Man and Wife (Wifely Duties 2...

By FGirlWriter

2.3M 76.9K 18.4K

A Sequel to Wifely Duties: The heart never forgets. But what if it does and never remembers back? Written ©️... More

Content Warning & Disclaimer
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Epilogue

Chapter Ten

70.3K 2.8K 657
By FGirlWriter

CHAPTER TEN

*The missing found.

The truth revealed.

Yet, life has still secrets in hid. *

***

"NAGISING na siya kanina. Lumabas ako saglit para kumuha ng tubig niya. Pagbalik ko ay wala na siya!"

       "Sandali, tumakas ba siya?" tanong ni Johann. "Pero kung kagigising niya pa lang, wala pa siyang gaanong lakas para makatayo man lang."

       Tumango ang nurse. "Iyon nga ang ipinagtataka ko. Mahinang mahina pa dapat siya. Dumaing pa nga siya kanina na masakit daw ang likod niya at uhaw na uhaw siya, kaya kumuha ako ng tubig. Pero pagbalik ko ay wala na siya!"

       "Baka hindi pa nakakalayo!" sabi naman ni Hasmin. "Baka mapaano siya, diyos ko!"

       Nagtawag na ng tulong sina Ena at Hasmin sa labas. But Agatha was frozen in her position...

       Nanlamig ang buo niyang katawan.

       "Agatha?" Hinawakan siya ni Johann sa magkabilang balikat. "Namumutla ka!"

       Tinignan niya ang lalaki.

       Isang linggo.

       Isang linggo pa lang nang makilala niya ito. At pagkatapos ay mabilis nang nagsunod-sunod ang pagkaalala niya sa totoong pangalan, ang pagkatuklas niyang hindi niya tunay na pamilya sina Sasa at Niel, na sa loob ng mahigit pitong buwan ay nabuhay siya sa kasinungalingan, na hindi ito ang buhay niya.

       "Sweetheart..."

       "Ah!" Napahiyaw sa sakit si Agatha at nasapo ang ulo.

       "Agatha? Agatha, a-anong nararamdaman mo?" Hinapit siya nito sa balikat. "Agatha?"

       Tears started to fall from her eyes when the pain in her head didn't subside. Bagkus ay mas lumala pa iyon. Tila may malakas na pinupukpok sa ulo niya. "Ahhhh!"

       She gasped for air.

       "Agatha, talon!"

       "Agatha!!!"

       Umikot ang buo niyang paningin. Bumuway siya sa pagkakatayo. Agad siyang nasapo ni Johann. Naramdaman niya ang pag-angat ng mga paa sa lupa.

       "Mommy, look! I can play the piano like you..." Rainiel smiled at her.

       "Mommy! You're so pretty." Yumakap at humalik sa kanya si Riana. "I love you, Mommy. I believe Adam and Rade loves you, too!"

       "Mommy needs to go for a while, alright? May charity mission lang akong pupuntahan. Babalik ako kaagad."

       Naramdaman niya ang unti-unting pagkaubos ng hangin sa baga niya.

       "Agatha! Agatha?" naririnig niya pa si Johann.

       Hanggang sa lumayo nang lumayo ang boses nito. Everything fell into silence. She closed her eyes.

       Agatha's riding in a bus...

***

KAUUWI lang ni Reeve mula sa pakikipag-usap sa private investigator. Asang-asa ang puso niyang anumang oras bukas, pagkadating nina Ivan sa Kab-Laaw, Iddu ay agad matatagpuan ng mga ito si Agatha.

       "Daddy!" Tumakbo si Riana sa kanya at sinalubong siya ng yakap. "Daddy, you're happy!"

       "I am. Very!" Hinalikan niya ito sa buong pisngi. "What do you want for your birthday, again?"

       "Si Mommy!"

       Hindi niya mapigilan ang mapangiti. Sigurado siya, hindi na sila mabibigo ngayon. "Then, Mommy will come home."

       Namilog ang mga mata nito. "Really, Daddy?!"

       Positibo siyang tumango. Buong gabi ay hindi nakatulog si Reeve. He's too excited for Ivan's news for tomorrow.

       Reeve prayed. He prayed real hard. Oras na sabihin ni Ivan na nandoon nga ang asawa niya, walang abog na pupunta siya doon!

       The night came. Napabangon siya nang marinig ang pag-iyak ni Rade. Agad niya itong binuhat mula sa crib at inugoy sa mga bisig niya.

       "Don't cry... don't cry... Mommy's coming home..." masaya niyang pag-alo ni Reeve sa bunso.

       Walang espasyo ang negatibong pag-iisip sa utak ngayon ni Reeve. All he has is hope, optimism... He refused to think that another lead will be a dead-end.

       Hindi na mangyayari iyon. Makikita na si Agatha ngayon!

       Buhay na buhay pa ang buong sistema ni Reeve. Alas-dose na ng madaling araw pero hindi pa rin siya madapuan nang antok.

       Reeve is a picture of a very enthusiastic man. Agad siyang napalingon sa cellphone nang tumunog iyon.

       Nagmamadaling inabot niya 'yon. Is this his private investigator already?

       "Johann?" Napakunot-noo siya nang makitang naka-rehistro ang pangalan nito bilang caller. Sinagot niya ang tawag. "Hello?"

       "Reeve?"

       Napatuwid siya ng upo. Matagal niyang hindi nakausap ang bayaw kaya hindi siya sigurado kung anong pakay nito.

       "J-Johann! I'm surprised you called. May kailangan ka ba?"

       Narinig niya ang malalim na pagbuntong-hininga nito.

       Johann is known to be a very jolly, friendly, and humorous man. Sa tuwing kausap niya ito, lagi itong masiyahin. Parang si Prince. Tila walang pinoproblema.

       "Problem? Si Sapphire ba?" natanong na lang niya dahil kapag tumatawag ito sa kanya dati, ibig sabihin ay may problema ito sa pinsan niya.

       "Hindi. Hindi. Ayos naman kami ni Saphi. Ahm, Reeve, may gusto akong sabihin sa'yo," puno ng kaseryosohan ang tinig nito. "Pero may pabor din akong hihingin."

       Bigla siyang nagtaka. Matagal siya nitong hindi kinakausap kaya bumangon ang kuryosidad sa dibdib niya. "Ahm, alright? I guess that's very important since it's already midnight. Is there any problem?"

       Humugot ito nang malalim na hininga. "Nahanap ko na si Agatha. Pumunta ka agad dito sa Iddu Town Central Hospital..."

***

Eight months ago...

"I'M REALLY sorry, sweetheart." Niyakap siya ni Reeve. "Hindi ako makakasabay sa pag-alis ngayon ng bus papuntang Ifugao."

       Napakurap si Agatha. Disappointment easily crept inside her chest. "H-Ha? Pero, Reeve, may usapan tayo..."

       "I know, I know. I'm sorry." Hinaplos nito ang mukha niya at masuyo siyang hinalikan sa mga labi. "But you see, nagkaroon ng emergency sa hotel. I need to be there. Kung gusto mo, sumunod na lang tayo bukas. We'll take a plane going to Ilocos instead. And then from there, we can hire a private car going to Ifugao. Makaabot tayo sa first day ng charity mission."

       Pinilit ni Agatha ang mapangiti. "M-Marami kasing naghihintay sa'tin na pupunta ngayon sa assembly place. But, I understand. Sumunod ka na lang bukas, mauuna na 'ko ngayon."

       Agatha held back her tears. Ang rason kaya pinilit niya si Reeve na sumabay sila sa ibang volunteers sa bus, ay para 12 hours sana silang magkasama sa biyahe.

       She was imagining that she and Reeve will have more time together. Iyong magkatabi lang na nakaupo sa bus, magkahawak kamay, nagkukuwentuhan...

       Bihira na niyang makasama si Reeve na sosobra sa labindalawang oras. Kaya nga kahit na may kapasidad sila para mag-eroplano na lang ay talagang pinakiusap niya rito ang pagsakay na lang nila ng bus.

       Nangako ito sa kanya noon...

       "Susunod na lang ako? Is it okay with you to take the 12-hour bus ride alone?"

       Tumango siya. Naiintindihan niyang may emergency sa hotel. Pero nagrerebelde ang puso niya. Maybe, mawawala rin ang selfishness sa heart niya kapag sumakay na lang siya ng bus papunta sa charity mission ngayon. Para bukas, pagdating ni Reeve doon ay maayos na ulit siya, hindi na siya nagtatampo sa asawa.

       "Okay. I have to go. Ihahatid na lang kita sa assembly place ngayon. I'll get our things."

       Mabilis na umakyat ito ng hagdan.

       "Mommy!" Tumakbo palapit sa kanya si Rainiel. "Mommy, do you really have to go?"

       "Yes. I told you about this, right, baby?" Tiniklop niya ang mga binti. "Three days lang naman. Kasama ko rin si Daddy. Babalik kami kaagad."

       Sumimangot ang mukha nito. "But I heard Daddy's not coming with you anymore."

       "Susunod naman siya bukas." Niyakap niya ang panganay na anak. "Take care of your siblings, alright? I love you." Matunog na hinalikan niya ito sa pisngi.

       "Mommy, take care!" Riana sweetly said. Lumapit ito sa kanila at yumakap rin sa kanya. "I'm going to miss you, Mommy."

       "Don't forget to pray, baby, ha? And also, always be kind. Behave. Lalo na sa Grandma niyo. Siya munang mag-aalaga sa inyo."

       Tumango ito. "Yes, Mommy."

       "Anong gusto niyong pasalubong?" tanong niya sa dalawa.

       "Soccer ball!" Rainiel excitedly answered.

       "I just want you to come home safely, Mommy." malambing na sabi naman ni Riana.

       Niyakap niya ang dalawa. Parang ayaw niya na tuloy umalis. Kaso, may commitment siyang ipinangako sa nag-organize ng charity mission.

       Tumayo si Agatha at nilapitan sina Adam at Rade na naglalaro sa loob ng iisang crib.

       "Mommy!" Adam extended his little arms.

       "Hi, baby Adam." Binuhat niya ito at hinalikan sa pisngi. "Mommy needs to go for a while, alright? May charity mission lang akong pupuntahan. Babalik ako kaagad."

       Niyakap niya pa ulit ito at hinalikan bago ito bumaba. She did the same to Rade. He's still too little and fragile.

       "Mama, nag-pump po ako ng breastmilk para kina Adam at Rade. Aabot po iyon hanggang sa makauwi ako," bilin niya pa sa biyenan.

       "Of course. Nga pala, susunod na lang daw si Reeve bukas? Bakit hindi na lang kayo magsabay?"

       "Mas maganda pong mauna na po ako doon." Para magpalipas ng tampo. "Marami na po kasi akong kaibigan na nasabihan kong sasabay ako sa bus kasama sila."

       Tumango ito at niyakap siya. "Mag-iingat ka."

       "Agatha, let's go." Bumaba si Reeve buhat ang maleta niya. Magkasama na doon ang gamit nila.

       Pagkasakay sa sasakyan ay hindi na sila nakapag-usap ni Reeve. Kausap kasi nito sa speaker phone ang secretary nito. Narinig niya kung gaano kalaki ang problema sa hotel. Iyon ang klase ng problema na hindi kayang palagpasin ni Reeve.

       Pagdating sa assembly place ay marami nang tao.

       "B-Bye..." nahihirapan niyang paalam sa asawa. Hindi niya alam kung bakit. Hinalikan niya ito sa pisngi.

       "I'll see you tomorrow, sweetheart. Take care for me." Mabilis na hinalikan siya nito sa labi.

       Nag-ring ang phone nito at agad na itong sumenyas na aalis na ito. Tumango siya. Nagmamadaling sumakay ito at humarurot na paalis ang sasakyan nito.

       Agatha sighed. Hinila na niya ang maleta at pinilit ngumiti. "Magiging okay din ako. Magiging ayos din ang lahat," she whispered to herself.

       Magtatampo lang siya kay Reeve ngayong gabi. Bukas, ayos na siya. Baka makatulong ang mga makikita niyang view sa biyahe mamaya. Magdadasal din siya. Maybe the Lord wanted her to spend a quiet time alone while in the bus. Wala na siyang katabi.

       Nang nakasakay na siya sa bus ay nakikipagkuwentuhan sa kanya ang iba pang volunteers. Every year ay ginagawa ng church nila ang ganitong charity mission sa mga remote areas ng Mountain Province. Ngayon lang sila nakasama ni Reeve dahil sa pagkaabala ng asawa niya.

       "Agatha, are you okay now?" pangangamusta sa kanya ni Kuya Dylan nang nagsimula nang bumiyahe ang bus at mag-isa na lang siya sa upuan.

       "A lot more better, Kuya. Pasensya na last week, ha? Kayo pa ang naiyakan ko," tukoy niya pa sa dalawa niyang pinsan na si Kuya Ramses at Kuya Charlie, kabilang ang kapatid niyang si Kuya Johann.

       Dumadating sa buhay ng tao na napupuno ng sakit ang damdamin nito. And Agatha can't help but to vent out all of her frustrations and disappointments with Reeve.

       Mahal na mahal niya ang asawa. She was dreaming of Reeve since she was a kid. Reeve Monteverde is a dream come true for her. Lalo na nang matutunan din siyang mahalin ng asawa pabalik. The start of marriage was real bliss...

       But it fades. It stops somewhere. Wala naman silang problema ni Reeve. Pero iyon nga siguro ang problema, hindi sila nagkakaproblema ng asawa. Bakit? Dahil ni walang oras si Reeve para makipag-diskusyon at hindi naman maatim ni Agatha na awayin ang asawang laging pagod galing sa trabaho.

       Instead, she always tries to understand. She focused herself on keeping their house homey and taking care of their children.

       Siguro, hindi talaga naiintindihan ni Agatha ang mga bagay-bagay. Ang mga issues na hindi nila mapag-usapan ng asawa, hindi nabibigyang solusyon dahil iniignora lang. O kaya naman ay magkaka-solusyon pero panandalian ang at babalik na naman sa dati.

       Her heart couldn't take the fact the she was indeed neglected by the love of her life. 'Yong lalaking nangako na ibibigay sa kanya ang lahat... ibinigay nga nito. Maliban sa oras at atensyon.

       Reeve loves her, that's for sure. She never doubted that. But maybe he just loves his job more.

       "Ang mahalaga maayos ka na. Kasama mo si Reeve ngayon sa biyahe, hindi ba?" tanong ng pinsan niyang kausap sa phone.

       Nakagat niya ang labi at napatingin sa bakanteng puwesto sa tabi niya. "Ahm, s-susunod na lang daw siya Kuya..."

       "Damn him."

       "Kuya Dylan," saway niya rito. "It's alright. Ang mahalaga, susunod siya."

       "Hinayaan ka niyang bumiyaheng mag-isa?! That son of a bitch—"

       "Sshh. Kuya, you praise God with those lips. Don't use it to curse others," maingat niyang paalala sa pinsan.

       Napabuga ito ng hangin mula sa kabilang linya. "You're right. I'm sorry. I just can't help it. Hindi ko alam na ganyan na kawalang-kuwenta ang asawa mo."

       "Kuya, nagka-problem lang sa hotel. Alam mo naman kung gaano kalaki sa mga hotels lalo na't VP ka doon dati. Huwag ka nang magalit kay Reeve. Gusto niyang magsabay kami bukas pero ako naman ang nagsabi na mauuna na 'ko—"

       "Hindi ka man lang niya pinilit na magsabay na lang kayo? Hinayaan ka lang niyang mag-isang bumiyahe?" inis na gagad nito.

       Wala nang nasagot si Agatha.

       "Huwag ka nang tumuloy, Agatha. Baka mapaano ka pa."

       "I'm okay, Kuya Dylan. Thank you so much for calling me. Bukas magkasama naman na kami ni Reeve. I'll follow your advice to talk to him, now that he'll have time to listen to me. Huwag ka nang magalit sa kanya, please?" lambing niya pa sa pinsan.

       Kumalma naman ito at binaba na ang tawag. Tumawag din ang kapatid niya.

       "Mag-isa ka lang?" nag-aalalang sabi nito. "Huwag ka na kaya tumuloy?"

       "Kuya, nakalabas na sa Manila ang bus. I'm going to be fine. Para kang si Kuya Dylan, eh. Alalang-alala naman kayo sa'kin. Hindi naman na 'ko baby."

       "Sila, nakita kang baby. Ako hindi, kaya ngayon na lang kita puwedeng-i-baby," nakatawang sabi nito. "O, mag-ingat ka na lang, ha? Ano, huwag kang sasandal sa bintana habang may background music. Baka makagawa ka bigla ng music video diyan."

       She giggled. "I love you, Kuya. I'll take care."

       "Sige. Tumawag ka kapag may problema, ha? Labyou, too!"

       Pagbaba niya ng phone ay hinintay niya naman ang tawag ni Reeve para kumustahin man lang kung nasa biyahe na siya at kung ayos lang ba siya.

       Ngunit apat na oras nang bumabiyahe ang bus ay wala pa ring tawag mula rito. Tumawag siya pero ang sekretaryo lang nito ang sumagot. Nasa meeting pa daw si Reeve.

       Agatha's heart felt heavier when eight hours had passed and still, no call or replies from her husband.

       Tumingin siya sa labas ng bintana nang mag-bus stop sa isang gas station. Nagbababaan ang ilang tao sa bus para gumamit ng CR.

       Nanatili sa loob si Agatha. Gabi na pala, ngayon niya lang napansin. Tumingin siya sa phone. Walang signal, baka sinusubukan na siyang tawagan ni Reeve.

       Nagsibalikan na ang mga tao sa loob ng bus nang may mapansin siyang magandang babae na umakyat at kausap nito ang isang organizer. Maputi ito, mahaba ang buhok, at mukhang manyika. Naka-pants at white shirt ito na may tatak na "good girl". Sa likod nito ay nakasabit ang isang camouflage bag.

       "Everyone, may makikisabay sa'tin hanggang Ifugao. Naiwan siya ng bus na sinasakyan niya kaya naman let's offer her a free ride. Let's be kind to her!"

       Binati nila ito. Maya-maya ay napansin niyang naghahanap ito ng bakanteng upuan.

       "Hi!" kaway niya rito. Napatingin naman ito sa kanya. "You can sit here beside me. What's your name?" nakangiting tanong niya rito.

       Umupo naman ito sa tabi niya at nginitian din siya pabalik. The woman is really beautiful. Kaso ay palinga-linga ito. Malikot ang mga mata. Parang... may mali.

       Inignora ni Agatha ang pakiramdam na iyon.

       "Celina," pakilala nito.

       "Really? Magkapangalan tayo. I'm Agatha Celina Monteverde. Call me, 'Agatha'." Inabot niya ang kanang kamay rito.

       They shook hands. "Nice meeting you..." nakangiti pa rin ito. Napatingin ito sa kamay niya. "Ang ganda naman ng singsing mo, Agatha."

       "Thank you! This is my wedding ring actually." Inangat niya ang kamay na suot ang singsing. Naalala niya na naman ang laging abalang asawa.

       "Bakit parang malungkot ka?" usisa ni Celina. Umandar na ulit ang bus.

       "Ahm, w-wala. Wala naman. Naalala ko lang ang asawa ko. Pero makakasama ko naman siya bukas."

       Luminga-linga ulit ito. "Lahat ba kayo dito, mayaman?" biglang tanong nito.

       Napakurap siya. Hindi niya inaasahan ang tanong nito. "I-I guess so?"

       Tumango-tango ito at saka binalik ang tingin sa kanya. Nginitian siya nito. "Mahaba pa ang biyahe, ano?"

       "Apat na oras pa yata. O mahigit. Dapat twelve hours lang pero sobrang traffic kanina."

       Tumango ito. "Oo nga, eh. Kanina rin sa sinasakyan kong bus, hindi nausad masyado."

       "Anyway, matagal pa pala tayong magkakatabi. Ano palang gagawin mo sa Ifugao?"

       "May trabaho," simpleng sagot nito. "Kayo daw ay sa charity mission ang sadya?"

       "Oo."

       May inilabas itong cologne spray. Nag-spray ito ng pabango sa leeg. Ngunit nang malanghap iyon ni Agatha ay parang hindi naman pabango...

       Pasimple siyang umusod malapit sa bintana. "Nandoon din ba ang pamilya mo, Celina?"

       "Wala na akong pamilya, Agatha. Pagala-gala na lang ako ngayon. Kung saan may trabaho, pupunta doon. Kung saan may pera, basta mabuhay," biglang lumungkot ang tinig nito.

       "Palipat-lipat ka ba ng trabaho?"

       "Oo. College graduate naman ako pero hirap pala makakita ng trabaho, ano? Kaya kung ano na lang maialok, pinapatulan ko. Mahirap mabuhay ng walang pera. Buti kayong mga mayaman walang problema."

       "H-Hindi naman sa ganoon. May mga problems din. Naiintindihan kong mahirap kumilos ng walang pera, pero mas malaking problema na marami ka ngang pera pero hindi ka naman masaya. Hindi ka pa rin kuntento. And usually, it depresses us."

       Sinara nito ang bag. "Ganoon ba? Pero mas mahirap pa rin ang walang pera. Lagi kang gutom, lagi kang mag-iisip kung saan ka matutulog. Mahirap na, malungkot pa." Lumamlam ang mga mata nito.

       "Anong mga kaya mong gawin, Celina? You're so beautiful. You look like a doll. Maybe, I can ask my husband to give you a job in our hotel. Puwede ka sigurong chamber maid or receptionist. Kung marunong ka ng secretarial works, puwede kitang ipasok sa admin," bigla niyang alok rito.

       Hindi alam ni Agatha pero may kung anong pag-aalala ang bumangon sa dibdib niya para kay Celina. Baka kung ano-ano na ang ginawa nito para lang mabuhay. Mas mabuti siguro kung may stable job ito.

       "Nakakahiya! Baka pumalpak lang ako."

       Nayakap niya ang sarili nang makaramdam na parang mas lumamig ang aircon ng bus. "We're allowed to make some mistakes. It means we have something to improve on. We don't stop growing as a person."

       Nagsimulang umakyat ang bus sa bundok. The road was in zigzag. Sanay bumiyahe si Agatha pero ito ang unang beses na nahilo siya.

       "Agatha..."

       Napapikit siya at hindi magawang makatugon kay Celina. Naamoy niya na naman ang spray nito kanina... What is that?

       It made her dizzier. Hindi niya alam na nawalan siya ng malay.

       "Agatha!" sigaw ng isang tinig na nagpagising sa kanya.

       Naguluhan si Agatha nang makitang nakatayo si Celina sa harap ng bus, may hawak itong baril... at nakatutok iyon sa ulo ng bus driver!

       The bus is still moving. May tatlong lalaki rin ang nakatayo sa gitna. May mga hawak din na baril! Sino ang mga ito?! Saan galing ang mga ito?!

       The beautiful woman looked dangerous now. Nanlilisik ang mga mata nito.

       "Ilagay niyo lahat ng pera niyo sa bag!" pasigaw na utos nito. Walang magtatangkang tumawag ng pulis o ano, o pasasabugin ko bungo ng driver na 'to!"

       Nakarinig na si Agatha nang mga pag-iyak. Napansin niyang wala na ang sariling bag sa kanya.

       M-Magnanakaw si Celina?

       "Ano?! Bilisan niyo kung gusto niyo pang mabuhay. Kung walang aalma, mabubuhay kayo. Lahat, ilagay niyo sa bag! Pati mga cellphones niyo, alahas!"

       May nakita siyang itim na duffel bag na pinagpapasa-pasahan ng mga pasahero ng bus.

       "Agatha..." naiiyak na bulong ng isang volunteer na nakaupo na sa tabi niya. "B-Buti nagising ka na, nag-aalala kami dahil una niyang kinuha lahat ng importante mong gamit. Papaputukan ka rin niya ng baril kanina kung hindi lang namin napigilan," iyak nito. "Natatakot ako, Agatha... Parte d-daw sila ng sindikato. Iyong tatlong lalaki, nagpanggap silang volunteer kanina sa registration booth. Iyon pala magkakasabwat sila..."

       Dumapo ang matinding takot sa buong sistema ni Agatha. She heard bus robbery in the news, but she never experienced such thing.

       She grew up with all the protection and security she needed. This is her first time to experience this.

       Pinili niyang uminahon. Kung matataranta at matatakot din siya ay mawawalan siya ng presence of mind...

       Reeve... Nakagat niya ang ibabang labi. Bakit hindi na lang siya nanatili sa bahay at sumabay na lang kay Reeve kinabukasan?

       "C-Celina, please. Ibibigay namin lahat ng gusto niyo. Hindi kami magsusumbong. Just put the gun down," their head organizer negotiated.

       "Narinig ko na iyan! Pasensya na, trabaho lang. Tahimik niyo 'kong ibababa diyan sa tabi kapag tapos na niyong ilagay ang kailangan ko sa bag. Pagkatapos, walang magsusumbong. Kapag nalaman kong may nakatawag sa inyo ng pulis, babalikan ko kayo isa-isa."

       "Please, we're begging you. Just take all you want."

       "Gusto niyo ng sample sa mangyayari sa'tin dito? Hindi ako takot mamatay pero kayong mayayaman, alam kong hindi niyo kayang iwan mga pera niyo." Malakas na binatukan nito sa ulo ang driver gamit ang baril nito.

       The bus swerved, almost close to the cliff. Nagsigawan at lumakas lalo ang iyakan ng lahat bago muling umayos ang takbo ng bus.

       "Hoy! Bilisan mo pa magpatakbo. May ayaw pa magbigay ng gamit nila sa likod, o!" sigaw ng isang lalaki sa driver.

       Lumapit ang isa pang lalaki kay Celina. Ito ang pumalit sa pagtutok ng baril sa driver.

       Nanlaki ang mga mata ni Agatha nang lumapit sa kanya si Celina. "Akin na ang singsing mo, Agatha! Hindi ko nakuha kanina, epal 'tong mga kasama mo, eh."

       Napahawak siya sa singsing at napasiksik sa bintana.

       "Ayaw mo?" Celina's voice was sweet yet mocking. "Sige na, abot mo na. Mayaman naman siguro asawa mo, maibibili ka ng bago..."

       Umiling siya at nangilid ang luha sa mga mata. Napadasal siya sa isipan.

       Celina rolled her eyes. "Akala ko pa naman mabait ka. Akin na. Tiba-tiba ako diyan kapag nagkataon. Akin na!"

       Tinutukan siya nito ng baril. Napatili siya at nanginginig na tinanggal ang singsing.

       Sorry, Reeve... She promised her husband na hinding-hindi na huhubarin ang singsing nila pero...

       "C-Celina, you don't have to do this. Talikuran mo lang ang g-ganitong t-trabaho, tutulungan ka namin. Tutulungan kita. I'll give you a good job. You can still have a chance to change," aniya rito. Imbes na magalit sa babae, ay nakaramdam ng matinding awa si Agatha rito.

       What drive Celina to do this horrible job? Who hurt her? What happened that took away her light? Her hope? Her goodness?

       Napasigaw ang lahat ng magpaputok si Celina ng baril sa bintana. She crazily laughed.

       Bumagsak ang mga bubog kay Agatha. Nagpaputok pa ulit ito sa bintana hanggang sa tuluyang lumaki ang basag niyon.

       Kasalukuyang nasa matarik na daanan na ang bus.

       "Alam mo, dapat 'yong katulad mo, mamatay na lang. Sobrang bait mo kasi, nakakainis. Wala kang puwang sa mundong 'to na... oh, reality check, puro makasarili. Sa heaven ka na lang siguro. Talon!" Turo nito sa bintana.

       "C-Celina, gusto ko l-lang naman na tulungan ka."

       Mapait ang ngiti nito. "Sa mundong 'to, wala nang tulong na libre. Lahat may kapalit. Sa mundong 'to, unfair. Puro sakit. Iyang kabaitan mo, palabas lang 'yan. May iniingatan ka bang image? Hah! Hindi ako tanga, hoy! Pakukulong mo rin ako kapag nakaalis ka dito. Sige na talon na. Sa langit ka na lang, ano? Doon ka magsanta-santahan, tangina ka."

       Hindi gumalaw si Agatha. Nagtuluan ang luha sa mga mata niya. Hindi siya makapag-isip ng tama.

       "Tatalon ka at mamamatay o pasasabugin ko ang bungo ng driver at lahat tayo dito, rest in peace? Ano, ha? Ikaw o sila?" Ngumisi ito. Inilagay nito ang singsing niya sa bulsa ng bagpack nito.

       Muling nawala sa tamang takbo ang bus nang dagukan ng malakas ang ulo ng driver.

       Marahas siyang hinila patayo ni Celina. "Hindi ka talaga tatalon?!" Buong puwersa siya nitong itinulak sa basag na bintana.

       Nagsigawan ang mga tao at nagtangkang manlaban ang mga lalaki. Ngunit tinutukan ito ng mga baril at napaatras.

       Agatha cried for the people that are scared. She cried for her children. Kung tatalon siya ngayon at mamatay, paano na ang mga ito?

       Paano si Reeve?

       She was born full of optimism in the world. She didn't let negativity destroyed her inner peace. She didn't let her faith be swayed. All this time, she knew, she kept on believing that everything happens for a reason...

       Pero ngayon, positibo nga lang ba siyang tao dahil kahit kailan hindi siya nakaranas ng ganitong klase ng sitwasyon?

       Positibo nga lang ba siyang tao dahil lumaki at nanirahan siya sa mundong puno lang ng magagandang bagay?

       She was sheltered all her life and the problem she used to face and is facing is not like this. Never like this.

       Why didn't she experience this side of life before? Mulat siya sa ganito dahil sa mga balita. Ngunit, hindi pala sapat iyon... hindi sapat...

       Kung tatalon siya, may magandang rason pa rin kaya ang Diyos sa lahat ng ito?

       "Agatha, talon!" Celina commanded. "Kapag tumalon ka, itatapon namin 'tong mga baril para sure na wala kaming mapapatay dito. At maliligtas 'tong mga kasama mong hindi ka man lang mapagtanggol?"

       "Ano? Patalunin na lang natin si Agatha, hindi ba?" Humarap ito sa mga tao. "Sa mundong 'to, Agatha, selfish ang mga tao. Hindi nila ipagpapalit ang buhay nila para sa'yo. Hindi lang nila masabi pero gusto rin nilang tumalon ka na lang. Kita mo? Isa ka lang naman. Talon na lang."

       "C-Celina, please... I have children w-waiting for me..." hagulgol niya. "N-Nangako akong babalikan sila..."

       Gumilid ang bus mas malapit sa bangin.

       "Wala akong pake. Talon!"

       Napasigaw si Agatha nang itulak siya nito palabas ng bintana

       "Agatha!!!" sigaw ng mga tao nang tuluyan nang humagis palabas sa bintana ang katawan niya...

       Her body froze while she's falling. Nakita niya ang apat na baril na tinapon mula sa bintana.

       So, Celina kept her part of the bargain... Magiging ligtas ang mga tao sa bus... kapalit ng buhay niya...

       She closed her eyes.

       Father God, I'm sorry if my faith was shaken a little bit. I got scared. But still, You are the only one who can do great things, who yields purpose out of pain. Take care of my children Rainiel, Riana, Adam, and Rade....

       Lord God, help Reeve make time for the kids, guide him how to not give up in anything. To always look at the good side of life, not ignoring the bad ones, but yet keeping the hope that everything happened because You have a reason for it.

       And if I survive, Lord, make me remember how life is still good amidst tragedy. Lord, remind me of the people You used, so, I can feel all the love and happiness in this world. Don't make me forget that after the rain, comes a very beautiful rainbow—A hope. A second chance. A promise of life.

       Hindi alam ni Agatha kung kailan siya tumigil sa pagkakahulog. Wala nang maramdaman ang buo niyang katawan. Her head hit something very hard...

       When tragedy happens such as this, people used to view life as terrible, forgetting all the good stuff. They have no motivation to live anymore. Just one pain, people easily forget what God promised to each and everyone of them.

       No more joy in their hearts. Always emptiness.

       Because they view life as such. But Agatha believed otherwise... kahit pa ngayong posibleng katapusan na ng buhay niya.

       Life treats you on how you view it. If you see it as wonderful, it will be wonderful to you. If you always acknowledge it as terrible, it will only bounce back to you..

       Kung mabubuhay pa siya pagkatapos nito, pipiliin pa rin ni Agatha na maniwalang maganda ang buhay. That there's always a rainbow every after rain. That the sun rises to overcome the darkness of the night.

       May pagpapatawad. At may hustisyang kabayaran.

       The next thing she opened her eyes, she has no memories.

       What's her name? Who is she?

       "Itay! Gising na Inay!"

***

Present time...

LAGPAS dalawang araw nang walang malay ang kapatid ni Johann bagaman stable naman daw ang vital signs nito ayon sa mga doktor. Pero malaki ang kinalaman ng amnesia nito sa kawalan ng malay. Naghihintay pa siya ng resulta ng CT scan.

       Sa pagkaabala ni Johann sa pagbabantay na magising ang kapatid ay hindi niya na napansin ang text sa kanya ng sariling imbestigador na galing ng NBI pa.

       From: Mr. Matthew dela Merced

       Mr. Anderson, we completed the report about Daniel Ebreo. Sir, wala nang asawa si Ebreo. Selestine or Seline Ebreo died when she gave birth to their daughter.

       Nakita namin ang death certificate ni Seline. Nakumpirma din namin sa mga doktor niya na namatay siya dahil sa komplikasyon sa pagbubuntis. Premature ang bata nang ipinanganak. Walang maayos na libing si Seline dahil walang maipambayad si Daniel sa ospital. Naubos nang lahat sa panganganak. Because of that, Seline's body was sold to a medical school instead, para mapag-aralan na lang. Ang pinambayad ay naubos din para sa pagpapagamot sa kulang na buwan na sanggol.

       Tawagan niyo 'ko kung kailangan pang magdagdag ng security agents para magbantay buong gabi sa kapatid niyo habang nasa poder pa siya ni Ebreo.

***

NAPAMULAT ng mga mata si Agatha. Dahan-dahan siyang bumangon kahit nakaramdam pa rin ng pagkahilo. Pero, naaalala niya na...

       Kapatid niya si Johann! May mga pinsan siya. May apat siyang anak! Si Rainiel, Riana, Adam, at Rade!

       Isa siyang Anderson!

       "Agatha?"

       Kusang nagtuluan ang mga luha niya nang makita ang kapatid. "Kuya Johann..."

       Nanlaki ang mga mata nito. "N-Naalala mo n-na 'ko?"

       Tumango siya. Napayakap siya rito.

       "Salamat, Lord! Salamat!" bulalas nito at saka siya hinarap ulit. Nangingilid na ang luha sa mga mata nito. "Bumalik na ba ang alaala mo?"

       "H-Hindi ko pa alam kung lahat," umiiyak na sabi niya. "P-Pero naaalala ko na ang nangyari sa'kin. K-Kuya..." nanginig siya nang maalala ang pagkahulog niya sa bus. "K-Kuya, uwi na tayo... Uwi na tayo... H-Hinihintay na 'ko ng mga a-anak na 'ko."

       Agatha misses her kids so much.

       "Sweetheart?"

       Napakurap si Agatha. Lumayo sa kanya ang kapatid.

       A man was standing by the door. He's handsome... but his dark night eyes are crying, yet... he was also smiling.

       Tumakbo ito palapit sa kanya at niyakap siya nang mahigpit. Napangiwi siya sa sobrang higpit.

       "Uy, Reeve, dahan-dahan lang. Kagigising niya lang. Dalawang araw siyang walang malay—"

       "Agatha, thank God! You're alive... Y-You're alive! The kids will be happy!" iyak nito na puno nang kaligayan. Hindi pinansin si Johann.

       Sa gulat ni Agatha ay sinapo nito ang magkabila niyang pisngi at hinalikan siya sa mga labi.

       Nanlaki ang mga mata niya. Itinulak niya ito agad sa dibdib.

       "S-Sino ka?" naguguluhang tanong niya rito.

       Natigilan ito at diretsong tumayo. "I-I'm sorry... I forgot you have amnesia. I'm Reeve, your husband. But don't worry, sweetheart..." Lumuluha pa rin ito ngunit nakangiti. "I'm here already. I'm taking you home."

       Nagtatakang nakatingin sa kanya si Johann. Hindi ito nagsasalita ngunit tila alam niya ang iniisip nito.

       Naalala niya na kung sino siya, ang kapatid, ang mga pinsan, ang mga anak...

       Kung may mga anak siya, dapat may asawa niya. Alam niya iyon.

       Pero bakit...

       Bakit wala si Reeve sa mga alaala niyang nagbalik?

***

Follow my official FB Pages:

FGirlWriter and C.D. De Guzman

~~~

Join our family!

FB Group: CDisciples

Twitter: CDisciplesHome

Continue Reading

You'll Also Like

3.1M 82K 33
Matthew Mark dela Merced, an indomitable NBI agent na takot lang sa isang bagay--ang umasa na naman sa pagmamahal na kahit kailan hindi siya nagawang...
845K 29.2K 73
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
3.2M 88.2K 21
Ang fangirl na si Pamela, paanong makikipag-agawan ng lupa sa car racer idol niyang si River Avilla? Ipaglalaban niya ba ang karapatan ng pamilya nil...
138K 3.3K 54
What will you do if you end up in someone else body?