THE COLDEST (in major revisio...

De JannaMaePH

719K 13.2K 1K

GENRE: Action, Gangster, School, Secrets, GangLand, GangMaster. Two groups of handsome men carrying extraordi... Mai multe

THE COLDEST
Kabanata I
Kabanata II
Kabanata III Flashbacks of how they met. (MACAU escapade)
Kabanata IV. HEIRS OF MILITARY FAMILIES
Kabanata V.
Kabanata VI. Team A vs B and the Mystery Girl
Kabanata VII. Who's M2, the traitor?; And the preparation for Charity's Bday.
Kabanata VIII.
Kabanata IX. The INCIDENT.
Kabanata X. Indenial Stage at YZ Gym.
Kabanata XII. The half reason why SHE'S COLD.
Kabanata XIII. The PAST
Kabanata XIV. She's still the same. ; FLAMES.
Kabanata XV. Aja Ace! AJA! ^___^//
Kabanata XVI. SVU Memorial Hospital
Kabanata XVII. Hospital PART 2
Kabanata XVIII. The ACQUAINTANCE
Kabanata XIX The ACQUAINTANCE PART 2
Kabanata XX. The ACQUAINTANCE PART 3
Kabanata XXI. The TRANFEREES
Kabanata XXII. The TRANSFEREES PART 2
Kabanata XXIII. The UNEXPECTED VISITORS
Kabanata XXIV. UNEXPECTED VISITORS Part 2
Kabanata XXV. UNEXPECTED VISITORS PART 3.
Kabanata XXVI. Strange Call and Threat.
Kabanata XXVII. THE MAFIA HEIRESS Childhood
Kabanata XXVIII. PICTURES SOLD.
Kabanata XXIX Argumentum & Momentum
Kabanata 32 ANG PAGTITIPON
Kabanata 33 Juniper, ang bagong transferee and THE THRUTH.
Kabanata 34 ANG PAGKABALISA ni YUE.
Kabanata 35 QUEZON PROVINCE FIELDTRIP
Kabanata 36 THE CAVE and THE STRANGERS.
Kabanata 37 Renz's Hidden Feelings
Kabanata 38 HEAVEN and HELL.
Kabanata 39: THE RETURN
KABANATA 40 LOTTO
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43 Ang pagdating ng ilang gangster, capo at reaper.
Kabanata 44 He loves me? He loves me not?
IMPORTANT ANNOUNCEMENT

Kabanata XI. I can feel you, Zai.

20.4K 326 23
De JannaMaePH

Hope's PoV

Takte! Bakit ba palagi na lang nagpapakita sakin yung Enzo na yun. At kalalaki nyang tao ang puti nya. Dinaig pa ako. Psh!

At sa lahat ng pwedeng pasukan nilang Gym bakit sa YZ pa?

"Kung magmamaktol ka lang dyan umuwi ka nalang." huhu. Ang bad ni Zai pinapauwi na ako.

"Ayoko pa. At tsaka hired na ako dito." sabi ko ng nakanguso. Hindi ako pwedeng paalisin ni Zai. Kailangan ko rin magtrabaho para matulungan ko sya at para makasama ako sa kanya paglipat nya ng bahay.

"Tsk. Sino ba may sabi magtrabaho ka?" tanong nya habang nagpapalit na ng tshirt na puti. May nakalagay na Maintenance sa likod.

"Ako lang.." sabi ko sa mababang tono. Kailangan maawa si Zai sa akin at wag ako paalisin.

"Tsh. Basta kapag di mo na kaya magresign ka na." yes! That means pumapayag na sya magtrabaho din ako dito. Yiipee! "wag ka masyado masaya baka maudlot pa at magbago isip ko." psh!

"Kayang kaya ko dito Zai hindi ako aayaw promise." sabi ko ng nakataas pa ang kanang kamay. This is it! Makakapag-ipon na ako para makasama kay Zai sa paglipat nya. "Nakahanap na ba si Yue ng apartment para sayo?" tanong ko.

"Hindi pa." sagot nya at nag umpisa ng kunin ang mga gamit nya panlinis sa stock room ng gym.

"Ganun ba? Oh sya tutulungan na kita dyan." sabi ko kay Zai at kinuha ang ibang gamit panglinis. Taga linis daw ang magiging trabaho namin sabi ni Yue para lahat maexperience namin at maging flexible sa lahat ng oras.

Linggo ngayon kaya wag na daw ako magtaka kung bakit madami-dami ang myembro ng gym na nandito ayun kay Mel kanina. Medyo nahihirapan pa ako nung una sa mga dapat kong gawin pero habang tumatagal ay nasasanay na ako sa paglilinis dito.

Nang makabalik kami sa loob ng gym ay "doon ka na lang sa mga dumbbell ihanay mo ng maayos yung mga nagulo na." sabi ni Zai at tinuro ang kinalulugaran ng mga dumbbells. Ang bilin ni Yue kailangan daw maingat kami sa galaw namin. Ewan ko ba kung bakit ang daming bilin ni Yue kanina. Na parang may nangyari dito at ayaw na nyang maulit.

At sa pagpunta ko sa lagayan ng mga dumbbell napuna ko ang pader na may mga guhit. [O____O] Ang akala ko painting lang ngunit ng tignan ko ng malapitan ay totoo nga! May litik ang pader. Dali dali akong lumapit kay Zai. "Zai, nakita mo na ba ang mga litik don sa pader? Tignan mo oh ang hahaba. Baka mag-cause yun ng pagkagiba ng gym." seryosong sabi ko at inisa isa ng tingin ang bawat litik.

Samantalang si Zai ay hindi ako pinansin at kahit sulyap ay di nagawa sa pader na tinuturo ko. May nangyari ba dito kahapon?

"Tsk." yun lang ang reaksyon ni Zai at patuloy na nag-mop. Bigla naman akong nagtaka. May nangyari dito alam ko. Kaya naman dala ng kuryosidad ay tinahak ko muli ang pader na may litik at sinundan ang pinagmulan nito. Nakita kong nasa likod ng lalagyan ng mga barbell ang pinagmulan. Kaya naman marahan kong inipod ang lalagyan na nagtataklob sa pader at..

Nanlaki ang mga mata ko sa nakita! OH-EM-EF-G! Automatic na napatakip ako sa bibig ko. At nagmamadaling lumapit muli kay Zai. "OMG! OMG! Zaaaaaai! Anong nangyari don sa pader? Grabeeeee! Kawawa yung pader." bulalas ko kay Zai na binigyan ako ng naniningkit na mga mata.

"Tsh. Sa pader nag-alala ka. Don sa gumawa nyan.. hindi?" animo'y nanunumbat na sabi nya.

I crossed may arms and said, "hindi. Dahil alam kong malakas ang gumawa nyan sa pader." at automatic na napatingin sya sa akin.

"Tsk."

"Oh bakit? Hindi ba? Tignan mo na lang ang nilikha sa pader. Kamuntik na gumuho yung pader. Buti nakapagkontrol pa ang gumawa nyan. Dinaig nya pa si San Goku." utas ko at tinignan si Zai ng naniningkit. Nag-iwas naman sya ng tingin at itinuon sa ginagawa nyang pagmamop. Andito kami sa third floor at kagaya pa rin kanina abala pa rin si Zai sa pagmamop. Kanina ay ako ang nagmop sa second floor, sya naman daw ngayon.

At kapag minamalas ka nga naman.. Papaakyat na ang kabilang sa apat na sikat sa school. Nang makita ako ni Enzo ay agad syang natigilan at bahagyang nanlaki ang dalawa nyang singkit na mata. Ha! Dapat lang magkaganyan sya pag nakikita ako dahil may atraso sya sa akin. Hindi ko pa rin nakakalimutang nagpanggap syang stranger at hindi nagpakilala agad.

Inhale Exhale.. Ang sabi ni Yue dapat daw maayos ang pakikitungo sa mga costumers kaya naman hinayaan ko silang makadaan habang si Zai ay abala pa rin sa ginagawa. Ngunit hindi nakaligtas sa akin ang salubong na kilay ni Ace ng makita si Zai na nagmamop. Samantalang si Zai ay di sya pinansin o tinapunan ng tingin manlang. Huminga pa ako ng malalim at sinabi sa isip na tiis lang Hope. Kaya mo yan. Aja!

"Nagtatrabaho pala kayo dito?" tanong ni Enzo ngunit di ko sya pinansin bagkus ay nagtungo na lang ako sa ginagawa ko kanina. Ang ayusin ang dumbbell.Ang bigat naman ng mga 'to. Buti nakaya ni Zai lahat ng gawain na 'to kahapon ng mag-isa. Ang hirap din pala magtrabaho sa gym. Naramdaman ko naman ang paglapit ni Enzo sa akin. "Pahiram naman ako ng dalawang dumbbell." sabi nya at inilahad ang mga palad. Akala mo nanghihingi lang ng papel ah. Ayoko syang tignan ngunit napilitan na ako. Napangiwi naman ako sa reaksyon sa mukha nya ng lingunin ko sya. Nakangiti sya sa akin.. at.. at..

Ang gwapo nya!

Hindi ko namalayang napatulala ako sa kanya hanggang sa sabihin nyang.. "Can I get the dumbbells?" tanong nya sa isang mapang-akit na tono. Parang biglang naging sexy ang boses nya. Ano ba 'to! Gising Hope!

"A-ah e-eto." sabi ko at bubuhatin sana ang dalawang dumbbell ngunit tinangay ako nito pababa.

wooosh.. Ang bigat pala talaga neto! Anak ng patola at upo!

"Pfft." sya na parang natatawa pa.

sheeez! Hindi manlang ako tinulungan.

"Ako na." sambit nya at kinuha ang dumbbell sa mga kamay ko..

At parang kuryenteng dumaloy sa katawan ko ang pagdidikit ng aming mga kamay.

Nanlalaki ang mga mata kong nasambit na, what was that? sa isip ko. Nang kunin nya ang mga dumbbell sa akin ay parang wala lang sa kanya ang pagbubuhat nito. At hindi nakawala sa mga nanlalaki kong mata ang mga biceps nya! Naging firm ito ng buhatin nya ang dumbbell at bumakat sa fitted white sports t-shirt na suot nya. Napalunok ako ng malupet ng makita ko ang mga yun ngunit tumalikod na sya dala ang mga dumbbell.

Haaaaay. Biceps come to mama again.Kaso laos hindi na sya bumalik. Iniwan na ako dito.

Napabuntong hininga na lang ako at marahas na umiling. Hope get a grip! Nasambit ko sa isip at tumagilid. At doon ko nakita sa human size mirror ng gym ang itsura ko. At..

at..

mapula ang mukha ko hanggang leeg! Pag nakita ako ni Zai tutuksuhin na naman ako ng baliw. Agad agad akong pumunta sa cr na pinakamalapit at doon ako nagpalipas ng pamumula ng mukha. Letseng Enzo yon ang lakas ng dating!

Hindi kaya.. hindi kaya..

Nagkakagusto na ko sa kanya??

Nanlaki ang mga mata ko sa naisip ngunit..

"Bakit ba ayaw mong linisin 'to?! LINISIN MO NA KASI!" isang malakas na boses ang narinig ko galing sa gym. At dali dali akong lumabas. Sa isang matinis na boses ng babae nagmula iyon.

Nang makalabas ako'y doon ko nakita ang babaeng bagong transfer din sa SVU kagaya namin. Si Monique!

At ano namang ginagawa nya dito? Tinignan ko sya mula ulo hanggang paa at ang sexy nya sa suot na pink pair na sports wear. Bakat ang hubog ng katawan nya at..

Dinuduro nya si Zai!

Oh no!

"Nagawa ko ng lahat ang inutos mo. Ano pa bang kailangan mo?" malumanay na tanong ni Zai habang nakatungo sa floor at may hawak na malaking basahan. Parang bumaha naman dito. Parang may itinapong tubig. Nagpalinga linga ako at nakakita ako ng isang litrong bote ng distilled water na walang laman. Parang alam ko na ang nangyari.

Lalapit na sana ako ng hawakan ako ni Enzo sa braso dahilan upang mapatigil ako. Nilingon ko sya, "hayaan mo si Ace ang umayos. Ayaw lumaban ng kaibigan mo." usal nya.

Nakita ko ang marahang paglapit ni Ace kina Zai at Monique at sinabing, "tumayo ka dyan." utos nya kay Zai sa seryosong tono. Salubong ang mga kilay nyang nakatingin kay Zai na ngayon ay naglalampaso na ng sahig. Samantalang nagpumiglas naman ako sa hawak ni Enzo sa akin ngunit hindi nya ako hinayaang makawala.

At ang sunod na nangyari ay di ko inaasahan. Hinawakan ni Ace ang kaliwang braso ni Zai ng sapilitan ng hindi sya nito sundin na tumayo. At marahas nyang hinila si Zai paalis ng gym.

Ace's POV

Sa inis ko'y marahas ko syang hinila palabas ng gym. Tsaka ko lang sya binitawan ng makarating kami sa gilid ng kalsada tapat mismo ng gym. Nanggagalaiti ako sa inis ng harapin ko sya. "Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?! Bakit ba hindi ka lumaban don sa Monique na 'yon! Kanina ka pa inuutusan tapos.. WALA KA MANLANG REKLAMO?! Demmit!" napasabunot ako sa buhok ko sa sobrang pagtitimpi kanina pa. Nagagalit ako don sa Monique ngunit naiinis naman ako sa kanya. Una sa lahat ay bakit dito pa sya nagtrabaho? Tsk. Ganoon na ba sya kahirap na kailangan nya pa kumuha ng part time job?

Sa kabila ng pagkainis ko'y hindi sya nagsasalita. "Ano tatahimik ka na naman?!" sarkastikong sabi ko. Pero wala talaga syang pakialam bagkus ay sumandal pa sa punong malapit sa amin na animo'y napapagod na sya.

Nakaramdam ako ng pagkaawa dahil marahil ay napipilitan lang syang magtrabaho dito.

Nakita ko naman ng malapitan ang mga mata nya. Malamig ang mga ito, malamig na malamig. At ang mukha nya plain affect lang.

"Hayaan mo na lang 'yon." malumanay na sambit nya at marahang inilagay ang kamay nya sa back pocket ng suot nyang black denim pants. Naglabas sya ng chewing gum galing doon. Marahan nya itong binuksan gamit ang ngipin at isinubo.

Pambihira! Nanggagalaiti na ako dito sa galit samantalang sya ay kalmado lamang at parang walang nangyari.

"Gusto mo?" at nakuha nya pa talaga akong alokin. Aish! Parang gusto kong sabunutan ang sarili ko sa pagkainis.

"Hindi ako cheap!" sabi ko na lang. Ang chewing gum nya ay tagpipiso lang ata sa tindahan.

Kibit balikat namang ibinalik nya ang natirang chewing gum sa bulsa. At marahang nginuya ang chewing gum sa bibig nya. Nakatikom ang mga bibig nya habang ngumunguya. At..

at..

Ang cool nya lalo habang marahang ngumunguya. Magkakrus ang mga braso sa dibdib habang ang isang paa nya ay nakatuon sa puno sa likod nya.

"Hindi ko gusto pag may nakatingin sa akin." bigla nyang sambit at bahagyang nilingon ako.

Nanlalaki naman ang mga mata ko dahil ramdam nya palang nakatitig na ako sa kanya kaya naman, "h-hindi kita tinitignan! Ang kapal ng mukha mo!" asik ko sa kanya.

Kumunot naman ang noo nya. At patagilid akong tinignan. "Sabi mo e." yun lang at lumapit sya sa isang basurahan. Bahagya nyang itinapat ang ulo nya doon at tsaka inilaglag ang chewing gum.

Ibang klaseng babae! Hindi kakikitaan ng kaartehan sa katawan. Bagkus ay para pa syang lalaki kung kumilos. Sabagay, nakikipaglaban nga sya sa mas malalakas pa sa kanya e.

Maya maya pa'y nakita ko na lang na naglalakad na syang paalis, "h-hoy! San ka pupunta?!" naiinis na sigaw ko.

"Babalik na sa loob." walang ganang sabi nya at bahagyang humarap sa akin, itinaas ang kanang kamay nya sa may kilay at.. at..

sumaludo?!

Pamilyar.. pamilyar ang kilos na yun.

Sya lamang ang nakita mong gumawa noon doon sa Macau.

Sya nga talaga si Zai. Ang cool na Zai na nakilala ko at nagtanggol sa akin sa Macau.

I will never forget her action especially the way she salute and waves her hand.

Bigla ko syang na-miss. Pero nakakatawa lang, namimiss ko sya kahit kasama ko lang naman sya.

Itinatanggi mo kasing kakilala mo na sya sa mga kaibigan mo at sa school. Ang sabi ng konsensya ko.

Muli kong tinitigan si Zai habang naglalakad. Sya na ang pinaka-cool na babaeng nakilala ko.

Hope's POV

Lumipas ang sampung minuto ay muling bumalik si Zai dito sa loob ng gym. Agad nyang tinungo ang opisina ni Yue. Sinundan ko sya papasok sa loob at nakita kong nakakunot ang noo nyang nilibot ng tingin ang kabuuan ng opisina ni Yue. "Asan sya?" tanong nya.

Sinarado ko naman muna ang pinto at tsaka nagsalita. "Umalis si Yue kanina pa. Buong akala ko din ay nandito sya ngunit sinabi ni Mel na umalis daw at ipinagkatiwala ang gym sa'yo." pahayag ko at naupo sa isang couch.

"Tsk." di makapaniwalang reaksyon nya.

"Zai nakita ko lahat ng nangyari kanina dyan sa cctv." sabi ko at bahagyang nginuso ang cctv ni Yue dito sa opisina nya. Nang hilahin sya ni Ace palabas ay pinuntahan ko ang cctv at nirewind ang mga nangyari kanina sa kanila ni Monique. "Bakit di ka lumaban?" tanong ko sa kanya habang magkasalubong ang dalawang kilay.

Napailing naman sya at sinabing, "may nalalaman sya." sambit nya at naupo din sa couch na katapat, kalmado lamang sya. Kinuha nya ang control ng cctv at may pinindot doon. Pinagmasdan ko ang cctv at nagrewind muli ang nangyari kanina. Yung mga huling nangyari matapos itapon ni Monique ang bote ng distilled water. Kitang kita doon ang paglapit nya kay Zai at may ibinulong sa tenga nito.

"Anong sabi nya?" nagtataka at kunot noong tanong ko.

"May nalalaman daw sya at lahat ng impormasyon tungkol sa akin ay alam na nya." malumanay nyang pagtatapat. Hindi naman mababakasan ng anumang kaba sa mukha nya at sa kilos nya. Nanatili syang kalmado.

Pero kung ganoon saan naman nalaman ni Monique ang tungkol kay Zai? Ako ngang kaibigan nya ay limitado lang ang nalalaman ko tungkol sa kanya. Pero yung si Monique ALAM LAHAT? Weh?

Napansin naman ni Zai ang mas lalong pagtataka ko at parang nabasa nya ang iniisip ko. "Sa palagay ko'y totoo ang sinasabi nya." wika ni Zai na nagpanghalumbaba sa arm rest ng couch.

"Kung ganoon gangster din kaya si Monique?! Pero.. kung hindi sya gangster ANO? At kanino nya nalaman?" namimilog ang mga matang tanong ko. Ang alam ko lang ay isang gangster si Zai. At lumalaban sya sa THE GANGLAND. Pero sa ibang kasapi ay wala na akong nalalaman. Noong una ay hindi ako makapaniwala sa mga nalaman ko ngunit si Zai na mismo ang nagsabi sa akin kaya naman onti-onti ay naniniwala na ako.

"Yon ang nais kong malaman." walang ganang sambit nya. At pumunta sa mini refrigerator ni Yue dito sa opisina. Pinasadahan nya ng tingin ang loob niyon at ng makakita ng yogart ay kinuha nya ang tatlong magkakaibang flavor at sya nyang kinain.

Maangas at matakaw na gangster. Pambihira. Sa pagtitig ko kay Zai ay naitanong ko sa isip. Ano pa kaya ang pwede kong malaman tungkol sa kanya? Madami pa kaya o hanggang doon na lang sa pagiging gangster nya?

Sa kabila ng mga nalaman ko noon kay Zai ay hindi ako natakot sa kanya bagkus ay humanga pa ako dahil ang cool cool nya. Cool syang kaibigan. At kahit di ako marunong lumaban ay alam kong nandyan lang sya at ipagtatanggol ako.

Samantalang di ko na naitanong pa ang nangyari sa kanila ni Ace noong lumabas sila dahil naging abala na kami sa trabaho sa gym at ang dalawa ni Yannie at Mel ay sa paper works na naiwan ni Yue. Madami ang naging tao sa gym ngayon at kapuna-punang nawala na sina Enzo at maging ang mataray na si Monique ay wala na din. Nakahinga na ako ng maluwag.

Nagbabantay din kami ng liquid section ng gym kung saan may libreng drinks para sa mga members. Nagpapalitan kami ni Zai ng pagbabantay doon at pag nababakante ang isa sa amin.

Lumipas ang oras at alas dose na ng hating gabi. Hindi ko na namalayan ang pagdating ni Yue.

Pinuntahan ko muna si Zai at sinabing dumating na si Yue. Nagliligpit na si Zai ng mga ginamit nya ng madatnan ko sya kaya naman inantay ko na syang matapos at sabay na namin kinuha ang mga gamit namin sa employee's room.

Tinungo namin ang opisina ni Yue at nagpaalam na kami pati na rin sa mga kasamahan naming sina Mel at Yannie. Maya-maya ay magsasara na rin ang mga yon. Nauna lang talaga kami dahil may pasok pa kami bukas.

Nang makalabas kami ng YZ gym ay agad nag inat si Zai na animo'y pagod na pagod. "Bibili ako ng motor." bigla nyang sabi. Napatulala naman ako at ipinaprocess pa ng utak ko ang sinabi nya. Bakit naman sya bibili ng motor?

"Bakit?" tanong ko.

"Hindi lingid sa kaalaman ko na kukunin ng President si Storm sa oras na umalis na ako ng mansyon. Sya pa rin ang nagmamay-ari kay Storm kahit na ako ang nagtuloy ng paghuhulog kay Storm ay ang presidente pa rin ang may karapatan sa kotse." sabi nya at pinagkrus ang mga braso sa may dibdib habang nakasandal sa kotse nyang si Storm.

Akala ko ay ibinigay na ng buo ni President Wang kay Zai yon dahil si Zai naman ang naghirap maghulog don at magbayad para kay Storm.

"Kung ganoon paano ka makakapagdown sa kukunin mong apartment?" tanong ko. Dahil kung ang pera nyang naipon ay ibibili nya ng motor paano na ang pangdown ng apartment? Alam naman siguro ni Zai na may kamahalan ang mga klase ng motor ngayon.

"Kaya nga ako nagtatrabaho." sagot nya. Oo nga naman Hope. Shungaers ka talaga!

Pero-- "Bakit ba kasi kailangan mong umalis pa ng mansyon ng presidente?" tanong ko dahil nakakapagtaka. Alam kong di naman sya pinapalayas ni President Wang.

"Nag-ampon na si Silver at ang gusto nya doon sa kwarto ko tutuloy ang bagong salta." matabang na sabi ni Zai. Kaya pala.. Ang daming kwarto sa mansyon doon nya pa naisipan patuluyin sa kwarto ni Zai ang aampunin nya. Grabe talaga gusto nya lang mapaalis si Zai doon sa mansyon. Gagawin nya talaga lahat ng paraan.

"Ingat sa pag-uwi." yon lang at sumakay na si Zai sa kotse nya. Bumusina lang sya ng isa at pinatakbo na ito. Hindi ko man alam lahat ng pinagdadaanan mo Zai pero nararamdaman ko naman ang bigat ng dinadala mo.

Malungkot akong sumakay ng kotse ko at nagmaneho na pauwi. Hanga ako kay Zai dahil kinakaya nya ang mga problema nya at ginagawan nya ng paraan sa sarili nyang pagsisikap. Sana kaya ko rin gawin ang mga kayang mong gawin Zai. Malungkot na sabi ko sa sarili. Hanga ako sa kaibigan ko matatag sya at hindi mo sya basta mapapatumba. Isa nga syang tunay na gangster.

itutuloy ..

Continuă lectura

O să-ți placă și

2.8M 72.6K 47
Eerrah Ferrer loves causing trouble to the extent, sending students to Hospital does not bother anymore in order to get another expulsion from her cu...
23.3M 778K 60
Erityian Tribes Series, Book #3 || Cover the world with frost and action.
350K 6.8K 88
Isang babae na subrang cold or subrang sungit.Hindi man lang ito namamansin kapag hindi mo inuunahan. Pilosopo din itong babaeng to. Pero ano Kaya a...
1.4M 45.6K 63
Astreille knew her capability as a hacker and how her strength in that field can ruin someone else's life. For years, aside from writing stories, she...