Tuwing Umuulan (Marñigo)

By tephoney

816 34 24

"Magaling talaga siya sa at talento niya ang pagsisinungaling" More

Simula ng Ulan
Simula ng Pagpapanggap
Simula ng Pagpapaalala
Simula ng Lihim
Simula ng Kulang
Simula ng Kasinungalingan
Simula ng Kabaliwan

Simula ng Nakaraan

99 6 4
By tephoney



Isang nakaraan kung paano sila pinagtagpo na pilit inaalala ng isa sa kanila

Mga panahon kung saan sila inilapit sa isat-isa ng tadhana kung saan may problema ang isa

Nagsimula sa pagtulong, pagpapakilala pero nainis ang isa dahil sa pang-iinsulto niya

Ngunit ang ulan lang pala ang magpapalapit sa kanilang dalawa. Masaya pero dito lang ba?




___

Tasya


Totoo ba 'to? Nag- I love you siya sa'kin pero bakit ang bilis?


Napaatras ako ng ulo subalit pinagtawanan niya lang ang ginawa kong reaksyon sa sinabi niya.


Tumayo siya at laking-gulat ko nang mag-backdive siya tsaka niya ako tinuro.


Natawa ako pero hindi niya naman maririnig ang tawa ko dahil iniwan niya nga ang hearing aid niya sa sinehan kahit ako ay iniwan ko ang phone ko. Hindi ko naman kasi inakala na mangyayari 'to.


Biglang may kumatok at pilit na binubuksan.


Natahimik ako. Nagkatinginan kami't nanlakihan ng mga mata ngunit tumakbo siya sa loob ng banyo ng PWD.


Napalunok ako. Kinakabahan kong inayos ang sarili ko sa harap ng salamin.


Binuksan ko na ang pinto at sinalubungan ako ng pagtataka ng lalaking security guard.


"Bakit po kayo mam nag-locked ng pinto?"


"Nag-jebs po ako". Ningitian ko si manong. "gusto ko po kasi private. B-baka po kasi nakakahiya sa mga papasok"


"Ahh ganun ba mam? Sorry po". Nang umalis si manong ay humugot ako ng hangin at bumuga. Lumuwag kahit papaano ang kabang nararamdaman ko.


Nilingon ko si Kelvic at nakasilip siya. Senenyasan ko siyang mauna lang ako.


Pagkabalik ko sa loob ng sinehan ay naririnig ko pa rin ang boses niyang nag-I love you sa'kin.


Ngumingiti ako habang nakatingin sa malaking tv.


"Nakakaiyak na ng scene nina Sid and Aya tapos nakangiti ka dyan". Naitikom ko ang aking bibig dahil sa sinabi ni Fiona. I look at her. "lumabas lang si Kelvic. Bumili siya ng popcorn"


Ngunit natapos na ang pelikula ay hindi pa rin siya nakabalik. Hinintay siya namin ni Fiona sa labas ng sinehan.


"Oh hayun siya". Ngumuso ang bestfriend ko. Bakit hindi kaya excited ang babaeng 'to?


Nang lumingon ako ay nahati ang puso ko. May kausap na babae si Kelvic through sign language.


Siya ang babaeng kasama niya sa Coffeebreak kanina and I think, she's Sabrina. Ang babaeng boto ang kanyang lola at gusto niyang magpakasal si Kelvic sa kanya.


Nang makita niya kami ay tumakbo siya kaagad papunta sa amin at sa pangalawang pagkakataon ay iniwan niya na naman ang babae.


Huminto siya. Kamot-kamot niya ang kanyang ulo habang pahakbang-hakbang na tumutungo sa amin ni Fiona.


"Sorry". Isang salita niyang naramdaman ko ang sinseridad. "sorry Tal pero ihahatid ko muna si Sabrina". Nadurog ang puso ko. Alam kong ilang oras pa lang kaming magkakilala pero kilala ko ang sarili ko, gusto ko na siya.


"Girlfriend mo?". Tanong ni Fiona ngunit tinuro niya ang kanyang tenga at tsaka ang bag ko? Seryoso? Ang bag ko talaga?


"Nandyan ang hearing aid ko". Kinalkal ko kaagad ang bag ko. Pagkakuha ko ay inabot ko sa kanya.


"Rinig ko na ang ingay ng mga tao. Thanks Tash. Fiona ... thank you sa oras niyong dalawa". Humakbang siya papunta sa'kin at akmang makikipagbeso sana ngunit umatras ako na naintindihan niya naman. "bye. Totoo kanina ang sinabi ko sa'yo"


Iniwan niya akong tulala habang sinundan siya ng mga mata ko.


"Chaks". Tumingin ako sa Fiona ng magsalita siya. "girlfriend niya?"


"Papakasalan niya"


"So girlfriend niya nga?"


Tumalikod ako't nagkabit-balikat. "Hindi ko alam. Pumunta kami sa lola niya para magpanggap na girlfriend niya ako"


"Ano? Kaya ba hinatak ka niya palabas ng Coffeebreak?"


"Yes. Samahan mo ko muna chaks na bumili ng paboritong waffle ni papa. Alam mo naman, hahanapan niya ako nun"



Kelvic


Tinatahak namin ni Sabrina ang daan na tahimik ang atmospera sa aming dalawa. Tanging tugtog lang sa phone ko na naka-connect sa speaker ng aking kotse ang nagsisilbing ingay ngunit mas umaangat pa rin ang katahimikan sa amin.


Nagulat na lamang ako dahil pinatay niya ang tugtog.


Tumingin ako sa kanya. Naka-cross ang kanyang mga braso.


"Si Tasya yun 'di ba?". Panimula niya. Heto na naman ang tension. "tama ako 'di ba Ken?"


"Pinakilala ko na siya kay lola"


"At bakit parang hindi ka niya kilala lalo na ako? May pinagsamahan naman tayong tatlo nun ha?"


"Naaksidente siya dahil sa'kin". Napahawak ako ng mahigpit sa manibela. "magtatanan sana kami nun dahil pinipilit nga tayo ni lola simula pa nung una Sab"


"Pwede mo namang sabihin kay lo-"


"I tried pero gusto ka niya talaga para sa'kin"


"But we don't like each other". Yes. We don't like each other eversince. Magpinsan ang turingan namin at hindi na yun mabubuwag sa aming dalawa. "we have different lives Ken"


"I know. Kailangan ko ng i-pursue si Tasya. Simula kasi ng umalis sila sa Zaldy Village ng pamilya niya two years ago ay hindi ko na alam kung sa'n nasila at salamat sa ulan dahil nagkita kami sa parking lot ng SM accidentally"


"But the question is, tanggap ka pa ba ng pamilya ni Tasya?". Bumuga ako ng hangin. They don't like me anymore.


"It's all my fault Sab. Basta kapag nasa harap tayo ni lola ay magpanggap ta-"


"No Ken! Ipapakilala ko na kay Lola Felicidad si Tomas"


"Gusto mo ba talagang biglain si lola lalo na't alam niya na ikaw ang hindi matigas ang ulo sa ating dalawa?"


"But this is unfair Kelvic!". Nag-tatantrums na naman siya. "ikaw pwede mong ipakilala ang kahit sino na babae kay lola lalo na si Tasya tapos ako hindi? Ugh!"


"Ang bait mo kasi". At natawa ako ngunit binigyan niya ako ng masamang tingin.



Tasya


Pagkabukas ko ng pinto ay bumungad sa'kin si Nars Wendy na madumi ang mukha dahil pininturahan na naman siya ni papa.


"Ate Wends bakit hinayaan niyo na naman po si papa na ganyanin kayo ng paulet-ulet?". Hindi ko na mapigilan ang sarili kong matawa.


Sabay kaming naglakad sa loob ng bahay at kinikwento niya ang mga ginagawa ni papa sa araw na ito. Araw-araw ay iba-iba ang pinaggagawa niya dahil nga'y isip-bata siya. He's energetic kahit na almost 50 na siya.


"Mam Tash may pini-paint po kasi si Sir Falcon". Paliwanag niya habang umaakyat kami ng hagdan.


Nasa tapat na kami ng pinto at pagkabukas ni Nars Wendy ay nakita ko si papa na nakaupo sa may balkonahe. He is painting. May mga pintura na siya sa mukha.


Nang makita niya ako ay kinawayan niya ko na parang bata.


Abot-tenga akong ngumiti papunta sa kanya. I kissed him on his cheeks.


Inakbayan siya ko siya sabay na umupo ako sa arm ng silya.


"Papa this your favorite waffle. Paborito niyo po 'di ba ang may cheese?". Tanong ko subalit abala na siya sa pinupintura. "ang ganda naman"


"Thank you Tash-Tash"


"You're welcome papa". Sumandal ako sa balikat niya. Tinitignan ko lang ang pinipintura niya. He have a wide imagination. This place isn't familiar to me. "what kind of place is that pa?"


"Musical School Tash-Tash". Wow! A musical school pero bakit ang lungkot ng kulay? Bakit mga dark colors ang ginagamit ni papa? Pero ang ganda. "dito ka dati nag-aaral sa Musical School"


Nagsalubong ang kilay ko. I look at Nars Wendy. She is smiling.


"Nag-aral po ako dati sa Musical School?"


"Bakit? Hindi ba ikaw si Tash-Tash para makalimutan mo?". Nang akmang iiyak si papa ay inulanan ko siya kaagad ng halik sa mukha.


Gumaan ang pakiramdam ko dahil kumalma na siya.


"Papa baka bata pa po ako nun. You eat nap o your wa---". Naituon ko ang atensyon ko kay mama nang pumasok siya ng kwarto. She's a wearing a corporate attire.


Nakapagtataka lang dahil ang early niya ngayon ngunit parang wala lang kaming tatlo sa kanya lalo na kami ni papa dahil umupo siya sa ibabaw ng higaan. Hinubad niya ang kanyang heels at tsaka humiga.


"Go to Bianca". Papa is referring to mama.


"Ate Wends. Si papa po ha?". Nilapitan ko si mama. Umupo ako sa higaan. I look at her. She looks tired. "ma are you okay?". Ngunit tinignan niya lang ako. "what happened?"


"My proposal was banned". She looks frustrated and miserable. Ilang buwan niyang pinaghirapan ang proposal na yun pero nauwi lang sa wala.


Nasasaktan ako para kay mama. Now, I understand how workaholic she is.


"It's ma. We're still here". Nagulat ako nang bumangon siya at tinignan ako ng masama hanggang sa may tumulong luha sa kanang mata niya. "ma kailangan ka rin namin ni papa"


"Kailangan kong magtrabaho Tasya para sa inyo. Look at your papa. He's a childish. Mentally impaired siya". Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni mama. Halata sa kanyang mukha na parang pinagsisihan niyang nagpakasal siya kay papa. "ikaw puro gala na lang ang ginagawa mo"


"Ma". Hinawakan ko ang kamay niya. Hindi ko na napigilan ang sarili kong umiyak. Nasaktan ako para sa tatay ko. "alam ko naman pong may sakit si papa. Honestly, nakakapagod din po minsan pero hinding-hindi po ako magsisisi na siya ang tatay ko"


Tumayo si mama. Hinawi niya ang kanyang buhok na may inis at humarap siya sa salamin. Nagpunas siya ng luha.


"Mahal ko si Falcon kaya pinakasalan ko siya kahit na alam ko kung ano at sino siya". Nilingon ako ni mama. Nakakawasak na ng damdamin ang sistema ng pamilya namin. I have a unique family. I'm the only child. Mahirap dahil wala akong katuwang para sa mga magulang ko.


"Ma". Tumayo ako. I back hug her. "mahal din po kayo ni papa at mahal din po kita. Sige ma. Punta po muna ako ng kwarto ko"


Pinuntahan ko si papa't nagpaalam ako sa kanya.


Bago ako lumabas ng pinto ay kinawayan ako ni papa at nag-flying kiss ako sa kanya tsaka ko tinignan si mama na nakatingin sa harap ng salamin.


Pagkalabas ko ay napahawak ako sa'king dibdib. Nagkapira-piraso ang puso ko. Malungkot ang pamilya namin at yun ang nakikita ko kahit na pinipilit ko ang sarili kong maging masayan.


Kahit papaano kanina ay naging tunay akong masaya dahil kay Kelvic. Sandaling oras pero totoong masaya.


Dumiretso ako sa kwarto ko't nagbihis ng pambahay.


Umupo ako sa mini sofa ko. Kinuha ko ang gitara sa may gilid neto.


Totoo ba talagang nag-aral ako sa isang musical school? Bakit wala akong may maaalala? Bakit walang may nababanggit sa'kin si mama?


Kung nag-aral ako dun ay bakit hindi ako marunong mag-gitara?


Tumingin ako sa Electronic Keyboard ko. Bakit hindi rin ako marunong magpiano?


Sinubukan kong maggitara pero sumakit lang ang mga daliri ko. Walang kakibol-bibol.



Kelvic


Nandito na ako sa'king condo. Nakaupo ako sa sofa habang nakapatong ang mga paa ko sa arm neto. Nag-gigitara ako't kumakanta ng kinompos kong kanta para sa kanya. Para kay Tasya.


Ikaw ang tanging inspirasyon


At basta't nandito ka, ako'y liligaya


Dahil sa'yo, ako'y matapang


Dahil sa'yo, ako'y lalaban


Para sa'yo, pagmamahal na walang katapusan


Dahil sa'yo, merong pangarap


Pagmamahal ko sayo'y tapat


Para sa'yo, pagmamahal na higit pa sa sapat


Huminga ako ng malalim. Kung iisipin ko talaga ng iisipin ay mababaliw ako dahil nasayang ang kami pero kung alalahanin ko ang magagandang alaala ay gumagaan ang pakiramdam ko.



Welster Musical School


"Dito tayo mag-aaral mga pare". Sabi ni Sidric na bassist sa banda. We have a band named Pollination. "pumayag na si mommy na magtransfer ako rito. Third year high school isn't a bad year to transfer"


"So pasok na tayo?". Inis na sabi ni Eduard dahil minsan nabibwesit siya sa kayabangan ni Sidric. He is the drummer in our band. Palagi niya 'yang dala ang drum stick niya. He called her Natasha.


"Inquire muna tayo". Si Garry na tahimik lang na tao pero kapag nagpa-piano ay nahuhumaling ang mga babae sa kanya at napapalitan ang konsepto nila sa kanya na suplado.


"Una muna kayo". Napatingin sila sa'kin. I'm the vocalist in the band at nag-sesecond voice sa'kin si Sidric. Marunong din akong maggitara.


"Why bro?". Si Eduard na nagtataka.


"Aayusin ko pa 'tong gitara ko. Susunod ako". Umupo na ako sa gitna ng field. I cross my legs habang at ipinatong sa mga hita ko ang aking gitara.


Wala na silang nagawa dahil kapag sinabi ko ay yun na yun.


Kapag ayaw ko rin ay ayaw ko at kapag gusto ko ay gusto ko.


Tumingin ako sa kanila nang umalis sila.


Tsk tsk tsk. Sabay-sabay pa kung maglakad.


"Need help?". Napalingon ako. She's like an angel. She have a sweet smile. "bago ka rito?"


Nang umupo siya sa tabi ko'y umusog ako palayo mula sa kanya dahilan nang pagtawa niya dahil sa naging respond ko sa kanya.


"Tutulungan lang kita. I'm Tasya by the way. Tasya Alehandre Limjoco". Nasa harapan ko na ang kamay niya ngunit nagdadalawang-isip akong makipagkamayan sa kanya. "and you are?"


Pinahid ko ang kanang kamay ko sa'king pants bago ko siya kinamayan.


Makalaglag puso talaga ang mga ngiti niya na ngayon ko lang nakita ang katulad niyang babae na palangiti.


"I'm Kelvic Earl"


"Surname?". Sabay bitaw niya sg kamay ko. Putek! Ang lambot-lambot. Parang ang tamad niya dahil wala akong nahawakang gaspang.


"Navarro"


"Okay so what's the problem in your guitar?"


"Sintuna-"


"Baka kasi sintunado ka". Natawa ako pero nasaktan ako. I'm the vocalist in Pollination Band at sasabihin niyang sintunado. "akin na. Aayusin ko pati buhay mo"


"Maayos ang buhay ko". Kunot ang kilay ko nang inabot ko sa kanya.


Maganda nga sana pero kung makapang-insulto ay parang close kami at kahit close man kami wala siyang karapatang insultuhin ang Kelvic na katulad ko.


Natameme ako ng kumanta siya. Hindi ko inasahan na marunong siyang kumanta sa kabila ng kapintasan niya.


Ngunit sa di sinasadyang


Pagkakataon


At para bang ika'y nilalaro ng


Panahon


May makikilala


At sa unang pagkikita


May tunay na pag-ibig na nadarama


Ang bagal-bagal ng tibok ng puso ko. Ang ganda ng boses niya. Isang musikang kaysarap pakinggang na mas maganda pa sa orihinal na kumanta.


Bakit ba hindi ka nakilala ng


Ako'y malaya pa


At hindi ngayon ang puso ko'y


May kapiling na


Bakit ba hindi ka nakilala ng


Ako'y nag-iisa


Sino ang iibigin


Ikaw sana



"Oh 'di ba? Hindi na sintunado ang gitara mo. Baka nga kasi sintunado ka". Tumayo na siya at pinagpag niya ang kanyang pants. Ako naman ay naiwang tulala habang hawak ko ang gitara ko't tinitignan ko siya. "don't be thankful but you are welcome Ken"


"Ken?"


"You are Kelvic Earl Navarro, right?". Um-oo ako kahit na nagtataka. "alis na ko at sana magkita tayo sa pagbubukas ng klase. I know you are trans---"


"Mag-iinquire pa lang kami Tal"


"Tal? Sounds good". She cross her arms. I like the way she is. She's not pretentious. "Tasya Alejandre Limjoco also known as Tal-Ow shit! Umuulan"


Tumingala ako. Ang sarap talaga ng mga patak ng ulan na pumapatak sa'king katawan.


Nakakakiliti kaya nakakatuwa.


"Ang sarap". Mahinang sabi ko at nang marinig ko ang buntong-hininga ni Tasya ay tinignan ko siya ngunit nakabusangot ang mukha niya. "what?"


"Ba't hindi ka tumakbo? Binalikan kita tuloy"


"Ang sarap kayang maligo sa ulan". She rolled her eyes over me.


"Papagalitan ako ni ma---". Hinatak ko siya't tumakbo kami sa gitna ng field. "bitaw! Ken bitaw!"


"Kasalanan mong binalikan mo ko!"



Ipinatong ko sa long sofa ang aking gitara. Tumayo ako at pumunta sa tapat ng sliding door na nakaharap sa balkonahe.


Umuulan pala.


Ulan? Mahalaga sa amin pareho ni Tasya ang ulan. Tuwing umuulan kasi ay nagkakasama kami. Totoo. I'm like Sid in Sid and Aya, Not a Lovestory.


May mga problema ako sa buhay na tanging si Tasya lang ang nakakapawi nun ngunit ng mawala siya sa buhay ko ay ako na lang mismo ang humarap sa mga problema kong kaya ko palang solusyonan.



Nang humupa ang ulan aay binalikan ko ang gitara ko at kinuha ko ito ngunit nang tumayo ako ng maayos ay hindi ko maintindihan kung bakit nasaktan ako dahil may kausap siyang lalaki subalit nagtatalo sila. Marahil ay pinagalitan siya dahil naligo kami sa ilalim ng ulan.


Hinawakan niya ang kamay ni Tasya. Hinatak niya ito habang papunta sa akin.


Tinulak niya ako na ikinagulat ko. "Don't flirt with my girlfriend"


"Tomas. Gusto ko lang naman maligo sa ulan"


"Halika na nga"


Pagkaalis nila ay nilingon pa ako ni Tasya hanggang sa tuluyan na silang nawala sa paningin ko.


Bumuntong-hininga ako at dumiretso na ako sa mga kaibigan ko na nasa Student's Affair.


Pagkapasok ko sa loob gulat ang mga kaibigan ko sa'kin dahil sa basa ako.


"Anyare tol?". Tanong ni Eduard pero pinili kong manahimik.


"It is good na may banda pala kayo. Makakatulong ang Pollination Band sa Welster Musical School. Ang school na 'to, I will repeat ha". Tinignan pa ako ng babaeng nasa edad na 40s. Gusto niyang ulitin ang sinabi niya dahil baka hindi maipaliwanag ng maayos ng mga kaibigan ko sa'kin. "Welster Musical School is like a normal school. May mga subjects din tayo like Math, Filipino and so on. Gets?". Tumango ako. "Pero nagfofocus ang WMS sa music. Musical School nga 'di ba? Miss Limjoco"


Natigilan ako. Sinong Limjoco?


Nang lumingon ako ay nagulat ako dahil si Tasya na nakabihis na ngunit hindi siya tumitingin sa'kin o sumusulyap man lang.


"Mam Benedicto. Ako na po dyan. Sorry kung natagalan". Tumayo si mam at lumabas ng Students Affair.


Umupo si Tasya sa inupuan kanina ng nag-accommodate sa amin. Abala siya sa kakasulat at kami naman magkakabanda ay nakatingin lang sa kanya subalit ako ay nagtataka dahil hindi niya ako pinapansin.


"Here are the requirements". Inabot niya kay Garry ang papel. "goodluck sa Welster Musical School. Hoping na magkikita tayo". At tumingin siya sa'kin na sinabayan ng matatamis niyang ngiti. "at sana maging classmates tayo"


___

Magkakilala nga sila.

Nagka-amnesia nga ba si Tasya o nagpapanggap lang? Let's see

Continue Reading

You'll Also Like

17.5M 657K 66
So she tasted the deep pain that is reserved only for the strong. Crimes. Clues. Mysteries. Deductions. Detective Files (File 3) Written by Shinichi...
17.8M 320K 59
WELCOME TO HELL. --- Date started: January 29, 2012 Date finished: November 21, 2012 (PUBLISHED UNDER VIVA • AVAILABLE NATIONWIDE)
63.4M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
24.8M 1.1M 123
The third and final volume of Project LOKI. Join Lorelei, Loki, Jamie, and Alistair as they bring down Moriarty's organization. Looking for VOLUME1...