Man and Wife (Wifely Duties 2...

By FGirlWriter

2.3M 76.9K 18.4K

A Sequel to Wifely Duties: The heart never forgets. But what if it does and never remembers back? Written ©️... More

Content Warning & Disclaimer
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Epilogue

Chapter Eleven

65.6K 2.5K 378
By FGirlWriter

CHAPTER ELEVEN

*a grief of a father

can never be understood by others,

but only by another father.*

***

HINDI alam ni Agatha kung paanong kilos ang gagawin sa tuwing tinitignan siya ni Reeve.

Naiwan silang magkasamang dalawa sa hospital room dahil may inasikaso daw ang kapatid niya.

"Do you want to eat?" Reeve kindly asked her. Inilapit nito sa kanya ang mga pagkain.

She gently shook her head. "I-I'm okay..." Tinignan niya lang ito. Ganoon din ang ginawa nito sa kanya.

Nagsalubong ang mga mata nila at masuyo siyang nginitian nito. "How about some fresh fruits?"

"Okay. T-Thank you..." Nakatingin pa rin siya rito habang pinagbabalatan siya nito ng oranges.

Nais ni Agatha maalala ang tunay na asawa. Kitang-kita niya sa mga mata nito ang pananabik sa tuwing titignan siya. Ang kaso... hindi parehas ang nararamdaman niya rito.

It's easy to believe Reeve was saying the truth. Hindi ito nagpakita ng marriage certificate, but he gave her pictures...

Napayuko siya sa pinahiram nitong phone sa kanya. Nandoon ang mga larawan nilang magkasama.

She swiped left. She saw herself smiling while Reeve's lips are on her cheeks. She swiped for more pictures. May isang album si Reeve na puro siya at ito ang magkasama.

Bahagya siyang napangiti nang mapahinto siya sa picture kung saan nakapasan siya sa likod nito. Nakapikit si Reeve sa larawan habang nakangiti nang malapad. While she... she's like kissing his cheek...

Kanina pa siya nasa album na iyon. Paulit-ulit na nakikita ang mga larawan nilang dalawa.

There was also a photo of her in a wedding dress. Dalawang magkaibang wedding dress.

"Bakit magkaiba?" nabulong niya. Narinig iyon ni Reeve at nakisilip rin sa phone.

Their faces were inches apart. Awtomatiko ang ginawang paglayo ng katawan niya.

"Oh. We had two weddings," Reeve answered. "Our first wedding was the formal one. The second was a surprise."

"Dalawang beses tayong nagpakasal?" namamanghang tanong ni Agatha.

Tumango si Reeve. His charming smile lit up. "Yes."

"Why did we do that? Anong pinagkaiba ng una sa pangalawa?"

"I married you for a business deal," sagot nito. Pagkuwa'y nilingon siya nito, nagniningning ang mga mata. "I married you again, because I love you, sweetheart. Very much."

Napakurap si Agatha. May lungkot na agad na lumukob sa kanyang dibdib.

Napatingin ulit siya sa dalawang wedding pictures. They looked so happy and in love together. Kaya nga walang pagtatakang si Reeve ang asawa niya.

But then... why can't she remember him? Why can't she feel the connection with him? She silently felt guilty.

Kitang-kita niya kay Reeve ang pagsuyo nito sa kanya. Ngunit bakit siya ay iba ang nararamdaman?

Bakit... bakit pati ang damdamin niya sa asawa ay tila nakalimutan niya?

Nahihiya lang din siyang sabihin dito na hindi siya komportable sa tuwing tatabi ito sa kanya. Pero baka nararamdaman nito iyon dahil tumayo na ito at umalis sa tabi niya. Pinagpatuloy nito ang pagbabalat ng prutas.

"P-Pasensya ka na..." nasabi niya at ibinaba muna ang phone.

Nilingon siya nito. "Sorry for...?"

"H-Hindi ko pa rin kasi maalala. Hindi pa rin kita maalala..." pag-amin niya. "Kahit anong tingin ko sa pictures, I can't recall anything about y-you..." malungkot niyang wika.

"You don't have to be sorry. It's not your fault." Inabot nito ang isang pinggan ng mga prutas sa kanya. "Pagbalik natin ng Manila, pupunta tayo sa psychologist at psychiatrist para mapatignan ka. Maybe you'll have all your memories back eventually. Naalala mo naman si Johann at ang mga anak natin. That's a good start already."

Tumango siya. Iyon nga rin ang inaasahan niya. Itinaas niya ulit ang phone at tumingin pa ng ibang album sa phone nito.

Nang makita niya ang larawan ng mga anak ay agad na nangulila si Agatha. She excitedly scanned the whole album.

"Ang laki na ni Rade..." Ang naalala niya ay wala pang isang taong gulang ang bunso niya. "And Adam, too!" she exclaimed. Now, that explains why she keeps on lactating breastmilk. Kahit hindi naman na breastfed si Sasa. Because it was meant for Adam and Rade. May mga sanggol pa siyang anak.

"Yes, they are. Adam speaks a lot, too. Then, Rade loves music like you do."

"I miss them so much..." Nangilid ang luha sa mga mata niya. "How's Rainiel and Riana?" tanong niya kay Reeve.

"They're both excited to see you, again. They miss you so much."

Agatha looks forward to be with her children again. Nang nahulog siya sa bus noon, hindi niya akalain na makikita niya pa ulit ang mga ito. Gusto niya nang yakapin, halikan, at buhatin ang mga ito!

Hindi tinigilan ni Agatha ang pagtingin sa larawan ng mga anak. She's so engrossed in looking at their photos. Hindi niya na napansin na nakatitig sa kanya si Reeve.

Pag-angat niya ng tingin ay nagsalubong ang mga mata nila. His lips slowly curved into a very loving smile. Reeve stepped forward and reached for her cheek.

"I'm beyond happy that you're alive, sweetheart. And I can finally touch you, again. Nakaharap sa'yo, nakakausap ka... The past months had been a crazy hell without you," madamdaming saad nito. "Hindi ako naniniwalang wala ka na. Hindi ako kahit kailan naniwalang basta ka lang mawawala sa'min... sa'kin."

Napalunok siya sa sobrang emosyong ipinapakita nito.

Nakita niya ang pagngilid ng luha sa mga mata ng lalaki. Yumuko ito ng bahagya at hinaplos-haplos ang buhok niya. Nilayo niya ang ulo rito. Pinigilan niya namang gawin, ngunit kusa ang pagkilos ng katawan niya. Kanina pa gustong lumayo dito at hindi niya maintindihan.

Kung gaano siya hindi ka-komportable kay Niel ay mas pa kay Reeve. At iyon ang hindi lalong mainitindihan ni Agatha.

Reeve can give her all the proofs that she's his wife. And she believes him. Pero katulad ng tanong niya sa sarili kanina, bakit hindi siya makaramdam ng mas malalim na koneksyon dito?

"Puwede ba 'kong magtanong?" mahinhin niyang sabi rito.

Lumayo na si Reeve sa kanya. Umupo ito sa tabi ng paanan ng kama. "You can ask me anything, sweetheart."

Sweetheart. So, he's the one calling her that. Kahit papaano ay may naaalala pala siya sa... asawa.

"B-Bago ang aksidente, may pinag-awayan ba tayo o problema? Hindi ba tayo magkasundo?"

Iniisip niya na baka kaya kulang ang nadarama niya ritong koneksyon ay dahil hindi maganda ang relasyon nila?

Kumunot ang noo nito. Tila nag-isip.

Nagawang pagmasdan ni Agatha ang mukha nito. Reeve is indeed handsome like the first time she saw him yesterday. Mula sa makapal na kilay nitong bumagay sa hugis ng mga mata nito, hanggang sa natural na haba ng pilikmata at tangos ng ilong. His lips are full at the lower and thin at the upper. His jaws defined that made his face look manly, regal and very executive.

Moreno rin si Reeve, katulad ni Niel. Well-built ang katawan, na halatang hindi naman dahil banat sa mabigat na trabaho, kundi dahil siguro'y alaga lang nito ang pangangatawan.

From head to toe, Reeve Monteverde reflects how rich and powerful he is.

Wait. Monteverde... Hindi ba at iyon ang nakalagay sa singsing na akala niya ang pagmamay-ari ng babaeng inalagaan niya? At nasaan na pala ang babae? Anong nangyari sa pagtakas nito? Nahanap na ba ito?

Sino ba ang babae? Ang naaalala niya ay 'Celina' ang pangalan niyon pero hindi niya na alam kung bakit nasangkot ito sa tumaob na bus. Tumaob pala ang bus na sinasakyan niya noon. But before the bus accident, she fell from the bus window first...

Ngunit bakit ba siya nahulog? She can't remember...

"We have no problem as far as I remember," sagot na ni Reeve na siyang nagpapukaw muli ng atensyon ni Agatha rito.

"Magkasundong-magkasundo tayo," sabi pa nito. "Hindi tayo nag-aaway."

Tumuwid ng upo si Agatha. How come what he said sounded so wrong to her?

"Hindi nag-aaway?" ulit niya pa. "Parang fantasy lang ang pagsasama natin, Reeve. Hindi makatotohanan. That's not even healthy," sabi niyang hindi niya alam kung saan nanggaling.

He shrugged. "I guess you're too kind to start an argument."

"That's weak. I'm not weak."

Why is she saying this all of a sudden? Saan nanggaling ang pahayag niyang ito?

Napakunot-noo si Reeve. "Well, you're not weak," he disagreed. "Being kind is not weak."

She agrees to that. However... "Being kind but wise is not weak. Being kind alone is," she pointed out. "And if I'm truly wise before, I should've known a perfect time to raise concerns. If I always understand, and not put action into it, then that's weak."

Tila nagulat si Reeve sa pahayag niya. Maging siya ay nagulat sa sarili! Where are the words coming from? Siya ba talaga ang nagsasalita? Why won't it stop?

"Don't get me wrong," pagpapatuloy niya pa. "There's no problem with being kind and all nice. But one was to be wise. Kindness with wisdom is a team. Because if she's kind alone, she won't even recognize who abuses her kindness. That's kind of... stupid, don't you think?"

"Oh, sweetheart..." Tila hindi makapaniwalang maririnig nito sa kanya ang mga sinabi niya. Well, Agatha never expected those words to come out from her, either.

Napakurap siya ng ngumiti itong bigla.

"B-Bakit? May nasabi ba 'kong mali?"

Umiling ito. "I just... I never heard you speak like this before with full conviction. I mean, you always share your thoughts and ideals with me. But always with calmness and gentleness. Pero ngayon ay matapang ang pahayag mo..." Napangiti na naman ito at napailing-iling. "Maybe... we did have some problems. Hindi naman nawawala iyon. We argue but never had a big fight."

"Hindi kita inaaway?" So, she's not a nagging wife, she guessed.

Umiling ito. "At hindi rin kita maaaway. Hindi ko kayang makipag-away sa'yo. Kung mag-aaway tayo ay agad akong susuko sa'yo. I can never imagine myself being mad at you."

"I'm that... kind?"

Napangisi ito. "You're that loving, sweetheart. You make the best out of me."

"Anong madalas nating ginagawa kapag magkasama?" she curiously asked.

"Kasama ang mga bata?"

"Hindi. Kahit tayong dalawa lang."

Kumislap bigla ang kapilyuhan sa mga mata nito. His smiles became playful.

Biglang nakaramdam ng hiya si Agatha sa uri ng ngiti nito. Her cheeks flushed. "W-Why?"

"Why what?" Reeve's still grinning.

"B-Bakit ganyan ang mga ngiti mo?"

"We kiss, we touch," he boldly said. "We make love a lot."

Napayuko si Agatha at tuluyan nang nakaramdam nang pagkapahiya. Why is Reeve too straightforward?

"T-That's not what I mean," depensa niya.

He sexily chuckled. "But that's what we do together... a lot."

That explains the four kids!

Napailing na lang si Agatha at tinago ang pag-init ng mga pisngi. "Pero ang ibig kong sabihin ay kung madalas ba tayo mag-usap? Nag-uusap ng problema at solusyon sa pamilya natin?"

Sumeryoso na ito. But he didn't answer.

"Don't we talk? Don't we listen to each other?" she curiously asked.

"W-We do."

"Kung ganoon ay malalim ang pagsasama natin?"

Tumango ito.

Then why can't she feel anything towards him? Any romantic feeling? Any special connection like she had with her brother? Bakit... bakit hindi ito kasama sa mga alaala niyang bumalik?

"We love each other, Agatha," pahayag nito. Ang mga mata ay masuyong nakatutok sa kanya. "Our love was gentle and quiet. Full of understanding. It's... passionate and very promising."

Tumango siya. Kahit hindi niya maintindihan. Dahil... hindi niya maramdaman.

Marahang umusod palapit sa kanya si Reeve. He tried to reach for her hand. Kaya lang ay boluntaryong pumiksi siya. Nilayo niya ang kamay rito.

He looked... rejected, hurt.

"I-I'm sorry..." hingi niya agad ng patawad dito. "I..."

"Hindi ka komportable?"

Umaaming tumango siya. "Hindi ko alam kung bakit. Naniniwala akong asawa kita pero... pasensya na, Reeve. Hindi ko lang rin maintindihan kung bakit hindi ako komportable maging sa'yo?"

"Maging sa'kin? Who was the first one?"

"Kay N-Niel..."

Nagtagis ang bagang nito. Tumango ito at tumayo. "Eat your fruits, sweetheart."

Nakatalikod na sa kanya ang lalaki. Napansin niya ang pagkuyom ng mga kamay nito. "Did he do something to you, maliban sa pinaniwala ka niyang asawa ka niya?" he coldly said.

"Wala naman..."

Tumango ito pero hindi siya nilingon. Itinabi nito ang mga balat ng prutas, pati ang ginamit na panghiwa.

An awkward silence filled the whole room. Walang gustong magsalita sa kanila. Mukha ring ayaw siya nitong iwan lang doon mag-isa.

Naputol lang ang katahimikan nang may kumatok sa pinto. Reeve opened it.

"Mommy!"

"Mommyyyyy!"

Napasinghap si Agatha.

Mula sa pinto ay nagtakbuhan palapit sa kanya si Rainiel at Riana. They easily climbed up to her hospital bed.

Yumakap sa kanya ng mahigpit ang panganay. Yumapos din sa baywang niya ang anak na babae.

"Mommy, how are you? How's your vacation, Mommy?" Riana innocently asked.

Niyakap niya ang dalawa nang mahigpit na mahigpit. Kanina ay sa pictures niya lang nakita ang dalawa...

"Agatha?"

Napatingala siya at nakita ang Mommy at Daddy niya. Her mother's carrying Adam while her father is carrying Rade.

Tumahip nang mabilis ang puso ni Agatha nang makita ang mga anak.

"Mommy, I thought I'll never see you, again..." Rainiel sobbed. "Mommy, let's go home... I miss you so much. I want you back, Mommy... Mommy..."

Pinugpog ni Agatha nang halik ang dalawa. Una kay Rainiel at pagkatapos ay kay Riana. Pagkatapos ay kay Rainiel ulit. She enveloped them both in her arms.

Nang nilapit na sa kanya ang dalawa pang maliit na anak na sina Adam at Rade ay napahagulgol na ng iyak si Agatha.

These are her real children! And she instantly remembered and felt the love she has that's forever connected to them.

"Oh, my babies..." Napakasaya nang puso niya.

Naramdaman niya ang pagyakap din sa kanya ng ina.

"Mommy..." tawag niya rito.

Nagtuluan na rin ang luha sa mga mata nito.

"Mommy!" Adam exclaimed. Nasa ibabaw na rin ito ng kama, sa pagitan nina Rainiel at Riana. "Miss you, miss you!"

"I missed you, too, Adam!" Ito naman ang niyakap niya at pinugpog ng halik.

Her father embraced her, too. Hindi na rin ito nagsalita. Ipinasa nito sa kanya si Rade na nakatitig lang sa kanya, tila kinikilala siya.

But when her youngest son smiled at her, Agatha cried a lot more. Hindi niya alam paano niya nayakap ang apat na anak, pero nagawa niya.

Ito na ang pinakamasayang naramdaman niya mula nang mawalan siya ng mga alaala.

"A-Are you all okay?" Pilit niya nang pinatatag ang boses.

"Why are you crying, Mommy?" Riana asked.

"I'm just happy. Nakita ko na kayo ulit. Sorry, I was gone for a long time..."

"It's okay, Mommy. You deserve a vacation. Daddy's takin' care of us!"

"Mommy, never leave again, okay?" Rainiel said. "Let's go home, Mommy. I wanna go home with you."

Tumango siya at tumingin din sa mga magulang. They smiled at her.

"We're all going home," Agatha declared. Wala na siyang ibang iniisip ngayon kundi ang mga anak niya.

***

THIS IS what he's been dreaming of—to see his children and Agatha be reunited.

Tahimik na pinanood lang ni Reeve ang mag-iina niya. Agatha was crying, but she looks the happiest in the room.

His wife remembered their four children so well. Masaya si Reeve. He is also closed to tears. He was surprised that his in-laws brought the kids. Pero mas maganda na rin iyon.

Nakikita niya na ulit ang mga ngiti ni Agatha habang kasama ang mga anak nila.

Pero... may kaunti siyang kirot na naramdaman sa dibdib.

She can't remember him...

But maybe she will. Soon. Reeve will make sure that Agatha will get all the medical attention she needs. Gagaling din ang asawa niya.

Matatandaan din siya nito. He'll be positive about it. Sa ngayon, ang mahalaga, natatandaan nito ang mga anak nila. At magkakasama na ulit sila.

"Reeve."

Napalingon siya sa may pinto. Nakabukas iyon at nakasilip si Johann.

"Puwedeng lumabas ka muna? May sasabihin ako," seryosong sabi nito.

Ang buong atensyon ni Agatha ay nasa mga anak nila. Ganoon din ang mga bata. Nagpaalam na lang siya sa mga biyenan.

Paglabas ay agad siyang hinarap ni Johann.

"Anong plano mo kay Niel?" tanong nito, seryosong-seryoso.

"Ipakukulong ko siya, ano pa ba?" pigil ang galit na wika niya. "Imagine what he stole from my children, from me? Months without Agatha!"

Kalmado na tumango lang si Johann. "Nasa reception siya ngayon at kasama ang—Reeve, uy, sandali!"

Agad na niyang nilagpasan ito. He can't remember the last time he got furiously mad. Malalaking hakbang na nilabas niya ang reception.

There was a man standing by. He instantly knew that's the son of a bitch who took advantage of his wife's condition.

Mas binilisan niya ang paglalakad palapit. His fist ready to land on the sick bastard's face.

Napatingin ito sa kanya at agad na bumaha ang takot sa mga mata nito. He better be afraid of what Reeve can do to him! Sisiguraduhin niyang mabubulok sa kulungan ang siraulong 'to!

Reeve was about to punch the man when he heard a little girl's voice.

"Itay, nandito si Inay? Gusto ko na kita siya. Hindi pa siya uwi..." the little girl cried.

Napakurap si Reeve at naibaba ang kamao. Napayuko siya sa batang babae.

"Itay, gusto ko na kita si Inay. Uwi na natin siya. Miss ko na si Inay..."

"Sasa..."

Hindi alam ni Reeve kung anong nangyari sa kanya. His anger died down all of sudden.

Nilapitan niya ang bata, niyuko. "Hello, darling."

Napatingin ito sa kanya.

"Come, I'll take you to your mom." What the fuck, Reeve?

Nagningning ang mga mata nito. "Talaga po, Manong?"

Bigla itong kumapit sa kamay niya. "Alam niyo po nasan Inay ko po?"

Tumango siya at nginitian pa ito. Anong ginagawa niya?! Bakit... bakit siya naaawa?

"Ikaw lang ang puwede kong dalhin."

"Sige po!" Nilingon nito si Niel. "Itay, dito ka lang. Hintay mo 'ko."

Tumalim ang tingin niya sa lalaki. Napayuko ito at hindi nagsalita.

"Reeve, ano bang—" Natigil si Johann nang mahabol siya.

"Teacher Pogi!" tawag rito ng batang babae.

"Hello, Sasa. Halika, punta ka muna sa Inay mo."

Agad na sumama ang bata dito. Pagkaalis ng mga ito ay hinarap niya ulit si Niel.

Kumuyom muli ang mga kamay niya at nagtagis ang mga bagang. "You're going to rot in jail, you bastard."

Sa gulat niya ay lumuhod ito sa harap niya! "Patawad... patawarin mo 'ko. Patawad, patawad..."

"Alam mo ba ang pinagkait mo sa mga anak ko? Alam mo ba kung anong ninakaw mo sa kanila?!"

Pinagtinginan na sila ng mga taong dumadaan sa reception area ng ospital.

Reeve was frozen when Niel cried in front of him.

"Patawad, patawad..." nagsisising wika nito. Halos isubsob na nito ang noo sa sahig dahil sa pagkakayuko. "Patawarin niyo 'ko..."


***

Follow my official FB Pages:

FGirlWriter and C.D. De Guzman

~~~

Join our family!

FB Group: CDisciples

Twitter: CDisciplesHome

Continue Reading

You'll Also Like

3.4K 378 7
Eugene Scott 07/08/2023 - 07/25/2023
3.6K 195 5
Patrick Lauchengco of Apollo's Heartbreak 10/14/2022 - ONGOING
136K 3.3K 52
What will you do if you end up in someone else body?
14.6M 50.2K 10
#StanfieldBook2: ZekeSteele (#Wattys2016Winner Collector's Edition) "I've made mistakes out of my rebellion. But I embrace t...