Class Zero

By Penguin20

7.2M 431K 181K

Isa ang Merton Academy sa mga kilalang paaralan sa buong Pilipinas. Karamihan sa mga nag-aaral dito ay mga ka... More

Class Zero
Teaser
Chapter 1: Prominent School
Chapter 2: Exam Result
Chapter 3: Different Treatment
Chapter 4: Class Zero
Chapter 5: Strange Encounter
Chapter 6: Real mission
Chapter 7: Physical training
Chapter 9: Against Lawbreakers
Chapter 10: Leaving class zero
Chapter 11: Back to sense
Chapter 12: Back in Class Zero
Chapter 13: First Mission
Chapter 14: Investigating
Chapter 15: Pochi Monster
Chapter 16: Missing Post
Chapter 17: Lockup
Chapter 18: Against Lawbreakers
Chapter 19: Urgent Meeting
Chapter 20: Affected by her Death
Chapter 21: Warning
Chapter 22: Foundation Week
Chapter 23: Winning without cheating
Chapter 24: Change of Plan
Chapter 25: Seven Versus Ace
Chapter 26: Suspended
Chapter 27: Brilliant Plan
Chapter 28: Scouting the Place
Chapter 29: Class Zero VS. Lupin
Chapter 30: Seize the day
Chapter 31: Review
Chapter 32: Phoenix Necklace
Chapter 33: Forgotten
Chapter 34: Aftermath
Chapter 35: Getting better
Chapter 36: The twelve members
Chapter 37: The party
Chapter 38: Servant of Fire
Chapter 39: Servant of Elements
Chapter 40: Mission done
Chapter 41: Zero base
Special: Girly Tapang
Chapter 42: The alliance
Chapter 43: Let's compact!
Chapter 44: Seven's Mission
Chapter 45: The search
Chapter 46: Class Zero Vs. Hanzo
Chapter 47: Enemy in good term
Chapter 48: Saying the truth
Chapter 49: Knowing Vincent
Chapter 50: Servant of Illusion and Dreams
Chapter 51: Jamie Vs. Evan
Chapter 52: Revenge
Chapter 53: Compact
Chapter 54: Zero equals family
Chapter 55: Shaken Trust
Chapter 56: A New Mission
Chapter 57: The Teacher's Love
Chapter 58: Pressure of Leader
Chapter 59: Guarding her
Chapter 60: Dressing Up
Chapter 61: Leaders plan
Chapter 62: The Blind and The Steel
Chapter 63: Accepting Defeat
Chapter 64: The Greatest Enemy
Chapter 65: Final Exam
Chapter 66: Fun and Terror
Chapter 67: Part of the Society
Chapter 68: Let's Go Training!
Chapter 69: Clash of Leaders
Chapter 70: Decision He Made
Chapter 71: Train hard
Chapter 72: Progress
Chapter 73: Girls Bonding
Chapter 74: Sudden Energy
Chapter 75: Must Protect
Chapter 76: Unexpected Power
Chapter 77: Unforeseen Betrayal
Chapter 78: Class Magnus
Chapter 79: Royal Blood
Chapter 80: New Semester, New Chance
Chapter 81: New Challenge
Chapter 82: The Competition
Chapter 83: Dodgeball
Chapter 84: Merton VS. Sahandra
Chapter 85: The Good Effect
Chapter 86: Pavilion Date
Special Chapter: Preparation
Chapter 87: The Young Glitches
Chapter 88: Never Abandon
Chapter 89: Her Reason
Chapter 90: The Final Play
Chapter 91: Tears with Pain
Chapter 92: Out of Control
Chapter 93: Monsters
Chapter 94: Mole in the Dark
Chapter 95: His Escape
Chapter 96: Give and Take
Chapter 97: A day before War
Chapter 98: Start of War
Chapter 99: Kiryu Versus Hugo
Chapter 100: Fight until the End
Chapter 101: Preventing the Worst
Chapter 102: We are Class Zero
Epilogue
Last Note
Special Chapter: Black and White
Class Zero Book version!
Class Zero Book Details
BOOK SIGNING (MIBF 2022)
BOOK SIGNING (Grand Fans Day)
Manila International Book Fair 2023

Chapter 8: Awakening power

94.3K 5.2K 1.7K
By Penguin20

NOONG mga sumunod na araw ay talaga namang nakakapagod ang ginagawa namin sa Class zero pero habang tumatagal ay nasasanay na rin naman ako. Minsan ay magkakaroon na lang kami ng biglaang Physical activity (Minsan 'di ako uma-attend), minsan naman ay magbabasa-basa kami tungkol sa magics (tinutulugan ko lang), ang pinakagusto ko lang na ginagawa namin ay kapag nagdi-discuss si sir (dahil hindi ako nakikinig at nakikipagkwentuhan ako kay Kiryu.)

Nung mga unang araw ay hindi ko alam kung bakit naming ginagawa iyon, pero habang lumilipas ang mga araw ay naiintindihan ko na ito, mas dumadami ang kaalaman ko pagdating sa mahika at mas mataas na ang endurance ko at hindi na ako madaling mapagod.

"Masyado ka yatang nagiging busy sa class zero," sabi ni Nick sa akin habang nasa library kami. Nagkataon lang na nagkita kaming dalawa dito. Nagtatago kasi ako kanila Aris dahil natalo ako sa pustahan and siya naman ay nagbabasa ng mga math books.

"Maraming ginagawa sa class zero, eh." Sabi ko na lang. Totoo naman na maraming ginagawa sa class zeropero hindi pangkaraniwang gawain ang lahat ng iyon.

"Katulad nang?"

"Haha! Secret, basta marami." Sagot ko sa kanya. Naaalala ko pa rin naman ang sinabi sa amin ni sir Joseph na huwag ipagsasabi ang kung anong nangyayari sa loob ng class zero. Nag-e-enjoy na rin naman ako sa mga pinag-aaralan namin at ayokong mapaalis doon.

"Come on, hindi mo ba ako mabibigyan ng information kung anong pinag-aaralan sa class zero? Para sa next na magkaroon na exam ay makapasok na ako." Sabi niya sa akin, oo nga pala, sobrang gusto ni Nick na makapasok dito.

"Hindi talaga ako puwede maglabas ng information patungkol sa class zero, eh. It's a rule." sabi ko. Medyo na-guilty ako dahil gusto talaga ni Nick na makapasok dito.

Naglakad si Nick paalis at nabigla ako nung biglang tumabi sa akin si Ace, one of my classmate in class zero. "Why you're not wearing your badge?" Tanong niya sa akin. Hindi ko alam kung paano nakarating sa library ng college namin si Ace dahil taga-Engineering siya.

"Tinatanggal ko kapag wala na ako sa classroom ng class zero." Pag-amin ko, if sila ay gusto nila ng atensyon na nakukuha na mula sa ibang tao... ibahin nila ako. Masaya na ako na nakakapaglakad ako sa hallway na walang sinong tao ang titingin sa akin. Ayoko yung pinagbubulungan ako ng ibang tao dahil lang parte ako ng special class.

"Are you not enjoying the attention? Pinupuri ka, everyone loves to talk about you." Paliwanag niya sa akin habang may ngiti sa kanyang labi.

"I am not enjoying it. Siguro ikaw, gusto mo dahil nagkaka-fansclub ka." Sagot ko. Sa ilang linggo kong nakakasama si Ace ay alam kong gwapong-gwapo siya sa sarili niya at puno siya ng kahanginan. "Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko sa kanya.

"May assignment ako sa isang math subjects ko, kukuha lang ako ng mga reference book dito," Sabi niya sa akin at napatango-tango ako. "About the guy earlier..."

"Sino? Si Nick? Ang bait niya, 'no?"

"No. He's a leech." Nabigla ako sa kanyang sinabi. "Well, I am sorry kung kaibigan ang tingin mo sa kanya. Humihigop lang siya ng information tungkol sa'yo, you better stay away from him." He patted my shoulder. "Gotta go, already got the references."

***

KINAGABIHAN ay nakatanggap ako ng text na pinapatawag kami ni sir Joseph para pumunta sa Kalye Mabini at malayo-layo ito sa school. Pagkabukas ko ng pinto ay naglalakad na rin si Mild palabas suot-suot ang kanyang jacket.

"Not wearing a jacket? Ang lamig ng panahon ngayon," sabi niya sa akin at sumabay na ako sa kanya sa paglalakad.

"Sanay ako sa lamig." Sagot ko naman at napatango-tango siya.

"Gusto mong sumabay?" Itinaas niya sa akin ang car key.

"You know how to drive?" Tanong ko. Ang awesome lang dahil ngayon lang ako nagkaroon ng kaibigan na sanay magmaneho ng kotse. Dati ko pa gustong magkaroon ng kaibigan na may sariling car dahil mahilig ako sa road trips.

"Of course," pagmamayabang sa akin ni Mild. Agad namin nakita ang kotseng nakaparada sa parking kulay pulang mini cooper ito. "Ready?"

Sumakay ako sa shotgun seat at siya naman ang nagmaneho. "Uhm... Jamie, ipapaubaya mo ba sa'kin ang buhay mo?"

She started the engine at nagsimulang magmaneho. I thought Mild is a good driver on the way she boast it, pero hindi! Sa buong biyahe namin ay akala ko ay anytime ay kukuhanin na kami ni Lord. Ilang beses din kaming naligaw kahit malapit-lapit lang ang pupuntahan namin. In the end, gumamit pa kami ng Waze para lang makarating sa paparuonan namin.

"Next time, 'wag kang magyayabang na skilled driver ka," sabi ko at inalis ang seatbelt. Agad akong lumabas ng kotse.

"Hindi ko sinabing I am a skilled driver. I know how to drive pero hindi ako magaling." Next time, hindi na ako sasama kay Mild. Baka kapag nagsama kaming dalawa sa road trip ay sa hukay na ang maging diretso namin.

Pagkababa namin sa kotse ay nandoon na silang lahat. Iritableng tumingin sa amin si Seven.

"Ang tagal ninyo, hindi naman kayo magaganda pero kung magpahintay kayo akala ninyo ay mga dugong bughaw kayo," pagtataray ni Girly sa amin habang nakapamewang.

"Don't mind her, Kasing laki lang ng munggo ang utak ng babaeng 'yan," bulong sa akin ni Mild kung kaya't napatawa ako. Kahit papaano ay nagiging komportable na kaming dalawa sa isa't-isa. Medyo nakikilala ko na rin si Mild.

While we're all standing, nabigla kami ng may marinig kaming snap ng daliri at huminto ang lahat ng bagay sa paligid. Huminto ang paggalaw ng eroplano sa himpapawid, ang mga taong nagkukuwentuhan malapit sa parke, ang pagtahol ng aso... Lahat ay tumigil. Pamilyar na sa akin ang ganitong scene, ilang beses na itong ipinakita at ipinaliwanag ni sir Joseph sa amin.

"Devil hour." Sabi ni Ace pero sapat na upang marinig ng lahat.

Isang malakas na pagsabog ang narinig namin na ilang metro lang ang layo sa amin, napaupo ako sa kalsada dahil sa lakas ng pagyanig. May nakita kaming malakas na usok sa 'di kalayuan. "Run!" Malakas na sigaw ni Claire.

Nakatingin lamang ako sa pinanggagalingan ng usok at mayamaya pa ay may pigura ng isang tao ang unti-unting lumilitaw mula sa makapal na usok. "Move, move, move!" Malakas na sigaw ni Ace at hinatak ang aking kamay paalis. "Are you dumb!? Hindi ka man lang gumalaw, he may kill you," sabi niya sa akin.

Hinanap ko si Mild ngunit nakaalis na pala siya. Iniwan ako ng babaeng iyon.

Tumatakbo lamang kami ni Ace sa isang kanto, tahimik ang lahat at tinitingnan ko ang mga taong nadadaanan namin. "Wala ka na bang ibibilis pa?" tanong ni Ace. "We're on a life and death situation tapos kung makatakbo ka ay akala mo nasa beach ka. Maraming iiyak na fangirls kapag nawala ako." Palihim akong napairap sa ere. Mayabang.

Habang tumatakbo kami ay biglang lalaking naghihintay sa amin sa dulong pasilyo. He's wearing a black leather jacket at may itim na pakpak sa kanyang likod. "Fuck, fuck, fuck!" sabi ni Ace at huminto kaming dalawa sa pagtakbo. Hinawakan niya ang aking kamay at lumiko sa isang masikip na daan.

"sige, tumakbo lang kayo!" Napatingin ako sa itaas at lumilipad na ang lalaki kanina. Nonsense lang ang ginagawa naming pagtakbo lalo na't masusundan at masusundan lamang kami nito. Bigla na lamang nagkaroon ng liwanag sa kanyang kamay na para bang may apoy na nabubuo mula rito.

"Ace, we need to hide somewhere!" Malakas kong sigaw.

Sinubukan namin buksan ang pinto ng isang building ngunit nakasara ito. napatingin ulit ako sa itaas at unti-unting lumalaki ito. "Katapusan ninyo na!" Malakas na sigaw nung lalaki at bumababa ang bolang apoy tungo sa aming direksyon.

"Fuck, fuck, fuck!" Hinila ako ni Ace sa likod ng isang poste.

Malakas na pagsabog ang narinig namin mula sa aming likuran. Hinahawi ng malakas na hangin ang aking buhok at may mangilan-ngilang debris ang tumama sa akin. "Are you okay?" Tanong sa akin ni Ace.

I always thought na isang mahanging tao lang itong si Ace at nag-iisang famewhore sa Class zero. Pero sa mga pinapakita niyang actions ngayon ay unti-unti akong naniniwala na may kabaitan din pala ang lalaking ito.

"Nagkagalos ako sa pisngi, tangina, baka mabawasan fans ko." Okay, mabait siya pero nananatiling hambog at pasikat. Period.

Bumaba sa pagkakalipad ang lalaking may pakpak na sumusunod sa amin. Makapal na usok ang nabubuo sa paligid at nararamdaman ko rin ang init sa balat ko dahil malapit lang kami sa sunog na likha ng fireball nitong lalaking ito.

Nasa harap namin ang isang lawbreaker (iyon daw ang tawag sa kanila sabi ni sir Joseph). Naglalakad na siya tungo sa aming direksyon. Wala na kaming matatakbuhan dalawa ni Ace.

"Katapusan ninyo ng dalawa, mga bata." Sabi nito habang ang mga kuko nito'y naging mahahaba at matulis. Hindi ko alam pero sobrang creepy niya.

Iniusog ako ni Ace sa kanyang likod at pinaikot niya ang kanyang leeg na para bang hinahanda ito. "Anong balak mo? Kalabanin siya? Wala kang laban, Ace!" Sabi ko sa kanya at puno ako nang pag-aalala. "We better ru--"

"Wala na tayong ibang mapagtataguan, Jamie. We need to fight. Don't worry, I learned Taekwondo when I was in Gradeschool." Sabi niya at pumosisyon na siya.

Taekwondo?! Anong magagawa ng taekwondo sa taong kaharap namin ngayon?!

Sumugod sa amin ang lawbreaker na sinalubong naman ni Ace. Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa, alam kong masasaksak si Ace ng matalim na kuko nung Lawbreaker, alam kong tatama ito sa kanyang dibdib ngunit...

May kakaibang liwanag na bumalot kay Ace, liwanag na kahit ako'y napapikit dahil masakit ito sa mata. The next thing I knew...   Kakaibang tao na si Ace. Eto na yata ang sinasabi ni sir Joseph sa amin na sa oras na magising ang aming kapangyarihan ay mapapantayan na namin ang lakas ng Law breaker.

Continue Reading

You'll Also Like

13.8M 388K 79
Harrison University is an institution where the seventeen-year-old, Myrttle Joong, was obliged to finish her study, despite of her strong aversion. A...
177K 5.3K 49
When the real Airleya drowned, she gave her body to the woman from another world. To give her body to the woman who came from another world and to c...
214K 5.5K 35
Zanelli Terrington has a few more months to live. Just like her past lives, nothing changes as she is still the 2nd princess of the Kingdom of Hawysi...
1.3K 147 7
COMPLETED ON GOODNOVEL Ako nga pala si Antonnia Yulliene Villa. One-half Bisaya, one-half Ilongga, and 99.9% NBSB. (08)036- 024- 36 Nakakalungkot man...