Man and Wife (Wifely Duties 2...

By FGirlWriter

2.3M 76.9K 18.4K

A Sequel to Wifely Duties: The heart never forgets. But what if it does and never remembers back? Written ©️... More

Content Warning & Disclaimer
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Epilogue

Chapter Twelve

66.2K 2.7K 581
By FGirlWriter

CHAPTER TWELVE

*We forgive, not for them.

But for our own peace.*

***

"MOMMY, how was your vacation? Did you have fun?" Riana asked sweetly.

Hindi alam ni Agatha kung paano sasagot. So, Reeve just told them that she's having a vacation?

Hinaplos niya ang mukha nito. "Oh, baby. Mas masaya pa rin ako ngayong kasama ko ulit kayo. I missed you all so, so much."

Parang sasabog sa saya ang puso ni Agatha. Hindi niya na ininda ang bahagyang pagkirot ng sentido. Basta ngayon ay katabi niya ang lahat ng anak. Nakaupo sa kaliwa niya si Rainiel. Sa kanan si Riana. While she's cuddling both Adam and Rade.

Napangiti si Riana. Her cute dimples showing. "I missed you a lot, too, Mommy! Very, very!" Riana giggled. "But Daddy kept us company while you're on vacation. We had a Daddy time!"

"Two weeks lang naman natin kasama si Daddy. The rest, hindi naman niya tayo pinansin katulad dati," salubong ang kilay ni Rainiel. "He just gave us time when Lolo and Grandpa took his work away. He loves his work more than us!"

"Rainiel," nanaway ang tono ng ina ni Agatha. "What did I tell you? You should be kinder to your Daddy, right?"

Lalong nagsalubong ang kilay ng anak. Lumabi ito at hindi na nagsalita. Sumiksik ito sa kanya at yumakap sa baywang niya.

Hindi alam ni Agatha kung anong sinasabi ni Rainiel. Wala kasi talaga siyang matandaan kay Reeve. But based from his son, maybe Reeve was a very busy person.

"I hate Daddy..." narinig niyang bulong nito.

Gulat na napayuko siya sa panganay. "Anak... hindi mo dapat sinasabi iyan," she softly said. "Your Daddy is..." Saglit siyang napahinto.

Ano bang klaseng ama si Reeve? Hindi niya matandaan. But she felt that there's a need to protect Reeve's image to their son.

Napatingin siya sa Mommy niya na agad na naintindihan ang sitwasyon.

"Rainiel, apo, your Daddy loves you all. Hindi ba at iniwan niya muna ang work para sa inyo? Kasi mas gusto niya talaga kayong maalagaan habang nasa bakasyon pa ang Mommy niyo."

"Hindi naman nag-vacation si Mommy!" galit na bulalas nito. "Kung nag-vacation si Mommy, bakit siya nandito sa hospital? Sinungaling si Daddy!"

"You're bad, Kuya Rain," nakalabing sabi ni Riana. "Daddy's not a liar." Tiningala siya ng babaeng anak. "Right, Mommy? Tito Johann said that you got sick during your vacation that's why we need to visit you."

"Ahm..." biglang nalito si Agatha. Hindi pala nila napag-usapan ng kapatid at ni Reeve kung anong alam ng mga bata tungkol sa nangyari sa kanya. But clearly, they're trying to protect their innocence from what really happened to her.

"Kids, we need to keep quiet while in the hospital, alright?" her father finally spoke. "Rainiel, Riana, baba muna kayo diyan. Let's eat some snacks."

"Okay, Lolo! I'm hungry na rin," Riana agreed. Lumapit sa kanya ang anak at hinalikan siya sa pisngi. "I love you, Mommy. Get well soon."

Napangiti siya at hinalikan din ito sa pisngi. "I love you, too, baby. Kain kang marami, ha?"

"I'm not hungry. I'll stay with Mommy." Naramdaman niya ang paghigpit ng yakap ni Rainiel sa baywang niya.

"Rainiel—"

"It's okay, Daddy. Let Rainiel stay."

Nagsimulang maghikab si Rade. Si Adam naman ay tahimik na nakasandal lang sa dibdib niya.

"I guess Rade needs to have some sleep," sabi ng Mommy niya bago kinuha sa kanya si Rade. "Patutulugin ko muna siya, anak. Mukhang napagod sa first plane ride niya."

"Thank you, Mommy."

"Adam, you want food, too?" tanong ni Riana sa kapatid.

"Fooood!" Nagningning pa ang mga mata nito.

He's so cute! Hindi niya napigilang halikan ang maliit pang mga anak.

Binuhat ng Daddy niya si Adam. Magkasabay na lumabas ang mga magulang kasama ang tatlo niyang anak.

"Did you miss me?" lambing niya kay Rainiel nang silang dalawa na lang ang nasa kuwarto.

Tumango ito. Mula sa gilid niya ay kumandong ito sa kanya at niyakap siya nang mahigpit sa leeg. "Uwi na tayo, Mommy. Huwag ka na aalis ulit para hindi ka mawawala, Mommy..."

She gently strokes his back. "Hindi naman ako nawala..."

"I know you had an accident, Mommy," seryosong sabi nito. Humarap ito sa kanya. Ang munting mga kamay nito ay hinawakan siya sa magkabilang pisngi. "Sinabi lang ni Daddy na nag-vacation ka para hindi kami ma-sad na nawala ka, Mommy. Nawala ka ni Daddy, Mommy. Kasi hindi ka niya inaalagaan!"

"R-Rainiel..." Agatha does not know how to answer or defend Reeve.

"When we come home, Mommy, I'll take care of you. Because for sure, Daddy will just go back to work."

She brushed her fingers through his smooth hair. "Baby, Daddy works for us..." naisip niyang sabihin. "He's a good Daddy. Sigurado naman akong inaalagaan niya rin tayo."

"No! Don't you remember, Mommy? He forgot your anniversary last year then you cried but I saw you!"

Napakurap siya. Nangyari iyon?

"He forgot because he's always working. He's not even playing with me anymore. Tapos nawala ka. Daddy just felt bad because he did not know where to find you. Kaya nag-stay siya sa house kasama namin. Hindi ka na kasi niya mahanap! No one will take care of us. Napilitan lang si Daddy!" he cried.

Napabuntong-hininga si Agatha. Nasasaktan siya sa galit na naririnig niya sa tinig ng anak. Bata pa ito pero nararamdaman na nito iyon.

Niyakap niya ang anak at kahit wala siyang maintindihan ay hinayaan niya lang na umiyak ito. Hinalikan niya ito sa pisngi.

"I'm here already, anak. Everything's going to be fine."

Mas humigpit ang yakap nito habang umiiyak pa rin. "I missed you so much, Mommy. I kept on waiting for you..." umiiyak na sabi nito. "It's sad without you, Mommy. Dapat si Daddy na lang ang nawala."

"Rainiel, no... Don't say that. Nakita na 'ko ng Daddy niyo. Magkasama na ulit tayo. Ibig sabihin, hindi tumigil si Daddy para mahanap ako. Hindi ba?" alo niya sa anak. "One more thing, your Daddy loves you. Galit ka lang, baby. Pero, give Daddy a chance. Hindi magandang may gusto kang mangyaring masama sa iba dahil lang galit ka sa kanila."

Lumabi ito, suminghot-singhot. "We almost lost you, Mommy. It's Daddy's fault!"

Sa tingin ni Agatha, kahit wala siyang maalala ay hindi naman siguro kasalanan ni Reeve ang aksidente niya. Kakausapin niya na lang siguro ulit ang lalaki para malinawan siya sa inaakusa ng anak nila rito.

Niyakap niya na lang ulit ang anak at hinagod-hagod ang likod nito. He's too young to understand the situation.

"Mommy, I thought I'll never see you, again..." iyak pa rin nito. "I miss you so much, Mommy. I think I'm going to die without you."

"Inay! Inay!"

Natigilan si Agatha. Natigil din sa pag-iyak si Rainiel. Napalingon ito sa pinto kung nasaan si Sasa.

"Inay!" Tumakbo ito palapit sa kama at agad na tumuntong sa upuan para maabot siya.

"Mag-iingat ka..." Agad niya itong inalalayan.

Nakatuntong naman ito ng maayos sa kama. Yumakap ito sa kanya. Rainiel was pushed aside.

"Inay, sabi ni Teacher Pogi, wala ka na sakit. Okay ka na, Inay?"

Dumagsa ang kirot sa dibdib ni Agatha. How can she forget about her situation with Niel and Sasa? Lalo na sa bata... paano niya ipapaliwanag sa apat na taong gulang na... na hindi siya ang ina nito?

Lumapit si Kuya Johann sa kanila. "Ahm, Sasa, natandaan mo ang pinag-usapan natin bago kita dalhin sa inay mo?" marahang sabi nito.

Agad na lumungkot ang buong mukha ng bata. Her lips turned downwards. Tiningala siya ni Sasa. "Inay, hindi ka na uwi sa bahay natin? Sabi ni Teacher Pogi, Inay kita pero sa heart lang... Iba daw Inay ko talaga..."

Napalunok siya at napatingin sa kapatid.

"Inay, ayos lang kahit hindi kita Inay talaga. Pero huwag ka na lang alis. Huwag mo 'ko iwan."

"S-Sasa..." Nangilid ang luha sa mga mata niya. Bakit nawala sa isip niya ang tungkol rito? Alam niyang kahit bumalik na ang mga alaala, naging malapit talaga siya sa bata. Agatha saw Sasa as her real daughter. "P-Pasensya na, anak... Hindi na kasi ako puwedeng bumalik sa bahay..."

"My Mommy's coming home with us," biglang singit ni Rainiel. Tinulak nito si Sasa.

"Rainiel!" saway niya sa anak. Mabuti na lang at agad niyang nasalo si Sasa bago ito mahulog sa gilid ng kama.

"Sino ba siya, Mommy? Bakit tinatawag ka niyang Inay?" kunot na kunot ang noo ni Rainiel.

Agad na lumapit sa kanila si Kuya Johann. "Rainiel, labas muna tayo."

"No, Tito! I'll stay with Mommy."

Napabuntong-hininga si Agatha. How will she handle this? She didn't think these through.

"Rainiel, while I was missing, napunta ako sa isang place. In there, I took care of Sasa. She's Sasa." Umupo na sa kabilang gilid niya si Sasa. Nakayakap na ito sa baywang niya habang nakasilip kay Rainiel na nasa kabilang gilid niya rin.

"Sasa, siya si Kuya Rainiel... anak ko siya."

Hindi ito pinansin ni Sasa. Tiningala siya ng huli. "Inay, sama na lang ako sa'yo," sabi nito at saka nangilid ang luha sa mga mata.

"Bakit ka sasama sa'min? Hindi ka naman namin kapatid!" ani Rainiel.

Humagulgol ng iyak si Sasa. "Inay..."

Niyakap niya ito at binalingan ang anak. Mas matanda si Rainiel nang apat na taon kaysa kay Sasa. "Please, baby, be kind to Sasa."

"Inay, sama mo na lang ako. Huwag mo 'ko iwan."

"Stop calling her that!" Galit na si Rainiel. "Mommy is not your mommy!"

"Rainiel!" mas matigas na ang tinig ni Agatha sa pagsaway. "Is that a nice thing to say to a girl? Sasa's younger than you. Even younger than Riana."

Kumunot ang noo nito. "Pero, Mommy, hindi siya puwede sumama sa'tin! Hindi mo naman siya anak! Epal iyan!"

Binuhat ni Johann si Rainiel. "Chill ka lang, boy. Chill. Hindi tayo ganyang mga lalaki. Hindi natin sinasabihan ng epal ang mga babae. Minamahal natin sila."

"Titooo!" Pilit kumakawala si Rainiel kay Johann. Tumakbo na ang kapatid niya palabas ng kuwarto bitbit si Rainiel.

Agatha sighed. "Pasensya ka na, Sasa..." malumanay niyang wika. Hinaplos niya ang buhok nito. "Kung puwede lang, mananatili ako dito kasama ka." She gently caressed her cheek. "Gusto rin kitang isama pero... paano ang Itay mo? Wala siyang makakasama kapag sinama kita."

"Bakit ganoon, Inay? Bakit hindi kita totoo Inay? Bakit sinungaling si Itay?" Kumandong ito sa kanya at sinubsob nito ang mukha sa dibdib niya. "Inay, iwan ko na lang Itay kasi hindi siya sabi totoo. Ayoko na sa kanya, Inay. Sama mo na lang ako," iyak nito.

Ang bigat-bigat na ng dibdib ni Agatha. Kanina lang ay si Rainiel ang inaalo niya. Ngayon ay si Sasa naman.

Niyakap niya ito at hinele. Awang-awa siya sa sitwasyon nito. Walang kasalanan si Sasa sa mga nangyari ngunit magiging malaki ang epekto ng ginawa ni Niel dito.

Nais pa rin pakinggan ni Agatha ang paliwanag ni Niel. Kung bakit sila nito niloko. Kung bakit itinago nito ang totoo. Marami siyang gustong itanong sa lalaki. But when she remembered her kids, she just wanted to go home with them. Gusto na lang niyang kalimutan ang nangyari, but she knew she can't. Hindi niya kaya, dahil kay Sasa.

Maya-maya ay tumahan na si Sasa. Pagsilip niya ay tulog na ang bata. Agatha started to think of their situation. She can ignore Niel but she can't just leave Sasa. Actually, she can. But she won't JUST do it.

Maya-maya pa ay pumasok na ulit ang kapatid niya. Nasa gilid nito si Rainiel na mukhang kalmado na pero walang ekspresyon ang mukha. Bumalik na din ang mga magulang nila at ang tatlo niya pang anak.

"Hi, Mommy!" Lumapit sa kanya si Riana ay umakyat ng kama. "Who is she, Mommy?" tanong pa nito habang nakatingin kay Sasa.

"She's Sasa," sagot niya sa anak. "When I was... on a v-vacation, I took care of Sasa... Wala na kasi siyang Mommy."

"Oh." Hinaplos ni Riana ang buhok na natutulog na si Sasa. "Let's play later once you woke up, Sasa."

Napangiti si Agatha. Pagbaling niya sa mga magulang ay ipinapaliwanag na ni Kuya Johann sa mga ito ang tungkol kay Sasa.

Nasa dalawang stroller at natutulog sina Adam at Rade. Tinignan niya si Rainiel at pinalapit niya ito sa kanya. Tahimik na lumapit ito ngunit napansin niya ang matalim nitong pagtingin kay Sasa.

"I'm sorry, baby. Ipapaliwanag ko na lang sa'yo lahat ang nagyayari. But please, be kinder to Sasa."

Tumango lang ito pero wala pa ring ekspresyon ang mukha. Nang titigan niya ang anak ay ngayon niya lang napansin na kamukhang kamukha ito ni Reeve.

Speaking of Reeve... inikot niya ang paningin sa buong kuwarto. Kanina pa pala wala ang lalaki.

"Where's Reeve?" kuryosong tanong niya.

"Kausap si... Niel," her brother answered.

Namilog ang mga mata niya. "N-Nandito si Niel?" Akala niya ay si Kuya Johann ang nagdala kay Sasa sa ospital.

"A-Ayos lang ba silang dalawa?" Biglang bumangon ang pag-aalala sa dibdib niya. Hindi niya alam kung para kanino. Siguro para sa dalawa.

Tumingin si Kuya Johann sa mga anak niya. Pagkatapos ay sa mga magulang nila. Napabuntong-hininga ito.

"Ipakukulong daw ni Reeve si Daniel, Agatha. Dumating ang mga pulis kanina. Sa presinto sila nag-uusap ngayon. Hindi pa naman nagsasampa ng kaso si Reeve. Gusto niya munang marinig ang rason ni Niel."

***

KANINA pa tahimik sa buong interrogation room. May isang pulis ang kasama nina Niel at Reeve.

Nang lumuhod ito at umiyak sa harap niya kanina ay hindi niya ipagkakailang naawa siya sa lalaki. Suddenly, Reeve found himself pitying this man.

Ngunit pinili niyang magmatigas. Tumawag siya ng pulis na agad ang pagresponde. He wanted to file a case against him immediately.

Pero sa tuwing lulunurin siya nang galit kay Niel ay biglang nagsusumiksik sa isip niya ang anak nito. If Niel's going to jail, who will take care of his daughter, then?

Hindi niya itatangging gusto na lang niyang magpanggap na walang pakialam. But whenever he thought of Sasa, naiisip niya rin ang apat niyang anak. What if they were the ones who got a dead mother and a father in jail?

"Hindi ka ba talaga magsasalita, Mr. Ebreo?" tanong ng pulis. "Ang gusto ni Mr. Monteverde ay isang paliwanag lang kung bakit tinago mo ang asawa niya."

"Mali ang mga ginawa ko," ani Niel. Nakayuko ang ulo. "Tatanggapin ko ang pagkakakulong sa kasalanang nagawa ko. Patawarin niyo ako."

Kumuyom ang mga kamay ni Reeve. His jaws clenched. "Stop saying you're sorry, Daniel. Bakit mo ginawa iyon?!"

Lalo itong napayuko. "M-Makasarili ako... H-Hindi ko inisip na may totoong pamilya siya... I-Inignora ko ang posibilidad na may mga anak rin si Seline—"

"She's Agatha. Agatha Monteverde," tiim-bagang niyang sambit.

"Si A-Agatha... Alam kong mali ang lahat. Patawarin niyo ako sa lahat ng ginawa ko. Wala akong ibang ginawa sa kanya. Inalagaan ko rin siya. Maniwala ka, Mr. Monteverde. N-Naging mabuting ina siya s-sa anak ko... Kahit alam kong may mga pangamba siya ay inalagaan niya ang anak ko."

"Eight months, Ebreo. Eight months of insanity for me and my children!"

Tumango ito. "W-Walang tuwid na rason para sa ginawa ko. Matatanggap ko ang magiging kabayaran nang panloloko ko. Nagmamakaawa lang ako, Mr. Monteverde." Tumingin ito sa kanya, pula ang mga mata mula sa pagpipigil ng mga luha.

"Nakikiusap ho ako... na sana'y h-huwag niyong ilayo sa'kin ang anak ko. Si Sasa na lang ang mayroon ako."

"Tignan mo ang ginawa mong kalokohan, Ebreo," sabi ng pulis. "May anak ka pang madadamay dahil sa ginawa mo. Dapat kasi'y ni-report mo agad sa'min ang tungkol kay Mrs. Monteverde at hindi lang 'yong babaeng na-comatose sa nayon niyo."

Masyadong malalim ang iniisip ni Reeve na hindi niya na napansin ang sinabi ng pulis.

Nahihiyang napayuko si Niel.

"Eh, patay na rin pala ang asawa mo. Kung gusto mo ng nanay para sa anak mo, bakit hindi ka na lang nagpakasal ulit?"

Napansin niya ang pagkuyom ng kamay ni Niel. "S-Sino pa ho ba ang magkakamali sa lalaking isang kahig, isang tuka? At may anak na? Kahit ako, hindi ko pipiliin ang sarili kong pakasalan. Isa lang ho ang nagkamali at nawala pa siya." Agad na lumukod ang lungkot at pangungulila sa mga mata nito.

Napailing ang pulis. But Reeve... can understand. What the hell?

"Ano hong desisyon niyo, Mr. Monteverde? Itutuloy niyo po ba ang pagsasampa ng kaso?"

"Kanino maiiwan ang anak mo?" seryosong tanong niya kay Niel. Reeve keeps on thinking about the little girl's sake.

May kasalanan ang ama nito. It was very clear that Niel was a desperate and helpless man. Subalit sapat bang magpatawad siya, kalimutan ang lahat ng ito, at hayaan na lang si Niel na ipagpatuloy ang pagtataguyod nito nang mag-isa sa anak?

"Ipakikiusap na lang muna sa mga kapitbahay..." mahinang sagot ni Niel. "M-May kaunting naipon ako sa bangko para sa anak ko. Magagamit siguro nang mag-aalaga kay Sasa..."

Napansin ni Reeve ang lungkot at paghihirap sa mga mata nito. He does not know why. But as a father like Niel... he can understand his pain. Being away with his only child.

Something tugged his heart. Nagtagis ang mga bagang niya at napatayo.

"Mr. Monteverde, may desisyon na po kayo?" tanong ng pulis at tumayo na rin.

He looked down at Niel. Nakatingala ito sa kanya—puno nang pagsisisi ang buong mukha para sa kasalanang inaamin nito. Pati takot para sa posibilidad na baka hindi na nito makasama ang anak. Niel humbly admitted his mistakes and was ready to face the consequences.

But was it all enough reasons for him to just... forgive?

"May gusto ka ba kay Agatha?" huling tanong niya rito.

Nag-iwas ito ng tingin. "Napakabuti niyang tao. Lalo na ang pagiging ina. Natural sa kanya ang maging mapagmahal sa bata..."

"You didn't answer my question," he coldly said. "Do you like my wife?"

Hindi ito sumagot bagkus ay mas napayuko lang ng ulo.

Napailing si Reeve. "Hindi kita ipakukulong," pinal niyang desisyon.

Gulat na napatingala ito sa kanya. Maging ang kasama nilang pulis ay hindi rin makapaniwala.

Tumalikod na siya. "But I'll file a restraining order against you. Hinding-hindi ka na makakalapit pa ulit sa asawa ko. Kahit kailan."

Reeve can choose to forgive. But forgiveness doesn't mean he'll tolerate wrong doings. He won't let Niel slide easily. Niel has to still suffer the consequences of his actions. Hindi lang ngayon, habang bata pa si Sasa.

Lumabas na siya nang presinto at sumakay ng kotse. In due time, Reeve will make Niel pay.

At higit ang sisingilin niya rito.

***

NAGISING si Agatha kinabukasan dahil sa narinig na tawa ng mga bata. Sumilay ang ngiti sa mga labi niya nang makitang nagtatawanan sina Rainiel at Riana. Adam was playing with them, too. Rade was quietly watching from his stroller.

Hindi agad siya bumangon. Hindi niya pinaaalam na gising na rin siya. Kontentong pinanood niya lang ang mga anak.

Later on, Reeve entered the room. "Hey, Mommy can go home. Her doctors said she's okay to leave the hospital."

"Yehey!" Riana cheered.

"Yey!" Adam cheered too, raising his two short arms.

Hindi kumibo si Rainiel.

Pumikit si Agatha at nagpanggap pang tulog. Narinig niya ang mga yabag ni Reeve. "What do you want for breakfast, mga anak?" may lambing ang baritonong boses nito.

"Pancakes!" Riana answered.

"Fruits, Daddy. Fruits," sagot naman ni Adam.

"I'm not hungry," walang siglang sagot ni Rainiel. "I'll just wait for Mommy to wake up. Gusto ko kami ang sabay na magbe-breakfast."

"Pero nag-sleep pa si Mommy, Kuya. Let's join with Daddy na lang."

"No. I don't like to eat with Daddy!"

Dumilat na si Agatha at bumangon. Pagtingin niya kay Reeve ay malungkot ang mga matang nakatingin ito kay Rainiel.

"Rainiel..." tawag niya sa anak.

Mula sa pagsimangot ay napangiti ito at lumapit sa kanya. "Good morning, Mommy!" Umakyat ito sa higaan at hinalikan siya sa pisngi.

"Good morning, Mommy!" Riana sweetly greeted, too.

"'Morning, Mommy!" Adam tried to greet.

Napatingin siya kay Reeve. Tila iniisip pa rin nito ang sinabi ni Rainiel.

"Good morning, Reeve."

Napakurap ito at napabaling sa kanya. "Good morning, sweetheart." Hindi ito lumapit sa kanya. Binuhat nito si Rade mula sa stroller. "I'll just buy us breakfast. I'll be back."

"Daddy, I'll come with you," sama rito ni Riana.

Pagkalabas ng mga ito ay umalis si Agatha mula sa higaan. Tumayo siya at nilapitan si Adam. Binuhat niya ito at hinalikan sa pisngi.

"Rainiel," tawag niya sa panganay.

"Yes, Mommy?"

Umupo siya sa couch para magpantay sila ng anak. "Baby, I heard what you said earlier about Daddy. Rainiel, dapat hindi mo sinasabi iyon. You make Mommy sad, anak. Kahapon, rude ka kay Sasa. Ngayon, pati sa Daddy mo."

Lumabi ito at napayuko. "I'm sorry, Mommy."

Inayos niya ang pagkakandong kay Adam sa hita niya. Pagkuwa'y inabot niya ang pisngi ni Rainiel at masuyong hinaplos iyon.

"You say sorry to Daddy, too."

Tumango si Rainiel. Ngunit pagbalik ni Reeve bitbit ang mga binili nitong pagkain ay hindi nito pinapansin si Reeve.

Napabuntong-hininga si Agatha. Pagkatapos mag-agahan ay dumating ang mga magulang pati ang kapatid niya.

Kinuha muna nito ang mga bata para mapaliguan at maayusan sa hotel na tinutuluyan ng mga ito. Naiwan ulit sila ni Reeve na mag-isa sa kuwarto.

Inaayos nito ang mga gamit nila.

"You can take a bath before we leave the hospital."

Tumango siya. Akmang kukuha siya ng damit nang binigyan na siya ni Reeve. Pati tuwalya at toiletries.

"Salamat," nakangiting sabi niya.

Ngumiti rin ito. "Hihintayin kitang matapos bago tayo umalis."

Tumalikod na siya at dumiretso sa banyo. Pagkatapos maligo at mag-ayos ay lumabas siya ng banyo. Nakaupo si Reeve sa couch habang may binabasang mga papel.

He seriously sipped on his coffee. Hindi muna kumibo si Agatha pero nag-angat na agad ito ng tingin sa kanya.

"You ready to go?"

Tumango siya. "Reeve..."

Tumayo ito at binitbit ang bag kung saan nakalagay ang mga gamit nila. "Hmn?"

"A-Anong nangyari sa pag-uusap niyo ni Niel? Did you press charges?" Kahapon niya pa gustong itanong iyon rito nang makabalik ito. Pero masyado siyang naging abala sa mga anak niya para magkausap sila.

"I got him a restraining order instead."

Napakurap siya. "Hindi mo siya ipapakulong?" Bakit tila lumuwag ang dibdib niya? Siguro ay masaya siyang hindi maiiwang mag-isa si Sasa. May mag-aaruga pa rin dito kahit... kahit wala na siya.

Reeve shrugged. "I don't want to take away the only parent a child has. If Niel can rob my children a parent, it does not mean I'll do the same with Sasa."

Sinilip ni Agatha ang mukha ni Reeve. Wala itong ekspresyon.

"Hindi na makakalapit sa'yo si Niel."

Tumango lang si Agatha. "Pero, puwede bang makita ko kahit sandali si Sasa? Para makapagpaalam?"

"Sure," Reeve smiled.

"Ahm, Reeve, I need to ask something."

Lumingon ito sa kanya. "What about?"

"Bakit galit si Rainiel sa'yo? He keeps on telling me that you neglected us before the accident happened. That we barely see you and you don't keep your promises. T-Totoo bang lahat ng iyon?"

Humugot ito nang malalim na hininga. "Yes. It's all true." 

Napakalungkot nang tinig nito. Agatha, without thinking, stepped forward and gave Reeve a comforting kiss on the lips.


***

Follow my official FB Pages:

FGirlWriter and C.D. De Guzman

~~~

Join our family!

FB Group: CDisciples

Twitter: CDisciplesHome

Continue Reading

You'll Also Like

140K 3.4K 54
What will you do if you end up in someone else body?
529K 21.7K 19
Delos Santos Family Series - Auxiliary: Sa huling taon ng buhay niya, may pag-asa pa bang magpatawad at mapatawad ang isang Santino Pierre Delos Sant...
3.6K 195 5
Patrick Lauchengco of Apollo's Heartbreak 10/14/2022 - ONGOING
10.5M 188K 36
Nalasing si Lana isang gabi at pagkagising niya ay nasa tabi na siya ng isang lalaki! She slept with a stranger named Dylan Guevarra! What's worst? L...