Lex's PoV
I smirked. Is she challenging me? She maintain to step to my cap and my face returns expressionless. Tinaasan nya ako ng kilay at iniintay ang aking gagawin. "I told you to fix my cap but you won't listen. Do you know what I always do to people when they don't obey?" I mimicked her when she told me I'm cheap. Their face became curious. In one swift move, I grabbed her collar with both of my hands and drags her in front of my face. The students gasp with my sudden action even the hooligans did. Maybe their not expecting like me to do this on their 'Queens of the school'.
"I'm going to give you a chance to fix it." I remained calm but my voice was deadly. "I won't. A Queen should not follow orders to a low creature like you." She spat. I dragged her on the left side of the hallway and smash her back at the lockers. I could see the pain on her face. She deserves it. The student once more gasp may ibang pipigilan ako but I throw a deadly glare at them causing them to back away. "The cap that you just step has a sentimental value, don't compare it to your life. Because it has more importance on the world than you." I released her on my grasp and she fell on the floor, catching her breath. I remove my vest and fold it and stuff it into my bag. Tsk! Mga walang kwenta. Kinuha ko ang sombrero ko na ngayon ay lukot na lukot at madumi na. Pero bago ako umalis ay may sinabi pa ako.
"Kapag may nangyari uli sa isa sa mga gamit ko hindi lang yan ang aabutin mo." My voice echoed at the hallway because of the silent, and with that I left and went to my classroom.
Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa classroom ay mga lumilipad na mga papel agad ang bumulaga sakin kaya kailangan ko pang umiwas para hindi ako matamaan. Nagbabatuhan na naman sila, akala mo naman mga elementary. Umupo na ako sa aking upuan at nilingon ang bintana sa tabi ko. There's no doubt na kakalat ang balita na parang kidlat ang ginawa ko. Ano naman ngayon? Should I cower in fear? Psh! Asa sila. Maya-maya pa ay dumating ang aming class president. Akala ko sisitahin nya ang mga nagbabatuhan pero lumapit sya sakin. I stared boredly at him and rest my chin on my palms. We locked each other in a staring contest. Kahit kailan hindi pa ako natatalo dito. I mastered it.
"Ano na namang pumasok sa kokote mo at gumawa ka nang kalokohan?!" Mataas ang boses ni president kaya napatigil ang mga kaklase ko sa kanilang ginagawa at napatingin samin. Anong problema nito? "What do you mean Mister President?" I asked. "I just got a report na sinaktan mo daw ang isa sa mga Queens."
"Paano mo naman nasabi na sinaktan ko? May ebidensya ka ba? Nandun ka ba nung nangyari yun? Alam mo ba ang dahilan? Gagawa ka agad ng isang konklusyon na hindi ka naman sigurado."
"Miss Castillejo. Isa ka sa estudyante ng seksyon na ito. Bilang isang presidente, ginagawa ko lang ang lahat para maging maayos. Gusto kong hindi nasasabit ang pangalan ng seksyong ito sa mga reklamo ng mga tiga- student council. I want our records to be clean."
"A thing that very precious to me isn't just a thing. It has values, and I care for it. Ang sino mang magtangka na sirain ito, hindi ako magdadalawang isip na ipatapon sila sa Bermuda triangle." It was half mean half joke. His eyes widen ng makita nya kung gaano ako kaseryoso. "Hindi naman siguro mangyayari yun?"
I shrugged. "Who knows."
"Castillejo. Don't let yourself cross path with them again." Sabi nito at umalis saking harapan.
Abno ba yun? How could I do that kung nasa iisang school ang pinapasukan namin? Ito talaga si president aakalain mong may tama sa utak.
"Lex!! I heard what you did to the Queen!" Humahangos pa si Crisha papasok sa classroom. Binigyan ko lang sya ng nakaka-bored na look. Ano naman ang paki ko? Inilagay ko sa ilalim ng aking desk ang kaawa-awang sombrero.
"Kung akala mo magpapaapi na lang ako sa mga yun nagkakamali ka." Sabi ko sa kanya at umubob na lang. Kakaantok ngayon araw. Naramdaman ko naman syang umupo sa upuan nya.
"Hindi nama yun ang sinasabi ko eh. Tsaka bagay lang sa kanila yun. The more that I concern is you. Kinalaban mo ang Black D. at ang mga Queens. Malakas ang impluwensya nila Lex! Baka kung anong gawin nila sayo!" Hindi pa sya nasiyahan at niyugyog ako. Tsk! Kahit na katiting hindi ako nakakaramdam ng takot sa kanila. Akala mo kung sino, asa naman sila sa miyembro nila at hindi kayang makipaglaban mag-isa.
"Don't worry about me okay? They should worry themselves." Tumunghay na ako at umupo ng ayos dahil dumating ang amung adviser. Napatingin sakin si Sir. Wag mong sabihin na le-lecture-ran nya ako dahil sa ginawa ko sa Queen. Pero nginitian nya lang ako at nagsimula ng magturo.
Ayos naman ang naging takbo ng klase. Wala pa kaming ginagawa ngayon dahil wala pa ang susunod naming teacher. Pinalibutan ako ng mga kaklase ko dahil sa nangyari kanina. Parang hero lang? Alam ko namang babawi yung mga walking clowns na yun. And it makes my study here got a thrill.
I just found out na sunod-sunuran pala ang mga estudyante dito sa mga clowns na yun at dun daw sa Black D. Mga palakad nila, ano pang silbi ng student council kung hinahayaan nila ito? Wait lang. Ano bang pakialam ng student council? This is between me and those two groups.
Nagsialis na sakin yung mga kaklase ko dahil biglang dumating ang sunod naming teacher. Pero nagtaka kami ng adviser namin ang pumasok. Eh? Mamaya pa syang tanghali ah. May dala-dala syang mga folder na parang naglalaman ng mga reports. Inayos nya ang kanyang salamin na malapit ng mahulog at tumingin.
"Alam kong nagtataka kayo kung bakit ako nandito. Nagbigay ng anunsyo ang ating punong guro sa darating na acquaintance party."
"Eh?! Sir ang aga naman ata!" Reklamo ng isa naming kaklase sa likod. Oo nga naman. Hindi naman siguro nagmamadali ang principal diba?
"Oo nga at masyadong maaga, pero ang acquaintance party na ito ang nagsisilbing Welcoming ng ating school para sa mga freshman at mga transferees na lumipat sa ating school." Paliwanag ni Sir Ryan. Ah.. Ganun ba. Pero nung binanggit nya ang tungkol sa mga transferees kinutuban ako. A-yo-kong mag-suot ng dress. It's very uncomfortable at kailangan ng kaek-ekan. In short kailangang magpakababae.
Nag agree naman ang mga kaklase ko tungkol dun. Ako lang ata ang hindi. Napatingin ako sa unahan ko and our gazes collided. Tatlong upuan lang ang layo nya sakin. His studying my reaction. Alam kong kanina pa dahil ramdam ko ang mga tingin nya.