in Another Lifetime

بواسطة imPaulsterz

1.7K 34 8

"People don't have the ability to manipulate or control the laws of time. But time has the ability to control... المزيد

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31

Chapter 9

86 0 0
بواسطة imPaulsterz

Buong gabi ako nag effort para maibalik ang saya sa mukha ni Liza at natutuwa ako dahil success ako sa effort na ginawa ko. Kahit ako ay natutuwa dahil hindi mahirap pangitiin ang katulad nya. Iba talaga ang mga tao sa mga makalumang panahon. Kahit simpleng bagay o joke lang ang gawin, Masaya na sila. Bihira na lang kasi ngayon ang mga taong nagiging masaya sa simpleng bagay. Moderno na kasi. Nagiging demanding lahat. Naging success ako sa pagpapasaya sa kanya pero humahanap na din ako ng bwelo para magtanong tungkol sa nangyari sa kanya. Medyo mahirap dahil nga baka kasi sa oras na magtanong ako tungkol dun, baka maging malungkot na naman sya. Back to zero ang effort ko.

"Paulo? Anung klaseng buhay meron ang mga tao ngayon kumpara sa panahon ko?" Biglang tanong ni Liza sakin.

"Ha? Bat mo natanong bigla?" Sabi ko kay Liza.

"Hmmm. Wala lang. Nagsimula na kasi akong ma curious sa paligid ko ngayon. Gusto ko na magsimulang magkaroon ng kaalaman sa panahon ngayon." Sabi ni Liza.

"Wow..first time kita narinig mag english sa ordinaryo nating usapan ah. Hehe.Hmmm. Siguro para sakin, Mas maganda ang buhay noon kasi simple lang. Parang walang masyadong problema. Hindi polluted ang paligid. Hindi demanding ang mga tao noon dahil wala pa masyadong luhong naiimbento. Hindi katulad ngayon na karamihan eh tamad,umaasa sa modernong teknolohiya at palaging nag iinarte para sa mga bagay na gusto nilang makuha kahit hindi naman pwede. Kung tungkol sa pamumuhay, mababa ang value ng pera noon diba. Parang ang daling gumastos. Kung dati sa piso marami ka nang mabibili, ngayon kahit candy ata hindi mo na mabibili pag piso lang pera mo. Masarap ang buhay pag simple. Ewan ko ba kung bakit naging komplikado bigla ang buhay ngayon." Sabi ko kay Liza.

"Hehe nakakatuwa naman ang paliwanag mo tungkol sa buhay noon at ngayon. Pero alam mo aaminin ko sayo na hindi rin ganun ka simple ang buhay dati." Sabi ni Liza.

"Siguro nasasabi mo lang yan dahil nga diba galing ka sa mayaman na pamilya at artista ka pa. Kaya hindi talaga magiging simple para sayo ang buhay." Sabi ko kay Liza.

"Siguro nga may punto ka. Pero alam mo may mga kaibigan din ako na ordinaryo lang ang pamumuhay gaya mo pero hirap na hirap din sila. Gaya nga ng sabi mo, wala pang masyadong modernong bagay na naimbento noon para mapadali ang mga bagay at trabaho kaya sariling sikap sila. Nalulungkot ako dahil hindi ko man lang sila magawang tulungan." Sabi ni Liza.

"Bakit? hindi ka naman mukang madamot eh. Kung ako ikaw, tinulungan ko na mga kaibigan ko. Hindi maganda ang nagdadamot aba. Its better to give than to receive ika nga pero ikaw oh. Puro ka na receive ng mga biyaya dahil nga sa mayaman kayo at sikat ka pa. Dapat hindi ka na nanghihinayang magshare ng blessings lalo na sa mga kaibigan mo." Sabi ko kay Liza.

"Yun nga talaga ang gustong gusto kong gawin pero kasi ang mga magulang ko lalo na si Papa. Ayoko man aminin pero kasi napakamatapobre nya. Para bang iniisip nya na wala akong karapatang makipag kaibigan sa mga ordinaryong tao dahil iniisip nya na hindi ko sila kapantay ng estado sa buhay." Sabi ni Liza.

Parang medyo napikon ako sa sinabi nya. Sabi sa sampung utos ng Diyos, igalang ang mga magulang. Pero kung ganun ang magulang ko, sorry pero mukang masusuway ko ang isa sa utos ng Diyos. Kahit saang anggulo kasi tignan, hindi maganda ang nangmamata ng kapwa. Hindi ko matitiis ang ganung magulang. Pero si Liza, hindi nya magawang sumuway sa magulang nya. Napakabait na babae nya kaso mali rin na kunsintihin nya ang ugali ng magulang nya. Swerte ako at hindi ganun ang magulang ko. Hindi na lang ako nagkomento ng kahit ano tungkol sa magulang nya. Baka ma offend eh.

"Ah eh...nasa sayo naman yan Liza eh. Hindi ka naman nabuhay para kontrolin ng ibang tao diba. Nabuhay tayo para mamuhay ng para sa sarili natin. Oo sa una kailangan nating dumipende sa magulang natin at sundin sila pero may panahon din na kailangan nating sundin ang sigaw ng damdamin natin lalo na kung alam naman natin na tama diba."

Sabi ko kay Liza.

"Hehe tama ka Paulo, kaya nga dumating din sa punto na naisip kong talikuran ang pamilya ko eh. Pero natatakot ako dahil sa oras na talikuran ko sila, maraming mawawala sakin. Hindi ko alam kung paano ako mabubuhay." Sabi ni Liza.

"Hahaha hello. Alalahanin mo nga kung nasaan ka ngayon. Kasama mo ba magulang mo? Tignan mo nga. Halos isang linggo ka na atang wala sa puder ng magulang mo pero tignan mo naman. Mukang hindi ka naman namomroblema diba. Hindi ka naghirap. Kasi nagawa mong dumiskarte para mabuhay ng mag isa. Partida pa nga dahil nasa modern days ka. Achievement diba. Hindi kita kinukunsinte na magrebelde ah pero wala kang dapat ikatakot kung mamumuhay ka mag isa. Nandyan naman ang Diyos para gabayan ka sa mga tatahakin mo." Sabi ko kay Liza.

"Alam mo, konting konti na lang, sasambahin na kita. Ang galing galing mo magpaliwanag sa mga bagay bagay. Hehe". Sabi ni Liza.

" konting motivation na nga lang at baka mag apply na ko sa radio station eh para mag advice sa mga tao. Hahaha" Sabi ko kay Liza.

"Hahaha pero alam mo, tungkol sa sinabi mo, may punto ka rin. Kahit papaano eh nagawa kong mamuhay ng mag isa. Pero hindi ko rin naman magagawa yun kundi dahil sayo. Simula't sapul din ikaw na ang tumulong sakin. Kung wala ka, hindi ko rin naman magagawang mabuhay ng mag isa. Sa huli, dumipende pa rin ako sa iba." Sabi ni Liza.

"Hmmmm...panu ko ba i e explain. Ahm ganito kasi yan Liz. Nabubuhay tayo para sa sarili natin. Oo minsan kailangan mamuhay tayo ng tayo lang para mas maintindihan ang buhay. Pero hindi mawawala at hindi pwede na hindi tayo didipende sa kapwa natin. Pero hindi rin ibig sabihin na habang buhay tayong didipende sa tao. Siguro yung kaso sa magulang mo, dumating na yung time na kailangan mo nang hindi dumipende sa kanila kasi oras na para mamuhay kang mag isa at tuklasin nang mag isa ang buhay. At nasa sayo naman kung kailan mo uli gustong humingi ng tulong sa iba kung sakaling kailangan mo. Napaka swerte mo pa nga eh. Kinailangan mo ng tulong pero hindi ka aware dun at dumating naman ako sa buhay mo para tulungan ka. Ang buong punto ko, walang taong nag iisa, palaging may dadamay at dadamay sayo. Pero hindi sa lahat ng oras kailangan mong dumipende sa mga taong willing na tumulong sayo. Kailangan mo ring umabante sa buhay na ang gamit ay sarili mong mga paa. Gets? Wag mong isipin na wala kang karapatang magdesisyon para sa sarili mo dahil sa dahilang natatakot ka o ewan. At wag mo ring iisipin na mahina ka porket dumidipende ka. Be optimistic gaya ko." Sabi ko kay Liza.

"Natutuwa talaga ako sayo, binibigyan mo ko ng positibong pag iisip. Salamat talaga ah. Pero ito na lang talaga ang tanong ko na hindi ko maintindihan. Bakit nangyari sakin to? Bakit ako napunta sa hinaharap? Sa anong kadahilanan? Hindi ko alam kung ano ba ang nagawa ko at nangyari sakin ang napakamisteryosong pangyayari na gaya nito. " Sabi ni Liza.

Sa wakas dumating rin kami sa topic na iniintay ko. Pero parang naku question din sya eh. Pero di bale. Go with the flow lang. Makakakuha rin ako ng clue maya maya.

"Hmmmm. Tough question huh. Ika nga diba. Extraordinary things happens to an extraordinary people. Siguro may malaking dahilan naman kung bat ka napunta dito diba. Hindi basta basta mangyayari sa isang tao ang ganitong klaseng misteryo kung walang malaking dahilan. Siguro may malaking plano ang Diyos sayo kaya hinayaan ka nyang mapunta dito." Sabi ko kay Liza.

"At ano ba ang dahilan na yun Paulo?" Sabi ni Liza.

"Hmmm. Wala namang nakakaalam kung ano ang plano ng Diyos para satin diba. Malalaman na lang natin once na mamuhay tayo ng tama. Dadating na lang bigla satin yun. Surprise kumbaga. Pero sa ngayon hindi muna mahalaga kung anu man ang plano na yun. Ang kailangan nating malaman, eh kung bakit at paano ka napunta rito." Sabi ko kay Liza.

"Tama ka. Pero wala kasi akong maalala Paulo eh." Sabi ni Liza.

"Hindi pwedeng wala kang naaalala. At some point, meron dapat yan. Isipin mo kung ano ang huli mong ginawa nung panahong bago kita makita. Naaalala ko ay Feb 14 kita nakita. Valentines day at birthday ko yun. Alas Nueve ng gabi sa lugar na hindi ko alam kung saan yun pero basta maraming puno. Alalahanin mo kung bat dun ka napunta." Sabi ko kay Liza.

Nagsimulang mag isip ng malalim si Liza at unti unti ay parang napapansin ko na may naaalala na sya.

"February 14, 1965. Ang huli kong natatandaan nung araw na iyon ay nagtanghal ako sa Manila Metropolitan Theater sa Ermita. Nagtanghal kami para sa presentasyon sa araw ng mga puso. Naging matagumpay naman ang pagtatanghal namin nung araw na yun dahil maraming nanood. Tuwang tuwa sakin ang mga kritiko pero kahit matagumpay ang naging pagtatanghal namin, hindi ko magawang magsaya dala ng dahil sa wala akong kasalo sa pagsasaya nung araw na yun. Kahit ang mga kasamahan ko ay hindi ako gustong makasama. Ewan ko ba. Dahil ba sa naiinggit siguro sila sakin dahil sa natatamo kong biyaya. Nalulungkot ako dahil walang gustong makipagkaibigan sa akin nun sa grupo ng mga artista sa theatro. Pero kahit na ganun, pinagbubutihan ko ang pag arte dahil mahal ko ito. Habang nasa selebrasyon kami, wala man lang akong kasalo sa aking mesa pero bigla na lang kaming pinatawag para makuhaan ng litrato. Kinailangang makuhaan ng litrato ang mga paunang bida sa pagtatanghal para magsilbi bilang memorabilia namin. Nung ako na ang kukuhaan, kinausap ako nung matandang lalake na kumukuha ng litrato. Sabi nya sakin bat daw ako malungkot. Hindi naman agad ako sumagot dahil hindi ko sya kilala. Sinabi pa nya na dahil daw ba sa wala akong kasintahan nung araw na yun. Kahit medyo nairita ako sa tanong nya, hindi ko pa rin sya sinagot dahil nga sa napakatamlay ko nung mga oras na yun. Pero patuloy pa rin syang nagsalita. Sabi nya na kung anu man daw ang nararamdaman kong lungkot, isipin ko na lang daw na lilipas din yun. Sinimulan na nya kong kuhaan ng litrato. Yung litratong yun ay yung litrato nakita natin Paulo sa Museo. Pagkatapos nun ay bumalik ako sa aking mesa at kasunod naman nun ay dumating ang aking mga magulang. Medyo nakakainis lang nung nakita kong nagsibati ang mga kasamahan kong artista sa mga magulang ko. Ang gagaling nilang magpanggap na akala mo ay natutuwa sila na kasama nila ako at nagpapakitang puri pa sa magulang ko. Hindi na lang ako umimik sa mga ginagawa nila. Pagkatapos ay kinausap ako ng aking Papa. Parang pagalit pa sya nung kinausap nya ko dahil nalaman nya na nakikihalubilo ako sa mga ordinaryong tao. Sabi ko naman sa kanya na hindi naman masama ang ginagawa ko pero ang dahilan nya ay hindi maganda sa imahe ko na nakikihalubilo sa mga hampaslupa. Hindi ko nagustuhan ang sinabi ni Papa kaya napagsalitaan ko sya. Sinabi ko na mas maganda pa ang makihalubilo sa hampaslupa na may mabuting kalooban kaysa naman sa mga taong mayaman nga pero mapagpanggap naman ang ugali. Na ang totoo ay mas masahol pa sila sa asong kalye kung umasta. Nawala ako sa kontrol sa aking sarili at napagtaasan ko nga ng boses si Papa. At dahil dun, bigla na lang nya ko sinampal. Hindi ko na natiis yun kaya nilisan ko ang lugar. Tumakbo ako ng tumakbo. Hindi ko na inisip kung saan ako mapupunta dahil sa sama ng loob ko. Pero bigla ko na lang nakabangga yung matandang lalake na kumuha samin ng litrato. Tinanong na naman nya ko kung bat ako malungkot. Nung mga oras na yun, gustong gusto kong maghanap ng karamay at mapaglalabasan ng sama ng loob. Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko at umiyak ako sa harap nung matandang lalake. Nung mga oras na yun, dinamayan nya ko. Nagsabi ako sa kanya ng mga problema ko. Ewan ko parang gumaan ang loob ko sa matanda at nagkwento na lang ako bigla ng mga problema ko. Pagkatapos nun binigyan nya ko ng minatamis na pagkain. Pampasaya daw. Parehong pareho kayo ng ginawa para sakin. Para ngang nakikita ko sya sayo eh. Tapos tinanong nya ko ulit kung bibigyan daw ba ko ng pagkakataon na baguhin ang buhay ko, papayag ba ko. Sinabi ko, sang ayon ako. Payag ako dahil kahit marangya ang buhay ko, hindi ko magawang magsaya dahil sa mga problema sa buhay ko na hindi ko alam kung paano susulusyunan. Ngumiti lang yung matanda sakin tapos may iniabot sya saking relo. Kakaibang relo ang binigay nya tapos hindi ko maintindihan ang itsura. Pagkatapos nun sinabi nya sakin na kung bibigyan ako ng pagkakataon, wag kong sasayangin. Kung sakaling hindi ko man daw alam kung anu ang gagawin ko, wag daw akong mag alala dahil ang tulong, dumadating sa taong may kailangan. Napakabait ko raw na tao kaya nararapat lang daw na bigyan ako ng pagkakataon na baguhin ang buhay ko sa buhay na gusto kong mangyari. Nagpasalamat ako sa kanya. Napasaya ng matandang lalake na yun ang loob ko kahit pa paano. Nung itatanong ko na kung bakit iniabot nya sakin yung kakaibang relo, bigla na lang sya nawala. Parang bula na naglaho sa hangin. Sinubukan ko syang hanapin tapos biglang lumakas ang hangin at kumidlat ng sobrang lakas. Natakot ako dahil hindi ko alam kung anung gagawin ko. Hindi ko rin alam kung saan ako napunta. Pagkatapos nun ay umulan ng malakas. Patuloy ako naglakad kahit mabasa ako sa ulan. Sinubukan kong maghanap ng mapagtatanungan o mahihingian ng tulong. At pagkatapos ng matagal kong paglalakad, dun na kita nakita. Ayun na lang ang naaalala ko Paulo." Pagkukwento ni Liza.

Muntik ko na maubos yung gallon ng Ice cream na binili ko para sa kanya. Nadala ako sa istorya nya. Naikwento sakin ni Liza ang mga nangyari sa kanya bago sya mapunta rito. Kahit sarap na sarap ako sa pagkain ng ice cream, napag ayos ayos ko ang mga detalye sa utak ko.

"So yung mga oras na yun Liza, Napaka obvious na ang may dahilan kung bakit ka nandito, ay dahil dun sa matandang lalaki." Sabi ko kay Liza.

"Paano mo naman nasabi Paulo?" Sabi ni Liza.

"Anu ka ba? Sabi mo sabi nung matanda, payag ka daw ba na magkaroon ng chance na baguhin ang buhay mo. Sabi mo OO. Tapos nung umoo ka, may binigay syang relo sayo. Tapos bigla syang nawala. Tapos bigla ka nang napunta rito. Matik yun na yung matandang yun ang nagbigay sayo ng chance na baguhin ang buhay mo at yung relo na yun ang nagsilbing daan para mapunta ka rito." Sabi ko kay Paulo.

"Paano ka naman nakakasiguro?" Sabi ni Liza.

"Hello.. marami na kong nabasang fantasy tungkol sa mga case na gaya mo. Kaya nga hindi agad ako naniwala na posible pala mangyari yun. Sa kaso ng matandang lalake na nakwento mo, ginamitan ka nya ng Chronokinesis." Sabi ko kay Liza.

"Chrono....ano?" Sabi ni Liza.

"Chronokinesis..isang celestial ability na kung saan eh kayang manipulahin ang oras at panahon. At ang may kayang gumawa lang nun, ay si God at ang mga Anghel nya." Paliwanag ko kay Liza.

"Ibig mong sabihin, Anghel yung matanda?" Sabi ni Liza.

"Tama. At ginawa nya siguro sayo tong bagay na to dahil nakita nya sayo na deserving kang baguhin ang buhay mo. Maybe its God's will after all." Sabi ko kay Liza.

"Pero bakit napaka extra ordinaryo naman ang nangyari sakin? Bakit kailangan humantong sa ganito?" Sabi ni Liza.

"Diba sabi ko kanina, walang nakakaalam sa plano ng Diyos. Maybe may iba pa syang pakay para sayo. Malay natin baka dinala ka lang nya dito, eh dahil para may ma realize ka na bagay. Para kung sakaling makabalik ka pa sa panahon mo, alam mo na ang gagawin mo. O kaya naman dahil dinala ka nya dito, eh para kalimutan mo na ang nakaraan at makapagsimula ng bagong buhay. Hindi natin alam" sabi ko kay Liza.

"Naguguluhan pa rin ako Paulo. Sana malaman ko ang buong pakay sakin ng Diyos para hindi na ko naguguluhan."Sabi ni Liza.

"Patience is a Virtue. All good things comes to those who wait. Malalaman mo rin ang lahat someday. At nandito lang ako para damayan ka sa kakaharapin mong pagsubok." Sabi ko kay Liza.

"Hehe maraming salamat ah. Buti nandyan ka para tulungan ako." Sabi ni Liza.

"Eh no choice ako eh. Sabit na ko rito sa misteryosong kaganapan na to. And at the same time, ayokong palagpasin to noh. Feels like a fantasy in real life ang eksena eh. Nakaka excite din kahit papaano ang daloy ng buhay mo. Hehe" sabi ko kay Liza.

"Hehe pasaway ka talaga. Sige na at magpahinga na tayo. Anung oras na oh." Sabi ni Liza.

"Oo nga tara na....wait. speaking of oras. Diba sinabi mo may binigay yung matanda sayo na relo. Siguro makakahanap pa tayo ng sagot sa mga tanong natin tungkol sa nangyari sayo once na makita natin yung relo. Nasaan na yun?" Sabi ko kay Liza.

"Ha? Ah eh....nasa bulsa ng damit kong saya" sabi ni Liza.

Naalala ko bigla yung damit nyang saya nung una ko syang makita. Siguro ay nasa bulsa nun yung relo na binigay sa kanya nung matanda. Hanep ah. Saya na may bulsa. Pero huli kong nakita yun na suot nya, eh nung pumunta kami sa motel para magpalipas ng gabi. Pagkatapos nun hindi na namin kinuha yung damit nya na yun. Kailangan pa tuloy bumalik sa motel para kunin yun. Sana nandun pa yung relo na hinahanap namin.

"Ok ganito ang plano, bukas dadaan tayo dun sa motel at kukunin natin yung damit mo. Sana nandun pa yung relo mo." Sabi ko kay Liza.

"Sa tingin mo ba nandun pa yun?" Sabi ni Liza.

"Hindi ko alam. Pero wala tayong choice. Kung gusto nating makahanap ng sagot sa mga nangyayari sayo, kailangan nating makuha yung relo kahit anung mangyari." Sabi ko kay Liza.

Panibagong misyon sa buhay ko. Ngayon parang hindi ko magawang mag reklamo. Naeexcite ako kasi kakaibang bagay ang ginagawa ko ngayon. Feeling ko detective ako ng mga extraordinary case. Ma ala mission impossible ang datingan. Ready ako sa ganito. Hindi lang para matulungan si Liza. Para na rin magkaroon ako ng kaalaman sa mga misteryong bumabalot sa buhay ng isang tao. Mga bagay na akala ko ay imposibleng mangyari pero hindi pala. Now my curiousity leads me to something extraordinary. Hindi ko palalagpasin to.

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
42.3K 2K 23
THIS IS A BL STORY! Obsession series # 2 "I'm scared to move on because moving on means accepting our fate as strangers. I'd rather heartbroken than...
2M 25.2K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...
410K 21.6K 33
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.