Falling for Shannon (Field Ro...

By CeCeLib

4.7M 125K 7K

Sarah Catli is a different kind of woman. She’s a kind of woman who doesn’t need emotional sentimental crap t... More

Falling for Shannon (Field Romance)
Prologue
CHAPTER 1
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19 - END

CHAPTER 2

232K 6.7K 802
By CeCeLib

CHAPTER 2

NAKAUPO si Sarah sa visitor’s chair sa loob ng opisina ni Hugh, ang Director ng Interpol at hinihintay ang partner daw niya sa hahawakang kaso. Hindi niya alam kung late ito o talagang maaga lang siyang dumating.

“Magtatagal pa ba siya?” Tanong niya sa Director. “I have to autopsy the body you found yesterday.”

Tumingin ito sa relong pambisig. “Hindi pa naman siya late, medyo napaaga kalang ng kaunti. Hintayin nalang natin siya.”

Huminga siya ng malalim. “Okay, I will.”         

Pagkaraan ng ilang minuto, bumukas ang pintuan ng opisina ng Director at pumasok ang isang lalaki na kilalang-kilala niya. Paano naman niya ito makakalimutan? Ito ang lalaking binuhusan niya ng tubig sa maling akala at pinagbantaan siya.

Don’t tell me…

“Ikaw?” Hindi makapaniwalang turo niya sa lalaki sabay tayo mula sa kinauupuan.

“Ikaw din?” Hindi maipinta ang itsura nito habang nakatingin sa kanya.

“Oo ako nga.” Nakapamaywang na sabi niya. “Anong ginagawa mo rito?”

“Ikaw, anong ginagawa mo rito?”

“I’m here for a very important meeting.” Aniya.

He rolled his eyes at her. “Important? Para sa isang babaeng bigla-bigla nalang akong binuhusan ng tubig, that’s a big word.”

“Iniinsulto mo ba ako?” Dinuro niya ito. “Hoy lalaki, kung sino ka man, mali man ako ng akala pero hindi ako nagsisisi na ginawa ko iyon. Bagay lang iyon sa mga pangit ang ugaling katulad mo.”

“Pangit ang ugaling katulad ko? Miss, you don’t know me.”

Akmang sasagot siya ng tumikhim si Sir Hugh. Nagkatinginan sila ng lalaki at sabay na tumingin kay Sir Hugh.

 “Sarah Catli, I want you to met your partner, Shannon San Diego.” Wika ni Sir Hugh.

Napanganga siya sa sinabi ni Sir Hugh. What the hell is freaking going on? Sarah glared at Shannon who’s also glaring at her.

“Well, siguro naman alam niyo na kung bakit kayo narito.” Paliwanang ni Sir Hugh. “You are partnered to solve this mysterious serial killing. Sigurado ako na magkakasundo kayong dalawa kasi pareho kayong magaling sa trabaho.” Tumingin ito sa kanya. “Magaling si Mr. San Deigo at maasahan. Matalino rin siya kaya alam kong magkakasundo kayo. Sana ang nakita at narinig kung pagbabangayan ninyo kanina ay hindi na maulit.”

Napangiwi siya sa sinabi nito. Magkakasundo? Yeah, right.

HINDI makapaniwala si Shannon habang nakatingin sa babae na nasa harap niya. Hindi niya akalain na magkikita silang muli. Damn!

“Mr. San Diego. I want you to met, Sarah Catli.” Wika ng Interpol Director na kilala sa tawag na Sir Hugh. “She’s an FBI Profiler so treat her well. Okay?”

Napipilitang tumango siya. “Yeah, sure.”

Alangan namang maghurumintado siya. Ano naman ngayon kung FBI Profiler siya? Pakialam ko naman?

“Sige, umalis na kayo sa harapan ko at magtrabaho na. Sumakit ang ulo ko sa sagutan ninyo.”

“Yes, sir.” Sabay nilang sabi ni Sarah.

Sabay din silang naglakad ng babae palabas ng opisina ni Sir Hugh. Pagkalabas nila, masamang tingin ang ipinukol sa kanya ni Sarah.

He frowned at her glaring eyes. “What the hell did I do?”

Tinarayan siya nito. “I can’t believe someone like you is an Interpol Agent.”

Lumalim ang gatla ng nuo niya. “Are you insulting me?”

Ngumisi ito. “Hindi ba halata?”

Nagmamadaling naglakad ito at iniwan siya. Hindi man lang siya nakasagot sa pang-iinsulto nito. Sinundan niya ito hanggang sa autopsy room. Tumigil siya sa pagsunod dito at pinigilan itong makapasok sa loob.

“Anong gagawin mo sa loob?” Tanong niya kay Sarah.

“Diba may patay sa loob ng silid na ito?” Tanong nito sabay turo sa pintuan ng autopsy room.

Tumango siya. “Yeah.”

“Bubuhayin ko siya.”

“Really?”

Itinirik nito ang mata. “Note the sarcasm please.”

Ipiniksi nito ang braso at pumasok ito sa loob, ihinilamos niya ang kamay sa pisngi niya. Bwesit naman oh! Sa dinami-rami ng puwedeng maging partner niya sa isang kaso, ang babaeng yon pa talaga na hindi niya akalaing makikita pa niya.

Napipilitang pumasok siya sa silid na pinasukan nito. Naabutan niya itong nakatayo malapit sa putol-putol na katawan ng isang lalaki at nakapikit ang mga mata.

Kumunot ang nuo niya. “Sigurado ka bang tama iyang ginagawa mo?”

NAGMULAT ng mata si Sarah at tiningnan ng masama si Shannon. “You just insulted me. Look here, Mister Shannon San Whatever. Ayokong makipag-away sayo kasi nasa-trabaho tayo. Pero hintayin mong makalabas tayo sa building na ito, sisiguraduhin kong magwo-world war III tayong dalawa.”

“It’s just a harmless question.” Anito na nakataas ang kamay na para bang sumusuko.

Inirapan niya ito at ibinalik ang paningin sa pira-pirasong katawan na nasa harap niya. “Let’s work. Lumapit ka rito.”

Lumapit naman sa kanya si Shannon at tumingin sa katawan. “Okay. I’m lost. I’m a field agent at never pa akong nag-autopsy ng isang katawan. Mas lalo namang wala pa akong na-autopsy na putol-putol na katawan.”

“Don’t worry, wala naman akong balak na ipa-autopsy sayo ang katawan na yan.” Puno ng sarkasmo ang boses niya. “I just want you to think.”

Binalingan siya nito. “Think?”

She nodded. “Yes, think. If you’re the killer, what did you do to this body?”

Mataman nitong tinitigan ang katawan at huminga ng malalim. “I don’t know. All I could see is weird lines in the neck, sign of someone choking the victim, then the long slit wound on the victim’s side and the killer chopped him. Other than that, I’m lost.”

Nagsuot siya ng rubber gloves at hinawakan ang tinutukoy nitong weird lines sa leeg. “Tama ang sinabi mo. These lines are sign of someone choking the victim by chain. If the killer used rope, then the lines should be straight but look at the choking lines. It’s different. And then the long slit wound on the side of his body, may rason kung bakit may sugat siya at yon ang aalamin natin.”

Hinawakan niya ang putol na ulo ng biktima at inilapit iyon kay Shannon.

“Tingnan mo ito.” Aniya sabay turo sa putol na leeg ng biktima. “Hindi pantay ang pagkakaputol ng leeg niya. I think the killer cut off the head while the victim is still alive. Makikita mo na hindi lang isang beses na sinubukang putulin ang ulo ng biktima. The killer maybe used an unsharpened knife or the victim struggled so the killer was having difficulty of cutting his head off.”

“Unsharpened knife? Bakit naman gagamit ng ganoon ang isang killer kung gusto niyang patayin ang taong ito?”

“To torture him or to make the victim suffer before he dies.”

Ngumiwi ito. “That’s sick.”

“Dapat sanay ka na sa ganito.” Ibinalik niya ang ulo at tinakpan ng puting tela ang putol-putol na katawan.

Huminga ito ng malalim at hinarap siya. “Well … ito ang unang pagkakataon na may ganitong uri akong kaso na hinawakan. Usually, rape or drugs and hawak kong kaso. Hindi kagaya nito.”

“Well… wala akong pakialam.”

Tinanggal niya ang rubber gloves at itinapon iyon sa pinakamalapit na basurahan pagkatapos ay lumabas sa silid na iyon habang nasa likod niya si Shannon at nakasunod sa kanya.

NANG makalabas sila sa Interpol Building, mabilis niyang hinarap si Shannon at pinandilatan ito. “Wala kang karapatan na insultuhin ako.”

“Ha?” Kumunot ang nuo nito kapagkuwan ay naintindihan nito ang sinasabi niya. “That again? Akala ko ba tapos na ang issue na iyan kanina pa.”

“Tapos? Sinabi ko sayong mamaya tayo matutuos sa labas ng building.” Aniya.

Itinirik nito ang mga mata. “Please, Sarah, stop being such a girl. It’s just an insult. Deal with it.”

Namaywang siya at taas nuong nakipagtitigan dito. “News flash, I’m a girl so I’m allowed to act like a girl. And don’t call me Sarah, masyado kang FC. It’s Catli.”

Nagsalubong ang kilay nito. “Anong FC?”

“Feeling Close.” Sagot niya at naglakad patungo sa Hammer niya.

Hindi pa siya nakakasakay ng unahan siyang sumakay ni Shannon sa driver seat ng sasakyan niya.

“What the hell are you doing?” Naguguluhang tanong niya.

He shrugged. “I always wanted to drive a Hammer.”

“Then buy one.” Pilit niya itong pinapaalis mula sa pagkakaupo sa driver seat. “Get off! Nagugutom na ako kaya umalis ka riyan sa driver seat dahil kakain pa ako kung hindi ikaw ang gagawin kung mechado!”

“I’ll drive you there.” He said with a puppy dog face.

Hindi niya alam kung ano ang mayroon sa mga mata nito na nadala siya sa kagustuhan nito.

“Fine! Pero pagkatapos nito, huwag ka ng magpapakita sa akin.”

“But we’re partners. We’re bound to see each other again.”

“Whatever.” Itinirik niya ang mga mata at sumakay sa sasakyan niya.

She sits on the passenger seat and it angered her. Bakit ba siya napapayag ng lalaking ‘to ng ganoon-ganoon lang? Nahihiwagaan siya sa sarili.

“Ahm…” Shannon trailed while driving. “Bakit napili mong maging isang Profiler?”

Sumadal siya sa likod ng upuan. “I fell in love.”

He looked at her through the review mirror. “Fell in love? May boyfriend ka na pala.”

She smiled to herself. “I fell in love with every action movies I watched.”

“Oh. Akala ko may boyfriend ka.”

“Yes, may boyfriend ako.”

“Oh.” Shannon’s voice sounds disappointed. “Who?”

“None of your business. At hindi mo naman kilala kaya huwag ka ng magtanong.” Mataray niyang sagot sa lalaki.

“Whew!” He puffed a loud breath. “Bakit ba ang taray mo?”

“Mataray lang ako sa mga mga taong hindi ko gusto.”

“Hindi rin naman kita gusto, hindi naman kita tinatarayan.”

Sinipa niya ang paa nito na nasa break. “Manahimik ka nga riyan.”

Tumawa ito ng mahina. “Bakit naman ako mananahimik? Teka, bakit ka ba nandito sa Pilipinas kung FBI Profiler ka? Siguro hindi ka magaling kaya tinapon ka nila rito.”

That’s it! Sarah heard her patience snap. Ikinuyom niya ang kamao at malakas na sinuntok si Shannon sa panga. Naramdaman niyang gumiwang ang sasakyan nila pero hindi niya iyon pinansin. Sinuntok ulit niya ito, sa pagkakataon iyon, sa braso tumama ang kamao niya.

“Shit! Stop it, Sarah!” Saway nito sa kanya habang abala ito sa pagmamaneho.

“Sino ka para insultuhin ang kakayahan ko? And it’s Catli, you jerk! Hindi tayo close!”

Minasahe nito ang panga na tinamaan ng suntok niya. “Pasalamat ka talaga at hindi ako pumapatol sa babae. Kung hindi kanina pa kita itinapon palabas ng sasakyan.”

Tiningnan niya ito ng masama. “FYI, pag-aari ko ang sasakyan na ito. Ikaw itong namilit na ipagmaneho ako papunta sa restaurant kung saan ako kakain. Tsupi! Baba!”

Binalingan siya nito at ngumisi. “Nasa high way tayo at bawal tumigil kaya ako ang magmamaneho sayo patungol sa restaurant sa ayaw at sa gusto mo. Kaya hindi ako bababa.”

Nangigigil na sinuntok niya ito na agad naman nitong nasalag.

“Not this time, kuting. Hindi ko hahayaan na suntukin mo na naman ako.”

Inagaw niya ang kamao niya na hawak nito at nalukot ang mukha ng mag sink in sa utak niya ang sinabi nito. “Anong tawag mo sa akin?”

Shannon chuckled. “Kuting. Diba dahil hindi naman tayo close, Catli ang gusto mong itawag ko sayo? Well, hindi ko tinatawag sa surname ang mga taong hindi ko ka-close. Kaya naman mula ngayon, binibinyagan kita. Ikaw na si Cutest Kuting. Ang pinakamataray at pinaka-maingay na kuting na nakilala ko.”

Inirapan niya ito. “Bwesit ka!”

Tumawa lang ito. “Ilang taon ka sa amerika? Buti alam mo pa ang salitang ‘bwesit ka’?”

“Oo naman.” Mabilis niyang sagot. “Tamang-tama ang salitang yun para i-describe ka. Bwesit.”

“Ikaw naman si kuting the bitch.” Kinindatan siya nito. “See, rhyme. Ako Bwesit ikaw naman bitch.”

Nanggigigil ang kalooban niya pero kailangan niyang kumalma. This is not her. Parati siyang kalmado pagdating sa trabaho.

Hindi naman ito trabaho e! Isa itong torture!

Biglang tumawa ng malakas si Shanoon na ikinagulat niya. Kunot ang nuong binalingan niya ang lalaki.

“Anong problema mo?”

Tumigil ito sa pagtawa at matiim siyang tinitigan. “Trust me, my cutest kuting, masarap ako mag torture. Lalo na kung nakahiga ka at nakapatong ako sayo.”

Malakas niyang sinikmura si Shannon dahil sa kabastusang sinabi nito. “Bastos! Maghanap ka ng ibang babaeng papatungan mo!”

Tumawa na naman ito ng malakas, hindi alintana ang pagsikmura niya rito. “Paano yan, kuting, ikaw lang ang gusto kong babaeng patungan sa ngayon. What are you going to do about it?”

Hindi niya pinansin ang sinabi nito dahil siya lang ang makukunsumi. Nakakainis ang lalaking ‘to. Nakakapag-init ng dugo sa sobrang galit.

“Oh, come on.” Ang boses ni Shannon. “Hindi mo ako kakausapin?”

Hindi siya kumibo at hindi inalis ang tingin sa dinadaanan nila.

“Fine. Pero kasalanan mo kapag na lock jaw ako.” Pananakot nito sa kanya. “Kuting naman e. Pansinin mo naman ako.”

Hindi siya kumibo o umimik.

Akala niya hindi na siya nito guguluhin dahil natahimik na ito ng ilang minuto, magsasaya na sana siya ng bigla itong kumanta ng wala sa tuno.

“Bubuka si cutest kuting, papasok ako. Boom tiyaya boom tiyaya boom yeye, Boom tiyaya boom tiyaya boom yeye. Bubuka si Sarah Catli, papasok si Shannon San—”

“Shut the fuck up!” Sigaw niya ng hindi na niya kayang pakinggan ang kanta nito.

Tumawa si Shannon. “Nagsalita ka na rin. Sure, I’ll shut up now.”

Akmang magsasalita siya ng tumunog ang message alert ng cell phone niya. Tiningnan niya kung sino ang nag-text. Ganoon na lamang ang panlalaki ng mata niya at pagtayo ng balahibo ng batok  niya ng mabasa ang text message.

More like an MMS. It’s a picture of a butchered cat with a caption, ‘Ikaw pala ang hahawak sa kaso ko, good luck with that, Catli. Kung ayaw mong matulad sa pusang ito, I suggest bumalik ka na sa amerika.

Hinamig niya ang sarili at ipinabasa niya kay Shannon ang text message. Napasinghap siya ng bigla itong may U-turn.

“We’re going back to HQ. We’re going to track that number.” Anito sa seryusong boses at mabilis na pinaharurot ang Hammer niya pabalik sa Interpol Headquarters. 

Continue Reading

You'll Also Like

348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
999K 31.6K 41
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
4.7M 127K 15
Kilala si Eizel Nicole San Diego bilang isa sa mga sikat na modelo sa buong mundo. Naparangalan na siya bilang isa sa may pinakamagandang mukha sa ba...
353K 18.5K 30
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.