Until I'm Over You (Published...

By JoeBeniza

1.3M 36.3K 8.6K

(Story Completed) How do you get over with someone who meant the world to you when she was gone so suddenly... More

PROLOGUE
CHAPTER 1: Airport
CHAPTER 2: The Past part 1
CHAPTER 3: The Past part 2
CHAPTER 4: The Past part 3
CHAPTER 5: The Past part 4
CHAPTER 6: The Past part 5
CHAPTER 7: The Past part 6
CHAPTER 8: The New Taxi Driver
CHAPTER 9: The Annoying Girl
CHAPTER 10: Unfortunate Kier
CHAPTER 11: Her boyfriend?
CHAPTER 12: Troublemaker
CHAPTER 13: From Dragon to an Idol
CHAPTER 14: The Broken Dragon
CHAPTER 15: Evil Phone
CHAPTER 16: Valerie's Past part 1
CHAPTER 17: Valerie's Past part 2
CHAPTER 18: Valerie's Past part 3
CHAPTER 19: Valerie's Past part 4
CHAPTER 20: The Handkerchief
CHAPTER 21: Love ones
CHAPTER 22: A Series of Awkwardness
CHAPTER 23: Those who were forgotten
CHAPTER 24: Kiss of the Dragon
CHAPTER 25: Jana's Journal part 1
CHAPTER 26: Jana's Journal part 2
CHAPTER 27: Jana's Journal part 3
CHAPTER 28: Us Apart
CHAPTER 29: Losing Hope
CHAPTER 30: To a new start
CHAPTER 32: The Secretary
CHAPTER 33: Realization
CHAPTER 34: Return of a friend
CHAPTER 35: Debut
CHAPTER 36: The Real Reason
CHAPTER 37: No Escape
CHAPTER 38: Revenge
CHAPTER 39: Dragon Soup
CHAPTER 40: Soup Battle
CHAPTER 41: Good Times
CHAPTER 42: Jana's Face
CHAPTER 43: In Love
CHAPTER 44: Drown from the Past
CHAPTER 45: Wrong Expecations
CHAPTER 46: In Someone Else's Arms
CHAPTER 47: Break Even
CHAPTER 48: Playful Fate
CHAPTER 49: Dragons VS Puppies part 1
CHAPTER 50: Dragons VS Puppies part 2
CHAPTER 51: Letting go
Epilogue
Credits
Special Chapter: Taming Dragon Mommy
Published Book

CHAPTER 31: The Strong Woman

7.1K 178 10
By JoeBeniza

Maayos at formal ang itsura ng babae. Mukha siyang office girl. Naka-make up, naka-white blazers, at skirt siya. Cute siya na mukhang masiyahin pa yata kundi lang sa mukha siyang nahihiya na humarap sa akin ngayon.

Nilapitan ko siya at nginitian. Inalok ko rin na makipagkamay sa kanya, "Hi! I'm attorney Kier de Leon."

"Uhm... H-Hello po Attorney," nakipagkamay naman siya ngunit agad niyang iniwas ang tingin niya sa akin.

Hindi ko na lang iyon pinansin at niyaya ko silang maupo sa mga upuan na nasa harap ng desk ko, "Tara po. Pag-usapan natin kung ano ang maitutulong ko sa inyo."

Tumalikod ako sa kanila at lumakad papunta sa desk ko. Pero narinig ko'ng bumulong ang babae na tila nagmamaka-awa sa nanay niya.

"Ma, ano ba? Tara na. Nakakahiya. Umalis na tayo dito."

"Tumigil ka nga diyan, babae ka! Ginawa-gawa mo 'yan tapos ngayon mahihiya ka?!" Dinig ko'ng sagot ng nanay. Lakas ba naman ng boses e. Mukhang pinapahiya niya pa tuloy lalo ang anak niya.

Nang makaupo ako sa likod ng desk ko, umupo na rin silang mag-ina sa dalawang magkaharap na upuan sa harap nito. Nakayuko lamang ang babae at ang nanay naman niya ay pinatong pa ang braso sa desk ko.

"Attorney, ito po ang problema. Ito kasing anak ko, dalawang buwan ng buntis. Tapos, itong magaling na lalaki ayaw siyang panagutan! Tumakas na at umuwi na raw ng probinsya! Aba! Ano siya sinuswerte?! Gusto naming kasuhan para magbigay ng sustento! "

Dama ko ang galit ng nanay ng babae. Sa lakas ng boses niya parang sa akin pa yata siya galit. Grabe 'to. Mala-Godzilla.

"Kung walang maibibigay na sustento, dapat makulong siya! Kasuhan natin ng rape, attorney!" Dagdag pa ng ale.

"Teka lang po, misis. Huminahon po kayo. Pag-iisipan po nating mabuti ang pwedeng ikaso sa kanya. Kasi hindi po tayo pwedeng magsampa ng kaso na hindi naman ginawa ng tao. Unless..." Bumaling ako sa babae saka ko itinuloy ang sinasabi ko, "...na-rape ka ba talaga?"

Nakayukong umiling ang babae. Hindi pa rin siya makatingin sa akin. Hinawakan niya sa braso ang nanay niya at nagmakaawa siya, "Ma, tama na 'tong iskandalong ito. Umalis na lang tayo. Ayoko na ng gulo."

"Tumigil ka diyan ha! Baka gusto mo'ng kalbuhin kita?! Punyemas ka! Lalandi landi ka! Nakita mo'ng hirap na hirap tayo sa buhay. Hindi ka pa nga nakakatulong sa amin, may idadagdag ka pa'ng palalamunin!" 

Bakas sa mukha ng babae ang hiya mula sa inaasta ng nanay niya. Dinig ko ang mga bulong niya sa nanay niya para ito'y tumigil na.

"Ma, ano ba? Nakakahiya o. Makipag-usap ka naman nang maayos."

Pumiglas sa pagkakahawak ng babae ang nanay niya. "Hinde! Mabuti ng alam ni Attorney na hikahos tayo sa buhay at kung gaano kasakit sa akin 'yang pagkakamali mo! Maling mali 'yang magiging anak mo!"

Naiyak ang babae sa sinabi ng nanay niya kaya't pinili ko'ng tumahimik na lamang.

"Ma tumigil ka na, please! Oo nagkamali ako pero h'wag mo naman sabihing pagkakamali ang inagbubuntis ko. Nagkamali ako sa napiling lalaki pero hindi pagkakamali ang magiging baby ko. Tinadhana siya sa akin at bubuhayin ko siya kahit mag-isa lang ako!" Tila hindi na napigilan ng babae ang damdamin niya. Agad siyang tumayo at nag-walk out palabas ng opisina ko matapos niyang sagutin ang nanay niya.

"Saan ka pupunta?! Bumalik ka rito!" Agad siyang hinabol ng nanay niya sa labas ng opisina ko.

I was left stunned to what happened. That's too much of a scene for my first ever client sa sarili ko'ng law office. But come to think of it, naiinis ako sa lalaking naka-buntis sa kanya. Tumakas na lang dahil takot sa responsibilidad. May mga tao talagang walang kwenta.

Hinintay ko'ng bumalik ang mag-ina pero ilang minuto ang lumipas wala sila. Ilang saglit pa, may panibagong client na dumating. Isang matandang lalaki na humihingi ng tulong para sa insurance niya na ayaw ibigay sa kanya. Ibinigay niya sa akin ang lahat ng detalye at impormasyon na makakatulong sa kaso. Tinanggap ko ang kaso na gusto niyang isampa sa kumpanya at nangako akong tutulungan siya. Pagkatapos nu'n ay sinabi ko'ng tatawagan ko na lang siya para bigyan siya ng update sa kaso. Kailangan ko rin kasi ng oras para pag-aralan ito.

Pagka-alis ng matandang lalaki. Bigla akong nakaramdam ng gutom. Hindi pa pala ako nag aalmusal dahil sa sobrang excitement ko sa first day ng sarili ko'ng law office. Nag ke-crave ako sa breakfast meal ng jollibee duon sa kabilang kanto. Mapuntahan nga.

Sumilip ako sa bintana bago umalis. Umuulan pala sa labas. Kinuha ko ang payong ko'ng itim at lumabas muna ng opisina para kumain. Sinigurado ko'ng naka-lock ang aking opisina bago umalis. Mahirap pala ang mag solo ng ganito walang mapag-iiwanan. Sayang baka may client na pumunta. Siguro dapat na akong maghanap ng secretary. Hindi ko pa sana balak pero mukhang kailangan na. Minsan talaga ang kuripot ko. Naalala ko tuloy si Jana na laging nagrereklamo noon na kuripot ako sa sarili ko pero hindi sa kanya.

 Paglabas ko ng building, nakita ko sa may bench chair ang babae kanina. She was across the road at the mini garden in front of our building. Nagpapaulan siya at nakayuko lamang. Ano kayang nangyari sa away nilang mag-ina kanina?

Teka? Buntis siya 'di ba? Makakasama sa baby niya ang ginagawa niya.

Saktong nag-red light para sa mga sasakyan. Tumawid ako papunta sa kanya kahit umuulan. Tumakbo ako habang hawak ang aking payong. Nang makalapit ako sa kanya, agad ko siyang pinayungan.

Napatingin siya sa akin at bakas sa mukha niya ang pagkabigla, "A-Attorney?"

"Hi! Bakit ka nagpapa-ulan? Makakasama sa baby mo 'yan."

Pinunasan niya ng kamay niya ang mga mata niya. Umiiyak ba siya? Hindi ko napansin dahil basa na siya ng ulan. Humawak siya sa kanyang tiyan at umiwas siya ng tingin sa akin. "N-Nagpapalipas lang ako ng oras, attorney."

Nakaramdam talaga ako ng pag-aalala sa batang dinadala niya, "Kung gusto mo'ng magpalipas ng oras, h'wag dito. Nababasa ka at gaya nga ng sabi ko makakasama sa baby mo kapag nagkasakit ka. Halika, ihahatid kita duon sa silungan."

Hindi naman siya umangal at agad na tumayo. Naglakad kami sa ilalim ng payong ko papunta sa malapit na establishment para sumilong.

"P-Pasensya na sa abala, attorney. Lalo na sa iskandalo kanina," nahihiya niyang sambit.

"Huwag mo'ng isipin 'yon. Sabihin na lang nating sanay na ako sa mga gano'ng eksena dahil sa trabaho ko." Ang totoo niyan hindi. Karamihan ng client ko dati mga bigating tao, mga mayayaman, at professional. But I think that should help her out from being embarrassed.

Pero na-curious ako sa kanya. The way she said na hindi pagkakamali ang baby niya, makes me wonder who she really is. How strong she is. "I'm about to eat breakfast at Jollibee. Would you like to join me?" Naisip ko'ng isama siyang kumain para sa baby niya. Kawawa naman kasi at baka magkasakit pa sila.

"Naku! H'wag na po, attorney. Nakakahiya po," natataranta niyang pagtangi.

"Please. I insist. Nagpaulan ka kanina at mas malaki ang chance mo'ng magkasakit kapag hindi ka kumain. Kawawa ang baby sa tiyan mo. Huwag kang mahiya, besides you'll be my client," sambit ko.

Huminto siya sa paglalakad kaya't gano'n rin ako. Gulat siyang napatingin sa akin. "Ano po'ng ibig niyong sabihin, attorney?" 

Natawa ako ng kaonti. Masyado siyang magalang. "Kier. Ako si Kier. Nasa labas naman tayo ng opisina ko kaya hindi mo ko kailangan tawaging attorney. Para na rin maging mas kumportable ka sa akin at masabi mo ang tungkol sa kaso. What I mean is I will help you and your mom with your case. Shall we talk about it with a nice meal?"

Tumingin siya saglit sa akin, tapos ay yumuko siya at nakita ko'ng ngumiti siya. 

"S-Sige... sir Kier."

Magalang pa rin siya. Pero ayos na 'yon kaysa attorney siya ng attorney. Naalala ko naman si Valerie. Siya naman your honor ang tawag sa akin. Kamusta na kaya 'yon? Matagal na kaming hindi nagkakausap.

Pagdating namin sa Jollibee, inalok niyang siya ang maghanap ng pwesto namin dahil medyo maraming tao ang kumakain doon at ako naman ang oorder ng food namin. Pagkatapos ko'ng umorder at dalhin ang pagkain sa napili niyang pwesto sa tabi ng glass wall, naabutan ko siyang pinupunasan ang sarili gamit ang kanyang panyo. Hinintay ko siyang matapos at nagsimula kaming kumain.

Kakagat na sana ako ng order ko'ng burger pero nakita ko siyang pumikit at nagdasal. Nahiya ako dahil hindi naman ako nagdarasal bago kumain kaya't pinikit ko na lang rin ang mga mata ko at ibinaba sa table ang burger ko.

Ilang segundo rin akong nakapikit. Pagdilat ko, kumakain na rin siya ng inorder ko'ng chicken meal para sa kanya. Sana lang hindi niya napansin na hindi talaga ako nagdasal, nakakahiya sa kanya na nagdarasal talaga.

Matapos naming kumain, naisip ko'ng itanong sa kanya ang tungkol sa kaso, "since wala na ang mama mo. Maipapaliwanag mo na sa akin nang maayos ang kaso na gusto niyong isampa. Triggered si Mama mo kanina e. Galit na galit."

Napangiti siya sa sinabi ko, "pasenya ka na kay Mama, sir Kier. Gano'n talaga 'yon e. Tsaka kasalanan ko naman kung bakit niya ako pinapahiya kanina." Yumuko siya at naging seryoso, "Pero ayaw ko talagang mag sampa ng kaso. Kung ayaw ng lalaking 'yon sa akin at sa baby ko, wala akong paki-alam sa kanya. Bubuhayin ko mag-isa ang baby ko at hindi namin siya kailangan. Tumakbo siya kung gusto niya. Kakayanin ko namang maging ama at ina sa magiging anak ko."

Napabilib niya ako sa sinabi niya. Ang lakas ng loob niya. Tiyak ko'ng batid niya ang magiging hirap sa pagpapalaki ng bata nang mag-isa pero mukhang determinado siyang kayanin ang lahat. She's indeed a strong woman.

"Sabagay tama ka. Kung ayaw niya talaga, h'wag na siyang pilitin para balang araw pagsisihan niya ang ginawa niya. Pero kung ako ang tatanuning, mas magandang kasuhan siya para naman maging halimbawa siya sa mga lalaking tumatakas din sa responsibilidad. But of course, it still depends on you. Kung magbago ang isip mo, handa kitang tulungan."

Uminom siya ng hot choco at nagpunas ng labi gamit ang tissue. "Huwag na talaga, sir Kier. Ayokong pag-aksayahan ng oras ang isang taong walang kwenta. Pagkatapos niyang sabihin na gusto niyang ipalaglag ang anak ko dahil 'di daw siya handa, dahil du'n wala na akong nararamdaman sa kanya. Ni ayaw ko nga siyang makita at maka-usap. Ayokong ang maging ama ng anak ko ay isang taong gusto siyang patayin."

Agad na nag-init ang ulo ko sa lalaking naka-buntis sa kanya, "Aba! Mukhang masahol pa sa walang kwenta ang lalaking 'yan a. Halang ang kaluluwa. Pasalamat siya at ayaw mo na siyang kasuhan dahil papatungan ko talaga siya ng kasong magpapakulong sa kanya ng pang-habang buhay."

Hindi ko alam kung bakit pero tumawa siya nang kaonti sa sinabi ko kaya't tinignan ko siya ng may pagtataka.

"Triggered ka rin, sir Kier? Hayaan niyo na po 'yon. Ang maganda ko'ng naging desisyon ay ang hayaan siyang mawala sa buhay ko. Kasalanan ko na nagpakatanga ako sa kanya noon kaya't para sa magiging anak ko, no more stupid Alleiea." 

Alleiea pala ang pangalan niya. I think hindi kami nagkakilala ng formal kanina. "Alam mo bilib ako sa'yo. Ang tapang at ang lakas ng loob mo. Tsaka Alleiea pala ang name mo?"

Napangiti siya at napahawak sa kanyang bibig, "Ay sorry! Hindi ko pala nasabi, sir Kier. Nakakahiya tuloy ulit, pero very very light na lang."

Natawa ako nang kaonti at inabot sa kanya ang kamay ko para makipag-kamay, "Ulitin na lang natin para maayos. I'm Kier. Kier de Leon."

Ngumiti siya at nakipag-kamay siya sa akin, "Alleiea Bier, po."

"Nice to meet you Alleiea. Teka saan na pala ang Mama mo?" Tanong ko.

"Nauna na siyang umuwi pagkatapos naming magtalo kanina. Nasaktan ako sa mga sinabi niya kaya nakita mo akong nagpapaulan kanina. Sorry ulit kanina, sir Kier," sagot niya.

"Don't mention it." Uminom ako ng hot choco at tinanong siya ulit, "saan ka after nito? Since ayaw mo ng magsampa ng kaso."

"Actually, maghahanap dapat ako ng trabaho. Kaya nakabihis po ako ng ganito. Kaya lang itong si Mama kanina hinatak ako papunta sa opisina niyo. Libre attroney daw kasi. Kaso heto basa na ako kaya bukas na lang ako ulit maghahanap," sagot niya. "Ewan ko ba do'n masyadong nangangamba. E tapos naman ako ng college kahit diploma course lang. Pero alam ko sa pat na 'yon. Sasamahan ko na lang ng lakas ng loob."

Hindi ko maiwasang mapangiti sa kanya. Natutuwa ako dahil isa siyang matibay na babae talaga.

"Ano ba'ng tinapos mo baka matulungan kitang maghanap?" 

Umiling siya at tumanggi, "Naku sir Kier h'wag na po. Nakakahiya na ng sobra. Nilibre niyo na nga po ako dito e. Tsaka secretarial naman po ang natapos ko with high grades, kaya malakas po ang pakiramdam ko'ng matatangap ako agad. Kahit kaka-graduate ko lang 2 months ago."

"Secretarial?" What the? Parang tadhanang makilala ko itong si Alleiea a. Saktong naghahanap ako ng secretary. 

Tumingin siya sa akin ng may pagtataka, "Oo, sir Kier S-Secretarial po. May problema po ba?"

"Actually... I'm looking for a secretary doon sa office ko. If you want I can hire you now?" Hindi na ako nag-isip kung qualified ba siya. Tingin ko sapat na sa aking malaman na determinado siya.

Nagulat siya sa sinabi ko at tila 'di makapaniwala, "T-Talaga po, sir Kier? S-Sure po ba kayo?"

Nginitian ko siya at pakiramdam ko nakatulong ako sa isang nangangailangan. "Yes, I'm sure. Start ka na tomorrow, you want?"

"Oh my god!" Napahawak siya sa kanyang bibig tapos ay hinawakan niya ako sa kamay at inalog-alog ito. "Thank you po! Thank you po talaga!"

"Salamat din kasi nakatipid ako sa oras para mag-interview bukas ng mga applicants at mag lagay ng ads para sa job posting," nakangiti ko'ng sambit. Napatingin ako sa relo ko, at napansin ko'ng kalahating oras na pala mula nang umalis ako sa opisina. Tumayo ako at inayos ang suit ko. Kailangan ko ng bumalik sa office. "Paano Ms. Secretary? I'll see you tomorrow? I'll discuss your salary and your work tomorrow too."

Tumayo siya at nginitian niya ako, "Yes, sir Kier. I won't be late... T-Thank you."

Umalis ako sa Jollibee at iniwan siya doon. Sakto din na wala ng ulan sa labas. Ang gaan sa pakiramdam ang makilala si Alleiea. Para ba'ng sinadyang magkakilala kami dahil kakailanganin namin ang isa't isa. I like her personality already. Ang tapang niya at mukhang determinado siya. Mukhang magiging magaling ko siyang secretary.















Continue Reading

You'll Also Like

22.1M 533K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
9.7M 254K 66
The Doctor is out. He's hiding something
11.4M 484K 32
Hanapan ng girlpren si bitter bestfriend na friendzoned since birth? Game!
29.8M 609K 64
Published under Pop Fiction. Available at bookstores/convenience stores nationwide for 195php. Taglish. Completed. Two kindred hearts from two differ...