WHEN A BEKI FALLS IN-LOVE (Pu...

By xianrandal

13.4M 206K 24.2K

Nananahimik siyang nagtatrabaho sa Canada as an architect when he received a letter from the Philippines, a c... More

WHEN A BEKI FALLS IN-LOVE
1
2
3
4
5
6
7
8
9-name
10
11
12
12 - itech na talaga ang trulaloo na update
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
27
28
29 Scanver
30
31- A Bitin ito, pramis!
31-B - mas bitin ito kaysa sa una
31-C -Huwag masyadong excited dahil baka ma frustrate!
32 - waley itey! Nagpalabas lang ng stress
33
34
35-Waley ito
36
37
38
39 -
40
41
42
43
44
45
46-Patatas pa More!
47
48
49 - Madrama to
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66
67 - MAUUMAY KAYO KAY INDAY- walang connection sa story-wala lang akong magawa
68
69
70
71
72
73
74
75
76
77 - Near the ending
END
Tsenen!
WHEN A BEKI FALLS IN LOVE 2
FREE TWO SIGNED COPIES

26

210K 3.1K 290
By xianrandal

26

As usual, hindi ko po binabasa ulit pag pinopost ko, saka na pag tapos ko na ang buong story at required mag-edit, kaya pasensiya sa typo.

At join na sa group ko, char! Magsisisi kayo kapag nag join? wahahaha...kapag hindi kayo nag join, warning, makukulit sila! https://www.facebook.com/groups/344111462405849/

***********************************

“Sino yun?” Tanong ni Kathryn kay Elvin. Katatapos lamang nilang mag-agahan nung tumunog ang telepono nito.

“Si Attorney. He wanted to talk to us today.” Nagsimula na silang magligpit nang pinagkainan. Kanina, pinag-usapan nilang hindi na muna sila kukuha nang kasambahay, hindi hihiramin ni Kathryn ang yaya niya sa mansion. Magtutulungan sila sa lahat ng gawaing bahay maliban sa paglalaba.

“Siya yung attorney ng Lola mo, hindi ba?” Naghuhugas na sila ng mga plato at ang tanging gagawin niya lang ay patuyuin ito at ilagay sa lalagyan.

“Yep. Nakakalurkey naman kasi si Lola! Akesh ang pinakapaborito niyang apo, halata naman, di ba? Akembang ang napagtripan sa kanyang last will cheverloo.”

“Love ko si Lola, promise, kasi kung hindi dahil sa kanyang last will cheverloo, hindi kita magiging Mister.” Sabay kiss sa pisngi ni Elvin. Katabi niya lamang kasi ito.

“Ewwww! Kathy, lagi ka na lang nagnanakaw ng halik sa akin.”

“Eh di ibabalik ko yung ninakaw ko na kiss? You like? Or if you like, ikaw kumuha. Dali na, kunin mo ulit ang kiss mo.”

“Heh! Makukurot kita sa fiampey (singit) sa mga pinaggagagawa mo.”

“Ay like ko yan, Sinta. Sige na, kurutin mo na ako, tsansingan mo pa ako. Hawakan mo lahat ng body parts ko.”

ISang malutong na tawa ang narinig ni Kathryn galing kay Elvin. Nganga na naman si Kathryn. How she loves to hear Elvin’s laughter. Parang ang macho macho lang.

“Lady Gaga ka talaga, Sintas.  Ako na rito, maligo ka na at pupunta tayo kina Mamang.”

“Sabay na lang tayong maligo, Sinta. Then gawa tayo ng kyotatalet before pumunta kina Mamang.”

“I kennot! Gora na, Sintas. Ako na sa kusina at nang makaka grocery pa tayo pagkatapos.”

“Bibigay ka rin sa akin, Elvin Yue!” Sigaw ni Kathryn.

“Push pa more, Sintas!” Natatawang sabi ni Elvin. Ang kulit-kulit nang asawa niya. Aminado naman siyang sooner ay talagang gagawa sila ng kyotatalet. Kahit naman baklush siya, pinangarap niya ring magkaanak, katulad nang ibang gay people na alam niya. Ang hindi niya lang talaga kayang gawin sa ngayon ay ang natural method na siya namang gusto ni Kathryn.

“Hindi ba pwedeng artificial inseminaton na lang?” Tanong niya sa sarili habang papatapos na sa ginagawa.

“Hindi!” Si Kathryn, may naiwan pala ito kaya bumalik. “NM Sinta kaya tumigil ka.”  Asar nito pagkatapos ay bumalik ng banyo.

Parang laging naka oishi (shabu) si Kathryn, lalo at pag NM ang pinag-uusapan. Nangingiti si Elvin, nasasanay na siya, nasasanay na rin siya sa karir (landi) nito.

************************

Papalapit pa lamang ang kotse ni Elvin ay kitang-kita na niya ang kanyang Mamang at Papang na nag-aabang sa pintuan. Labas yata pati gilagid nila sa ngiti, walang pasok kaya present rin ang kanyang dalawang kapatid na malamang ay makikisali sa pangungulit. Mali yata ang timing ni Attorney.

“Mga anak! Natutuwa ako at  maaga kayong nakarating.” Niyakap agad sila ng Mamang niya.

“Kumusta ang honeymoon anak?” Ang Papang naman nito ang nagtanong. Sinasabi na nga ba nila, magtatanong at magtatanong ang mga ito tungkol sa honeymoon. Mabuti na lamang at nag-usap sila ni Kathryn about dun.

“Mabuti naman po, Mamang. Maganda ang Gumasa, pino ang buhangin, one of these days, mamasyal tayo dun.”

“Kuuu! Ang lapit ng Samal Island, kayo na lang,basta ba yung apo ko, coming na.” Tukso ng Mamang niya.

“Mang, nakakahiya kay Kathryn.” Saway ni Elvin. Niyaya na sila ng Mamang niya na pumasok para antayin si Attorney.

“Bakit ka naman mahihiya sa asawa mo, talaga namang gagawa at gagawa kayo ng apo naming, hindi ba Kath, anak?”

“Opo, Papang.”

“Saglit at ikukuha ko kayo ng meryenda, gusto mo akong samahan, Kath?”

“Sige po, Mamang.” Sumunod siya sa nanay ni Elvin, naiwan silang apat na lalaki.

“Ano? Magbibilang na ba kami ng buwan Kuya?” Tanong ni Enchong sa kapatid.

“Ti-gi-lan nyo ako.” Pinandilatan ni Elvin ng mga mata ang kapatid.

“Anong pakiramdam, Kuya? MAsarap ba?” Si Edrian.

“Pang! Sawayin mo nga sila, ang hahalay nang mga kapatid ko!” Reklamo ni Elvin sa ama na nangingiti lamang sa tatlong anak.

“Hayaan mo na. Nakailan kayo?”

“Pang!” Naiiskandalong sabi niya.

**************************

“Gumaganda kang lalo, Anak ah.”  Tinulungan niya ang Mamang ni Elvin sa paghahanda nang meyenda kasama ng kasambahay.

“Salamat po, Mamang.”

“Ano, may apo na ba kaming aasahan?” Bulong ng Mamang ni Elvin kay Kathryn. Iyon ang dahilan kung bakit niya gustong masolo ang manugang.

“Mamang naman, we are still working on it.” Ayaw naman niyang sabihing wala pang nangyayari sa kanila nang asawa, isa pa, masyado nang personal yun. Ayaw naman niyang ipahiya ang kanyang Sintas.

“Sana meron na, excited na kaming lahat, at sana babae, para may babae naman sa pamilya, alam mong tatlong lalaki ang pinalaki ko.”

Isang binabae. Si Elvin.

Mukhang nabasa yata ng Mamang ng asawa ang nasa isip niya.

“Si Elvin, medyo kakaiba, pero kahit tanggap naming kung ano siya, sa puso ko bilang isang ina, alam ko pa ring lalaki ang batang yun. I mean, huwag kang magagalit, Kathryn ha.”

“Okay lang po yun, Mamang.”

“Pagpasensiyahan mo rin ang anak ko, Kath ha. Mabait na bata si Elvin, malambing, responsible, kaya naniniwala ako na nung nagdesisyon siya na pakasalan ka, kung ano man ang pinag-usapan ninyong dalawa, tutuparin niya.”

“Alam ko po yun, Mamang. Kaya nga po ako nain-love sa kanya. Minus na o yung sobrang guwapo niya.”

“Iba talaga ang nagagawa nang pagmamahal ano? Matatanggap mo kung ano at sino siya. PEro alam mo, malakas pa rin ang paniniwala kong magiging tunay na lalaki ang anak ko dahil sa iyo.”

“Ako rin po, Mang.”

“Basta, anak, mahalin mo lang si Elvin, nasa iyo ang suporta ko, buong-buo.”

“Salamat po.”

“Halika at baka namatay na sa tukso si Elvin mula sa tatlo.” Tinulungan niya ang ina ng asawa sa pagdala ng meryenda nila.

“O heto na pala sila. Huwag mo masyadong titigan si Ate Kathryn, Kuya at baka umuwi kayo agad.” Tukso ni Enchong sa kapatid.

“Kayo ha, huwag nyong inaasar ang Sinta ko.” Umupo siya sa tabi nito. Hinawakan naman ni Elvin ang kamay niya. Para bang sinasabing salamat at pinagtatanggol mo ako.

Ilang sandaling kuwentuhan pa at dumating na si Attorney na present rin sa kasal nila.

“Kumusta ang bagong kasal? Kailan naman ba isusunod ang church wedding?”

“Soon po, Attorney, at gusto kong present ka dun.”

“Oo naman, alam mo namang para ko na rin kayong pamilya.” Inilabas na nito ang Last Will Cheverloo ng Lola niyang na deadz.

“Bibigyan ko kayo nang kopyang mag-asawa. Sa ngayon, natupad na ninyo yung unang hiling ng Lola mo, Elvin, ang makapag-asawa ka. Ang susunod na lamang ay anak, Elvin at Kath.”

“Yes, Attorney.”

“I hope you don’t mind if ipapa DNA test natin yung bata. Sumusunod lamang ako sa bilin ng namatay.”

“Wala pong problema sa akin, Attorney, kasi I know na yung magiging anak naming ay talagang anak ni Elvin.” Si Kathryn.

“Sa loob ng isang taon, kailangang magkaroon kayo nang anak na dalawa, pero nakalagay naman rito na pwedeng i-extend, siguro naisip nang Lola ninyo na hindi basta-basta magkaron ng anak.”

“At talagang hindi basta-basta, Attorney!” Mataas ang boses na sabi ni Elvin. Hinawakan tuloy siya ni Kathryn sa braso.

“Alam ko. Ang sabi rito, pwede naman raw na artificial insemination.”

“Hindi ako papayag!” Si Kathryn naman ang tumaas ang boses. Si Elvin naman ang humawak sa kamay niya.

“Ano ba kayong dalawa?” Natatawang sabi ni Attorney. “RElaks nga lang. Lilnawin natin lahat. Nakasaad rito, Elvin, Iho, you need to get married ASAP, na natupad mo naman, kailangan nyo ring magkaanak ng asawa mo, siyempre, within the year or pwedeng more than a year, ni hindi nga nailagay ng Lola mo kahit ilang taon na maghihintay. Basta kailangang mag-asawa kayo sa mga panahong iyon, hindi maghihiwalay. Ngayon, kung gusto ninyo ng artificial insemination para magkababy…”

“Hindi nga, Attorney eh, NM nga eh.”

“Shhh, Sintas, oo na, NM na kung NM.” Bulong ni Elvin. Pinipigilan lamang ng mga kapatid ni Elvin ang tumawa sa hitsura ng dalawa.

Napakamot ng ulo si Attorney. “Sige, NM, ano ba ang NM?”

“Natural method.”  Mabilis na sagot ni Kathryn.

Oh gosh, Sintas! Ikaw na ang Reyna ng mga Krung-Krung!

 

“Okay, magkakaanak kayo sa pamamagitan ng NM.” Sabi ni Attorney.

“Naman! Tapusin mo na po, Attorney at nang makapag overtime na ang mga yan, mamaya.” Asar ni Enchong.

“Enchong!”

***************************

Salamat sa lahat ng mga nagcocomment at nagvovote sa story na ito. Rest assured that I read all of them, though hindi ako gaanong nagrereply, it inspires me actually, I mean each comment.

-Xian-

Continue Reading

You'll Also Like

23.3K 330 13
When life gives you its worst, anong gagawin mo? TRIGGER WARNING: This story might trigger those readers with depression. READ AT YOUR OWN RISK. [UNE...
203K 2.8K 200
(2023) Taylor Swift Lyrics Completedâś…: evermore folklore Lover reputation 1989 Red (Taylor's Version) Speak Now Fearless (Taylor's Version) Taylo...
32.9K 891 75
[NCT E P I S T O L A R Y S E R I E S #2] In which a boy and a girl who always get on the same bus on the way home. "Ako yung babaeng nakakasabay mo...
115K 2.7K 29
She was always hidden in the dark. sometimes you do not seem if she exist here in the world. Pero dahil isa siyang EMPRESS. Nag bago ang lahat ang da...