To Let Go (SSB#3A)

By Bhugsxx

70.2K 2.1K 329

Sandoval Series: BOOK 1 It's hard to give up when you can still fight. Lalo na kung alam mong may hawak kang... More

To Let Go
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chpater 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Book 2

Chapter 17

1.2K 40 2
By Bhugsxx

Chapter 17

I thought everything was just inside my head. Na baka nakatulog lang ako ng mahaba haba at ang mga nangyari ay parte lang ng panaginip ko. But... it's not.

Hindi panaginip...

He changed...

"Akalain mo may nagawa pala iyong pagiging nosy mo minsan."

Tiningnan ko si Thalia na kasalukuyang tumitingin sa mga boutique na nadadaanan namin.

"Masaya ako na hindi sila naghiwalay." Sabi ko na lang. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung makakasira ako ng relasyon lalo't ganun katagal.

Napayuko ako at palihim na napangiti.

I really admire, Rina. Kasi kung ibang babae 'yon, for sure mag-gigive way sila. Some might even hurt me kung ibang babae 'yon. But Rina, she knows how to understand things. Ni hindi niya ako nagawang paghimlayan ni isang daliri sa galit. I can see why he fell in love so deep with Rina because she's different. She's different from the rest of us, women.

"Oh!"

"Bakit?" tanong ko nang ituro niya ang isang chocolate house na nilagpasan namin.

"Tara pasok tayo? Opening nila ngayon."

Ang daming tao sa loob at mukhang mayayaman. Nakakahiyang makipagsiksikan kung sakali pero nakakatakam iyong mga tsokolate. They look so shiny and delicious. Binasa ko iyong labi ko nang mapansin ko ang pag-irap ni Thalia.

"Halika na!" Sabi niya at hinatak ako papasok.

Napahinto kami sa hamba ng pinto nang pagbuksan kami ng guard na nagbabantay.

"Oh gosh!"

"Ang sarap ng amoy." Dagdag ko.

We greeted back the guard at nagsimulang tumingin-tingin sa chocolate na nakadisplay. Napatulala ako nang makita ang presyo.

Kasing laki lang ng palad ko ang lalagyan ng chocolate pero ganun na ang presyo? Kulang isang libo?

Napalingon ako sa mga taong narito sa loob. Lahat sila'y may hawak na apat o limang paper bag na may iba't-ibang klase ng tsokolate. At lahat sila mukha talagang sobrang yaman.

"Ang mahal..." untag ko at inalis ang kamay sa mwebles na pinaglalagyan ng mga tsokolate.

"Worth it naman siguro... hayaan mo na." Sagot nito at tinuro sa nagbabantay ang tila berdeng dyamante na tsokolate. "Can I try it?"

"Sure, Ma'am. Here." Ani nang babae at tumusok ng chocolate na nakaseperate para sa mga free taste. I think I can live with free taste alone.

Kumagat si Thalia. Nagulat ako nang bigla niyang isubo sa akin iyon. Parehas kaming nagtataasan ng kilay at sabay na napalunok.

"Ito po ang ika-apat na mabili. If you want you can try our best seller." Dagdag ng babae.

"Ika-apat?" sabay naming sagot ni Thalia.

"Omo?" natawa ako sa reaksyon ni Thalia. Napailing na lang ako at nagpatuloy kami sa pangfrifree taste ng iba pa.

"Alis na tayo pag natikman na natin lahat. Balik tayo ulit bukas para sa free taste." Bulong ko. Parehas kaming natawa hanggang sa ituro ni Thalia ang Black pearl na nasa harapan namin.

"Two please."

"Ako iyong Sweet crystal at isang Ruby." Turo ko.

"Akala ko ba Black pearl ang gusto mo?"

Tumango ako. "May pagbibigyan ako." Sagot ko. Hindi ko na pinansin iyong tingin niya at lumabas na pagkatapos naming magbayad.

Naglalakad kami papunta sa sasakyan niya nang magtanong 'to.

"Kanino?"

Ngumuso ako, "basta." Ngiting sagot ko at pumasok na sa passenger's seat.

"Siguraduhin mong ibibigay mo 'yan sa iba. Baka magkadiabetes ka niyan kung sasanayin mo ang sarili mo sa chocolate." Paalala niya. "O,"

Napangiti ako ng tanggapin ko iyong Black pearl. Tahimik kami hanggang sa nakarating na kami sa harap ng bahay nila Vincrist. I wave at her until the car disappeared.

Bumati ako sa mga katulong at umakyat na nang mapansin kong pumasok si Kayexa sa loob ng kwarto ni Vincrist. I looked at the chocolates I bought and then smiled.

She's been good to me. Sana magustuhan niya.

Binaba ko muna iyong mga gamit ko sa kwarto bago binitbit ang isang paper bag.

I knocked.

"Pasok!"

Dahan-dahan ko iyong binuksan at nakitang may iniiscroll ito sa computer.

"O? Hi!" bati niya.

"Hi."

"Pasok ka." Anyaya niya kaya pumasok na ako.

I smiled, "ibibigay ko lang sana sa'yo 'to..." pauna ko at iniabot sa kanya ang pakay ko. "Thanks for being nice to me."

"Salamat," sagot niya. Even if she smiled hindi pa rin ako makontento. Something was hiding behind her eyes. Iyong tipong ngumingiti siya pero malungkot ang mata niya.

"Hi-hindi mo ba nagustuhan?" natatarantang tanong ko. Mabilis siyang umiling at tipid na ngumiti sa akin.

"I just... remember someone... with this. Thanks by the way." Mula sa malungkot na ngiti ay nakitaan ko ito ng pagbabago kahit papaano. I want to ask more pero nakakahiya. Hindi rin naman kasi kami ganun kaclose.

"You can sit wherever you're comfortable."

Ngumiti ako at napiling sa kama umupo. Binalik ko ang tingin sa kanya at nakitang bumalik ito sa pagiiscroll.

"Busy ka?" tanong ko.

"Hindi naman. May pinapasend lang na design si kuya kaya naghahanap ako rito."

Hinalughod ng mata ko ang bawat parte ng kwarto hanggang sa bumagsak ang kamay ko sa paghaplos ng unan. It's so soft. I hugged it. I even smelled it. Gosh! Ang bango.

Araw-araw ba siyang nagpapalit ng punda? Wala man lang akong maamoy na iba kung hindi purong bango. Walang kahit kaunting pawis o ano man.

I smelled it again. And again.

Until I found myself half lying on the bed. Ang paa ko'y nakakababa sa sahig.

"I just get some juice."

Rinig ko ang boses ni Kayexa kaya napadilat ako. Hinagilap ng mata ko ang kinaroroonan niya nang madatnan ko si Vincrist sa may sofa at tutok na tutok sa kanyang laptop. Siguro kakauwi niya lang. Hindi pa siya nagpapalit.

Teka... ba't siya andito sa kwarto? Kwarto...

Mabilis akong umayos ng upo at binaba ang paa sa kama. Napansin niya ata kaya napatigil siya sa ginagawa at tumingin sa akin.

"I-Im sorry. Na-nakatulog ako. Hi-hindi ko sinasadya." I explained. He just raised his brows and smiled.

Mabilis akong tumayo mula sa kama. "I'm sorry." I apologized again. "I was just smelling your pillow and then--" I stopped when I saw his face, na tila nawiwirduhan sa sinasabi ko. "I am truly sorry..." I whispered.

"It's fine. You must be tired." Aniya at tumayo para makalapit ng ilang hakbang sa akin. "Yex explained. How's your day?"

Naninibago pa rin ako pero nagawa ko pa ring sumagot ng maayos kahit papaano. "A-ayos lang."

"Good." Sagot niya at pinasok ang kamay sa dalawa niyang bulsa. "May nakahanda ng pagkain sa baba. You better take your dinner."

"O-okay..." sagot ko bago nagsimulang maglakad. Muntik na akong tumakbo kung hindi ko lang naisip na magmumukha akong ewan e.

Pagkalabas ko'y binuga ko lahat ng hangin na nastuck sa baga ko. I even held my chest. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Ang stupida ko. Doon pa talaga ako nakatulog. Nakakahiya sa kanya. Ah!

Tahimik kong nilakad ang kwarto at tila nanibago ako sa amoy pagkapasok ko. Dumako ang tingin ko sa chocolate. Pati 'yon nakalimutan kong iref. Hindi kaya tunaw na 'yon?

I pick up the Ruby. I should give him this. Pasasalamat ko na rin kasi gumanda na iyong pakikitungo niya. I don't know until when pero kahit iyong pagiging mabait niya lang sa akin ngayon ay masuklian ko naman.

Lumabas ako ng kwarto at tinungo ang kusina dala-dala ang tsokolate.

Nang makita ko itong nakaupo sa pinakagitnang dulo ay mabilis kong tinago ang paper bag sa likod ko.

Hindi ba ayaw ng mga lalake sa chocolates? Hindi kaya tanggihan niya 'to? Pero sayang naman...

"Ayos ka lang?"

Napatalon ako sa gulat nang makita na ito sa harap ko.

"A-ayos lang!" mabilis akong umatras at iniabot sa kanya ang regalo ko. Bahala na.

"Pathank you ko... kasi nagmumukha ka ng anghel ngayon. Hindi ka na monster." Sabi ko at kinuha ang kamay nito para pilitin siyang kunin iyon.

"Hey! I have my reasons!" aniya sa likod ko. Napangiti ako at kumuha na ng pagkain.

"Okay... sabi mo e!"

Nilingon ko iyong mga nakangiting katulong at kinindatan sila.

Mabilis akong naglakad papuntang mesa at nakamasid lang sa pagkain.

Susubo na sana ako ng ibagsak nito ang sarili sa upuan at masamang nakatingin sa akin. Mabilis kong binaba ang tinidor at lumunok.

"I-I was just kidding."

Mula sa matalim na tingin ay napalitan iyon ng pagkawala ng mata niya gawa ng pagngiti. Bumagsak ang balikat ko. Akala ko galit na naman siya... pinakaba niya ako.

"Did I scare you?" tanong niya bago uminom ng juice.

"You keep scaring me... nothing's new." I answered back hanggang sa sabay kaming napatawa.

"Really, huh?" tanong niya.

Continue Reading

You'll Also Like

98.6K 1.9K 52
Also available in Dreame. Do you believe in fate? Would you rather believe in fate than to work for it and make it happen? Officialwhosthatgirl 2014...
71.8K 2K 40
Everyone thinks that they are such a perfect couple. But what if they come to a point that love is all they have? Will they fight for each other or l...
79.3K 2.4K 44
"Why would He bring these two people together, make them fall in love, open up to to one another, make them feel like they were meant to be together...
80.5K 1.3K 47
They were madly in love with each other that the moment things didn't go to what they have expected them to be, they were deeply broken and was unabl...