Always The Second Best

By _Isabelle_

436K 10.9K 2.2K

More

Always The Second Best
Chapter 1 - Seeing Him Again
Chapter 2 - Si Puti
Chapter 3 - Sa Leeg
Chapter 5 - A crazy idea
Chapter 6 - Spending Time
Chapter 7 - If a picture paints a thousand words
Chapter 8 - New Year Happenings
Chapter 9 - When you really like something so much
Chapter 10 - Twenty Four Hours
Chapter 11 - Failed
Chapter 12 - The Start
Chapter 13 - You are beautiful
Chapter 14 - Esther and Seth
Chapter 15 - Unexpected
Chapter 16 - Love and Heartaches
Chapter 17 - One week
Chapter 18 - Mountain of feelings (Part 1)
Chapter 19 - Mountain of feelings (Part 2)
Chapter 20 - Shell
Chapter 21 - "Miss"
Chapter 22 - Realization
Chapter 23 - Underneath it all (First Part)
Chapter 24 - Underneath it all (Last Part)
Chapter 25 - Borderline Bestfriend
Chapter 26 - The Prince Charming and The Ogre
Chapter 27 - When you love someone you become ..."
Chapter 28 - Haunting Memories
Chapter 29 - Perfect Love (Part 1)
Chapter 30 - Perfect Love (Part 2)
Chapter 31 - Perfect Love (Last Part)
Chapter 32 - Zeke and Niel

Chapter 4 - Some things may change but some other things may not

14.2K 356 70
By _Isabelle_

Hindi ko alam ang balak niyang gawin pero sumunod lang ako sa kanya. Madilim ang lugar na nilakaran namin at meroon lang maliit na ilaw sa hallway. Nakahawak ako sa damit ni Puti dahil madilim at ayokong maiwan mag-isa.

Natapos na ang mahabang lakarin at mas lalong madilim sa loob. Humawak ako ng mahigpit sa damit niya at lalong lumapit. Ano bang balak na gawin nitong lalake na ito?

May narinig akong 'click' na sunud-sunod at halos mabulag ako sa sabay-sabay na pagbukas ng ilaw. Napatingin ako sa paligid at natanto ko na kung nasaan kami. Nasa malaking oval na track and field kami at ang gitna ay parang laruan ng softball o baseball.

"Anong gagawin mo rito?"

Ngumisi lang siya sa akin. Akala mo naman na maiintindihan ko ang ibig sabihin ng pagngisi niya sa akin.

"Stay here, okay?" Sabi niya sa akin na nakataas ang kilay.

"Hi-hindi ka naman tatakas at iiwan ako mag-isa rito 'di ba?"

Tumawa siya ng malutong na pagtawa. Totoo naman. Ginawa na niya iyon sa akin. Tanda ko pa dati ng mga bata pa kami naglaro kami ng taguan at itong si Ezekiel ang nagsabing magtago raw ako sa may bodega para hindi ako makita agad kasi kahit anong gawin ko noon lagi akong nakikita at natataya, ayoko pa noong una na sundin siya pero sabi niya sasamahan niya raw ako. Sinamahan niya nga ako pero mabilis lang tapos sabi niya titingnan niya sa labas kung nandoon na iyon taya pero sa huli sinadya niya akong iniwan mag-isa. Iyak kaya ako ng iyak noon dahil hindi ko mabuksan ang pinto ng bodega. Sinusumpa ko talaga si Ezekiel noon mga panahon na iyon.

"You haven't changed at all." Sabi niya na para bang nanloloko. Hindi niya alam na isa iyon sa pinakatraumatic na experience ko noon bata.

"Parang ikaw may nagbago ba? Wala naman eh. Lumaki ka lang pero bully ka pa rin."

"Hay... Magbibihis lang ako. Oh eto car keys at hand phone ko para matahimik na ang utak mo". Inabot niya nga sa akin ang susi at ang hand phone niya. Napangiti ako.

Tiningnan ko lang ang likod ni Puti na may dala-dalang sports bag. Sabi niya lagi daw siya may dalang bag ng damit at sapatos sa sasakyan kahit na noon nasa Australia pa siya. Hindi niya daw kasi alam kung kailan niya kakailanganin ng pamalit.

I tried recalling his face when we were younger. Inspite ng gwapo niyang itsura noon bata siya nababalik alaala kung gaano siya katarantado dati. Tatlong taon ang tanda ni Ezekiel sa amin ni Eli kaya sunud-sunuran kami sa kanya. Lalo na ako lagi niya akong pinagtitripan at laging inuuto-uto. Buti na lang nandoon si Kuya para kontrahin siya.

Madalas din mapaaway si Puti. Natural na basagulero. Natandaan ko dati na laging may bangas siya sa mukha tapos si Tita Ruth mapapaiyak na lang sa kalokohan niya. Noon panahon ata na iyon na nagsimula siyang magrebelde. Hindi ko alam kung nagpatuloy ba siya ng ganoon buhay niya noon nagpunta siyang Australia. Pero kung titingnan ko siya ngayon mukhang mas maayos na siya. Mas mukha na siyang kagalang-galang at disente. Siguro nga nagbago na siya. Iyon nga lang tumatak na ata sa akin na masama ang ugali niya.

Narinig ko na lang ang pagkalam ng sikmura ko. Gutom na ako. Hindi pa pala ako naghahapunan. Naalala ko na naman ang ginawa ko kanina. Halatang-halata ang mga palusot ko. Hindi naman kasi talaga ako sanay na magsinungaling. At isa pa hindi bukal sa loob ko ang pinagawa ni Hannah.

Kahit ano naman hilingin ni Hannah gagawin ko basta kaya kong gawin at bukal iyon sa kalooban ko. Pero hindi ko lubos maisip na ibigay si Eli. Kaso hindi naman para sa akin si Eli para ibigay o hindi. Hindi ko naman siya pag-aari. Kung pwede ko lang sabihin kay Eli na huwag gustuhin si Hannah gagawin ko pero mali iyon. Atsaka palagay ko isang date lang ang kailangan at magugustuhan ni Eli si Hannah ng husto. What is not to like in Hannah? Nasa kanya na ang lahat. Unlike me.

Nagugutom na talaga ako at napapaisip ako kung anong kinakain nila Eli at Hannah ngayon. Binuksan ko ang bag ko at naghalungkat. May nakita pa akong isang pirasong kendi.

"Gutom ka na?" Nagulat naman ako sa pagsasalita ni Ezekiel. Napatingin naman ako at nagulat sa suot niya. Nakadamit ito na walang manggas na dry-fit na medyo fit at nakashorts na medyo maikli sa shorts ng mga lalake. Kitang-kita ko naman kung gaano kahaba ang biyas niya.

"Bakit ganyan suot mo? Hindi ba pambabae iyan shorts mo? Parang ang ikli masyado." Iyon ang lumabas sa bibig ko.

"You are just so naive." Natawa na naman siya. " Ganito talaga ang suot ng mga tumatakbo. Mas madaling makagalaw at less wind resistance."

Tiningnan ko na lang ulit ang kabuuan niya. Bagay naman sa kanya kaso ewan. Hindi ako sanay sa lalakeng nagsusuot ng shorts na kasing ikli ng sa babae.

"You have a lot of prejudices, haven't you?" Prejudices? Hindi ko maintindihan ang sinabi niya. "Tatakbo lang ako. Pagkatapos kong tumakbo kumain tayo."

"Magtake-out na lang tayo." Gusto ko na lang din kasing umuwi.

Tumingin lang siya sa akin ng matagal matapos ay umiling. Hindi na siya nagsalita. Hindi ko alam tuloy kung ang pag-iling na iyon ay di niya pagsang-ayon o ano.

Nakatingin lang ako sa kanya habang nagstretching siya. Hindi ko mapigilan mapangiti. Kaya pala maganda ang katawan niya dahil na rin siguro sa pagtakbo niya. Pero nakakatuwa rin na ito na pala ang paraan niya para ma-vent ang inis o stress niya. Akala ko may kung anong nakakatakot siyang gagawin pero buti na lang at hindi. Hindi ko na kasi binigyan si Puti ng benefit of the doubt.

Malaki ang oval track and field at hindi ko na napuna kung nakailang laps na siya. Hindi siya ganoon kabilis tumakbo pero pakiramdam ko ay may rhythm ang bawat paggalaw niya. Nakakaenganyo siyang panuorin hindi ko alam kung bakit pero sa buong oras na tumatakbo siya ay sinusundan ko lang siya ng tingin. Para ngang gusto kong sumama, parang gusto kong gayahin ang ginagawa niya.

Natanggal lang ang atensyon ko sa kanya ng marinig ko ang phone ko. May nagmessage sa akin sa whats app. Si Hannah. Picture message iyon. Kinuhanan niya ng litrato ang paborito kong banda. May picture din siyang pinadala ng mga kinain nila. Sa huli ay picture ni Eli na hindi nakatingin ang pinadala niya. Stolen shot. Pinalakihan ko iyon at tiningnan mabuti. Nakatingin siya sa kung saan palagay ko ay nanunuod siya ng banda. Ang gwapo ni Eli. Eli...

"So how's the dinner?" Nagulat ako sa boses ni Ezekiel. Nabitawan ko ang phone ko at nalaglag ito.

Nagmadali akong abutin iyon pero mas naunang naabot niya ito. Tiningnan niya pa kung ano ang nasa display. 

"I think they enjoyed the bestfriend's night out." Sabi niya sabay abot sa akin ng phone ko. Tiningnan ko ang nasa display at nandoon pa rin ang picture ni Eli. Nakakahiya na nakita niya na tinitingnan ko ng sobra ang kapatid niya.

Tumango na lang ako sa sinabi niya. Hindi ako makapagsalita dahil sa hiya.

"I'll just take a quick shower then we're good to go."

Tumango na lang ulit ako.

...

"Bakit nga kasi kailangan kumain tayo rito. Hindi ba pwedeng take-out?" Naiinis ako kay Ezekiel dahil maipilit na naman. Ayoko ng bumaba ng kotse pero kinaladkad niya talaga ako papunta ng restaurant na ngayon ko lang napuntahan.

"They don't have take-outs, okay? Bakit ba ang ligalig mo kapag ako ang kasama mo?"

Napatahimik naman ako sa sinabi niya. Ligalig?

"Eh kasi pinipilit mo ako sa hindi ko gusto." Napalakas ang boses ko at pinagtinginan  kami ng mga tao sa restaurant.

"See." Inirapan ko na lang siya. "Sit." Pinaghila niya ako ng upuan. Tumingin ako sa relo ko at alas-diyes na. Late na ako makakauwi nito. Mas mauna pang makakauwi sina Hannah.

Umupo na lang ako sa upuan samantalang siya ay nakaupo na at tumitingin na sa menu. Binuklat ko na lang din ang menu at di ko naman inaasahan ang nakita ko. Filipino cuisine. Akala ko naman ay magpapakasosyal si Ezekiel buti na lang ay hindi. Ibig sabihin ay namiss niya rin ang Filipino food.

"I'd like to try the dinuguan with puto."

Naalala ko naman si Eli at ang una niyang pagkain ng dugo. Sinubuan pa siya ni Hannah. Napailing na lang ako.

"You don't want me to try it?" Nakatingin na pala siya sa akin at nagtatanong.

"Hindi, ano... may naisip lang ako."

Tinaasan niya lang ako ng kilay noon una tapos ay nagkibit-balikat.

"What's yours?"

"Tapsilog na lang siguro."

"Hey, I want that too. Good choice." Tuwang-tuwa siya na para bang ngayon lang makakatikim noon. Napangiti naman ako. "I'll order that too."

Tinawag na niya ang waiter at kinuha na ang order namin. Napatingin naman ako sa ambiance ng restaurant na ito. Mukha siyang sinaunang bahay at napakahomy ng feeling.

"Can you answer me now?"

"Answer what?" Hindi ko alam ang sinasabi niya.

"Bakit ang ligalig mo kapag ako ang kasama mo? I mean, you keep refusing me all the time. Why?"

"Hindi naman kaya."

"Hindi daw? Do you want me to say it one by one?"

"Hay... alam mo naman eh. Ayoko sa'yo." As simple as that nasabi ko iyon sa kanya. Kung hindi si Ezekiel ang kaharap ko hindi ko masasabi ito ng harap-harapan.

"Ayaw mo sa akin?" Natawa siya pagkasabi niya.

"Oo, ewan siguro dahil noon mga bata pa tayo. Ang sama kasi ng ugali mo alam mo ba 'yon?"

I heard him laughed so hard.

"Dahil doon kaya ayaw mo sa akin?" Pulang-pula ang mukha niya sa kakatawa.

"Well, you are a part of my traumatic childhood. "

"Do you want me to say sorry? To give you some closure?" Pinagmasdan ko lang siya sa sinabi niya. Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya o seryoso.

"Nope, you don't have to. Ang tagal na noon."

"Exactly. Ang tagal na noon bakit 'di pa rin maalis sa isip mo?"

Napatingin lang ako ng matagal kay Ezekiel. Alam kong matagal na iyon pero nasa loob ko na ang pagkaayaw ko sa kanya. To think na maaring ang Puti na kaharap ko ay iba na sa Puti dati.

"Kasi siguro nakaprogram na? Ewan." 

Dumating na ang pagkain namin at nagsimula na kaming kumain. Binibigyan niya ako ng dinuguan pero hindi ako kumuha. Nandoon na naman siguro ang pag-iisip ko na ayoko sa kanya.

"Do you always run when you are angry or stressed?"

Uminom siya ng tubig tapos ay nagpahid ng tissue sa bibig niya.

"Now you are interested in knowing me?"

Napairap na lang ako.

"I am just starting a conversation. Kung ayaw mong----"

"Not just running. I do a lot of things just to burn off my excess energy."

"Excess energy?"

"When I am angry, frustrated or stressed I have this kind of excess energy. I dunno if too much adrenaline or what or to much chemical in my brain but the thing is I need to address it as quickly as I can. I don't want it to be bottled up inside or I'll murder every person that I see that pisses me off."

Natakot naman ako sa sinabi niya. Nakakatakot palang galitin itong si Ezekiel at may pagkapisikal siyang tao.

"Pwede rin palang iyan ang rason bakit ka basagulero dati. Atleast ngayon sa ibang bagay mo na siya nailalabas."

He just looked at me and smiled. Napangiti rin ako ng makita ko siyang nakangiti. Palagay ko kasi ang ganda ng pagngiti niya.

"Paano mo nalaman na iyon pala ang cure mo sa pagiging basagulero mo?"

"I think my psychologist helped a lot."

"Psychologist?!"

"Ayan ka na naman. Seeing a psychologist doesn't mean I have a disorder. In Australia, I can see them without people like you thinking there is something wrong with me. Pyschologists help people to balance their lives."

Tumango na lang ako. Wala naman akong sinabi.

"Okey...so after nun pagkausap mo sa psychologist naging okey ka na?"

Tumawa na naman siya. Hindi ko alam kung nababaliw na ba talaga itong si Puti kasi tawa ng tawa. Wala naman nakakatawa sa sinabi ko.

"Hindi naman agad-agad. It is gradual... but what brought a big change in my life was when I met Jade."

Napanganga ako sa sinabi ni Puti. Of course there is a girl. Kalimitan nga ata ang mga lalake ay nagbabago dahil sa pagmamahal nila sa babae. Maybe it was his love for Jade that changed him. Natuwa ako para sa kanya.

"How long have you been together?"

"We've been together since I was eighteen. So you do the math."

"Ten years?" Tatlong taon ang tanda ni Puti sa akin so meaning twenty-eight na siya. Akalain mong capable pala si Puti ng ganoon kahabang commitment. Akala ko pa naman ay siya iyon tipong playboy pero hindi. He has proven me wrong again.

"Wow, ang tagal niyo ng magkasama. Bakit hindi mo siya sinama dito sa Pilipinas. Para makita naman namin siya." Nakatingin lang siya sa akin na para bang naguguluhan siya sa sinabi ko pero sa huli ay nagkibit balikat lang siya.

"Hindi pa pwede. I am still not sure if I'll be staying here for good but if I do, I need to find a bigger place for us first. Maybe outside the metro where it is not chaotic and not that stuffy...somewhere cold."

Tumango na lang ako. I am seeing a different side of Puti now at somehow naguguilty ako sa mga naisip ko tungkol sa kanya.

"Nakakamiss nga. We always run, hike and travel together."

"You run with her? Can she catch up with you?" Naitanong ko lang dahil sa naipamalas niya kanina palagay ko hindi ko kakayanin makipagsabayan.

"Actually, I am the one who needs a lot of catching up to do. She always has the energy. Especially running or hiking in the mountains. That's what she loved the most." I saw his eyes sparkled. I never imagined seeing Ezekiel this way. I always thought of him... tama na nga Danielle. People change and I think Ezekiel changed for the better.

...

"You really hated me?"

Kahit hanggang sa sasakyan ay nagkukwentuhan kami ng kabataan namin.

"Yes. Alam mo na ngayon kung bakit. Kasi siraulo ka at tarantado. Kailangan bang ulit-ulitin ko?" Tumawa lang siya sa sinabi at napatawa na rin ako.

"Why you didn't do anything? I mean you could have just contradicted me or just said it on my face?"

"Hindi mo lang alam kung ilang beses na kitang pinatay sa pag-iisip ko ng bata pa ako." Pinanliitan ko siya ng mata.

"Talaga?" Nakatawa niyang sambit sa akin.

"No..." bawi ko. "Kasi alam ko naman kasi ang mga kagaya mo talaga ang dapat naghahari-harian. Siguro noon bata pa lang ako natanggap ko na meroon mga kagaya mong kailangan laging una. Kailangan laging manalo. At ako... ang mga kagaya ko ay nakalaan lang para maging sunud-sunuran."

He stopped laughing then he looked at me as if like I offended him.

"There is no such thing, Danielle. Things happen to you because you allow them to. You could have stood up against me and maybe, maybe I would have known that what I did was wrong. I could have yielded to you if you just tried."

Natahimik naman ako sa sinabi niya. Ibig sabihin ako pa pala ang may kasalanan kasi pinabayaan ko lang siya na gawin iyon sa akin?

"I didn't think of it like that. The strong and mighty Ezekiel yielded to just me? Nakakatawa naman iyon."

"Well... hindi mo alam ang pwedeng mangyari kasi hindi mo ginawa." Nakatingin lang siya sa akin at somehow parang gusto kong maniwala dahil sa tingin niya. Pero nag-iwas rin agad siya ng tingin at pinaandar na ang sasakyan.

"People like you... like Hannah... are born to be mighty. You are born to be winners. To be allowed great priviledges in life. Hindi kayo bagay na matalo."

"Ha? Saan mo naman napulot 'yan?"

Umiling lang ako at umayos ng upo sa kotse. Bakit ko nga ba naisama sa pag-uusap si Hannah? Baka kung anong isipin niya.

...

"Wake up, ugly duckling." Napamulat naman ako ng maramdam ko ang pagtapik niya sa balikat ko. Nakangiti lang siya sa akin. Naalarma ako. Kaagad kong pinunasan ang labi ko dahil baka may laway na tumutulo at inayos agad ang buhok ko.

Narinig ko ang pagtawa niya.

"Nandito na tayo sa inyo."

Tumango na lang ako.

Hindi na kami nagkibuan habang nagmamaneho siya. Nakaidlip ako dahil sa haba ng byahe dahil sa traffic. Mas mabuti na rin nga siguro iyon kesa magpatuloy sa pakikipag-usap sa kanya.

"Si-sige salamat." Palabas na sana ako ng kotse ko ng maalala ko. "Ay tatawagin ko lang si Kuya. Pumasok ka muna ng bahay."

Ngumiti lang siya at umiling. Hindi ba dapat kakausapin niya si Kuya?

"Maybe next time." Sabi niya at ngumiti. Napupuna ko na naging palangiti si Ezekiel. Was it just me or he just smiled a lot today? Well, I like how he smiles cause it shows in his eyes. I think he smiles beautifully.

"O-okey." Ngumiti rin ako. "Salamat sa lahat."

"Sa lahat?"

"I think I had a great day today because of you." Kumindat ako. "Akalain mong masasabi ko pala iyon. Wow!"

Natawa lang siya sa sinabi ko. I meant it. Hindi ko akalain kahit papaano ay nakasundo ko si Ezekiel. Wala iyon sa hinagap ko.

"If you only just tried before."

"Sana nga sinubukan ko. Malay mo ako ang may hawak sa leeg mo ngayon." Natawa ako sa sinabi ko.

Tumikhim siya at natigilan ako sa pagtawa. Mukhang gusto na niyang umalis at napapahaba na ang usapan na naman namin.

"Okey, bye. Thanks. Ingat."

Sinarhan ko na ang pinto at tumayo sa may gate ng bahay namin. Hinihintay ko siyang umalis bago ako pumasok.

Pinaandar na niya ulit ang sasakyan pero hindi pa rin ito umalis. Binuksan niya ang bintana niya.

"What's wrong with you and your choice of shoes? Ang pangit. Message me your shoe size and I'll ask my personal shopper to buy for you. I think my money will be wasted if I allow you to choose."

Napatingin ako sa sapatos na suot ko. Okey naman kaya. Mahal kaya ito, limang daang ang dapat ginastos ko rito pero buti na lang at fifty percent off.

"Ano bang---"

"Good night. See you later."

And by that humarurot na ang tarantado. Napailing na lang ako. Ang laking isyu sa kanya talaga ng sapatos ko. Loko-loko talaga ang lalake na 'yon.

Palagay ko ang laki ng pinagbago niya. Sa sobrang laki parang hindi na nga siya ang Puti na kilala ko dati. Karapat-dapat na ata talaga siyang tawagin Ezekiel.

Hindi ko naman mapigilan mapangiti.


Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 124K 45
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
8.4M 163K 95
"Pinagsisihan ko ang mga panahong iniwan kita Jesica. Please give me another chance to set things right" Pagsusumamo ni Vincent. "You left me alone...
107K 2.3K 33
Our parents makes us believe that fairytales do exist and so a happy endings. Bata pa lamang ako ay isa na ako sa mga naniniwala sa fairytale, na a...
431K 14.4K 56
Part 2 of Sapilitan Our love is a poison, but I'd rather die than to let you go