Ms. Officer on Duty

By Artasia_Aquila

115K 4.4K 612

Isang dalagang Police Officer si Alexis Ryzzy Valdemor . Siya ay nakapagtapos ng pag-aaral sa Philippine Nati... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
Announcement

Chapter 19

1.8K 81 2
By Artasia_Aquila

Chapter 19: Call of Duty

Ilang linggo makalipas ang insidente nangyari sa academy ay balik nanaman kami sa regular class. Wala namang nabalitaang nasaktan at ilang sandali lang din ay may mga dumating na kapulisan upang mag-imbestiga.

Dahil nga sa naturang insidente isang linggong sinuspende ang klase. Pinauwi rin muna ang mga kapwa namin mag-aaral na tumutuloy sa dorm.

Imbes na tumunganga lang ako sa apartment ko napagpasiyahan ko na lang ang magduty sa headquarters. Nasa bukana pa lang ako ng pintuan napansin na ako ng mga kasamahan ko at sinalubong naman nila ako ng malakas nilang sigawan. May mga nakahanda pang pagkain na nagpakinang sa mga mata ko. Mahal na mahal talaga nila ako.

“Namiss ka namin Inspector,”saad ng isa sa mga kasamahan ko.

“Naku! Namiss niyo lang ang kagandahang ko.”prenteng umupo naman ako sa aking upuan.

“Saan nga pala si Awa?”

“Ibinalik ni Chief sa pagbabantay sa kalsada. Parusa niya sa kalokohan niya.”

“Tsk. Puro kalokohan kasi ang isang yun.”napapailing na lang ako at nagawi naman ang mga mata ko sa pagkaing nakahanda.

Hindi ko na pinatagal pa at nilantakan ko na ang mga pagkain na nakalapah sa aking mesa.

“Namiss ka namin Inspector”saad ng bagong dating na Inspector.

Nabulunan naman ako ng marinig ko ang mga salitang 'yon mula kay Travis. Nataranta naman niya akong inabutan ng mineral water. Bakit ba kasi nang gugulat itong si Inspector Leondio.

“Okay ka lang?”

“Hehehehehe oo naman ”nahihiyang saad ko at naiilang na napangiti.

Nanlaki naman ang mga mata ko nang lumapit siya at ginulo ang aking buhok. “Mabuti naman, pinag-alala mo nanaman ako.” ngumiti ito at tumalikod  na at naiwan na lang akong nakatulala. Aishhh! Pansin ko lang lagi na lang akong natutulala.

Bumalik lang ako sa akinh wisyo ng may babaeng umupo sa tapat ng aking mesa. Nakangisi ito na mahahalata mong nang-aasar.

“Anong ginagawa mo dito?”nakakunot ang noo ko itong tinitigan.

“Magpapasama ako sayo sa mall,”nakapout na saad nito. Napabuntong hininga na lang dahil siguradong hindi ko siya matatanggihan. Iniintay ko lang talaga na sabihin niya ang magic word. “Libre kita!” naexcite naman agad ako nang marinig ko na ang iniintay ko.

Nakangiti naman si Aliah at kinindatan lang ako “Oo naman sasama ako!”. Napalakas ata ang sigaw ko dahil napatingin sa akin ang mga kasamahan ko pati na rin si Inspector bigla naman akong nakaramdam ng hiya.

Kinawayan ko muna ang mga kasama ko bago ko hinila si Aliah palabas.

“Saan na ang susi?” magiliw na inilahad ni Aliah ang kanyang kamay sa harapan ko. Napailing na lang ako bilang sagot.

“Why? I want to drive.”

“Ayokong ikaw ang magdrive wala akong tiwala,”nakahalukipkip na saad ko.

“Hoy! ALEXIS, MAHIYA KA MAGALING AKONG MAGDRIVE HA!”nanlalaki pa ang butas ng ilong nito.

“Pero mas magaling ako,” proud na proud kong saad.

Napairap na ako, hindi ako titigilan nitong si Aliah hanggang hindi ko siya pinapayagan. Animo'y parang bata na sinuot niya ang helmet, mabuti na lang talaga at may dala akong extrang helmet.

Ilang minutong biyahe lang ay nakarating na kami sa mall. Sobrang nainis ako kay Aliah dahil muntikan niya ng magasgasan ang baby broom broom ko. Hindi ako mangingiwing itulak siya sa pagkakasakay sa motor ko kung magasgasan  niya ito.

Magkasabay kaming naglalakad at napapansi ko na marami ang napapalingon sa amin. Naiinis ako sa mga tingin nila alam kong nilalait lang ako ng mga yan! Hindi naman kasi mapagkakaila na sobrang ganda ng kasama ko ngayon, nagmumukha tuloy akong chimay!

“Saan tayo pupunta?”

“Sa jewelry shop. Tinitignan ka nila oh,” pang-aasar pa sa akin nito.

“Paano ako hindi titignan? Ang ganda mo kasi tapos ako parang isa sa mga bodyguards mo.”

“Baliw ka talaga! Maganda ka naman ha kahit simple lang ang suot.”

“Sus! Bilis na nagugutom na ako.”

Nang makarating kami sa jewelry shop na gustong puntahan ni Aliah. Agad naman itong namili. Nakasunod lang ako sa kanya habang nililibot niya ang buong shop. Wala naman akong interes sa mga alahas kaya hindi ko siya matulungan sa pagpili. Kung ako naman ang tatanungin babagay naman sa kanya kahit anong suot niya.

Pumili lang si Aliah ng isang pares ng earings at necklace na siguradong mamahalin. Napailing na lang ako, hindi kasi ako materialistic na tao.

“Para saan ba yan? Marami ka nanamang jewelry collection ha!”reklamo ko. Aba! Napakagastos talaga. “Sa bagong misyon.”napatango-tango na lang ako. Kailangan ba may bagong Jewelry? Ha? Tama ba yun?

Kilala ko naman si Aliah na hindi maluho at maarte kaya noong Una ay nagduda siya sa pagbili nito ng mamahaling alahas.

Nang mabayaran na nito ang alahas ay agad akong nagyaya na umalis na. Palabas na sana kami ng store ng may mga pumasok na mga kalalakihan. Base sa kalkula ko nasa lima ang mga ito at may malalaking katawan. Napansin ko na medyo kahina-hinala ang mga kilos nito at palingon-lingon sa paligid.

Agad kaming napayuko ng mag-anunsyo ito nang holdap. Naglabas ang mga ito ng armas at tinutukan ang mga tao sa loob ng shop. Naging alerto naman ako pati na rin si Aliah. Napalingon-lingon naman ako sa paligid ko para makahanap ng magagamit na armas na panlaban.

Napalingon ako sa lalaking tumayo na agad ko namang nakilala.

“Anong ginagawa rito ni Tyronne?” tanong ko na lang sa aking sarili.

Agad naman akong napatayo pati na rin si Aliah. Naipikit ko na lang ang aking mga ata sa inis. Haisttt! Bakit kasi hindi ako nag-iisip. Napalingon din ako sa gawi ni Tyronne na ngayon ay tinututukan na rin ng baril. Hindi ko alam pero kinakabahan ako sa maaaring mangyari. Hindi ako kinakabahan para sa aking sarili kundi para sa mga sibilyang kasama namin sa loob.

Agad ko namang binalingan ng tingin ang lalaking may malaking katawan. Sinimulan kong analisahin kung paano ko ito patumbahin. Pakilos pa lamang sana ako nang nakarinig kami ng putok ng baril. Nanlaki ang mata ko nang makitang may tama ng baril sa braso si Tyronne, ngunit ma nagulat ako ng makitang hawak na nito ang baril. Lalapitan ko na sana ito kaya lang hinarangan ako ng dalawa pang may hawak na baril.

“Tumabi kayo!”may pagbabanta sa boses ko.

Nagsimula na rin kumilos si Aliah na ikinagulat naman ng iba. Hindi makapaniwala ang ilan sa husay nitong makipaglaban. May humawak sa kaniyang balikat na isa sa mga goons.

Naningkit ang mga mata ko at nagpakawala ako ng isang malakas na suntok na tumama sa sikmura nito. Nang makabawi ay agad naman itong sumugod at inambahan ako nang suntok na agad ko namang naiwasan. Malakas Akon naglalakad nang sinipa na tumama sa kanyang dibdib.

“Tulungan niyo ako”palahaw ng isang may katandaang babae na ngayon ay hostage ng isa sa mga holdaper.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Aliah at sabay na napatango. Palihim kong pinulot ang isang patalim na nakita ko sa di kalayuan. Kinakausap naman ni Aliah ang lalaki at pinapasuko ito.

“Ibaba mo ang armas mo, hahayaan ka na lang namin makatakas.”pangungumbinsi pa nito sa holdaper.

“Hindi ako tanga! Huwag niyo akong linlangin. Paanong ang galing niyong makipaglaban sa kabila ng payat niyong pangangatawan?”mas diniinan pa nito ang patalim na nakatutok sa leeg ng biktima.

Napailing na lang si Aliah at tinignan ako at tinanguhan hindi na ako nagiming ihagis ang patalim na aking hawak, inasinta ko ang kaway nitong may hawak na patalim.

Tumawag na rin ng guwardiya ang iba at pansamantalang itinali ang mga lalaki habang wala pang dumarating na mga pulis.

Pinulot naman ni Aliah ang kaniyang sling bag na tumalsik sa di kalayuan. Marami naman ang nagpasalamat sa amin ni Aliah.

Nagulat ako ng may humila sa akin  palabas ng shop narinig ko pa ang pagsigaw ni Aliah. Napagtanto konh si Tyronne ito ng makita ang dugo sa sleeves nito. Tumigil kami sa hindi masiyadong mataong lugar. Tinititigan niya ako na parang may gusto itanong.

“Sino ka ba talaga?”

Nanigas naman ako sa aking kinatatayuan, nagulat ako sa naging tanong ng kaharap. Alam ko na nagdududa na ito sa aking mga kinikilos.

“Ryzzy Sta. A--”

“I know your name. Tell me the truth!” diniin niya ako sa pader at inilapit ang mukha. Halos maduling na nga ako sa lapit ng kanyang mukha.

“Ah nag-aral kasi ako ng martial arts nung bata pa ako.”iniwas ko naman ang tingin sa binata.

Lumayo na ito kaya nakahinga na ako ng maluwag. Nakakunot ang noo ko siyang tinignan.

Naramdaman ko na lang ang malambot na labi nito sa aking labi. Nanlaki ang mga mata ko at agad na nagpakawala ng suntok na sinalo lang ng binata. Humiwalay na ang labi nito sa labi sa aking labi. Putek! Tyronne kissed me.

“How dare you?” sa inis ko sinuntok ko ang duguan niyang braso. Ang kapal niyang halikan ako sa public place!Nakakagago lang!

Napa-upo naman ito sa sakit at iniwan ko na lang siya na nakaupo sa sahig.








Itutuloy...

------
Puro TyRy moments muna hahaha magsawa kayooooo! Next time CaLex naman...

Don't forget to leave a comment and vote.

Continue Reading

You'll Also Like

37.1K 989 36
What if Ms. Every thing fall inlove with Mr. Eye glasses/Nobody? Will she let this Nobody ruin her life? Pano kung yung mahal mo gusto pala ng kaibig...
1.1M 14.7K 70
"Is this your idea of a sick joke ha Dave? Papaanong anak ko si Avie? Hindi pa ako nabubuntis at na-nganganak ever in my life!" I felt shock in my wh...
5.9K 302 32
Frederick Imarcus Reandro Emmanuel Valenciano, the future CEO of the top construction firm of the world, locked eyes with a girl on one of his father...
854K 18.1K 55
[Werewolf Series #1] This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's i...