Seven Lightyears

By queenofpain

26.9K 1K 298

Love is a strong feeling. Kapag nagmahal ka, hindi pwedeng medyo mahal mo at hindi rin pwedeng hindi ka sigur... More

Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Wakas

Kabanata 36

350 17 16
By queenofpain

Monday, September 25

Nagmamadali akong bumababa ng hagdan para mag almusal. Agad tumayo sa kanyang silya si Papa para salubungin ako ng yakap at halik n'ya.

"Happy Birrrthdaaaay, Jenny ko! I love you." bati n'ya.

Mahigpit kong sinagot ang mga yakap n'ya at dinama ang mala sofa bed n'yang bilbil.

Sa sobrang busy ko halos makalimutan ko na ang sarili kong birthday.

"Salamat po, Papa."

"Hay. Ang bilis talaga ng panahon." aniya. "Kain na. 7 am klase mo ngayon diba?"

Tumango ako at dumiresto na sa lamesa. Lumabas naman mula sa kusina si Mama saka patakbong lumapit sa akin para halikan ako sa pisngi.

"Happy Birthday, anak." masiglang bati n'ya.

"Thank you, ma." sagot ko.

"Invite mo sina Kenneth bukas ng gabi na dito na lang magdinner. Hindi kasi kami makakapagluto ng Papa mo ngayon dahil makikipagkita kami mamaya sa Tito Alfred mo tungkol sa lupa ng Lolo mo sa Laguna. Pero kung gusto mo naman bibigyan ka na lang namin ng pera para sa labas na lang kayo kumain." wika ni Mama habang inaayos ang mga placemat sa lamesa.

"Dito na lang po. For sure mas gusto nila ang luto ni Papa kaysa yung mga nabibili sa fast food."

Mabilis akong kumain dahil magbabantay pa ako ng jeep. Hindi kasi ako sinusundo ni Kenneth tuwing Monday dahil 10 am pa naman ang klase n'ya.

"Happy Birthday, ate girl! Libre mo naman kami." bati ni Krystell nang makasalubong n'ya ako sa hallway.

Tumatakbong lumabas sina Mary Loise at Kai ng classroom nang malaman nilang dumating na ako. May mga dala silang cake at lobo saka kinantahan ako ng Happy Birthday.

"Happy Birthday, Jen. We love you so much! Mwa mwa chup chup." wika nila Kai at Mary Lu habang nakayakap sa akin.

"Salamat. I love you girls. Thank you sa effort n'yo." wika ko habang nakayakap sa kanilang dalawa ni ML.

"Sa bahay na kayo magdinner bukas? Free ba kayo?" anyaya ko.

Pumamewang si Kai saka nanunuya akong tiningnan.

"Bakit bukas pa? Bakit hindi na lang mamaya?"

"Eh busy kasi sina Mama at Papa kaya hindi pwede mamaya. Pero kung gusto n'yo sa labas na lang tayo kumain magwiwithdraw ako. Ano, game?"

"Hay. Ayoko ng preservatives. How about you ML?"tanong ni Kai.

"Yoko rin. Sige tommorrow night." wika ni Mary Lu.

"Invited ba si Kenneth your love?" tanong ni Kai.

Napakamot ako sa aking ulo saka hinila s'ya para akbayan.

"Oo naman." wika ko. "Krystell, tomorrow night... punta ka ha."

"No prob."

Tumango si Krystell saka hinila sa loob ng classroom ang kanyang armchair kasabay noon ay ang pagtunog na ng bell hudyat na magsisimula ang aming first period.

"Excuse me! Excuse me!" wika ng isang panlalaking boses.

Napalingon kaming tatlo at nakita si Kenneth na nagmamadaling papalapit sa direksyon namin. May dala s'yang isang bouquet ng bulaklak na may maliit na teddy bear sa loob.

"Wow. Ang effort naman ni Papa Ken." ani Krystell na muling lumabas sa classroom nang malamang parating s'ya.

"I want a boyfriend. Ibili n'yo ako!" maktol ni Kai habang nakatingin sa kanya.

Sinalubong ko si Kenneth sa gitna ng hallway atsaka tinanggap ang bouquet na dala n'ya.

"HBD." aniya.

"TY." ganti ko sa maikli n'yang pagbati.

Niyakap n'ya ako saka mabilis na hinalikan sa kanan kong pisngi kaya naman nagtilian ang mga kaklase kong nakakita sa ginawa n'ya. Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa gulat kaya naman napahampas ako sa kanyang dibdib.

"'Hindi sa akin galing 'to." bulong n'ya sabay turo sa mga bulaklak.

Napatingin ako sa likuran n'ya at nakita si Sir Raymond na nakatayo malapit sa classroom ng first period n'ya. Ngumiti ako sa kanya at pabulong na nagthank you kahit alam kong hindi naman n'ya maririnig.

"Pero 'yung kiss sa akin."

"Gago ka talaga."

Kumalas ako sa pagkakayakap n'ya nang makita ang susunod naming teacher.

Si Ms. Pamintuan.

Kasabay n'yang naglalakad si Karissa na halatang nagulat din nang makita n'yang magkayakap kami ng kanyang kapatid.

"Thank you ulit. See you later. Alis na..." wika ko bago pumihit papasok ng classroom namin.

"Ingat ka pagpasok, baby. Labyu!" sigaw ni Kenneth habang unti unting lumalayo.

Hinintay n'ya pa akong makapasok sa loob ng classroom bago s'ya tuluyang umalis.

During lunch time, nilibre ko parin sila kahit sinabi nilang okay lang kahit 'wag na dahil magdidinner naman kami bukas. Kasabay naming kumain si Kenneth at ang kaklase n'yang si Carlos na may gusto kay Mary Loise.

"Gusto mo ba ng boyfriend na Criminology? Irereto kita kay Bryan." wika ni Kenneth.

Ngumiwi si Kai sa kanya at tila nandiri pa nang malamang si Bryan ang irereto sa kanya.

"Ayoko 'dun may putok." aniya patungkol sa body odor ni Bryan.

"Eh kasi Criminology s'ya. S'yempre may putok s'ya. Ratatatatat! Bang bang bang!" wika ni Krystell na kunwaring may hawak s'yang baril.

"Hindi nakakatawa." wika ni Kai.

Nagtawanan naman kami maliban sa kanya. Kanina kasi sabi n'ya gusto n'ya ng boyfriend kaya naman may mga nirereto sa kanya sila Kenneth at Carlos pero wala naman s'yang nagugustuhan. Masyado kasing mataas ang standards ng isang 'to.

Nag vibrate ang cellphone ko sa bulsa at nakatanggap ng mensahe mula kay Sir Raymond.

Mond:

Let's have dinner tonight. I'll fetch you.

Nagreply ako ng okay since wala naman akong kasama mamaya sa bahay dahil gagabihin ng uwi sina Mama at Papa.

Dumaan ang last period namin at hindi na ako mapakali. Gustong gusto ko nang umuwi. Habang nagtuturo si Ms Janice, iniisip ko na kung anong susuotin ko, kung anong shade ng lipstick ang gagamitin ko at kung pipilitin ko ba s'yang ako ang magbayad since birthday ko naman.

Yung feeling na inaabangan ko ang bawat salita ng prof at hinihintay kung kailan s'ya matatapos dahil naiinip na ako. Feeling ko hindi na ako makakapaghintay.

"Taeng tae ka na ano? Uy, aminin!" bulong ni Krystell habang nagtatake down kami ng notes.

"Hehe. Hindi ah."

Nakahawak kasi ako sa tiyan ko at hindi rin ako matali sa kinauupuan ko. Ganito ako kapag excited. Hindi naman ako natatae pero parang may mga naglalaro sa loob ng tiyan ko. Ito siguro yung tinutukoy nilang butterflies.

Pagkababa ko ng jeep dali dali akong tumakbo sa bahay namin para makapag ayos na pero natigil ako sa pagtakbo nang makita ko si Tita Marissa.

"Happy Birthday, Jenny." bati n'ya nang nasa tapat na ako ng bahay namin.

"Salamat po, tita" lumingon ako sa bahay nila Kuya Ace para silipin kung naroon s'ya.

Hindi mo man lang naalalang birthday ko ngayon.

"Naku, wala si Ace. Susunduin si Karissa sa school."

"Ah, talaga po?" wika ko. Doon din kasi ako galing.

Inayos ko ang sarili ko pagkadating na pagkadating ko. Pinili kong suotin ang dress kong kulay itim at nude color kong step-in. Mabuti na lang nakapagdecide na agad ako kanina kung anong mga kailangan ko kaya hindi ako masyadong nas-stress.

Huminga muna ako ng malalim habang tinititigan ang sarili ko sa salamin ng aking bintana. Natanaw ko pa si Kuya Ace na kararating lang sa bahay nila at hindi man lang sumilip sa akin para batiin ako. I couldn't believe nakalimutan n'yang birthday ko ngayon.

Nang mag 6 pm na, nagtext na si Raymond na nasa kanto na s'ya kaya naman lumabas na ako ng bahay. Isinara ko ang gate ng bahay namin saka sumulyap sa balcony ng kwarto ni Kuya Ace for the very last time.

Tonight, I'm getting over you.

Nakasandal si Raymond sa labas ng kanyang sasakyan habang ang dalawang kamay n'ya ay nasa kanyang bulsa. Ngumiti s'ya nang makita n'ya ako pero hindi masyadong masigla ang kanyang mga mata. Hindi ba s'ya nae-excite? Pangit ba ang damit ko?

"Okay lang ba?" tanong ko sabay turo sa suot ko.

"Yeah." tipid na saad n'ya.

Pinagbuksan n'ya ako ng car door saka umikot papunta sa driver's seat.

Nakakulay itim rin s'yang polo ngayon na nakatupi sa kanyang siko at maong pants. Hindi ito ang suot n'ya sa school kanina kaya siguro umuwi rin s'ya agad sa bahay nila para magprepare.

"Thank you sa flowers." wika ko.

"You're welcome." seryoso n'yang saad habang nagdadrive.

Hindi s'ya masyadong nagsasalita kaya naman naninibago ako. Usually palagi naman s'yang may kinukwento about school at palagi kaming nag uusap kahit tungkol sa pinakarandom na bagay pero ngayon parang wala s'yang interest makipag usap.

Binuksan n'ya ang stereo ng kotse n'ya saka nagpatugtog ng ilang acoustic na kanta. Hindi s'ya lumilingon sa akin kaya naman mas lalo akong nagtaka.

"May problema ba?" tanong ko.

Umiling s'ya saka sumulyap sa akin.

"Are you sure?"

Bumaling s'ya sa may highway saka pinatay ang kanyang stereo. Nakakunot ang kanyang noo habang nakatingin s'ya sa daan kaya naman sigurado kong mayroon s'yang ibang iniisip.

"Si Kenneth." aniya saka tumikhim.

"Does he usually kiss you like that? I mean, kahit kayo lang? Iyong walang nakatingin." seryoso n'yang tanong.

Napalunok ako saka taimtim s'yang tinitigan.

"Nagseselos ka?" inosente kong tanong.

"Yes." aniya.

Umiling ako saka finocus ang tingin ko sa daan. Kaya naman pala hindi s'ya nagsasalita. Akala ko may mali akong ginawa o kaya naman may problema s'ya sa school.

"Actually... that was the first time. Iyong nakita mo kanina, wala lang iyon." paliwanag ko.

Hindi s'ya nagsalita o nagnod man lang sa sinabi ko. Hindi ako sanay na nagtatampo s'ya kaya naman hindi ako mapalagay. Magsososrry ba ako? Sasabihin ko bang 'don't worry dahil hindi na 'yun mauulit'? Hay, paano ba ito? Hindi ko naman akalain na big deal iyon sa kanya.

"Sorry na." malambing kong saad.

Nagnod lang s'ya sa sorry ko kaya naman mas naparanoid ako.

Wag kang magalit please.

"Kung ayaw mo ng ganon, pagsasabihan ko si Kenneth. I'm sorry." saad ko pero wala s'yang reaksyon.

"Uy, sorry na nga. Hindi na 'yun mauulit. Promise..."

"Okay." tipid n'yang saad.

Tumikhim s'ya at nagpatuloy sa pagdadrive. Hindi ko alam kung bakit ako naguilty kahit hindi ko naman ginusto iyon. I wan't to blame Kenneth! Naiinis ako kay Kenneth!

Bakit ba kasi kailangang halikan pa n'ya ako? Pwede namang flying kiss na lang o kaya kinurot na lang n'ya ang pisngi ko. Nagselos tuloy si Raymond.

Sumandal ako sa salamin sa gilid ko at saka doon nagmukmok ngunit natigilan ako nang makita ko ang reflection n'ya mula sa salamin.

He was smiling.

Continue Reading

You'll Also Like

7.7M 222K 52
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
63.3M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
353K 9.8K 39
Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding...
275K 15.1K 28
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.