Pabula Collection

بواسطة WendyGalabin

90K 342 21

Ang Pabula ay isang uri ng panitikan kung saan ang mga tauhan ay mga hayop na kumikilos at nag-aasal na para... المزيد

Chapter 1 - Ang Asong Magnanakaw
Chapter 2 - Ang Asong Mapagbiro
Chapter 3 - Ang Pagong At Ang Kuneho
Chapter 4 - Ang Lion At Ang Daga
Chapter 5 - Ang Agila At Ang Maya
Chapter 6 - Ang Aso At Ang Ipis
Chapter 7 - Si Pagong At Si Matsing
Chapter 8 - Ang Madaldal na Pagong
Chapter 9 - Ang Alitaptap at ang Paru-paro
Chapter 10 - Ang Batang Ibon na Matigas Ang Ulo
Chapter 11 - Ang Buriko At Ang Masayahing Aso
Chapter 12 - Ang Higad, Ang Uod At Ang Linta
Chapter 13 - Ang Inahing Manok
Chapter 14 - Ang kabayo at ang Hinete
Chapter 15 - Ang Langgam At Ang Tipaklong
Author's Note
Chapter 16 - Ang Duwag na Paniki
Chapter 17 - Bakit laging nag-aaway ang aso, pusa at daga
Chapter 18 - Ang Tsonggo at ang Alamid
Chapter 20 - Ang Mag-inang Alimasag
Chapter 21 - Ang Mambububuyog
Chapter 22 - Ang Sakim na Aso
Chapter 23 - Ang Lobo at ang Tupa
Chapter 24 - Ang Lobo Sa Kasuotang Tupa
Chapter 25 - Ang Anino ng Buriko
Chapter 26 - Ang Lobo
Chapter 27 - Ang Tigre at ang Leopardo
Chapter 28 - Ang Baboydamo at ang Lobo
Chapter 29 - Ang Uwak na Naghari-harian
Chapter 30 - Si Jupiter at ang Tsonggo
Chapter 31 - Ang Agila at ang Salagubang
Chapter 32 - Ang Agila at ang Kalapati
Chapter 33 - Ang Asno at ang Lobo
Chapter 34 - Ang Asong Bundok at ang Tagak
Chapter 35 - Ang Gansang Nangitlog ng Ginto
Chapter 36 - Si Mahistrado Kuwago
Chapter 37 - Baryo Maligaya
Chapter 38 - Si Leon at si Kambing
Chapter 39 - Si Juan at ang Alimango
Chapter 40 - Si Dagang Bayan at si Dagang Bukid
Chapter 41 - Mga Pusa Laban Sa Mga Daga
Chapter 42 - Ang Usa sa Ilug-ilugan
Chapter 43 - Ang Uwak at ang Gansa
Chapter 44 - Ang Unggoy at ang Pagong
Chapter 45 - Ang Uhaw na Uwak
Chapter 46 - Ang Tikling at ang Lobo
Chapter 47 - Ang Tigre at ang Lobo
Chapter 48 - Ang Tigre at ang Langgam
Chapter 49 - Ang Mangangambing at ang Kambing
Chapter 50 - Ang Mag-amang Palaka

Chapter 19 - Sino Ang Magtatali ng Kuliling?

840 6 0
بواسطة WendyGalabin

Sino Ang Magtatali ng Kuliling?

May isang malaking Pusa na lagi nang aali-aligid upang makahuli ng Daga. Marami-rami na rin itong nabibiktima. Aabangan niyang lumabas ang Daga at saka ito sasakmalin at gugutay-gutayin.

Sa sobrang takot ng mga Daga ay nagpulung-pulong sila. Pinag-usapan nila kung paano nila maiiwasan ang mapanganib na Pusa.

Naging sobra sa ingay ang mga Daga habang nagpupulong. Ang ingay ay nauwi sa katahimikan nang wala isa mang makaisip ng paraan kung paano maiiwasan ang Pusa. Sa pagkakataong iyon, nagpakitang gilas ang mayabang na Daga. Tumindig ito at mayabang na nagsalita.

"May suhestiyon ako upang maiwasan nating lahat ang Pusa."

Umaatikabong bulungan ang naganap.

"Tumahimik kayo!" utos ng mayabang na Daga. "Maiiwasan lang natin ang ating kaaway kung tatalian natin ito ng kuliling sa leeg. Kung may kukuliling, alam nating ang Pusa ay papalapit sa atin."

"Oo nga. Kung maririnig natin ang kalansing ay makalalayo tayo sa kinatatakutan natin," natutuwang sabat ng Dagang Lalawigan.

Kunwaring nakayuko ang mayabang na Daga.

"Pe... pero... sino ang magtatali ng kuliling?" tanong ng Matandang Daga.

"Hindi ako!" gumagaralgal ang boses na sabi ng Dagang Lungsod. "Tiyak na sasakmalin ako ng Pusa."

"Lalo namang hindi ako," nanginginig ang tuhod na sabi ng Dagang Bukid. "Palapit pa lamang ako ay nangangalmot na ang nasabing Pusa. Tiyak na papatayin ako noon kapag nilapitan ko!"

Sa katanungang sino ang magkukulyar sa Pusa ay walang sinumang nangahas na sumagot at gumawa. Lahat ay nabingi sa tawag ng kabayanihan. Pati na ang mayabang na Daga ay wala ring narinig na anuman.

Aral: Ang tao ay nasusukat hindi sa salita kundi sa gawa.

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

13.6K 120 12
This work contains poems about love, family, friendship, etc. Poems Written by MaGen6 © All rights reserved 2020 Photo cover is not mine, credits to...
9.4K 75 18
Methods prescribed by law for the apprehension and prosecution of persons accused of any criminal offenses and for their punishment, in case of convi...
672K 14.7K 40
Hindi pa man siya umabot ng isang linggo sa trabaho niya bilang sekretarya ng C.E.O ay fired na agad siya dahil hindi niya natimpla ang kape nito bag...
23.3K 330 13
When life gives you its worst, anong gagawin mo? TRIGGER WARNING: This story might trigger those readers with depression. READ AT YOUR OWN RISK. [UNE...