Man and Wife (Wifely Duties 2...

By FGirlWriter

2.3M 76.9K 18.4K

A Sequel to Wifely Duties: The heart never forgets. But what if it does and never remembers back? Written ©️... More

Content Warning & Disclaimer
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Epilogue

Chapter Four

67.3K 2.2K 459
By FGirlWriter

CHAPTER FOUR

*Weakness does not last.

Its length depends on one's choice

to conquer his own. *

***

IT'S SUNDAY. Reeve promised his children that after church, they'll go to a mall and buy them new toys.

Ngunit napakasama ng pakiramdam niya. He started to sneeze non-stop. He could have catch a cold yesterday when it rained hard. Naulanan ba siya kahapon? Hindi niya maalala.

He tried to open his eyes, but his vision became blurry. Napaungol siya at napabaluktot ng higa sa kama. Then he sneezed, again and again. sunod-sunod.

Hindi naman siya sipunin at sakitin. Siguro dahil mahilig si Agatha na gawan siya ng mga masusustansiyang pagkain na pinapadala nito sa opisina niya palagi tuwing tanghalian at merienda. Lagi pang may kasamang kalamansi, lemon, pineapple, o orange juice. Pampataas daw ng immune system.

But since she went missing, no one does it for him anymore. No one cares for him like Agatha did.

Bago pa siya malunod na naman sa pangungulila rito ay mabilis niya nang inabot ang phone para tawagan ang mga magulang. Malapit nang magising ang mga anak niya at baka kapag nagpumilit siyang bumangon ay mahawahan niya pa ang mga ito.

He called his father first. Buti at gising na ito ng ganoon kaaga. Pupunta daw ito. Sunod na tinawagan niya ay ang ina. Gising na rin ito at nangakong pupuntahan sila.

"Ilalabas muna namin ang mga bata, anak," his mother said when she arrived. "Sasamahan ko si Roman at ang mga bata sa simbahan. Pagkatapos ay ipapasyal sila ng Papa mo at babalikan naman kita dito."

"I'm going to be okay, Ma." He sneezed. "Maybe I just need some bed rest."

"Nagulat yata ang katawan mo sa mga gawaing bahay at pag-aalaga sa mga anak mo."

Siguro nga. Napakalamig din ng panahon kahit pinatay niya na ang aircon. "Just be with the kids, Mama. Samahan mo si Papa sa pag-aalaga sa kanila. Hindi sila kakayanin ni Papa. Dahil ako mismo mag-isa, hindi ko pa sila masyadong kaya."

"Sigurado ka ba, Reeve?" Punong-puno ng pag-aalala ang mga mata nito. "Gusto mo bang tawagan ko ang family doctor para—"

"I'm going to be okay, Mama. Pinainom mo na rin ako ng gamot kanina. Siguro pagbalik niyo ng mga bata mamayang hapon o gabi ay maayos na 'ko. I hope they'll understand..."

"Mukha namang naiintindihan nila. Riana wanted to kiss you before we leave pero sabi mo nga baka mahawa pa ang mga bata kapag lumapit sa'yo."

Itinaas niya ang comforter hanggang sa leeg. "Go ahead, Mama." Pinikit niya ang mga mata. "I'll call if I can't really handle it..." nanghihinang sambit niya.

Hindi na matandaan ni Reeve kung umalis ba agad ang Mama niya. Nakatulog na siya ng malalim. Nagigising-gising siya ng kaunti dahil sa pagbahing.

Nagising lang siya ng tuluyan dahil sa pagkalam ng sikmura. Dinilat niya ang mga mata.

"Reeve?"

May naaninag siyang mukha ng babae. Nakatunghay sa kanya. Why is she here?

Napaungol siya ng makaramdam ng pananakit sa likod. Matagal na siyang nakahiga siguro.

"Is he waking up?" tanong ng pamilyar na boses ng lalaki.

"I guess so. Naghanda ka na ng pagkain niya?"

Napakunot-noo siya nang makilala ang mga boses.

"Sure do! Paborito ni Reeve ang hinanda ko. Reeve, gising ka na ba? Yuhoo! I'm here, you're most handsome best friend with your only ex-girlfriend Lana!"

Tila matutuloy na sa trangkaso ang simpleng sinat niya.

"Reeve? Reeve?! Reeve!" Niyugyog siya ng malakas sa balikat nito.

"Goddammit, Prince!" he blurted out, pissed.

Natawa ito at pilit siyang hinila pabangon.

"Why are you here?" naiinis na tanong niya rito. Natutuwa naman siyang makita ang kaibigan, ngunit sa ganitong oras pa?

Ngumisi ito. "Nalaman namin ni Lana na may sakit ka. Walang mag-aalalaga daw sa'yo sabi ni Tito Roman. Kaya nagprisinta akong samahan ka, bro. Miss kita, eh."

Si Lana na lang ang binalingan niya. "Alam ba ng asawa mong nandito ka?"

Pinsan ni Agatha ang napangasawa ni Lana. At mula nang tumagal na at hindi pa rin mahanap si Agatha ay nagsimula nang magalit sa kanya ang mga pinsan nitong lalaki. He can't blame them. He's mad at himself, too.

Tumango si Lana at nginitian siya. For a moment earlier, Reeve thought he saw Agatha. Their resemblance is still striking.

"Dylan knows."

"Pinayagan ka niya?"

"Ahm, pinilit ni Prince."

"Wala siyang palag!" pagmamayabang ni Prince. "Tayong tatlo naman talaga nila Reeve ang original na magkakaibigan. Kahit ayaw ng asawa mo, wala siyang magagawa dahil kami ni Reeve ang nauna sa buhay mo."

"Hmm. Actually, nagkakakilala na kami ni Dylan nang mga mas bata pa kami. Elementary?"

"That does not count because you didn't become friends. Hindi katulad namin ni Reeve. Ako, half-brother mo pa. And Reeve was your first love!"

"Prince!" magkasabay na nilang saway dito ni Lana.

Damn! He suddenly missed his children. Mas ayos lang ang ingay ng mga anak niya kaysa kay Prince.

Tumawa ito. "Kain ka na. May hinanda kami ni Lana na pagkain." Nakangiting binalingan ni Prince ang larawan ni Agatha sa bedside table. "Hello, Agatha. We'll take good care of your husband here. Don't get jealous with Lana being with Reeve, alright? Nandito ako para bantayang walang ika-anim na utos ng Diyos ang malalabag—ouch!"

Binatukan na ito ni Lana.

Napabuga ng hangin si Reeve at tinanggap na ang pagkaing hinanda ng mga ito. While eating, Prince keeps on talking while Lana is really the one tending to Reeve's needs.

"Nagagalit na din si Trisha sa'yo dahil best friend niya naman ang nawawala. Pero sabi ko sa kanya, mag-away na kung mag-away kami, but I'll stand on your side," kuwento ni Prince. "It's easy to blame you because you're taking all the blame, Reeve. Pero ipagtatanggol kita dahil alam ko sa lahat na ikaw ang taong hindi gugustuhing mawalan dahil sa mga nangyari noon. Of all people, you're the first person who would not want to lose Agatha."

Lana sighed. "I tried to talk with Dylan. Ganyan din ang sabi ko. Oo at may mga naging pagkukulang si Reeve pero hindi iyon sapat para ibunton ang galit sa kanya."

"Let them get mad," aniya pagkatapos kumain. "They have the right. I admit I neglected my wife because of work. Alam ko kung gaano ka-importante sa kanila si Agatha. Hindi sila naniniwalang nawalan ako ng oras dahil sila, handang maglaan ng kahit ilang oras kapag tinatawag sila ng asawa ko."

"Dapat matutunan din nilang intindihin, dude. Ang nangyari kay Agatha, aksidente. Ang issue niyong mag-asawa, labas doon. It's true that God takes away people that we take for granted. But it's a lesson for you to take. And you must take it with our support, and not with our anger. Lahat tayo dito, mahal si Agatha."

Napatango-tango din si Lana.

Magkasalubong ang mga kilay ni Prince. "Dapat hindi nagagalit sa 'yo ang mga Anderson. Aba at inisa-isa nilang asawahin mga pinsan mo. Kamag-anak ka, a part of the family in all degree. Hindi 'yong tinuturing kang kaaway. Ang tatanda na natin, o!"

"Bakit ba parang mas apektado ka?" tanong dito ni Lana.

"Right. You should calm down, Prince."

"Nababanas kasi ako kay Johann, eh," tukoy nito sa kapatid ni Agatha na naging malapit na kaibigan din ni Prince. "Nang malaman niyang kampi ako sa'yo, hindi na 'ko kinausap!"

Reeve sighed. Hindi na rin siya kinakausap ni Johann. Noong mga unang buwan ng pagkawala ni Agatha ay kasama pa si Johann sa nagpapalakas ng loob niya. But recently, he's been silent.

Hindi naman nito pinapakitang galit sa kanya. Ngunit tumigil na rin ang pakikisimpatiya sa kanya. The once jolly brother-in-law he had become serious and cold towards him.

"Galit ka lang pala dahil deadma si Johann sa'yo," tawa ni Lana. "Do you miss him already?"

Lumabi si Prince na tila isang bata. "Slight."

Lana laughed. Napapailing na lang si Reeve habang nangingiti. May bago na namang kuwento si Prince maya-maya. Reeve found himself entertained.

Lihim niyang pinanood ang magkapatid, ang dalawang kaibigan niyang minsan na siyang nasaktan pero dahil doon ay nakilala niya si Agatha at natutunan niyang magpatawad.

I still have friends, after all... He has someone who can openly share everything with.

"Hey, can I say something?" mahinang sabi niya na nagpatigil kay Prince.

"Sure," nakangiting sabi ni Lana. "What about?"

Sumandal siya sa headboard ng kama at tinignan ang mga ito. Reeve usually opens up with Agatha only. Para sa kanya, ang asawa ang pinakamagaang sabihan ng mga problema. But she's not here, and Reeve's been keeping a lot of emotions on his own lately.

"I f-failed. As a husband. And just this week, I've found out that I have mostly failed at being a father. I failed as a m-man..." He did his best to keep his voice whole. "I can barely keep up with my children's different attitudes. Added the fact that I'm painfully missing my wife every second. I'm too afraid I would screw everything, again, because I did screw everything while Agatha was still here. Paano pa ngayong wala siya?"

Napayuko si Lana. Nag-iwas ng tingin si Prince. The emotion got heavier for the three of them.

"I'm sorry you have to go all through this, Reeve," Lana cracked the silence.

Napasinghot siya. "I deserved it."

Prince is surprisingly quiet, not dropping his classic jokes.

"Gusto kong mas mapalapit sa mga anak ko. That's why I still honor Agatha's decision not to get even one nanny or maid. Because she likes everything in this house be worked hard by us. Hanggang sa mga bata. She wanted us to know them, be very familiar and close with them." Napasabunot siya sa sariling buhok. "But I think I can't keep up with them. I'm a loser for a father."

"Reeve, maraming paraan para mahuli mo ang loob ng mga anak mo," ani Lana. "I can share some ways. Si Prince din."

Tumango-tango si Prince. "Puwede kitang tulungan! Humingi ka sa'min ng tulong. Hindi ka naman 'others'. And most importantly, if you think you're a loser, you will be a loser. You are what you think. And if you keep on degrading yourself because of what happened before, hindi ka makakabawi niyan."

"We all fail as parents, Reeve," dagdag pa ni Lana. "But failure is a room for improvement. Pati bilang mag-asawa, nagkakamali tayo. Oo, malaki ang pagkukulang mo kay Agatha. At wala pa siya ngayon para makabawi ka. Then, try to make it up to your children instead."

"Kung iniisip mong hindi mo mapapantayan si Agatha kaya loser ka, mali ka doon." Tinuro pa siya ni Prince. "Reeve, iba talaga si Agatha. Iba si Trisha, Iba si Lana, at iba tayong mga asawa nila. We should have our own way with our kids. Dapat lang uniformed ang principles na tinuturo natin. But the way we bond with them? Iba-iba iyan."

"That's true," sang-ayon pa ni Lana sa kapatid nito. "Alam kong hindi kami ang unang magsasabi nito sa'yo. Yet, focus on your children, Reeve. 'Yung energy mo sa pag-iisip mong hindi mo makakaya, gamitin mo sa mga bata. Even the time you spend wallowing over Agatha's disappearance, spend that time planning for activities that your children will love instead."

"Pero hindi ko kaya kalimutan si Agatha..."

"No, you're not going to forget about her," Lana said. "But you should spend more of your time and energy on the things that is still here, Reeve. Like your children."

"I-I know but—"

"You're not yourself anymore, Reeve. Gusto mo bang sa pagbalik ni Agatha makita ka niyang ganito? Gusto mo bang manatiling ganyan? If Agatha could see you like this, she wouldn't be happy." Prince crossed his shoulders. "Let go of Agatha for a while and hold your children tighter."

Napatingin siya kay Prince. Hindi makapaniwala. Let go of... Agatha? Napailing-iling siya. His emotions crumbling inside his chest.

"It does not mean your love for her will be lesser, Reeve. Hindi rin ibig sabihin na ititigil mo na ang paghahanap sa kanya. It's just that, it's better if you'll surrender her to God's hands now."

Reeve's whole system wanted to disagree. Napakuyom siya ng mga kamay. His faith... he had lost it, too.

The whole room fell silent. Maya-maya pa'y bumukas ang pinto at pumasok ang asawa ni Lana.

"Let's go home, Allana." Hinila nito sa braso ang asawa.

"Dylan, sandali lang. Nag-uusap pa kaming tatlo—"

"You know, let Reeve regret everything he had done. Don't pacify him." Matatalim ang tinging ipinukol nito sa kanya. "Siguro kulang pa ang pagsisisi mo. Siguro hindi pa sapat ang nararamdaman mong sakit para maawa sa'yo ang Diyos at ibalik sa'tin si Agatha."

"Dylan, honey, ano ka ba? Hindi mo dapat iyan sinasabi kay Reeve—"

"No! That ass should be slapped with all the truths in this world. Madali na ngang binigay sa kanya ng Diyos si Agatha, sinayang niya pa. Nadamay pa ang mga bata." Pinukol na naman siya nito ng matatalim na tingin. "Kung hindi lang ako pinipigilan nina Kuya Bari, I'll fucking shoot your head off your body!"

Tumayo si Prince. "Dude, wala namang ganyanan. We're family here. Sa pagbalik ni Agatha, doon puwedeng maayos lahat ng issue nilang mag-asawa. Hindi na tayo kailangang dumagdag pa. Reeve's already hurting," pagtatanggol sa kanya nito.

Umiling si Dylan at hindi pinansin ang sinabi ni Prince. Tinignan siya ulit nito. Nagbabaga ang mga mata sa poot. "Alam mo kung ano ka na noon pa, Reeve? You're a weak piece of shit."

"Tumigil ka na sabi!" sigaw dito ni Lana bago bumaling sa kanya. "I'm sorry. Aalis na kami. Magpagaling ka, Reeve."

Dylan stormed out of the room. Sumunod si Lana pagkatapos siyang ibilin kay Prince.

"I thought he was just acting," Prince said. "Pero mukhang hindi na nila kayang idaan sa biro ang mga ito."

"Mama told me the Andersons hired their own private investigator," mahina niyang sabi. Reeve suddenly became numb. Masakit ang mga sinabi ni Dylan. At naramdaman niya ang pagkamuhi sa bawat salita at tingin nito. Pero hindi siya nagagalit dito. Siguro wala siyang karapatang magalit dahil totoo.

"Reeve, huwag mo na lang pansinin ang mga sinabi ni Dylan. Galit lang 'yon at saka alam naman natin na dati rin siyang may gusto kay Agatha. At sa lahat ng magpipinsan, kay Agatha siya pinakamalapit."

Tumango siya. Humiga na lang siya muli at ipinikit ang mga mata. "Go home, too, Prince. Baka mag-away pa kayo ni Trisha. You have great relationships with your families. Sasabihan ko rin ang mga pinsan ko. Ayokong may madamay pang ibang relasyon dahil sa kampihan. In the first place, you shouldn't side with me."

Dahil kahit sarili niya, hindi niya kakampihan o ipagtatanggol man lang.

May gusto pang sabihin si Prince, ngunit napansin ni Reeve na pinili na lang nitong huwag ituloy iyon.

Napabuga ito ng hangin. "Okay, I'll go. Pero pag-isipan mo ang mga sinabi namin ni Lana kapag bumuti na ang pakiramdam mo. Huwag mong pansinin si Dylan. Galit lang 'yong tao."

When Reeve was all alone, again, he lay down and turned to Agatha's side of the bed. Kinuha niya ang paboritong unan ng asawa. Niyakap niya iyon.

Umaalingawngaw sa isip niya ang mga sinabi nina Lana at Prince. Then, Dylan's angry remark.

Mas naramdaman niya ang pagsama ng pakiramdam.

Siguro nga, kulang pa ang pagsisisi niya. Kulang pa ang nararamdaman niyang sakit. Dylan's right, he's a weak piece of shit.

But he can't continue being one if he wanted not to lose his children, too.

"Fallin' out, fallin' in, nothing sure in this world. No, no..." kanta niya sa nanghihinang tinig. Agatha would always sing for her when he's sick, sad, or disturbed.

Agatha has the gentlest voice that can calm his whole system. Napahigpit ang yakap niya sa unan. Sinubsob ang mukha doon.

"Breakin' out, breakin' in, never knowing what lies ahead... We can never really tell it all..."

Reeve has to make a firmer choice after this.

"Say goodbye, say hello to a l-lover or friend, sometimes we never could understand why some things begin and just end..." Humikbi si Reeve. "W-We can really have it all..."

Before he could finish the song, his tears gave in, once again. Maybe the tears won't stop falling because he has no intention to stop on crying for Agatha. "Sweetheart..." bulong niya na siya lang din ang tanging nakakarinig.

***

"SWEETHEART..."

Natigilan si Seline sa pagsusuklay sa buhok ng anak. Naririnig niya ba talaga iyon o isa lang iyong boses sa alaala niyang nawala?

Tuwing naririnig niya iyon, nakakaramdam siya ng hindi maipaliwanag na pakiramdam. Hindi niya sinasabi iyon kay Niel dahil ibang lalaki nga ang nagmamay-ari ng boses. Baka magtampo pa ang asawa niya na ibang lalaki pa ang naaalala niya.

But it's just a voice. At hindi pa sigurado si Seline kung siya ba talaga ang tinatawag. But a part of Seline is convincing her that she knew it was her.

"Inay, hindi pa uwi si Itay?"

Inignora na lang niya ulit ang narinig at saka tinuloy ang pagsusuklay kay Sasa. "Hindi pa. Nagta-trabaho kasi ngayon si Itay ng magdamag. Kailangan kasi natin ng pera para masabihan ulit ang mga pulis tungkol kay Ate Ganda. Pero malapit na rin siyang umuwi. Bukas, makikita mo na ang Itay mo."

Hindi makakuha ng sideline sa construction si Niel, kaya tinanggap na lang nito ang isa pang shift sa minahan. Isang linggo na nitong ginagawa kaya hindi na ito nakikita ni Sasa. Pero patapos na rin naman iyon ngayong araw. Ang alam niya ay uuwi na si Niel mamayang madaling araw.

Pagkatapos niyang suklayan ang anak ay pinatulog niya na ito. Natulog na rin si Seline ngunit mababaw lang para magising siya pagdating ng asawa.

Nagising siya ng mga bandang alas-kuwatro. Bumangon siya at inayos ang sarili. Kinintilan niya ng halik sa noo si Sasa na mahimbing na mahimbing pa ang tulog. Lumabas siya sa kusina at nagsimulang magluto ng pagkain para kay Niel.

Dumating ang asawa niya pagkatapos niya mismong makapagluto ng tinapa at sinangag.

"Magandang umaga..." tila pagod na pagod na bati nito.

"Magandang umaga. Naghanda ako ng almusal," nakangiting sabi niya rito. "Kumain ka muna bago ka magpahinga."

Tumango ito at umupo sa hapag. "Kumusta kayo ni Sasa?"

"Maayos naman kami. Napagkasya ko naman ang iniwan mong panggastos habang wala ka." Doon na rin kasi ito natutulog sa site para daw hindi na ito gagastos ng pamasahe para sa ikalawang shift. "Ikaw, kumusta?"

"Nakuha ko na ang sahod ko ngayon kasama na ang pagta-trabaho ko ng magdamag ng isang linggo," matamlay ang boses nito kahit nakangiti. "Makakapunta na ulit ako sa sentro para i-report ang tungkol sa singsing at kung saan posibleng parte ng pamilya ang babae."

Tinignan niya ito ng mabuti. Ang bagal kasi ng mga kilos nito habang kumakain. Laglag ang mga balikat nito. Alam niyang pagod ito pero...

Awtomatikong dumapo ang kamay niya sa noo nito. "May sakit ka?" Mainit ito ng bahagya.

Iniwas nito ang noo. "Sinat lang. Gagaling din 'to."

"May gamot akong naitabi. Sandali lang." Bumalik siya ng kuwarto at walang ingay na nakuha ang naitabing paracetamol. Paglabas niya ay parang hirap na rin si Niel na maubos ang pagkain.

"Ayaw mo na bang kumain?" nag-aalalang tanong niya.

"P-Pasensya na. W-Wala lang akong gana—" Umubo ito. Tumayo ito at naghugas ng kamay.

"Inumin mo 'to," sabay abot niya sa gamot at tubig.

Agad naman nitong ininom iyon. "Bumalik ka pa sa pagtulog, Seline. Itutulog ko lang rin 'to. Mamayang umaga, ayos na 'ko."

Nilagpasan na siya nito at humiga na sa papag sa sala. Nagkumot ito hanggang leeg.

Hindi magagawang bumalik lang ni Seline sa pagtulog habang masama ang pakiramdam ng asawa. Niligpit niya lang ang pinagkainan nito at saka tinabi ang natira pang pagkain.

Pagkuwa'y nag-init siya ng tubig at kumuha ng bimpo. Kusa ang pagkilos ng katawan ni Seline. Parang hindi ito ang unang beses na nag-asikaso siya ng asawang may sakit.

Lumuhod siya sa gilid ng papag ng asawa. Dinama niya ang noo ni Niel. Mas mainit pa ito kaysa kanina! Napaungol ito at halata sa buong mukha ang masamang pakiramdam.

Naglagay siya ng maligamgam na tubig sa maliit na palanggana. Nilublob niya ang bimpo doon at saka piniga. Pagkatiklop niya ng maayos ay ipinunas niya iyon sa mukha ng asawa.

"Seline..." ungol nito at bahagyang idinilat ang mga mata.

Nginitian niya ito. "Magpahinga ka lang. Ako nang bahala. Pababain lang natin ang lagnat mo."

"P-Pasensya na..." Napapikit ito at bumigat ang paghinga.

"You don't have to be sorry," aniya. "Asawa kita kaya dapat lang na alagaan kita."

Kahit naman hindi siya komportable pa rin dito, hindi sapat iyon para hayaan niya lang ito habang may sakit.

"At sa tingin ko, nasagad mo ang katawan mo ngayon sa trabaho. Ginagawa mo ang lahat para sa'min ni Sasa at sa pasyente natin." Tiniklop niya na ang bimpo pagkatapos mapunasan ang buong mukha at leeg nito. Inilublob niya ulit iyon sa maligamgam na tubig, pinigang mabuti, at saka ipinatong sa noo nito.

"Pasensya na..." hingi pa rin ng tawad nito.

Umiling siya. "Ako ang dapat magpasensya. Hindi ko pa rin kayang gawin ang ilang tungkulin bilang asawa mo, Daniel. Pinipilit ko naman pero sa ngayon, ito lang ang kaya kong gawin. Hayaan mo 'kong asikasuhin ka," mahinhing wika niya.

Idinantay niya ang kamay sa braso nito. Seline gently stroked his arm, softly. Nasorpresa siya sa sarili nang kantahan niya ito bigla. But it felt like it's the most natural thing to do.

Gusto ni Seline na kantahan ito, baka sakaling bumuti ang pakiramdam nito kapag mas naging relaxed ang katawan.

"But, oh, can't you see? That no matter what happens, life goes on and on..." Hindi niya na pinag-isipan maging ang kanta. It came out naturally like she used to sing it before. "So, baby, just smile... 'cause I'm always around you... And I'll make you see how beautiful life is for you and me..."

Hindi niya akalain na marunong pala siyang kumanta.

"Take a little time, baby. See the butterflies' colors..." she sang softly as she continued gradually stroking his arm. "Listen to the birds that were sent to sing for me and you..."

"Seline..." bulong ni Niel. Hinuli nito ang kamay niya sa braso nito. Hindi na lang niya binawi ang kamay kahit pa iyon ang sinasabi ng sistema niya.

May sakit ang asawa niya. Hindi niya muna dapat isipin ang sarili.

Hinayaan niya itong hawakan ang kamay niya. Masuyo nitong hinalikan iyon at ipinatong sa dibdib nito. Sa mapupungay na mga mata ay sinalubong nito ang mga mata niya.

"Mahal kita," wika nito.

Napakurap-kurap siya. Mula nang aksidente, ngayon niya lang narinig dito iyon.

Pumikit na ulit ito. Hindi naghintay ng katugon mula sa kanya. Nakahinga ng maluwag si Seline. Hindi niya alam kung paano tutugunin iyon dahil kasama ng mga memorya niya ay pati ang damdamin niya kay Niel, nakalimutan niya na rin.

Hinintay ni Seline na bumaba ang lagnat ni Niel. Pagkasikat ng araw ay hindi na ito ganoon kainit. Hindi rin nito binitawan ang kamay niya.

Matindi ang pagnanais ni Seline na bumalik ang pagmamahal niya sa asawa. Iignorahin niya na lang ba ang damdaming pumipigil sa kanya na makipaglapit dito?

Baka kaya lang may tila pumipigil sa kanya dahil hindi niya pa magawang maniwala na ito talaga ang buhay niya?

Paano kung simulan niya na lang maniwala na ito talaga ang buhay niya bago pa siya mawalan ng memorya? Kung sa pagtanggap niya, siguradong wala na ring pipigil sa kalooban niya na mapalapit muli ang loob niya sa asawa...

Isa pa ay si Sasa. Nais niyang lumaki ito sa isang mapagmahal na pamilya. Gagawin niya ang lahat para sa anak, iyon ang sigurado siya kahit wala pa ang mga alaala niya.

Niyuko niya si Niel na mukhang bumuti na ang pakiramdam dahil sa kapayapaan sa guwapo nitong mukha.

"Magpagaling ka..." Hinaplos pa ng isang kamay niya ang buhok nito.

Siguro siya lang ang nag-iisip na maling lalaki si Niel. Pero may anak na sila, kasal sila, asawa niya ito... she should always think the best of him.

Siguro dapat niyang pag-aralan ang mahalin ito.

***

REEVE smiled at his children. "We're going to have a new schedule."

"New schedule?" nagtatakang tanong ni Rainiel. "What's that?"

Nang gumaling si Reeve mula sa sakit, bigla ring luminaw bigla ang isip niya. At sa lahat ng sinabi nina Lana, Prince, at Dylan, isa lang ang naging desisyon niya;

He'll stop being weak and a loser today.

"We'll simply change a little bit of our routine. You will have a Daddy time," aniya sa masiglang tinig.

Hindi lubos maintindihan ni Reeve ang sarili. But he felt lighter in the heart since his fever ended.

"Daddy time?" nakangiting sambit ni Riana. "That sounds fun, Daddy!"

"Yes, it is. And Daddy will have Rade time, Adam time, Riana time, and Rainiel time."

Nagsalubong ang mga kilay ng panganay niya. "That's too many."

"Every day, you will help me take care of your siblings whenever it's not your Daddy time."

On Mondays, he'll spend most of his time knowing about and taking care of Rade. And also, that's Rade's "Daddy time" with him.

"Monday is 'Rade time' for Daddy. Rainiel and Riana, you must look after Adam for me while it's 'Rade time' for me."

"Ohhh!" Riana's eyes twinkled. "When is 'Adam time' for Daddy?"

"Wednesday is Adam's 'Daddy time' and my 'Adam time'. You have to take care of Rade. And Friday is my 'Riana time'."

Pumalakpak si Riana. "Friday is my Daddy time!"

Tumango siya at binalingan si Rainiel. "Every Friday, Grandma will come here to help you look after Rade and Adam."

"When is Kuya Rainiel's Daddy time, Daddy?"

"Every Saturday."

"I have soccer practice every Saturday," angal ni Rainiel.

"Then, I'll come with you."

Hindi ito kumibo pero nakasimangot. Sinadya niyang Sabado ang "Rainiel time" niya para masuportahan ito sa pagsa-soccer. He's already nine and inclined with the sport Reeve used to play when he was younger. Naisip niyang, doon sila magkakasundo ng anak. Mapapalapit ang loob niya rito.

"Monday is Rade's 'Daddy Time', Wednesday is for Adam, Friday is for me, and Saturday is for Kuya Rain," Riana recited. "How about Tuesday, Thursday, and Sunday, Daddy?"

"Tuesday and Thursday are my Rade, Adam, Riana, and Rainiel Time, altogether. Sunday is... God's time for all of us."

"Wow! I like that, Daddy," Riana squeled.

"Thank you, darling. You'll help Daddy, right?"

"Yes!"

"How about you, Rainiel?"

"I'll think about it first." Nagkibit balikat ito.

Tumango lang si Reeve. He'll give his son some space to think it over.

Reeve served their breakfast on time. The babies don't have to cry for milk. Kailangan niya lang palang gumising isang oras bago magising ang mga anak, para maihanda ang lahat.

Prince and Lana were right. Focusing his energy on his children more will help him keep up with them. He has to lessen crying over Agatha's disappearance.

His choice was to also let go of Agatha. Not because he's given up finding her. But because Reeve loves Agatha so much, that while she's away, he promised he'll never fail her, again.

At isa pa. Hindi ibig sabihin na nawawala ang asawa niya ay hahayaan niya ring mawala ang tiwala niya sa Diyos. Agatha did help him believe in love and God, again. Loving her is keeping the wisdom she shared and the faith she's most proud of.

Reeve will learn to be the father his children most deserved today.


***

Follow my official FB Pages:

FGirlWriter and C.D. De Guzman

~~~

Join our family!

FB Group: CDisciples

Twitter: CDisciplesHome

Continue Reading

You'll Also Like

3.4M 86.8K 21
Kasal-kasalan. Bahay-bahayan. Paano bang hindi mahuhulog ang loob nina Erica at Charlie sa pagpapanggap nila bilang mag-asawa? Written ©️ 2015-2016 (...
529K 21.7K 19
Delos Santos Family Series - Auxiliary: Sa huling taon ng buhay niya, may pag-asa pa bang magpatawad at mapatawad ang isang Santino Pierre Delos Sant...
3.6K 195 5
Patrick Lauchengco of Apollo's Heartbreak 10/14/2022 - ONGOING
6.2M 97.4K 49
Have you experienced fangirling over someone? Napapangiti ka rin ba tuwing nakikita mo siya sa TV? Natutuwa ka rin ba kapag naririnig mo ang boses ni...