Falling for Shannon (Field Ro...

By CeCeLib

4.7M 126K 7K

Sarah Catli is a different kind of woman. She’s a kind of woman who doesn’t need emotional sentimental crap t... More

Falling for Shannon (Field Romance)
Prologue
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19 - END

CHAPTER 8

179K 5.7K 323
By CeCeLib

CHAPTER 8

NAGISING si Sarah ng maramdamang may marahang tumatampal sa pisngi niya. Hindi niya namalaya na nakatulog pala siya. When she opened her eyes, ang mukha kaagad ni Shannon ang nakita niya. His face was so close to hers that she can smell his minty breath. Her heart instantly hammered inside her chest.

“Nandito na tayo.” Anito.

“O-Okay.” Hinintay niyang dumistansiya ito sa kanya pero hindi ito gumalaw. “Well? Can you please move away? Hindi ako makagalaw.”

Hindi gumalaw si Shannon at patuloy lang na tinitigan siya. Naguumpisa na namang tumibok ng mabilis ang puso niya at naiinis siya. Heto na naman ang puso niya! Nakakainis na!

Tinulak niya ito sa dibdib palayo sa kanya pero hindi manlang ito natinag. “Please, Shannon! Lumayo ka nga sa’kin!”

Bahagyang lumaki ang mga mata nito na para bang may sinabi siyang nakakagulat.

“You called me by my name. Mukhang galit ka na nga.” Nginisihan siya nito at lumayo sa kanya.

Nakahinga siya ng maluwang ng lumayo ito. Medyo kumalma na rin ang puso niya sa wakas. Tumingin siya sa labas at nakita niya ang bahay na iimbistigahan nila. Kinuha niya ang baril sa compartment at ikinasa iyon. Bumaba siya nang sasakyan ng makitang bumaba si Shannon.

“Huwag kang hihiwalay sa’kin, kuting.” Wika ni Shannon at naglakad ito patungo sa bahay habang siya ay nasa likuran nito na para bang pino-protektahan siya nito.

Sarah rolled her eyes. “Whatever you say, bwesit.”

Nang pihitin ni Shannon ang door knob, nagkatinginan sila dahil hindi iyon naka-lock. Itinulak nang binata ang pintuan ng bahay at sabay silang pumasok.

“Hindi ba ni-lock ng Interpol ang bahay na ‘to?” Usisa niya sa binata habang ipinapalibot ang paningin sa kabuunan ng bahay. Malibas sa malinis na kapaligiran, wala namang nagbago sa loob ng bahay.

“Ang forensic team ang huling lumabas sa bahay na ‘to. Tatanungin natin sila pagbalik natin sa HQ.” Hinawakan ni Shannon ang kamay. “Kailangan kitang hawakan para hindi ako mag-alala sayo.”

May humaplos sa puso niya sa tinuran nito. Shannon and his sweetness. Urgh!

“I’ll be okay, bwesit. I can protect myself.” Sabi niya pero hindi niya inagaw ang kamay na hawak ni Shannon. Masarap kahawak kamay ang binata. It feels warm and amazing.

Magkahawak-kamay silang naglakad patungo sa kusina kung saan naroon ang nakita nila sa larawan na sa tingin nila ay pintuan patungong basement. Umuklo si Shannon habang hawak-hawak pa rin ang kamay niya at kinapa nito ang sahig. May nakapa itong maliit na door handle.

Kunot ang nuong nagtaas ng tingin sa kanya ang binata. “Napaka-imposible talaga na hindi ito mapansin ng Forensic. This door is too visible.”

She nodded in agreement. “Oo nga. Bakit kaya wala ito sa report nila pero kinunan naman ng larawan? Nakapagtataka.”

Hinawakan ni Shannon ang door handle at binuksan iyon. Nagsitaasan ang mga balahibo niya ng makitang may hagdanan iyon pababa. Shannon stands up then looked at her.

“Mag-ingat ka, okay?” Anito at nauna itong bumaba sa hagdanan habang hawak pa rin ang kamay niya.

Hindi niya ito sinagot at sumunod dito pagbaba sa hagdan. Tumaas ang kilay niya ng makitang malaki at maliwanag ang basement. Mayroon itong malaking mesa sa gitna at napakalinis niyon. Sa likod niyon ay may tatlong malalaking freezer.

Kumawala si Sarah sa pagkakahawak ni Shannon at nilapitan niya ang Freezer. Bakit parang may masama siyang pakiramdam sa freezer na ‘to? Malakas ang pwersa na ibinigay niya pata mabuksan ang freezer at muntik na siyang mabuwal sa pagkakatayo ng makita ang lama niyon.

She felt like vomiting as her eyes settled on different internal organs and body parts.

“Bwesit, look at this.” Tawag niya sa pansin ni Shannon na abala sa pagkapa ng dingding at naghahanap ng secret door. “I think alam ko na kung nasaan ang mga nawawalang parte ng katawan ng mga biktima.”

Mabilis na lumapit sa kanya si Shannon at tiningnan ang laman ng freezer. Sinapo nito ang bibig at mukhang masusuka habang nakatingin sa mga putol na paa, baga, kidney, puso at iba’t-iba pang parte ng katawan.

“Mukhang inabandona ang bahay na ‘to pero may kuryente pa rin.” Anito at isinara ang freezer at nilapitan ang isa pang freezer. “We have to get a hold of this house billing statement. Malalaman natin doon kung sino ang may-ari ng bahay na ‘to. That will lead us to the killer.”

“Paano kung umuupa lang pala ang killer sa bahay na ‘to?”

Tumingin sa kanya si Shannon. “We will find out.”

Niyakap niya ang sarili ng makaramdam ng panlalamig. “Babalik muna ako sa sasakyan. May camera ako roon, kunan natin ito ng litrato bago tayo tumawag sa Forensic.”

Bakas sa mukha ni Shannon na hindi nito nagustuhan ang sinabi niya pero huminga ito ng malalim at lumapit sa kanya at hinawakan ang braso niya.

“Mag-ingat ka, okay? This house still creeps me out. May pakiramdam ako na pabalik-balik lang ang killer sa bahay na ‘to. Ayokong may mangyaring masama sa’yo.” Anito na titig na titig sa mukha niya.

She rolled her eyes. “Ano naman ang tingin mo sa akin? Imbalido? Bwesit, kaya kung protektahan ang sarili ko. So stop worrying about me. At kapag may nagtangka sa buhay ko, promise, sisigaw ako ng pagkalakas-lakas para marinig mo na nangangailangan ako ng tulong.”

Natatawang pinisil nito ang baba niya. “Alam ko na kaya mong protektahan ang sarili mo, pero hindi ko naman maiwasan na mag-alala sayo.”

Tiningnan niya ito sa mga mata. “Bakit ka ba nag-aalala sa akin. You just meet me two weeks ago. Wala naman akong ginawa para maging close tayo para mag-alala ka sa akin tulad ng pag-aalala mo ngayon. Why, Shannon? Why are you so worried about me?”

Nag-iwas ng tingin ang binata. “Basta, mag-ingat ka. Sumigaw ka kapag may nakita kang kahina-hinala.”

Hinawakan niya ang pisngi nito at pinilit ito na tumingin sa kanya. “Shannon, sagutin mo ako. Bakit ba ganoon nalang ang pag-aalala mo sa’kin?”

Hindi nga ito ang-iwas ng tingin pero tinalikuran naman siya. “Mag-ingat ka. Call me when you need me, okay?”

Masama na tingin ang ipinukol ni Sarah sa likod ni Shannon. Hmp! Sasagutin lang naman kung bakit nag-aalala ito para sa kanya, ang arte pa, ayaw sumagot! Nakakainis! Wala naman sigurong mawawala kung sumagot ito.

Nagma-martsang lumabas siya ng basement. Ang bwesit na lalaking yun! Nakakapanggigil!

Nang makalabas siya ng bahay, tinakbo niya ang destansiya patungo sa sasakyan niya. Binuksan niya ang driver seat at akmang bubuksan niya ang compartment para kunin doon ang camera ng may humawak sa braso niya at malakas na isinadlak siya sa upuan ng sasakyan pagkatapos ay mabilis na itinali nito ang kamay niya. Nagpumiglas siya sa pagkakahawak pero malakas ito at hindi siya makagalaw.

“Bitawan mo ako!” Sigaw niya. “Bastard! Let me go!”

“Silence!” He hissed.

Napamulagat siya. Lalaki ang boses nito. Ito ba ang killer? Sa isiping iyon, para siyang baliw na nagpupumiglas sa pagkakasadlak nito sa kanya sa upuan. Pilit din niyang sinisipa ang nasa likuran pero hindi ito maabot ng paa niya. Wala siyang magawa kung hindi ipikit ang mga mata at magdasal na sana may makakita sa kanya—

Oh my god! Si Shannon!

“Shanno—”

Naputol ang pagtawag niya sa pangalan ni Shannon ng maramdaman niyang may itinusok na kung ano ang lalaki sa leeg niya.

“Anong tinusok mo sa akin?” Nanginginig ang boses na tanong niya.

Lumapit ang labi nito sa tenga niya at bumulong sa kanya. “Secret.”

Magpupumiglas sana siya ng maramdamang nanghihina ang katawan niya. Nagdidilim na rin ang paningin niya at parang kinakapos siya ng hininga.

“A-Anong—” Hindi niya natapos ang sasabihin dahil bigla nalang nawalan siya ng malay.

SAMPUNG minuto na ang lumipas pero hindi pa bumabalik si Sarah. Panay ang tingin ni Shannon sa pintuan ng basement para alamin kung nakabalik na ito pero ni yabag wala siyang marinig.

Nabalot ng kaba ang puso niya. Nag-uumpisa nang mag-isip ng kung ano-anong negatibo ang utak niya. Hindi siya mapakali kaya naman lumabas siya sa basement at lakad-takbo ang ginawa para mabilis na makalabas ng bahay.

Nasa pintuan palang siya ng bahay, nakita agad niya ang nakahandusay na katawan ni Sarah sa lupa. Fear sipped through him. No! Mabilis pa sa kidlat na nilapitan niya ito at pinangko ang dalaga. He put Sarah on the passenger seat then put her seatbelt on. Umikot siya sa driver seat at nagmamadaling pinaharurot ang sasakyan patungo sa pinakamalapit na hospital.

Puno ng pag-aalala na binalingan niya si Sarah. “Kuting, please, gumising ka. Ayoko pang mawalan ng kuting. Ikaw pa naman ang cutest kuting na nakilala ko.”

NANGHIHINA si Sarah nang magmulat ng mga mata. White walls welcomed her sight. She was about to move her body when she heard a distant voices. Nakilala niya ang isa na si Shanno ang isa naman, hindi pamilyar sa kanya.

Ipinikit niya ang mga mata at nakinig sa usapan ng mga ito.

“Mr. San Deigo, kailangang manatili ang pasyente nang mga ilang araw para masubaybayan namin ang epekto ng tranquilizer sa katawan niya. Usually, mga two to three days puwede na kayong umuwi, but for the mean time, dito muna ang pasyente.”

She frowned. Tranquilizer? Iyon ang itinurok sa kanya ng lalaki? Hinilot niya ang nuo na biglang sumakit. Urgh! Ang pinaka-ayaw pa naman niya ay kapag masakit ang ulo niya.

Ilang minuto ang lumipas, pumasok si Shannon sa kuwarto at nasa mukha nito na parang pinagsakluban ito ng langit at lupa.

“Hoy, bwesit.” Her voice came out raspy.

Shannon’s eyes widen when he saw her then he quickly went to her side.

Kuting, are you okay? How are you feeling? Do you want something? Are you hungry? Are you well? Is there anything that you need?” Sunod-sunod na tanong sa kanya ni Shannon.

Marahang napatawa si Sarah. “I’m fine.”

Shannon sits on the space beside her. “Alam mo bang pinag-alala mo ako?”

Parang may humaplos sa puso ni Sarah sa sinabi ng binata. “Sorry. Hindi ko na—”

Nagulat siya ng bigla nalang siya nitong yakapin ng mahigpit. Napalunok siya ng maramdamang tumama ang hininga nito sa leeg niya. Nagsitaasan ang balahibo niya.

“S-Shannon, a-ano ba ang ginagawa mo?” Mabilis ang tibok ng puso niya at natatakot siya na baka marinig iyon ng binata dahil halos nakadagan na ito sa kanya.

“I was so worried, kuting.” His voice was somewhat trembling. “I’m sorry hindi kita na-protektahan tulad ng pangako ko. Sorry I wasn’t there when you need me. I’m sorry I didn’t go with you. I’m sorry—”

Parang may sariling isip ang braso niya na niyakap ang binata. “Shh. Hindi mo naman kasalanan yun. We were both caught off guard and it’s no once fault.”

Nagtaas ito ng ulo at muntik na siyang mapasinghap ng makitang ilang dangkal nalang ang layo ng labi nito sa labi niya. Nang bumaba ang tingin ni Shannon sa mga labi niya, nag-init ang pisngi niya.

“S-Shannon, l-lumayo ka nga sa a-akin—”

Nanlaki ang mga mata niya ng makitang inilapit nito sa mukha sa mukha niya.

“S-Shannon—”

Naputol ang sasabihin niya ng lumapat ang labi nito sa mga labi niya, para siyang robot na walang battery na nakahiga lang sa kama at hindi makagalaw. Shannon’s lips move against her and butterflies erupted inside her. Her stomach and feet tingled in stranger sensation. Sarah felt like she’s in heaven as she savored Shannon’s lips on her. She was about to kiss him back when a nurse barge in.

“Ma’am, time for your medicine— Ay! Sorry ho!”

Mabilis na naghiwalay ang mga labi nila ni Shannon.

“Naku, ma’am. Sorry ho. Hindi ko ho alam na—”

“It’s okay.” Putol ni Shannon sa sasabihin ng nurse. “Sige, painumin mo na siya ng gamot.”

Iyon lang at mabilis itong lumabas ng silid niya at naiwan siyang pulang-pula ang pisngi dahil sa nangyari.

Continue Reading

You'll Also Like

1.6M 46K 13
Umuwi sa Pilipinas dahil si Heelan dahil sa kasal ng pinsan niya at dahil na rin sa fashion line na balak niyang e-lauch dito sa bansa. Okay na sana...
141K 556 16
WARNING!! (SPG AHEAD) This is for matured content only young reader is not suitable here. #ONGOING.
195K 3K 17
Warning: 🔞 (This is not suitable for young readers.) BETHANY CAGLIOSTRO is a confident and brave woman. However, due to a mission assigned by her ow...
1.3M 18.6K 41
Dice and Madisson