Jigger Hortaleza

By candiedapple__

3.1K 148 80

Kell, ang tukmol na in love (?) sa babaeng self-proclaimed na retired rakista, magtu-21, Philippines! Jigger... More

Synopsis... daw
Panimula--Tristan Kell Sirculo
One: Pika-pika!
Two: Kitchen Knife
Three: Bakit nga ba walang McDo?
Four: Broken Heart, Gitara, Chaise Lounge
Five: Ang Pahamak na ID
Six: Si Orange at si Longgo
Seven: Feeling ng Namboboso
Eight: YOU LIKE HER!
Nine: Deadly Weapons: Chains and Frisbee
Eleven: Jennifer is the Name
Twelve: Confessions
Thirteen: Picture Perfect
Fourteen: Hugs and Heartbeat
Fifteen: Looking Forward
Interview, Announcement, Recommendation
Special Chapter: Orange Delight
Part 2: Jennifer Hortaleza

Ten: Si Ariella at Adrielle

119 6 5
By candiedapple__

HABOL ANG hininga na binuksan ni Kell ang kanyang mga mata. He cringed. Ang liwanag ng silid na kinaroroonan niya kaya nasilaw siya dahil sa biglaan niyang pagdilat. Hindi pa siya komportable sa kung saan siya nakahiga. Parang foam na nasiksik na nang todo kaya hindi na malambot. Ang sakit sa likod, fre.

            Ipinaling niya ang ulo sa kanan. Nasiguro niya na nasa loob siya ng clinic ng school nila nang makita niyang nakaupo sa desk nito si Nurse Shasha. Nang makita nitong nakatingin siya rito ay ngumiti ito ngunit hindi man lang ito lumapit sa kanya—na dapat ay ginawa nito dahil isa siyang pasyente na natamaan ng Frisbee sa noo.

            Ngayong naalala na niya kung bakit siya naroon ay bigla siyang napabangon para lang mapamura. Mariin siyang pumikit saka niya hinawakan ang kanang bahagi ng kanyang noo at umiling-iling dahil sa pagkahilo at pagkirot ng sugat niya.

            “Ayos ka lang?” nag-a-alalang tanong ni Nurse Shasha sa kanya.

            Nagtataka pa rin siya kung bakit hindi ito lumalapit sa kanya. Pakiningshet! Lapitan mo 'ko, Nurse! Medic! Medic! Parang mahihimatay ulit siya. Ano ba talaga ang tumama sa noo niya? Frisbee o hollow block?

            Huminga siya ng malalim habang nakapikit pa rin. Sapu-sapo pa rin niya ang kanyang noo na nakirot.

            Teka, nasaan na si Haru? Si Jigger? Ayos ba ang lagay nito? Hindi na niya kasi nalaman kung ano ang nangyari rito matapos siyang himatayin.

            Nakakahiya ka, tukmol. Bwa-ha-ha-ha-ha!

            He growned. Nakakahiya nga. Ang lakas ng loob niyang saluhin iyong Frisbee at magpakabayani tapos mahihimatay siya? Ow, come on… Give me a break!

            “Tapos ka nang mag-internalize, tukmol? Wala ka pa sa langit at lalo wala ka pa sa impyerno.”

            Ang nangungutyang boses na iyon ang humila sa kanya sa realidad ng buhay niya. Marahas na nilingon niya si Jigger na nasa kanan lang pala niya at pwerteng nakaupo sa gilid ng kama na katabi ni hinihigaan niya.

            Her arms were crossed as well as her legs—na kumukuya-kuyakoy pa—and her hair was messy. Para bang kababangon lang nito sa hukay—ah este, sa higaan.

            “Natulog ka d’yan?” tanong niya.

            Umangat ang isang kilay nito. “Hindi. Humiga lang. Alangang matulog ako dito, gabi na ba?”

            May ginawa ba siyang mali at bakit pakiramdam niya ay galit sa kanya si Jigger? Iniligtas na nga niya ito tapos pipilosopohin siya nito? Aba, matinde. Eh, kung hindi niya kaya ito iniligtas kanina?

            Edi kargo de konsensya mo pa.

            Oo nga, 'no? “Simpleng ‘thank you’ lang ang kailangan ko, Jigger.”

            Napakurap-kurap ito. Pumormal ang ekspresyon nito at nakita—o na-imagine lang siguro—ang pagkapahiya na dumaan sa mga mata nito. She pursed her lips then bit it. Yumuko ito saka nagsabi ng mahinang “thank you.”

            Napangiti siya. Ang cute nito kapag nahihiya. Namumula pa ang pisngi.

            “Huwag mo nga akong titigan nang ganyan.” Singhal nito sa kanya makalipas ang ilang sandali.

            Inosente niyang pinalaki ang mga mata. “Bakit? Paano ako tumingin sa 'yo?”

            “Basta! Baka gusto mong dutdutin ko 'yang sugat mo.”

            Napangiwi siya sa eksena na dudutdutin nito ang sugat niya. Muli niyang pinasadahan ng haplos ang sugat niya na nakakubli sa malaking band-aid. “Huwag naman, masakit 'yon.”

            Natigilan sila pareho nang tumikhim si Nurse Shasha. This time, nakatayo na ito sa may paanan ng hinihigaan niya at nakangisi. Iyong “knowing smile” ba. “Okay lang siguro kung iwan ko na muna kayong dalawa dito? Kukuha lang ako ng lunch ko, okay?” Tiningnan siya nito. “Mister Sirculo, kung kaya mo nang tumayo nang hindi nahihilo pwede ka na ulit magliwaliw sa labas. Huwag mo lang pwersahin ang sarili mo.”

            “Okay po. Salamat.”

            “Sige. Mag-lunch na rin pala kayong dalawa.”

            “Salamat po, Nurse.” Sabi naman ni Jigger saka sila tuluyan nang iniwan ni Nurse Shasha.

             Narinig niyang tumikhim din si Jigger saka umayos ng upo. Indecision crowded her eyes as she stared at him. Napakunot tuloy ang noo niya.

            “So… Kumusta ka nga? Okay ka na talaga? Hindi ka ba nagsinungaling kay Nurse nang sabihin mong okay ka? Sigurado ka? Ha?”

            Sunud-sunod ang naging tanong nito kaya hindi muna siya sumagot at hinintay itong matapos. Pilit niyang itinago ang ngiting nag-a-alsang lumabas. Kahit hindi nito sabihin ay halata sa kilos at agitated state nito ang pag-a-alala para sa kanya.

            “Huy, sumagot ka.”

            “My, my… You’re worried, I see.”

            Natahimik ito at muling bumalik sa magkabilang pisngi nito ang blush na nawala na kanina. Nagbilang si Kell sa kanyang isip ng hanggang tatlo. One, two, three—Sininghalan siya nito.

            Gusto niyang matawa. Alam na alam na niya kung ano ang gagawin nito kapag napapahiya. Tumikhim siya. She gave her a smile. “Yep. I’m fine.” Nag-pout siya—nagpa-cute. Sana effective. “Pero medyo kumikirot-kirot pa rin kasi.”

            “Hmp.” Nag-krus na naman ang mga braso nito. “Sino ba naman kasi ang nagsabing saluhin mo ang Frisbee gamit ang noo?”

            Pinaningkitan niya ito ng mga mata. “Iyon ang sabi ng instinct ko. Ang saluhin ko ang Frisbee gamit ang noo. ‘Thank you’ nga lang kasi ang kailangan ko 'di ba? Hindi ang pangungutya mo.”

            Dead air…

            Hindi niya yata dapat na sinabi ang mga bagay na iyon. Ang awkward tuloy ng hangin na nasa loob ng clinic.

            Pero tama naman kasi, hindi ba? Iniligtas niya it. Tinulungan. Tapos ganito lang? Nag-“thank you” nga ito kanina pero babalik na naman sila sa tono nitong nangungutya? Kasalanan ba niya na wala siyang ibang naisip kanina kundi ang iligtas ito kapalit ng kapahamakan niya?

            Medyo nag-i-init ang ulo niya kaya kailangan niyang manahimik. Hindi niya gusto na mapagsalitaan niya si Jigger nang ganoon pero hindi niya naiwasan.

            “Sorry.” Narinig niyang bulong nito.

            Natigilan siya. “Ah—” Hindi na niya naituloy ang kanyang sasabihin dahil bumukas ang pinto at mula sa maliit na siwang ay sumilip si Ariella.

            Paktay.

            Kinabahan siya bigla. Hindi niya gusto ang bilis ng tibok ng puso niya. Hindi dahil sa nakita niya ito kundi dahil pakiramdam niya ang may masamang mangyayari na hindi niya gustong masaksihan.

            Ibinalik niya ang tingin kay Jigger na ngayon ay nakatingin kay Ariella. Si Ariella naman ay tuluyan nang pumasok sa loob ng clinic saka banayad na isinara ang pinto sa likuran nito.

            Ariella smiled at him. “Hi, Kell.”

            Nginitian niya rin ito—medyo awkward na ngiti. “Hi, Ariella.”

            “Nakasalubong ko kasi si Nurse Shasha at kinamusta ko ang lagay mo. Gising ka na raw kaya pumunta ako rito…” Pinasadahan nito ng tingin si Jigger na nananahimik. “Hindi naman sinabi sa akin ni Nurse na may kasama ka.”

            “Bakit? Gusto mo siyang masolo?” Jigger asked flatly.

            Naiilang na umiling si Ariella. “H-hindi… Wala akong sinabing gano’n…”

            “Then stop staring at me like you wanted me out of here yesterday.”

            “Jigger,” saway niya rito.

            Matalim ang mga titig na nilingon siya nito. “What? You wanted me out of here, too? Fine.” Tumayo ito at malalaki at mabibigat ang hakbang na tinungo ang pintuan. “Tabi.” Pagpapa-alis nito kay Ariella sa tapat ng pinto saka tuluyan nang lumabas at pabalibag na isinara iyon.

            Sabay sila ni Ariella na napapiksi.

            “Uh… Bad timing ba ako? Nag-away ba kayo?”

            Umiling siya. Ni wala siyang ideya kung bakit bigla itong na-bad trip nang pumasok si Ariella ng clinic para bisitahin siya.

            Naupo si Ariella sa kinauupuan ni Jigger kanina. “Sino nga pala siya?”

            “Kaibigan ko.”

            Malisyosong tiningnan siya ni Ariella mula ulo hanggang paa, at pabalik. “Hindi nga? Kaibigan nga lang ba?”

            Pinaikot niya ang mga mata. “Hindi ko alam na may pagka-Kris Aquino ka, Ariella.”

            Tumawa ito. “Iba kasi ang paraan ng pagtingin mo sa kanya.”

            Kell cocked his head to the side. “Iba? Papaanong iba?” Yeah, dude. Play dumb. Kunwari hindi mo alam kung ano ang ibig sabihin ni Ariella.

            “Sus. Kunwari pa 'to. 'Sarap mong dagdagan ng sugat.”

            Natawa na rin siya. “Obvious na ba?”

            “Hindi naman masyado. I just know because that is how Goli looked at me. Iyong parang ako ang pinakamagandang babae na nakita niya at wala nang iba.”

            “That you are.”

            Muli siya nitong nginitian. Kung hindi lang niya nakilala si Jigger malamang na may gusto pa rin siya sa babaeng ito at malamang na nagsagawa na siya ng plano para sirain ang relasyon nito at ni Goliath. Pwe. Ang pangit talaga ng pangalan. Walang kadating-dating!

            Ngunit gusto niya pa ring matawa. Ang sama pala talaga ng ugali niya para isiping sirain niya ang isang magandang relasyon ng dalawang taong tunay na nagmamahalan sa kabila ng mga nangyari rito.

            “Well, anyway, kaya ako nandito ay para humingi ng ‘sorry.’” anito.

            “Bakit naman?”

            Alanging ngumiti ito. “Ako kasi ang naghagis no’ng Frisbee. Napalakas yata.”

            “What? Akala ko si Goli!” Tumawa siya. “Grabe, Ariella, ang lakas, a? Nahimatay ako.”

            “Kaya nga ako nagso-‘sorry,’ e. Anyway, hindi lang naman ikaw ang malas ngayong araw.”

            Kumunot ang noo niya sa sinabi nito. “Weh? Sino pa pala?”

            “Si Mikhael.”

            Lalong kumunot ang noo niya. “Sinong Mikhael?”

            Ariella looked at him like he just lost his damn mind. Eh, sino nga ba kasi si Mikhael? “'Yong best friend mong palaging may suot na head gear.”

            Napapalatak siya. “Si Haru!” Oo nga pala. May “Mikhael” pa nga pala sa pangalan ni Haru. Nakakatawa. Bakit niya nakalimutan iyon?

            Napailing-iling si Ariella. “Hay naku, ewan ko sa 'yo, Kell.” Tumayo na ito. “I gotta go. Siniguro lang talaga kung maayos ka na.”

            “I am.”

            “Good.”

            “Ano nga pala ang nangyari kay Haru?”

            Bigla itong humagikgik. “Sorry. I know I shouldn’t be laughing but I just can’t help it.”

            Ngumisi siya. “Do tell.”

            “Natapunan siya ng Spaghetti sa ulo.”

            “What?!” He hooted with laughter. Sayang! Wala siya para masaksihan ang eksenang iyon!

            Tumatawang tinungo muli ni Ariella ang pinto. “Ang sama mo. Best friend mo 'yon, e.”

            “I’m a real friend.”

            “I see…” Hinawakan nito ang seradura saka iyon pinihit. Nang mabuksan na nito ang pinto ay muli siya nitong nilingon. “Your friend…? Jigger?”

            Tumango siya.

            “I think she got jealous.”

            “Huh?”

            “Of me. I know the look.”

            “Ang dami mong alam.”

            She smiled serenely. “I know right?” Saka siya nito iniwan.

            He was left there smiling like an idiot. “Si Jigger? Nagseselos?” Now that thought was appealing.

“ANG CUTE nga ng buhok mo, e. Bakit naman gusto mong magpa-rebond?”

            Napangiti siya sa tanong na iyon ni Jigger kay Haru. Ilang sandali matapos siyang iwan ni Ariella sa loob ng clinic ay lumabas na rin siya doon pagkatapos uminom ng gamot sa sakit ng ulo. Hinanap niya si Jigger at natagpuan niya ito sa isang stoned bench katabi si Haru na basa ang kulot na buhok. Hindi naman sobrang kulot, actually. Haru’s hair was just wavy enough to make it look like it was curly.

            “Ang pangit kaya. Hindi bagay sa akin.”

            “Vain.”

            “Hindi ako vain. Alam ko lang kung ano ang hindi bagay at bagay sa akin.”

            “Ang gulo mo. Ako na ang nagsasabi sa 'yo. Bagay.”

            “Hindi nga sabi.”

            “Tukmol ka.”

            For the second time in that day, Haru had his face looked stricken with what Jigger had said. He chuckled. Mukhang natutupad ang gusto na na magkasundo ang dalawa niyang kaibigan.

            Isa lang ang kaibigan mo. Iyong isa kasi, gusto mong maging ka-“ibigan.”

            Haru turned in his direction. He smiled at him and waved his hand. “Nand’yan ka pala, Kell. Okay ka na?”

            Tinanguan niya ito. Kumilos siya para lumapit sa mga ito kaso nang lingunin siya ni Jigger ay napatigil siya. There was something about the way she looked at him that made him stop on his tracks. Ano na naman ang ginawa niya?

            “I think she got jealous.”

            Ariella’s words suddenly filled his mind. Totoo nga kaya ang sinabi nito? Ang hirap kasing mag-assume pero napakasarap sa feeling na ang babaeng gusto mo ay nagseselos sa babaeng dati mong gusto. Ho-ho. Nakaka-gwapo, syet.

            Pero matagal na siyang gwapo.

            Okay, edi “mas” nakakagwapo. Syet.

            “Ikaw, Jigger, nandito ka lang pala. Bakit hindi mo na 'ko binalikan?”

            Umarko ang kilay nito. “Bakit ko naman gagawin 'yon? Eh, may nagbabantay naman sa 'yo na mukhang mas willing.”

            Napangiti siya. Ganito ba magselos ang mga babae? Ang cute naman. Gusto niya tuloy kurutin ang pisngi ni Jigger.

            “Bakit ka nakangiti d’yan? May nakakatuwa ba?”

            Umiling siya. “Wala naman.”

            “Quit smirking.”

            Pilit niyang pinapormal ang mukha.

            “Sinong willing?” tanong ni Haru.

            “Si Ariella,” sambit niya. “At hindi siya willing. Ch-in-eck niya lang ang lagay ko.”

            “And obviously you were okay. No need for her to fuss around you.”

            “Are you jealous?” Walang kiyemeng tanong ni Haru kay Jigger.

            He saw Jigger stiffened as something pink made their way from her neck to her face. Gedemet! Mukhang nagseselos nga ito!

            Narcissism level infinity ang pakiramdam niya! Hanep!

            “And why would I be jealous?” sikmat nito kay Haru sabay higit sa buhok nito gamit ang dalawang kamay.

            “Aray! Aw! Not my hair! Jigger! Shit! Araaaaaay!”

            Humagalpak siya ng tawa. Pero bago pa makalbo si Haru ay nilapitan na niya ang dalawa saka niya masuyong hinawakan ang mga kamay ni Jigger saka ito inilayo kay Haru.

            “Hindi magugustuhan ng mga fan girl ni Haru kapag kinalbo mo siya.”

            “I don’t care.”

            Niyuko niya ito, ang ngisi sa mga labi niya ay hindi pa rin nawawala.

            “Ang saket. 'Yong anit ko.” Maluha-luha si Haru.

            “Tama lang 'yan.”

            “Hindi! Ang sakit kaya!”

            “Pupukpukin kita ng bato sa ulo kapag hindi ka pa tumigil.”

            Pinigil niyang matawa ulit. “Okay. Okay. Tama na.”

            “Bitiwan mo 'ko.”

            “Ayaw.”

            “Nagseselos ka nga ba?”

            Naging blangko ang ekspresyon ng mga mata nito. “Hindi.” Pumiksi ito ngunit hindi niya ito pinakawalan. Bigla itong tumingkayad hanggang sa ang labi nito ay nakalebel na sa magkasugpo nilang mga kamay. Ngumanga ito… At saka siya kinagat!

            “Shit!” Nabitawan niya tuloy ito.

            She stucked her tongue out on him while smiling widely. “Pwe. Ang alat.”

            Pinagpag niya ang kaliwa niyang kamay. “Zombie.”

            Tumawa si Haru. “Ang sama ng ugali mo, Jigger.”

            “I know right?”

            “You still are using that name, Jennifer?”

            Sabay-sabay silang nabaling sa pinagmulan ng tinig na iyon. Nagtatakang tiningnan niya ang lalaking ngayon ay nakatingin at nakangiti kay Jigger.

            “Adrielle?” Jigger acknowledged.

            “Yep. Kumusta?”

            Si Adrielle Madrigal, ang vocalist ng official band ng SMU kilala si Jigger?

            Ah, wait. Sino si Jennifer?

Continue Reading

You'll Also Like

176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...
5.5M 277K 64
(Academy Series #2) Being the son of an acting chairwoman of the academy pushed Jax to keep his identity hidden. Introduced himself as a scholar, he...
1.1M 86.1K 58
☆ 2023 Watty Award Winner ☆ ☆ Wattpad Webtoon Studios Entertainment Prize Winner ☆ Cutthroat campus drama and politics with make-believe relationship...
390K 25.8K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...