dinaganan ko sya
"Ouchh~ ang bigat mong piggy ka" sabi nya tapos tinulak nya ako
Sarap talga asarin nito! Hahaha
Tumayo sya tapos pumunta sa CR para ayusin itsura nya
Kelangan talaga mukhang maganda pa?
""Why do you look like poop?"" tanong ko kay Yumi na pinaglalaruan yung dango stuffed toy
"Yaaaaa!! Bad!" sigaw nya
Sakit naman sa tenga nito! Manang mana kay mom! leche!
"Hoy wag mo awayin, baka magsumbong kay monster. Torturin na lang natin muahaha" sabi ni Misty pagpasok nya
Buti na lang di pa masyado nakakaintindi ng tagalog tong bata na to. Loko loko din tong Misty na to eh, napaka sadista kahit kelan
Nahiga lang kami ni Misty sa kama nya at pinabayaan lang si Yumi. Di naman sya mamamatay dito, napaka safe naman kasi ng kwarto ni twin. Unless na lang marunong sya na magbukas ng pinto at mahuhulog sya sa hagdan.
"Nakaayos na ba gamit mo?" tanong ni Misty sa akin
Oo nga pala no? Sa isang araw na yung alis namin?
""Okay na yun"" sagot ko naman
"Gaano katagal tayo dun?" tanong nya
Aba malay ko? Kung pwede lang na dun na ako para malayo kay mom eh!
""Di ko alam. Minimum of one month"" sagot ko sa kanya
"Gusto ko yan" sagot nya tapos lumapit sya sa may hanging flat screen TV nya para maglaro.
Tumabi naman ako sa kanya kasi mas masaya maglaro pag may kalaban
•
•
•
Ayan na! Malapit na ang pagbabalik ni Misty sa Pilipinas! Ano kaya ang mangyayari? Hmmm :)
Don't forget to vote and comment
•
•
•
•
•
Talk to me on twitter! @riellepuff
©2014 LittleMissLM