Class Zero

By Penguin20

7.2M 432K 181K

Isa ang Merton Academy sa mga kilalang paaralan sa buong Pilipinas. Karamihan sa mga nag-aaral dito ay mga ka... More

Class Zero
Teaser
Chapter 1: Prominent School
Chapter 2: Exam Result
Chapter 3: Different Treatment
Chapter 4: Class Zero
Chapter 6: Real mission
Chapter 7: Physical training
Chapter 8: Awakening power
Chapter 9: Against Lawbreakers
Chapter 10: Leaving class zero
Chapter 11: Back to sense
Chapter 12: Back in Class Zero
Chapter 13: First Mission
Chapter 14: Investigating
Chapter 15: Pochi Monster
Chapter 16: Missing Post
Chapter 17: Lockup
Chapter 18: Against Lawbreakers
Chapter 19: Urgent Meeting
Chapter 20: Affected by her Death
Chapter 21: Warning
Chapter 22: Foundation Week
Chapter 23: Winning without cheating
Chapter 24: Change of Plan
Chapter 25: Seven Versus Ace
Chapter 26: Suspended
Chapter 27: Brilliant Plan
Chapter 28: Scouting the Place
Chapter 29: Class Zero VS. Lupin
Chapter 30: Seize the day
Chapter 31: Review
Chapter 32: Phoenix Necklace
Chapter 33: Forgotten
Chapter 34: Aftermath
Chapter 35: Getting better
Chapter 36: The twelve members
Chapter 37: The party
Chapter 38: Servant of Fire
Chapter 39: Servant of Elements
Chapter 40: Mission done
Chapter 41: Zero base
Special: Girly Tapang
Chapter 42: The alliance
Chapter 43: Let's compact!
Chapter 44: Seven's Mission
Chapter 45: The search
Chapter 46: Class Zero Vs. Hanzo
Chapter 47: Enemy in good term
Chapter 48: Saying the truth
Chapter 49: Knowing Vincent
Chapter 50: Servant of Illusion and Dreams
Chapter 51: Jamie Vs. Evan
Chapter 52: Revenge
Chapter 53: Compact
Chapter 54: Zero equals family
Chapter 55: Shaken Trust
Chapter 56: A New Mission
Chapter 57: The Teacher's Love
Chapter 58: Pressure of Leader
Chapter 59: Guarding her
Chapter 60: Dressing Up
Chapter 61: Leaders plan
Chapter 62: The Blind and The Steel
Chapter 63: Accepting Defeat
Chapter 64: The Greatest Enemy
Chapter 65: Final Exam
Chapter 66: Fun and Terror
Chapter 67: Part of the Society
Chapter 68: Let's Go Training!
Chapter 69: Clash of Leaders
Chapter 70: Decision He Made
Chapter 71: Train hard
Chapter 72: Progress
Chapter 73: Girls Bonding
Chapter 74: Sudden Energy
Chapter 75: Must Protect
Chapter 76: Unexpected Power
Chapter 77: Unforeseen Betrayal
Chapter 78: Class Magnus
Chapter 79: Royal Blood
Chapter 80: New Semester, New Chance
Chapter 81: New Challenge
Chapter 82: The Competition
Chapter 83: Dodgeball
Chapter 84: Merton VS. Sahandra
Chapter 85: The Good Effect
Chapter 86: Pavilion Date
Special Chapter: Preparation
Chapter 87: The Young Glitches
Chapter 88: Never Abandon
Chapter 89: Her Reason
Chapter 90: The Final Play
Chapter 91: Tears with Pain
Chapter 92: Out of Control
Chapter 93: Monsters
Chapter 94: Mole in the Dark
Chapter 95: His Escape
Chapter 96: Give and Take
Chapter 97: A day before War
Chapter 98: Start of War
Chapter 99: Kiryu Versus Hugo
Chapter 100: Fight until the End
Chapter 101: Preventing the Worst
Chapter 102: We are Class Zero
Epilogue
Last Note
Special Chapter: Black and White
Class Zero Book version!
Class Zero Book Details
BOOK SIGNING (MIBF 2022)
BOOK SIGNING (Grand Fans Day)
Manila International Book Fair 2023

Chapter 5: Strange Encounter

119K 5.7K 620
By Penguin20

PAGKAPASOK ko sa dorm room ko, hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko. I mean, yeah, dati nangangarap ako na maging isang wizard o kaya naman ay magkaroon ng special power. But as I grew up, hindi na rin ako naniniwala sa magic.

"Para ba sa mga Harry Potter fans ang klaseng iyon?" tanong ko sa akin sarili. Pilit kong pinapaniwala ang aking sarili na hindi totoo ang mga nasaksihan ko kanina o kaya naman ay narinig. Pero yung pagpapalit ng kulay ng mata ni sir Joseph... iyon ang pinanghahawakan ko na parang totoo ang lahat.

"Class you're all not an ordinary students, hindi lang kayo basta-bastang matatalinong tao. May kakaibang kakayahan din kayo, kakayahan na maaari ninyong gamitin upang puksain ang mga lawbreaker." Paliwanag sa amin ni sir Joseph. Halos lahat sa amin ay hindi naniniwala sa kanyang mga sinasabi. I mean, hindi na kami bata para maniwala pa sa magic.

Mabilis lang natapos ang klase kanina dahil orientation pa lang ang naganap kanina. Pero yung shookt ko, aabot yata hanggang next week.

Gabi na, malalim na ang gabi. Hirap talaga ako makatulog kung kaya't naisipan kong dumaan muna sa malapit na convenience store mula sa Merton Academy. Kumuha ako ng instant noodles at pinainit na mismo sa may staff sa convenience store.

Habang kumakain ako ng noodles ay may biglang tumabi sa akin. Isang babae na may maputing balat at malaki ang bilugang mata nito, may kulay din ang buhok nito ngunit bumagay naman ito sa kanya. "Can't sleep?" Tanong niya sa akin.

Napakunot ako ng noo dahil hindi ko naman siya kilala pero kung tanungin niya ako ay akala mo bestfriend kami for 5 years. "Hindi mo ako naaalala? I am Mild. Classmate mo ako sa Class Zero." Sabi niya sa akin.

Mahina talaga ako sa pagtanda ng mga mukha, si Kiran at Kiryu lang ang natandaan ko kanina.

Bumuntong hininga ako. "Hindi ako makatulog dahil na rin sa mga nakita ko kanina." Pag-amin ko sa kanya, nasa parehas lang naman kaming sitwasyon kung kaya't siguro naman ay okay lang na sabihin sa kanya ang bagay na iyon.

"Same, hindi rin ako makatulog. Nagulat din ako sa mga nakita ko kanina," sabi niya sa akin, binuksan niya ang potato chips na kanyang binili at inalok niya ako. Tumanggi naman ako sa kanya. "Pero hindi ko alam kung nararamdaman mo rin 'to. May part sa akin na naniniwala sa sinabi ni sir Joseph." Sabi niya sa akin.

Somehow, totoo ang kanyang sinabi. Alam kong parang ang layo sa katotohanan ng mga sinabi ni sir Joseph sa amin. Pero mayroong parte sa akin na naniniwala sa kanyang sinabi.

Naalala ko na hindi ko pa nai-introduce ang sarili ko sa kanya. "A-ah ako nga pala si—"

"You're Jamie from college of Science." Sabi niya sa akin. "Bago pa man magsimula ang pasukan ay nag-research na ako tungkol sa mga kabilang sa special class na ito." Dugtong niya pa.

"Honestly, you're creeping me out." Pag-amin ko na ikinatawa niya.

Sabay kaming kumain at naging maayos naman ang flow ng conversation naming, although, pansin ko na parang masyadong seryoso itong si Mild at ang misteryoso ng dating niya para sa akin.

I checked the clock. 11:58pm na pala nang gabi, kailangan ko pang gumising bukas nang maaga para sa morning class ko. "Hindi ka pa ba babalik ng dorm?" Pagtatanong ko kay Mild. Kinuha niya ang balat ng chichirya niya at tinapon sa trashcan.

Magkasabay kaming lumabas ng silid. Pagkalabas naming ng convenience store ay biglang huminto ang lahat ng tao sa paligid. Hindi ko alam ang nangyayari pero pagtingin ko sa loob ng convenience store ay nakatigil ang lahat sa kanilang ginagawa.

"A-Anong nangyayari?" Tanong ko kay Mild at maging siya ay kinakabahan sa mga nangyayari sa paligid. Maging siya ay naguguluhan, I checked the clock, 12:02AM.

Isang malakas na pagsabog ang aming narinig at napayuko kaming dalawa. Ilang Segundo lamang ay isang makapal na usok ang unti-unting bumalot sa paligid. May terrorist attack ba!? "Kailangan nating bumalik sa school, mas ligtas doon." Sabi sa akin ni Mild at hinawakan niya ang aking kamay at tumakbo kaming dalawa.

Hindi ko alam kung bakit kaming dalawa lang ang taong nakakagalaw sa oras na ito, hindi ko rin alam kung may sira ba itong wristwatch ko dahil huminto ang pagtakbo ng oras nito.

Isa muling pagsabog ang aming narinig at napaupo ako sa sahig dahil sa mga pagyanig. "Are you okay?" Tanong sa akin ni Mild at tinulungan niya pa rin akong makatayo. Dapat pala nanatili na lang ako sa dorm room. Hindi ligtas ang gumala-gala nang gabi sa lugar na ito.

Akmang tatakbo na ulit kaming dalawa ngunit isang lalaki ang naglalakad patungo sa aming direksyon. Ang braso niya ay parang katulad sa isang mabangis na halimaw. Malalaki ang kuko nito at para itong may kaliskis ng isang ahas.

"Bakit may taong nakakagalaw ng ganitong oras?" narinig kong sambit ng lalaki habang patuloy na naglalakad. "Class Zero?"

"Let's get out of here." Sabi ni Mild at pumasok kami sa isang makipot na daan sa pagitan ng dalawang mataas na building. "Huwag kang lalampa-lampa ngayon, Jamie, nakita mo naman na hindi normal ang lalaking iyon. He will kill us once na maabutan niya tayo." Babala sa akin ni Mild.

Takbo lang kami nang takbo na dalawa. "Sige lang! Tumakbo kayo, paniguradong maaabutan ko rin kayo." Malakas muling pagsabog ang narinig naming dalawa. Nanginginig na ang tuhod ko dahil sa takot pero hindi ako pwedeng huminto sa pagtakbo.

Tagaktak na ang pawis naming dalawa. Pagkaliko naming sa isang pasilyo ay isang mataas na pader lang ang sumalubong sa amin. "Dead end." Sabi ni Mild sa akin.

Akmang tatakbo kami pabalik ngunit pagkalingon namin ay nasa likod na naming ang lalaki. Kumikislap ang mata nito at iginalaw-galaw niya ang kanyang malaking braso. "Pagod na ba kayo sa pakikipaglaro? Oras na para harapin ninyo ang inyong katapusan." Sabi niya.

"W-Who are you?" tanong ni Mild. Hindi ko alam kung saan siya humuhugot ng lakas ng loob at nagawa niya pang tanungin ang taong papaslang sa amin.

"Mahalaga pa ba ang bagay na iyon?" sabi nung lalaki, kinalmot niya ang poste ng kuryente na nasa gilid at nahati ito na para bang papel na pinunit. Bumagsak ang poste at napapikit kaming dalawa ni Mild. "Kayo ang dapat kong tanungin kung sino kayo at bakit kayo nakakagalaw sa devil hours?" Pagbabalik na tanong nito sa amin.

Naglalakad na ito tungo sa aming direksyon ng biglang may lalaking sumipa sa kanya mula sa likod—si sir Joseph. "Wala kang karapatang saktan ang mga estudyante ko." Sabi ni sir Joseph at inapakan niya ang mukha nung lalaki.

Hindi ko alam kung anong nangyayari pero nababalot ako nang takot sa mga oras na ito. Si Mild? I don't know, parang ang kalmado niya lang sa sitwasyong ito. We're in the life and death situation, the heck!

Kinalmot nung lalaki si sir Joseph ngunit mabilis na nakaiwas si sir. May apoy na liwanag ang nagmula sa kanyang kamay at pagkawala nung liwanag ay may hawak ng isang sibat si sir.

Inaatake siya nung lalaki at sinasangga niya ito. Nagkakasira-sira na ang mga pader at mga parte ng building dahil sa kanilang paglalaban. "What's happening?" tanong ko.

"Hindi ko rin alam, simula noong pumasok tayo sa Merton Academy ay marami na tayong naranasan na hindi normal. Isipin mo, Jamie," Tumingin sa akin si Mild. "Baka ito ay isang proof o patunay sa mga ipinaliwanag sa atin ni sir kanina. We're not normals."

Isang malakas na sigaw ang aming narinig at napatingin kaming dalawa kanila sir. Nakasaksak ang dulo ng sibat sa lalaki at tumutulo ang masaganang dugo mula sa katawan nito. "S-Sir Joseph... pinatay ni sir ang lalaki." Sabi ko at napaupo ako sa sahig.

Naglaho ang lalaki na para bang naging isang abo ang katawan nito.

"Ayos lang ba kayo?" tanong sa amin ni sir at naglakad tungo sa aming direksyon, nagtago ako sa likod ni Mild dahil sa takot nab aka patayin din kami ni sir. "Don't worry, wala akong gagawing masama sa inyo lalo na't estudyante ko kayo. Kailangan ninyo nang bumalik sa dorm ninyo."

Sir Joseph snapped his fingers. Unti-unting bumalik sa ayos ang mga nasirang building o mga poste at muli kong narinig ang maingay na sasakyan sa siyudad at maging ang tahol ng mga aso. Napatingin ako sa wristwatch ko at muli nang umandar ang orasan.

Naglakad si sir at sumunod kami sa kanya, wala na ring bakas ng dugo sa suot niyang uniporme. "S-Siranong nangyari? kani-kanina lang?" Pagtatanong ko.

"Lawbreaker ang tawag sa taong iyon, they are the one who is responsible in killing innocent people para magkaroon sila ng lakas. Hindi ninyo man alam ngunit may kakayahan tayo o kaya naman ang mga lawbreaker na patigilin ang oras o mas tinatawag namin bilang 'devil hour.' Naniniwala ako na may mas malalaking tao pa ang nasa likod ng mga lawbreaker na kailangan mawala sa mundong ito upang mabalik ang katahimikan sa mundo natin." Patuloy na nagpapaliwanag si sir sa amin habang naglalakad kami pabalik sa room.

Naihatid niya na kami sa girl's dorm. "Ngayon, naniniwala na kayo na hindi kayo normal? Humihinto ang mga pangkaraniwang tao kapag devil hour, pero kayong dalawa, nagawa ninyo pa ring gumalaw." Sabi ni sir sa amin.

"Sir, ito ba ang dahilan kung bakit kami nasa Class Zero? Para tulungan kaming mailabas ang kakayahan namin at pumuksa ng mga lawbreakers?" Tanong ni Mild kay sir.

"It's not about killing. Dahil sooner or later ay lalabas naman na talaga ang mga kakayahan ninyo, tutulungan ko lang kayong kontrolin ito. Kapag hindi ninyo kasi ito nakontrol ay ito ang kokontrol sa inyon katawan, at magiging isa kayong lawbreaker katulad nung lalaki kanina," paliwanag ni sir sa amin. "Masyadong malalim na ang gabi, matulog na kayong dalawa."

Umalis na si sir at pumasok na kaming dalawa ni Mild sa dorm, pumasok na siya sa room niya at pumasok na rin ako sa room ko. Ang weird! Napakaraming bagay ang nangyari sa unang araw ko rito sa Merton Academy.

Pakiramdam ko dito, dito na magbabago ang takbo ng normal kong buhay.

Continue Reading

You'll Also Like

5.9M 173K 54
White Academy Sa paaralang ito nag-aaral ang mga hindi ordinaryong tao dahil meron silang natatanging kapangyarihan. At tanging Whitenians lamang ang...
1K 146 44
Jhazrell is a normal girl, that's what she thinks. When she was a child her mother gave her a necklace that can protect her from seeing strange thing...
Takipsilim By 💿citzh

Historical Fiction

317 52 20
(UNEDITED) La Manera Series#1 Chrysantha has been weirded to herself when she always caught herself waking up with tears. It all started when she h...
742K 64.7K 68
To discover the secrets of her silver lifestone and fight against demons, Eris Gromov, a demigod, must do everything to save her newfound family--eve...