Tuwing Umuulan (Marñigo)

By tephoney

816 34 24

"Magaling talaga siya sa at talento niya ang pagsisinungaling" More

Simula ng Ulan
Simula ng Pagpapanggap
Simula ng Nakaraan
Simula ng Lihim
Simula ng Kulang
Simula ng Kasinungalingan
Simula ng Kabaliwan

Simula ng Pagpapaalala

111 3 6
By tephoney

Ipapaalala ang nakaraan

Para maibalik ang nasimulan

Nagsimula ang pagtingin sa ulan

Pinatunayan ng 'sa sa halikan

___

Tasya

Nagising ako't nagpanic. Hala 9 a.m na. Kailangan ko ng maligo't mag-ayos ng sarili dahil alam kong nandun na sa Coffeebreak si Fiona.

Hindi nga ako nagkakamali dahil tumatawag siya.

"Hello?". Pambungad ko habang kinukuha ko ang tuwalya na nakasabit sa cabinet. "9 pa lang chaks. Mag-antay ka nga dyan"

"Pag-aantayin mo ba si Kelvic?". Hindi ko alam kung totoo ba ang sinasabi ng bestfriend ko dahil kapag nagbibiro siya'y natatawa siya.


"Parinig ng boses"

"Nag-cr pa siya. Sige na. Nag-aantay kami. Bilis". Kaasar. In-end niya na ang call.

Ang sabi ng cashier sa'kin ay tuwing 10 am pumupunta si Kelvic sa Coffeebreak. Ugh! Bahala dun si Fiona. Pinagtitripan niya lang naman ako.

Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko ay lumabas na ako ng kwarto. I am wearing hoodie sexy long sleeve croptop. Yes nakalabas ang pusod ko. The color is black and gray. Nakapants din akong denim.

Bumaba ako ng hagdan. Nasa panghuling baitang na sana ako nang makita ko si papa sa may sala na nanunuod ng tv.

Ngumiti ako't humakbang. "Papa Falcon". Tumingin siya sa'kin at kumaway.

Sa tuwing nakikita niya talaga ako ay tuwang-tuwa siya. Siguro ay dahil binibigyan ko siya ng matinding atensyon. Sana si mama ay ganun din ang binibigay niya kay papa kahit na hindi hinihingi.

Ang gusto ko lang ay maging masaya ang malungkot naming pamilya. Ang kakaiba naming pamilya.

"Saan pupunta si Tash-Tash ko?". Umupo ako sa tabi ni papa. Naka-pout siya. Ang cute-cute talaga niya. "kasama ko na lang palagi si Nars Wendy"

"Pa?". Sumandal ako sa balikat niya at napangiti ako nang hinalikan niya ako sa ulo. "mahal na mahal ka ni Tash-Tash mo"

"Mahal na m-mahal ko rin ang Tash-Tash k-ko"

Iniwanan ko ng halik sa pisngi si papa.

Lumabas na ako ng bahay at dumiretso sa garahe.

Pinindot ko ang remote keyless.

Habang tinatahak ko ang daan ay hindi ko maiwasang isipin ang nangyari sa akin kahapon. Hindi ko inakala na ang lalaking magpapasukob sa akin ng pulang payong ay hinalikan ako sa cr ng Coffeebreak, pinakilala sa lola niya na girlfriend niya ako kuno, nanuod kami ng sine at sinabihan akong ...

"I love you"

"I love you Tash"

I can't help but to smile pero ang weird niya lang 'di ba?

Galawang f*ckboy lang?

At parang ang libis lang.

Tumunog ang calltone ng phone ko. Kaya kinuha ko ang Mini Bluetooth Wireless Earphone at nilagay sa tenga ko then I press the button.

"Papunta na chaks". Sabi ko pero traffic pa. "mag-antay ka nga but it's traffic Fiona"

"Bilisan mo na nga dyan. Inaantay ka na ni Kelvic"

"Tsssss kapag ako napagtripan mo". Tumingin ako sa kalangitan. Makulimlim na naman ang ulap. Haysh. Mawawala ang ulan tapos pagkaraan ng ilang araw ang babalik na naman. "humanda ka sa'kin Fiona"

Tumingin ako sa labas ng bintana at kumalabog ang puso ko sa nakikita ko. Si Kelvic na nakahawak sa manibela ng kotse niya habang kumakanta. Hindi ko marinig pero alam kong sintunado siya. Pfffft~

I press the button. Awtomatikong bumaba ang bintana.

"Andyan ka pa ba chaks?". Tanong ni Fiona at in-end ko na ang tawag niya. Bahala siya dahil pinagtripan niya lang ako.

Medyo may pa-headbang-headbang pa si Kelvic at may pakagat sa lower lip niya. Ang hot niya talaga.

Bumilis ang tibok ng puso ko dahil ang ganda ng boses niya. Napaka-suya ko talaga eversince.

Napa-second look siya sa'kin hanggang sa pinatay niya ang tugtog.

"Andyan ka pala? Good morning Tal". Hindi ko alam. Basta ang alam ko lang mabuti ang pagkatao niya. Naramdaman ko yun kahapon at nakita ko pa ngunit isang araw lang yun pero parang pakiramdam ko'y matagal na kaming magkakilala.

"Good morning. Inaantay ako ni Fiona at traffic pa". At tumingin ako sa traffic light. Still red light.

Nagtaka ako nang bumaba siya sa kanyang kotse at nagulat ako dahil magkasing-terno na naman kami na ngayon ko lang napansin.

Lumapit siya sa bintana at tinignan ang loob ng kotse ko.

"Amoy cupcake ang air freshener ha?". Nakakaloka ang tawa niya. Ang sarap sa tenga. "kamusta? Mag-usap tayo habang inaantay nating mag-greenlight. Oh!". Natawa ako't napalungo dahil sa naging reaksyon niya ng makita ang suot ko. "sexy pero nakakabastos tignan"

"Bastos kung iisipin mo"

"Tama nga naman pero magka-terno na naman tayo. Is it meant to be?"

"Naniniwala ka sa meant to be?"

"Of course Tal. Naranasan ko na yun sa'yo". Natigilan ako. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Kikiligin ba ako o magtataka dahil seryoso siya ng sinabi niya yung sa'yo. "yung sinabi ko pala sa'yo kahapon , totoo yun ha? Mahal kita"

Hayan na naman. Dyusko!

Ang bagal-bagal na ng tibok ng puso ko. Nakakainis.

Kelvic

Kagaya dati ang naging reaksyon ni Tal nung inamin ko sa kanya na mahal ko siya. Everyone was sleeping but I can't sleep because of the rain. It was 1 a.m in the morning.

Nasabi kong katulad ako ni Sid sa Sid and Aya dahil hindi ako makatulog. Hindi dahil insomniac akong tao kundi dahil sa malakas na ulan so I call her.

"Oh bakit?". Husky voice of her.

"Coffeebreak tayo? Hindi ako makatulog". Nakatayo ako sa sliding door ng kwarto ko na nakatapat sa balkonahe. Tinitignan ko ang ulan na sinasabayan ng pagkulog at pagkidlat.

"Umuulan. Matulog ka nga dyan Ken"

"I need you Tal. Susunduin kita dyan. Nasa same village lang naman tayo"

"Oo na. Tatakas na ako. Bwesit ka. Istorbo ka talaga Ken. Basta one time lang 'to ha?"

Inantay ko siya sa labas ng bahay nila. Nakasukob ako sa pulang payong hanggang sa bumukas ang pinto na nagpangiti sa'kin ng todo.

Naka-jacket siya't naka-shorts.

Pagkarating niya sa'kin ay pinalo niya ko sa balikat. "Ibalik mo ko kaagad ha? Ayokong malaman ni Tomas 'to"

"Amoy bagong toothbrush". Pero inikutan niya ako ng mata at tsaka ko siya pinagbuksan ng passenger door.

Coffeebreak ...

Magkatapat kami sa roundtable.

"So we're here Ken. Anong gagawin natin?". Tanong niya sa'kin subalit tinitigan ko lang siya. Kahit wala siyang kulurete sa mukha ay maganda siya. Ang simple niyang tignan unlike sa school na may pulang lipstick ang kanyang labi, nakakilay at naka-blush-on. Gusto ko ngayon ang nakikita ko. Simple but yet beautiful. "Ken? Hello? Iistorbohin mo lang ang tulog ko tapos hindi tayo mag-uusap?"

"Mahal kita". Nagulat siya't unti-unting naging pula ang buo niyang mukha. "mahal na mahal kita Tal"

Napatingin ako sa mga driver na nagsasabing umilaw na ang greenlight at nag-sorry ako kaagad.

"Punta ako sa Coffeebreak. Kita na lang tayo dun". Bumalik na ako sa kotse at nauna ako sa kanyang umalis.

Patingin-tingin ako sa rear-view mirror. Nakasunod siya sa'kin at hindi ko maiwasang ngumiti.

Niliko ko na ang kotse. Dumiretso ako sa parking lot at nang maka-park ako ay sabik akong bumaba lalo na't napansin kong nag-park na rin si Tasya sa 'di kalayuan.

Nang bumaba siya ay tumakbo ako kaagad papunta sa kanya na ikinagulat niya pagkalingon niya.

"Ang awkward ng suot mo Tal. Halika na nga". Hahawakan ko sana ang kamay niya subalit napa-hands on air siya na ipinagtaka ko. "oh bakit?"

"We're not friends"

"Girlfriend kita. Pinakilala na kita kay Lola Felicidad"

"Wow ha?". She cross her arms. "kahapon lang tayo nagkakilala. Sino ka ba talaga Kelvic Earl?"

"Boyfriend mo". I grab her hand. Hinatak ko siya papasok ng SM. Nabitawan ko na lang siya nang pumasok ako sa male at kinapkapan ng security guard samantalang siya sa female at kinalkal ang kanyang bag.

Nauna akong natapos at inantay ko siya pero nailaglag ko ang panga ko dahil dinaanan niya lang ako. Kaya hinabol ko siya habang papaakyat ako ng hagdan.

"Tal". Hinawakan ko ang kamay niya. Pilit niya mang alisin ay hinigpitan ko lalo ang paghawak. "boyfriend mo ko"

"Sisigaw ako ng rape"

"Kahit magsisigaw ka dyan ng rape ay hindi ka pa rin sila maniniwala sa'yo dahil first of all, magka-holding ha-"

"Na hindi mo binibitawan". Gigil na si ate. Nakakatawa.

"Second, magkasingtulad tayo ng suot at panghuli, talagang mararape ka dahil sa nakalabas ang pusod mo". Bigla siyang naglakad subalit hinatak ko siya pabalik. Badtrip na badtrip na siya sa'kin. "pinagtitinginan na tayo ng ibang tao Tal. Be confident nga, what I mean, be proud na boy-"

"Boy na friend. Hindi boyfrie-"

"So friends na tayo?"

"Oo na. Halika na nga". Hinatak niya ako. Kaya nagpahatak na lamang ako sa kanya. "Kelvic ano ba! Ang bigat mo. Nagpapabigat ka lang naman e"

Tasya

Pagkapasok namin sa Coffeebreak ay bumitaw na ako kaagad sa kanya dahil napatingin sa amin ang halos lahat ng mga customers, crew and even the manager.

Napansin kong kinuha ni Kelvic ang kanyang hearing aid. Kaasar.

Hinanap ng mga mata ko si Fiona at nang makita ko siya'y nakatalumababa siya't nakangiti na abot-tenga dahil sa nakikita niya kami ng lalaki na 'to na magkasama.

Nilapitan ko siya sabay na umupo.

Magkatapat kaming dalawa. "Pinagtripan mo ko talaga kanina Fiona no?"

"Umaasa? Ayyeee at tsaka, bakit kayo magkasama?"

"Coincidence lang chaks at nakaorder ka na ba?". Tumango siya. Salamat naman. "mabuti na lang hindi umulan sa labas kahit na makulimlim"

"Ang sexy mo sa suot mo Tash"

"Sinabihan niya nga kong nakakabastos so sinabihan ko nga rin siyang kung iisipin niyang nakakabastos. Duh! Ano siya? Gwa---"

May nag-clear ng throat. "Here's your order mam". Tumingala ako. It's Kelvic and he winks. "pumayag ang manager na ako ang maghatid so 'wag na kayong umangal lalo ka na Tasya. Here is the, bahala na nga. Hindi ko alam ang tawag sa order niyo dahil hindi ko naman 'to inoorder". Habang nilalapag niya ang mga inorder ni Fiona sa ibabaw ng mesa.

Nagkatinginan kami ng bestfriend ko't natawa.

"May pangalan sa resibo". Si Fiona na namumula na sa kakatawa ngunit tinuro ni Kelvic ang tenga niya. Tsssss.

She type at tinignan ko.

May pangalan sa resibo

"Tinatamad ako". Napanganga ako sa gulat dahil umupo siya sa gilid ko sabay na nilapag ang inorder niyang Choco Oreo Frappe at ang take-out order niya.

Kinuha ko ang sticky note na kulay berde sa bag at nagsulat ako.

Wear your hearing aid, my friend

Tumingin siya sa'kin ng seryoso. Ugh! Ang tigas ng ulo niya.

Kinuha niya sa lalagyan ang oreo at sinubong patay-malesya sa'kin na nakatingin ako sa kanya.

Kinalabet ko siya subalit sumisipsip siya sa Choco Oreo Frappe niya.

Inis akong tumingin kay Fiona at saktong tinaasan niya ako ng kilay. It seems na naku-cute-tan siya sa ginagawa namin ni Kelvic.

Nilukot ko ang sticky note at nagsulat ako ulet.

Wear you hearing aid, my boyfriend

Inis akong napahawi ng buhok ko dahil sinuot niya na ang hearing aid niya. Nakakainis.

Susubo na sana ako ng White Choco Crunch nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko pero kinuha ko kaagad at inapakan ang paa niya na nagpainda sa kanya ng sakit.

Tumayo siya sabay na hinila ang kamay ko.

"May pupuntahan tayo"

"Fiona pakisulat sa sticky note na hindi ako sasama sa kanya dahil sa lola niya kami pupunta"

Napafacepalm ako sa sinulat ni Fiona.

No. Lola

"Ang tamad mo talagang babae ka". Inis na sabi ko habang hawak pa rin ng bwesit na lalaking 'to ang kamay ko at pilit akong pinapatayo.

"Umalis na tayo". Tuluyan niya na akong hinatak palabas ng Coffeebreak.

Dire-diretso kaming naglakad papuntang parking lot at walang lingon-lingon ang bingi sa'kin.

Pupunta sana ako sa kotse ko pero hinila ako ni Kelvic na nakatingin na sa'kin.

Binitawan niya ako tsaka niya sinuot ang kanyang hearing aid ngunit imbis na matuwa ako ay mas lalo akong nainis.

"Ano na naman bang kailangan mo sa'kin?!"

"Hindi ba't tinanong mo ko kanina rito kung sino ako. Sasagotin ko ang tanong mo sa pupuntahan natin". Nagtaka ako. Bingi na nga. Weird pa. "pero samahan mo ko muna kay Lola Felicidad"

"Nooooooooooooooo". Tumakbo ako kaagad ngunit nahabol niya ako't binuhat na parang isang sakong bigas.

Nagpupumiglas ako pero masyado siyang malakas.

Binuksan niya ang passenger door at ipinasok ako.

Lalabas sana ako pero bigla niyang sinarado at inanlak gamit ang remote keyless ang pinto.

Mabilis akong kumapa papuntang driver's seat pero nang buksan niya ang driver's door ay nag-grin ako.

"Lalabas ka pa talaga?". Inirapan ko siya at padabog akong umupo sa passenger seat. "ang ganda-ganda mo tapos nakabusangot ka?". Imbis na kiligin ako ay lalo akong nainis.

Tinignan ko siya ng masama. "E sa panget ako e. May magaga-". Bigla niya na lang nilapit ang mukha niya sa mukha ko dahilan ng paglunok ko ng matigas. "a-alis na nga tayo"

Kelvic

Pagkarating namin sa Zaldy Village ay huminto kami sa tapat ng guard house at ibang guard ang naka-toka. Mukhang bago.

Hindi na lang muna ako pupunta kay lola. I will call Harold through phone.

"Suuuup sis?". Tumingin ako kay Tasya dahil sa sinabi ko ngunit nakadiretso ang tingin niya sa loob ng village. "nandito kami sa labas ng village ni ate mo Tasya. Pakikuha muna ang kape ni lola"

"Noted po bro". Natawa ako tsaka ko in-end ang call.

Tumingin ako kay Tasya pero nang may narinig akong huni nang scooter ay napatingin ako sa labas. It's Harold.

Huminto siya sa gilid ng driver's door then I press the button at awtomatikong bumaba ang bintana.

"Hi Ate Tash". Ningitian lang siya ni Tasya at tsaka tumingin sa'kin ang kapatid ko. Parang tinatanong niya ako kung bakit kami magkasama. "may note na ba rito kuya?"

"Of course Harold. Sige na. Thank you sis". Gigil kong hinawakan ang panga niya. "ingat ka at 'wag mong sasabihin kay lola na magkasama kami ng girlfriend ko"

Tumingin siya sa'kin. Nakikita ko through my peripheral view.

"Bye ate at kuya". At nag-flying kiss si Harold sa'min.

Tasya

Pinagbuksan ako ng pinto ni Kelvic. Inalalayan niya akong bumaba habang ako naman ay nakatingin sa pangalan ng paaralan. Welster Musical School.

Tama nga siguro si papa na nag-aral ako sa isang musical school pero bakit ang lungkot ng pinintura niya? May pinapahiwatig ba yun?

"Dito na lang tayo magpark sa labas ng WMS. Strikto sila kapag hindi estudyante o mga taga-faculty ang magpapark sa loob. Halika na". Hinawakan niya ang kamay ko ngunit may dumamping hangin sa'king mukha dahilan nang paghinto ko. Isang haplos na parang sa nakaraan ang naramdaman ko. "are you alright?"

"O-oo"

Tuluyan na naming tinahak ang daan papunta sa loob ng Welster Musical School. Nakapagtataka lang dahil habang naglalakad kami ay pinagtitinginan kami ng mga tao. Mapa-guro man o mapa-estudyante.

"Old student". Sabi niya sa guard sabay ipinakita ang ID niyang luma.

So estudyante siya rito nun?

Nakarating kami sa field. Madaming mga estudyante ang tumatambay. May sumasayaw. May nag-jajamming. May nagtatawanan. May nagbabasa ng libro. May nag-p-pda at meron ding loner.

"Here". Nagtaka ako nang huminto kami malapit sa may soccer goal. "gusto mo ko makilala? Ako si Kelvic Earl Navarro na in-approach mo six years ago dito sa spot na 'to. Junior years. Tinulungan mo kong ayosin ang gitara ko pero mas tinulungan mo kong ayusin ang buhay ko. Mahalaga sa atin ang ulan dahil doon nagsimula ang lahat. Nagkagusto ako sa isang katulad mo na babaeng mapaglaro"

Napa-taas ako ng kilay. "Playgirl ako?"

"Basta. Mamaya ko na sasabihin kung bakit". At bigla niya kong hinatak.

Tuloy ang ibang estudyante ay nakatingin sa amin. Nakakahiya.

"Saan ba tayo pupunta?"

Kelvic

Dinala ko siya sa classroom ng section namin. Tumingala ako. It's 90s Section. Unique 'di ba?

Kapag junior kasi ang mga section ay mga taon kung saan sumisikat ang mga magagandang kanta.

"Sakto walang tao". Pumasok kami sa loob at tsaka ako umupo sa teacher's desk.

Si Tasya naman ay naiwang nakatayo habang nililibot ang kanyang paningin sa classroom.

Ngumiti ako dahil hindi siya ganyan sa pangatlong beses na nagkita kami. She's jolly and friendly nung mga panahong yun.

"Bakit ang tagal ng teacher natin?". Nababangot na tanong ni Eduard habang nilalaro ang drumstick niya sa hangin.

"Baka busy lang". Sagot ni Garry na abala sa binabasa niyang libro subalit hinablot ni Sidric. "bigay mo na nga 'yan bro"

"First day of school nag-aaral? Wooow? Siiiiiipag". Napalungo ako kay Sidric. Ang kulet. Palagi na lang binubully si Garry.

Nag-focus na lang ako sa gitara subalit natigilan ako't napaupo ng maayos nang makita ko si Tasya na pumasok sa kwarto habang may hawak na clear file.

Inalog-alog ako ni Sidric na kinainis ko naman.

"Good morning everyone! Oh? Smile naman kayo dyan so I'm still your Classroom President pero depende sa inyo kung papalitan niyo and it's okay. Well, deserve ng bawat isa sa atin ang mapabilang sa Room Officers. Oh hi booooooys lalo ka na Ken. Welcome to 90s section. Ganda ko ba?". Natawa ako sa kanya. She amazed me pero nakapulang lipstick siya na bumagay naman sa kanya ngunit putok ang blush on na hindi na magandang tignan.

Mga babae din talaga. Kilay is life.

"Classmates welcome our new classmates so ang pangalan niyo aaaaaaay? Wait! Here!". Ipinakita niya sa'min ang papel na kinuha niya sa kanyang clear file. Nakapaskil ang litrato namin kada-isa na may pangalan. "Eduard Piolo, Garry Quiel (kyel), Sidric Ladio at Kelvic Earl Navarro. Welcome to our section again. Hindi ko inakala na magiging classmates tayo lalo ka na Ken"

"Magkaklase ba tayo nun?". Tanong niya sa'kin habang naglalakad siya patungo sa'kin na nasa teacher's table pa rin ako.

"Yes"

"Bakit wala akong maalala?"

"Kailangan mong makaalala ng dahan-dahan. Okay?"

"Nagka-amnesia ba ako?

"Ayokong biglain ka Tal"

"Nabigla mo na nga ako"

Rooftop

"Hoy dyusko naman Ken! Nakakagulat ka naman?". Umupo ako sa tabi niya at kinuha ko ang isang earphone niya. Sinalpak ko sa'king tenga. "gustong-gusto ko ang lumang tugtugin"

"Tuwing umuulan at kapiling kaaaaaa 🎶🎶🎶". Nagulat siya nang kumanta ako. She didn't expect. "sintunado na ba ako?"

"Maganda ang boses mo Ken. Wow!". Pumalakpak siya. She's cute. "sorry kung sinabihan kitang sintunado last time"

"It's okay Tal. Ano pa ba ang iba mong mga kan---". Natigilan ako nang sumandal siya sa balikat ko. She's humming. "okay"

"Dito ang spot natin sa rooftop na 'to". Sabi ko sa kanya pero nakatingala siya sa kalangitan. "Tal?"

"Hmmm? Hindi kasi makulimlim ang ulap. Kelvic may tanong ako, naging tayo ba?"

Gymnasium

"Bro 'wag ka ng magdidikit kay Ms. President natin". Eduard is just concern pero gusto ko na talaga si Tasya kahit na may Tomas na siya.

"Oh tignan mo? Magkaholding hands pa sila". Si Sidric at inakbayan niya.

"At!". Si Garry na kinuha ang isang drumstick ni Eduard at hinampas sa tiyan ko. "balita ko'y matagal na sila. More than one year"

"Alis na nga tayo". Inis na sabi ko.

"Sino si Tomas? Sigurado ka ba talaga na ako ang Tasya na nakilala mo? Baka kamukha ko lang or kambal kami? Hihihih . Hindi ba?"

"Ikaw si Tasya"

"Keeeeeen!". Huminto kami ng Pollination at sabay siyang nilingon. Tumatakbo siya papunta sa'min na hindi kasama si Tomas. "samahan mo naman ako"

Nagkatinginan kami ng mga kaibigan ko na sinesenyasan ako ng 'wag pero sadyang matigas ang ulo ko sa kanila ngunit malambot ang puso ko para sa kanya.

"Sa'n?". Napa-facepalm silang tatlo. "ano bang gagawin mo?"

"Abala ako sa schoolpaper. Editor-in-Chief ako. Samahan mo muna ako sa Wales Room". Habang dinadaanan namin ang mga kaibigan ko'y sinisindakan nila ako pero wala e. Gusto ko 'to. Gago ako't tanga.

.

.

.

.

"5 pm na Tal". Sabi ko habang tinitignan ko ang relos ko. "hindi pa ba tayo uuwi?"

"Maya na ha?". Hinawakan niya ang braso na nagpapako sa kinauupuan ko. "tatapusin ko lang 'to?"

"Isang linggo pa lang nagsisimula ang klase ay abala ka na kaagad?"

"Take note, Student Council President din ako"

"Wow? Workaholic?"

"I'm like mom. Alam mo, dito ka nga sa tabi ko". Ako namang tanga ay tumabi sa kanya habang siya ay abala sa laptop. "gusto mo bang maging part ng Wales?"

"Ay naku. Hindi ako mahilig dyan"

"Sumusulat ka ba ng kanta Ken?"

"O-oo"

"Same tayo pero may girlfriend ka na ba?". Natameme ako sa tanong niya. "Ken? May girlfriend ka na ba?"

"W-wala"

"Pwedeng maging tayo". Napalunok ako ng matigas nang tumingin siya sa'kin at ngitian ako. "totoo. Pwedeng maging tayo"

"You're joking. Boyfriend mo 'di ba si Tomas?"

"We're pretending to be. Bagay daw kami e kasi Team Captain siya ng basketball at ako naman ay Student Council President"

"So hindi kayo?". Umiling siya na ikinatuwa ko. "patunayan mo muna sa'kin Ta-"

She kissed me. Sa lips. Tangina! Ang lambot ng labi niya.

Ang galing niyang humalik. Sanay-sanay samantalang ako, gago! Hindi marunong.

----

They're classmates.
Parehong nag-aral sa Welster Musical School.

Naging sila ba talaga o hindi?

----
Mamaya ko na lang po i-aadjust ang spacing dahil naka-phone ako ☺👌

Continue Reading

You'll Also Like

EMPIRE HIGH By sai

Mystery / Thriller

5.8M 177K 63
Empire High was built for the Empire Society: Reapers, Gangsters, Assassins and Mafias. And as the classes starts, a nerd girl named Fuschia will enr...
Psycho next door By bambi

Mystery / Thriller

4.3M 204K 52
Cosima Sanctuary is a one of a kind safe house for teenage survivors, but when they realize that one of them is a psychopath, all hell breaks loose...
25.9M 642K 64
[FIL/ENG] The Mhorfell Academy of Gangsters was innovated mainly for the accommodation of the so-called black sheep of the society and their families...
82.7M 2.4M 73
Erityian Tribes Series, Book #1 || Not your ordinary detective story.